Related article: Child Abuse and the macho-dancing boy
Ang desisyun ng Jollibee Corporation na alisin muna ang advertisement ng Mang Inasal sa Willing-Willie habang ini-imbestigahan ng TV5 at ng MTRCB ang insidente noong March 12 ay nagpapakita na ang kanilang imahen na pangpamilya ay hindi lamang sa promosyon.
Talagang isanasambuhay nila ang tamang kaugalian na respeto at pangangalaga sa bawa’t miyembro ng pamilya, bata man o matanda.
Sumulat si Pauline Lao, ang namamahala ng corporate Media ng Jollibee Foods Corporation na may-ari ng 80 per cent ng Mang Inasal na mga restaurant kay Froilan Grate na siyang namamahala ng “Para kay Jan-Jan Facebook” at sinabing sa loob ng isang linggo, hindi na muna sila maglalagay ng advertisement sa Willing –Willie.
Sinabi ni Lao na hindi naman talaga naga-advertise ang Jollibee, Chowking, Greenwich at Red Ribbon sa Willing-Willie.
Sabi pa ni Lao alam nila ang kontrobersiya tungkol sa Marso 12 na show ng Willing–Willie tungkol kay Jan-Jan kung saan sumayaw ang anim na taon gulang ng bastos na macho dancing at lalong inudyukan ni Willie Revillame na para bang sa bar. Umiiyak ang bata habang sumasayaw at pinauli-ulit pa ni Revillame bago niya binigyan ng P10,000.
Sabi ni Lao hihintayin niya ang resulta ng imbestigasyon na ginagaw ng TV-5 sa insidente bago mag-desisyun ng kanilang pangmatagalan na aksyun.
Sana hindi na bumalik ang Mang Inasal sa Willing-Willie. Kahit naman hindi sila mag-advertise doon, marami pa rin ang kakain doon dahil patok talaga ang kanilang unlimited rice na policy.
Sabi pa ni Lao, “Rest assured that the JFC group remains committed to upholding the welfare of children. We trust that the appropriate and expert institutions will also respond and look into this matter with urgency. Like you, we are also hoping for a quick and rightful resolution of this matter.”
Ini-imbestigahan na rin ng Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) ang insidente. Sinabi na ni Etta Rosales ng Commission on Human Rights at ni Social Services Secretary Dinky Soliman na ang ginawa ni Revillame sa bata, kahit pa sinabi ng magulang na hindi pinipili si Jan-Jan, ay pang-aabuso ng bata at ‘iyan ay paglabag sa batas na nagbibigay ng proteksyun sa mga bata.
Sinabi ni Soliman na binibigyan daw ng counseling ang bata at ang kanyang mga magulang dahil mukhang despalinghado ang values.
Humingi ang TV-5 ng paumanhin at pinagbabawalan na raw muna ang mga batang magsasayaw sa Willing-Willie. Naglagay na rin daw ng tao ang TV5 para tumutok sa audition ng Willing-Willie.
Ang paumanhin na sinasabi ni Willie ay hindi naman paumanhin dahil mayabang pa nga siya.
Yung iba namang advertisers ng Willing-Willie, mukhang wala silang paki-alam. Pareho ang pag-iisip nila ni Revillame at ng magulang ng batang Jan-Jan.
Tayo na lang ang mag-boycott sa kanila.
Reta
The advertisers should permanently stop advertising on shows like Willing Willie.
Para madala yang hambog, mayabang at aroganteng Willie na yan.
Pinakamasarap na inihaw-manok ang Mang Inasal. Sa Subic ko unang natikman ito at twice a week ako mag-order (minomotor lang from out town) for lunch.
But when I saw that it is one of ugly Willie advertizers, I right away asked my relatives and friends to not eat there, boycott until the management withdraws its support to Revillame’s show. Buti naman at nagbigay ng balita sila, pero saka na lang muna pa ang Mang Inasal, hintay pa ng balita.
ayan, suspendido tuloy ang advertisement… iba kasi inasal eh, baka ma-willie..
Ano kaya kung wala ng magpa advertise sa willing willie. Next time sana kapag nagpakita na ng talent ang isang contestant ay hindi na ipaulit o kaya ulit ulitin kasi kung ganun ay ginagawang uto-uto ang isang contestant. Ginagawang katatawanan. Ang nangyari kay Jan-jan ay dahil sa pagpapaulit ulit ng ala macho dancing. Kung isang beses lang iyon ginawa tiyak wala ang isyu na nangyayari ngayon sa episode na iyon.
pag hindi umalis ang mga advertisers, ituloy pa rin natin ang boycott.
