Skip to content

Alerto: hindi titigil ang kampo ni Arroyo

Ang nangyari noong Lunes (Martes na nga pala ng medaling araw) ay hindi maisip mangyari kung si Gloria Arroyo pa ang nasa kapangyarihan. Iba na talaga ang panahon.

Sabi nga ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ilang impeachment complaint na na kasama siya sa pagsulong para mabigyan hustisya ang taumbayan na pinagsamantalahan ng mga nasa kapangyarihan ngunit walang nangyari dahil hawak ni Arroyo ang mga kongresista.
Iba na talaga ang panahon.

Maganda ang sinabi ni Anak Pawis Rep. Rene Mariano na ang impeachment complaint laban kay Gutierrez ay laban ng mga magsasaka na siyang ninakawan nina Arroyo at ng kanyang mga kasama na ang mga opisyal sa Department of Agriculture. Isa sa kaso sa Articles of Impeachment ay ang P728 milyon na anomalya sa abono.

Lumabas sa imbestigasyon na ang pera na inilaan para tulong sa mga magsasaka pambili ng abono ay ginamit nina Gloria Arroyo sa pagmamani-obra ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante at ginamit sa kampanya ni Arroyo noong 2004. Maraming ebidensya ang nakalap ng Senado sa kanilang imbestigasyon, ngunit inupuan lang ni Gutierrez.

Siyempre, kapag maghanap siya ng utak ng krimen, matutumbok ang kanyang mga patron na si Gloria Arroyo at ang asawang Mike na kaklase niya.

Ngayon ang laban ay nasa Senado kung saan walo lang ang kailangan ni Guttierez na boto para maharang ang kanyang conviction. Paandarin kaya ni Gloria Arroyo ang kanyang makinarya? Hindi malayo.

Noong Lunes, pinagpipilitan ni Minority Leader Edcel C. Lagman (1st district, Albay) imbistigahan daw mina ang tungkol sa text na kumalat noong Linggo, isang araw bago magbotohan sa impeachment complaint laban kay Gutierrez.

May text daw kasi na natanggap ang mga congressman daling daw kay Cavite Rep. Joseph Emilio A. Abaya (1st district), mataas na opisyal ng Liberal Party at chairman ng makapangyarihan na committee on appropriations, na nagbabala raw sa mga congressman na kung hindi sila boboto pabor sa impeachment, mawawalan sila ng alokasyun sa kanilang Priority Development Assistance o pork barrel.
Kung may duda man akong totoo ang text, nawala yun nang marinig ko si Lagman na pinipilit na ipagliban ang botohan sa impeachment complaint at imbestigahan daw muna ang tungkol sa text.

May “preservation and protection of the independence and integrity of our chamber” pa siyang pinagsasabi.

Lokohin niya lelong niya. Operasyun nina Arroyo yun. Mabuti naman at hindi umubra at natuloy ang botohan at nadaganan ang 47 na kakampi ni Gutierrez kasama na doon ang angkang Arroyo ng 210 na bomoto na ituloy ang paglilitis kay Gutierrez.

Sa Senado na ngayon ang laban at maghanda dapat ang taumbayan sa kung ano-ano pang operasyun na gagawin nina Arroyo.

Published inGraft and corruptionHouse of RepresentativesJustice

65 Comments

  1. Sa isang TV interview kay Ombudsgirl Gutierrez (si Joker Arroyo ang nagbinyag nito), sangayon daw siya na pagbawalan ang media sa Senate impeachment proceedings. Magkakaroon daw kasi ng trial by publicity. Akala ko ba’y nakahanda siyang harapin ang lahat dahil wala naman aniyang basehan ang mga akusasyon laban sa kanya?

  2. rabbit rabbit

    narinig ko sa radyo congressman pacquiao daw voted NO to impeach the crazy lady..
    at si dating justice serafin cuevas ata is one of the lawyer of ombudsman…madatung din pala

  3. Senate will start impeachment proceedings when it resumes session on May 9.

  4. QED QED

    ellen, sa paniniwala ko ngayon higit kailanman kailangan natin nang action at hindi puro salita. Mayroon bang nagoorganisa in whatever form to gather the public to voice our support behind this impeachment, and to tell our supposed public servants in the senate that we’ve really had enough. we’ve been in coma for nine years, complaining and commenting on blogs. now is the time for action. hindi na natin pwedeng palampasin ito.

