ATLANTA-Alam ba ninyo na sa padamihan ng pag-inom ng Coke, talo ng Pilipinas ang China at ibang malalaking bansa?
Pangatlo ang Pilipinas (una ang Mexico at pangalawa ang Brazil) sa padamihan ng pag-inom ng coke ikumpara sa populasyun.
Ito ang isang impormasyun na aming napag-alaman sa aming pagdalo ng 125 na taong anibersaryo ng Coca-cola dito Atlanta, Georgia sa Estados Unidos.
Hindi ito nakapagtataka. Nang gumawa ako ng coffee-table book para sa Allied Bank, ikinuwento sa akin ng isang opisyal ng bangko na naka-isip sila na magpatayo ng bangko sa isang liblib na bayan sa Marawi sa Mindanao nang mapansin niyang kahong-kahon na Coke ang kinakarga sa bangko para doon. Kung may pambili ng Coke, may pera ang mga tao.
Sobra isang daang mga journalist mula sa 26 na bansa ang nandito ngayon sa Atlanta para mag-cover ng selebrasyon ng Coca-Cola.Lima kaming journalists galing sa Manila dito. Kasama naming ang anim na miyembro Powerade Tigers basketball team ng Coca-Cola sa Pilipinas at mga staff ng kaming Communications office sa pangunguna ni JB Baylon, vice president for public affairs and communications.
Umuulan ng dumating kami noong Martes ng gabi ngunit mula Miyerkules ang ganda ng panahon. Spring ngayon dito sa Atlanta, na hindi lang kilala na hometown ng Coca-Cola kung din ng CNN na rin.
Spring ngayon dito kaya maganda. May araw ngunit malamig para sa katulad ko na ang katawan ay sanay sa init ng Pilipinas. Napaka-maaliwalas ng Atlanta. Ngumi-ngite ang mga tao. Kahit na ang balita sa TV at diyaryo ay tungkol sa pagkamatay ni Osama bin Ladin at ang pagbaha ng karatig na mga state ng Mississipi, kalma ang takbo ng buhay dito.
Sa unang araw noong Huwebes, nagsalita si Muhtar Kent, chairman of the board at chief executive officer . Ipinaliwanag niya ang vision ng Coca-Cola na ngayon ay pinaka-popular na softdrink sa mundo. Sabi niya hindi lang basta-basta inumin ang binabahagi ng Coca-Cola sa mundo kundi pagsasamahan sa komunidad.
Sabi ni Kent, na taga-Turkey, kahit global ang kanilang kumpanya, sensitibo sila sa kultura at kaugalian ng bawat bansa kung saan sila.
Maganda ang kasaysayan ng Coke. Maraming juice drinks noon pa. Ngunit na-obserbahan ng isang chemist na si John S. Pemberton na walang inumin na masarap at nakakawala ng uhaw. “Delicious and refreshing,” ang gusto niyang klaseng inumin.
Natumbok niya ang formula ng Coke na unang ibinenta sa Jacob Pharmacy noong Mayo 8, 1886. Sa unang taon, siyam na baso lang ang naibenta niya isang araw.
Ngayon noong isang taon lang,umaabot sa 1.7 bilyon “servings” ang naibibigay ng Coca-Cola sa 200 na bansa.Hindi lang yung regular na Coke na maraming klase rin ( Diet, Zero). May ibang produkto ang Coca-Cola katulad ng Minute Maid, Powerade . Umaabot sa 500 na brands.
Maraming gusto malaman ang secret recipe ng Coca-cola. Sinabi sa aming briefing na maliban sa pinakamataas na opisyal ng kumpanya,walang isang taong na nakaka-alam noon.
Magkahiwalay ang pagtimpla. Hindi alam ng isa ang linagay na ingredients ng isa.
Sabi ni Kent, sa 125 na kasaysayan ng Coca-Cola, marami nang pag-iiba ang naganap sa Coca-Cola dahil sensitibo silang nakikinig sa reaksyun ng kanilang mga customer lalo na sa isyu ng pangkalusugan.
