Gumagalaw ng husto si Sen. Juan Miguel Zubiri para maharang ang appointment ni dating Rep. Neric Acosta bilang environment secretary.
Mula pa ng simula ng administrasyun ni Pangulong Aquino, matunog ang usap-usapan na si Acosta talaga ang magiging environment secretary ngunit hindi siya pwede ma-appoint sa ano mang posisyun sa pamahalaan bago makalipas ang isang taon pagkatapos ng Mayo 14, 2010 na eleksyun.
Tumakbo kasi si Acosta bilang senador noong 2010 ngunit natalo. May isang taong “ban” para manungkulan sa pamahalaan ang mga tumakbo sa eleksyun.
Nag-privilege speech pa si Zubiri.Sinabi niya na kung sinsero daw si Pangulong Aquino sa kanyang sinasabing “Daang matuwid”, hindi raw dapat niya i-appoint ang mga may nakabinbin na kaso.
May nagsampa kasi ng kaso “graft” laban kay Acosta sa Ombudsman.
Halatang-halata naman ang kuneksyun ni Zubiri at ang kaso na isinampa laban kay Acosta sa Ombudsman.
Sana hindi pakinggan ng Pangulo si Zubiri.
Magkaribal kasi sa pulitika sa Bukidnon sina Zubiri at Acosta. Kaya halatang-halata ang agenda ni Zubiri sa kanyang pagharang ng appointment ni Acosta. Ginamit pa ang “Matuwid na Daan” ni PNoy. Personal na interes lang naman ang gusto niya.
Sa nag-iisang statement ni Acosta, sinabi niya na pulitika ang nasa likod ng walang basehan na kasong isinampa sa kanya nang siya ay congressman pa. Sabi niya maraming opisyal ang may hinaharap na kaso. “Ang pagkakaroon ng kaso ay hindi ibig sabihin, guilty ka,” sabi niya.
Sabi ni Acosta, ipinangako niya kay Aquino na linisin ang DENR lapag siya ang linagay doon: “ I promised President Noynoy I would clean up the well-placed mafia groups that are imbedded in the Department of Environment & Natural Resources – from the issuance of fake land patents resulting to big land scams to the questionable grants of mining and logging permits.”
Sabi nga niya ang humaharang sa kanyang appointment ay natatakot siguro sa kanyang gagawing paglilinis sa departamentong nire-reklamo ng marami na maraming iregularidad.
Siguro nga.
Bilib lang ako sa lakas ng loob ni Zubiri maki-alam sa appointment ni PNoy. Hindi naman siya kapartido.
Nakalimutan yata ni Zubiri na hindi naman talaga siya nanalo bilang senador. Katulad n glider ng kanyang partido na si Gloria Arroyo, kung hindi dahil sa magic na ginawa ng mga Ampatuan sa mga boto sa Maguindanao hindi siya naka-upo sa Senado.
Kawawa nga si Koko Pimentel at kung anong delaying tactic na ginawa ni Zubiri kahit na nakumpirma ngayon sa protesta ni Pimentel na siya talaga ang nanalo.
maguindanao senator zubiri flaps his gums again.
if acosta is serious re environment, this i really want to see…all those illegal loggers, miners, manufacturing companies…don’t mind zubiri, he’s not a real senator anyway, not a real something thats for sure.
I believed in Neric Acosta advocacy & dedication to serve our government. He shouldn’t be affected by nuisance officials such as Zubiri. He doesn’t have the moral authority to tell Pnoy whether to appoint Mr. Acosta or not. He has no right!
Ang tigas talaga ng mukha niyan si zubiri. Mas masahol pa sa plunder yang ginawa niyang pagnanakaw ng eleksyon.
Ipadala na lang nila si Zubiri dun sa mga magsasakang nagconvert ng mga lupa nila mula pagkain papuntang jathropa. Hahabulin siya ng itak ng mga yon.
Ano na ang nangyari sa malaking scam niya na yan?
Sabi nila guapo raw si Zubiri e ng makita namin ni joeseg sa senado malaki ang ulo at mukha kesa sa katawan na pandak. Tapos dahil sa mestiso nagmukhang Me Gurl so very talaga. 🙂
Hello Ampatuan! Hello Abalos! Hello Lintang Bedol! Takot na sya ngayon kasi wala na ang kanyang milady at komolek at pinakamadali nga naman na banatan si Acosta ay kasuhan.
Reverse psychology ang pinaandar nya kay Pnoy. Dapat i-appoint si Neric Acosta para isampal sa senador ng Maguindanao. Walanghiya, pinaandar nya ng husto ang konek para hindi maupo si Koko ngayon ganun pa rin kung lumaban, marumi!
Kung sinuman ang boboto sa gagong yan sa susunod na eleksyon e saksakan ng katangahan.
Lahat ng nakinabang kay bansot ay hindi makakatulog ng husto dahil bilang na ang mga araw nila. Pagupo ng bagong Ombudsman, uusigin sila.
Zubiri is playing dirty politics. Gawan ng kaso para ma discredit ang katulad ni Acosta. This is a SHAMELESS act for a senator like Zubiri! Considering how he won the election sometime ago. What can one expect? Our representatives in government and the parties to which they belong really need to learn how to police themselves for the good of many and their party. Talagang garapalan at nakakahiya pinag gagawa ng mga taong ito! This type of governance and election processes sucks big. Zubiri reflects old philippine politics and dont deserve to be a senator. Imagine gamitin ang daang matuwid ni pnoy againts acosta without looking at himself the means he adopted to win his own election. He should consider resigning! Abusadong BOBO!
OffTopic:
New information about Marcos and the Global Settlements:
– he is still alive
– the real reason of his ouster
– who Ninoy really was
10may2011 mp3 update « right + click and save…
note: up to this point all information from this source became true, meaning all events that were anticipated to occur did happen.
Between Neric Acosta and Migz Zubiri, mas may credibility naman di hamak si Neric! Si Zubiri, the original Spice Boy of GMA, hindi nahalal ng bayan, gaya ni GMA, nandaya sa Maguindanao!
Sana ay maubos na ang mga uri ni Zubiri na mga remnants ng mapagsamantalang gobyerno ni Arroyo!
SET CASE No. 001-07: AQUILINO L. PIMENTEL III, protestant, versus JUAN MIGUEL F. ZUBIRI, protestee.
DISSENTING OPINION
CARPIO, J.:
I dissent.
xxx
In Zubiri’s pilot precincts, consisting of 18,227 precincts, he was able to recover only 11,948 votes, subject to adjustments, translating to 0.66 average vote recovered per precinct. His projected total recovery is only 33,794 votes in his remaining 75% non-pilot protested precincts, or a total projected recovery of 45,742 votes in all his 70,607 counter-protested precincts.
On the other hand, Pimentel’s net recovery in all his protested precincts is 257,401 votes. Even if we deduct the number of votes contained in the fake ballots, Zubiri’s projected net recovery can not successfully overcome the net recovery posted by Pimentel.
xxx
Accordingly, I vote to DISMISS the Counter-Protest filed by Juan Miguel F. Zubiri.