Tinanong ni Sen. Franklin Drilon at Sen. Jinggoy Estrada ang representative ng Ombudsman sa hearing ng Blue Ribbon Committee na nagi-imbestiga ngayon ng plea bargain agreement kay dating military comptroller Carlos Garcia kung ano na ang nangyari sa kanilang pangako ng bawiin o ipahinto sa Sandiganbayan ang kontrobersyal na kasunduan.
Sagot ng kinatawan ng Ombudsman, “pinag-aaralan pa.”
Hindi ko nakuha ang pangalan ng Ombudsman dahil nagbrownout sa amin at lumipat ako sa radyo. Medyo inis ang dalawang senador dahil mag-iisang buwan na mula ng nangako sila na pag-aaralan ang pagbawi ng plea bargain agreement halatang namang talong-talo ang mamamayang Pilipino. Biruin mo sa P303 milyon na nahuling nakaw na yaman ni Garcia, pumayag ang Ombudsman na P135 lang ang ibalik. Pwedeng nang itago ni Garcia ang P168 milyon.
Kung hindi makadesisyon ang Ombudsman na bawiin ang plea bargain agreement kay Garcia sa isang buwan nilang pag-aaral, ibig sabihin nun, ayaw nila.
Paano kasi maraming kumplikasyun dahil sa kanilang pagsu-short cut. Kung babawiin nila ang plea bargain agreement, ibig sabihin nun, ibabalik sa kulungan si Garcia.
Paano ngayon ang kanyang ibinalik na mga ari-arian, yung nagkahalaga ng P135 milyun? Ibabalik sa kanya? Inamin na niya yun na nakaw na yaman yun?
May panukala na hawakan muna ng korte ang mga ari-arian hanggang niliitis ang orihinal na kaso na plunder at direct bribery. Marami talagang kumplikasyun.
May punto si Senate President Juan Ponce-Enrile na kahit paano ngayun ang karapatan ni Garcia na ang mangyayari nyan parang niloko siya ng pamahalaan. Umamin siya sa direct bribery at money laundering. Paano ngayun, babawiin na rin niya ang pag-amin. Kung ipagpatuloy ang paglilitis sa plunder, gagamitin ba ang kanyang pag-amin sa ibang kasalanan na kasama sa kundisyun ng kanyang paglaya.
Nandyan din ang isyu na kung hindi pa pala aprubado ang plea bargain agreement, bakit ibinalik na ni Garcia ang P135 na nakaw na yaman at bakit siya pinayagan magkapag-pyansa.
Sinabi pa ng kinatawan ng Ombudsman na ang isang bagay daw kung bakit hindi sila makadesisyun na bawiin ang plea bargain agreement at dahil sa banta na pati sila kakasuhan. Dapat naman talaga kasuhan sila.
Kung may kabutihan na nagawa ang kasunduan ni Garcia at Ombudsman ay maraming nabulgar na katiwalian pa ng ilang opisyal. Nabuksan na ulit itong kaso ni Maj. Gen. Jacinto Ligot. Ngayon tumataas na ang blood pressure ni Erlinda Ligot, asawa ni Gen. Ligot. Hindi talaga nila akalain na darating ang araw na mabulgar sila.
Sana hindi ito titigilan hanggang matumbok ang puno na alam natin hanggang ngayon ay mayabang pa.
Tanggalin na sa trabaho yan. Isa-isa. Pag di kumilos, isa uli. Di pa kasuhan yang mga taga-Ombudsman na yan. Ipakulong na rin nila agad at singilin ng danyos na ang halaga ay yung perang “ipinamigay” kay Garcia at sa amo niya.
Ilayo na sa mga ebidensiya yan, baka biglang sunugin. Hoy, kilos!
Pag gusto, may paraan. Pag ayaw, maraming dahilan. Ang kasabihan! Bow! 😛
Magkakabawian yata sila diyan.Ang mahirap kapag naubos na ng mg asawa at kabit ang kuarta naipatalo sa mahjong,naloko na! Wala ng maibalik,tiyak labu-labu at gera patani ang kahihinatnan.
Malapit pa namang na impeach ang lola nila na nagtatangol sa kanila.
Kung li-limiin o pag-isipang mabuti ang karamihan ( di naman lahat ),sa mga mambabatas o nag-papatupad ng batas sa Pilipinas, katulad ng Ombudsman, mataas na hukuman, AFP, PNP, COMOLECT, at iba pang sangay, mula sa Itaas hanggan sa mga Barangay, NGOs, panay kalukuhan,pang-ngurakot, panlilinlang at kabwesitan lang pinag-gagawa ki Juan de La Cruz, o ang paglumpo sa Bayan. Mahirap kung minsan ma-intindihan ang kulturang Pi-li-pi-no. Pi-losopo, Li-noloko, Pi-nopugatan,No-noon-ngayun…Pilosopo na mga mambabatas-mambubutas ng batas, Linolokong mga mamamayan at Saligang Batas ng mga mambu-butas-mambabatas, Pino-pugatang mga mamahayag at dangal ng Bansa sa mata ng pandaig-digang samahan ng mga bansa ( United Nation ),Mula-mula pa Noong panahon ni Limahong hanggan ngayon, napaka-tindi sa panahon ng Edsa-2, halos sampung taon ni GMA bilang pangulo-pagulo ng Bayan. Kung minsan, nakaka-panlambot ang mga Paaralang pinagtapusan nila na magagaling-bantog ang mga pangalan, ngunit, ANO, kaya ang mga itinuro-at-pinagaaralan?..Nakapanghihinayang kung pag-iisipang malalim…Halos lahat ay nagiging smarty, sa panluluko ng mga aping-api na Pilipino. Sana magkaroon ng JURY SYSTEM, sa bansa, batas gamit ng mahihirap at aping mga walang boses na “Boss” ni PNOY. My penny worth of analysis…
Ang mga sankot sa katiwalian-corruption dapat bumitiw na,malaking kawalan sa kaban ng bayan ang mga inbistigasyon, at ang mga mukhang “bboy” dala ng nakulimbat na salapi, ituwid na ang sarili habang may pagkakataon, dahil ang mabuhay ay minsan lamang, mahirap ang mabuhay ng walang hanggan sa impyerno. “What profits a man if he gain the whole world, but, he lost his soul”. Baka naman sila’y wala ng kaluluwa, tao-tauhan na lamang ng salapi ?..at nabubuhay na parang mga biik ?..
