Akala talaga ng mga tao sa Ombudsman sa pamumuno ni Merceditas Gutierrez ay hindi sila sakop ng batas. Ang lalakas ng loob! Ang kakapal ng mukha!
Pakutya na sinabi ni Assistant Ombudsman Jose de Jesus na sorry na lang ang Malacañang at hindi nila susundin ang order ng Pangulo na patalsikin si Deputy Ombudsman Emilio A. Gonzalez III dahil na-imbestigahan na raw nila ang akusasyon ng namatay na pulis na si Rolando Mendoza na kinikikilan siya ng P150,000 at “cleared” na raw si Gonzalez.
Pambihira naman. Sila-sila lang ang nagi-imbestiga ng kanilang sarili. Siyempre “cleared”.
Noong Biyernes pinalabas ng Malacañang ang order ni Pangulong Aquino na tanggalin sa pwesto si Gonzalez pagkatapos ma kumpirma ng team na pinangungunahan ni Executive Secretary Jojo Ochoa ang resulta ng imbestigasyun at rekomendasyun ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamumunuan ni Justice Secretary Leila de Lima na dapat panagutin si Gonzalez dahil nagpabaya at hindi tama ang kanyang asal (gross neglect of duty and gross misconduct) sa paghawak sa kaso.
Maala-ala natin na kaya nang-hostage si Mendoza noong Agosto 23, 2010 para mabigyan atensyun ang sinasabi niyang injustice sa pagsuspindi sa kanya.
Si Gonzalez ang unang opisyal na mapaparusahan sa malagim na insidente na kumitil ng buhay ng walong Hongkong nationals, nagbigay ng malaking kahihiyan sa Pilipinas dahil sa palpak ng mga pulis at iba pang opisyal at nagbigay ng lamat sa relasyun ng Pilipinas sa China. Namatay rin si Mendoza.
Sa presscon na ginawa ni de Jesus, mariin niyang sinabi na hindi sila sakop ng President dahil Constitutional body raw sila. Ano sila, may sariling kaharian dito sa Pilipinas? Ang pinaninindigan daw nila ay ang Republic Act 6770 na nagtatag Ombudsman na nagsasabi na ang Ombudsman daw ang may karapatan mag-imbestiga ng lahat ng appointed at hinalal na opisyal ng pamahalaan.
Hindi ko alam kung sadyang nanloloko itong si De Jesus na akala niya hindi natin siya mabuking dahil tanga tayo o talagang tanga siya.
Hindi niya yata binasa itong parte ng Ombudsman Law: “ A Deputy, or the Special Prosecutor, may be removed from office by the President for any of the grounds provided for the removal of the Ombudsman, and after due process.”
Klaro. Ang deputy o special prosecutor ay maaring tanggalin ng opisina ng Presidente sa mga rason na nakasaad sa batas.
Ang hindi sakop ay ang Ombudsman mismo na pwede lang matanggal sa pamamagitan ng impeachment. Kaya nga may impeachment laban kay Gutierrez sa susnod na buwan. Mahaba rin ang listahan ng kanyang paglabag sa kanyang tungkulin.
Itong asta ng Ombudsman sa kaso ni Gonzalez ay lalong nagpapatibay ng paniwala ng karamihan na dapat talaga linisin ang opisinang ang trabaho ay maglinis ng pamahalaan.
Mas madali yatang lusawin kesa sa linisin ang Obsbudsman Office. Pwede bang lusawin na lang yan, sobrang polluted na sila dyan!
“Hindi niya yata binasa itong parte ng Ombudsman Law: “ A Deputy, or the Special Prosecutor, may be removed from office by the President for any of the grounds provided for the removal of the Ombudsman, and after due process.””
__
Sila mismo sa Ombudsman walang alam sa batas, ano klaseng expertise sila meron dun? Ay naku, isampal kay Jose de Jesus ang batas nila na ito!
Kung may nakakaalam man sa sagot ng Palasyo dito sa sinabi ng grupo ni Bakulaw … puwede ba paki post lang.
Ang tagal naman ang kasagutan .. nagsalita na nga si Bakulaw tapos eto pa si Dejesus ….. ano ….. ano …. ano …. sagot nong Pangulo niyo? Ano naghihintay pa ba ang Palasyo ng kakampi!!!!!! Puweeeeewe!!!! Tagaaaaaalllll nakaka-ngitngit 😀
Papano tataas ng rating ng Pangulo kung ganyan naman kakupad ang mga alalay niya …. mag-iisang taon na sila …. wala pang nangyayari sa mga ipinangako niya. Mukhang gagalaw lang ang Palasyo pag may ingay ….. pag tahimik …. tuloooooog sila!!!!!!!
