Binabatikos so Margarita “Tingting” Cojuangco, tiya ni Pangulong Aquino sa kanyang pagtakbo para sa posisyun na bise-gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao na kung hindi maipilit ng Malacañang ang pagpaliban ay gaganapin sa Agosto 8, 2011.
Extended ang deadline ng pag-file ng certificate of candidacy hanggang ngayong araw para sa mga may gusting tumakbo sa posisyun sa ARRM na kinabibilangan ng lima na probinsiya – Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan,Sulu at Tawi-Tawi– at ang lungsod ng Marawi.
NoongMartes , walo ang mga nakapagfile ng certificate of candidacy para sa posisyun ng gubernador: Ephraim Baldomero Defino; Alvarez Silal Isnaji; , Elsie New Orejudos; , Pangalian Macorao Balindong; , Kadra Asani Masihul;Pax Pakung Sandigan Mangudadatu; Sahiron Dulah Salim;Ansaruddin-Abdul Malik Alonto Adiong.
Para naman sa bise gubernador, ang mga nakapag-file na noong Lunes ay sina: Shariffa Ziola Anding Bago; Bashier Dimalang Manalao; Sahiron Dulah Salim; Margarita “Ting-Ting” Delos Reyes Cojuangco; Abdusakur II Abubakar Tan; Abubakar Fatani Sultan Abdul Malik
Ang asawa ni Ting-Ting ay si Jose ‘Peping” Cojuangco na kapatid ng yumaong Pangulong Cory Aquino.
May statement si dating senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel, isa sa mga nagtatag ng Partidong Demokratikong Pilipino ( PDP) Laban na taga Mindanao. Hindi ko na tatagalugin ang pahayag ni Pimentel na ang mensahe ay walang ‘K’ si Tingting para tumakbo sa ARMM dahil hindi siya taga roon. At sino siya para mag-akala na siya ang makapagbigay ng solusyun ng problema ng mga Moro dahil hindi naman siya Moro.
Sabi ni Pimentel: “Tingting shouldn’t be a candidate for any ARMM post. She’s not from there. She is not a resident there. She is not a Moro.
“She’s from Luzon and a resident of Tarlac. Another manifestation of ‘imperialistic intentions’ by individuals who believe they are saviors of the poor Moros who in their minds do not know what’s good for them.”
Mas matindi ang ibang email na nakuha ko. Hindi ko pwedeng i-publish dito ngunit mukhang alam nila ang kasaysayan ni Tingting doon sa ARMM, sa barter trade kasama na sa mga military generals.
Ayun sa report may bahay daw doon si Cojuangco sa Barangay Awang sa datu Odin Sinsuat, Maguindanao at kamakailan, nabalitang nagparehistro siya doon bilang botante. Sabi ni Tingting ayun sa report,hindi naman daw niya pinipilit ang sarili niya ngunit itinutulak daw siya ng mga kaibigan niya at sangkatutak na supporters.
Dating gubernador si Cojuangco ng Tarlac ngunit natalo ng isang miyembro ng pamilyang Yap. Dumikit siya kay Gloria Arroyo at ginawang presidente ng Philippine Public Safety College , paaralan para sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Umaabot sa 2.8 million ang populasyun sa ARMM na ang mga probinsya ay kabilang sa pinakamahirap sa bansa. Ang Maguindanao kung saan ang pamilya Ampatuan ang naghahari-harian ng maraming taon ay kilala ngayon dahil sa masaker ng 58 na tao, 32 sa mga biktima ay mga mamamahayag, noong Nobyembre 23, 2009, panahon ng certificate of candidacy ng mga gustong tumakbong opisyal ng mga probinsya para sa 2010 na eleksyun.
Si Tingting pala parang si Nene Pimentel.
Kahit na walang “K” kung may “P” as in pera which AARM contituents are known to want more than good governance. With the money of Ting Ting, every single voter will be happy for a day, the “vote buying day”.
Kamag-anak, inc. part 2!
Ellen,
Eh, bobo ba siya? Hindi niya gusto but because tinutulak siya ok na yon? What good can she do if her heart is not there. In any case, the people who question her eligibility to run as gov of ARRM are quite right! What makes her think she’s qualified to be governor of ARRM?
Tingting, tama na please! Nakakasira kayong mag-asawa kay Pnoy!
Wala bang requirement ng residency para sa elective official sa ARRM?
Itinulak lang kaya napilitan na kumandidato si Tinting. Neknek mo!!!
Tiyak kasing daming pera dun sa ARRM, mga negosyong gobyerno de armas. Hindi na nagbago ang mga kamag-anak ni Noynoy na ito!
Inaalibadbaran ako dito sa kilos ni Tinting sa totoo lang, quatro cantos ang putragis!
Chi,
Re: “Tiyak kasing daming pera dun sa ARRM, mga negosyong gobyerno de armas. Hindi na nagbago ang mga kamag-anak ni Noynoy na ito!”
BILLIONS ang budget ng ARRM… BILLIONS! Di ba kaya ang mga Ampatuan may Jacuzzi sa bawat kuwarto hahahah?