Sino ba dapat mag-fire sa mga hinayupak na ombuds-ombuds korap na yan? Kung si Pnoy dapat irekomenda na ni Ochoa, now na. Kung si Leila de Lima, fire na agad sila. Kung si MGut ay wala tayong magagawa but to dissolve her and her office. I-dissolve na lang kaya ang Ombudsman office, wala nyan noong araw di ba? At maglagay ng isang tanging tanggapan (lean but functional) at DOJ to deal with the cases within the Ombudsman’s perimeter.
Sinabi na kasing puwedeng tanggalin ang Deputy Ombudsman nang walang impeachment. Nasa poder ng Pangulo ang pagtanggal.
Ano ang ginagawa ng mga tagapayo sa batas, si Ochoa at De Mesa?
na intintinahan ko na kung bakit si Maldita ay ilang beses na lagpak sa bar exams…brainless…niyog ata ang kanyang ulo at walang laman…kaya wala siyang naintindihan na pina aalies na siya…may lunas ang loco loco a puede ipadalang sa mental hospital..ang tanga ay tanga..simalosep!
walang lunas….at least si Brenda ay brenda lang she is a hopeless case..
Tangap na yata ni Merci na talo siya sa Kongresso sa kanyang impeachment case kaya sa Senado na raw makipag siapol.Malakas ang loob ni Merci kasi nandoon si Lito Lapid.
#8. Ganun naman pala e! Ano ang hinihintay ni Ochoa? Huwag na muna nyang patulan ang glass house kundi totoo at mag-focus sa pagtanggal sa Deputy Ombudsman na naki-plea bargain kay Garcia. Ang bagal ng kilos pwede naman gawin agad ng ayon sa batas.
Pweding pagsispain ni Penoy iyung mga special bola bola siopao ng prosecutor kasi mga presidential appointees sila anytime kahit anong oras.
I hope we can charge these people already, at least with BESTIALITY – they’ve been rear ending 90 million people, the animals!
Bilib din ako sa tapang nitong si Cong. Farinas, ipa impeach raw niya ang mga Justices sa SC. Gawin mo na, NOW NA! Unahin mo si Corona.
Sa House siguro, alam ni Gutierez wala siyang laban pero sa Senado, mukhang marami siyang maasahan sasagip sa kanya.That’s my column for tomorrow.
Haay, it’s so hard to fight the corrupt. Mas marami sila kaysa yung matino.
Sana nga Ellen dito na lang pakipagdebati si Merci sa kanyang impeachment case. Makipag one on one tayo sa kanya bago siya umakyat sa Senado. Kaya lang di siya uubra kay Tongue kasi maraming suki si Tongue na magtitinapa pati iyung suki kung magbabalot naging suki na rin ni Tongue.
Sana may mag squeal ng mga hatian sa mga prosecutors para mas maganda at kaabang abang ang susunod na kabanata. Direct to the point na tayo, usapang pera pera naman talaga ang nangyari diyan sa plea bargaining agreement.
Slowly, gradually we are embarked on a culture shift
which is more difficult than paradigm shift which addresses
big problems requiring draconian solutions.
I suspect some of P NOY’s henchmen are no hit men
because of their questionable past; those who are raring
to kick butts and decapitate snakes are prevailed upon
to hold it by P NOY himself by his own reason.
Just as Gloria was culture herself of corruption, violence,
immorality, and shamelessness, P NOY is also a culture
of his own, his process whether hare-speed or turtle-slow is his process of CULTURE SHIFT, which cannot be done
overnight. The language (conversion, etc.) of corruption in the AFP took decades to gain ascendancy due to or even despite having the fearsome court martial process and the catch all crime of “conduct unbecoming of an officer and a gentleman.”
It is downright weakness to say: “not all prosecutors are bad,or corrupt because there are still many who are good” when to the Filipino public the TOTAL picture is HORROR reeking with dirty money and spilt blood of the innocents (remember Luneta?).
If a culture shift must happen it must start with the guardians of the law from the police to the prosecutors to judges up to justices of the high courts. In the case of the Ombudsman Prosecutors, cuffed and manacled them; borrowing words from Ellen’s Pinay-European blogger: Post haste get the bastards tarred, feathered and quartered.
To explain, In a South Pacific country, Pigs are burned (salab) and quartered, each quarter is given as a gift of honor to respected guests.
Culture shift is my own coinage, as I see it in PM Stephen Harper’s slow but sure “political culture shift” in Canada. That seems to be his Conservative answer to more than 88 years of Liberal Party government. The official letterhead now is not Government of Canada but The Harper Government. The point is that a culture shift whether of national scale or of lesser concern is a BIG THING.
Kung ganyan lang ang magiging resulta sa Senado, aba e huwag na dun dalhin si Mercy.
Ipa-cross examine na lang kay Boy Abunda sa The Buzz saka pagbotohan ng taumbayan through text.
Dalawang oras lang meron na tayong desisyon kung sisipain o ire-retain. Tipid pa!
Tongue, your comments should have been in the other thread. I’ll transfer it.