Skip to content

Naintindihan ba ni Mayor Lim ang karapatang pantao?

Nagsalita na rin si Etta Rosales, chairperson ng Commission on Human Rights, tungkol sa order ni Manila Mayor Lim na shoot-to-kill sa limang pulis na nangbulsa daw P12 milyon, mula sa P16 milyon ransom money na ibinayad ng nakidnap na negosyanteng Malaysian.

Sabi ni Rosales para naman “gangland” tayo sa order ni Lim.

Nauna nang binatikos ni Justice Secretary Leila de Lima, na dating chair din ng CHR, sa kanyang order. Sabi ni Lima akala yata ni Lim ay nasa “Wild,wild West” tayo.

Nagsalita na rin si Manila Auxiliary Bishop Broderick Badillo. Sabi niya, kahit nga mga huwes hindi nagbibigay ng ganyang order. May proseso. May warrant of arrest.”Sino si Mayor Lim? May kapangyarihan ba siya magbigay ng ganyang order?”

Sabi ni ng spokesperson ni Lim, kaya naman daw sinabi yun ng mayor dahil armado daw ang limang pulis na mga suspek. Ang sinabi daw na shoot-to-kill ay kung lalaban kapag inaresto.

Nagsurender ang limang pulis na sina Senior Insp. Peter Nervisa, SPO3 Ernesto Peralta, PO3 Jefferson Britanico, PO3 Mike Ongpauco, at PO1 Rommel Ocampo ng Manila Police District-Station 5 noong Martes. Mabuti naman at hindi natuloy ang short-to-kill.

Ito ang kuwento: noong isang linggo, nakidnap si Sim Chin Tong ,Malaysian na may-ari ng junkshop sa Malabon. Pinalaya raw siya noong Linggo (Marso 13) pagkatapos niya magbayad ng P16.3 milyon.

Hinuli ng Manila police ang walong taong sangkot sa kidnapping na sina: Marlon Lopera, Joana Turla – live-in partner ni Tong na dating girlfriend ni Lopera – Francis Turla, Edel Macalinao, Felizardo Gutierrez, at ang magkakapatid na sina Jeff, Rolando at Bernardo Manuzon.

Sinabi ni Lopera na kinuha daw ng mga pulis na nanghuli sa kanila ang pera. Sabi ni Lim, masigkuha daw ang mga pulis ng ransom money sa bag.

Nawala ng ilang araw ang limang pulis nang malaman na ini-imbistigahan sila at lumabas na lang nang mabigay ng order ng short-to-kill si Mayor Lim. Deny sila sa akusasyun na kumuha sila ng ransom money.

Dapat lumabas ang katotohanan sa imbestigasyun.

Tama lang na pagsabihan si Lim na ibahin na niya ang kanyang pag-iisip. Tama si Rosales, de Lima at Bishop Pabillo. Maari mo namang disiplinahin ang pulis at ipatupad ang batas sa makataong paraan. Mukhang hanggang ngayon akala talaga ni Lim si “Dirty Harry” siya.

Kaya ang mga tauhan niya ganun rin. Ganun ang ginawa nila sa mga kuliglig driver na nag-rally. Kinaladkad at pinagbabatukan. At nakita rin natin kung ano ang nangyari noong Agosto 23, 2010 sa Rizal Park.

Ang pamahalaan ay para sa tao. Mayroon tayong batas. Dapat ipatupad yun sa makataong paraan.

Published inHuman RightsJustice

30 Comments

  1. rabbit rabbit

    in fairness kay mayor lim,, narinig ko un interview nya sa dzmm, un araw na un,, ang sabi nya ay may arrest order sa mga suspect ,, at alam nya armado mga yan so kung sakaling lumaban mga yan pwede namn lumaban ang mga arresting officer..
    siguro wala namn masama sa ganun,,, alangan namn pag pinutukan ka ay tatyo ka lang at mag papaputok..di kya nag oover react lang si de lima..as usual,,media conscious lagi

  2. vic vic

    Dead or Alive or simply dead? And coming from a Mayor? A
    Mayor is a civilian authority and in today’s society is a manager of a city or town services and not a Sheriff or a Marshall of the the Wild West…I think it is about time to give the Police power to the Police hierarchy…and let civilian politicians (other than the Comm. in Chief and in consultation with his Police and Military advisers) do what their suppose to be, but not policing.