  5. parasabayan parasabayan

    Obvious naman na kampo ni putot ang nag-text brigade. Even up to the last minute while the Maldita’s impeachment was being deliberated in congress, putot and her loyal alalays (Mitos Magsaysay) were very busy texting.

  6. parasabayan parasabayan

    Siguro mas mabilis matapos itong impeachment ni Maldita kesa sa hearings ng AFP sa plea bargaining ni Garcia na puro “I invoke my right…” sa senado. It came to a point that I do not even want to watch the hearings anymore as it was not going anywhere.

  7. parasabayan parasabayan

    Sa dami ng laundered money ni putot, just judging from the money handlers she had (the generals including the euro generals, Joke joke Bolante and his men, Abalos and his burgers, the 200 lawmakers or so as travelling companions of putot whenever she travelled abroad-imagine how a $ 10,000 each would build up to millions when the travels were frequent) putot can still continue what she does best, pay off the senators to buy her immunity.

  8. parasabayan parasabayan

    I am just hoping that these senators should contribute to clean up the government by weeding out the known cronies of the putot. This is the best patriotic act they can do for their country.

  9. Panawagan sa ating mga kababayan na tandaan na huwag iboto sa susunod na eleksiyon ang mga kandidato na susuporta kina Gloria at lahat ng mga alipores niya.

  10. Rudolfo Rudolfo

    Kung ang Senado ay may damdaming MakaBayan,MakaTao at MakaDiyos, unang tingnan-limiin nila ang mga bagay na sagabal sa pagbabago,kaunlaran at sa pag-usad ng bansa, lalo na ang “pagtuwid ng landas ni PNOY” sa Pilipinas.Ang issue na “Impeachment at mga sangkot na KAso i.e.” ay masyado ng SAgabal sa pag-unlad, pag-Usad ng bansa.Dapat tapusin na nila ito ng madalian, masyado ng sobra sa “grandstanding ” at napupulitika..Linisin na ang dapat linisin, at harapin ang bagong umagang may-Pag-asa.Kung ano ang “aura” ng mga mukha nina MG at GMA, at mga kabig, iyan din ang mukha ng sambayanang Pilipino. Pasayahin na ang mukha sa pag-Tuwid ng liko-likong landas, alang-alang sa susunod na henerasyon. Huwag ng ipamana ang mga nangyayari sa ngayon, nag “kakahulang parang mga aso”,kakaunti naman ang liwanag na nakikita.

    Tiyak ang mga papanig ki MG-Ombudsman, magbabayad sa 2013 eleksyon at isusuka ng bayan, dahil di maituwid ang landas ng Plipinas.Enough is Enough !..

  11. Guilty na ang hatol ng mga Senador diyan kay Merci pagdating doon sa kanila. Mga politicians ang mga iyan at hindi mga lihitimong Judge. Anong ebidibs ebidins pa ang pag-uusapan nila diyan. Iyang mga Senador kaya sila nagtatagal diyan dahil minaster na nila ang takbo ng pulitika.Sa pulso ng bayan ang hatol nila hindi kung kanino Pontio Pilato o Herodes.

    Boto ng taong bayan ang hinhabol nila, liban lang kung kaya nilang magbayad ng 1,000 pesos kada botante, mga mahigit 15M votes ang kailangn nila para makapasok sa Magic 12 tuwing Election.Pano kung natalo di lumipad sa ere ang mga naipon nila.

    Iba na ang Comelec ngayon sa pamamahala ni Penoy, wala ng bidding sa pwesto at wala na si Abalos. Hindi uubra ang kalokohan ng Comelec kay Farinas dahil ipa -impeach niya.

  12. rose rose

    Is Joker Arroyo for real or simply joking? Well, he is still an Arroyo related or not..Bantayan lang natin siya how he would vote on the impechment…then the people should decide if he is worthy of their trust…abangan lang natin and let the people decide his fate in the coming election…

  13. martina martina

    Umaasa si Merci na papabor sa kanya ang magiging resulta sa senado ng kanyang impeachment.

    OO, kasi simple lang, ilan lamang ang bilang ng mga senador na dapat bilhin ng ate Glorya niya. Kahit tig isang bilyon, kung hanggang apat hangang sampu sila, eh di barya lang kumpara sa probably hundreds of billions na nakulimbat na nila, para na rin silang nakabarat sa isang plea bargain. Pera pera lang yan!

