Binigyan ng Senado nang mag-asawang Ligot kung tulungan nila ang pamahalaan na maibalik sa sambayanang Pilipino ang milyon-milyon na pera na nanakaw sa sambayanang Pilipino o magpakulong. Sa ngayon mas gusto nilang magpakulong.
Naka-detain si Lt. Gen. Jacinto Ligot sa Senado dahil sa ginawang niyang hindi pagsipot sa hearing na ginagawa ng Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Sen. TG Guingona. Ang kanyang asawang si Erlinda ay hindi pa kinukulong. Humanitarian reasons daw.
Pambabatos naman kasi ang ginagawa niton mag-asawang Ligot kasama na rin ang kapatid ni Mrs. Ligot na si Eduardo Yambao sa kanilang pagsisinungaling sa Senado tungkol sa pagnananakaw na ginawa nila sa pera ng military nang comptroller si Ligot nang panahon na ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines ay ang nagpakamatay na dating Defense Secretary Angelo Reyes.
Kapag pinapanood mo ang imbestigasyun ng Senado na nagsimula sa kontrobersyal na plea bargain agreement ng Ombudsman ng isa pang dating military comptroller,si Maj. Gen. Carlos Garcia, na ngayon ay pinalawak na sa mga corruption sa military nang lumabas ang dating military budget officer na si George Rabusa, makikita talaga ang kahalagahan ng pagsabi ngkatotohanan.
May kasabihan: “:Truth shall set us free.” Ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.
Wala namang perpekto na tao. Lahat nagkakamali. At nandyan ang pagkakataon ng magtuwid ng pagkakamali. Ay magagagawa lamang yan sa pamamagitan ng pagsabi ng totoo.
Nabuking na ang mga ari-arian ng mga Ligot na kadudadudang nakuha nila yun sa malinis na paraan dahil P360,000 lang isang taon ang sweldo ni Gen. Ligot. May dalawang bahay sa California: isa sa South Anaheim at ang isa ay sa Buena Park na nagkakahalaga ng P30 million. Mga lupain sa Malaybalay, Bukidnon na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5 million.
Nakakalula ang kanilang pera sa bangko: Noong 2001, meron silang joint bank account na ang balance ay P5.09 million at ang isa naman ay P511,078 in 2002. Meron din silang dalawang dollar deposits na $1.29 million at $1.58 million.
Si Eduardo Yambot, na ang suspetsa ay linagay sa pangalan niya ang ibang ari-arian ng mga Ligot ay wala namang nakalista na legal na negosyo o sueldo ngunit nakakaluha ang kayamanan:the P22-milyon na comdominium sa Essensa East Forbes sa Fort Bonifacio Global City; P1.41 milyon na condominium sa Burgundy Plaza sa Katipunan Avenue sa Quezon City. Meron din siyang P2.8 milyon na Toyota Highlander at Subaro Forester noon.
Patuloy pa rin na ayaw magsabi ng katotohanan ang mga Ligot at si Yambao. Hindi raw sila masyadong makatulog kaya kung ano-anong sakit ang sinasabing lumalabas sa kanilang katawan. Kailangang daw ni Mrs. Ligot uminom ng Valium kapag dumalo ng Senate hearing. Ngunit kapag tinatanong, ang sagot lang ay” I invoke my right against self-incrimination.”
Di sige. Protektahan nyo ang kayamanan nyo. Enjoy nyo yun habang sa kulungan kayo.
Naku ha, dapat walang kondisyones…ibalik o bawin ito by hook or by crook ang perang ninanakaw sa bayan at ikulong yang mag-asawang kawatan e sinungaling pa!
Napapanahon na upang bigyan ng leksyon ang mga tulad nitong mga sinungalin e magnanakaw pa…imagine, ginastusan ng pera ng bayan itong si General problem upang mapagtapos sa PMA at ngayon ng tubuan na ng sungay e pagnanakawan pa ang bayan.
Yan ba ang natutuhan niya sa PMA bilang isang sundalong-kanin, after all heto at nagtetengang-lipya…ayaw pang aminin yong ka ek-ekan nilang mag-asawa.
Buti pa e magturo na sila, tutal uso nman ito ngayon ng kahit na sa huling sandali ng kanilang buhay e mayroon silang nagawang kabutihan para sa bayan.
Sige Heneral Ligot, magdoremi ka na kasi itong kabaro mo na si Gen. Reyes e dinaga ang dibdib kaya hayon tinodas ang sarili ng walang kalaban-laban.
