Skip to content

Mataas ang tsansang lusot si Merci sa Senado

May basehan si Ombudsman Merceditas Gutierrez kung bakit sa isip niya, mas pag-asang siyang mas may laban siya sa Senado kaysa sa House of Representatives sa impeachment na kanyang hinaharap.

Sa ngayon kasi, alam na ng mga kongresista na gusto ng Malacañang maalis si Gutierrez dahil walang mangyayari sa mga kaso ng kurakutan na sabi si Gloria Arroyo habang si Gutierrez ang Ombudsman. Alam naman natin sa House, kung ano ang kumpas ng Malacañang, kahit anong administrasyon, susunod yan dahil sa kanilang pork barrel. Itong klaseng impluwensya ng Malacañang ay maaring gamiting sa kabutihan, maa-aring ring gamiting sa masama katulad ng pagggamit ni Arroyo sa paghadlang ng katotohanan nang siya ang nasa Malacañang.

Ang Senado naman, talagang may kasaysayan din namang may sariling diskarte. Lalo pa ngayon na iilan lang ang kapartido ni Pangulong Aquino. Kaya nga ang senate president ay si Juan Ponce-Enrile na hindi kapartido ni Aquino dahil kulang sila sa numero.

Sa batas kasi, two thirds ng Senado ang kailangang boto para maka-impeach ng isang opisyal. Sa ngayon 22 lang ang mga senador dahil nabakante ang puwesto ni Aquino at nagtatago pa si Sen. Ping Lacson. Kung 22 o 23 man, 16 ang kailangan para maalis sa puwesto si Gutierrez.

Walong senador ang kailangan ni Gutierrez na kakampi at lusot na siya. Ilan sa mga senador ang maa-asahan niya?

Sinabi na ni Sen. Miriam Santiago na mahina ang kaso laban kay Gutierrez kaya siguro isang boto na yun. Si Joker Arroyo, siyempre kakampi niya yun at si Sen. Edgardo Angara. Baka madala ni Angara si Sen. Loren Legarda.

Ang mga senador sa administrasyon na si Bong Revilla, Juan Miguel Zubiri at Lito Lapid, siyemore kausapin ni Arroyo yan. Makakahindi ba naman ang mga yan? Pito na yan.

Sa oposisyun ngayon na tumakbo sa Nacionalista Party na sina Manuel Villar, ang magkapatid na Cayetano, sina Alan Peter at Pia, Vicento Sotto, Ferdinand “Bonggong Marcos. Mataas din ang tsansa na kakampi kay Gutierrez yun. Si Enrile at Gringo Honasan baka makuha rin ni Gutierrez yun.

Ang aasahan na boboto sa pagpatalsik kay Gutierrez ay sina Franklin Drilon, Serge Osmeña, Francis Pangilinan, Francis Escudero, Antonio Trillanes IV, Teofisto Guingona III, at Ralph Recto.

Si Sen. Jinggoy Estrada, baka sakaling makumbinsi siyang bumoto sa pagpatalsik kay Gutierrez kahit na may masakit siyang karanasan sa impeachment at inis siya kay dating Ombudsman Simeon Marcelo at Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio (na siyang tumulong sa pag-convict sa aman niya) na siyang kalaban ngayon ni Gutierrez.

Pito lang ang maa-asahan sigurado ng Malacañang. Walo kung makakabalik si Lacson.

Kaya mahalaga na malakas ang kaso ng mga nagreklamo laban kay Gutierrez at dapat sundan ito maigi ng taumbayan. Kung hindi, malilibre si Gutierrez, libre na rin si Maj. Gen. Carlos Garcia at tatawa lang ng malakas si Gloria Arroyo.

Published inGraft and corruption

40 Comments

  1. Filipina OFW Filipina OFW

    Ellen, tama ka na may possibility na mangyari ito. It’s really sad if this happens. I hope these senators will see the light of day. Kung hindi, talagang wala ng pag-asa.

