Skip to content

Ang kaso ni Leviste at Diokno, panibagong pagsubok kay PNoy

Update:Diokno insists he was not remiss with his job as prison chief despite discovery of Leviste’s trips outside prison.http://newsinfo.inquirer.net/9111/prisons-chief-admits-dropping-the-ball-on-leviste-caper

http://newsinfo.inquirer.net/9262/diokno-defends-self-at-doj

Antonio Leviste, living the life of the free while in prison
Sana ang magiging aksyun ni Pangulong Aquino sa kaso ni Bureau of Corrections Director Ernesto Diokno ay hindi magiging katulad ng nangyari kay Undersecretary Rico Puno ng Department of Interior and Local Government, dating hepe ng Philippine National Police na si Jesus Versoza, at Manila Mayor Alfredo Lim nang sila ay nasangkot sa palpak na pag-handle ng kaso ng panghu-hostage noong Agosto 23, 2010 sa Rizal Park.

Ernesto Diokno: Leviste living out while in prison is just a 'small matter'
Kaibigan daw kasi ni Aquino itong si Diokno katulad din nina Puno at Versoza. Kaya kahit palpak, hindi naparusahan. Nanatiling undersecretary si Puno sa DILG at si Versoza at pina-retire na lang. Hindi na ginawa na DILG secretary na siyang plano sana ni Aquino.

Sabit si Diokno sa kontrobersiya tungkol sa nabulgar na special treatment kay dating gubernador ng Batangas na si Antonio Leviste na nakakulong dahil sa sa kanyang pagpatay sa kanyang kaibigan at kasosyo sa negosyo na si Rafael de las Alas noong 2007.

Swerte nga siya at homicide lang ang desisyun at anim hanggang 12 na taon lang na pagkakulong ang sentensyasa kanya. Ngayon, napag-alaman na lumalabas pala siya at nakita siya doon sa kanyang condominium sa Makati. At may sarili pa siyang rest house sa kulungan. Ano ba yan?

Sabi ni Justice Secretary Leila de Lima kung siya lang daw gusto niya sana ang agarang suspensyun kay Diokno ngunit kahit nasa ilalim ng DOJ ang Bureau of Prisons, political appointee si Diokno. Hintayin daw ang resulta ng imbestigasyon na ginagawa ng DOJ sa pangunguna ni Undersecretary Francisco Baraan III.

Baka kasi matulad yan sa nangyari kina Puno, Versoza, at Lim na nirekomenda ng panel na nag-imbestiga ng Agosto 23 na hostage-taking sa pangunguna ni de Lima ang administrative at kriminal na parusa ngunit wala ring nangyari.

Malaki ang responsibilidad ni Diokno sa palakad ng Bureau of Prisons. Hindi niya maaring sabihin na dating gawi na yung pinapayagan ang mga may kaya na mga preso na labas-pasok sa kulungan. Katungkulang niyang hintuin ang masamang gawain at magkaroon ng reporma. Pambabastos yan ng sistema ng hustisya.

Ngunit mukhang iba ang pag-iisip ni Diokno. Dalawang sinabi ni Diokno ang hindi katanggap-tanggap. Sinabi niya na alam niya na lumalabas si Leviste kahit walang opisyal na permiso at maliit na bagay lang naman daw yun.

Kung maliit na bagay para sa kanya yun, paano siya magpapatupad ng reporma?

Hindi pwedeng patuloy ang baluktot na kalakaran. Si Aquino ay binoto ng taumbayan dahil gusto nila reporma. Dapat intindihin at ipatupad yan ni Diokno.

Itong isyu ngayon ay hindi na lang kay Liveste. Reporma sa ating mga kulungan at hustisya ang nakataya dito.
Pagsubok rin ito kay Aquino kung ano ang mas pinapahalagan: pagkakaibigan o bayan.

May mga mambabatas na nagsabing dapat mag-resign na si Diokno.

Kung totoong kaibigan ni Aquino si Diokno, dapat nga mag-resign na siya. Yan ang magiging tulong niya sa Pangulo.

