Palaban pa rin si Willie Revillame kahit atras muna siya ng dalawang linggo habang nag-aalisan isa-isa ang mga advertisers sa kanyang show na Willing Willie.
Sa totoo lang inunahan lang niya ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Alam ng TV5 at ni Willie na suspindihin naman talaga siya.
May naka-usap kami noong isang linggo bago ang ikalawang hearing noong Huwebes at ang sabi niya buo sila sa opinyun na mali ang ginawa ni Willie sa kanyang show noong Marso 12 kung saan pinag-tripan niya ang anim na taong gulang si Jan-Jan Suan habang nagsasayaw ng “macho dance’. Tawa naman ng tawa ang nasa audience.
Enjoy sila samantalang halos naiiyak na ang bata. Linagay pa ni Willie sa mas mataas na platform ang bata at pina-ulit pa ng malaswang sayaw bago binigyan ng P10,000.
Ni minsan hindi inamin ni Willie na nagkamali siya. Sabi niya noong Biyernes,“Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad kasi ho, wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon,” sabi niya.
Sinabi ng source namin sa MTRCB, ang pagsuspindi sa Willing Willie ay mensahe hindi lang kay Revillame at sa TV5 kungdi sa lahat na estasyun na gamitin nila ang kanilang prangkesa para sa kabutihan at pagpalaganap ng tamang pag-ugali at hindi lamang para kumita.
Nagkaka-iba lang ang tatlong miyembro ng Hearing and Ajudication committee na sina Eugenio Villareal, Eric Mallonga at Leah Navarro sa haba ng suspensyun. Ang isa gusto isang buwan at ang isa naman ay isang linggo lang.
Sinabi rin naman mismo ni Willie na ang pagka-alam nila ang suspensyun sa show ay 20 na araw.
Sabi ni Willie, ““Pero ano nangyari? Naputol. Pinakita po namin yung mga nagsasayaw sa ‘Going Bulilit’ na nakabra lang. Pinakita namin yung mga apat na lalaki na naka-lampin sa ‘Showtime’ na sumasayaw din na katulad nung kay Jan-Jan,” Willie said. ‘Going Bulilit’ is a kiddie gag show and ‘Showtime’ is a reality talent show, both on ABS-CBN.”
Hindi naman ganun ang buong nangyari. Noong Huwebes, dumating ang kanyang abogadong si Leonard de Vera sa MTRCB hearing. Sabi ng isang miyembro ng committee, hindi kasama si De Vera sa kanilang resource person dahil hindi naman naka-rehistro ang Wil Productions sa MTRCB. Dapat mga abogado lang ng TV5 ang mag-sasalita at mag-presenta ng ebidensya. Ngunit pinagbigyan na nila si De Vera.
“Aba, binanatan kami at inakusahan na hindi raw kami impartial at sinabing kailangan kaming mag-inhibit,” sabi ng isang source sa MTRCB.
Ang reklamo ni De Vera at ng abogado ng TV-5 ay ang asawa raw ni Villareal ay nagtatrabaho sa ABS-CBN, si Mallonga ay abogado ng Bantay Bata ng ABS-CBN, at si Navarro naman ay pinakita ang kanyang pagka-bias sa kanyang mga tweet.
Napilitan si Grace Poe Llamanzares na palitan ang miyembro ng committee. Kung hindi kasi, baka daw magsampa ng kaso sa korte o sa Ombudsman si Willie at TV5. Kaya hindi natuloy ang paglabas ng suspension order noong Huwebes.
Noong Biyernes, si Willie na ang nagsabing pahinga muna siya ng dalawang linggo. Pitong advertisers na niya ang umalis: Mang Inasal, Procter and Gamble, Del Monte, Cebuana Lhuillier, Unilever,CDO, at Nutri-Asia. Meron pa rin naman mga advertisers na hindi siya iniwanan katulad ng Bench, Belo Clinic at mga kumpanya ni Manny Villar.
Sa isang show, mahalaga ang advertiser dahil doon nanggagaling ang income nila.
