Skip to content

Read reaction of Jan-Jan’s father to outrage over son’s humiliation and cry

CHR condemns the March 12 episode of Willing-Willie as “an exploitation of the child’s innocence and demeans his inherent dignity for entertainment’s sake. “ See complete statement in comments section.

A move to teach Willie Revillame a lesson by calling on a boycott of Willing-Willie’s advertisers is being circulated online.Details below.

TV-5 and Revillame apologize

From GMA-7 news online:

Jan-Jan’s father speaks: ‘Maraming natuwa’

Most of the criticism about boy “macho dancer” Jan-Jan was aimed at TV host Willie Revillame, but a few angry reactions referred to the child’s parents who permitted him to be laughed at and humiliated on national TV.

GMA News Online tracked down Jan-Jan’s father, Jojo Estrada, a salon owner from Quezon City, who saw nothing wrong with the spectacle that earned his son a tidy P10,000, which was spent on a new Portable Sony PlayStation and bike.

On his son’s dance:

“Talent ‘yun ng anak ko, simula nung 4 years old sinasayaw nila ‘yun, kahit sa school pa. Ako’y tuwang-tuwa. Napaluha ako sa tuwa.”

On why the kid was crying and not smiling:

“Hindi siya naka-smile kasi wala siyang ngipin. Kaya naman siya umiyak kasi
natatakot siya kay Kapre Balingit!”

On the supposed ‘bastos’ nature of Jan-Jan’s gyrations:

“Sa akin hindi bastos. Basta sayaw ‘yan. Hindi alam ng bata kung bastos. Hindi
bastos ‘yun sa magulang. Kaya gusto ko makaahon sa hirap. Maging artista di ba?”

On the public reaction:

“Maraming natutuwa. Ang daming nagpapapicture sa kanya, after makita siya sa
Willing Willie. Ganun katindi! Pasalamat nga ako kay Willie.”

On the P10,000 prize money:

“Tuwang-tuwa ‘yung bata. Sabi niya, ‘Gusto ko bumalik kay Willie.'”

“Wala akong narinig na hindi maganda. Kahit mga kamag-anak ko sa abroad.
Tumawag sila sa akin. ‘Jojo, napaiyak kami sa tuwa sa ganda ng ginawa ng anak
mo.'”

— Pia Faustino, GMA News

From TV’s Interaksyun website:

Willie, TV5 apologize for Jan-Jan episode

Mr. Willie Revillame, the producers of “Willing Willie” and TV5 sincerely and deeply apologize for the segment of the show featuring 6-year-old Jan-Jan Suan which viewers may have found offensive or in bad taste. We wish to stress that there was never any intention to humiliate or abuse Jan-Jan or any contestant on the show.

“Willing Willie” is a program that was conceptualized to bring joy and hope and shine the spotlight on ordinary Filipinos. The program aims to provide a venue for everyone to show their talents, tell their stories and make their dreams come true. This is the thrust of everyone involved in the program, particularly its host, Willie Revillame.

Like most contestants on the show, Jan-Jan, accompanied by his aunt, joined the program to showcase his talent and play in a game segment in the hope of bringing home big prizes. He has performed in the past in school programs and mall contests, and his performance in “Willing Willie” was completely voluntary and with the blessings of his parents.

He appeared to be sad or even in tears, not because he was being forced to dance, but because he felt the dance was “serious” and he was playing a role. He did not want to smile because of his missing upper front teeth and because of the presence on the set of former basketball player Bonel Balingit who Jan-jan thought was a scary “giant”.

Again, TV5 and Wil Productions express profound regret for any insensitivity on their part, and wish to thank all those who have expressed concern. We are always grateful to be reminded of our obligations to the viewing public. In turn, we hope to make clear that the objective of the show has always been to bring joy and hope to Filipinos, whether they are participating on the show or viewing at home.

Here’s a manifesto circulated online initiated by advertising executive Dennis Garcia to teach Willie Revillame a lesson:

Published inHuman RightsShowbusiness

88 Comments

  1. Sa reactions ng father ni Janjan mukhang nagpapaka showbiz siya. Alangan naman na magsabi iyon ng hindi maganda laban sa show ni willie kasi palagay niya talaga magugustuhan ang anak niya na mag showbiz. Kung bakit magkaganun ay nakabuti rin ang pagsayaw niya ng ala macho dancer.

  2. Kung mamimigay rin lang naman ng pera sa show dapat ay bigyan na lang. Huwag na iyong magpapakita pa ng talent na nagiging dahilan tuloy para umiyak. Hindi rin maganda kasi ang iba ay nag iiyak iyakan lang.

  3. chi chi

    Dioskopo, child exploiter ang gagong tatay ni Jan-Jan! Kung ganyan sya at mga kamag-anak na nabibili ng konting P10,000, parang nakita ko na ang kalalabasan ni Jan-Jan, maliban kung ang bata mismo ay may sapat na talino para maiba ang buhay.

    Jojo Estrada, typical of a %##@&!!!

  4. Mike Mike

    Natutuwa siya (father) dahil nag sayaw ng malaswa ang kanyang anak? OMG!
    Alam nyo tatay, ok lang sumayaw ang inyong anak pero wag naman yung ala macho dancer. Malaswa yung ganung klase ng sayaw. Kung meron man siyang talento sa pagsayaw, ang daming pwedeng pagpilian na sayaw at naniniwala akong kaya niya kahit anong klase ng sayaw. Ito nalang, kung marunong o di kaya’y magaling umawit ang inyong anak, papakantahin niyo rin ba siya ng mga bastos na kanta? Yung may mga halong bastos na salita sa kanta?
    Talagang matutuwa ang inyong anak dahil inabutan siya ng 10,000 pesos, sino ba naman hindi matutuwa nun. Kahit ako abautan ng 10K matutuwa din ako. Di nya alam na bastos? Natural, dahil tinuturuan niyo ang 6 na taong gulang niyong anak na ok lang sumayaw ng bastos. Kaya akala niya ok lang!
    Ano pong klase kayong ama? Na nagtuturo ng kabastusan sa sariling anak? Mahiya po kayo sa sarili niyo!