  2. Iyan ang hirap sa batas natin kailangan pa ng boto para sa pagpapasya kung patatalsikin ba o hindi ang isang tao. Number game na iyan eh. Akala ko ba ang PSCO lang ang may larong numero. Pati rin pala sa Congress at sa Senado. Kung nabubuhay pa si Marcos at siya ay Presidente hindi sana mangyayari ang ganito na nangyayari sa ating bansa.

    click ito http://www.arvin95.blogspot.com/

  3. Sana ang mga taong mambabatas tinitingnan talaga kung nararapat na talagang patalsikin ang isang tao sa posisyon. Sa kaso ni Gutierez ay nararapat na talaga siyang maalis sa ombudsman kasi madami na ang nananawagan. Kung mabuti ang kanyang pagserbisyo walang magnanais na siya ay maalis. Pairalin na sana niya sa isip ang konsensya.

    click ito http://www.arvin95.blogspot.com/

  4. Ang pag iimpeach ay para na ring sugal kasi kailangan pa ng bilang ng numero kung magtatagumpay sa layunin. Ganun din sa mga laro ng PSCO susugal ka para manalo. Mabuti sa PCSO sampung piso ay maaari ka ng manalo. Pero sa congress at senado hindi puwede siguro ang sampung piso para sa ticket.

    click ito http://www.arvin95.blogspot.com/

  5. Iyan din ang input ng sensor ko na makakalusot sa Senado si Merci,kung paiiralin ng mga kakamping Senador pagiging loyalist nila kay Aling Gloria at hindi sa taong bayan.

    Sana maisip nila ang sentimento ng madlang pipol na naglalaway ng mapatalsik si Merci at makitang makasuhan ang Gloria Arroyo’s Kurakots Incorporated.

    Medyo mag umpisa ng mag meeting sa Plaza Miranda at magdala ng Plcards para magising ang itong mga Senador.

    Si Bong Revilla kung saan si Jingoy ay doon siya.

  6. rose rose

    Ganoon ba ka gago ang ating mga senators? those who will be pro Maldita ay tandaan at don’t vote for them… kahit sino pa silang Pontio Pilato…o Judas…they are not for the people…ang mga kabataan ang ating pag asa…

  7. rose rose

    ito ang magpapatunay na our gov’t is for the corrupts, of the corrupts and by the corrputs…

  8. Rudolfo Rudolfo

    Kaya nga tawag sa Senado,” Sena-TONG ” at ang Kamara ay Kama-TONG o TONG-gressmen…(di naman lahat),… ngunit, mabibilang lang sa daliri, 1/10…kaya dapat, sa pag-bago ng Constitution, huwag nang di numero or numbers, JURY SYSEM na lamang, kung ano ang gusto ni Juan de La Cruz, hindi ang lakas o kagustuhan ng “corrupted” disisyon. Tuloy ang bansag sa bansa ay ” Corrupt Republic in Asia “, P.I.

  9. chi chi

    Kung ganyan ang mangyayari sa Senado, korek si Tongue na i-bang bang na lang ni Merci ang sarili! Letse na mga senador ni Gloria hanggang ngayon ay perwesyo!

  10. Dapat taumbayan na lang ang magpasiya, hindi mga congressmen and senators. Vox Populi.

  11. Merci’s impeachment will let us see how near (or far) Philippine laws are to our expectations. We will see if our laws, our form of government, our electoral system, really has the mechanisms of serving the interest of the people are full of loopholes that the corrupt are taking advantage of. We will see our laws protect the people or just a few.

  12. The president’s legal team should look for new and more creative solutions to this problem as again we are using old ways of solving a new problem, the people involved have obviously mastered how to manipulate the outcome because they are fully aware of loopholes in the system.
    We need to win here, if only to show our children that the law profession is an honorable one, that it doesn’t just revolve around money but the promulgation of justice.

  13. rose rose

    Have no Mercy on her! On second thought be sweet to her.. don’t give her a fast death…pour Sugar Honey Iced Tea on her and let the ants (hantik) lick on her face and entire body, pagkatapos ipakain sa bulate…

  14. parasabayan parasabayan

    Ito nga ang nakakainis dahil si Pnoy eh medyo hindi masyadong popular sa Senado. May kanya kanyang grupo dyan. May grupo si Enrile, May grupo si Villar at may grupo si putot (Joker Arroyo, Angara, Lapid and Revilla, Santiago etc). These groups do not necessarily vote the same way. Kaya malabo ngang maimpeach si Maldita sa senado. Magdasal na lang tayo na mag-iba ang ihip ng hangin.