Ngunit sa mga nagsasaya na mawawala na si Willie sa showbiz, mukhang hindi pa mangyayari yun. Sinabi niyang babalik siya: “Mawawala po muna kami ng dalawang linggo, kung ano man. At kung babalik man kami, may panibago pong pagasa ulit. At bibigyan namin ng proteksyon ang mga bata at mga pamilyang katulad ni Jan-Jan, kami na ang gagawa nyan,”
Kahit daw walang commercial magsu-show siya: “Kahit na di kami suportahan ng kahit na sino, nakausap ko po ang presidente ng TV5, kahit po isakrepisyo ko na ang sweldo ko, yun po ang ibibigay kong papremyo at kasama ko ang TV5, itutuloy po namin. Lahat po ng pera namin, kahit wala kaming commercial, kahit inabandona kami ng mga commercial, umayaw sila sa amin. Kahit walang isang commercial, itutuloy po namin ito, ang aming purpose ay magbigay ng saya at pag-asa.”
Ako mismo, medyo nahihirapan intindihin ang appeal ni Willie sa masa. Sa aming probinsya, maraming nanood sa Willing Willie. Masaya sila sa maraming premyong pera na binibigay ni Willie. Sabi ko hindi naman kayo ang nabibigyan ng pera.
Sabi nila, hindi na raw bale. Masaya sila ma may kapwang mahirap na nagka-jackpot.
Para sa atin na hindi naman masyadong hikahos ang buhay, alam natin na hindi solusyon sa kahirapan ang bigyan ka ng P10,000 na alam naman natin hindi naman mahaba ang aabutin niyan sa mahal ng bilihin ngayon. Alam natin na mas mabuti na ang bawat Pilipino ay magkaroon ng oportunidad na makapag-aral at matuto ng skills para magkaroon ng maayos na trabaho hindi lamang para kumita ngunit para na rin makatulong sa pag-unlad ng ating bayan.
Ngunit sa mahihirap, ang panalo ng mga contestants sa Willing Willie ay nagpapalakas ng kanilang pangarap na balang araw, makaka-jackpot rin sila. Pangarap ang binibenta ni Willie.
Sayang ang talento ni Willie sa pagpasaya ng mahihirap. Dapat gamitin niya yun sa makabuluhang pagtulong sa mahihirap at hindi yung gawing entertainment ang kahirapan ng ibang tao.
Short of torturing Willie to admit that he was on the wrong, this guy believes that he can not just make any mistakes.I think he lives a life of fantasy, bigger than life itself.He is a candidate for mental institution.He really needs some psychiatric help and he does not realize it.
I have watched the subject video segment of your topic. “Sayang ang talento ni Willie sa pagpasaya ng mahihirap. Dapat gamitin niya yun sa makabuluhang at paraan na pagtulong at hindi yung gawing entertainment ang kahirapan.” In reference to your second sentence of the above-cited paragraph, please give examples how he can do this. And, referring to the last sentence, are you accusing his TV show, or are you suggesting that he do this? If you are accusing his TV show, in what way did his show deserve this attribute?
Wala na tayong magagawa diyan sa taong yan. Napasukan na ng malamig na hangin ang utak mula nang kumita ng limpak limpak na salapi dahil sa pambobola at panguuto sa mga mahihirap.
– mon
Need I say more?
Ellen, sa pagka intindi ko, ang appeal ni WR sa masa ay hindi sa kanyang persona kundi sa tunog ng salapi na ipinamimigay sa mga contestants na nagsimula noon sa Wowowee. Bakit kamo? Noong ika nga ay barya-barya lang ang ipinamimigay sa Magandang Tangahali Bayan kung saan unang nag-host si WR kasama sina Randy Santiago at John Estrada, hindi pinaguusapan si WR, hindi umaangat ang ABS-CBN sa kanilang network war with GMA7. Ito’y sa dahilang kahit independently produced, malakas ang Eat Bulaga in terms of viewers share at siempre maraming advertisers ang nahahatak nito sa buong GMA7. For a time nga, nawala sa sirkulasyon si WR at sabihin nating isang mahusay na marketing strategy ang ginawa ng ABS-CBN sa pagpapakawala ng malalaking cash prizes nang ilunsad ang bagong noontime show Wowowee and resurrect WR as main host. Doon din nagsimula ang pagtaas ng rating ng ABS-CBN, maaga pa’y pila-pila na sa tv station para makasali sa mga palaro na puro malaking premyo in cash ang naghihintay. Dahil sa pagdami ng advertisers, namayagpag ang ABS-CBN kasabay ang pagyaman ni WR dahil siempre sa malaking talent fee. Hindi makatapat ang Eat Bulaga sa mga cash prizes dahil block timer lang sila samantalang ang Wowowee ay isang network production at salapi ng ABS-CBN ang ibinibigay sa mga contestants bilang premyo. Lalong humaba ang pila ng masasabi nating mahihirap na kababayan para mag baka sakali.