  5. Mike Mike

    Willy apologized? C’mon give me a break! He might have done so due to pressure from management. If he didn’t, baka mawalan na siya ng tv career ng tuluyan.

    I’m also disappointed with Willy’s co-host Shalani Soledad. Ang tingin ko pa naman sa kanya ay desenteng tao. she should’ve made a stand against the lewd dance of the poor kid. What a waste and what a shame. It’s a good thing PNoy breaks up with her. Yucks!!!

  6. I clicked to TV 5 briefly early last night and I heard Shalani saying, “Ang gusto lang naman natin dito magbigay ng saya…”

    Ay naku. Hopeless.

    No wonder PNoy dropped her.

  7. Arvin, even if you don’t put “click to” your blog, your login name is already linked to your blog.

  8. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Jan-Jan’s parents went on Willie’s show to say they did not force the boy to join the talent showcase.

    “Napakasakit po sa magulang na na cha-child abuse ang anak ko. Dahil ‘di naman naming tinuturan ng masama ang anak ko. Gusto n’ya lang po sigurong mag-artista kaya gusto niyang sumayaw, guminhawa buhay namin,” said the mother.

    “Kagustuhan ng anak ko ‘yon, gusto niyang sumikat, mag-artista…sinuportahan ko lang yung anak ko…’yon ang gusto n’ya eh,” said the father.

    So Jan-Jan made his parents do it?

    PUNYETANG BATA KA! IKAW PALA ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO!

    Sige mag sori ka sa mga magulang mo at lalung-lalo na kay Willie whose only sin was to create a show that would “bring joy and hope and shine the spotlight on ordinary Filipinos.”

    Bwiset na buhay ‘to. Yun biktima pa ang nagkasala.

  9. chi chi

    Susme, wala rin pala talagang tuktok itong si Shalani! Puro charm lang ex ni PNoy.

    “Ang gusto lang naman natin dito magbigay ng saya…” (Shalani)
    At what price and prize? Naku, dapat nga kayong magkatuluyan ni ugly Willie.

  10. Mike Mike

    “Napakasakit po sa magulang na na cha-child abuse ang anak ko. Dahil ‘di naman naming tinuturan ng masama ang anak ko. Gusto n’ya lang po sigurong mag-artista kaya gusto niyang sumayaw, guminhawa buhay namin,” said the mother.

    Gaga! Pagsinabi ng anak mo na gusto niyang mangholdap para guminhawa ang buhay niyo, susuportahan niyo rin ba? Hayssss!!!

  11. chi chi

    mb, ganun pala ang kwento! 🙂

    Kawawang bata, pati magulang ay inaabuso sya!

  12. Hindi ko masisisi si Willie sa kanyang naging asal nung programa. Hindi sumikat si Willie ng dahil matino siya. Sumikat siya dahil bastos siya. Na siyang binibili ng mga taong nanonood ng programa niya.

    Hindi siya naging mayaman dahil pino siyang kumilos. Yumaman siya dahil gusto ng manonood na magaspang siya!

    Bastos at magaspang, iyan si Willie. Marami siyang tagahanga dahil/kahit bastos siya at magaspang.

    Sino ang may problema?

  13. parasabayan parasabayan

    This is a proof of the degradation of our values. It is appalling and disgusting!

    This is the kind of dirty dancing kids see on television. Remember Michael Jackson? They called it ART when he was dancing holding his… Actors and actresses also dance this way and the kids think this is OK.

    Willie should have stopped right thereon when he saw the first dance but NO, he repeatedly asked Jan jan to dance again and again. If this is the norm of entertainment in the Philippines, we are surely so SCREWED! And those who were cheering on are PERVERTS!

    To Jan-jan’s dad, GO SEE A PSYCHIATRIST! You are a very sick father to even allow your kid to be dancing this way!

    To Willy, you can have fun but not on innocent kids like Jan-jan!

  14. “Talent ‘yun ng anak ko, simula nung 4 years old sinasayaw nila ‘yun, kahit sa school pa.”

    Kung pinapayagan sa school, iisipin ba ng mga bata o ng magulang na masama iyon?

    Di kaya naghahanap na naman tayo ng ituturo pwera sarili natin?

  15. chi chi

    #12. Tongue, sinadya ng tadhana na hindi gawing guapo si Willie kundi ay baka mas masahol pa ang attitude nya.

  16. psb, di lang si Michael Jackson. Kahit yung mga gangsta rappers na puro kabastusan ang laman ng lyrics, yung booty shake nila Beyonce, Pussycat Dolls, music vids ng mga sikat na Kano, di papahuli diyan ang mga Pinoy.

    Subukan ninyong i-search sa YouTube yung mga FlipTop Battles kung saan Tagalog ang sagutan ng mga Pinoy rappers, kahit saang eskwela, merong mga batang gumagaya. Yun ang talagang bastos at sikat na sikat ngayon sa mga bata. Murahan ng murahan, explicit ang mga lyrics, mahihiya ang mga marino sa kabastusan. Lusot sa YouTube dahil Tagalog.

    Nung araw meron akong CD ng 2 Live Crew na na-ban sa US dahil sa grabeng bastos na lyrics. Mas lalong naging mabenta sa underground matapos ma-ban.

    Yan ang reality ng panahon ngayon. Hindi ako magpapakaipokrito na magkokondena sa sayaw nung bata, linggo-lingo may sumasayaw niyan sa ASAP, baka gustong sulatan din ni Dinky. Inosente yung musmos, nasa matatanda lang siguro ang malisya.

    Panoorin ninyo yung mga nagra-rap battle na halos kaedad niyang mga bata, hindi ko alam kung paano kayo magre-react.

  17. parasabayan parasabayan

    Exactly Tongue! This is what the kids see on TV so to them, it is OK. Nasa mga magulang na lang ang policing but if they themselves want to make money off their kids, there is not much Dinky Soliman can do. Maybe she should start improving the lives of the poor kids and this will probably stop these dirty dancing kids from making it to the Willing willy show.

    Tongue, it is not the Jan-jan dance that was distasteful. It was the repeated clamor for dancing again and again.