Published inAbanteBenigno Aquino IIIJustice

25 Comments

  1. From Manuel de Vera:

    Alam niyo po hinahangaan ko si president Aquino at pilit niyang binabago ang nakasanayan ng bulok na sistema sa ating bansa.Sana gayon maipatupad at mapanagot niya kung sino ang may sala sa paggagala ni ex. GOV. Leviste sa labas ng NBP. Biruin mo preso nakalalabas at nakagagala at kung minsan natutulog pa sa sarili niyang bahay.

    Imposible na hindi alam ni Diokno ito nakakahiya siya dahil itinalaga siya diyan para baguhin ang kalakaran. Responsibilidad niya ito dapat aminin niya na kasalanan niya dahil kung hindi si President Aquino baba ng husto ang paghanga ng kanyang kapwa pilipino diyan at dito sa abroad. Sa totoo lang isa ako sa humahanga sa kanya unti-unti bumababa ang paghanga ko dahil parang bumabalik sa dati na walang pagkakaiba sa mga nagdaang administrasyon.

    Dito po sa Amerika kung nangyari po sa nasasakupan mo sibak ka agad. Sana po sa pagkakataon na ito may managot na malaking isda dahil masyado na po tayong nakakahiya saka lahat halos ng nakaupo sa pulitika ay walang nabagong mukha kaya gaya pa rin ng dati ganun pa rin bigyan nila ng pagkakataon ang mga bago baka sakali mabago nila ang Pilipinas. Maraming maraming salamat po. Mabuhay po kayo.

  2. clearpasig clearpasig

    The ex gov. leviste is 70 yrs old, convicted of murdered, serving 6 t0 12 years in bilibid prison, mocked the judicial process because of a tooth decay and inspite all that he claimed he has the answer for global warming.It’s a waste of time to listen to him. Take him in and remove all the personnel involved in the BUCOR.

  3. Lurker Lurker

    No matter what Diokno’s explanations are, he should be severely censured, fired and charged appropriately. He cannot use ignorance of the matter as an excuse.

    PNoy should start reining in his officials. That is what we are waiting for. His approval ratings would skyrocket, and he’d have no need for his communications group, who’s bent on blaming others (including columnists) for their President’s plummeting approval ratings.

  4. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    On leave na si Diokno habang iniimbestigahan ng panel ang nangyari. Yun imbestigasyon ay televised na sa anc atbp.

    Ang pagkaintindi ko ang pwesto ni Diokno ay head of prisons and not the warden of Muntinglupa. Does he have day to day operational control over Muntinglupa?

    Kasi parang yan ang crux ng isyu laban. Yun kaso ni Leviste ay problema ng warden at guards. Yun warden at guards problema ni Diokno. What has Diokno done to reform the prison system, has he punished the guards?

    Sinasabi ko lang ito kasi kung ikakabit natin si Leviste kay Diokno at parusahan siya based on that then mawawala sa focus na sistemic ang problema sa prisons. We need prison reform. Yan ang dapat na inaatupag ni Diokno.

    I am worried na baka ang probe na ito maging parang senate probe on the garcia plea bargain. Nawala ang focus sa plea bargain dahil si Jinggoy nagpasok ng ibang topic na sensational. Sana tinapos yun kay Garcia at sumunod o di kaya gumawa ng parallel probe on AFP corruption para hindi nagkagulo-gulo ang isyu.

    Kung si Diokno walang ginagawa mula nung umupo siya. Dapat siyang tanggalin. Kung meron naman eh dapat reviewhin yun at kung maganda ang mga plano niya eh di ipatapos sa kanya o sa kanyang kapalit.

    I think the probe must focus on 1) pagkukulang ng warden at guards 2) Diokno’s performance as director of the prisons system.

    Sana hindi maghalo yun dalawang isyu para maliwanag ang accountability.