Ano ba naman yong magsabi ka ng totoo at pawang katotohanan, sure magiging bayani ka pa niyan kasi nga malalaman ng taong-bayan ng mga bosing mong kawatan at dapat sila ang patawan ng mabigat ng parusa ng di na pamarisan pa.
Money or Prison? Now na…buryong na ang Pinoy sa paghanap ng katotohanan! Sige ka, ikaw din!
Di bale makulong sabi ni Limot dahil air-conditioned ang kanyang selda sa Senado. Para matapos na ang drama spill the beans para maparusahan ang mga may kasalanan.
Dapat umpisahan na ng mag asawang Ligot kasama na ang bayaw niyang si Yambao na mag training sa buhay kulungan…. Hindi na pweding pag usapan ito…. sa mga gusto nilang mangyari. Ilang araw lang ay gusto nang lumaya ni Ligot sa kulungan ng Senado at makipag cooperate na raw siya.. Sino ang niloko niya? Magsabi muna siya ng totoo at sagutin ang mga tanong ng mga senador… Ayan dinidma na siya ng Senado sa apelang pakawalan siya. Sayang nga lang at Laya pa ang asawa niya sa ngayon at ang bayaw.
Diet ngayon si Ligot sa kulungan ng Senado, hehehehe!
Nag aaway away at nag rarambol ngayon ang mga bulate sa tiyan niya dahil kulang na sila ng supply.Ang sarap pa naman ng mga pagkain sa labas lalo na mga steak,shrimps, lobster at ice cream.
Prison time is usually reduced when the villain tells the truth. Garcia’s case is beyond repair, nakapag-plea na siya sa mas magaang kasalanan. It is up to the courts to convict him. Sigurado na siyang nakalaya. But the Ligots, pwede silang tatlong makulong sa plunder lalo na kung may bagong Ombudsman na. O baka naman the Ligots are still hoping that Maldita will NOT file cases against them if in case she continues to be the Ombudsman. Which is more likeky the case.
Wala daw bintana yung cell ni Ligot. Nakupo!
Dapat nga wala ring hot water ang shower room niya, tignan natin kung goli pa siya everyday.
Yung kapatid ni Mrs Ligot medyo arogante pa sa pagsasagot. Sobrang palugit na nga ang binigay ng sanado sa kanila, but they are playing tough na wala naman sa lugar. The Ligot’s should be resigned to the fact that they committed a crime of looting money for themselves or for somebody. They should be kinder to themselves and start to tell the truth. Yes, the truth will set them free. Sooner or later they will serve jail time anyway. Why prolong the agony?
Sa perang nakulimbat nila Cocoy, yung mga ulam na yan eh kahit araw araw nilang kainin, kayang kaya nila.
Oo nga PSB kung sa labas sila. Kaso ang order ng doctor sa senado ay diet si Ligot. Palagay ko nilagang pichay lang ang ipakain sa kanya doon. Di siya makareklamo dahil diabetic siya.Iyung matatanda sa Nursing Home na mayayaman kung ano ang order ng doctor iyun ang ipapakain sa kanila kaya gusto na nilang lumabas at mag hire ng private nurse.
sa picture above, parang walang baki si Ligot…mukhang nagmamalaki pa..tingnan natin kung ganoon pa ang makikita natin kung makulong a…is there a private jail house sa gitna ng dagat for the likes of putot, Maldita, Ligot, the Ampatuans, etc.? yong napapaligiran ng whales para kung magtangka mang magescapo wala silang mapuntahan…in the dark deep black yonder!
ano kaya kung ang ipapakain sa kannila ay bolate ala spaghetti?
Oo nga Rose sa #10. ang yabang pa ng porma ni Ligot.
kung hindi nila mapatunayan ng mga ligot na ang kayamanan nila ay hindi nakaw,dapat lang bawiin ng gobierno natin ito at ikulong pa sila!!!!
what else is new? puro investigation wala namang outcome, people just dont take the law seriously, well , i dont blame them , kung si lacson dont follow the law, how do you expect the citizens to follow ??? hay , dapt sa philippines maging communist para umunlad
Hindi uubra ang communist gov’t sa Pinas acibig kasi maraming tamad.
tama si Cocoy..a communist gov’t will not work in the Phil. hindi lang yon tamad ang karamihan sa atin…kaya nga may kasabian tayo na si Juan Tamad.. and besides hindi papayag ang mga paders..lalo na seguro ang balae ni putot…
Dapat ikinulong din si Mrs. Limot! Walang K ang nmga kurakots na bigyan ng comopassion ng senada lalo at ayaw nilang mag-cooperate para sa katotohanan.