  14. Rudolfo Rudolfo

    Nasa kamay ng mga Senador ngayon ang kinabukasan ng Pilipinas, lalo na ang susunod na lahi,Ito ay kung lilimiin nilang mabuti ang konsyensya nila. Kapag pabor sila ki MG-Ombudsman, balik 9-10 Taon tayo, paurong, hindi pasulong. Tiyak, di lang liko-likong landas, kundi mawawala na ang landas ni pangulong PNOY, masasayang ang 6-na-taon niya sa panunungkulan. Sa mukha lang nila, “MG-GMA and company”, talo pa ang lindol na gaganti sila. Ibahin ang Pampanga,kapag gumanti, putok ng ” Mt. Pinatubo ” ang katumbas, mababaon ng Lahar ang malacanang. Tiyak naman na lubog-patay sa ” tsunami ” ang mga Senador na kakampi kay Ombudsman..tsk,tsk,tsk..abangan na lang natin, ang susunod na “calamity” sa Senado ng Pilipinas.

  15. Sangayon kay DOJ Secretary de Lima, public opinion is the secret behind the impeachment of Gutierrez. Ito ang dahilan kung bakit malaking bilang ng mga kinatawan sa Mababang Kapulungan ang bumoto ng YES sa impeachment. Maingay na pumapailanglang ang opinyon ng sambayanan at napagmasdan natin na kahit yung nakinabang tuwing may impeachment laban kay gloria noon, aba’y magkakasuno na ngayon. At tama si PareCoy @10, sa pakilasa ko’y ganyan din ang mangyayari sa Senado. Kahima’t sinasabi nung ibang Senador na sila’y independent Republic, sasama rin sila kung saan ang ihip ng hangin. Pero huwag maging kampante. Ang mahalaga’y huwag silang tantanan lalo na yung pikit matang papabor kay Gutierrez sa kadahilanang nagtamasa sila ng gloria sa rehimeng gloria.

  16. Ayun sa Daily tribune 20M daw dagdag pork sa YES vote.
    http://www.tribuneonline.org/headlines/20110323hed1.html

    Totoo kaya ito?
    20M x 212=Mahigit 42B iyan.Kalokohan….Ang mahal pala ng Impeachment nitong si Aling Merci.

    Kung sakali man na totoo ay tiyak timbog na si Merci kahit 1B isang senador 17B lang iyan para sigurado.

  17. rose rose

    Sana naman ang ating mga “mahal” (in terms of money) na senators magkaroon ng tunay na pagmamahal sa ating bayan..kahit walang money involved in exchange of Maldita’s
    impeachment…nagsalita na ang mga congressmen..now it is there turn to impeach..we will see how each will vote…secret balloting pero will the people know who voted “yes” or “no”? sana…will putot invest that much to save her ugly, dirty face? I wonder…

  18. rose rose

    yes ang vote ni Paolo na anak ni Boy Ex? ok pala siya.

  19. Pero ano itong sinabi ni PNoy na ang mga congressmen na bumoto ng YES sa impeachment ni Gutierrez ay New Heroes? Komo ba ang mga OFWs ay nagbabalikan sa Pinas na walang wala dahil sa kaguluhan sa kanilang lugar o sa disaster sa Japan, pinalitan na sila ng mga kinatawan? Naman, naman!

    News item: “Aquino yesterday, flushed with success over the overwhelming yes votes yesterday, lauded the congressmen who voted to impeach the Ombudsman, calling them the “new heroes.”

  20. greenstallion greenstallion

    Yeah I noticed last monday’s impeachment that Rep. Lagman, et.al tried strongly to stop the impeachment and used the “delaying tactics” such as this “baseless rumors” inorder that fellow legislators might as well change mind to the last minute. But alas, it didn’t happened. Why the media has given enough mileage to the camp of Rep. Lagman, etc. Please ignore them but instead side on what is essential, right information to the public. I’m calling all concerned Filipino people not to dwell on this group of Rep. Lagman too much on what they say because we’re just giving them chance to trumpet negativity, destruction to our vision towards an honest government which the previous administration of GMA failed the Filipino people. What a disgraced.

    They are just like a devil whispering, maligning and attacking anything to us inorder that our vision/mission, dreams for a better Philippines will not be realized and they will say at the end that these government is nothing but the same as with others. Beware!