Wow … nabasa ko na sinabi ni Escudero na “Magandang “test case” ito dahil wala pang kaliwanagan ang batas kung ang isang Deputy Ombudsman ay maaaring managot sa Pangulo ng bansa o sa Ombudsman at Impeachment Court lamang.”
May problema talaga ang mga Batas natin … kaya eto ginagago ng mga gago. Puweeeeee !!!!!! Ala talagang kakuwenta kuwenta!!!
Tama ka nga chi …. mas madaling lusawin na lang ang Opisina ng Ombudsman ….. mismo!!!!
It is now being widely revealed to the public that the Ombudsman Office Is a snake pit, of cobras and rattlesnakes, of the most vicious and most Lethal crawlies if we may use metaphor in the above piece of Ellen.
First Point: Did the Ombudsman Committee (by manipulating time) found Gonzales innocent of violating prescribed periods of action for cases. That’s the key point: justice delayed by Gonzales caused the loss of many tourists lives and brought international shame for the country.
Second Point: All those involved in the investigation including those who signed to endorse and approved the findings MUST be FIRED and cases filed against them. To clean it every snake pit must be hosed not with water and detergents but with gasoline and set on fire to burn and eliminate even the bad eggs and bacteria pestering the agency.
Third point: If impeacheable (constitutional) officers have resigned to escape prosecution like Justices of the Supreme Court and Court of Appeals and the Ombudsman, who approves or DISAPPROVES their resignation that they might not get away from the arms of the law? If the ombudsman resigns, who approves or accepts it? Though not expected to happen, Let not mass resignations be a escape hole for suspected felons.
Fourth Point: The Ombudsman Office must be investigated, its entrails turned inside out to determine whether it became the haven of rapaciousness, the propagator and defender of the culture of impunity, culture of corruption, and instilling a culture of fear for the law abiding.
Hindi lang makapal kundi sobrang kapal ng mukha.
Ang mga riding in tandem na gumagala sa luzon at sa ibang lugar mga wala silang kuwenta kasi ang pinapatay nila maliit na tao. Nariyan ang nasa ombudsman na puwede nilang patahimikin pero hindi nila ginagawa. Anong klase sila. Baka wala lang nagbabayad ng malaki sa kanila para tumira ng malaking isda.
Posasan at bitbitin na iyang si Gonxales kung ayaw umalis at dalhin sa presento doon sa tondo.
Iisa lang naman ang dahilan kung bakit di nila matangap at matanggal ang mga nasa Ombugsman office dahil sila sila ay may mga tinatagong baho ng si Pandak pa ang presidente. Kaya sila sila ay nag pro protektahan sa isa’t isa para di malaman ng taong bayan ang kanila baho. Bat sila kapit tuko sa puwesto kung alam nila na sinisuka na sila ng mga karamihan. Pakapalan na lang ng mukha at habang sila naka upo ay di sila makukulong at di makakalkal ang mga baho nila. Dapat ay silipin na rin ang kanilang kayamanan. SC idadaan ay nandoon ang mga bata ni Pandak. Talo na naman ang pilipinas. ” ONLY IN THE PHILIPPINES”.
Ellen Tanong ko lang puwede bang i abolish na lang ang Office of Ombugsman at mag tayo ng bagong ahensiya na lalaban sa mga katiwalihan? Tutal lahat ng law sa atin dito ay puro naman mali at ni isa ay wala silang napapakulong. Kung sino pa ang masahol at talamak sa pag nanakaw ay siya pa ang protektado ng gobyerno natin dahil na rin sa “batas” kaya di sila magalaw.
Nasaan na ba ang mga NPA, CCP at ngayon ay dito kayo kailangan ng bansa natin. Kunin ninyo ang mga ganid sa Gobyerno at kayo na ang bahala sa kanila. Di iyun maliliit na tao ang ginagalaw ninyo.
With ” frustration comment “, ibalik na lang si GMA, para matapos na ang bansa, at mag-ala-Libya na, kung hihinay-hinay si Pangulong Pnoy..Galing naman siya sa Singapore at nag-kausap ng pangulo doon, dapat, nabigyan siya ng “tips” sa tunay na pagbabago. Bumababa tuloy ang ratings niya. Tiyak, apiktado ang kanyang ka-balikat-“trouble shooter ” na si Mar Roxas. Pag-ganito ang liko-likong landas di maituwid, tiyak si Binay ang susunod na pangulo. Mahinay si Binay, ngunit, ” small and terrible “, tiyak tapos na ang mga Aquino, at mga Binay naman…parang David and Goliath !.
Si Bunay ( David ), Goliath ( mga Bakulaw sa gobyerno )..tsktsktsk..ito ang lumalabas na scenario ngayon.