  3. Kung hindi nag deklara si Lim ng shoot to kill order palagay ko hindi magpapakita ang mga pulis na sinasabing kumuha ng pera. Paminsan minsan kailangan na rin siguro nating mga Pilipino na gumamit ng kamay na bakal para tumino ang ilang tao. Katulad na lang ng tungkol sa bibitayin sa China na tatlong Pilipino na may dalang droga. Hanggan kailan na tayong mga Pilipino magmamakaawa sa isang bansa sa kung ano na pagmamakawaan. Kung dito sa ating bansa ay may batas na bibitayin ang mga nahuhulihan ng droga lalo na kung taga ibang bansa ay tiyak ang ibang bansa ay sila naman ang magmamakaawa sa ating mga Pilipino na huwag bitayin ang kababayan nila. Madaming intsik ang nahulihan ng droga sa ating bansa. Kung ang mga iyon ay hahatulan agad ng bitay kasi malakas ang ebedinsya ay tiyak magmamakaawa ang chinese government sa ating gobyerno na huwag bitayin ang kababayan nila. Kung may batas tayo na ganun na bibitayin talaga ay maaari ang pagpapalitan ng preso. Huwag bitayin ang tatlo kapalit ng huwag ding pagbitay sa intsik na nagkasala. Pero dahil wala tayong batas na ganun kaya ito ngayon ang nangyayari. Nagmamakaawa tayo. Hindi maganda ang paawa epek sa ngayon. Lalo lang nagmumukhang kawawa ang ating bansa. Hindi ko masisisi si Lim kung ginawa niya iyong pagdeklara ng shoot to kill kasi para sa kanya ay tiyak matatakot ang mga pulis na sinasabing kumuha ng pera at hindi muna nagpakita.

    click ito http://arvin95.blogspot.com

  4. Al Al

    Kahit may arrest order, o kahit pa sabihin na armado ang kanilang target, hindi pa rin tama ang order na shoot-to-kill. Pang “gangland” ang kanyang style.

    Lim has not gotten over his police days. Alam naman ng marami ang style niya nang siya ang hepe ng Manila Police.

    Lim does not understand the words “human rights.”

  5. chi chi

    “Sabi ni ng spokesperson ni Lim, kaya naman daw sinabi yun ng mayor dahil armado daw ang limang pulis na mga suspek. Ang sinabi daw na shoot-to-kill ay kung lalaban kapag inaresto.”

    Aamin ba yan kung lalaban din lang? Ngeek! Si Mayor Lim napag-iiwanan ng panahon. Hindi na sya matututo…from the Hongkong hostage/killing incident hangga sa shoot-to-kill order sa limang pulis aktong retarded na cowboy!

  6. Tedanz Tedanz

    Kaya hindi mabawas-bawasan ang mga gago sa atin …… maraming pakialamero. Puweeeeeee ……..

    Halos wala ng tama ang mga ginagawa ng mga politiko. Lahat na lang pinapakialaman. Ano kaya kung sila na lang ang magpa-takbo ng Gobyerno?

    Dapat kamay na bakal talaga ang gamitin para tayo umasenso at mabuhay ng tahimik ….. yan lang ang request ko sa inyong bagong Pangulo.

  7. vic vic

    My suggestion to make it a consistent policy whoever the leader of the city or town, is make it a Police power to decide what to do with dangerous wanted suspects…the Chief or Division Supt. could make an Public announcement that these wanted officers are “armed and dangerous and should not be approached by any civilian under any circumstances but to report their sightings to the nearest police authorities or call the police hotlines” that way even if Mayor Lim or the Dutertes are long gone, the policy and the institutions stay.

  8. Mike Mike

    Dapat ang sinabi ni Lim sa kanyang mga pulis ay ganire:

    “Kapag pumalag o lumaban ang mga suspek, dapat marunong kayong dumepensa. Kung kinakailangan, ratratin niniyo.” 😛

  9. rose rose

    Paciencia na lang kayo kay Tito Fred…akala niya kasi na sa China siya while he was just in Chinatown…

  10. Yeeheyy! Mabuhay ka Mayor Lim aka Dirty Harry. Kung dumukot ang mga pulis sa ransom money ay dapat lang na i shoot-to-kill order sila.Kung ayaw nilang ma shoot-to-kill tupdin nila ang trabaho nila ng malinis at tuwid.

    Hayaan mo na iyang mga kritiko na mga Human rights kuno, wala naman silang nagagawa na solusyunan ang kriminalidad sa bansa.Kapag nasampal ang kriminal Human Rights Violation, pano na ang mga naging biktima ng mga Kriminals na ni rape, ninakawan at naholdap, nasaan ang human rights nila.