  18. rose rose

    chi: Shalani has charms? noong una akala ko rin..pero kahit kending charm pala wala siya! Pnoy is indeed lucky..he was able to spit out the sticky (c)harming babae…I can’t even write “lady”..Looks can be deceiving indeed..maganda ang balot yon pala bulok ang nasa loob..no wonder we say “don’t judge a book by its cover”..ginto kung tingnan yon pa ay tanso..pwet ng baso. Ano kaya ang masabi ni Kris ngayon..mabuti pa ang madaldal rather than mayumi at tahimik? kung magkaraoon kay ng anak si Shahani ano kaya ang style ng sayaw na tuturo nniya? ay naku!

  19. olan olan

    No wonder child molesters flock our country…we have engot wily, jan-jan parents and relatives, and tv 5 promoting it.

  20. rose rose

    sa tatay ni Jan-jan…ma(ngmang ano ano ang iyong talento?

  21. baguneta baguneta

    Tounge, balagtasan yun eh

  22. Wala tayong magagawa diyan sa Tatay ni Jan Jan dahil siya mismo ang nagtulak sa anak niya na gawin iyun.

    Tongue, nasaan ba ang mga magulang ng mga batang iyan at pakalat kalat na lang sila sa kalye at natututong kabastusan.Mga bata pa minumura na nila ang kanilang mga magulang,Kaya pala maraming lumalaking gago at kriminal sa atin dahil murang edad pa lang ay nag master na sa kalye ng kalokohan.

    Salamat lord at di lumaki ang mga anak ko sa Pinas, naturuan ko sila ng mabuting asal at maging law-abiding citizen.

  23. Sa sampung libo hayaan nila ang anak nila na magladlad ng kahihiyaan sa TV hayag sa publiko. Buti sana kung pang birthday party lang at sasayaw ng nagkakatuwaan lang.

    Dapat sana bago sumabak diyan ang contestant sa Wiling wili may audition at iyun lang mga may potential. Sali sila diyan tapos kakantahin bahay Kubo at magsayaw ng Arimonding monding. Katatawanan nga ang kalalabasan ng programa ni Wili.

    Turn off na ako sa panonood diyan kay Wily at kay Jerry Springer.

    Sabagay maraming depress at mentally retarded sa atin kaya diyan sila naghahanap ng lunas sa Program ni Wily, mapatawa man sila kahit saglit at mapaluha gumagaan ang mga pakiramdam nila dahil wala siyang pambili ng alak o pambayad sa psychiatrist.

    YEHHEYY!! MAMA! PAPA! NANDITO NA AKO,ARTISTA NAAKO, natupad na rin ang pangarap natin at yayaman na tayo. Gago, pano ka yayaman sa sampung libo, pag uwi mo sa bahay nandoon na naghihintay ang mga kakilaala mong nakapanood sa iyo sa TV.Baka maubos lang ang nakuha mong sampung libo pambili ng mga tsibug nila.

  24. Tedanz Tedanz

    Sa totot lang napanood ko yong Wiling Willy show na yon. Nung sa segment na yon ako’y tuwang tuwa kasi nga medyo ok yong bata at ni wala sa kaalaman ko na ganun pala ang sayaw ng mga Macho. Ni wala sa isip ko na malaswa kasi hindi naman ako acheng para sadyain at panaoorin ang mga palabas na ganyan. Yong tugtug ok at yong indak ng bata ay nasa ayos naman. Kahit nong tuwang tuwa itong si Willy at pati na din yong mga nanonood dehins ko pa rin ma-getz. Sa akin walang malisya … maliban lang kung ang bata ay sabay hubad .. e hindi naman.
    Di kaya gawa gawa lang ng mga gustong magpasikat sa palabas na iyan … para mapag-usapan?

  25. While it’s understandable for the father to take that tone in reaction to all the fuss; There are limits correctly stated by Sec. Soliman, the rule is – If a child wants to play patentero on c-5 or EDSA or a highway – parents shouldn’t allow them no matter how cute or nice it be to them. Because they might get run over.
    Bottom line, in this case his father did not do what was in the best interest of his child as defined by law.

    Or “[]… “Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of the child as a human being.”Putting pressure on children to do acts such as mimicking adult sexy dances, in exchange for a certain amount of money, and at the expense of being laughed at and ridiculed by hundreds of people, clearly traumatizes the child. This is a clear form of child abuse and will not be tolerated by the Department of Social Welfare and Development.” … [] Sec. Soliman statement

    Ir is likely the parents and others need to be warned on this – and – perhaps charges filed – counseling should also be offered. Likely the parent didn’t see it wrong; But maybe he needs to educated as to what his role is.

    More so… children who earn from TV shows. commercials, prizes etc income is supposed to only used for that child. hence an audit perhaps of what his dad and mom did with their sons ‘earnings’ might be sought.

    All that said – the liability versus tv5 is the same often put on air by most other tv networks who have done similar entertainment. Perhaps the best thing that can be done is clear guideline implementation by the KBP and MTRCB.

    As to Willey, perhaps this another lesson learned for him. I doubt he will charged nor suspended nor face more than a fine as set by the KBP standards authority.

    Bottom line though – the show likely had it highest ratings ever last night so at the end of the day – Janjan helped willey not only in his joining the talent portion of willing-willie,

    I am sure overall ratings likely made tv5 the No.1 channel in prime time to see how willey would react or what would be the next issue in this saga. So at the end of the day the old rule of good or bad it’s publicity will hold true.

    Bad or Good, it’s publicity, albeit not always nice ,it’s nice to be noticed! it’s definitely not good, to be noticed the way Willey was… sometimes the best of intentions go weird, But, that seems to be his life’s story – good of Dinky to take a stand and TV5 to apologize… let’s hope this brings a new standard for others (all networks) to follow and know there are limits when children are involved.

  26. cocoy, Walang FlipTop sa TV, sa internet lang. Kaya yung mga nakakaalam mga nagco-computer din. Hindi yung mga palaboy lang sa kalye. Mga nag-aaral ito.

    Tedanz: Sa akin walang malisya…

    Kahit yung mga magulang di alam na malaswa pala. Baka di napanood yung sayaw nina Hayden at Katrina. Kung ang alam nila e inosente sila, I give them the benefit of the doubt o masyado na talaga tayong mapaghusga at kailangang diktahan ang iba?

