Nawindang naman ako sa sagot ng tatay ni Jan-Jan Estrada, ang anim na taong batang nasa gitna ngayon ng kontrobersya dahil sa kanyang nakakabagbag damdamin na itsura habang sumasayaw ng “macho dancing” sa Wiling-Willie.
Binabatikos ngayon kaliwa’t –kanan si Willie Revillame sa sinasabi ng marami na pambabastos at panga-abuso sa bata para lamang mabenta ang kanyang show sa TV5. Nangyari ito noong Marso 12 ngunit itong linggo lang talagang nakatawag pansin sa “middle class” dahil sa video ng show na kumalat sa internet.
Makikita sa video na mangiyak-ngiyak si Jan-Jan habang tumatawa si Revillame at marami sa audience sa pagsasayaw ni Jan-jan na gionagawa ng mga kalalakihan sa mga bar. Binigyan ni Willie ng P10,000 si Jan-Jan.
Kinundena ni Social Services Secretary Dinky Soliman ang ginawa ni Revillame. Ganun din ang Commission on Human Rights sa pamumuno ni Etta Rosales. Sa Lunes, magmi-miting ang Hearing and Adjudication Committee ng Movie and Television Review and Classification Board tungkol dito.
Sumulat si Soliman sa may-ari ng TV5, ang negosyanteng si Manuel V. Pangilinan. Humingi ng pasensya ang TV5 at si Revillame ngunit sinasabi nila na wala naman daw silang intensyun na abusuhin ang bata. Baka hindi alam ang ibig sabihin kung ano ang pang-aabuso .
Ito ring tatay, hindi naman daw nabastos ang anak. Marami pa nga daw natuwas. “Talent ‘yun ng anak ko, simula nung 4 years old sinasayaw nila ‘yun, kahit sa school pa. Ako’y tuwang-tuwa. Napaluha ako sa tuwa.”
Hindi naman daw naiiyak yung anak niya. ““Hindi siya naka-smile kasi wala siyang ngipin. Kaya naman siya umiyak kasi natatakot siya kay Kapre Balingit!” (Si Kapre Balingit ay kasama sa staff ng Willing-Willie.)
Hindi raw bastos ang macho-dancing ni Jan-Jan:“Sa akin hindi bastos. Basta sayaw ‘yan. Hindi alam ng bata kung bastos. Hindi bastos ‘yun sa magulang. Kaya gusto ko makaahon sa hirap. Maging artista di ba?”
Natuwa siya na maraming natuwa raw sa anak niya at pasalamat siya kay Revillame:“Maraming natutuwa. Ang daming nagpapapicture sa kanya, after makita siya sa Willing Willie. Ganun katindi! Pasalamat nga ako kay Willie.”
“Wala akong narinig na hindi maganda. Kahit mga kamag-anak ko sa abroad.Tumawag sila sa akin. ‘Jojo, napaiyak kami sa tuwa sa ganda ng ginawa ng anak mo,’”dagdag pa niya.
Tuwang-tuwa siya sa P10,000 na binigay ni Willie at gusto pa raw niya bumalik ulit sa Willing-Wilie> Bumalik nga sila noong Lunes at sabi ng mga nakapanood, sumayaw daw ng parang Michael Jackson si Jan-Jan ulit.
Naiiyak ako.
kung walang magsosponsor sa show ni Wily wil lie ay hindi mangyari ang sagsayaw nni Jan jan uli…boycott! the sponsors! boycott the show! boycott the prodcts adavertised boycott! boycott! boycott! kahit isang linggo lang boycott..kayang kayang gawin ito…
parang si Michael Jackson sumayaw? kung ganoon pala di gayahin niya ang buhay ni Michael Jackson..yon pala ang model at hero niya..how old was Michael Jackson when he died? kaunting tiis na lang…
…
Pakisabi na rin sa DSWD at CHR na hanapin at ipasara yong school na pumayag sumayaw yong bata ng Careless Whisper.
Pati Michael Jackson nasama na dito sa isyu. Wow ….. babaw …
Ok lang yang pag-iingay tungkol sa nangyari. At least nabibigyan ng pansin ang issue. Pero palagay ko wala na namang mangyayari riyan. Wala namang pagbabago sa society natin: buwayang mga negosyante na gustong kumita ng malaki sa kahit anong paraan at walang pakialam kung anuman ang masamang epekto sa lipunan (in this case, allowing Willy to do whatever he wants in his show as long at it rates high); mga abusado at mayayabang na taong katulad ni Willy na nalason na ang isipan sa tagumpay kuno at tipak-tipak na datung na dumarating sa kanya ng walang hirap; and the majority poor who support the continuation of such rubbish TV programs (mainly as an easy way to earn money, lack of education, and other reasons).
Nakita kung sumayaw ulit itong si JanJan at yong sister niya … wow talentadong pinoy talaga sila …. may anak ba kayong ganun??????
Mukha namang kagalang galang yong mga parents kaya tama na gusto lang nilang mapansin yong talent ng anak nila … huwag ng bigyan ng kahulugan pa.
Ang kasalanan lang ng mga magulang ay yong pagka-mahirap nila … yon lang.
“Nakakawindang-nakakaiyak” ang pinagsasabi ng tatay ni Jan-Jan. Huhuhuhuhuhu, ginawa lang naman yun ni Jan-Jan para baka mapansin sya ni Mother Lily at gawing artista, sawa na akong magpatakbo ng salon.
Bwahahahahahaha!!! “Naiiyak” din ako! 🙂 🙂 🙂
Agree, dapat ipag-ingay ang kaso ni Jan-Jan para sa isyu na child protection. Hindi porke bata at nasisiyahan sa ipinagagawa ng kahit anuman ng magulang ay tama. At bigyan din ng aral si ugly Willie, if he is capable of learning.
Ang ginawa ng bata na pagpakita ng talent ay walang. Naging masama dahil pinaulit ulit. Hindi lang yata limang beses inulit ang pagsayaw kasi pinapatugtog ang music para sa ala macho dancer. Dahil doon naging katawa tawa na ang bata. Higit sa lahat naabuso ang kabataan niya. Ang hindi pa nakaganda ay iyong last part ng tumuntong siya tapos sumayaw at ang ibang tao nakisayaw din. Parang sa mga club talaga ng macho dancer. Dapat pag nagpakita na ng talent ay isang beses lang gawin. Kasi kung pinauulit ulit ay ginagawang uto uto ang contestant. Kung magpa uto siya ay kawawa siya kasi sunod sunuran.