  11. Iyung hostage krisis ng HK Nationals, iyung kapatid ni Mendoza ang may kasalanan kaya nag-amok ang utol niya. Masyadong OA ang drama niya,Pang Best Actor award.

  12. Agree ako diyan na i shoot-to-kill ang lahat ng mga kriminal ng mabago naman ang lipunan at baka aasenso na tayo. Tignan na lang ninyo ang mga Hapon, well-disciplined sila, kahit na namamatay na sa gutom pipila pa rin sila ng walang lamanga,di nila ninanakaw ang paninda ng mga kababayan nila kahit na walang taong nagbabantay. Sa atin nakalingat ka lang nawala na ang paninda mo.

  13. Ito naman si Aling Etang napapansin niya si Mayor na magbigay ng order, samantalang ang mga kapanalig niyang No Permanent Address sa bundok kung dumali ay harap-harapan na itumba na lang ang pinag sususpetsahan sa liblib na pook. HOy Gising! marami na silang dinali sa bayan namin.

  14. Kung masunurin kayong mamamayan ng Maynila wala kayong dapat ipangamba kay Mayor Lim, kung mga kriminal kayo at mga halang ang bituka dapat lang kayong kabahan at mag alsa balutan sa nasasakupan niya. Sige lang Mayor lipulin mo ang lahat ng mga kriminal.

  15. Paciencia na lang kayo kay Tito Fred…akala niya kasi na sa China siya while he was just in Chinatown…

    I think you are right, Rose!

  16. twoandjuan twoandjuan

    We have to understand the Hon Mayor for his dedication to solve the problem, he is a former police officer and a very decorated officer, certainly he knows what he is doing, Ms Delima & Ms Rosales must not blame the Hon mayor for the shoot to kill order, instead they must support him for his aim to resolve the crime committed by the 5 police hoodlums.
    Kung kayo naman kaya ang tatanungin Ms Delima at Rosales, ano naman kaya ang balak nyong gawin ung sakali???? oh baka kulang lang kayo sa pansin!!!! manahimik na lang kaya kayo at pagtu unan ng pansin ang mga dapat nyong GAWIN!!!!!!!

  17. Golberg Golberg

    Nag salita yung 2 tungkol sa karapatang pantao!

    E yung mga kriminal ba na gaya ang mga pulis na iyan na sinasabing nangupit ng pera at yung ibang “hardened kriminal” gumalang ba sa karapatang pantao?
    E kahit batas ng estado tinarantado na nila. Ginagamit ng mga latak ng lipuanan iynag lintik na “karapatang pantao” na iyan para magawa ang mga gusto nilang gawin na walang dapat ipagbahala. Kulong lang naman ang ipapataw sa kanila at di kamatayan. Kaya mas lalong dumami ang masasamang loob ang lumakas pa ang loob na gumawa ng krimen.

  18. Golberg Golberg

    Kung hindi nagpalabas ng shoot to kill order si Lim lalabas ba ang mga kumag na iyan para harapin ang pananagutan nila?
    Hindi!!!

    “Mayroon tayong batas. Dapat ipatupad yun sa makataong paraan.”

    Hindi ba’t ginagago nga ang batas? Ang masaklap, yung dapat na nagpapatuapad ng batas ang gumagago sa batas na pinatutupad nila.

  19. Galing kay Rolly Rosas alias Italian Boy:

    Isa po ako sa mga overseas workers na nandito po sa Italy, Gabi gabi po ay nagbabasa ako ng Abante.

    Alam nyo ba ang laman ng balita araw araw kung gaanong karaming tao ang namamamatay dyan sa pinas sa kagagawan ng masasamang tao na walang ginawa kundi umisip ng mapagnanakawan tapos ganito ang ilalagay nyo sa articles nyo nasaan ang human rights.

    Pero nasaan din po ang takot ng mga taong katulad ng ipinagtatanggol nyo na masasama para sa akin tama lang po sa kanila ang ganitong batas kamay na bakal ang dapat sa bansang pilipinas dahil wala ng takot ang mga masasamang loob.

    Kaya tama na po yang mga human rights na inyong sinasabi wala na man pong batas sa Pilipinas at ang human rights na sinasabi nyo yan din po ang nagiging armas ng mga masasama.

    Ang tanong ko lang bakit sila lumabas sa order ni Mayor Lim para sa akin yan ang tamang batas para sa mga taong katulad nila na dumi ng lipunan.