  27. Tedanz Tedanz

    DSWD nakialam na rin …. ano ba yan?
    Kung sayaw ng mga Macho yong sinayaw ng bata … o anong masama? Naghubad ba?
    Kung ang sinayaw ng bata ay yong sayaw naman ng mga babae … may maririnig ba tayo?
    Ano ba talaga?

  28. TT: dito sa bahay sa mga anak ipinagbawal ko sa kanila ang mga RAP ni Snufi dawg at kung sino sino pang mga rapper na ang mga kanta ay malalaswa at violent.Iyung kay apol dayap lang kasi medyo naman may magandang mensahe.Ewan ko pang Engibirt hamperdink lang ang hilig ko, kini rodgirs at tum dyons. Badoy raw ako sabi ng mga anak ko.Hehehe!

  29. Iyung dalawang anak kong babae puro Kelly Clarkson at Carrie Underwood ang mga CD nila sa kotse, pag ako ang mag drive ng kotse nila ipinapalit ko si Kini at si Pareng Tum.

  30. Observer Observer

    Nasa kasunduan ito ng mga magulang ni jan jan at ni willie na okay sa kanila na pasayawin si jan jan. Hindi naman tutol yong bata sa pag sayaw.

    Wala itong iniwan sa karaniwan na nating nakikita ng mga kababayan nating mga batang babae na nag asawa ng mga matatandang foreigner para lang magka pera at makapag abroad. Kita naman natin na malamang na pera ang gusto ni batang pinay kaya inasawa yong lolo. Si foreigner lolo ay okey lang sa kanya kahit nagustuhan sya dahil sa pera. So, anong problema doon? Wala! dahil gusto nila yong kasunduan na yon. Magkakaroon lang ng problema kung ayaw na ni batang pinay o lolo ang kasunduan nila.

    Bakit ba umiiyak si jan jan? dahil ba hindi nya gustong sumayaw?

    Kung itong si jan jan ay sumayaw ng hindi umiiyak at sumayaw sya ng tuwang tuwa ay palagay ko ay hindi papansinin ang segment na to.

  31. I clicked to TV 5 briefly early last night and I heard Shalani saying, “Ang gusto lang naman natin dito magbigay ng saya…”

    – ikaw na lang kaya (Shalani) ang magpa-giling giling kung ang gusto mo magpasaya ng mga tao sa ganyang paraan. Try mo kaya baka matuwa rin ang mga magulang mo. Gets mo?

  32. Observer, the child’s tears I think are almost a secondary issue. The issue here is not an adult exploiting or abusing or even denigrating another adult. It’s about child abuse.

    To be perfectly honest, I personally am not generally opposed to a variety show that tends to go “overboard” provided — and this is condition sine qua non, it does not exploit or abuse children in sexually suggestive fashion or in much the same way this host did to Jan-Jan, tears or no tears; can’t speak about this particular show as I really don’t know much about it but the sequence I watched on the vid, to my mind went more than overboard. The language and insinuations by the host vis-a-vis the 6-year old I thought were really not appropriate.

    Other than that, I say live and let live. If Filipinos find joy or are stimulated by variety shows of this category it’s their choice to make. One thing for adults to accept to be exploited, humiliated, denigrated by other adults but it’s another thing for adults to exploit, abuse, denigrate children in sexually-suggestive manner in their [adults’] willingness to entertain, to exploit, to abuse or be exploited!

  33. Observer, 🙂

    Btw, can’t access the link — Sony has some blurb saying can’t access it where I sit 🙁

  34. Tedanz Tedanz

    #34
    Wahhhhahahaha 🙂 🙂 🙂

  35. Tedanz Tedanz

    Yong gumawa ng sulat ay si Cristy Fermin …. wahahahahaah … para mapag-usapan lang etong si Willy. 🙁

  36. Rudolfo Rudolfo

    Isang pananaw,…Nasisira ang sinabi, “ni Dr. JPRizal, na nasa kabataan ang pag-asa ng bayan “, dahil na din sa sirang-sira ang henerasyong mga magulang ( mga 5% lamang yata ang matitinong magulang sa buong mundo ), kasama na ang malalaswang lurid-views sa TV-Radio-at mga cine.Kaya nga anong aasahan sa mga susunod pang henerasyon kung hindi ito, magbabago. Galit-na-galit na ang ” Mother Nature “, magiging huli ang lahat-lahat na magagandang pangarap ni Gat. punong Dr. Jose P. Rizal, at mga kautusang mabuting pang Tao, ng ating Panginoon. Nilalamon ng masasamang “kaisipan” ang mundo, lalo na sa kinang ng Salapi.

  37. Becky Becky

    I clicked to TV 5 briefly early last night and I heard Shalani saying, “Ang gusto lang naman natin dito magbigay ng saya…”=Ellen

    Bobang Shalani.

  38. There is no excuse for humiliating this child. Even those who profess innocence that they didn’t see anything wrong with his contortions – I say are fools.

    Tedanz, for your education, as it appears you didn’t see anything wrong here, this dance is done by men, boys, usually in front of gays in some sleezy bar. This dance was designed primarily for that, to entertain the sexual lust of perverted homosexuals who like to molest young boys and if you don’t see anything wrong with that, I pity your sons, and if I knew your kin I’d warn them to watch their young male children carefully when you’re around.

  39. And I don’t see the entertainment value of this thing on tv, as I have mentioned a lot earlier, with shows like this we practically took the sleezy bars out from obscurity and privacy and gave them national exposure. At least before, you have to drive down to Roxas Boulevard or Quezon Ave., to like Asia Network, Stardust, Classmate, etc, and you see these scantily clad, at certain times of the night not clad in anything at all gyrate to the same music, cartwheel and land with a perfect split. Now we don’t have to, people like Willie brought them on national television already, ambiance, bad language, and all.
    I really don’t see why our people would coldly accept our countrymen to be executed in a foreign country without sympathy and then enjoy watching a child perform a lewd dance in public – a dance specifically designed and choreographed for a sodom and gomora scenario?
    God help us all!