Then the Ultra Stampede happened in February 2006.
joeseg, bago nag-Wowowee ay marami nang nahahatak na following ang MTB. Dala ng kapilyuhan ng tatlong hosts na sina Randy, John, at Willie. Kinagat ng tao yung mga bastos na gimik nila na pantapat sa nagme-mellow nang trio ng Eat Bulaga. Nung una ay ganun din naman ang Eat Bulaga, bastusan din.
Sa wakas ay merong nang “niche” na ie-exploit ang MTB dahil nga sawa na ang Eat bulaga sa ganon. Nung masuspindi ang tatlo dahil sa tinigasan si Willie sa isang guest at pilit binuhat si Willie nung dalawa para iharap sa camera, iyak silang tatlo dahil nga paangat na sila.
Hanggang sa masibak ng tuluyan ang MTB, alam ng ABS-CBN na mabenta sa manonood ang bastos, kundi ba naman e bakit nila pa pinabalik si Willie, ang pinaka-bastos sa tatlo? Isinama pa sa reformat yung mga babaeng walang tigil na kumekembot at sumasayaw na naka body stockings na kung sa tv akala mo nakahubad? Wag sabihin ng ABS na si Willie din ang may desisyon nun!
Kaya ako, malamig ako sa isyung ito, ayokong magpagamit at makisawsaw diyan sa mga may interes at agenda laban kay Willie. Kita mo naman sino ba ang mga nangunguna?
Two words: SEX SELLS.
marami siyang pera na panggastos kaya lalaban talaga siya…kung walang manunuod at walang bibili ng mga producto na iniendorse niya mauubos din ang pera niya. kailan? pagbti ng uwak? let it be! there is always an end to everything…it is not willie’s aim to go to heaven that we know..ang langit niya ay pera…and he now lives in it…he will have his time…tuloy ang buhay! with or without wil lie…
Willie, you may have a lot of money but you are not a god and downfall can still come upon you and it may be soon. Parang astang diyos ka na kasi kaya bahala na sa yo ang Diyos. Para sa yo lahat ng tao mali except you. When you are given so much chance and money, the more you should be humble and thankful. But no, you’re not. Just stop and listen to what you’re saying and you’ll see how arrogant you are. Sobra ka talaga!
Ahh so, TV5 and Willie will suspend the show themselves. Wise. Uunahan na nila ang MTCRB in case the decision goes against them.
Willie says they will be back? And they will continue the show with Willie and TV5 financially backing it up even if they have no sponsors. Words, words, words.
With Willie as host..it’s going to be the same banana. The host is sick in the mind and the producer’s morals are a problem, too.
parang napansin ko mas maraming news ang tv patrol vs 24 oras ang tungkol kay willie.nag i interview pa and ask for opinions.lalo tuloy lumalaki ang issue looks sensationalism.(magaling ang media sa trial by publicity) i smell bitter,demolition job,hypocrisy, and double standard written all over this issue. dami pang sumasawsaw.
TV5 setting up an Ombudsman’s office? But Manny Pangilinan already said he saw nothing wrong with what they did. What will the Ombudsman do now?
Phil Cruz @ 11..an Ombudsman within an organization is a very good Idea..that is if that Ombudsman is empowered to act independently at an arbiter for goodwill…Our Country’s Biggest Daily, the Toronto Star has its own Ombudsman, that is why it has been in the forefront for Journalism for more than a Century now and yours truly been a subscriber of the paper for a long, long time…And it is still run the way its founder wanted it be with the guidance of its Ombudsman..(his job is to make sure that the paper and its staff adheres to the code and also entertains complaints from the public and resolve them usually at the public interest)
Ang buhay nga naman. ABS-CBN, the radio-TV giant, didn’t succeed in pushing Willie out of business.
But a six -year old kid did it!
God, indeed, works in mysterious ways.
Willie, in case you still don’t get it, you are so stupid and a certified asshole. Please don’t overdo it.
Show a little civility kahit na alam namin na wala ka nito. That way even the undertaker will be awfully sorry when you die.
Willie, ang mali ay sadyang mali. Humingi ka na nga ng paumanhin, nagmamaktol ka pa.
“Going bulilit”, “Showtime”… may ginagawa ba silang mali diyan? May ginagawa pala silang mali bakit mo ginagaya?
Karamihan sa ating mga kababayan ay may pusong mamon. Mapagpakumbaba ka lang, siguradong mga bumabatikos sa iyo ay magiging matalik mo pang kaibigan.