# 7:
Chi, mukhang gusto pa ng tatay na ang 6 year old na anak nila ang bubuhay sa klanila sa pamamagitan ng pag artista ah. Sawa na mag salon kaya 6 yr old son takes over as bread winner. W’langhyang ama yan ah. 😛
Tedanz, wala namang masamang sumayaw ang bata on live tv. Ang problema lang ay ang kanyang choice of dance na tinuro daw ng tatay. Malaswa ang napili nilang sayaw. Kung baga sa pagkanta eh ang pinili nila ay yung kantang may mga bastos at malalaswang lyrics. I’m sure the kid can adopt to other type of dance that is not lewd.
Yung tungkol naman sa pag gaya sa sayaw ni Michael Jackson, ok lang sa akin yun except for the crotch grabbing. 🙂
If we still value respect for our women and children we must make an example of Willie Revillame. He mocks our collective sense of decency by humiliating women and children on national television. We take offense when we are insulted by foreigners but allow this shameful excuse of a man to insult us in our own land, in our own home?
These things have to be put in their proper place, he seems to have forgotten the “for adults only” rule, does he really make that much money for the network? Does the network have any standards? Do they have any control over Willie? He’s a madman, who watches over him, who provides oversight, even he can make mistakes? and he’s made a lot of them in the past, he cries on TV, he apologizes, but he keeps doing the wrong thing again and again. Ban him from television, he’s made more than enough money for himself, what, the network needs him to make more money for them?
Its true that poverty may have forced the parents to allow this to happen, but its also poverty that forced the drug mules to commit a crime that they are going to pay for their lives.
So poverty justifies exploitation of minors? What next, selling children to pedophiles is acceptable because the parents wnat out of poverty? What next, selling our daughters to the sex tourists, selling our little boys to foreign perverts? Will this be acceptable because of poverty? And we have the gall to complain when they insult us? We insult ourselves worst than than the foreigners.
Walang masama sa pagsayaw on live TV, even for kids, as long as they are governed by the laws that protect them – anti child labor/exploitation laws.
But in this case, the nature of the dance, maging totoo lang tayo, was a dance made specifically for perverts, and mostly done in dark, secluded places, places normal people will be ashamed to admit they went to, places you go in secret, in the cover of darkness because doing so will never be right in the light of day. These are even sins we confess everytime, or need to confess, and its being shown on national television, for all to see, especially children.
We have the responsibility to raise upright, responsible, respectful (especially to women) – men from our young sons. Our sons who will one day comprise the leadership of our country and enterprise, and we raise them with this? Is this the kind of children, the kind of men we want, teaching them to get away with breaking the rules because they need the money? Our indiference and insentivity to the environment that will mold our young will be our doom. Yes, this is a common occurence in our society, lets stop it at every opportunity then? If we see children being sold in the streets we can’t just turn our backs and walk away? We have people who have made it a vocation of helpign these kids, lets help, contribute. How about helping to send one child per person to school? If there’s a million of us thats already a million kids?
I don’t know, maybe we can’t save all, but at least we can save one each, right?
Why are the usually noisy politicians too quiet all of a sudden? Where’s Bong Revilla when you need him? He’s only willing to protect with the full force of his moral indignation Katrina Halili? Where’s the bottled water spilling ex cop? Where is the moral indignation cum national calamity that some people drummed up when the internet showed lewd videos of Hayden Kho? Oops, kids don’t count? they don’t vote? 🙁
#10. Mike, mismo, typical!
Ang masama ay ang intensyon ng tatay, hindi ang pag-sayaw ng bata.
chi,
ibang klase din ang tatay na yan. while most of us send off our young boys to learn karate, tae kwon do, basketball, boxing, as soon as they learn to walk – he taught jan jan to do the snake dance? what a chareacter?
I don’t know, maybe he’s justified, maybe I just don’t know how to snake dance myself?
baka sabihin pa ng tatay ni jan jan “inggit lang kayo hindi kayo marunong sumayaw!”,” gumawa kayo ng sariling diskarte, walang pakialaman!”
jug, where is Bong Revilla kamo? Takot lang nya kay Willie na bata ni Villar. Hanggang Katrina-Hayden bold issue ang ang putragis. Pagdating sa protection ng bata ay utak-lamok!
What about Tito Sotto and Lito Lapid? Huwag na lang si Jinggoy dahil abala yun kay korap na mag-asawang Ligot. Ang dami nila na senador na showbiz pero takot na banggain si ugly Willie at Channel 5 ni Manny Pangilinan? Maghain sila ng bill against child abuse kung wala pa, o amiendahan ang child protection law kung meron na to include non-performance of lewd dancing on stage, etc. pang talents/talent shows abusing the tender mind and body of kids.
Eto nga inulan na ng batikos ang mga magulang nitong batang to sa US.
http://www.youtube.com/watch?v=dEb-IelEyNA
One of the ways to limit child exploitation/child abuse, eg., child labour, is to enact a law stipulating that income earned by children or minors is put in escrow in the child’s name until child is of legal age; income and interest can then be used by the child when he/she turns 18 or 21 (as case may be) as he/she deems fit, give some or all of it to family or whatever.
My godson in Pinas appeared in many adverts in Pinas from the time he was a baby until his early teens and earned the family lots of money which enabled his parents to buy a house (in parents’ name), a van and pay for some of his sisters’ tuition fees. I was surprised to learn that the child who is now almost 18 has actually not kept anything from the money he earned in his own name. I thought that was not fair.
Dati hindi ko lang pinapansin tong si Willie, aaminin ko nag enjoy din ako minsan manood ng wowowee girls o kendeng girls, whatever he calls them, but this really is too much already.
jug, tingin ko ay hindi naghihirap na gaya ng marami si Jojo Estrada, baka gusto nya na maging stage father that could land him as a star, kung meron pumatol. Ay naku!
I am disappointed with Soledad Shalani, hanggang counselor na lang sya, tutal malaki na rin ang kita nya sa “pagbibigay ng saya” sa publiko. Crap!!!
# 19:
Chi, there is an existing law against child abuse. The problem is, walang may lakas ng loob to implement the law.