Where are the best law and constitution experts in the land? Can’t Pnoy solicit their help so that Mercy et al can be kicked out? It’s already beyond comprehension that there are so many legal/constitutional entanglements plaguing this presidency. In the end, it’s us, the ordinary people who will suffer the most. Help!!!
Waste na talaga ng resources ng bansa ang office of ombudsman. Mas economical nga siguro kung instead na pagaksayahan ng mga senatongs ang impeachment ni Merci ay i dissolve na lang yan.
Isa pa iyang si Ninez ng daily tribune, sabi niya ay scapegoat lang ng Penoy si Gunggongzales at walang direct link duon sa tourist bus massacre. Bakit wala ay siya ang dahilan kung bakit nagulo ang utak ni Mendoza at napilitang manghijack para lamang to stress his point na inupuan ng ombudsman ang kanyang kaso.
Ang kapal naman ng mukha nitong si Mang Emilio Gonzales.. Sige magmatigas ka pa at hintayin mong magpadala si penoy ng isang batalyong marines diyan sa opisina mo at kaladkarin ka palabas at itapon sa basurahan.
Kawawa ka naman pala Gonzales kung uamalis kang kusa dahil unemployed ka na, wala ka na ring makuhang cliente kung mag private practice ka dahil wala ka ng integridad baka ibenta mo ang kaso nila.
Mag-iba ka na lang ng linya ng proffesion mo, tutal nakita ko sa kodak mo ng nag sign of the cross ka pa, umpisahan mo ng magbasa ng Biblia baka sakali maging obispo ka.
Nabalitaan ko may bakante raw na pastor sa “The Benevolent Church of Pidalista”
Marami ng bakanteng pwesto sa TBCP, cocoy…halos lahat ng tongressman na kasapi dun ay lumayas na. hahaha!
Oo nga Chi, nagtakbuhan na sa kabilang banger ang mga tongressman kahit na anong higpit sa pag gaguardya ng anak ni Aling Gloria na sekyu.Hehehe!
what is it in the Ombudsman na kapit tuko ang mga nalagay
sa puesto? hindi ba puedeng i delete na lang ang office of the Ombudsman? talagang may pagka ‘ayop itong si putot..
mr president,,do your job!!!!
be the president
Pakutya na sinabi ni Assistant Ombudsman Jose de Jesus na sorry na lang ang Malacañang at hindi nila susundin ang order ng Pangulo na patalsikin si Deputy Ombudsman Emilio A. Gonzalez III dahil na-imbestigahan na raw
De Jesus pa naman ang pangalan. Pwde bang tanggalin sa posisyon ang opisyal ng gobyerno sa hindi pagsunod sa utos ng presidente tulad ng ginawa nito ni De Jesus? isabay na din yan sa pagtanggal kay Gonzales..
“ A Deputy, or the Special Prosecutor, may be removed from office by the President for any of the grounds provided for the removal of the Ombudsman, and after due process.”
tanggalin na din si De Jesus dahil sa katangahan sa batas!
Sabi ng kabilang panig ay tama sila dahil sa “Republic Act 6770”.
Sabi naman ng sa kabila ay sila ang tama dahil sa “Ombudsman Law”.
Mga batas na kumplikado, hindi klaro kaya sila ay nagkakagulo. Tinamaan ng lintik… tawa ng tawa ang kasamahan kong karpintero sa dramang ito.
Sino kaya daw sa kanila ang mananalo? Na parehas daw tama ang sinasabi nila.
Pupukpukin daw ng martilyo sa ulo ang matatalo.
abc,
Daanin na lang nila sa suntukan..
Kung ako kay Penoy utusan ko na si Robredo para bitbitin na ang Mamang Gonzales na iyan sa kanyan opisina palabas.
cocoy..fully agree ako,, show them some lesson
Cocoy,
he he he… magandang panoorin nga, mga naka-barong at naka-amerikana na nagsusuntukan. Parehas na TAMA, may tama sa mata, may tama sa bunganga, tama sa ilong…
Linggo pala ngayon. Mag dasal muna para mabigyan sila ng tamang wisdom ni Lord.
Gutierrez and her Ombudsman cohorts will be well-advised to just resign now of their own free will. They should not wait for the public’s physical assistance to do it.
Their incredulous arrogance and defiance is getting to be very annoying to say the least. It is beginning to stoke public anger that would be difficult to control later.
In plain view of one and all, they are displaying such a level of unbelievable arrogance and defiance never before seen.
It makes it very clear that this office harbors an incredible amount of germs, virus, bacteria, fungus, etc. and has to be thoroughly disinfected.
abc, pasuutin pa ng sombrero iyung naka barong para madaling pustahan.. LO DIYES SA WALA, LO DIYES!!!
simple lang naman yan, mag appoint ng agad si Pnoy ng kapalit kay Gonzales… at kung wala pa, maglabas ulit ng order na lahat ng transaction/order na ipapalabas ni Gonzales ilegal o walang bisa… may magagawa pa ba sila?