Mas gusto nila ang pera, pwes….dalhin nila sa Munti!
Ito bang si Cimatu, Garcia, Ligot ay mga Ilokano?
Si Villanueva yata Ilokano din ….. di kaya lahi ni Macoy ang mga ito?
Ilokano yata si Ligot Tedanz.. Kwak te Kwak.
Dalawang mukha ang makikita sa Litrato ng mag-asawang Ligot. Si Heneral ay parang nag-mamalaki, Sabi siguro, ” mag-heneral din kayo, at maging comptroller sa panahon ng GMA-AFP namin, kung anong gagawin ninyo “???..lahat ng sulok sa opisina panay Milyones-$$$$/pphphp !..lalo na, at binubusog ng husto ng mga “piggy-pidalista and Company ” !..para manatili ng 9-10 taon ?..pana-panahon lang !..ngunit di niya alam, IMpyerno ang tungo, at panay problema ang haharapin,kulungan, magbabayad, at pigil na kalayaan.
Si Mrs. Ligot naman, nagsisisi na siguro, ngunit di alam kung papaano lulusot sa ginawang DAmbuhalang pagnanakaw sa kaban ng Bayan..Kayamang di nila ma-ipaliwanag ng husto sa Taong Bayan..Ano nga ba ang mahihita ng Taong, gustong mapasa-Kamay ang mundo-at kayamanan, Kung mawawala naman ang Budhi-karangalan-Kaluluwa.., Karmado sila !..”Tsunami ng Buhay artipisyal “,pagnamatay, di naman madadala sa libingan !..food for thoughts, at pa-ala-la din sa gusto pang magnakaw ki Juan de la Cruz….Enough is Enough, ituwid na ang landas sa Pilipinas,tulungan si Pangulong PNOY..at ikulung ang mga nagkasala, kung di kaya ang “harakiri”..at bumigay ni si Ombudsman !.bumitiw na sa kanya ang SC at kamara, Tagilid ang Senado, kung pagbibigyan pa ang isinusuka ng Bayan (52%-ayaw na ).
May mga death threats daw ang mag-asawang yan that’s why they have to move from one place to the other. Nomads kung baga. Sino naman ang mga nananakot sa kanila? Yan ang gustong malaman ng sambayanan. Yung mga kriminal na gumamit sa kanila para manghuthot ng pera ng bayan ang dapat nating ibitay ng patiwarik! Nabawasan na ng isa dahil nagpakamatay ng kusa. Marami pa sila at yan ang rason kung bakit gusto ni Pnoy na matanggal itong si Malditas. Pinakawalan na ni Maldita si Nani Perez, si Abalos at yung mga buwayang komisyoners niya, inupuan yung kaso ng NBN-ZTE, Joke joke Bulate at marami pang iba.Nakawala pa si Garcia at ngayon gusto pang makaLIMOT itong mga ito! Mantakin mo ang dami ng nilustay nilang pera ng bayan! Pwede na ulit tayong magpatayo ng isang nuclear plant sa isang SAFE na site!
Paano nga nila mapapakinabangan ang perang ninakaw nila kung nakakulong naman sila? Makakalabas nga sila pagkatapos ng mahabang pagkakakulong kaya nga lang sa kunsumisyon sa pagkakakulong, may mga sakit na sila. Ngayon nga na hindi pa sila nakakulong eh may mga mabibigat na silang sakit. Ito marahil ang epekto ng kakakain nila ng mga caviar at kaiinom ng mamahaling mga alak.
Cocoy, wala sa Ilocano o Kabilen o Bisaya ang ugali ng tao. Sa lahat ng parte ng Pilipinas meron at merong masasamang tao!
Sa picture sa taas mukhang nag-iisip si Ligot kung papano iiwas dito sa kaso nila. Kung ako lang itong taong ito .. matagal ko ng sinundan si Reyes dahil ito lang talaga ang paraan para umiwas. Wala na yong mga taong nagtatanggol sa kanila gaya ng mga Arroyos, Ermita at Reyes.
Sana silipin din yong mga hinawakan nina Ebdane at Mendoza. Mukha na lang nila hindi na mapagkakatiwalaan. Palagay ko sila ay nangurakot din.