Btw, wag na natin asahan pa ang mga politiko natin na kumilos at batikusin ang kaso ni Jan Jan. Takot lang nila kay Willy.
😛
If Hayden Kho is as “popular” and as ïnfluential” as Willy, I doubt lang kung magdadakdak yang Bong Revilla na yan. All for show lang naman sila at walang mga yagbols.
Anna, remember Radcliff (Harry Potter), he was surprised when one day his parents showed him his bank account (in a trust fund yats)…worth million of pounds pala sya. All his earnings saved by the responsible parents.
Also, Mary and Kate Olsen of Full House. Now, the twins are running a clothing empire because the parents invested their earnings in their names since they were toddlers. Ayan, mga reyna ng kayamanan all because of parents who know how to save their kids money for their future.
I’m not for early use of kids talents for hanapbuhay, not until they can reason out or express their feelings. But if parents are responsible at least it can balance their intention of getting rich themselves via their children’s talents.
Naiiyak ako. -Ellen
– naiiyak rin ako kasi alam kong mali. Sana may mangyari para i-tuwid ito at hindi na pamarisan pa.
One of the ways to limit child exploitation/child abuse, eg., child labour, is to enact a law stipulating that income earned by children or minors is put in escrow in the child’s name until child is of legal age; income and interest can then be used by the child when he/she turns 18 or 21 (as case may be) as he/she deems fit, give some or all of it to family or whatever. -AnneDeBrux
-exactly. I totally agree! Everyone, please take note.
One of the ways to limit child exploitation/child abuse, eg., child labour, is to enact a law stipulating that income earned by children or minors is put in escrow in the child’s name until child is of legal age; income and interest can then be used by the child when he/she turns 18 or 21 (as case may be) as he/she deems fit, give some or all of it to family or whatever. -AnneDeBrux
—————————-
I totally agree!
Chi, Jug,
It’s actually the law here in most EU countries.
It’s also the law here in the US, Anna.
Pinanood ko sa YouTube kung saan pinagpaliwanag ni Willie yun mga magulang ni Jan-Jan.
Paluhang sinabi ng nanay kay Willie at sa manonood:
“Napakasakit po sa magulang na na cha-child abuse ang anak ko. Dahil ‘di naman naming tinuturan ng masama ang anak ko. Gusto n’ya lang po sigurong mag-artista kaya gusto niyang sumayaw, guminhawa buhay namin.”
Sabi naman ni tatay:
“Kagustuhan ng anak ko ‘yon, gusto niyang sumikat, mag-artista…sinuportahan ko lang yung anak ko…’yon ang gusto n’ya eh ”
So si Jan-Jan pala ang may gusto. Pinilit lang pala ni Jan-Jan ang mga magulang niya.
PUNYETANG BATA KA! IKAW PALA ANG PINAGMULAN NG LAHAT NG ITO!
Sige mag sori ka sa mga magulang mo at lalung-lalo na kay Willie na ang hangad lang ay to “bring joy and hope and shine the spotlight on ordinary Filipinos.”
Teka baka naman naliligaw ako. Baka naman ang mga magulang ni Bonal Balingit ang talagang may kagagawan ng lahat.
Kasi sabi ni Jan-Jan uniyak siya kasi natakot siya kay Balingit. Eh di kung hindi pinanganak si Balingit di hindi sana natakot si Jan-Jan.
Bakit kasi hindi nagcondom yun mga magulang ni Balingit. Anti-RH Bill yata sila.
Ayan nadamay tuloy ang walang kamuangmuang na si Willie na ang gusto lang naman ay to “bring joy and hope and shine the spotlight on ordinary Filipinos.”
Hay naku, tuloy nag-away kami ng mga magulang ko. Kasi sinabi ko sa kanila kung nag artificial contraceptives lang sila ay hindi sana ako nabuhay para tiisin si Willie na walang ginawa araw-araw kung di ipagpilit sa lahat ng tao na kung anuman katarantaduhan ang nagawa niya ay para lamang to “bring joy and hope and shine the spotlight on ordinary Filipinos.”
I’m not a fan of Willie, I barely knew him, just from all the intrigues that he got into but who are we to judge, Filipinos sometimes are so OA and feeling righteous , I’ve seen this episode and I didn’t feel that there was really something malicious or child abuse that time, I think it’s up to a person how a certain dance would be interpreted, sphaghetting pababa of sexbomb dancers,if u will look at in in bad taste, super laswa, there were so many little girls dance it all over the place, wlang nag react. I’m a child abuse advocate and a mother, I believe that child rights must be protected at all times, but I think this one is clearly pamumulitika.
And that’s the thing: “wala naman daw silang intensyun na abusuhin ang bata” walang intention – because these people, Willie Revillame and the Jan-Jan’s father have no damn clue what is right and what is wrong. Not a clue. It’s macho dancing.
Was that the Father’s ambition for his son at this very tender age? There’s probably nothing wrong with being a macho dancer – better than being unemployed, not that I am condoning it, but there’s just way too many negativities and other dark things attached to being a macho dancer: read-prostitution as one of them.
but why not give the kid a chance to choose what he likes instead of perfecting the gyrating moves of a macho dancer, di ba? At this age, what does he (Jan-Jan) know about being a macho dancer?
Fact is, the father wants to cash in on Jan-Jan and boy was he successful. And Willie has been cashing in on crap like this. A kid is a kid is a kid and he has no clue what he was asked to do. the father should have just gyrated himself in front of this perverted Willie.
Reynz,
Re: ““wala naman daw silang intensyun na abusuhin ang bata””
Ah, is that so? But they made abuso without intent to abuse…
Sounds like it, Reynz… sigh. Difficult to inculcate sense of right and wrong to people (Wille and the father) that age.
My suggestion: For his penance, make this pervert show host to dance the same dance he prodded the 6-yr old to do on national TV but attired only a g-string; he must do it continuously for the entire duration of his show.
ADB: if you allow Willie to do that..he will be willing, willing and will do the giling giling..and if you dress him in a g-string, he probably would love that too… he is a big show–off and a big Sugar Honey Iced Tea.
Willi will never learn. Kahit gaanong suspension walang mangyayari. Punishment should be lifetime banishment from broadcasting.
hahahahaha!!! Rose, oh dear! Not a good suggestion 😀 😀 😀
From Noel Mapili:
Some people see the alleged “erotic” dancing of a child in TV5 as objectionable for being immoral, indecent or contrary to law/good customs.
