Skip to content

Nakakayanig

Habang pinagdadasal natin ang mga na-apektuhan ng lindol at tsunami, ipagdasal rin nating ang ating sarili.

Paala-ala ito sa bawa’t isa sa atin na pahalagahan at gamitin sa kabutihan ang buhay na binigay sa atin ng Panginoon dahil kahit anong oras, pwede na tayong tawagin.

Nakakayanig ang lindol na nangyari sa Japan noong Biyernes. Sabi sa report 8.9 ang intensity. May sukatan ang mga eksperto sa mga lindol at isa na ito sa pinakamalakas sa buong mundo.(Noong Disyembre 2004, ang lindol na nangyari sa Indonesia kung saan mga 220,000 na mga tao ang namatay ay 9.1 ang intensity.)

Libo na ang namatay sa tsunami na humagupit sa syudad ng Sendai. Nakita natin sa TV ang tinamaan ng tsunami na mga sampung metro ang taas (mga tatlong palapag sa gusali). Parang laruan lang ang mga bahay, yate, at kotse na tinangay ng alon.

Sanay ang Japan sa lindol dahil alam naman nila na ang kanilang bansa,katulad ng Pilipinas. ay naka-upo sa tinatawag natin na “Ring of Fire” – ang lugar sa pinaka-ilalim ng Pacific Ocean kung saan kung saan madalas mangyari ang pagsabog ng mga bulkan at lindol. Ang tsunami ay natural na nangyayari kapag may lindol dahil nagagalaw ang ilalim ng lupa.

Ngunit nakita natin sa balita, kahit anong paghahanda ang gagawin ((at talagang kahanga-hanga naman daw talaga ang mga Hapon) kapag dumating ang malawakang sakuna, may masasaktan, may mamamatay. Mayayanig at maparalisa ang takbo ng buhay.

Ang ina-abangan ngayon ay ang nuclear plant na malapit sa Sendai dahil naapektuhan daw ng lindol.

Dito sa Pilipinas, maayos naman ang reaksyun ng pamahalaan. Pinaandar kaagad ang warning system at pinaakyat sa mas mataas na lugar ang mga mamamyan sa mga lugar na maaring tamaan ng tsunami. Ang mga mangingisda na pumalaot na ay pinabalik.

Kahit nasa ibang bansa si Pangulong Aquino (Singapore), nagtrabaho na kaagad ang mga cabinet members. Lumabas na kaagad sa TV sina Executive Secretary Jojo Ochoa, acting Local Governments Secretary Jesse Robredo, at nagbigay ng statement si Communications Secretary Ricky Carandang. Maayos ang briefing ng Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology).

Ang layo-layo ng kanilang kilos sa nangyari noong Agosto 23, 2010 na panghu-hostage sa Rizal Park na walang narinig na pahayag ang mamayan sa mataas na opisyal ng pamahalaan sa haba ng oras na nangyayari ang trahedya. Natuto na rin siguro. Mabuti naman.

Ang mga ganitong sakuna ay dapat rin maging leksyun sa bawat isa sa atin na hindi lamang pisikal na paghahanda ang kailangan kungdi spiritual na rin. Nakita naman natin na walang pinipili ang sakuna. Walang mayaman, walang mahirap, kapag lumindol at humampas ang tsunami tangay ang lahat na madada-anan.

Published inGeneralScience

38 Comments

  1. henry90 henry90

    Domo arigato gozai mas for this article Mam Ellen. The people of Japan need all the help they can get right now. But they are a very resilient race. They will rise from the ashes of this disaster like the proverbial Phoenix. Stronger than before. Our deepest symphaties to those who lost their loved ones.

  2. Tedanz Tedanz

    Kung titignan mo ang larawan sa itaas ….. basura lang pala tayo dito sa mundo.

  3. parasabayan parasabayan

    Japan was nothing after the war and now it is a super power. Sadly no matter how powerful one country is, in a calamity of this magnitude, the country needs all our help. Big or small nation should help in the rebuilding of the devastated areas of Japan.