O Baka mag pa presscon na naman iyang si Mamang Gonxalez.Hehehe!
Pinaalala mo Cocoy, linggo pala ngayon, may tupada. Pass muna dito.
Huling hirit. Isip-isip PNOY, puwede rin yatang mag-appoint ng sampung Gonzales? Magandang idea Perl.
Agree! Agree! perl. Natumbok mo.
Di ba ang rekomenda ng mga Senador sa Pangulo ay yong tanggalin sa trabaho yong mga Justices na humawak sa kaso ni Garcia?
Tapos hindi pala basta basta tanggalin ng Pangulo ang mga iyan … ano ba talaga kuya …. tama ba yong rekomendasyon niyo … sino ba ang tama talaga?
Anak ng tsupi, talo agad ako sa tupada. Natumbok ko na rin Cocoy ang GF ko. Sabi pa niya, “baka puwede raw irekomenda ng mga Senador sa Pangulo na tumanggap pa ng mga Justices na humawak sa kaso ni Garcia”?
ABC re #26, R.A 6770 is the Ombudsman Law.
@Tedanz
“Di ba ang rekomenda ng mga Senador sa Pangulo ay yong tanggalin sa trabaho yong mga Justices na humawak sa kaso ni Garcia?”
Parang wala sa hulog ang iyong komento kapatid na Tedanz? Justices ba or Special Prosecutors / Ombudsman ang binabanggit sa report ng Senate?
Nabasa mo ba yong complete Senate recommendation @ Tedanz?
Eto ang link basahin mo maigi ha.
http://www.newsbreak.ph/wp-content/uploads/2011/03/Executive_Summary_of_Plea_Bargaining_Agreement_March_9_2011_2PM.pdf
show your iron fist Pnoy,huwag kang magpatalo sa kanila,otherwise habang buhay ka nilang pagtatawanan,kukutyain at kaming mga mamayan ay mawawalan ng tiwala sa iyong kakayahan to govern this volatile islands.this gods shld.know what is hell all about.
http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/01/11/ombudsman-defiant-wont-fire-deputy
Gutierrez added: “In view of the foregoing, this Office has considered the matter of DO Gonzales’ culpability in the hijacking episode as legally final and closed.”
Coming from an Ombudsman who is not known as a legal heavyweight and only passed the bar after her second try and with average grade to boot makes one wonder has she reached the apex of her incompetence as embodied in the “Peter Principle”.
From Wikipedia : The Peter Principle states that “in a hierarchy every employee tends to rise to his level of incompetence”, meaning that employees tend to be promoted until they reach a position at which they cannot work competently. It was formulated by Dr. Laurence J. Peter and Raymond Hull in their 1969 book The Peter Principle..”
Itapon na kasi sa basurahan ang garbage na mamang Gonzales na iyan, pakalat kalat pa diyan sa Ombudsman ang walang hiyang iyan na makapal ang mukha.
Ang pinaninindigan daw nila(de jesus camp) ay ang Republic Act 6770 na nagtatag Ombudsman na nagsasabi na ang Ombudsman daw ang may karapatan mag-imbestiga ng lahat ng appointed at hinalal na opisyal ng pamahalaan”.
Ito naman ang pinaninindigan ng kabila… Ombudsman Law: “ A Deputy, or the Special Prosecutor, may be removed from office by the President for any of the grounds provided for the removal of the Ombudsman, and after due process.”
R.A 6770 is the Ombudsman Law. Salamat Ellen.
Aysus ginoo, iisang batas lang pala ang pinagtatalunan. Batas na kumplikado, hindi klaro kaya sila ay nagkakagulo. Tinamaan ng lintik… kanina pa tawa ng tawa ang kasamahan kong karpintero. Ingles daw yan kaya hindi raw sila nagkaintindihan, idinamay pa ako.
Hindi naman kumplikado. Ginugulo lang.