  21. Nagluksa si aling gloria kasama ang alipores niyang bumuto ng NO.

    Itong mga Politicians hindi kumakampi iyan sa mga talunan.Pagdating sa Senado gusto ng mga Senador panalo rin sila para mabango ang pangalan nila sa madlang pipol.

  22. Joeseg,
    Parecoy wer r u now.

  23. Hindi na pinaguusapan ngayon kung anong magiging hatol ng Senado.

    Mas maliwanag pa sa Supermoon nung isang gabi na kung hindi sila aayon sa gusto ng taumbayan, maraming bida ngayon sa Batasan na hinog nang pamalit sa mga ulyani’t gago diyan sa Senado.

    Pag nagfile pa uli ng impeachment si Fariñas laban sa SC o Comelec, itaga ninyo sa mamon, tatakbo na yang Senador. At mananalo! Naku e marami pa, abangan na lang sa impeachment trial ang mga ipapadala ng Batasan na congressmen-prosecutors.

  24. Tangnang Manny Pacyu yan. Totoo bang kanya yung Twitter account na yun?

    Kundi ba naman sukdulan ng bobo, akalain mong i-tweet yung boto niya sa impeachment?

    Wag niyang sabihing WALO ang title belts niya. Sasampalin ko ng sinturon ko ang mukha niya.

  25. TT
    Hehehehe, akala ni pacman makipag date lang yata siya.Hindi niya naintindihan yata ang Impeachment, nabasa niya sa mga dala-dalang placards na NO MERCI kaya NO ang i senend niya.

  26. renaldo renaldo

    This will be a very interesting impeachment trial. Lahat ng kaso na kasama sa betrayal of public trust ay mga cases that have undergone Senate investigations. And now Madame Merci is saying that she is looking a fair trial sa Senate. Sana the Senators will not be looking the other way around kasi the Senators have already made recommendations as to the people that should be brought into the proper court and nothing has been done by the Ombudsgirl. Seguro naman they are not lacking anymore for evidences kasi on record na ito sa kanilang investigative reports. Ask na lang seguro nila si Merci the big questions “What happened? and Why?”… Sana ngayon pa lang mag-review na sila dun sa lahat ng Senate reports dun sa kasama sa impeachment cases para malaman nila if the Ombudsgirl really did something…

  27. xman xman

    Ito ang sabi ng Tribune, March 23, 2011:

    “Only 212 lawmakers responded to the roll call when the session opened. But during the voting, the secretariat revealed that 212 voted yes, 46 voted no and four abstained, for a total of 262 congressmen voting. Also no votes were registered for 22 more congressmen and that would total 284, the total number of members of the House,” the solons pointed out.

    “However, of the 22 congressmen who did not register any vote, about half of them were seen at the plenary earlier in the day which would mean that there were no less than 270 congressmen present yesterday (Monday) which means more than 95 percent of the House members were present,” the solons added.

    xxxxxxx

    Pati botohan sa Lower House ay dinadaya ng mga yellow liars. Hindi na kayo nasiyahan sa pandadaya ninyo ng eleksyon kaya nanalo ang pekeng presidente ninyong si Noynoy. Pati ba naman yang botohan sa Lower House ay pinakikialaman ng Smartmatic?

    Yong 20M x 212 na yes vote kuno = 4.2 Billion pesos at hindi 42 Billion pesos.

    Tribune lang ang nag report nyang bribery ni Noynoy na 20M dagdag sa bawat bomoto ng Yes. Ni report ba yan ng Inquirer? o ABS-CBN? O sino pa mang liar-stream media o liar reporters?

  28. parasabayan parasabayan

    Hindi na ako nagbabasa ng Tribune. Si Erap lang at Enrile ang mga kinikilala nilang leader. Wala ng iba! Kaya nga kung gusto ninyong mag-rah,rah,rah sa pagbatikos ng mga YELLOWS, magbasa kayo ng Tribune. Kung tungkol kay Erap ang paguusapan, lahat ng ginawa ni Erap ay TAMA! Si Erap lang ang pinaka-magaling na presidente ng Pilipinas!

  29. parasabayan parasabayan

    Hindi dapat Daily Tribune kundi Daily Estrada ang pangalan ng newspaper na yan.