    Let us pray that Japan would recover quickly from this devastation. As it is, Japan barely grew from a flat economy for decades. Now, this huge calamity will definitely be a big blow to them again.

  4. Rudolfo Rudolfo

    Una sa lahat, ipagpatuloy natin ang pagdarasal sa bansang Japan,lalo na ang mga biktima ng Lindol, at ipagdasal din na sana, wala na munang mga Lindol na dumating pa sa ibang panig ng mundo. Nakaka-alarma na ang mga nangyayari, Kalamidad-abortion, Lindol, Baha, ulan, tag-tuyot, mga sunog,nakakayanig na ugali ng mga TAO,or lindol ng kalooban ng mga Tao, gobyerno ng rebulusyon sa Tunisia, Egypt, Libya, Yemen, Saudi Arabia, at nagyayanigan sa “graft and corruptuons”, Ombudsman, ampatuan, naka-wan ng mga sasakyan-patayan sa Pilipinas, ang mga ito ay Tawag sa Pagising sa sang katauhan na kailangan na yata ang PAGBABAGO. Are these signs or prelude to the Mayan Calendar reading, 2012 ?…totoo man o hindi, kailangan pa din ang pagbabago, at magising sa Katutuhanan, sapagkat ang mabuhay ay minsan lamang. Dapat magising ang mga “Ligot-Garcia-Ampatuan at iba pa “, na kahit na ilagay nila sa kanilang kamay ang mundo sa paraang pag-payaman-pagnanakaw,ang mga iyan ay mababaliwala, kapag NAGALIT na ang Manalilikhang DIYOS-Nature Mother Earth.

    #3, “kung titingnan mo ang larawan sa itaas…basura lang pala tayo sa mundo “. Ito ay isang patotoo. Kaya, minsan sinabi ng Panginoong HESUS, wala sa mundo ang Kaharian niya, dahil siguro, talagang basura ang mundo. Nanaog siya, at sinugo ng AMA sa katutuhanan-“truth” para magbago ang matitigas-magnanakaw-makasalanan, ngunit sa Basura pa din nagmahal ang karamihang Tao. Basura na ang mundo, saan ito patutungo, kundi sa basurahan ng pagkagunaw.”Enough is Enough”, magbago na ang mga Tao, lalo na ang mga mambabatas na bumubutas ng kanila din ginawang mga batas… Just an analysis for a change in the attitudes of people…

  5. kapatid kapatid

    Prayers for the people of Japan. Logistical teams from all over are haeded Japan way.

    Personally glad to know that Yuko and her family are safe and sound.

    As Yuko mentioned, it is still winter time in Japan, and there are still snow in the Miyagi Prefecture, I could only imagine the hardship that the people affected are experiencing, especially the children.

    Makes you think if the world going to explode or implode with all the natural disasters and unrest in many parts of the globe.

  6. I’m galad dahil ligtas ang BFF natin sa Japan si YSTakei.

  7. Pasalamat na rin tayo dahil ligtas ang bansa nating Pilipinas sa Tsunami.

  8. Kumusta Pareng Cocoy! Salamat at ligtas ang iyong bff sa Japan, si Ystakei.

    Bagaman at ang Japan ay masasabing sobrang handa sa lindol at anumang kalamidad, double whammy ang tumamang lindol at tsunami. Kung lindol lamang, marahil ay hindi ganun kalaki ang pinsala. Subalit sadyang mahirap paghandaan ang kaakibat at rumaragasang tsunami na umanod sa mga bahay, barko, tren, mga kotse at lahat na bagay na madaanan pati eroplanong nakahimpil.

  9. Pareng Joeseg,
    Musta ka rin. Bakasyon ka pa hanga ngayon ba..Oo nga mabuti naman at ligtas iyung bff natin. Nag post siya sa FB na ligtas daw siya kaso putol yata ang linya kasi no response yung pangungumusta ko sa kanya.kinumusta ko rin iyung pinsan ko na nandoon kaso no answer pa rin.