Baka naman may ambisyong maging ala-ampatuan itong isang ito. Kawawang mga ARRM. The only commodities they know are money and power not for themselves but for those who wish to lord over them. Kaya habang buhay na lang silang aping api. And the ones they put in power, yun ang yayaman ng husto. The cycle continues…
walis tingting.
tulak ng bibig kabig ng dibdib.
Anna, how big kaya ang pagagawang jacussis ni Tinting dun, ayaw patalo sa mga Ampaws e!
This female chameleon can really change colors quick! Hoy, ibalik mo na mga sapatos ni Meldy! 🙂
Hindi sapataos, Chi ha. Jewelry.
Tanong nung magtitinapa: Isinoli na ba yung diamond rosary na bawat bead ay 2-karat perfect-cut? E yung Rolex ni Imee?
At hindi lang mga jewelries, kundi mga paintings and diffrent artifacts. Mga kinulimbat at NINAKAW nuong lusubin nila ang Malakanyang pag-alis ng mga Marcos.
At madaling nilang palusutin ang mga illegal imports at control sa mining at iba pang negosyo duon kaya gusto makuha ang ARMM.
Ex-Tarlac Governor, tatakbong Vie-Gov sa ARMM? Hmmm…
Naaalala ba ninyo yung Taga-Lubao Pampanga na Congressman ng Camarines Sur?
Lintek, Mamang drayber, ito ba yung daang matuwid papuntang impyerno?
A little anecdote.
Back in the early 90s, I believe 91, I was registering for a French class. This was long after low (sorry law) school. Gusto ko lang makita uli ang AS (and the young ladies).
I got to the window for payment, there was not a very long line, dahil last day of registration na. Before I could talk to the staff, biglang may sumingit na butangero type (driver maybe), at sabing magbabayad daw siya, para daw kay Vice Gov Cojuangco. Typcial UP, the staffer said something like “So what kung Vice-Gov pumila ka.”
Pilit pa rin yung butangero, pero kay Vice Gov nga ito. The staffer says, UP ito, lahat pumipila. Punta ka sa likod. Then I asked the thug, sinong Cojuangco? Si Tingting po. Anong kinukuha niya? Ewan ko po. He shows me the Form 5 (memories). It seemed she was taking up Asian Studies, or Philippines studies; some soft course like that; yun bang tapunan ng mga hindi umubra sa Engineering or other quota course.
She, I learned later, eventually earned her Ph. D. (I don’t know if from UP), and I read somewhere that she did a paper on (drumroll please) “The Diaspora of the Sama Bangingi”, or some such profound-sounding title. I don’t know if the Sama would consider her work as scholarly as the likes of William Henry Scott or Otley Beyer – two scholars revered by Pinoy anthropologists.
Sad but true, most of the good scholarly work about us as a people are by foreigners; including indigenous law, pioneered by Owen Lynch. Si Marvic Leonen (sorry Marvic M.V.F. Leonen), isa yang disipulo ni Owen Lynch. It was Owen Lynch who started teaching Philippine Indigenous law in UP. He even was called as resource person by the Philippine Senate on bills about indigenous law.
Re:
Chi, Ellen, Tongue,
Talaga, ano ang ginawa??? Ninakaw as in by a real magnanakaw? Talaga? Baboy rin pala…
Hoy Aleng Tingting, huwag mong pakialaman ang ARRM… huwag mong ambisyonin na magnakaw diyan… puputulan ka nila ng kamay!
As John said:
WALIS TINGTING! Alis diyan!
Ha, hindi pala sapatos? Ooopssie, akala ko may konting hiya, hahaha!
Sabagay, ang intensyon ni Tinting na ‘manghiram’ ng jewelry in Meldy ay pareho kung sapatos ang pinag-interesan. Ngeeek, cheap nya!
Sabi ng isang veteran photographer, si Aling Tinting daw ay may pinakamakinis na sakong, ang kinis-kinis at mala-rosas daw, 🙂
Is Tingting the wife of Danding? Maybe Danding will finance her candidacy para maging kanila na ang AARM. Lots of money in that region. Just see the Ampatuans. There must really be so much money and power that the Ampatuans could kill a lot of people to stay in power. Pera at kapangyarihan nga naman…
Chi, baka araw araw eh nagpapa-foot spa, heh,heh,heh.
Chi,
Talaga??? Wow! Pareho sila ng pet daga (pet rat) ng sister ko 😛 ” pinakamakinis na sakong, ang kinis-kinis at mala-rosas da” …must ask the veteran photographer to take a photo of that particular anatomy of my sister’s pet rat then; guaranteed my sister’s rat didn’t borrow Imelda’s shoes.
PSB,
I think she is the direct sis-in-law of the mother of current president, in other words she’s the wife of Jose; the same guy, who with Boy Sarcon, was plotting to take down Gloria, a plot that was heard nationwide thanks to a reporter who was around. After getting booted out of Tarlac, they now need other sources of income, hence ARRM. That power-hungry husband and wife team that’s always piggy-banking on the Aquinos are up to something not very very good.