Dancing is an art. The daughter of Senator Tito Sotto is promoting, in fact in skimpy clothing, pole dancing, which is popularly performed by entertainers in exclusive-for-men bars and clubs. But the good Senator does not find it erotic.
I’m no psychiatrist and I don’t want to offend anyone but, in my opinion, if one sees a child gyrating to a tune as erotic, then he or she probably has a sick mind.
MB# 31: Ha!Ha!Ha!
Ang aga pa, kinabagan na ako sa kakatawa.
#32
“who are we to judge, Filipinos sometimes are so OA and feeling righteous” … CI
Wahahahaahahaha … nakisawsaw lahat ng sangay ng Gobyerno para lang walang masabi ng mga righteous …. 🙂 🙂 🙂
Anna, isama na rin si Shalani w/ Willy and the dad in gyrating in front of live camera for the duration of the show. Heck, ask MVP to join in too. 😛
Email from someone who would like to be known only as “Andres Bonifacio”:
Well abs-cbn did not have to wait long for willie to screw up again.What use to be their headache before is now channel 5s problem
This guy will never change,he might be raking a lot of revenue for his new t.v company but believe me it wont take long for him to screw up again in the new future and again he is a walking timebomb ready to explode anytime.dont get me wrong the guy has got talent but that itch inside of him will be his downfall and that will be sad.for abs -cbs just leave him alone cause he will self destruct by himself.Anybody who is successful and on top of the world has nowhere to go but down.good luck to channel 5 who is making a big progress and willies show is just a little hindrance to their success.
Rose, ikaw ha! Gusto mo bang pagtiyagaang makita na walang pagkakaiba ang itsura ng mukha at pwet ni Willie when doing the giling-giling dance?! Hahahahahaha!!! Oooppps…sori guys, hehehe!!!
but I think this one is clearly pamumulitika.
—————–
anong pampulitika, ni wala ngang politikong gustong pakialaman to? si willie ba may politiko?
if you really believe there is nothing wrong wrong with this, try letting your own six year old son, or nephew, etc, dance the same on national television.
renz is right, this dance is associated with prostitution, male prostitution, willie knows this. if we don’t protect our children who will? do we wait for foreign ngos to take notice of this? this is really embarassing, and i pity the people who don’t realize it.
kulang na lang sabihin ni willie and his supporters “kung ayaw nyo wag kayong manood!” by his demeanor, aping api na naman siya, kina iinggitan, i admit i defended him before just like i defended kris, but i draw the line when it comes to children. there are lines we must not cross.
chi: yon ang maganda..if we can’t make heads or tails with Willie’s face di wala nang magsponsor sa kanya at wala ng jan jan show! pero isang hirit lang..gusto ko pa makita ang giling giling nila ni sha-hani…to enjoy for a second pag bigyan ko ang offer ni sha-hani..bakit si Pnoy lang ba ang magenjoy sa show na iyan? unfair! tayo ang boss ni Pnoy..sha hani will you giling giling for us?
..oops tapos na ang show mo…ay nakaidlip ako..will you do an encore?…palakpak tayo! boo! boo! boo!
Ganito palang magalit si rose pati si Shalani gustong gumiling-giling,hahaha!
kasalanan naman daw ni balingit so pasayawin na rin ng snake dance yun in thongs.
Ang gago diyan ay iyung tatay at nanay ni Jan Jan.Gustong kumita ng easy money.
Binitay na ang tatlong drug mules sa China.
Pinagpistahan ng Media ang pagbitay sa mga drug mules na ito.
Kinakabahan lang ako dito sa tatlong nabitay baka ilibing pa sila sa Libingan ng Bayani. O kayay magiging mga bayani pa sila.
Ellen #40
Kasi naman talagang ginago na ni Willie ang tao dun sa damage control na ginawa niya.
Hindi na ako mag co comment pa dito kay Jan Jan kasi masyado pang bata para ma truma.
Jan jan’s erotic dance, Willy’s repeated amusement over his dance, the “ded-ma lang” attitude of Jan jan’s father and the crowd’s reaction to his dance are all indications of our “culture” which has gone downhill very fast over the years. It will take a lot of collective efforts to bring back decency to our citizenry. We can start with our own young kids. We can not teach old dogs new tricks. Yung mga bata na lang ang turuan natin ng tamang pagpapahalaga sa sarili.
psb,
Bottomline, if you don’t like it don’t watch, its not your kid thats dancing, walang pakialaman, kanya kanyang diskarte sa buhay.
Lets just add this to our other frustrations in life, lets face it, we have no collective sense of decency in the Philippines, its only when someone prominent takes up the cudgels that things will get noticed. like our countrymen executed as drug mules, lets pray for these people na lang and hope/make sure it doesn’t happen to our family – kanya lanya na lang tayo, walang pakialaman. Those who want to help, help, those who don’t, dedma… 🙁
Its strange because multinational companies can get into all sorts of trouble with child labor issues, unfortunately TV5 is not one of them.
Yes! CDO withdrew their sponsorship for Willie’s show!
Do we hear another?!
Ikinulong ang isang Congressman sa Hongkong, pinatay yong tatlong Pinoy sa China … ikinulong na mga Pinoy dahil sa nagpupuslit ng kuwalta ….. Ano pa?
Kung ano kasi ang mga pinagpipiyestahan ng mga sangay ng Gobyerno at mga media na wala namang inabuso dito sa isyung ito ni JanJan. May kanya kanyang haka haka na kung ano-ano kaysa yong tatay .. kaysa kay Willy. Aminin niyo na lang na inis kayo dito kay Willy at hindi yong kung ano ano pa ang dahilan. Tignan niyo muna ang buhay niyo bago kayo mag-komento.
Ano kaya ang susunod na kahihiyan na darating sa inyong kapinoyan?
I think willie doesn’t understand what is the meaning of “Statutory Child Abuse and Exploitation” that non intention and even consent or permission would not matter because it is Stutory…Let Him be an Example…
Dito sa pagpatay sa tatlong Pinoy ng China … nagkasala sila … may batas ng China na kanilang nilabag … dapat lang na parusahan ang mga ito na “ayon” sa kanilang batas. Biruin niyo pag sila’y nakalusot .. ilang tao ang mapeperhuwisyo sa dala nilang droga. Ngayon ipinagdarasal ninyo ang kanilang kaligtasan para ke pa. Palibhasa sa inyo pag nahuli kuwalta lang ang katapat. Dapat ang gawin na lang ay hulihin kung sino man ang nagpadala sa kanila sa China … hindi makukuha sa dasal iyan.