    Look at the Luneta crisis. Ang dilg sinisi eh wala naman silang operational control ang dilg over the pulis except through napolcom. Si Lim at si Isko nakialam eh wala namang alam yun dalawa so pinalala pa nila ang problema. At si versoza absent. Tuloy ang pinarusahan ay si Gonzalez na pinagmulaan daw ng crisis.

    Ang resulta ng isang probe ay dapat kwentas klaras ng sa ganoon the authorities concerned will know who to hold accountable and what actions to take so it does not happen again.

  5. vic vic

    I believe Diokno is appointed at the Pleasure of the President and can be Let go at the Pleasure of the President. And being in this type of Scandal he should have not waited for that decision..he should resign. and let the Incoming Chief dealt with the offending Officers of the National Prison for their offenses…

  6. chi chi

    Leviste living outside of his prison cell is a small matter, said Ernesto Diokno. Hindi yan katanggap-tanggap na linya. Kung ganyan din lang e payagan na nya lahat ng killers na lumaboy-laboy sa labas ng munti para ‘fair’ sa lahat. 🙂

    Maaring ang previlege na yan ay panahon pa ni putot, pero para ituloy ang turing-hari sa kanya ng bagong pamunuan ay lihis sa “tuwid na landas” na battlecry ni Pnoy. Kung hindi alam ng pangulo, sibakin kaagad at ng tumaas ang approval rating ulit, hehehe!

  7. chi chi

    Ang pagkaintindi ko ang pwesto ni Diokno ay head of prisons and not the warden of Muntinglupa. Does he have day to day operational control over Muntinglupa? -mb

    Dapat klaruhin ang trabaho at accountabilities ng head of prisons at warden ng munti, magkaalaman tuloy kung sariling desisyon ito ni Diokno o nanggaling pa sa mas mataas sa kanya ang desisyon na ituloy ang ‘practice’ na pagbibigay prebelihiyo sa may (mabahong) pangalan at pera.

  8. chi chi

    From http://www.abs-cbnnews.com

    “In a hearing this morning, Leviste said he was already on “minimum security” status during the time of President Gloria Macapagal Arroyo for being a good prisoner.”

    ???? What does a “minimum security” entail? What defines a “good prisoner”? Panahon pa ni Goyang, itinutuloy? Bakit?

    “”I am sure no prisoner can just go in and out of the compound, on his own volition. It is the court that determines whether or not to allow any prisoner outside access,” Aquino said.”.

    “I am dismayed with Diokno”. – Pnoy

    Good initial reaction from the prez, let’s see the final result of his ‘dismay’.

    One thumb up for Pnoy, susunod yung isa pa later if he played his card well. 🙂

  9. From Benjamin Suarez:

    Matagal nang gawain sa Munti at ibang mga bilangguan ang special treatment sa mga mayayaman at VIP na nakukulong. Hindi na sikreto iyan. In fairness to Diokno, nadatnan na niya ang ganitong sistema. Pero dahil siya ang pinuno, may pananagutan di siya.

    Nakakadismaya ang mga paliwanag at palusot ni Leviste sa DOJ Panel kahapon. Madrama at halatang nagsisinungaling. Puro banggit ng pangalan ng Diyos. Hindi nakikinig sa payo ng kanyang abogado na nagmukhang tanga sa tabi niya.

    But he was better compared to Gen. Garcia at the Ligot couple who kept invoking their rights during the Senate hearings. The problem is this case would slowly vanish again then forgotten like the many other cases in the past.

    There’s another car smuggling case involving Bigcas na madrama din sa hearing. And what about the Garcia Plea Bargain hearing? Di na ba hahabulin ang mga Ligot? Even the wife of the late Sec. Angie Reyes should be held accountable. Di porke nagpakamatay ang asawa ligtas na siya. The period of mourning is over. Justice must be served.

    The problem we see in all these new cases is that the old ones are being forgotten. Natatakpan tuloy ang mga dating kaso. Medyo kasalanan din ng media. Kung ano ang bago at mainit, iyan ang tinitira. Ano na ang nangyari sa Alabang Boys? Ang spoiled brat na si Ivler?