This military Bonnie and Clyde team will give govt the runaround. They will NOT/NEVER incriminate Angie Reyes or any of their cohorts. They’d rather take their secret to the grave. Ligot’s own classmate said so himself.
It’s up to govt to make their life a living hell and maybe, just maybe, they might admit to personal wrongdoings.
Ellen,
Why can’t govt revenue authorities do a kind of fiscal control, a thorough audit of their income/wealth to determine if their dollar deposits can be justified? Don’t we have a law in Pinas that allows govt to proceed with this kind of audit especially when people have a business or businesses?
The mere fact that they’ve been caught red-handed, i.e., so many millions in their bank account over which they can’t seem to explain the provenance, should be reason enough for revenue bureau to investigate them with no let up.
Porbida; nagpapakahirap pa itong dalawang mag asawang asuwang..magtapat na lang kayo na inasuwang niyo ang kaban ng bayan at sabihin niyo pa kung sino ang iyong mga kabakas ( na alam naman namin lahat ) at nang matapos na ang inyong mga paghihirap. alam niyo naman, na ang hantong niyo ay sa kalabuso. ituloy niyo ang i inbok, na bokya naman kayo, o kaya magsakit sakitan, na bokya parin, lalong hahaba ang inyong hatol. kung sakali kumanta na kayo, baka ay mabawasan pa ang hatol sa inyo. ibalik niyo ang mga inasuwang niyo sa amin, you hear?
death threats? They are afraid of their own shadows and their own doings..yon ang death threats nila…kaya takot na takot…sana mag Romeo and Juliet sila…hindi kaya tinatakot din sila ni putot? puede din..kasi desparado na rin si putot…hindi na niya alam kung sino ang ka familya niya..
Diskarte siguro tong mag-asawang ito ay pahabain na lang yong paglilitis sa kaso hanggang sila’y bawian na sila ng buhay.
PSB agree ako sa iyo na nasa tao ang pag uugali.
Sila ang mga dahilan kung bakit may mga street children, drug mules, white slavery, human trafficking, out of school youths, internal organs snatching, street beggars na mangyans at marami pang iba.
sa tihgin ko di tatagal yan si mrs ligot,, lalo na kung padeatin yan sa city jail… sa senate nila pinakulong,, parang bale wala lang un…dapat talaga sa bilibid,, si mrs ligot sigurado kakanta yan
But the Senate Blue Ribbon (or whatever the Colour of that committee) is not and never be a court of Law and never was vested a power to act as one…under its mandate it can only conduct an inquiry for Legislative measures and its resource individual should be accorded courtesy and respect…but in many instances it is acting as a grand jury in the process of indicting its resource individuals and maybe it is one reason why during all the years it has not fulfilled its mandate whatsover…the Ligots and others alleged to have plundered the Filipinos are no ordinary “criminals” they are of the very serious kinds..their alleged crimes should have been investigated by the country foremost Police Authorities and evidence built up until sufficient enough to bring to court to return convictions…and the Senate can learn from it and maybe craft some laws to prevent the Ligots and the Reyes, and even some it its members from doing the plundering in the future…
Napakagahaman nila sa pera. Akala siguro nila madadala nila ang pera sa kanilang kamatayan. Dapat ang mga tulad nila nagpapakabuti. Tumutulong sa mga nangangailangan na tao. Maging lantaran ang pagtulong. Ang kakapal ng mukha na magsabi ng I Invoke My Right Against Self Incrimination. Gayong halata naman na may kasalanan sila. Ginagawa lang banyo ang amerika sa pagpunta. Hindi sila nakokontento sa kung ano ang dapat na sahod sa kanila. Naging mga kurakot sila. Hindi sila mabuting halimbawa. \
click http://www.arvin95.blogspot.com
Unti unti mararamdaman na nila ang pag usig ng konsensya.
May mga death threats daw ang mag-asawang yan that’s why they have to move from one place to the other. Nomads kung baga. Sino naman ang mga nananakot sa kanila? -PSB
Guniguni lang nila yun o kaartistahan, unless hindi rin sila ang final destination ng kurakots! O baka galit sa kanila dahil hindi akalain ng super-bossing na bilyunes ang naitago sa kanila ng mga Ligots na dapat ay porsiento lang sana. Ang karma talaga kung maningil pati laman ng bituka ay kinakalkal!