Yan kasi ang hirap sa inyong mga Pinoy … mulat sapul pa … lagi na lang uma-asa ng isang mirakulo na darating (komplimento ng simbahang katoliko) sa inyong buhay.
At bakit ngayon lang sila hihingi ng mirakulo na sana hindi matuloy ang sentensiyang kamatayan sa tatlo … di sana noon pang una silang hinatulan baka mas may pag-asa pa. At bakit ngayon lang gumawa ng hakbang ng ating Gobyerno kung talagang sinsero silang iligtas yong tatlo … di dapat noon pa!!!!
Tapos etong batang si JanJan na gusto lang ipakita ang talento niya at siyempre kumita dahil nga sa hirap din ang buhay …ang dami ng kuskus balungos.
Maraming mas malaking problema ang inyong Bansa na pagtuunan ng pansin at huwag ng sumawsaw pa sa mga kabaklaang isyu ….
agree with you here ted.
Tedanz my friend, isang request lang. Pleasse don’t say “ang inyong Bansa” kasi it appears na hindi mo pala bansa at wala kang benefits na nakuha o nakukuha from it pero nandito ka naman at concern din. Kapag ganyan ang linya mo…you remind of somebody ‘over here’…este over there na itinakwil na ang kanyang sinilangan at kapinuyan pero dakdak pa rin ng dakdak. 🙂
chi,
Dyahi lang ako sa mga nangyayari sa atin ….. Noypi ako .. pango ang ilong … at iyan ay ipinagmamalaki ko. Pero kung ganyan ganyan lang ang mga nangyayari sa atin … madali na lang magpalit :)) 🙂 🙂
uso ngayon ang pagpapatangos ng ilong lalo na sa mga pinay.
Canada immigrant: who are we to judge? hindi ba there is law on child abuse? hindi ba nagtrabajo ang bata para sa magulang niya at para kay willie for P10,000.? binayaran ang bata for the dance? we are not judging the erotic dance…the fact of the matter is nilabag ang batas…hindi sinunod ang batas…ok sabihin mong marami ang lumalabag sa batas…kaya ok lang? bata ba si Jan jan… I wonder kung sa Canada nangyari ito walang magreklamo? may anak ka ba/or pamangkin or a relation na kasing edad ni jan jan? why not try it in Canada at let us see how the Canadians would react..subukan mo nga! child abuse is the issue incidental ang erotic dance…
67# 🙂 🙂 🙂
Madali na lang magpalit ….. ng ilong .. ayyyy acheng!!!! Para may rason akong manood ng Careless Whisper Wahahahahahaha 🙁
Canada immigrant: ok sabihin mmong talent show ang program ni Willie..may talent pala ang bata, bakit hindi siya sumayaw sa bar..don’t tell me bata pa siya…talented siya, hindi ba? the law is the law…wala sa Filipino niyan..kaya nga ganyan ang bayan natin…we don’t respect the law..ugaling dinadala pa natin kadalasan sa ibang bayan kahit visitors lang tayo…it is a second nature for us?..not at all my friend!…
..talented siya..ok why not promote his talent sa Canada? be his impresario..malaki ang bayad niyan…sabihin mo sa magulang niya at be the manager..give it a try..and if you succeed..amen ako sa iyo..
norpil: ok ba yong doctor? kasi may kapit bahay ako noon na umuwi ng Pilipinas para ipaayos ang ilong niya..pag balik niya curious kami kung ano ang resulta..nagtabingi..silicon ata ang ginagamit? kaya wala akong tiwala sa silicon..kung maayos ang paglagay baka naman mag leak gaya ng ano ni putot!
rose,
Cool ka lang, relax, for inspite of all the bad things we see about the country its still beautiful, its still a good place to raise responsible, respectful children. Right here we as parents still enjoy the respect and obedience (generally speaking) of our children. Maybe there is not much need for government to intervene because the family unit as the primary training ground for good moral values is still functioning. As long as we still have parents who are good role models and believe in God’s guidance (whoever they perceive him to be), we’ll do okay. Yun na nga lang, when we see something wrong, we speak out against it, if the kids see that, its part of their training.
But if we just tolerate it like the jan jan issue as if its okay everybody needs to make a buck no matter how he does it – we’re not contributing to the solution. We must always show our kids to make a stand consistently, tell them we don’t like it and why.
of course, this next generation of absentee OFW parents is something to see pa.
#66, I know Tedanz concern ka talaga at kahit magpalit ka ng ilong at uminom ka pa ng methathione ay pinoy ka pa rin sa isip, puso at buto, hahaha!
It’s just unfortunate that our leaders still have a long way to learn, pero ang iba naman ay tunay ang serbisyo at intention that provide us strength to keep on searching for the right way to improve Pinas situation.
Keep on cursing those trapos, be vigilant of them….but Pinas is Pinas and as a country has nothing to do with our leaders kapalpakan. Kawawang Pinas? No! It’s kawawang pinoy in general dahil watak-watak at ang karamihan ay utak-putik.
“Never lie, steal, cheat, or drink. But if you must lie, lie in the arms of the one you love. If you must steal, steal away from bad company. If you must cheat, cheat death. And if you must drink, drink in the moments that take your breath away.”
– Alex Hitchens
Naks naman ang topic feeling inaapi hehehe…ang daming problema ng bansa na dapat pagtuunan ng pansin at heto masyadong nagpapakashowbiz ang mga kababayan nating Noypi sa Pinas?
Ang dapat pagtuunan ng pansin e ang kaso nina Gen. Garcia, Gen. Ligot, Merceditas, etc. etc. diversionary tactics ito upang mailayo ulit ang isyu sa mga taong pahirap sa ating bayan.
Hayan kita nýo tepok na yong 3 Pinoy/Pinay sa Tsina…di na kuha sa pakiusap kaya malaking lesson ito sa ating lahat bilang mga Pinoy.