    Finally, they must look into those foreign prisoners especially those convicted of drug cases. There are many Chinese nationals in Munti. Are they also being treated specially? If China executed our three kababayan because of drugs, the least that we could do to these Chinese criminals is to let them rot in prison. DOJ and the authorities must make a head account. Baka marami na sa kanila ang nakalaya for a fee.

  10. Sibakin din ang mga nagbabantay sa kulungan. Huwag kaawaan dahil lumang tugtugin na ang paawa effect.

  11. From Gerry Macasa:

    Tama at sang-ayon po ako sa inyong pananaw tungkol sa kaso ni Mr. Leviste et al. Sana naman hindi lang puro salita ang ating pangulo tungkol sa kanyang hangarin na tahakin ng bawat Pilipino ang ‘isang daang matuwid’ – dapat ipakita rin niya ito sa gawa.

    Sa pagpapatupad ng batas – hatulan ng tama at dapat magdusa ang nagkasala. Wala kamag-anak, kaibigan, mahirap o mayaman kapag nakataya na ang kapakanan ng sambayanan.

    Lagi po siguro natin tatandaan, na sa hangarin po nating pagbabago marami po tayong pagdadaanan na pagsubok, mga pagsubok kung hanggang saan ang tibay ng ating paninindigan. Sana naman para sa ating mahal na Pangulo, he ‘should always stand firm and determine’ sa kanyang mga plano at desisyon.

    Ipakita niya ang mga katangian ng isang matatag, matibay at decisive leader na siyang ine expect ng sambayanan na nagtiwala, pumili at nagluklok sa kanya para maging pangulo ng ating bansa.

  12. humus humus

    Nakakalungkot ang nangyayari sa atin. tayo ang gumagawa ng sariling pangit na anino. Noong panahon ng mga Arroyo, ang mga taong gobierno MANHID, kapit tuko sa pwesto. Samantalang Kapit sa patalim naman ang mga ordinariong tao.

    Sabi ng nasa mataas na pwesto kalakaran na yan ng dumating ako. kaya ipinagpatuloy ko. hindi ko kasalanan yan. Kung ako ipinanganak nagising sa payatas, diyan din ako mabubuhay. kasalanan ko ba yan? Ako ang padre de pamilya, ako ang ama. Kasalanan ng mga anak ko yan hindi ko kasalanan yan.

    Ang anino ng opisyales matataas na Pilipino minsan talagang nakakahiya, nakakatakot pa. lalo na at nasisinag sa ibang panig ng mundo. Noong panahon ng Lolo ko, kunting lang ang nadidinig kong nagmumura ng walang hiya. Ngayon wala nang nagmumura, kasi kalakaran na yata yan.

  13. humus humus

    sabi nila korapsyon daw ang nangyari sa Muntinlupa.

    heto ang isang sekreto ng nabubulok na sugat ng korapsyon. Ang sabi ng nagsuhol, ng taong lumabag sa batas: Ako lang ang may kasalanan, ang lumabag sa batas, ayaw kong idawit ang iba. Ako lang. Ako lang ang dapat parusahan. Kaya inaamin ko na yan. Ulit-ulitin ko man paglabag na yan, ako lang. yung iba walang kasalanan. Pag ang korapsyon ganyan, tulad ng bakukang hindi gagaling yan.

  14. olan olan

    my take, pnoy is doing what should be done. He needs our support. The problem is there are too many corrupt and dilehensyador sa lower level echelom in most of our bureacrazy, kasama na dito ang new bilibid prison, ang di natatanggal sa trabaho. Mga operator kasi ng mga papalit palit na pinuno kada pagkatapos ng eleksyon. Sila ang dapat isama sa dapat tanggalin o disiplinahin pinalala nuong panahon ni pandak! May kinalaman kaya dito yung tenure of employment sa gobyerno. Hirap tanggalin ng mga ito lalo na kapag nakikinabang ang mga bagong boss nila. Mga bwisit!