Ngunit ang hindi nag-iiba ay ang formula para sa inumin na “delicious” at “refreshing.”
Ang nakakahanga rin sa Coca-Cola ay ang kanilang marketing kasama na doon ang advertising. Siguro may ilang kayong mga TV advertisements o kanta ng coke na hindi nakakalimutan. Katulad ng “I’d like to Buy the World a Coke”.
Bahagi yun sa sinasabi ni Mr. Kent na pagiging sensitibo sa damdamin ng mga tao.
Hi, Ellen! Nice to know you’re in the US of A at this moment in time!
Pambihira pala ang Noypi, katulad ng texting, nangunguna rin sa pag-inom ng Coca Cola. Lalo na ngayon tag-init dito sa Pinas, mas masarap ang malamig na malamig na coke!
A couple of years ago, it was determined that Coke sales in the Philippines had been overtaken by C2 — the tea drink. Maybe Coke has not been able to recover.
Ang problema kung sa pag inom lang ng coke na usapan matalo ng Pilipinas ang China. I hope matalo rin ng Pilipinas ang usapin sa Spratly ang bansang China.
Madaming lasenggo sa Pilipinas. Lalo na iyong inumin na tuba. Kapag ang inuman ay tuba tiyak mayroong coke o kaya pepsi. Hindi maganda uminom ng tuba na walang coke o kaya pepsi.
Tea drinkers kasi ang mga Intsik. Kaya medyo it takes time for them to adapt to the taste of Coke.
But overall, including other products of Coke like Minute Maid, mas malaki ang sales sa China.
Pinakamasarap ng coca-cola sa lahat ng cola. Lumabas kelan lang ang secret ingredients niyan pero ewan ko kung yun na nga. Simple lang pero kesa mag-mix, bibili na lang ako ng Coke, iba lasa…tumatalab!
Ellen, kung nandyan ka pa at may time ay dalawin mo ang historical town ng Savannah.
historic town… sa old town ng Savannah feel mo ang other dimension ng US of A. 🙂
Greetings from China! Of course nakapag coke na rin ako, hehehe. Parang hindi ako maka access sa facebook ngayon?
O nasa China ka na naman, jug! Iba na naman porma ng FB, nakakainis!
Ang Coke Plant sa Sta. Rosa, Laguna ang unang fully-automated softdrinks plant sa buong Asia, pangalawa sa mundo. Ang mga Control Panels nila ay gawa ko, halos 16 na computers sa bawat isang panel (mga walong panels yung computer section) for a total of about 24 Panels na kasing laki ng isang elevator ang bawat isang nakakabit at almost 15 kilometers of control wires ang nainstall namin, naubos ang buong supply ng Metro Manila ng cables.
Yung Austrian na si Engr. Anderssen ang nagprogram ng buong system, tumubo ang balbas niya ng mga isang dangkal sa tagal pero nung matapos, halos SAMPUNG TAO lang ang nagpapatakbo ng malaking planta. Mahigpit sila sa Quality Control. Bukod sa mga electronic sensors, may human watchers sa mga boteng lumalabas sa makina.
Siyempre naman, baka may makalusot na PEPSI!
Nung nag-expand sila para magkaroon ng Prouction Line-2, Matinding aksidente ang nangyari sa construction, tumumba yung isang main truss at parang domino na nagbagsakan yung ibang trusses sa mga taong nasa ilalim, maraming namatay.
Ang numero ng malas na main truss na naunang tumumba? Number 13. May isa rin akong taong namatay nung makuryente sa 5000 Volts Emergency Breaker, hindi ko makakalimutan ang amoy ng taong tustado.
Sometime in the mid or late 60’s, there was a news about a dead body found in either coke tank or pepsi’s. It must pepsi since coca cola is still dominant in Pinas, wink!