Ombudsman Law: “ A Deputy, or the Special Prosecutor, may be removed from office by the President for any of the grounds provided for the removal of the Ombudsman, and after due process.”
hehe ang nirereklamo siguro ni de Jesus ay yung “due process” na ang ombudsman lang ang may kapangyarihan magimbestiga… oo nga’t ang may karapatang magpatalsik ang presidente na mas mababa sa ombudsman ayon sa ombudsman law… pero ang nagsagawa ng imbestigation sa kaso ni gonzales.. office of executive secretary (tama ba?) at DOJ ay hindi tama… so pinlalabas nila (de jesus camp) na walang bisa yung order…
hehe… ang galing nilang mangbutas ng batas…
mag appoint na agad ng kapalit.. ay yung magrereklamo, magsumbong na lang kay Corona… hehehe…
#41
romyman
Nasa hulog ang komento ko pero nalihis lang 🙂
Nakasulat sa rekomendasyon ayon sa site na sinabi mo eto ang isang parte:
“The Committee recommends to the Chief Executive, the President of the Philippines, through the Department of Justice (DOJ), to institute the appropriate administrative and criminal proceedings against the Special Prosecutor Wendell E. Barreras-Sulit, Deputy Special Prosecutor Robert E. Kallos, Acting Deputy Special Prosecutor Jesus A. Micael, Assistant Special Prosecutor Jose Balmeo, Jr., Asistant
Special Prosecutor Joseph Capistrano and the rest of the Prosecutors for betraying public trust.”
Eto ang sabi naman ni abc re #45
“Ang pinaninindigan daw nila(de jesus camp) ay ang Republic Act 6770 na nagtatag Ombudsman na nagsasabi na ang Ombudsman daw ang may karapatan mag-imbestiga ng lahat ng appointed at hinalal na opisyal ng pamahalaan.”
Tanong sino ngayon ang tama???????? Sino????????
# 48
Any freshman law student first learns the principle of the specific over the general. Between a specific provision and a general provision, the specific prevails; it is presumed that the legislature chose to treat the specific as an exception to the general.
The general section states that the Ombudsman disciplines all government officials, including Cabinet officials. The specific provision states that President has the power to remove the deputies. So the latter will be upheld. and not without reason, because the Boss may be too lenient, as is shown here, towards his/her subordinates; because if she finds wrongdoing, it may reflect on her, by way of command responsibility.
The same principle applies, in the case of the President and his Cabinet. The Cabinet member is investigated by the Ombudsman for shady deals, not the Office of the President, so that a President will not exonerate his subordinate.
Oops, so the Merci pala ang dapat nag-imbestiga kay shooting buddy, not De Lima, who is the alter ego of the President.
Calling on lawyer bloggers here to clarify.
Blast from the past when in Congress integrity reigns during the time of Recto, Tanada, Premicias, Diokno, Amang Rodriguez, etc. . Any recalcitrant government agency in those times can be disciplined by being given a One Peso Annual budget (NBI?).
The Budget Cycle can be a disciplinary tool. Look! The Budget Office under the Office of the President can castrate or emasculate any runaway office by not submitting any budget for that office in any fiscal year. Under the itemized proposed budget, they can even delete the position title and salary of a hooligan officer. In Congress itself, the Lower House may delete not only the budget but even the Office or Agency itself in its approved General Appropriations Acts for bicameral approval of the Appropriations (Finance) Committees of both houses. Like an old song, Senators used to sing: We are sorry Mr. Director or Mr. Secretary, we can not restore what were deleted in the Lower House, much more propose any increase your budget for the year.
So if Congress wants to send to oblivion any agency of any Branch, Congress can do so. Philippine government budget theory and practices before had seen to it that a culture of impunity among the agencies is avoided by using the Damocles sword of deletion and abolition.
On budget execution, the Office of the President through its Budget Secretary can make any Judas or Pontius Pilate sweat blood before they get their pesos if they don’t toe the line.
The Auditor of the Ombudsman might have a problem. After the firing of Prosecutor Gonzales, will the auditor allow payment of his salaries and other emoluments?
When legality is in doubt unless the auditor is bribed, the transaction must wait for a decision of the court or higher authorities. To allow or disallow against the law, gets the auditor in the neck. Better to DISALLOW and wait.
Laws change over time, the above posting may be obsolete or still valid, so lawyer readers and bloggers, please clarify.
Sa ibang bansa, pag ayaw sumunod, papupuntahin lang yong locksmith para palitan ang susi o kandado ng opicina, Tapos na ang usapan. Maghabol muna siya sa tambol mayor este husgado is the BEST policy. Yun interpretasyon muna ng nakakataas an autoridad ang dapat na masusunod. Common sense daw yun ng mga maalam na talo ang marunong.
#48 hindi segurado napansin ko lang
SnV hindi ba ibang investigating committee yun, ang ini imbestiga ay yung pangyayari sa Luneta at hindi lang yun shooting buddy ng Presidente? Pareho ba yun?
#48 pa rin
on second thought bakit nga ba hindi napunta sa ombudsman yun Luneta Case, halos lahat ay mga opisyales gobierno, pagkatapos mag report ng Interim Investigating Commmitte. Dapat ba meron magfile ng kaso o motu propio puedeng imbistigahan ng Ombudsman?
