Updates:
In Libya: Missiles strike in first wave of allied assault http://www.msnbc.msn.com/id/42164455/ns/world_news-mideastn_africa/
In Japan: Situation in Nuke plant stabilizing; radiation found in Japanese milk, spinach http://www.msnbc.msn.com/id/42165497/ns/world_news-asiapacific/
Click on photo to view it enlarged
Sinabi ni Dennis Garcia sa kanyang Facebook wall na kasama ang mga freedom fighters sa Libya sa mga biktima ng lindol, tsunami at nuclear fallout sa Japan.
Kasi nga, sabi ni Dennis (ng popular na bandang Hotdog noon) dahil sa ang atensyun ay sa Japan, napabayaan ang Libya ng ibang malalaking bansa at unti-unti nang nababawi ni Muamar Gaddafy ang mga teritoryo na sakop ng mga rebelde.
Bago nangyari ang lindol sa Japan, ang atensyun ng mundo ay sa Libya kung saan namimiligro nang mapatalsik si Gaddafi sa kanyang kapangyarihan na hawak niya ng 41 na taon. Lumalapit na ang mga rebelde sa Tripoli, ang capital ng Libya kung saan nandun ang mga pwersa ni Gaddafy.
Ngunit noong Biyernes, habang patuloy na binabantayan ng mundo ang sakuna sa nuclear reactor sa Fukushima, Japan na napektuhan ng lindol, inaprubahan ng United Nations ang no-fly-zone nan nagbabawal kay Gaddafy na magpalipad ng eroplano ng military laban sa mga rebelde.
Ilang oras lumabas ang resolusyon sa U.N. nag-alok si Gaddafy ng ceasefire. Mabuting pangyayari ito kahit na maraming hindi naniniwala hihinto si Gaddafy sa pagtugis ng mga lumalaban sa kanya.
Ngayon, Sabado, nasa balita ang pagbomba ng coalition kasama ang U.S., France, Canada. United Kingdom sa Libya.
Kahit hindi man matumba si Gaddafy ngayon, hindi na rin yan tatagal sa kapangyarihan. Ang lakas ngayon sa Middle East at Afrika ang pagnanasang makalaya sa mapanupil na sistema. Nagkaroon na ng pagbabago sa Tunisia at Egypt. Mainit na rin ngayon ang sitwasyun sa Bahrain at sa Yemen.
Sa ngayon ang inaasikaso ng pamahalaan ay masigurong ligtas ang mga Pilipino na sa mga lugar na delikado. Sa Japan, boluntaryo pa ang evacuation. At maraming Pilipino sa Japan ay gustong manatili sila doon dahil nag-alala silang baka hindi na sila makabalik sa kanilang trabaho kapag umalis sila.
Ganoong problema rin ang nasa-isip ng mga Pilipino sa Africa at Middle East na merong gulong nagbabadya. Nasa report nga na ang mga Pilipinong nurses na nagpaiwan sa mga hospital sa Libya ay triple ang sueldo at para sa kanila yun ay pagkakataon kumita na hindi nila makikita sa Pilipinas.
Sa kalaunan, kakalma na rin ang sitwasyun sa mga delikadong lugar na yun. Ngunit hindi siguro kaagad. Ibig sabihin nun maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas na umaasa ng malaki sa perang pinapasok ng mga OFWs.
Hindi lang ang Pilipinas ang apektado. Buong mundo.
Ito ay leksyun sa administrasyung Aquino na unti-unti nang ibahin ang polisiya ng manpower export. Dapat dito ang trabaho at hindi yung kailangan kang mangibang bayan at lalayo sa pamilya para makapagtrabaho.
Maraming ekonomiya sa mundo, kasama na ang sa Pilipinas, ay biktima rin nitong trahedyang ito. Ang Japan ay nangungunang bumibili ng ating mga produkto sa electronics, automotives, at pagkain.
Hindi ko alam kung ang insurance industry ng Japan ay nagbabayad ng claims ng biktima ng force majeure o “acts of god” pero kung sakali man ay bilyun-bilyon ang halagang gugugulin upang mabayaran lahat ng nasira.
Ang mga bansang umaasa ng regular na tulong ng Japan ay maghihintay muna ng matagal bago matugunan. Kailangan nila doon ang malaking pera para sa reconstruction at rehabilitation.
Ang mga bansang handa nang tumalon papunta sa nuclear energy bilang kasagutan sa malapit nang maubos at napakamahal na fossil fuel at tigil muna ang aktibidad at magmamasid muna kung paano malulusutan ng Japan ang ganitong problema. Ang buong industriyang nukleyar ay nakataya ngayon sa kakayahan ng Japan.
Ang nuclear energy industry ay isa sa pangunahing industriya sa buong mundo, na noong Q4 ng 2010, $9B ang M&A at asset transactions ang naganap. Kumapara sa $1.6B nung nakaraang quarter (Q3 2010). Hindi diyan kasama ang mga bagong planta, kundi bilihan lamang ng mga dati nang nakatayo.
Ngayong bumalik na ang power sa buong Fukushima plant complex malamang ay matapos na ang problema sa pagbomba ng coolant sa mga reactors.
Ayun sa aking “expert” analysis, the worse is already over (sana naman 8) ).
I don’t think the US or any other country should interfere in anyway the “domestic problem” of any sovereign country. Their reason for bombarding and implementing a no-fly zone on Libyan air space is to protect unarmed Libya’s civilians. Unconfirmed reports says that at least 48 civilians died in the coalition’s air strikes and 150 injured. So who are they really protecting? The civilians or the vast oil fields of Libya?
Let’s put it this way, what if the US’ staunch ally Saudi Arabia were in a similar situation as LIbya’s? Street protesters are being killed by government troops, will they also try to stop the Saudi troops by bombarding them with missiles?
Agree Mike!
“what if the US’ staunch ally Saudi Arabia were in a similar situation as LIbya’s? Street protesters are being killed by government troops, will they also try to stop the Saudi troops by bombarding them with missiles?” – mike
You just said the key word “ally”. Kadapi is not an ally of the US or the UK. So his ass is grass, Obama is mowing it.
Only way Saudi Arabia’s royalty is brought down is real mass protest or a revolution similiar to the revolt in 1979 Iran. Without that kind of “mass anger”, the US will turn a blind eye, regardless of how many are killed by the Saudi government.