  30. xman xman

    Ang Daily Tribune ay gold standard ng journalism ng Pilipinas.

    Kaya nga yang Malaya ay umalis sa dating format nila at ginawang Business Journal na lang dahil talo sila sa Tribune pero ang pinalalabas nilang kasinungalin ay matagal na raw balak ng may ari baguhin ang format dahil gusto talaga ng may ari ang business journal format…..hmmmnnnn…typical yellow liar-stream media and nothing but lies, nakakasawa na….puuuuuwwwweeeeeee

  31. Yong 20M x 212 na yes vote kuno = 4.2 Billion pesos at hindi 42 Billion pesos.–Oo nga pala xman. Thanks sa pag korek.

  32. xman, este koala boy,

    comparing the tribune to malaya? its like saying your face looks exactly like your puweeet. i’ll take malaya anytime, like most people do, is anybody buying tribune nowadays? its a tabloid, nobody even wants to advertise in it because nobody buys it, if ever, its readers can’t afford to buy anything else. puweee! 🙂

  33. gold standard? do you even know what it means?

  34. imr1159 imr1159

    Sana naman makonsensya ang mga senador na nagtatangkang papanig kay merci. Dahil kung hindi,at makalusot itong si merci siguradong tuloy ang pamamayagpag nitong bansot na amo nya.

  35. abc abc

    212 na sala sa lamig sala sa hinit na congressman, “new heroes” daw sabi ni PNOY. Bolang ka talaga PNOY, inuto mo pa ang mga kagaya mong marunong mamulitika. Bakit makanyan?
    Mautak ka rin pala PNOY, sinisigurado mo na kapag namatay ka, itong mga “new eroes” mo ngayon ay gawin ka ring BAYANI kuno kagaya ng ina mo at tatay mo. Kawawa naman itong mga OFW na binansagang mga “bagong bayani” inagawan mo pa ng kendi(titulo), sana bawiin mo yang sinabi mo.
    Umpisahan mo na PNOY ang magpakulong sa mga inayupak na sangkot sa Fertilizer scam, ZTE-NBN deal scam, Euro generals cases, Mega Pacific poll automation contract, death of Phillip Pestano, etc… Magpa kitang gilas ka naman PNOY, hinip na hinip na kami, ‘wag yong puro pa impress na pananalita lang ang ginagawa mo.

  36. abc abc

    Ka tropa na congressman ni GMA noon, ka tropa ni PNOY ngayon. Ngitngit. Pinaglalaruan ng mga demonyo ang madlang pipol.

  37. pelang pelang

    xman, ba’t ka pa nagbabasa ng malaya? tribune pala ang gusto mo. ako, hindi na ako nagbabasa ng tribune. binabaliktad ang balita doon.

  38. Tedanz Tedanz

    Hindi ko masisisi ang mga dating aso ni Arroyo na bomoto ng yes sa impeachment ni bakulaw Merci. Bumoto sila dahil yon ang sabi ng konsensiya nila na talaga namang tama na alisin na itong si Bakulaw. Tama namang pinoprotektahan lang naman niya ay itong pamilya ng mga magnanakaw at hindi ang Taongbayan.

    Yong boto ng mga ito ay para naman siguro mabawas bawasan man lang ang mga kasalanan nila sa Taongbayan nong panahon na naglilingkod sila sa demonyo.

    Ang mga galit sa pagboto nila sa pag-i-impeachment kay bakulaw ay walang iba kundi ang mga kampon ni demonyo.

    Ano naman itong drama nitong anak ni Erap na si JV na bumoto ng “No” tapos nagbago isip pinalitan …..

  39. rose rose

    xman: you are back with us here sa blog ni Ellen..saan ka bang planeta nagtago? Dito sa NJ may Tribune na binibigay na libre sa mga bodegas..ito ba? hayaan mo I will pick up a copy…akala ko kasi ito ang ginagamit sa tindahan na pambalot ng tinapa.. puede rin seguro rito magamit pangsahod sa ano ni “Sam” na aso ng kapitbahay ko when he does his thing..ihahanda ko na kaagad pag umiikot na ang pwet niya…it will certainly be handy…

  40. parasabayan parasabayan

    Is it true that after the results of the impeachment in Congress, the putot visited Maldita? Wow, delikado yan. Si Angie tinawagan lang niya, nagpakamatay. Eh yung binibisita pa niya. Ingat ka Maldita. Kahit na galit ako sa iyo, I want you to live longer to tell us all who are your masters.