Kaya dapat lipulin din ang mga producers ng shabu/cocaine dito sa Pinas…e sino nga ba sila? Di ba karamihan sa mga nahuhuli e mga Instikbeho…dapat lang e bitay or lethal injection din ang igawad sa kanila.
Illogical na libong gramo ng shabu/cocaine ang nareraid ng mga authoridad pero sino ba ang nabitay o lethat injection wala, kasi nga po ganito yan…di ba pinawalang bisa yan sa panahon ni Gloria kaya wala isa mang nasampulan.
Kasi nga po protektado ng narco-politiko sa Pinas ang mga Drug lords sa ating bansa.
Kaya wake-up call sa ating lahat na wakasan na ang paggamit at pagbebenta ng droga sa ating bansa…patawan ng karampatang parusa gaya ng ginawa ng Tsina sa ating mga Kababayan.
Ito dapat ang pag-aksayahan ng panahon ng mga malilikot ang kukote at di yong pangshowbiz ang siyang pinag-aaksayahan ng panahon.
Gising mga Kapatid…naisahan na naman tayo ng mga Intsikbeho.
PSB
Dapat gayahin ng Pinas ang pagpapatupad ng batas sa tsina.Bitayin ang lahat ng sangkot sa droga.
#77
Kahit hindi baguhin ang ating batas basta’t iimplement lang ng tama. Walang kinikilingan …. kahit sino pa siya … ipakulong basta’t nagkasala …. yon yong basta’t ayon sa ating batas na gaya ng China.
Ang sisihin natin ay yong mga taong nag-iinterpret ng batas at sino sila kundi ang mga Justices at mga Judges. Pakitaan mo lang ng limpak limpak na salapi … mag-iiba na ang interpretasyon ng mga buwaka-ng-unggoy na mga mambabatas na yan.
Willy: “Anak na tipaklong, ano ba kayo? Lahat nalang ng ginawa ko mali! Ano ba dapat kong gawin? Ang gusto ko lang naman mangyari ay mapaligaya kahit sandali ang mga naghihikahos nating mga kababayan. Ngayon, ito pa ang sinusukli sa akin! Bakit? Sagutin niyo ako, bakit???”
Mike: “Di ka kasi nagsusuklay eh, ang gulo ng buhok mo!” 😛
#79
May iba pa diyan Mike ….. “hindi ka kasi namimigay ng kuwalta sa ibang taga media wag lang kasi si Cristy Fermin ang aambunan mo.”
hindi raw child abuse….
umiiyak na nga yung bata pinasasayaw pa.
umiiyak yung bata, nagsasaya sila.
ang umiiyak na bata ay tinatanong kung bakit umiiyak.
hindi pinasasayaw. kahit anong klaseng sayaw.
ang isang bata ay inaaruga kung ito ay umiiyak.
Jug: I love the Phil…it is the land of my birth! I love going home to Antique..walang pollution sa amin…laswa (vege) and ulam namin with isda….we rarely have meat…mahal kasi except for chicken kasi sa mga bahay bahay lagi may alagang manok..doon sa Guisjan where Ellen is from ang gumising sa akin sa umaga ay tukturook kang manok…I prefer the brown sugar..for merienda I prefer nilagang saging at kamote…for pangpaasim sa isda I like batwan..as a matter of fact iiuwi ko ang nephew ko sa Antique..he loves the Phil. although born and raised here..he has not been to Antique as yet..he looks forward to it and hopes to go to Auntie Ellen’s place..simply lang siya though he enjoyed his stay at Eastwood…kasi everything is just around the place.. my Star Bucks at may Chowking..ang Baybay (sea shore) is a walking distance from Ellen,s..”fair lands of Antique province…there shall my home ever be” ang kanta namin noon…
walang Chowking nor Starbucks sa Antique…I will introduce him to the local coffee..sara-sara (rice coffee), sinaing na rice with corn or rice with camote…simply lang ang buhay…
Rose, the simple things in life are the best! Let us not forget that our country has 7100 beautiful islands. This alone is a blessing.
Kahit na anong mangyari, Pnoy pa rin ako and I am proud of it! kahit na sabihin pa natin na tayo ay naturalized American, Canadian,Australian at kung ano pa man, we still love to eat adobo, pansit and the like. We still love to go to our exotic islands. Jan jan’s dirty dancing actually reinforces that we still care for our dear country. If we do not care anymore, we will not even be here in Ellensville.
At kahit na maraming nagugutom sa atin at hirap ang buhay, the 90 million Filipinos will always welcome us with OPEN ARMS when we go back to the Philippines for a vacation! We have beautiful people! Kailangan lang natin ituwid ang maraming bagay na nakagisnan na ng marami nating maralitang kababayan coz they did not know what is the “right” thing. Naiwan na sa pansitan ang iba nating mga kababayan. The way of life to them is just in four corners of their karitons or homes in cardboard boxes. Most of our poor kababayans probably did not even eat even once in their life in a posh restaurant nor saw a broadway play. Hindi katulad ni putot at ng kanyang mga alipores na kumain at gumastos ng milyones sa isang posh restaurant sa New York.
It is but natural that we should be outraged by Jan jan’s exploitation but let us also understand where Jan jan and his family come from.
“but let us also understand where jan jan and his family come from”
mahirap kasi kaya nagsayaw si jan jan habang umiiyak para kumita ng pera
mahirap kasi kaya nang holdap
mahirap kasi kaya nagdala ng droga sa tsina
mahirap kasi kaya nag puputa
I understand too dinah-pinoy how you feel kaya lang huwag nating lahatin na ang mga pinoys ay pare-pareho. Kahit saang lupalop ng mundo, may mga masasamang tao rin, hindi lang sa Pilipinas.
parasabayan,
mabubuting tao ang mga pinoy. ang problema, marami ang hindi sumusunod sa batas ng tao at sa batas ng diyos.
We need to address the ills of our society. Ang Europe at America (US and Canada) were not all “in-order” way way back when they started. Australia was the home of the hardened criminals before it became what it is now. Marami pa tayong pagdadaanang hirap bago mabago and sistema. Minalas nga lang tayo at sunod sunod na mga buwaya ang naging mga pununo natin. Naniniwala ako na may pag-asa pa tayong magkaroon ng pagbabago, for the better.
My brother who migrated to the US in the late 60s never went back to the Philippines not even once. He does not believe we will ever change. But that is his personal opinion.