Dahil sa social condition ng ating bansa tila mahirap paniwalain ang publiko sa katotohanan about Willie. Isa siyang opportunista ginagamit ang kapos na kalagayan ng mga contestant sa pangsariling ambisyon. Bagamat namimigay siya ng pera ito ay di sapat na dahilan upan magbigay ng maling pagasa sa bayan. Marami sa ating kababayan ang naghihikahos sa buhay at isa si Willie sa nakakita ng oppurtunidad na pagkakitaan ang kahinaang ito.
Boycott all products that support Willie Revillame!
Mas maigi wag na kayong manood ng mga palabas sa TV5 … tapoooos … di ba? 🙂 🙂 🙂
Switch to another channel.You have more than 500 TV channel to watch on cable TV, o kayay mag facebook na lang and chat with your 1,000 friends.
Inaabangan ko ang Mara Clara.
Dalawa lang naman ang tema ng programa ni Willie, either katatawanan o kaawaan ang mga contestant.Pag maawa sila pila-pila para magbihgay ng piso at dolyar sa contestant.Yan ang entertainment.
Kasalanan ng mga magulang iyang nangyayari sa mga anak nila. Kung di ba naman sila mga gago, sariling bunganga nila di nila kayang palamunin, manguha pa ng kasalo sa kahirapan at dagdadgan pa ng hangang lima at sampung anak,kaya ayan tuloy kung ano ano ang naiisip na gawin sa mga anak na pagkakakitaan.Si daisy nag prostitute na at mga iba namamalimos at nag iisnatch. Kung tanungin bakit nila ginawa iyun, naghihirap daw sila sa buhay.Buti sana kung may Welfare at food stamps na natatangap ng tulad sa US na tinatawag nilang AFDC-Aids for Families with dependent Children.
Kaya naman gawin ng Gobyerno ng Pilipinas iyan na magbigay ng AFDC kung gusto,maraming pondo ang DSWD at ang Agriculture kesa kinukurakot lang ng mga kabesa ng kanilang departamento.Di sana maiwasan nila ang ipila ang anak nila kay Willie para gawing mga payaso. Talented daw.Torpe talagang mga magulang.
Nagbabanta si Willie oh. 😛
http://www.gmanews.tv/story/216552/entertainment/pep-willie-revillames-tirade-against-his-critics-on-the-jan-jan-incident
Nagbanta pa sa advertisers ang loko!!! 😛 😛 😛
Sa mga batikos na tinatangap ni Willie ay lalu lamang ninyo siyang pinapasikat, mahilig ang mga madlang pipol sa ma controversila na tao. Talk of the town at usapang barangay. Iyan ang gustong gustong pag-usapan hindi iyung mga moral values na itinuturo sa school at ng simbahan. Mga studyante nga mas gusto pa nilang magbasa ng komiks kesa libro kasi nalilibang sila.
Hindi niyo na kayang pabagsakin si Willie dahil mas maraming gago sa atin kesa matitino at naging libangan na nila iyang panonood at sumali sa shows niya at feelings ng mga contestant ay artista na sila.Wala naman iyang TV 5 na iyan ng walang Willie.Multi- million ang bayad diyan sa advertisement ng programa niya, kahit na mag pull out pa ang kalahating sponsors diyan maraming nakapila na handang magbayad ng air time.
Kahit i boycott niyo iyan baka lalabas ng bahay ang kasama ninyo sa bahay at makinood sa kapitbahay.Matindi pa sa Viagra ang dulot niyang pampatigas at gayuma.Kung ako hayaan ko na lang iyan sa mga kababayan nating di kayang magbayad ng Psychiatrist sa mga sakit nila sa utak at walang perang pambili ng cuatro kantos para maibsan ang kanilang nararamdamang saklap ng buhay.
Kung tumakbo ngang Senador iyan si Willie baka siya pa ang maging number one kahit wala siyang partidong kakampi.Mas malakas pa ang hatak ni Willie kesa kay Pacman, dahil si Willie libre nilang napapanood, si Pakman bayad ka pa ng Mahigit $50 sa PPV fight.
Kita ninyo sa Ultra stampede marami ang nasaktan at may mga namatay pa, andiyan pa rin siya at lalung sumikat.
Punta nga ako sa Jollibee at order ako ng mang inasal tapos mag to go ako ng isang dosenang siopao bola bola sa chowking.Konti na lang ang kumakain ng fried chicken na manok sa Jollibee kasi wala silang 99cents burger at chicken sandwich tulad ng MC Do at Burger King.