    Grabe talaga ang nagyari doon sa kanila daig pang binagsakan ng atomic bomb nung panahon ng WWII. Makakabangon din sila sa trahedya.

    Sana di mangyari sa atin ang tulad ng nangyari sa Japan dahil tiyak marami ang magiging ulila at balo sa asawa.Iyung Ondoy nga lang hindi kaagad na solusyunan. Itong Tsunami pag dinaan ka mabuti kung mapagdasal ka pa ng tatlong ‘Hail Mary”

  10. May mga sira ulo pa naman na nag predict na lulubog daw ang buong California. Huwag sanang magkatotoo ang basa niya sa kanyang bolang crystal.

  11. Palibhasa’y nasa shoreline ang aming bayan sa Katimugang Luzon at kasama sa mga listahan ng alerted provinces, maagang nakapagbigay ng anunsyo ang municipio na makakabuting lumikas ang mga tao at pumunta sa mataas na lugar sapagkat inaasahang may paglaki ng tubig mula sa ika-6 ng hapon. Kaloob ng Diyos na walang masamang nangyari at salamat din sa radio, celphone at internet, mas mabilis na ang komunikasyon kaya nakakapaghanda kahit mga nasa liblib ng lugar.

  12. Kaya siguro maganda parecoy kung sa bundok na lang magpatayo ng bahay kaso,marami kang magiging bisita na mga Amazona kung sa pinas.

    Dito mga nagtayo ng mga bahay sa bundok at Hills ay mga Milyonario. Di ka naman pweding mag evacuate sa bahay nila kung may Tsunami dahil ipapahabol ka sa pit-bulls.

  13. Kinopya ko sa isang artikulo:

    The impact of the tsunami in and around Sendai Airport was filmed by an NHK News helicopter, showing a number of vehicles on local roads trying to escape the approaching wave and being engulfed by it. A 4-meter (13 ft)-high tsunami hit Iwate Prefecture.

    Like the 2004 Indian Ocean Earthquake and Cyclone Nargis, the damage by surging water, though much more localized, may be far more deadly and destructive than the actual quake. There are reports of “whole towns gone” from tsunami-hit areas in Japan, including 9,500 missing in Minamisanriku; Kuji and Ofunato have been “swept away … leaving no trace that a town was there.

  14. Oo nga Parecoy, mabilis pa sa alas kuatro yata ngayon kung kumilos na ang pamahalaan. Maagang naabisuhan ang mga tao sa shorelines. Sana naman Parecoy may pakain na rin kung ilikas na sila kahit tig dalawang piraso ng fried chicken man lang at mainit na mushroom soups, tapos spaghetti sa mga bata.

  15. Kita mo Parecoy iyung mga tabla na naglutangan, malaki ang gastos nila diyan sa paglilinis at matagal. Kung sa Pinas iyan sandali lang baka di na abutin ng dalawang araw naipon na nila lahat ng kahoy at mga junks na naglulutangan.

    May kakilala ako sa bayan namin gustong-gusto na niya kapag may malakas na bagyo nasa dalampasigan na at namumulot ng mga kahoy na naanod sa pampang, sinuweti pa nga at may nakuha siyang sampung malalakin troso.

  16. Sa tingin ko naman aabot ang tsunami dito sa atin sa mga darating na buwan.

    Tsunami ng mga 2nd hand cars.

    Inaanod, nakakatulo ng laway…

    Kung gusto mo, may tren din…

    At kung sawa ka na sa Meralco, may surplus di na nuclear reactor para sa basement mo. Naks!