  20. From Arnold Radovan:

    While “human rights” is a big issue in our world right now but I find it rather funny if we always find fault in our leaders style of governance. While maybe it is harsh to lift a “shoot to kill order”, but if we look into the bigger picture we might find it useful. Why? The policemen involved who went AWOL subsequently surrendered out of fear.

    In life, we must be governed properly and with the rule of the law. You have written of unlawfulness in the past. Again, why? Because a lot of our leaders put too much leniency on the offenders. Look at China, they will be hanging 3 Filipinos for drug trafficking because it is their law. Painful it may be but that is the law. We should not be bending it just for the sake of pleasing a country or a group of people. Remember what happened to the American youth who vandalized in Singapore? He was whipped and the Singapore government did not heed the call of the U.S. gov’t, for leniency. But in our nation we always have a way around. Why was Smith transferred to the U.S. embassy when he was convicted by our court. It is again an irregularity in our system. Our nation will not progress if we will bend the law.

    “Kung bawal manigarilyo at magtapon ng basura dahil may multa, kahit sino ang mahuli dapat ay magmulta; Kung bawal ang sidewalk vendor at tricycle sa main roads eh dapat bawal, hulihin ang lumalabag.”

    It is plain simple, we should lead by example!!

    The toll for our democracy is going too high because of our sympathetic approach to situations. Our nation is turning into a laughing stock worldwide. I believe that the Philippines should be ruled with “toughness”. I don’t know how would you define this but let me just base it on ISO 9001 system. The government should have the objective, course of action and implementation. If there are faults, there should be corrective actions and not just purely reactive. What we are facing right now is that our nation has too much objectives but no action.

  21. From Imperial Yap:

    ‘Di nyo ba napapansin na araw araw na lang may namamatay bukod sa aksidente merong pinapatay o pumapatay ng tao nagiging napakadaling pumatay ng tao o gumawa ng krimen na parang dalawa singko na lang ang buhay ng tao basta maisipan na lang kahit sa simpleng tingin lang pinapatay grabe na talaga. Bakit? Siguro dahil na rin sa sobrang luwag ng batas natin at sobrang makatao natin sa pilipinas.Tama lang na maging makatao pero sana matuto rin tayong magisip at ilagay sa tama ang batas.

    At sa kaso ng 5 pulis ilang araw ang lumipas pa at di sila nagpapaliwanag at lumabas? Tingin nyo ba lalabas sila kung hindi nag bigay ng shoot to kill order si Mayor Lim?

    Kung di nag baba ng order si mayor lim lalabas kaya ng agaran yung mga sangkot.

    Tingnan na lang sana natin ang kaso ng carnapping case diba walang shoot to kill order sa mga suspect diba pahirapan ang paghanap sa kanila, yung iba nagagawa pang mamasyal kung di pa aksidenteng nahuli sa kalye.

    Bakit nga ba wala akong nadidinig na mambabatas na lumalaban sa krimen at gumawa ng mahigpit na batas sana wag na nilang hintayin na pamilya nila ang maging biktima.

    Nakakalungkot na isipin napaka babaw ng batas sa pilipinas

  22. mateo mateo

    alam ng mga pulis kung pano ang processo ng criminal justice sa phil.at eto rin ang ginamit ng nga drug syndicates. kapag may pera ka pwedeng patagalin ang kaso. walang death sentence sa bansang pilipinas,kaya pwede kang magtago na lang O lumaban sa korte kapag may pera…kung wlang kasalanan ang limang pulis bakit hindi agad lumantad? are they buying their time with their defender planning on how to twist the situation???

    kapag mahina ang City Mayor, sasabihin tanga! kapag may yagbols sasabihin over naman! alin ba ang gusto nyo? malakas ang loob ng mga criminal kapag mahina ang isang city Mayor… kayong taga CHR sobrang tagal ng due process ninyo,,kaming naagrabyado gusto namin ng ganitong klaseng Mayor..mga investors peace & order din ang hanap.

    tanong: bakit laging nanalo si Mayor Lim sa election?
    sagot: dahil gusto ng mamamayan

    kung pwede pang tumakbo si Mayor Lim sa susunod na election sigurado ko panalo uli. CHR tama rin ang due process ninyong hanap, ilatag nyo rin ang process ng mabilis na paraan ng pagresolba ng criminalidad.

    mapupulsuhan lamang yan kung sino ang pabor at hindi sa dakdak ng CHR at ni de Lema. sigaw ng karamihan ang mananalo! sa botohan dun nyo mahusgahan si Mayor Lim.

