May basehan si Ombudsman Merceditas Gutierrez kung bakit sa isip niya, mas pag-asang siyang mas may laban siya sa Senado kaysa sa House of Representatives sa impeachment na kanyang hinaharap.
Sa ngayon kasi, alam na ng mga kongresista na gusto ng Malacañang maalis si Gutierrez dahil walang mangyayari sa mga kaso ng kurakutan na sabi si Gloria Arroyo habang si Gutierrez ang Ombudsman. Alam naman natin sa House, kung ano ang kumpas ng Malacañang, kahit anong administrasyon, susunod yan dahil sa kanilang pork barrel. Itong klaseng impluwensya ng Malacañang ay maaring gamiting sa kabutihan, maa-aring ring gamiting sa masama katulad ng pagggamit ni Arroyo sa paghadlang ng katotohanan nang siya ang nasa Malacañang.
Ang Senado naman, talagang may kasaysayan din namang may sariling diskarte. Lalo pa ngayon na iilan lang ang kapartido ni Pangulong Aquino. Kaya nga ang senate president ay si Juan Ponce-Enrile na hindi kapartido ni Aquino dahil kulang sila sa numero.