  40. And I couln’t understand why the all powerful catholic church, could muster 40,000 supporters in a day, to campaign about saving the souls of the whole country but could not even lift a finger to save this one soul who just about burned up in public without him even knowing it?
    And they say “we are a catholic country” as a justification all the time? Is this budding macho dancer, future chicos dancer the proof of our being a “catholic country?”

  41. luzviminda luzviminda

    Kawawa naman yung bata, ang agang tinuruang maging macho dancer. Kung makakalakihan nung bata na hindi yun mali eh ang magiging trabaho niya ay Macho Dancer nga. Haaay, pruweba na mababa na ang moralidad ng ating lipunan. Kapabayaan ng mga taong simbahan na turuan ng tamang moral ang kanilang nasasakupan.

  42. luz,
    honestly, after seeing the faces of those people enjoying what they were seeing in that show…if sonebody asked me if the Filipino is worth dying for I’d say to hell with them, let the Ligots. Garcias, Arroyos, etc., steal their money.

  43. I hope the powers that be take special notice of this, and put Willie in his place. You don’t owe him anything, he supported the other guy remember?

  44. abc abc

    Sa murang edad ni Jan-Jan, isa ako sa natuwa sa galing niyang sumayaw.

    Pero habang tumatagal, aliw na aliw si Willie Revillame at malisyosong inihahalintulad pa sa isang macho dancer at burlesk queen si Jan-Jan. Pinapunta pa sa isang platform, talagang tinuluyan ng pinasayaw ng parang sa isang macho dancer.

    Ngitngit ng pitong langit, sa murang edad ay inabuso at binaboy si Jan-Jan. Hindi puwede ang “i am sorry” lang dito. Mababao ang penalty kay Willie na pasayawin ng matagal habang umiiyak sa isang platform.

    Thanks Ma’am Cathy Babao Guballa, parang may bumabang Guardian Angel na galing ng langit ah. Ikaw ba yong H.S. graduate sa Dominican School, Dagupan City?

  45. luzviminda luzviminda

    Kaya ako di ko pinapanood yang si Willy eh. Nayayabangan ako at talagang bastos siya. Dapat i-seminar yan. Matagal na dapat na-ban yan sa TV dahil sa pandaraya sa game sa Wowowee na may dalawang number na pwedeng palabasin.

  46. The Quirino hostage incident for me was something we can’t control, a deranged man was holding those people hostage at the end of a gun, but Willie is not deranged is he? Did he ever think about the consequences, the impact of what he did have on our young? I’d say this is more damaging, as most don’t see it as a threat, more effective as an educational tool as most welcome it as fun. Freedon of expression? We abuse our freedom far too much it seems.

  47. sunrhl909 sunrhl909

    “Willing Willie” nilang pinapanood, tinatawanan at pinapalakpakan ang kawawang batang umiiyak na pinapasayaw sa programa ni Willie Revillame sa TV5, mga grabe naman kayo!!!

  48. Phil Cruz Phil Cruz

    There’s another show on ABC TV-5 that’s just as objectionable. It’s “Face to Face”. Patterned after an American show. Brings feuding parties face to face and allows, eggs on the feuding individuals to shout vulgarities and invectives at each other.

    This had never been done before on national Philippine television until Manuel Pangilinan and his gang took over a TV network. This is the man who was caught plagiarizing in his speech before Ateneans.

    What values is he spreading on the nation as he continues to spread his wings?

  49. Tedanz Tedanz

    Wow jug ayos ka din. Hindi kita kilala pero sana maayos ang pamilya mo kung meron man. Salamat sa pangaral mo kasi sa totot hindi pa ako nakapanood niyan …. baka ikaw nakapanood ka na :). Alam kung meron yan pero dehins ko pansin at wala akong interest.
    Kung sumayaw kaya ng bata na parang sayaw ng babae meron kaya tayong maririnig o mababasa na ganito? Sumayaw lang naman ng sayaw ng Macho ika niyo at hindi naman nag-hubad … at kung sinabi niyo na umiiyak ito … bago pa sumayaw lumuluha na siya hindi dahil sa sayaw niya … ano ba ang problema rito. Buti nga yon bata pa mukhang macho na at hindi isang bakla.
    Pis …..

  50. Tedanz Tedanz

    Tuwang tuwa dito ay si Revillame ….. napag-uusapan na naman siya ….. maraming binayaran si Willy para dito. Sikat na naman siya ….. wahahahahahah

  51. Mike Mike

    Some people just don’t get it?!?! Hmmmm… ?!?!?!?!

  52. Mike Mike

    @ Lolay : #33

    😛 😛 😛

  53. renaldo renaldo

    Mabuti naman may narinig na tayo sa DWSD at MTCRB. Nothing from CHR and from the Church groups?
    Definitely there is something wrong in our society if others see nothing wrong with the lewdness of the dancing act of a 6-yr old child in a national TV program pa.
    May ads nga before which somewhat says “Ang gawaing masama, kapag ginawa ng matanda ay nagiging tama sa mata ng bata.”
    Nacorrupt na agad yung mind ni jan-Jan na tama yung ginagawa niya dahil tumatawa naman yung mga may edad na nakakakita sa kaniya at may gumagaya pa sa kaniya.
    The director of the show should have reminded Willie about the act but apparently he has no controlover Willie kasi paulit-ulit pa nilang ginawa sa bata yung abuso. It may not be physical abuse but yung effect ng mental/emotional abuse dun sa bata ay may long term effect on how the child will look at his life kapag nagka-isip na siya.

  54. Commission on Human Rights
    29 March 2011

    CHR on Child Abuse in the TV program Willing Willie

    The Commission on Human Rights strongly condemns the “Willing Willie” episode aired on March 12, 2011 wherein a 6-year old boy named Jan-Jan Suan performed a “macho-dancing routine”. This is an exploitation of the child’s innocence and demeans his inherent dignity for entertainment’s sake.

    The multiple pressures exerted on Jan-Jan by the TV program’s host, audience, and his parents to perform a humiliating act in exchange for ten thousand pesos constitute child abuse as defined in Section 10 of R.A. No. 7610 or “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.” It provides that:
    Other Acts of Neglect, Abuse, Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development. –

    (a) Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prision mayor in its minimum period.

