ATLANTA-Tinanong ng isang reporter and mga opisyal ng Coca-Cola Company kung masasabi niya na hindi masama sa kalusugan ang kanilang binebentang inumin at deretso sinagot ng isang opisyal na “Coke is not unhealthy.”
Sa mga interaksyun sa media na ginanap sa 125 na taong anibersaryo ng Coca-Cola, nagkaroon ng sesyun sa kalusugan (Health and Well-Being). Mahalaga ito dahil halos lahat na mga eksperto sa pangkalusugan nagsasabi na masama ang coke dahil marami daw artipisyal na kemikal.
Ang panel na binuo ng para sa topic na ito ay sina Rhona Applebaum, chief scientific and regulatory officer; John Reid, vice president for corporate responsibility; at Ed Hays, vice president for Science.
Kahit umaabot sa 3,500 na iba’t-ibang produkto nila (Sprite, Minute Maid, Fanta, Powerade, at marami pang iba), kapag sinabi nating Coca-Cola ang nasa-isip natin ay Coke.
Sinabi ni Applebaum na walang masamang ingredient ang Coke na 90 porsiyento ay tubig. Siyempre may asukal at iba pang ingredients para sa kanilang sinabing “delicious” at “refreshing” na lasa.
Sabi ni Applebaum katulad ng lahat na bagay dito sa mundo, “Everything in moderation.” Tamang-tama lang. Sabi niya, “Depende yun kung gaano kadami ang iyong iinumin araw-araw at kung gaano kadalas.”
Kung gawin mo namang tubig ang Coke, hindi naman tama yun.
Ibinahagi rin ng Coke sa media ang kanilang mga ibang proyekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kungdi ng mundo. Dahil nga ang malaking parte ng kanilang proyekto ay tubig, mahalaga sa kanilang maalagaan ang pinanggalingan ng tubig.Kaya may proyekto sila sa ilang bansa pangalagaan ang mga watershed at kakahuyan.
Dahil nakakabuti sa kanila na magkaroon ng kakayahan ang mga tao, ang isa nilang proyekto ay pagtulong sa mga magsasaka sa Haiti sa kailang pagtanim ng mangga. May produkto rin ang Coca-Cola na Mango Nectar. Mayroon din silang ganoong proyeko sa Uganda at Kenya ka kasama naman ang passion fruit.
Maraming proyekto sa Pilipinas ang Coca-Cola hindi lamang sa pagbenta ng softdrinks kungdi sa pangkalahatang pag-unlad ng buhay. Tumulong ang Coca-Cola sa pag-deliver ng libo-libong textbooks sa mga public schools sa buong bansa.
Kuwento ni JB Baylon, vice president for public affairs and communication ng Coca-Cola Export Corporation sa Pilipinas, na noong si Mike Luz ay Education undersecretary, namumroblema sila dahil nabubulok na sa mga bodega nila ang mga textbook, wala silang pera para idalhn sa sobra dalawalng libong public schools sa bansa.
Kapag hindi na-deliver ang mga libro, maliban sa saying ang perang ginastos para gumawa ng libro, kawawa ang mga bata at walang magamit sa kanilang pag-aaral.
Tamang-tama naman dumaan ang delivery truck ng Coca-Cola at naisip ni Mike Luz, pwede kaya ng makatulong ang Coca-Cola?
Nag-usap sila ni JB at sino nga naman ang nakakarating sa pinakaliblib na sulok ng Pilipinas kungdi Coke.
Kaya isinabay na ng Coke sa kanilang delivery ng softdrinks ang pagdala ng mga textbooks para sa kabataang Pilipino na nag-aaral sa public schools.
Maganda nga naman.
Maam Ellen – did they elaborate on the composition of the 10 per cent of the ingredients that gives it the “refreshing” and “delicious” taste ? There have been a lot of “speculation” on the “magic” ingredient 🙂
Coke is it?
http://www.grist.org/scary-food/2011-05-03-coke-bpa-and-the-limits-of-green-capitalism
Masarap nga ang coke.
Maganda kung may peoblema ka sa digestion.
Maganda rin itong pantanggal ng kalawang sa bakal.
Pwede kang magbabad ng karne gamit ang coke kaya lang i 24hrs bawas bawas na yung karne. Kinain na nung coke.
Refreshing nga ang coke. Pero dapat inumin na may gamit na straw para di masira ang ngipin. Hinay hinay din sa pag inom ng kahit na anong softdrinks. Baka madala kayo sa E.R
moderate your cola drink, 🙂
i prefer water.
I gave up soda long time ago and whenever I drink any of these now, I have heartburn.
Like Olan, I prefer water!
Ginawa kong tubig ang Coke for years, ang sarap kasi… hanggang painumin ako ng barium ng doktor, hahaha! Ngayon, kahit anong klase ng cola hindi lang heartburn ang dala sa akin, nagsusuka pa.
Don’t blame coca-cola for your ailments or heartburns. Been drinking it since I was five. At one point in the 90’s, was chugging eight to 12 cans (12fl oz) a day. Now, maybe two or three a day.
Like Olan and Parasabayan, I prefer water… Coke is not even delicious in my taste.
Golberg – May 9, 2011 6:05 pm no°4 😀 😀 😀 😀 😀 😀
We only buy some cases of Coke a week so that I can have empty aluminum cans to recycle for my pack of cigarettes.
coke? coffee? liquor? fruit juice? except water, kahit ano naman bawal…
ooops…
except water, kahit ano naman, kapag sobra, bawal…
sa saudi walang coke dahil kalaban ng arabo ang founder ng coke,hehehehe
Mataas ang kaso ng diabetes sa bansa, Im sure its something to do with this. If it is a real coca leave, it could add life, but its pure high-fructose corn syrup. Consider modified food, and you can find this formula in majority of package food in the market. American farmers alone produce 60% of soy and corn to sustain products like coke, pepsi, and thousands of items in the market.
Re #4. Ganun ba. Kaya pala wala nga sa kanilang listahan.