Sabi ng ni Ellen hindi naman kumplikado ginugulo lang.
#43
The Peter Principle states that “in a hierarchy every employee tends to rise to his level of incompetence”,
Mabuti kung ganyan, sa bandang huli ang incompetence. Yung mga puna kay Ombudsman Gutierrez tungkol sa kanyang kakayahan ay nagbabadya ng incompetence sa simula at simula pa. Hindi sakop ng Peter Principle yan. Otra cosa yan.
Lahat ng aksyon ng Presidente ay para sa Public Interest, sa kapakanan ng madlang publiko. Yung bang mga aksyon ng mga opisyales sa Ombudsman ay tungo sa kapakanan ng madlang publiko o pansarili lamang.
Kaninong kapakanan or interests are these Ombudsman’s actions being made?
Parang pader si Noynoy diyan, mahirap buwagin kung bawat desisyon niya ay hindi para kanya o mga ka rancho niya, lalo na at hindi pagnanakaw o pang aapi o panloloko sa madlang publiko.
Magagalit ba ang madlang publiko kung ang Ombudsman ay burahin na muna sa General Appropriations Act, at ang budget idagdag na lang sa Health at Education budget?
Dapat na budget na isubmit ni Sec Abad ay yung lang para sa mga janitor at security ng Ombudman Office para pangalagaan ang building. Buhay na buhay ang gobierno ni Noynoy kahit wala ang ombudsman.
Ano ba naman iyang porma ng comment mo Humus, hindi ko maintindihan kung nagmamakata ka o sumusulat ka ng article.Mahirap basahin inatake tuloy ako ng vertigo.
Yung mga sinabi ko sa itaas ay hindi nanghihikayat o mga payo upang ang tao ay lumabag sa batas. Ang puntos lamang ng mga sinabi ko ay yun gumagamit ng batas bilang latigo laban sa publiko, ay puede ring agawin at maging latigo ng publiko para ihataw sa gumagamit nito.
#56 Salamat sa puna kababayang Cocoy
Hindi ko sinasadya yan, nakakhiya na nga kay Aling Ellen. Kasalanan ng utak at daliri ko yan nasanay na tumipa ng poem (free verse at blank verse) sa tagalog man o sa English. Minsan biglang nagkakaroon ng rhyming.Minsan din naman nakukuha ko rin ang correct paragraph margins. I’ll keep trying till I get it.
#56 binasa ko yun posting ko, nakaka vertigo nga. mula ngayon sundin ko nalang yung word processing na tuloy tuloy ang tipa, bahala na lang mag margin ng sarili ang ms word. tulad nitong ginagawa ko ngayon. mas mabuti seguro dahil tuloy ang daloy ng ideya sa kokote hindi tulad ng poem na kung anu ano ang inisip para tugma sa haba ang line, at dami ng stanza. ganyan talaga ang trying hard maging poet o maayos na pagsulat tulad ni Balagtas. tama na ba ang paragraphing at margins? Seguro nakuha ko na.
heh, heh. OK na nga. salamat sa pursige ninyo Ellen.
Ayan Humus di maganda ng basahin.Ganyan…Hehehehe!
I like the idea of “NO BUDGET” para sa Ombudsman. This will definitely tame Malditas. Maliban na lang kung mas malaki ang sweldo niya galing kay putot at ni fatso to hang in there. Bahala na lang yung mga tao niyang mangulimbat ng pera.
Kung walang budget na ibibigay sa Ombudsman, may effect din yan, lalong magkakaroon ng talamak na corruption. Lahat ng may kaso, kikikilan na lang nila. Yung mga sanay sa corruption, magbabayad na lang para wala nang maraming kesyo kesyo and corruption in the Ombudsman will be worse. Maliban na lang kung magaling ang mga “spies” ni Pnoy at mahuhuli din ang mga corrupt na ombudsman, eventually.
Haaay, sa wakas, nakinig si Humus na ayusin ang margin ng comments niya. Thanks Cocoy for tellung Humus na nakakahilo basahin ang ganung comments.
Sayang naman at magaganda naman ang mga comments mo.
And Humus, please refrain from capitalizing words in your comments. Para kasing sinisigaw mo when you capitalize words. Hindi naman kailangan yun. Maintindihan yun ng ma readers dito kahit na small letters.
Salamat, Humus for being a good sport.
Unfortunately kapatid, the Ombudsman enjoys fiscal autonomy as provided by the constitution. Hindi pwede ang ” NO BUDGET”.
@totingmulto
Eto ang actual 1987 constitution provision regarding the fiscal autonomy of the Ombudsman.
“Section 14. The Office of the Ombudsman shall enjoy fiscal autonomy. Its approved annual appropriations shall be automatically and regularly released.”