  41. rose rose

    psb: ok lang si Maldita kahit dalawin siya ni Putot araw-araw..mas ok nga sana kung magsama na sila sa kulungan,,at kasama pa nila si tabbaboy..afterall bff siya ni Maldita..the two of them can share him…pagitnaan nila..oops…I forgot about Victohree peak..three would be a crowd! paano ngayon ito?….it will be a puzzlement! dapat isa sa kanila magReyes na lang? sino kaya?

  42. perl perl

    ikaw ba naman dating presidente, makulong at hindi bibigyan ng pardon… hindi talga yan titigil…

  43. martina martina

    So true ka PSB sa no. 31. Ngayon maka Merci na sila sa at pansin ko panay atake ke Penoy, bitter pa rin sa pagkatalo ni Erap.

    Bakit iyang si Belmonte ay nagdada pa na nagbibigay ng credit kay Penoy sa tagumpay nila sa impeachment, kundi ito pagsipsip? At bakit din si Penoy ay dumadada na heroes daw ang mga tongressmen, hindi ba parang indirectly na ito ay isang show of gratitude to them for following his kumpas. Sana hindi na lang ipangalandakan ang kanilang himasan, ano akala nila that we can not see through what their acts mean?

  44. chi chi

    Si Pakyaw nag-twitter ng NO vote. Kaya hindi pinayagan ni PrengBarak na magpa-kodak kasama sya e! 🙂

  45. Chi, Mas mabuti sana kung sa Facebook na lang bumuto ng NO si pakyaw para lahat ng friends niya mapayuhan pa siya ng tama.

  46. chi chi

    Dapat hindi pinasusweldo ng Tongress si Pakyaw habang nagsasanay sa US, hindi sya nagtatrabaho para sa kanyang constituents. Baka akala nya yung Twitting nya voting NO ay serbisyo publiko, letse sya!

  47. chi chi

    May bilyunes kaya sa Pinas si Gloria at Mike para ipantapal sa mga senatongs for a NO vote. Nasa labas ng pinas ang nakaw na pera nila, diba? O, baka uutang ulit kay Pakyaw!

  48. chi chi

    Cocoy, closed na ang Twitter account ni Pakyaw kasi pinagmumura sya ng mga fans, hehehe!

  49. Hehehehe! Mirisi na Chi..Baka akala ni Pakyaw mag pay per view pa para makita ang explantion sa vote niya.

  50. chi chi

    Hahaha! Nasira si Pakyaw sa NO vote. Hindi kaya ang intindi nya ay kung bototo sya ng NO ay ayaw nya kay Merci…not NO for her impeachment. 🙂

  51. Chi.
    Malinaw kasi ang panawagan ng mga protester NO MERCI kaya ng NO si Pakyaw. Hehehehe!

  52. ocayvalle ocayvalle

    halatang takot na takot si GMA, dumalaw agad siya kay merci after the house of representative impeached merci..
    baka nga naman dumalaw si merci sa puntod ng nanay niya at mag ala angie.. eh pag nag ala angie siya, eh di napa aga ang pagapalit ng bagong ombudsman..!! talagang sanggang dikit sa kasamaan..!!

  53. balweg balweg

    Iba na ang may pinagsamahan folks, till death do us partihan sa kanilang kinulimbat na pera ng bayan…at heto tayong Kapinuyan ang nagpapasan ng isang damakmak na pwerwisyo de-bobo na ginawa ng mga pesteng mga pulitiko na yan at mga asshole ni Gloria na nagpayaman.

    Kaya dapat itong si Merci e walang mercy na dapat kamtin sa katotohan ng batas na dapat ipataw sa pasaway na ombudsama na yan.

  54. rose rose

    Naintihan kaya ni MoneyPacked ang ibig sabihin ng impeachment? Baka sa kanya ang ibig sabihin noon ay gagawing dilata ang peach…mas masarap ang fresh peaches…
    …buti hindi nagsalita si Queen Diony..baka sabihin niya pits si Mirsi..at tama naman siya…tumahimik na lang siya.huwag na siya mag tango…kahit mahilig siya…ang maging labas niya ay tanga na gago pa..kung sabagay maging queen gaga…

  55. rose rose

    don’t get me wrong though..I admire her for standing up to what she believes in…it takes a lot of courage to do that..