    The willingness of Jan-Jan’s parents to expose him, both in private and public, to a humiliating and degrading situation is child abuse. The Commission is also deeply alarmed that the abuse suffered by Jan-Jan was seen on national television and that its videos are being repeatedly watched by the public, including children.

    The Commission will investigate this incident in order to identify the person/s liable and to recommend proper legal actions against them. The Commission will also issue recommendations to relevant private, especially TV5, and public agencies in order to prevent similar incidents from happening again. The Commission also calls upon the relevant government offices such as the Movie and Television Review and Classification Board, the Department of Social Welfare and Development, and the Department of Justice to undertake the appropriate actions to address this incidence of child abuse and to provide the necessary relief to Jan-Jan.

    LORETTA ANN P. ROSALES, Chairperson

    MA. VICTORIA V. CARDONA
    Commissioner
    Focal Commissioner for Children

  55. 3engr3 3engr3

    pyesta na naman ang ABSCBN.. nakahanap na naman ng ingay!

  56. Ang problema kasi sa atin, wala yung tinatawag na principled entertainment. Something that promotes education, values, and showcases unique talent.

    Eh, lahat naman puwedeng gumawa noong ginawa nya. Ayaw lang ng iba kasi malaswa nga. Malaswa siya dahil hindi sa tamang lugar ginawa.

    Kung sa loob lang bahay nila, siguro ok lang yon, para matuwa naman ang tatay nya. Ganoon siguro kababaw ang kanilang pag-iisip, dahil brainwashed din sa Mainstream Media.

    More than 80% na lumalabas sa TV ay basura. Wala kang matutunan na bago. Kung gagamitin lang sana ang mga TV networks na ito sa edukasyon, siguradong mag-iimprove ang pananaw ng nakararami. Hindi na nga kailangan pang magtayo ng panibagong silid-aralan, kung ang lahat ng napanood sa TV educational. Pero hindi ito ginagawa ng mga politiko, dahil ayaw nitong tumatalino ang madla upang maiintindihan ng mga tao na sila ay niloloko lang.

  57. Rudolfo Rudolfo

    # 61, tinamaan mo,..nasumpit mo yata ang lahat ng kakulangan ng Mainstram Media, i.e..brainwashed na brainwashed ang utak-isip ng mga nanonood. Walang mga values, na dapat matutuhan ang kabataan. Kaya pag-naging magulang na sila, akala nila, yong mali, ay tama, vis-a-vis.
    Nakita naman kung papaano sumagot ang magulang ni jan-Jan sa interview, kulang sa values. Baliktad na talaga ang kaisipan ng maraming nag-pamilya ngayong henerasyon.

    May kakulangan din ang DOE yata, more on “money oriented”,or commercialized education sila,sa halip na “values-or-virtues orientation. Resulta, corruptions sa pag-uugali, pati na sa mga murang isipan ng kabataan.

    Leksyon din ito sa channel TV5 management at iba pang TV shows na 85% basura ang karamihang nilalaman. Its easy to
    be bad and ugly, than doing good and rightful.

  58. Habang walang advertisers na nag wi-withdraw from willing willie, hindi nila papansinin kahit mangalaiti tayo dito. Business is business. Ang mga parents ngayon ay interesadong ipasok sa showbiz kahit mumurahing edad pa ang kanilang anak sapagkat may datung talaga kapag sumikat. Itong si Jan-jan, dahil sa controversy, nagka pangalan na, baka mag-artista na rin yan.

    Iba naman ang talento ng mga batang ito. Panoorin.
    http://www.youtube.com/watch?v=yE7waNi5dc0&feature=youtube_gdata_player

  59. renaldo renaldo

    Maraming salamat Ellen for posting the letters of DSWD, MTCRB and CHR.
    We need the people in the government to take some actions. This is a form of corruption, corruption of an innocent young mind and the effect may take some time to manifest in the the boy.
    The parents and the relatives of Jan Jan must undergo responsible parenting seminar to really understand the effect of what they did to Jan Jan.
    ‘Kung walang corrupt walang mahirap…”

  60. Tedanz Tedanz

    Mas maraming malalaswa sa kalsada ng MetroManila sa mga batang palaboy laboy na asikasuhin ng DSWD wag ng makisawsaw pa. Dalawa ang natutuwa sa isyung ito si Revillame at ang ABS-CBN.

    Maraming pera ang gugulong dito …. yong isa ay para mapag-usapan lang at ito namang isa para sirain talaga yong isa na alam naman nating ngitngit na ngitngit sila dito..

  61. Tiago Tiago

    Nakita ko yung video at talagang nakakaawa yung bata. Pero ang nakapukaw ng aking pansin ay yung reaksyon ng mga manonood. Ni walang nag walk-out at halos lahat ay tuwang tuwa! Ganito na ba kababaw ang kaligayahan ng mga Filipino? Nakakalungkot.

  62. rose rose

    chi: sinadya ng tadhana? o masterpiece ni Luci?

  63. Phil Cruz Phil Cruz

    And since we are in the thick of scrutinizing TV networks, Here’s one more beef.

    Why are TV newscasts so shrill? Why do they have to shout the news at us?! Gads!

  64. As usual, nakikisawsaw na naman yang mga opisina ng gobyernong matagal nang nagpabaya kaya umabot sa ganito ang mga kabataan.

    DSWD – hindi pinapayagang makulong ang mga menor de edad kahit man lang “token” ang parusa para hindi paulit-ulit na lang na nagnanakaw, snatch, o iba pang krimen. Meron na silang kasunduan ng mga matatandang kriminal na pag nabuko ay sila ang aamin at isosoli na lang ang ninakaw. Sermon lang ng isang oras sa DSWD ay laya na sila, pwede nang magnakaw uli, o umamin ng kasalanan ng iba. Wala na yata sa lugar yang proteksyong “against child abuse” na yan. Sobra nang abusado ang mga batang ganito, perwisyo na sa lipunan, kasama na akong nabiktima ng mga tinedyer na akyat-bahay, laya pagkatapos ng sermon, tinawanan lang kami ng mga kasama kong pulis.