Si Mrs. Limot kailangan na gumamit ng regrow! 🙂
mas maging mabuti nga seguro ang diet na ibibigay sa kanila
sa prison…mawawala ang high blood ni Mrs., at maging siksik…at si Mr. naman baka siya ang malalagot at pagawayan ng mga prisoners si Mrs..
Mrs. Ligot: Ano ba itong kinasadlakan natin? Hindi ko na kayang patuloy na mag-akting, wala na akong iluha! At saka hindi tanga ang mga pipol, bistado na at gasgas na ang katuwiran nating it might incriminate us!
Gen. Ligot: Tumahimik ka nga dyan! Di mo ba nakitang nag-iisip ako? Ikaw nga yang panay ang biyahe at bili nang bili ng properties sa tate. Hindi ka kasi nag-ingat, mantakin mong ikaw na ang nagbenta, ikaw rin ang bumili?
Iisa ang linya ng pangangatuwiran ni Garcia at Ligot, nasa Sandiganbayan ang kanilang kaso kay ayaw nilang magsalita dahil it may incriminate them.
Ang tanong, bakit hindi minamadali ng Sandiganbayan ang pag-uusig sa kanila? Bakit matagal na ang kaso, wala pang aksyon sa garnishments ng properties nina Garcia at Ligot?
May nabasa akong akong kasagutan coming from Ombudsman former special prosecutor Dennis Villa-Ignacio when he stated that the “Sandiganbayan Fourth Division required the government to post a P1 million attachment bond in the forfeiture cases against the Garcias which were filed in the same year (2005).
Even as we protested that the State is exempt, the court overruled us. The OSP was strapped for money but simply to avoid delays, we had to post the bond in the case of Gen. Garcia filed in January 2005. The Ligot case was filed nine months later, and we didn’t have money for that. It was only in 2007 that the Supreme Court reversed the Sandiganbayan and ordered it to return our bond,” he explained.
Sa milyon-milyong pera na kinurakot sa kaban ng bayan at kinasasangkutan nina Garcia at Ligot, may maririnig pa tayong wala raw pera ang Ombudsman to post bond sa Sandiganbayan? At kung hindi pa raw namagitan ang Supreme Court, hindi pa rin umusad ang kaso.
Nakakalungkot isipin ang ganitong kaganapan. Payag na tayong may sinusunod silang batas o regulasyon na dapat magbayad ang Ombudsman sa Sandiganbayan pero sa ganitong maliwanag na malawakang kurakutan at kitang kita ang mga ebidensiya, kailangan pa ang Supreme Court ruling to forego a P1M bond? Parang may tug of war na nangyari na puro mga taga korte ang players!
Sige protektahan ninyo kayamanan ninyo habang buhay kayo at nakakulong. Pag namatay kayo, di na pwede yung “I invoke my right against self incrimination.”
Kasi yung “JUDGE” na makakaharap ninyo (nating lahat) SIYA na rin JURY and EXECUTIONER.
Natapos daw ni Gen. Ligot yung gospel yata ni Matthew in 2 hours.
golberg: natapos niyang basahin…naintindihan ba niya? baka ang nabasa lang niya ay “Love your Enemies”…ang enemy niya ay pera..kaya lab na klab niya at ni laplap! linis na linis ang kaban!
Bakit kaya di natin pag-aralan ang anti-corruption model ng Singapore – ang agency nila na nagpapatupad nito ay ang CPIB..
Simple lang ang basis nila to prosecute and convict a corrupt public official – they will compare your declared income with Inland Revenue (BIR kung sa atin) vs. your acquired fixed assets, gists, and liquid assets. Pag di tumugma at mas malaki ang assets vs. income, wala na sa CPIB ang burden to prove na galing sa graft and corrupt practices, automatically pwede na nila i-prosecute, at pag walang documentary evidence to present ang akusadong opisyal, tapos na ang boxing – huhusgahan ka na agad ng court.
Kung gagamit ka naman ng dummy, ganun din – if your dummy cannot prove his/her income and asset variance, prosecute and conviction agad. And in their experience, mas madalas kumakanta ang dummy pag na-convict kaya pati ang opisyal, malamang kulong din.
Nga lang it takes a strong political will to enable this.. I’m starting to doubt PNoy’s political will dahil may mga usok nang nakikita sa mga nakapaligid sa kanya.. mga bagong mansyon, biglang laking dollar account, etc..