Evidently ang scope ng fiscal autonomy ng Ombudsman is based on its “approved annual appropriation”. Nowhere here says categorically NO APPROPRIATION is prohibited. If Congress so desires it can appropriate ZERO, ONE PESO or ANY AMOUNT for the maintenance and operation of the office of OMBDUSMAN. If approved by the President then whatever amount allocated by Congress even if it is zero is the ‘approved appropriation’.
romyman,
Fiscal autonomy means that appropriations for the office of the ombudsman may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year and, after approval, shall be automatically and regularly released. Fiscal autonomy is granted to the ombudsman in order to strengthen its independence and be protected against outside influence and political pressures.
How could a “zero budget” be automatically and regularly released?
Naku, approved na ng congress ang budget. Eh di wala ng pagasang liitan pa ang appropriations ng Ombudsman.
Okey lang na may budget ang Ombudsman. It is with the purpose that it shall function (and function efficiently) within its budget. Kaya naman tinatanggal na ngayon yung mga sagabal diyan sa opisinang yan.
Kung mag-resign si Merci at mga alipores niya pag tinanggalan ng budget, paano na yung papalit? E di lalong walang mapaparusahan na tiwaling opisyal.
Nababagalan ako sa aksyon diyan kay OSP Wendell Sulit. Di tayo sulit sa ginagastos sa opisinang yan. Kundi ba naman gaga e “win-win solution” daw ang hinahanap dun sa plea bargain? Bakit kailangang mag-win pati si Garcia dito e magnanakaw siya? Ang gobyerno’t taumbayan lang ang may karapatang mag-win, bruha ka!
Nanginginig ako sa galit pag nakikita ko mga pagmumukha nitong sina Sulit at Merci. Ang ku-kyuuuut!
Pa-sampal naman, pleeeez!
@totingmulto
“may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year”
Please specify your basis of stating this. The Constitution does not have this provision that prohibits Congress from reducing the appropriation of the Ombudsman.
In fact what the constitution prohibits is Congress increasing the recommended appropriation in the Budget. I quote the 1987 Constitution
Section 25 of Article VI. (1) The Congress may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the Government as specified in the budget. The form, content, and manner of preparation of the budget shall be prescribed by law.”
Fiscal autonomy is defined under section 3 of article VIII for the judiciary under the constitution. The same letter and spirit of the law. Try to read the books of Bernas or Isagani Cruz, kaibigan.
kasalanan dn kasi ni Noynoy eh…hindi ba sinabi niya “kayo ang boss ko”..di ngayon hindi siya sinunod ng boss niya!
@totingmulto
Under the heading “Judicial Department”
Section 3. The Judiciary shall enjoy fiscal autonomy. Appropriations for the Judiciary may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year and, after approval, shall be automatically and regularly released.
compared this with
Under the heading “Accountability of Public Officers”
Section 14. The Office of the Ombudsman shall enjoy fiscal autonomy. Its approved annual appropriations shall be automatically and regularly released
Are these to provisions identical and grants the Office of the Ombudsman the same privilege/rights as the Judicial Department.
Not by a mile. Note the fiscal autonomy granted to the Judicial Department has a provision that curtails the power of Congress over appropriations of the Judicial Department. Glaringly the same provision is absent in the fiscal autonomy granted by the constitution on the office of the Ombudsman. Can the office of the Ombudsman claim that it has the same fiscal autonomy privilege given to the Judiciary in light of the omission of the following provision !!
“Appropriations for the Judiciary may not be reduced by the legislature below the amount appropriated for the previous year and, after approval….”
In light of this we can safely conclude that the fiscal autonomy granted to the Judiciary is not the same fiscal autonomy granted to Ombudsman because of the qualifying provisions that limits the power of the legislature on the budget of the judiciary.
romyman,
Know the meaning of fiscal autonomy and its purpose and all your questions will be answered. The constitution does not have to be redundant. This issue had long been settled long long time ago.
Ang “babaho” talaga ng ugali ng ibang namumuno sa Pinas, katulad ng mga nandiyan sa Ombudsman..Sa US o ibang bansang marunong gumalang ng Saligang Batas, ” tsimis ” pa lang, nag-reresign na sila, huwag lang mabahiran ng dumi-ali-ngas-ngas, ang opisinang pinag-lilingkuarn..Ibang-Iba talaga ang Pilipinas,kapit-tuko, kapit-kamatayan, ang mga
ini-upong mga pamunuan-leaders..Ganid-Swapang-takaw-pera, at bulok-kaluluwa sila, mga abogado pa namang naturingan. nililito ang batas, binabakulaw…tsktsktsk..
settled by whom? cite references what GR numbers ? The Ombudsman can not assert as its rights what is not given to it by the Constitution as simple as that.
romyman,
Dios ko, do not be too literal. If you know the meaning of fiscal autonmy, everything is crystal clear to you. Do your assignnment, magbasa ka.
totingmulto
i have done my assignment very well and my arguments are supported by verbatim quotes from the constitution.
resorting to “Ad Hominem” arguments doesn’t help your assertions at all.