  15. 8 senators ang kailangang makuha ni Merci na kakampi para di siya ma impeach.

    Siguradong lusot na sa Kongress at aakyat na sa senado.Doon ang labanan sa upper house.

    Palagay ko iyung mga re-electionist itong susunod na election within 2 years, Sa Pula, Sa Puti ang taya kasi mananagot sila sa mga botante. Isipin na lang nila na nanalo si Trillanes kahit nakakulong.

    Sabagay siguradong pasok uli si Lito Lapid kasi solid kapangpangan ang makukuha niya boto dahil ayaw na nila siya pabalikin sa Pampanga para maging Gobernador.Malaki ang voting populace ng Pampanga.Pasok din si Bong Revilla kasi mas malaki ang solid cavitenio.Kung saan si jingoy doon si Bong.Iyung pito sa walo tumutulay sila sa alambre sa disisyon nila kung i-impeach o hindi.

  16. Iyung Dalawang Cayetano magpasikat iyan sa madlang pipol 60% bubuto sila sa impeachment.Konting hilot at masahe sa kanila.

    Kaya ang papanig kay Merci
    1) Lito Lapid
    2) Mirriam Defensor Santiago
    3) Joker Arroyo
    4) Many Villar
    5)Angara baka mahatak niya si Loren anim na.
    7)Zubiri

    Ang bantayan ni Jingoy si Bong, Honasan at Enrile para sure ball ang impeachment.Isa ang pumanig diyan lusot na si Merci.

  17. Kaya bantayan din ang magkapatid na Cayetano para makasiguro.

  18. Sabagay inis na rin si Enrile sa Senate Hearing ni Garcia at tinawag niyang groos incompetence ang mga prosecutors ng Ombudsman. Dalawang boto nila Gringo.

  19. Kaya baka pito lang ang makuhang boto ni Merci sa Senado.Panalo ang taumbayan.Hayaan nyo muna si Lacson iyung boto niya na in favor of Impeachment it doesn’t matter na.

  20. Si Mirriam santiago kahit na bubuto iyang favor kay Merci ay mananalo pa rin sa pagkasenadora dahil ang botante gustong-gusto nilang may melo-drama. Kung wala na si Mirriam sa Senado wala ng saya, para na rin patay na si Mara.

  21. Phil Cruz Phil Cruz

    This looks like it’s going to end up like the impeachment of Erap. If the Senators vote “not to open the envelop” again, or decide in favor of the accused, this thing could explode in ways the Senators could never imagine. It could set this country’s recovery back several years.

    The Senators should commit not to leave the country after they have voted on it.

  22. Phil Cruz Phil Cruz

    It’s the same thing with the decisions being awaited at the Sandiganbayan (plea bargaining issue) and at the Supreme Court (Merceditas’ appeal for reconsideration re the House impeachment proceedings).

    Like a steam boiler, the tension is building up.

  23. Hawak ni Bong Bong Marcos ang alas ni Merci.

  24. rose rose

    kung sakaling hindi siya ma impeach is her term “till death do us part”? sino kaya sa kanila ni putot ang mauuna? and who will inherit tabbaboy’s heart? mag aabang nalang ako sa sususnod na kabanata…si Mara o si Clara?

  25. parasabayan parasabayan

    Cocoy, sa listahan ko hindi ko isinama si Zubiri. Kung maalala mo, nanalo yan dahil sa “soup” ni Abalos. Tapos di ba hindi naniniwala si Pimentel na natalo siya ni Zubiri sa 12th place sa senado? His being a senator had always been under question. And since then napupuna ko na hindi siya masyadong pumapanig kay putot. And definitely he wants to win again so he will try to redeem himself. Tignan natin.

  26. parasabayan parasabayan

    Si Enrile, Honasan at Sotto boboto ng pare-pareho.

  27. ocayvalle ocayvalle

    ang dasal ko, ma impeach si merci, at maparusahan si GMA kasama ng mga demonyong alipores niya..amen..!!

  28. TonGuE-tWisTeD – March 7, 2011 8:27 pm (He posted it in another thread)

    Kung ganyan lang ang magiging resulta sa Senado, aba e huwag na dun dalhin si Mercy.

    Ipa-cross examine na lang kay Boy Abunda sa The Buzz saka pagbotohan ng taumbayan through text.