    MTRCB – Matagal nang inirereklamo yang mga malalaswang suot at sayaw ng mga dancer ganun pa rin hanggang ngayon. Babalik ba tayo sa panahon ng censorship? Ano kaya ang sagot ni Armida diyan? Ano’ng gagawin ng anak ni FPJ na kontra sa censorship? Meron na ba’ng policy tungkol diyan? Ano ba talaga kuya, freedom of expression ba o more regulation?

    CHR – karapatang pantao nung batang nagsasayaw ng snake dance ang tinutukan. Paano yung karapatan ng mas maraming mga mahihirap na maka-experience ng mataas na antas ng entertainment, hindi naman nila kayang tustusan? Yun lang ang naaabot na uri ng sayaw na natutuhan nung bata na nanggaling siguro sa mga bading na trabahador nung parlor nung ama. Kaya ba ng CHR na pondohan ang mga mahihirap para makapanood naman ng mga palabas sa Folk Arts? Mga konsiyerto sa PICC? Sa Meralco Theater?

    Hindi pa tumutugon ang Dep-Ed pero malaking kasalanan nila dito dahil ang paaralan ng bata ay nag-tolerate (o nag-encourage) ng ganitong uri ng sayaw minsan sa kanilang paaralan. Kung merong dapat parusahan, sila ang dapat unahin. “Talent” nga ang tawag nung tatay, ibig sabihin hindi pangkaraniwan sa mga bata ang makagawa nitong sayaw na pihadong na-choreograph pa ng titser ni Janjan mismo.

  65. Bakit tila ipinagtatanggol ko yung ama, si Willie, o yung istasyon? Hindi ko sila ipinagtatanggol dahil maging ako ay nandidiri dun sa paulit-ulit na pinagsayaw yung bata, di bale na kung nag-eenjoy pero umiiyak e.

    Ang hindi ko matanggap ay yung palagi na lang tayong naghahanap ng kung sinong sisisihin, sino’ng dapat managot, kaninong ulo ang gugulong, habang nakapikit sa katotohanang KASAMA TAYO SA MAY KASALANAN, pero walang umaamin. Ito ay hindi lang sakit ni Willie, hindi ito kakulangan nung ama, nung mga bading sa parlor, nung mga audience sa Wiling Willie.

    Ito ay sakit ng lipunan. Pag isang Janjan na anak ng isang parlor operator ang nagsayaw ng snake dance, galit ang lahat ng mga manang, mga may PINAG-ARALAN, mga sosyalero’t sosyalera. Pero pag ang sumayaw ng ganoon sa ASAP ay sila Christine Reyes, Karylle, Angelica Panganiban, o yung ibang teenager na talents, walang nagagalit? Diba “Kung anong maling ginagawa ng matatanda ay nagiging tama sa mata ng mga bata”? Meron bang poison letter kay Johnny Manahan? Nagrereact ba ang DSWD, CHR, MTRCB? Meron bang threat sa advertisers ng ABS-CBN?

    Walang mangyayari sa turuturuan, sa bawat isang daliring ituro mo, apat ang nakaturo pabalik sa yo. LAHAT TAYO ay may responsibiliad na itama ang mga mali, hindi lang manisi ng kung sino ang may kasalanan.

    Kahirapan, kakulangan ng edukasyon, at kawalang-malay o pakialam sa lipunan ang ugat ng lahat ng ito.

    Biktima nitong Tatlong K na ito maging si Willie, yung ama ni Janjan, yung studio audience, si Janjan mismo, ikaw at ako. Hindi yan makukuha sa puro kritisismo o paghingi ng parusa para kay ganito, para kay ganyan.

    Kung puro lang reklamo at wala namang solusyon, bale wala yung sinabi ni Ellen – “Making life worth living”.

  66. Everywhere else, and Pinas is no exemption, showbiz mirrors society. Art imitates life.

    You only get what you deserve.

  67. rose rose

    shalani show us how to giling giling and entertain us..gusto mo magbigay ng katuwaan hindi ba? kailan kayo ni willie mag giling giling? entertain us with your giling giling!

  68. rose rose

    just wondering..the paders didn’t have any comment on this nor a disapproval of the show…seguro napanood nila and they enjoyed it? or may inabot si willie na bayong loaded with padulas..does the church (the catholic church in particular) approve of this kind of entertainment…seguro quiet and seems to be in deep contemplation..something to think about in Lent? ay! ay! kalisud!

  69. tt,
    Christine Reyes et al had a choice and they made it with eyes open, the kid doesn’t.
    when is it time to say “stop!” to child abuse/exploitation? now is a good time as any, and if we really want to make a big dent make Willy the sacrificial goat, the example, that we will no longer tolerate this, ban him from television, he already made his money he won’t miss it.

  70. The sad reality is that even if all of ellenville boycotts willie’s show, it wouldn’t make a diferrence, he still laughs all the way to the bank, he’ll just do his usual “gusto ko lang naman tumulong sa mga mahihirap” monologue with tears on tv and he’ll turn the tables on the critics.
    Then he’ll be saying “kung ayaw nyo di huwag kayong manood!”, “ano, give up ko yung pinagkakakitaan ko ng milyones ano kayo hilo magpakatotoo lang tayo”

  71. Even if suntok sa buwan lang, at least we “did not go gently” we fought. We must not let apathy dictate our lives, we have to fight for those who cannot, we have to speak out for those who cannot, we have to at least try to save lives even if its against all hope – if only to preserve our humanity.

  72. Good points, jug. I took the devil’s advocate position to encourage more critical analysis in problem solving. There are enough critics to provide the “what’s wrong” part, but the “what-to-do” part is sorely wanting. It stops at Willie’s head rolling, for most people.

    But morality isn’t a simple problem, we all know that. No one can legislate morality in fact, much more create a single standard around which we build our rules.

    I’ve gone around the fora and read people’s reaction to this issue and I’ve not read one that addresses the deeper social malaise that has once again manifested its ugly face in Janjan’s case. Often the solutions offered are superficial rather than the root causes. But even at the superficial level, it is generally accepted that no solution has been working, if any was even consistently being dispensed.