Yan nga ang nakapagtataka, kung nasa ibang bansa tayong mga pinoy, marunong naman din tayong sumunod sa mga patakaran, except the drug mules of course. Why is it too difficult to follow the rules in our country? Wala kasing napapatawan ng mabibigat na parusa sa mga masasamang gawain kaya ganyan, walang disiplina. And our judicial process is too slow and justice can be bought kaya tuloy tuloy ang paglabag ng batas.
Buti na lang at kahit kailan di ko kursunadang panoorin yang si Willy na pinsan ni Revilla. Paanong naging pinsan? Sa isang panayam kasi, nang tinanong si Willie kung sino sa showbiz ang kamag anak nya, walang kagatol-gatol na sinabi nyang si Bong Revilla. Nang tinanong kung paano silang nanging mag pinsan, sumagot si kumag, ” Tingnan nyo ang apelyido ko. REVILLAme. Revilla ako. Jug, alam mo na kung bakit tahimik si Bong? 😛
“Yan nga ang nakapagtataka, kung nasa ibang bansa tayong mga pinoy, marunong naman din tayong sumunod sa mga patakaran, except the drug mules of course. Why is it too difficult to follow the rules in our country?
kaya ng pinoy sumunod sa ‘tamang asal’.
kagagaling ko lang sa pinas noong nakaraang buwan.
sa glorietta at greenbelt ya may mga lugar na sakayan ng taksi na nakapila ang mga tao. sa sakayan ng dyip papuntang market market ay nakapila rin. walang agawan.
pagpapatunay na kaya ng pinoy. hindi iyan patakaran ng lungsod ng makati. hindi iyan patakaran ni junjun binay.
ngunit kaya ng pinoy KUNG gugustuhin.
This incident bolsters my belief that nothing has really changed in the dynamics of the social structure in the Philippines since the 400-year occupation of the islands by the conquistadors.
Benevolent rule of the masses. Keep them poor, keep them ignorant and they will do as you bid them and even be thankful about your benevolence, no matter that they are debased.
Rizal articulated this in his books; it seems that his efforts and his death were all in vain. 🙁
Can there be a cure for this “damaged culture”? Please re-visit http://www.theatlantic.com/technology/archive/1987/11/a-damaged-culture-a-new-philippines/7414/
“Keep them poor, keep them ignorant and they will do as you bid them and even be thankful about your benevolence, no matter that they are debased.”
yan ang sikreto ng…
wowoweee
willing willie
…na sinusunod ng mga politiko…
halimbawa: skwaters sa makati hindi nawawala. kitang kita ang pagkakaiba ng lansangang ayala at buendia (gil puyat ba yun?)
@ dinah-pinoy. You have a point. That’s the trend of our “variety shows, teleserye” in various network. Giving too much emphasis of being “poor, outcasts, dark pasts, etc.” to make a person shine.
isang beses lang ako nanood ng show na yan ni Willie, nataon pa kung kailan napalabas yung segment na yan ni JanJan… hindi ko talga pinapanood ang show nya kahit noong sa DOS pa dahil nga sa tingin kong pinaglalaruan ang mga emosyon ng mga tao… pero sa palabas na ito ni JanJan… nagenjoy talga ko don sa kakaiba nyang talento… hindi ko napansin o pumasok sa isip ko na si willie o ang show nya, nagkaron ng child abuse o pananamantala… for me, entertainment lang… binigyan ng pagkakatong mapalabas sa tv yung bata… hindi ako nakaramdam ng awa dahil part lang naman ng arte o talent yun… honestly, natuwa pa ko…
malas mo lang willie, very controversial ka… ano meron sayo at lapitin ka ng asunto?
“for me, entertainment lang” – perl
umiiyak na ang bata…
Sobra naman to force Willie off the air because they don’t like what he did. It’s not fair to people who like what he does. Besides kaya may freedom of expression to protect us from bluenoses.
But I think the one who should never be allowed out of the house is Bonel Balingit and other giants like him. They scare children. O sige na nga, they can play basketball. But that’s as far as I am willing to let them go.
chi: nagulat lang ako sa comment ni Ellen about Shalani..nabigla seguro si Ellen..medio strong ang comment niya for her (Ellen) kind of person…kaya siya ang “model” ng mga pamangkin …
Tingnan natin yong trabaho ng mga bakla para kumita ng pera. Ma galit kaya ang mga self-righteous madlang people o matutuwa pa sila?
http://www.youtube.com/watch?v=38wJaadanuE&feature=related
#100 dinah, gaya ng sabi ko… ang nakita kong pagiyak ng bata ay kasama sa pagarte o talento.. kaya walang masama don… ilang beses na ba tayong nakakitang mga bata na umaarteng umiiyak? sa eat bulaga nga madami din… so telenobela ng GMA7, kung apihin at paiyakin ang mga bata… sagad sa buto… ayaw kong mapanood ng anak ko.. pero bakit ok lang sa commission na to? kase di ba arte lang?
pero kung umiyak dahil natakot kay Balingit… ibang usapan na yun… hindi ako taga hanga ni Wilie, inis din ako madalas sa ogag na yun.. pero sa isyung to.. tingin ko, hindi naman nya sinasadya… Marso 12 inere yang pagsayaw na yan ni JanJan, anong petsa na? bakit ngayon lang yan pumutok? may palagay ako na ginamit lang yan para balikan si willie ng mga taong may galit sa kanya. at khit sinong tao na manonood na nakasagap na ng negatibong komento, siguradong negatibo na din ang iisipin…
well, kung tingin ng mga expert ay may ngyari talagang pangaabuso, tama din na imbestigahan…
gaya ng sabi ko… malas lang ni wilie, ang cute-cute kasi.. sarap asuntuhin!hehe..
# 103
Observer, ayos yung pinost mo. Enjoyed watching it. Nakaka aliw ang mga badingding. Tawa ako ng tawa. 😛
BTW, I cannot claim to be a “self-righteous” person but the issue at hand is about “child-abuse” and has nothing to do about adult trannys joining a “beauty” contest. They are way past being a minor and they definitely know what’s good for them without any need for any parental guidance. No one can control them, can’t dictate on them. It’s their life and it’s their choice whatever they want to do with it. We cannot question them and there’s no law against being gay. Why they become one (gay) is beyond me. While a child at a tender age of 6 needs to be taught what’s good for them. Not to be maligned and laughed at. Not to be taken advantaged of, especially for financial gains. And by the way, there’s a law against child abuse in case you don’t know.