  17. Mike Mike

    Sumpit # 17

    Ayoko ng nuclear reactor sa basement ko. Una sa lahat, wala akong basement sa aming bahay. Pangalawa, ayokong maagnas ang aking kutis persolato dahil sa radiation. Kung gusto mo, ibigay nalang natin sa mga politikong mahilig magpalamig sa aircon. PAra di sila maubusan ng supply ng kuryente para sa kanilang aircon. Diba nuong isang araw tumigil ang session ng Kongreso dahil sira daw ang aircon? Duon nalang kaya natin itambak ang nuclear reactor na yan sa Kongress. 😛

  18. Mike Mike

    # 18
    Ooopsie… i meant porselata. Hihihihi 🙂

  19. rose rose

    may balita noon na ang Filipinas daw ay lulubog..the day before D-Day na mangyari ito…kanya kanya kaming mga rason na umiwas mag good time..where did we find ourselves? sa Ateneo de Manila chapel sa Padre Faura nakalingya for confession…

  20. parasabayan parasabayan

    Isn’t Chi from Japan too? Calling, calling Chi. Are you ok?

  21. Mike Mike

    #21

    PSB,
    Si Chi yata naka based sa Yu-Es-Ey. Tama ba Chi? 🙂 Si Yuko, yung dati nating kadaldalan dito ang taga Japan. 🙂

  22. Nasa Rocky Mountain yata si Chi. Ligtas siya sa Tsunami kahit na 50 meters pa.

  23. norpil norpil

    chinese palagay ko si chi.

  24. chi chi

    Hahaha! Kasama ko si Joeseg maghapon, nanyanig kami sa MOA ng puto bumbong, bibingka at halo-halo. Yup, we were at a higher ground!

  25. chi chi

    norpil, korek ka…hindi ako Japanese. 🙂

  26. chi chi

    PSB, tenkyu for calling out my name, palipad balik USA in a few days. 🙂

  27. chi chi

    #23. Cocoy, we missed you at MOA. Hahaha!

  28. Nandito ka pa rin, Arsenia? Nandito ka lang sa teritoryo ko di ka bumubusina. Napakain sana kita kahit isaw, adidas, o tinga kyu.

  29. chi chi

    Bwahaha, tinga kyu! Tongue, hectic schedule e. Nagkataon na magkapitbahay pala kami ni Joeseg sa QC…at ni Magno! Imagine that…

  30. chi chi

    Mike, korek ka. I live uber der in USofA, not in Yuko’s Japan. 🙂

  31. sa tingin ko okay si yuko, panay post pa rin niya ng mga pro marcos, pro imelda atbp. 🙂

  32. rose rose

    Nakakayanig tunay ang lindol…kasi walang signs kang makita before it happens…it just happens. and when it happens you don’t know where to go…sa ilalim ng mesa, tatakbo kang palapas, nakataranta tunay…

  33. parasabayan parasabayan

    Chi, mabuti naman at nag-eenjoy ka dyan…

  34. rose rose

    Tedanz: in the picture..it does not look that “basura” lang tayo dito…hindi gumawa ang Dios ng basura…kung mukha mang basura it is our fault…we make ourselves basura..ang turo nga sa atin..God created us in His image ang likeness..to love Him and to Serve Him..simply, hindi ba? madaling gawin hindi ba? but bakit natin magawa?

  35. rose rose

    dagdag ko pa: mahilig ako sa ice cream..kasi doon sa amin mahal ang ice cream when I was growing up…and everyday I make it point to go to the mall to walk around…pero dadaan ako sa ice cream parlor and get a scope but my doctor told me yesterday that I gained 10 pounds since 8 months ago..and now I just pass by the ice cream parlor and look at the “creamy coconut”…ok na kasi mahaba ang pila at ayaw kong pumila…pandat at putot din kasi ako! pero hindi ako si Gloria…

  36. tru blue tru blue

    “I’m galad dahil ligtas ang BFF natin sa Japan si YSTakei.” – Cocoy

    Nakarma tuloy si Yuko. Ang kawawang bansa sa ngayon, yung Japan nya. No pun.

    Pero babangon, yan. Fartsee and Yuko are hard to bring down, they’re like Lazarus. Japan will be better and that’s my hope.

Comments are closed.