    Sure, we can spread enough anti-Willie hate to make him permanently invisible, but will that solve the problem? Will macho dancers be outlawed too? Will liberalism now be supplanted with strict, rightist censorship? Will the people who clamor for Willie’s blood support censorship? Will growing companies like ABC-5 risk sacrificing their main moneymaker for corporate social responsibility? Unless people agree (and I doubt we ever will) to answer yes to all these questions we have not defined our principles which will form the solid foundation of our moral infrastructure.

    To me, good values education, better job opportunities, social awareness enhanced by information technology will be enough to see Janjan’s generation through. They can make more appropriate decisions for themselves even if the environment makes it difficult amidst a rapid transformation or deterioration of societies everywhere in the world. They can reject their elders’ twisted sense of values if they so wish. I can sleep well with that in mind. Personally, I am very liberal with my kids, even with my nine year-old, but I make sure they know my stand on critical issues such as these.

    We have a lot of homework to do. But as long as we don’t succumb to the flow and keep our territories (homes/families) in check, we are still contributing to making a solution work, however scattered. For now.

  73. tongue,

    I agree, keeping our own territories in check(homes/families) and doing our share of raising responsible children is contributing to the solution already. Just not allowing our children to watch such nonsense shows is a start, its good to make a stand but if we lose the battle for our homes, its still a loss. I know a hard hitting, no nonsense law enforcer in the past who practically eliminated the drug problem in his area but had to put his own son in the rehab, almost shot the kid in their own house. He was so busy solving the problems of society he had no time for his own family.
    Maybe we need to start with the “doables” first.

  74. rose rose

    jug: true we can not legislate morality but do we just accept it as part of our culture and values? ganito na ba ang culture sa atin..at kahit bata pa hala bira? Jose Rizal is our national hero (I hope hindi pa napalitan) at ang sabi niya…ang mga kabataan ang future ng ating bayan..allowing “talent shows” promoted by the likes of Willie..ano ang future ng ating bayan? pa korap korap at pa giling giling?

  75. triggerman925 triggerman925

    #61 and #68
    Even the local news programs – they’re more interested in entertaining the televiewers than educating/informing them.

    Btw ABS-CBN yesterday came up with a news item under the banner “KAANAK NG IBIBITAY NALULUNGKOT”!!! Talaga?

    Can’t they allow the family to grieve in private?

  76. Ewan ko, people still don’t get it. Willie is the symptom, not the disease. You will not solve anything if you focus only on curing the symptoms.

    May pasa sa braso yung pasyente, maitim. Nilagyan ng yelo, nawala ang pasa. Good. Eliminated ang sintomas. Namatay yung pasyente meron palang internal hemorrhage.

    This problem of child exploitation will not go away with the closure of Willie’s program or banning him from TV. And no, we should not accept this as part of our culture and values because it’s obviously wrong. Willie Revillame, Willing Willie, Janjan and his father and the cheering Pharisees, er, audience is but a reflection of the truth – the true state of our dysfunctional society.

    Banishing the TV program and its insensitive host is like Gloria covering the squatter’s area in Pildera Dos in front of NAIA with giant tarpaulin posters.

    We hide the poverty, we do nothing to solve it.

    There will be snake dancers – of any age – as long as there are macho dancers trying to make perhaps a decent living while indecently clothed. Am I supposed to judge them and impose on them the standard of morality I am espousing? Regular Bible readers who always come across “He who is without sin cast the first stone” should instead burn their hypocrisy, not the message of the Good Book.

    There will be macho dancers as long as there will be gay bars catering to badings. Deprive the third sex of their kind of entertainment? Good luck.

    There will be MORE gays because society is beginning to accept them as they are. This problem will turn into a more vicious cycle as society becomes more tolerant with sexual preferences. More badings will adopt children as their own, exploitation a la-Janjan (or the teenaged prostitute who screwed Jalosjos in return) soon follows. We did not invent this problem. Not today.

    So, aside from mura-murahin si Willie at laitin yung ama nung bata, what OTHER more PERMANENT solutions can we offer?

  77. trigger,

    I avoided watching TV, news especially, the whole day. Since yesterday, I’ve had enough of those networks who milked every opportunity to outscoop the competition by virtually converting the 3 families’ houses into their own remote studios. I can’t imagine those grieving families had to endure being captured live by several cameras, klieg lights frying and blinding them the whole day while eagerly waiting for the first shot at the poor people’s reaction when the sad news about their relatives’ fate is finally announced.

    Too much for me and my children. For the first time, I allowed them to watch Cartoon Network, Hero Channel, Disney Channel and Nick Jr. the whole day.

  78. rose rose

    willie can go to hell for all I care..he can take his billions with him..and I hope hindi siya mahatak at gumiling giling with Luci…masusunog ang billiones niya! and Sha-hani? she can go with him..magsama na silang dalawa and mag giling giling sila till the drop d..d!

  79. Phil Cruz Phil Cruz

    Tongue,

    I had exactly the same reaction as you. Yesterday’s TV newscasts was disgusting.

    All the networks were like vultures. Scampering, scooping, edging each other out trying to squeeze out every last drop of tear from the crying, shrieking, grieving families and viewers. Exploiters to the bone.

    Couldn’t stand it. I switched to HBO.

  80. Tongue and Phil, re #82 and 84,I’ll transfer your comments to my latest post. It’s about media’s coverage of the drug mules.

  81. rose rose

    jug: kahit isa lang ang magwithdraw at least nabawasan..sana mag ripple effect at sunod sunod na!

  82. rose rose

    saan magsisimula ang pagturo sa kabataan?.. hindi ba sa tahanan? kung ano ang nagisnan ng bata sa kanilang bahay ay siyang dalang dala niya habang buhay..malaking bagay ang itinuro ng mga magulang..

  83. rose rose

    mabuti pa noong araw…at iisa ang TV set…iisa lang ang pinapanuod na programa chosen by our parents and watched by all including the kapit bahays..ang refreshment ay pineapple juice with a lot of ice…enjoy ang lahat kay Bondying…kasama ang lahat sa pagkanta ni Diomedes Maturan ng Rose Tatoo….those were the days…

Comments are closed.