    Dalawang oras lang meron na tayong desisyon kung sisipain o ire-retain. Tipid pa!

  29. rose rose

    ang masamang damo daw matagal mamatay…totoo nga! ipagdadasal ko na sana kanina ang kaluluwa ni Maldita..may her soul rest in peace! pero noong nagpunta ako sa Simbahan walang misa kasi wala daw paring available…pero may bukas pa..

  30. vrag no.1 vrag no.1

    Because the name of Gutierrez is now synonymous with Gloria and her corrupt, wicked ways, not many senators will cause his or her name to be dragged in the gutter of public condemnation by letting her walk. If the Lower house was able to read the pulse of the nation and impeach Merci, the senate in its present composition will never allow itself to be outdone in the contest of championing people’s popular cause lest they be labeled as traitors worse than the evil personalities they are now investigating for corruption. A bet on Gutierrez at this point has little to gain but too much to lose in terms of the ire of every Filipino for any senator who will drop the ball and let the Ombudsman and Gloria smile again. This senate is ready for their own version of Mercy killing.

  31. May punto ka rin Vrag, sana magkatotoo ang comment mo.Medyo rin ako agree sa iyo kasi malapit na naman ang 2013 election at sariwa pa sa isipan ng botante ang magiging hatol ng mga re-electionist senators tulad nila:

    Edgardo J. Angara, Joker P. Arroyo, Allan Peter S. Cayetano, Gregorio B. Honasan, Loren B. Legarda, Juan Miguel F. Zubiri

  32. Baka ang pwesto nila na pagiging senator ang isipin nila kasi malayo ang chances nilang maging presidenti.Okey lang naman kung bigyan ng senado ng pitong boto si Merci huwag lang walo.

    Lahat daw ng LP kongressman ay bubuto sa impeachment ni Merci, mahigit yata silang 80.

  33. Medyo tagilid rin pala ang dating ni Merci sa Senado kasi karamihang kakampi niyang senador ay mga re-electionist sa 2013.

  34. greenstallion greenstallion

    This is scary if happens. Mercy will just laugh all his/her critics if victorious. She will probably become more of destructive, blockage to PNOY’s objective. God forbid! Lets pray for a miracle..

  35. vrag no.1 vrag no.1

    Cocoy, Merci’s being crushed like an insect in the senate is even now a certainty with the SC joining the bandwagon yielding to popular demand upon seeing a volcano of people’s wrath about to erupt. If there is a Gloria’s kiss of death there is now Merci’s leprous touch to the detriment of any senator coming to her rescue pulling her hand out of the quagmire she had sunk herself into. Nobody would want to be named the devil’s advocate and be confined to the sewage of nation’s history. Even Lito Lapid , the famous lackey and the square peg in the senate will not allow the political facelift this impeachment can bring to his career slip his hands by going against the grain. One’s mud is another man and woman’s talc in Philippine politics! I see a unanimous decision barring abstentions and sick calls

  36. rose rose

    sino kaya sa mga senators ang mag “call sick” rather than be present and abstain…secret balloting ba? or open votes?
    are the results going to be published? how each one of them voted..so the public will know? we have to be informed so we will know kung sino ang pro corrupt and kung sino ang hindi…who will take the Road less travelled? or are they going to take the cemented highway na kahit pasikot sikot ay cementado naman…intersting ang fate ni Maldita…

  37. rose rose

    incidentally, when are they going to vote? will the session be open to the public? sana maglagay na malaking screen sa Luneta o sa mga plaza para makita ang proceedings? joint session ba? sana para makita ang reaction ng mga kaibigan niya…the entire family of swines..

  38. rose rose

    if “me gal so very” can’t decide on his/her vote let him toss a coin and head or tail na lang…

  39. rose rose

    Sana mag Angelo Reyes na lang siya at mag bang bang…pero huwag siyang tanghalin na bayani at ilibing sa In Plunders Field..ano ba ang ginagawa sa mga baboy na bulok?..cremation?

  40. rose rose

    lulusot nga siya sa butas ng krayom ng justice sa atin..inpite of her size physically…malaki, mabigat at malakas siya politically speaking…at mapera pa! all these seem to be the measures of success sa atin… oh well ang sabi nga weather weather lang…

Comments are closed.