This is a well known legal adage which I have modified and applied in light of our discussion.
“In an argument if the facts are against you, hammer the law. If the law is against you, hammer the facts. If the fact and the law are against you, hammer opposing side.”
Order in the court.
Gusto kong ecapital lahat para isigaw pero ayaw ni Ellen kaya heto simpleng maraming salamat na lang sa mga tugon sa aking hininging puna o komento, tungkol sa budget ng Ombudsman. Heto ang ganda at lakas ng demokrasya: masusi at malawakan pagtatalo sa importante issue ng lipunan.
Kahit maraming batikos sa mga abogado at kanilang siyensia ng abugasiya, in the long run of debate, in the ultimate analysis of results or consequences, lawyers and their law constitute the light at the end of a dangerous mining tunnel. Salamat po.
Naisip ko lang, naisulat ko sa itaas ang salitang muna (pansamantala) na hindi nakita ng iba. Tanggalan muna ng badyet ang Ombudsman. Ang public policy ay parang drama, tignan ang magiging kilos ng mga gumaganap. Wala tayo dati niyang Ombudsman, sasaluhin ng DoJ ang pansamantalang maiiwang tungkulin na dati naming kanilang pinaiiral. Pag sarado agad ang Ombudsman maiiwasan pa nga ang pagsira o pagtatago ng mga ebidensiya. Dapat pa nga mag assign ng pulis at isang trak ng bombero para protektahan ang mga records araw-araw 24/7. Alam naman natin yan, custombre na yan at tradisyon sa mga oficina ng mga magnanakaw.
Kasabihan sa ordinaryo o karaniwang kawani or mabuting mamayan, you can not fight city hall. Yung mga meron kawalang hiyaan ginawa sa gobierno o sa kapwa, lalo ng hindi puedeng lumaban sa city hall, dahil kalaban na rin nila ang publikong nagbabayad ng buwis. Sa mga ganyan tao dapat tarato ng city hall ay maghabol muna sila sa tambol mayor.
Sabi ko nga pag ang desisyon ng presidente ay para sa bayan, para siyang pader, bulldozer at back hoe ang kailangan para siya tibagin. Pero pag pangsarili ang tungo ng desisyon, tulad ng pagbili ng Porsche ni Noynoy kita agad ang resulta. Nagkakabitak agad. Maari nga meron maging presidente para sarili lang lagi ang mga desisyon pero mas matibay pa sa pader o bakal. Sa totoo lang hindi karaniwang tao ang ganoon, hindi daigdig natin ang pinangagalingan noon.
Sabi noong Ombudsman prosecutor na tinanggal sa trabaho at tinutuligsa sa media, wala siyang kasalanan, hindi niya pinatagal o inupuan ang kaso ni Mendoza. Sa bunganga lang. Nasaan ang mga ebidensiya o papeles na naglalahad ng mga petsa ng kaso. Sa media siya nasensante, binatikos at minura ng mga tao. Sa media din siya maghain ng kanyang kawalan ng kasalanan. Isama niya ang chairman ng komiteng nagpawalang sala sa kanya, sa PCIJ, sa mga reporter ng Vera files, kay Ellen Tordesillas na lang. Buksan nila ang isang kahong record ni Police Mendoza. Buksan niya sa media ang kanyang Statement of Assets and Liabilities, ilitrato niya sa Dyario ang kanyang mga bahay at mga ari-arian.
Ang taong malinis walang dapat ikahiya sa publiko o sa mundo kahit na ang maging hilahod sa kahirapan o kaya ay saksakan ng yaman.
Ang PCIJ naman tulad ng mga journalist ng Vera Files
dahil doon sa letrang I (investigative) ng PCIJ, bulatlatin lahat ang kaso na hinawakan ni Gonzales, interviewhin ang mga nasakdal, o napawalang sala,o nahatulan. Objectivong saliksikin ang katotohanan baka si Gonzales ay isang potential na presidente na talagang magaling na magsilbi sa bayan, o kaya ay dapat sa kulungan.
Pag ganyan ang ating lipunan, ninipis ang mga mukha ng mga taong gobierno, magkakaroon ng kunsensiya para sa bayan.
“Ayan Humus di maganda nang basahin.Ganyan…Hehehehe!” – cocoy
Ang daling natuto ni Shakespeare Pareng Cocoy, mahirap nga naman yung mag-align.