Anna, baka kinikiskis ng batong panghilod ang sakong, hehehe. Pero beauty raw si Aling Tinting, I’m not sure kung modelo sya nung bata pa si Sabel or sadyang nasa alta sociedad.
I remember many years back when she was a great beauty. This was during her pre-cosmetic surgery days––she now looks like an absolute witch! Really horrible, especially in person.
Maybe it’s true that your inner self is reflected in the outer you!
today one must see a woman early in the morning to be able to judge her beauty. sabi nga ng marami nuong panahon ni sabel, ang ganda mo’y gandang tala, ang mata mo’y puro muta.
What in heaven’s name is she doing running around in the ARMM? It’s mind-boggling. And where Ting Ting is, there also is her Peping. And where Peping is, there also is his Binay. Binay is reportedly supporting Ting Ting’s candidacy.
What is there in ARMM that is driving these people to such obvious desperate moves in full view of a snickering public?
The nation eagerly awaits the Nephew’s reaction and response.
Si norpil…hahaha! But really, why does she want a power at ARMM? Pa kieme pa kasi vice-gov lang muna daw, delikado ang magiging gobernador. 🙂
parang asawa nya takaw sa kapangyarihan,,, si peping,, ayaw umalis sa poc..kaqyaq yan nakakagulo na ang mga nsa natin parang sa kanyang sarili na ang poc…sa tagal ng history ng sports natin,, nang umupo siya nakagulogulo,,pinolitika nya..mga sports writer namn natin,, karamihan ay tumatangap kaya ayan sa kanya pumapanik kahit na balugtud ang pamamalakad
Madami talaga ang sakim sa kapangyarihan.
Dapat pagka gobernador na lang ang tatakbuhan niya. Para sulit pa ang pangangampanya.
greed for power, typical of filipinos, can someone tell them once they reach 60 y/o, they should focus on their health, see their doctors and prepare their will, in short, make sure everything is in order once they die
Acibig, for some people 60s is the prime of their lives. Tingting may have another 20 yrs of productive life. That is not the point though. It is the lust for power and money that obviosly drive these political families to run in areas where they do not even reside in.
Acibig, the greed for power is NOT typical of Filipinos. Look at Gaddafi, et al who are still clinging to power (and killing their citizenry) after 30 or more years!
#37 psb, Tinting is a typical “what are we in power for” kind of pinoy. She is also a snaky woman successfully posting herself in government positions of past administration.
Lurker, in a way you’re correct takot kasi si dugo ang pinoy, sabi nga ni blogger norpil.
Tingting ng inang yan, nakita ko sa presscon yan kasama pa si Koko Pimentel. Naloko na. Akala ko sabi ng Tatay niyang Nene pa rin, iwan ni Tingting ang ARMM sa mga taga-Mindanao. Tapos yung anak, kada salita ni Tingting tango ng tango ang ulo.
Alam naman natin ang kapangyarihan na meron diyan sa ARMM.
Una, malapit iyan sa mga diyos ng eleksyon. Lahat ng klaseng milagro diyan nangyayari kahit di ka magdasal. Mag-alay ka lang ng sopas sa Makati Shangri-La sabay abot ng maleta. Tanungin pa ninyo si Zubiri, Chavit, Binay, pati si Gloria.
Pangalawa, talamak ang smuggling. Kapitbahay kasi ng mga bansang Muslim kaya, bukod sa walang tax, pamimirata ang pangunahing negosyo. Saan ba nagsimula ang pirated tapes (naging CD/VCD/DVD na ngayon), di ba sa Malaysia? Sino’ng nagkakalat niyan sa MManila? Di ba yung mga bumubulong ng “Dibidi” sa Quiapo, Baclaran, Cubao, Greenhills, buong Pilipinas na siguro. Di ko makumpirma yung tsismis na diyan din ang bagsakan ng sari-saring armas.
Pangatlo, mayaman ang Mindanao sa natural resources – Gold, Nickel, Chromium, Copper, Coal, Natural gas, Oil, marine life, pati lupang sakahin napakayaman at di pa binabagyo.
Kaya nga hindi tumatahimik dahil maraming gustong angkining lahat ng yamang iyan, isama mo pa ang bilyun-bilyong pondong nilulustay ng mga nasa poder. Kaya ngang maglagay ng jacuzzi sa opisina ni Gov sa Kapitolyo e.
Hahaha@Tongue! Ayan salamat at nasagot mo ang aking tanong kung bakit atat na atat ang aling Tinting sa ARMM.
Si Koko bow lang ng bow sa sinasabi ni Tinting? Alam kaya ito ni Yuko? 🙂 🙂 🙂
Nakana mo Tongue. Maraming pera at kababalaghan dyan. Yan ang parte ng Pilipinas na bagsakan ng limpak limpak na salapi bawat election. Di ba diyan nag number 1 si SAbit sa senatorial elections?
Kulang pa ba yung nakulimbat ni Tingting na jewelries ni Imelda at ang gusto niya eh yung minahan talaga?