Mang Inasal, sumusunod sa magandang asal, binantaan ng isang gagong walang asal.
Ayos ka Mang Inasal, marami pang susunod sa iyo.
Sugod mga sundalong kanin, kain na tayo sa Mang Inasal.
Willie is unrepentant and arrogant already, money does that to a man, someone needs to teach him a lesson.
Nauna na yata ang CDO?
Cocoy: nanunuod ka din pala ng Mara Clara..nagbago na ba ang ugali ni Clara? at yong kaibigan niyang si putot na Desiree ata ang pangalan…na akala niya siya si Ms. Univere..gusto ko siyang tirisin…
jug, ugly Willie is incapable of learning as long as he has money. Manny Pangilinan is acting deaf and mute also because of money. Nawalan ako ng respeto dito kay MP.
Jug, CDO changed its mind and decided to stay put.
I saw that ambush interview of TV-5’s Manny Pangilinan a day or two after the Jan-Jan incident.
His reaction? A smug “I didn’t see anything wrong with it. But if there were some people who got offended, sorry..”
He sounded just like his Willie. An insincere “I am sorry” is not an apology.
And this Pacman is gobbling everything in his path. He now has the power to influence so many aspects of our lives. He is into everything now. Soon he will control the political and economic life of this country. And with values like Willie’s…
Nakakalungkot talaga sa atin sa Pilipinas dahil yung mga “notorious” ang mga sikat, basta may pera at nagpapamudmod nito. Yung mga tuwid na tao, kaya lang walang perang maipamimigay, hindi pinapansin. Kaya yan, baliktad ang nakagawian ng mga tao.
Boycott CDO! Sabagay, di talaga ako bumibili ng produkto nila. Kasi di talaga masarap. Sa totoo lang. 😛
Today is my kids’ recognition day at school, I asked them where they wanted to have lunch and they picked mang inasal, the chicken was delicious and my perenialy hungry boys enjoyed the rice all you can.
Mike: Ano ba ang mga producto ng CDO? Many times even if we don’t really like the product because of the adverisements we hear we want to try and keep on buying kasi binibili ng karamihan…power of suggestion…in addition maraming mga freebies and we don’t realize it we pay for their product na hindi naman big deal and we pay for the promotions and ads they give and inuutouto tayo…insead of sodas drink water…for shampoo use the gugo…karamihan sa binibili natin ay processed product..nahaluan na…use natural products and be natural mas maganda at mas pogi ang kinalabasan mo…
jug, UNLI rice, 🙂
Unli rice para doon lang sa chicken at pork barbecue meals. Pag ibang ulam, walang unli rice. Napahiya ang anak ko nung humingi ng free rice doon sa ulam niyang sinigang yata yun. Sabi nung waiter, walang free rice sa order niya, galit pa. Sabi ko, ako ang bigyan mo, chicken barbecue ang order ko. Saka ko isinalin yung kanin sa plato ng anak ko. Kamot siya ng ulo.
Pag sa susunod ipinaskil nila sa poster na “No sharing of rice” hindi na kami kakain diyan. Balik Savory/Aristocrat/Max’s/KFC kami. Wala namang special sa lasa ng manok nila. Para lang yung mga ihaw-lhaw sa kalsada.
Unli rice? False advertising yan. Dapat sila ang i-ban sa TV. Pareho sila ni Willie, manloloko.
Matalino man daw ang matsing, napaglalamangan din.
clearpasig: Let us Clear Wil lie too! Gawin niyang malinis ang kanyang shows..Wil lie sow good seeds sa isipan ng mga kabataan..kaya mong gawin ito kung gugustuhin mo..nasa iyo ang decision! kung talagang marami kang fans they will follow you…so lead them right sa matuwid na daan…hindi ba tuwid ang daan mapunta sa Cabanatuan? hindi ns ang magulang mo ay teacher? kahit simply lang ang buhay nila naituwid ka nila noong bata ka pa? nasilaw ka ng pera at lumiko liko ng ang daan mo…you can influence a lot of people…make a difference in showing the youth sa matuwid na daan…aasahan ka namin..kayang kaya mo! bata ka pa at hindi mo seguro alam ang kantang..”Blowing in the Wind” …
puede bang magorder ng Mang Inasal without the unli rice? hindi kasi ako maki rice..kasi nakakataba ang rice…masiado na akong mataba….so far ako pa rin ang payat sa Holy Rosary Senior Citizens…mga Italians kasi sila! abg hilig nilang lahat sa kanin..lalo lalong na ang mga padirs…hindi rin ako mahilig sa pasta at sa pizza…