  15. bayong bayong

    Baka kasi matulad yan sa nangyari kina Puno, Versoza, at Lim na nirekomenda ng panel na nag-imbestiga ng Agosto 23 na hostage-taking sa pangunguna ni de Lima ang administrative at kriminal na parusa ngunit wala ring nangyari. bakit hindi pa ba?

  16. Leviste has been in jail for some time already, even before Aquino’s term, was he treated any differently then?
    Lets humor the guy, why not listen to what Diokno has to say? If he just ups and resigns without shedding light on the matter, we will never know if the problem was solved or not?
    Perhaps it would be better to look into the real issue here, not just Leviste, or not just the issue of the president protecting his friends.

  17. parasabayan parasabayan

    Ano ba ang meron itong mga “shooting” buddies ni Pnoy? Puro kapalpakan!

  18. parasabayan parasabayan

    Nagugulat pa ba tayo na ang corruption eh nasa lahat ng sangay ng gobierno? It will take more than a political will to solve this problem. For as long as these employees are underpaid, corruption will prevail. Government employees will always find a way to make “extra income”.

  19. chi chi

    Sino ba si Ernesto, kapamilya ng magagaling na Diokno o sadyang a joke-no shooting buddy lang?

    Puno, Torres, Diokno…mga shooting buddies ng pangulo na walang paki sa kanyang kahihiyan. Ang tunay na kaibigan ay nagre-resign pronto kung may mainit na kaso na pumutok sa kanilang pamamahala, kahit hindi pa sila involved. Delicadesa oy!

  20. chi, ipakikilala kita kay Totoy Diokno.

    Si Diokno ang pumalit kay Lim sa WPD matapos ma-appoint ang huli sa NBI. Siyempre bata yan ni Lim (nangangamoy Luneta Massacre ba?).

    Ayon sa malapit na tao sa akin, pag-upong pag-upo nito sa WPD, dalawang L300 van ang ina-arbor ni Totoy kapalit ang walang-huli niyang karera bookies.

    Tignan mo ang style ng depensa niya at ni Lim noong panahon ng Luneta Massacre, ayaw mag-resign, itinaya ang image ni Noynoy na nauwi sa kahihiyan pati nila De Lima at Robredo.

    Mamang Drayber, ito ba ang daang matuwid papuntang impiyerno?

  21. Ewan ko ba sa ibang journalists diyan, may tapa-oho (Horse-blinders) yata.

    Few weeks ago, isang Asst. Director ng Bilibid ang na-ambush at dead on the spot sa may San Pedro. Nadaanan ko pa mga 7:30 ng gabi nung Biyernes yung napakahabang traffic sa dami ng usisero. Nag-shortcut pa ako sa Divine Mercy Hospital, doon pala dinala, lalo akong natrapik. Pag dating ko sa bahay ng Mommy ko, alam na nila ang istorya dahil ka-parishioner pala nila.

    Ang kaso? Drug pushing sa kulungan. Itong si Asst. Director Rodrigo Mercado ay pinarampa daw ng drug lords sa Bilibid na balak ipalipat ni Mercado sa Iwahig. Alam yan ni De Lima, alam yan ni Noynoy, alam yan ng media.

    Putris, di pa ba sapat na kasong mga yan para matanggal ang mga opisyal ng Bilibid kasama ni Diokno? Drug pushing na talamak sa bilangguan, at pribiliehiyo sa mga VIP prisoners?

    Huwag tutulog-tulog, Mamang drayber. Di lang kapalpakan kay Leviste ang isyu sa Bilibid kay Diokno.

    Joke no?

  22. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Welcome to the Philippine Social Structure. Si Erap nakulong sa resthouse, si Garcia sa sariling bahay, yung drug pusher na instik, nakawala na. Si GMA kaya saan ikukulong? Sa Barcelona? Kaya kung ikaw ay mabibilanggo dapat madami ka pera para kung birthday mo puede ka kumain sa labas.

Leave a Reply