  56. parasabayan parasabayan

    Oo nga Rose, that is how I look at Maldita, palaban at matapang hindi katulad ni Angie na nagpakamatay na lang. May alam siguro si Maldita na hindi natin alam. Kilala siguro ni putot ang liko ng bituka ng kahit na 7 o 8 senators na boboto na i-abswelto si Maldita. Magkano na lang yung tig-isang bilyon na ibibigay sa walong senador. It is still cheaper to guarantee that putot’s loot will be protected. All that putot will have to do is to pay 8 senators to vote for Malditas’ retention and pay the others a certain amount to abstain. Most of these senators have ambitions for higher office so they will need a lot of cash in 2016. But if I were these senators, a GOODWILL is better than a billion. If they vote to oust Malditas, this will be remembered by the people till 2016. Hindi na nila kailangang magbayad ng bilyones para manalo. Yun na lang ibibigay sa mga simbahan ( Iglesia ni Kristo at iba pa) and bubunuin. Maliban na lang kung kaya ni putot magbayad ng tig-sampung bilyones bawat isa…heh,heh,heh…ibang usapan na yan. Remember bukod sa ibibigay sa bawat botante, magbibigay pa yung kandidato sa mga kaalyado niyang mga tatakbo sa pag-ka kongresista, gobernador, mayor at iba pa. Kung kakanditato ka para sa pinakamataas na pwesto, dapat marami kang pera o marami kang connections na mayayaman para magbayad sa lahat ng gastusin. Ito na ang naging kalakaran ng pagtakbo sa sa politika sa ating bansa. Kung hindi ka marunong magbigay sa lahat, wala kang chance manalo. I saw this practice first hand. Politics is so dirty but still idealistic people would like to change the system, sumasabak pa rin. Medyo mahirap ng i-reverse ang nakaugalian na ng mga Filipino. Pera pera lang and umiiral.

  57. perl perl

    don’t get me wrong though..I admire her for standing up to what she believes in…it takes a lot of courage to do that.. – rose

    kahanga-hanga talga… akalain mo… pinagreresign na ng halos lahat ng sektor sa pilipinas, kapit tuko pa din! ang tawag dyan makapal ang mukha at walang delikadesa!

  58. kapatid kapatid

    I do not expect Gloria’s camp to sit idly by. I expect loads of “Goodies” to come around. Before it’s too late, is it possible for those who would be involved in this impeachment proceedings to have their banks / Assets auditted…? I got info that Gloria and Mike has flown to Hong Kong today, 25th March 2011, like 1105 in the morning departure. Some notable banks in Hong Kong would be busy I reckon…With Rugby 7’s over the weekend,.

  59. norpil norpil

    palagay ko lang mag re resign din iyan bago maparusahan. matapang lang iyan habang may nakikitang liwanag pero pag madilim ng lahat takbo na rin iyan.

  60. rose rose

    ok lang sa akin kung bayaran niya ang mga senadors..dagdagan pa niya ang tong pats bawat isa sa kanila. For me, the more money is circulated in the economy of our country the better…it will be better than for them to hide it in Germany or Swiss..the senadors can buy their votes..matalino na ngayon ang mga voters lalo na ang mga kabataan..tanggapin ang pera with your left hand and write your true vote with your right hand…but do not not let your left hand know what your right hand is doing…just make sure that the money received ay hindi peke like her boobs….

  61. rose rose

    Cocoy: nagluluksa si ailing Gloria kasi malapit ng bitayin ang kanyang best friend..takot siya na sa pagbitay kay Merci siya ang susunod…things come in threes ‘indi ba? si Reyes (baril)..si Maldita(impeached)and the last and the best siya (bitay? or kulong? firing squad?) choose your wild card! …anong gloria ng bayan…

  62. rose rose

    does she deserve it? mabuti nga yon lang..kung kinaladkad siya at sinabutan ng mga angry madlang people? would that have been better? I wonder!

  63. rose rose

    kailan kaya uulan ng pagpapala at paglatigo dito kay Maldita..Bitay merci and be full of mercy sa mga madlang pepol ang dapat natin asahan..pero sana she should accept her fate and be resigned (at magresign) sa damdamin ng madlang pepol…wen manong? pero sa san-o pa ayhan!

Comments are closed.