  23. perl perl

    Naintindihan ba ni Mayor Lim ang karapatang pantao?
    Naiintidihan ba ni De lima at Rosales ang kinakaharap ni Mayor Lim? Kilala ko personal yung isa sa limang pulis na akusado… palaban. may anak na pulis, mga pamangkin, kamaganak, kapitbahay, maraming pera, koneksyon, etc, etc… hindi bsta yan pahuhuli sa simpleng pulis o susuko lang sa isang arrest warrant… totoong nasa lagay ng alanganin ang situasyon ng mga arresting officers… kung walang shoot to kill order… kailngan magpadala ng isang batalyong pulis para lang mahuli yung pulis na yan… kaya tama lang at matalino ang ginawa ni Mayor Lim nung magpalabas ng shoot to kill order, psywar.. para maiwasan din ang disgrsya o maproteksyunan ang mga arresting officers…

  24. xman xman

    Tama yong ginawa ni Lim na shoot to kill dahil kung hindi nya ginawa yon e hindi lalabas yong limang pulis na yon. Dapat gawing batas na ang shoot to kill sa mga holdaper, mga rapist, mag carnapper, at iba pa para bumaba ang krimen ng Pinas. Ito na ang pagkakataon ng presidente nyo para may masabing accomplishment sya sa public life nya.

    Rosales, talagang nasa gangland tayo at tawag doon ay yellow gangland at pidal gangland.

    De Lima, wala tayo sa wild wild west kundi nasa wild wild east tayo.

  25. norpil norpil

    sa ibang bansa dito sa europa, ang mga pulis ay walang dalang baril, pero kapag naglabas na sila ng baril para manghuli ng mga bandido at armado din ang mga ito ay siyempre mahirap na sabihing shoot to lame lang.

  26. Kayo naman, parang bago ng bago. Pag sinabing shoot-to-kill, ibig sabihin, wala na sa iyo ang desisyon kung mabubuhay ka pa o hindi. Palagay ba ninyo papatayin yan ng mga kapwa pulis hanggang hindi napapartehan sa 12 milyong dinukot?

    Wala nang paki yung Malaysian sa pera, ni hindi na nga naghahabol. Inggit lang yang shoot-to-kill na yan!

    Ibigay ninyong lahat yung 12M kay Lim siguradong kill kayo! Swerte na nila yun, okey lang dun sa biktima, bakit si Lim ang nanggigigil? Esep-esep!

    Si Lim pa, e nung imbestigahan niya yung PCSO Sweepstakes, tumama DAW ng First Prize! Wag masyadong bibilib….

  27. “Ibigay ninyong lahat yung 12M kay Lim siguradong kill kayo! Swerte na nila yun, okey lang dun sa biktima, bakit si Lim ang nanggigigil? Esep-esep!”-Tongue

    Malisyoso ka ha.

  28. perl perl

    i understand mayor lim… 2 hits na syang nalalagay sa alanganin dahil sa kalokohan ginawa ng mga pulis maynila sa mga foreign nationals… una ang HK tourist hostage taking at ngayon kidnapping of malaysian national… dapat lang maging agresibo na ang kanyang aksyon…

  29. perl perl

    12M? cheap yan para kay Mayor Lim para kainggitan o panggigilan… naniniwala akong ang reputasyon at leadership ang pinaglalaban ni mayor lim…

  30. 12M Cheap? Kung yung one million first prize ng Sweepstakes pinatulan e. Tutang Doberman nga lang ipinagpalit yung imbestigasyon ng mga gambling lords noong sa NBI pa siya. Galing sa pinsan ko yung tuta, tuloy ang ligaya. Piyesta ng Pandacan noong ibigay. Nandoon din yung mga kalaban sa pagka mayor na sila Espina, Kalaw, Bagatsing. Tig-iisang “manok” sila.

    Katetepok lang nila kay Don Pepe Oyson noon, kaya nung imbitahin yung mga gambling lords, pati si Bong Pineda dumating sa takot “maipasyal” nina Rey Jaylo.

    Yan ang reputasyon ni Lim.

    Mas masahol si Totoy Diokno, yung pumalit sa kanya sa WPD. Personal na nanghingi ng L-300 Versa Van. Hindi isa kundi dalawa pa! Hindi lang tuta ang inaarbor ni General na walang baba.

    Sino ngayon ang mas cheap?

Comments are closed.