“ilang beses na ba tayong nakakitang mga bata na umaarteng umiiyak?” – perl
hahaha!
comedy ba ang mga telenovela o drama?
sinabihan ba nila na umiyak at mag-drama si jajan o natakot? kung natakot, bakit hindi sinabihan ng ‘o tahan na huwag ka nang matakot’. pero hindi. pinasayaw pa ng paulit-ulit.
#105
Mike, I posted a dancing toddler on the previous thread who is much younger than JanJan. Her/his dancing was more bastos than JanJan and millions of youtuber watched it.
Let us assume that toddler is in the Philippines, cover by our laws. That toddler was/is a victim of child abuse too?
let me repost the link on that popular dancing toddler:
http://www.youtube.com/watch?v=QKI-lsuYvr4&feature=player_embedded
Rose re 102. Here’s my comment on Shalani:
What’s nakakagulat about it.
Ellen: were her comments hopeless? or is she hopeless to expect a better comment from her?
Heh,heh,heh, at least the toddler has a diaper. I had fun watching him dance. Hindi malaswang tignan.
This is really a very subjective topic. From an artistic point of view, hindi malaswa.
— Mike # 105
Absolutely, spiffing spot on, Mike! My view too!
— Ellen
Translation: “Harebrained” 🙂 🙂 🙂
…..Hindi raw bastos ang macho-dancing ni Jan-Jan:“Sa akin hindi bastos. Basta sayaw ‘yan. Hindi alam ng bata kung bastos. Hindi bastos ‘yun sa magulang. Kaya gusto ko makaahon sa hirap. Maging artista di ba?”….
Nakakaawa naman talaga yung bansa natin kung maraming pang ganitong magulang na ang ideya na makaahon sa hirap ay sa pamamagitan ng kanilang anak.
Ellen, nakakaiyak talaga.
@Observer: # 107
Can’t view your link, it says on the screen:
“This video contains content from SME and Russia Today, one or more of whom have blocked it in your country on copyright grounds.
Sorry about that.”
Maybe someone blocked it coz of it’s “lewd” content. 🙂
# 112
Anna,
Could it be that instead of hair growing “out” of his head, it got stuck inside and got entangled with the brain. 😛
Does Kabayan (Noli de Castro) have his eyes on being president? is he presidential? kung sa bagay we voted for Pnoy…Villar/de Ccstro team? Bayan ko saan ks paparoon? at ang mga kandidato ay ganito?
noong araw pagnakaroon ng meeting ang mga kandidato ang mga artista ang pinakakanta..kanta lang at walang sayaw…ano kaya ngayon…ang isang bata na gaya ni jan jan at si Willy to do a giling giling…kung sa bagay ang sabi ni ex future first lady..it is just to entertain! ay naku!
After all is said and done; I’ll stick with Sisters LVM and Rose’s boilerplate of “these incidents are all in God’s Plan”. Whatever happens to the six year old, good or bad was already decided, even Willy the prick.
Several sponsor companies have reportedly pulled out or suspended their ads on the Willing Willie show because of the boy’s macho dancing incident. Aray ko po!
Ano Willy, hihirit ka pa ba? 😛
tru blue: yes, these are all in God’s plans…but He gave us the freedom to choose..kaya it was still Willie’s choice and ours if we agree with him…As I have said before, I am a cockeyed optimist…and I believe that it is bettr to light a candle than to curse the whole darkness…The Philippines is a beautiful country and rich in its natural resources…ang problema lang sinira natin..illegal logging, exploitation of our mines, etc. I say natin because all of us should keep it clean and beautiful…but we contributed in making it dirty…kaya mea culpa, mea culpa tayong lahat…puera lang seguro si Mr. Clean..
Mike: thanks for sharing with us the news … the withdrawal of sponsorship will hurt Willie’s pocket..and the more the better…I don’t want him to live in poverty but it would do him good, if he realizes what and how it is to be poor and to be used…ma experience lang niya so he won’t hurt the poor more..matikman man lang niya ang maging mahirap kahit kang maraming kuarta….Thank God, indeed for little blessings!
# 120
Rose, kaso nga galing naman siya sa wala eh. He used to be a side-kick lang nila Randy Santiago (if I remember correctly). Siguro victim din siya before ng mga user at nangaapi, but instead of doing the opposite gumaganti siya ngayon sa nangyari sa kanya before.
Interpretation of the dance acts of Jan Jan are in the malice and eyes of the beholder.
florry: tama ka “the interpretation of the dance act…are in the malice and eyes of the beholder.” nakamali nga seguro ko…tiniklang ata ang sinayaw niya or was it singkil?
corr: tinikling ata ang sinayaw..pero bakit parang napapaiyak si Jan jan? nmaipit ba ang paa niya sa pagsayaw ng tinikling?
# 122:
You don’t have to be a genius to know that it’s macho dancing that Jan Jan performed. And macho dancing is a gyrating lewd dance by a male dancer usually done inside sleazy joints catering to gays and matrons.
Mike “ang macho dancing” etc. caters to gays? Willie seems to enjoy the dance…is he also confused? he/she?
Willie used to be a professional jazz drummer. I once saw him perform with the Airborne(?) Band in the 80’s (I think in Phil. Plaza’s Siete Pecados) with Henry Katindig and my friend and idol Norman “Troop” Ferrer. Diyan niya yata nasilo ang puso ni Princess Punzalan sa kanyang drums, ewan ko lang kung pati sa kanyang toilet humor. Yes, he sidekicked for Randy Santiago (hindi “hawi” boy like Bayani and Dennis Padilla).
He entered showbiz as the younger version of Gary Lising.
Someone who read this blog gave me this link: http://www.japanprobe.com/2006/07/30/koda-kumis-pedo-dance-extravaganza/
The very same arguments between pro and anti-Willie are like the whoremonger-pedophiles vs the puritans. The perceptions are universal. On both sides.
may halong inggit/galit lang ang ibang pinoy diyan kay willie. nagkataon lang anak mahirap yung bata/contestant. paano kung anak ng celebrity yan?at guest performer yan? i think mag iiba ng reaction ang pinoy. i bet. baka sabihin “talented” hay,,,tumigil na nga kayo.