Sa TV, pag sinabing “parental guidance” ay sinusunod ko yan. Kalimita’y di ko pinagpapanuod ang mga bata kung wala ako sa tabi nila.
Monster Hit. By: Yolly Ong/ Philippine Star
http://www.philstar.com/Article.aspx?publicationSubCategoryId=64&articleId=674488
The networks themselves should undergo honest reflection. Ang gagaling nilang mamuna ng korapsyon sa gobyerno, di nila mapansing ang kino-korap nila ay mismong kaisipan ng mga tao. At least so gobiyerno, pera lang yun. On the other hand, you corrupt the mind of the people, you corrupt the soul of the nation. The networks impact deep into the national psyche. What we are seeing is a manifestation of a people idiotized on a grand scale.
Just who created Willie if not ABS-CBN, the media vanguard of haha free speech and democracy.
Most people here know what an in-house Ombudsman is. The Philippine Daily Inquirer has one.
The in-house Ombudsman is a hired officer of the publication or broadcast entity and therefore is under the authority of the owner or the highest executive officer.
In Willie’s case, the owner and highest officer of TV5 (Manuel Pangilinan) has already said he saw nothing wrong with what Willie did. If they had an in-house Ombudsman, that would put him in a bind.
But since they had no in-house Ombudsman yet, Pangilinan’s opinion virtually served as the barometer of their values.
With values like that, I can only sympathize with the Ombudsman that this network will hire.
Isa pang aroganteng bastos na napanood ko sa youtube ay itong si Mo Twister. Pareho lang sila ng level ni Willie. Ang lamang lang niya ay magaling mag ingles.
On the other hand, you corrupt the mind of the people, you corrupt the soul of the nation. The networks impact deep into the national psyche. What we are seeing is a manifestation of a people idiotized on a grand scale. – ricelander
Right on! Finally, somebody who shares the wider view.
Now hear ye:
Some people still want to say “whoever is without sinm cast the first stone” – thats exactly what some corners were saying during the Reyes suicide! Trial by publicity, hypocrisy? What the heck?
If you can’t do the time, don’t do the crime! If you get singled out and caught red handed, its your fault, not anyone else’s, if Willie was a nicer guy, he wouldn’t have suffered the censure, but he isn’t. Ano hayaan na lang natin siya kasi lahat naman ganyan? bulok na pag-iisip yan!
That is the nature of society, its benevolent to those who abide by its norms and cruel to those who cannot – ano bang norm ang gusto nyo, yung sinusunod ni Willie? hayaan na lang natin siya, ganun?
Parang sinasabi huwag natin husgahan ang nagnakaw kasi marami namang gumagawa niyan, ano? If Willie must be made as an example and TV5 also – lets have it! and let this be a warning to all networks, shape up, we don’t want this kind of shit anymore!
besides, yumanan na si Willie sa kalokohan niya, he got paid big time – hindi siya ang naaapi dito!
Tunnel view pa rin.
An old Kenyan proverb: A Hyena cannot smell its own stench.
Sorry Ellen, off topic
Sorry Coccoy and true blue, my mediocre habits die hard
Not being Wilhelm, Guillermo, or William Shake the Spear
I can’t help the margins. This time only. Hopefully.
======
Ellen T’s bloggers came from the backwaters
of frail democracy.
They constitute heretofore the stymied backwash of abuses
Forcefully they now forge the backlash of
suppressed majority
The uncontrolled, unbridled and unedited voices
of what is right
Ellen T’s bloggers
More than witnesses they can suggest what to investigate
More than the police they can report hidden fates
More than the priests they can preach to boycott the cheats
More than nationals they can be everywhere fighting
When weblog is mightiest than pen,
mightier than the sword
I will be proud to say we Pinoys, WE BLOG.
A giant like Willie was put down by a 6 ear old Jan Jan…reminds me of the story of David and Goliath..isang tirador lang ang ginamit ni David..
#23. Exactly that’s also my point. Well said. Everytime we experienced chaos, moral problems in our society like this we tend to look on others fault & make it justify that its normal. But we failed to see on ourselves why the society is against. To Willie & his lawyer (whom I admired before), why not admit the fact that their is really something wrong with Jans’2x so called “talent” performance. Do we elders supposed to correct, guide our children to be morally upright, etc? Bakit maraming mga excuses & twisting of the real impact of this? Its about time that we should speak out & condemn this action..