Skip to content

Pinagdidiskitahan ng mga kasamahan ni Reyes si Trillanes

Nagmumura ang aking mga kaibigan ng nanunuod siya ng necrological service para kay dating AFP Chief Angelo Reyes noong Sabado ng gabi sa na kinuber ng ANC ng live.

Sabi niya sa mga papuri ng mga matataas na opisyal ng military kay Reyes, na nagpakamatay noong Martes, lumalabas na despalinghado ang pagiisip nitong mga opisyal na sinuswelduhan ng taumbayan.

Sabi ko “huwag ka na kasi manood para huwag ka na ma-stress.” May pagkamasukista naman itong aking kaibigan, nanood pa rin pero text siya ng text sa akin na minumura ang mga nagsasalita.

Nakakapanghinayang itong mga opisyal na despalinghado ang pag-iisip Hindi na nila alam ang tama at ang mali.

Tinuruan sila sa Philippine Military Academy na hindi mandaya, magsinungaling, at magnakaw. Heto si Reyes nabuking na tumanggap ng P50 milyon na pabaon nang siya ay nag-retiro noong Marso 2001. Iba yun sa P10 milyon na kanyang buwan-buwan na tinanggap na allowances kuno. Hindi ito kasama sa legal na sweldo niya.

Ibinulgar ito ni Lt. Col. George Rabusa na budget officer ng military noong panahon ni Reyes at ang mga sumunod sa kanya na mga chiefs- of- staff sa hearing sa Senado ng kontrobersyal na plea bargain agreement ng Ombudsman at ni dating military comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia.

Harap-harapan ito sinabi ni Rabusa at ang sagot lang ni Reyes at hindi nila maala-ala ang sinasabi ni Rabusa na pag-deliver ng P50 milyon na nasa dolyar (para hindi mabigat dalhin).

Ang kanilang pinagdidiskitahan ngayon ay si Sen. Antonio Trillanes IV na binara si Reyes noong hearing. Gusto kasi ni Reyes na siya ang magtanong kay Rabusa deretso na hindi, ginagawa sa congressional hearing, para daw masalba niya ang kanyang reputasyun. “Walang kang reputasyun na dapat isalba,” sabi ni Trillanes na dati ring sa military.

Naintindihan ko na masakit yun para sa isang mataas na opisyal na sasagutin siya ng ganyan ng isang nakakabatang dating opisyal. May pagkukulang siguro sa pananalita si Trillanes ngunit katiting lang yun kung ikumpara mo naman sa pagkukulang ni Reyes.

At huwag kalimutan na kasama si Reyes sa dahilan kung bakit nakulong ng pitong taon sina Trillanes.

Itong si dating AFP Chief of Staff Hermogenes ay nagsalita rin, Naka-quote siya sa diyaryo, “Sobra ang yabang ng batang yan.” Si Trillanes ang tinutukoy niya.

O ano, ngayun kung mayabang. Hindi naman nagnakaw. Hindi nakipag-kuntsabahan sa panloloko ng taumbayan. Sabi nga ng isang Magdalo na batang opisyal: “Ang kasalanan lang ni Sir Sonny ay nahuli siya nag-graduate sa PMA kaysa kay Reyes.” Kaya sa tingin ng mga mataas na opisyal walang karapatan si Trillanes mag-imbistiga kay Reyes.

Mali. Ang pananagutan ni Trillanes ay sa taumbayan. Hindi sa mga senior niya na nagsamantala sa taumbayan. At suportahan siya ng taumbayan diyan.

Published inGraft and corruptionMilitary

44 Comments

  1. cesar-asar cesar-asar

    suportahan natin si trillanes

  2. henry90 henry90

    “O ano, ngayun kung mayabang. Hindi naman nagnakaw. Hindi nakipag-kuntsabahan sa panloloko ng taumbayan..”
    Natumbok mo Mam Ellen. Ganyan din sinabi ko sa ilang mga upperclass ko bago ako magretiro. I guess it’s just a natural reflex action of people who reached that stature already. Pag naging heneral na kasi, may discretionary funds ng hawak. Most of them think that they can do whatever they want with these money, most of the time, misappropriating them. I know a lot of Flag/General rank officers who think like that Mam Ellen. They are ganging up on Trillanes because he dared to expose their shenanigans. Mawalan ka nga ba naman ng pagkakakitaan. Talagang magmumura ka. Assperon can feel the heat. He knows that sooner or later, he will have to face Trillanes in the Senate. Now, that will be interesting to watch. Grilling your mentor and tormentor.

  3. Galing kay Rey Aguilar:
    Dito sa USA pag may important person na nag-suicide ay agad sine-secure ng police ang ellphone at computer ng namatay upang makita kung ano ang dahilan ng suicide. Ginawa ba ito kay General?

    Also, a General will always leave a note to his family to say what pushed him to the deed. Did the police ask the family?

    It may be a suicide but was he coerced into doing it? Remember the cyberbullying cases in the news last year?

  4. Rey, meron siyang iniwan na notes daw na binigay sa PCIJ. Nilabas na ng PCIJ. Hindi niya itinanggi ang akusasyun sa kanya. Nandoon na raw ang corruption ng pumasok siya.

  5. Sa isang Juan de la Cruz:

    Tama ba na magnakaw ka ng milyong pera galing sa pinag pawisan ng mga sundalong pilipino at pagtatakip sa mga taong mga sangkot dito?

    Sa batas ba ng pilipinas kung isang taong nasasakot sa pagnanakaw totoo man o hindi tama ba na magpapakamatay ay pwede syang makalusot o not guilty kahit na merong witness o direktang taong nagtuturo dito?

    Pwede ba maging isang bayani ang mga taong sangkot sa pagnanakaw?

    Para sa magnanakaw ng multi milyong piso sa pera ng taong bayan eto ang mga option na nakita ko.
    option 1:magpapakamatay ka kung ikaw ay sangkot sa pagnanakaw at para automatic wala ng habol ang gobyerno maging sa pamilya mo.

    option 2:makipag plea bargain ka na ibabalik mo ang kalahati ng ninakaw mo .kumita ka pa diba.
    kaya babala para sa lahat ng magnanakaw siguraduhin nyo lang handa kayong magpakamatay.

  6. triggerman925 triggerman925

    Sa tingin ko defense mechanism na lang ni Esperon at ng ibang mga heneral yan. Alam kasi nila na sooner or later lilitaw din ang pangalan nila sa scandal na to that’s why they want to descredit Trillanes.

  7. Galing sa isang engineer na OFW sa UAE :
    Pasintabi po sa mga naulila ni Secretary Reyes. Para po sa akin hindi exit pass ang ginawa niyang pagbaril sa sarili.

    Hindi ko makita ung katapangan doon bilang isang dating sundalo at pinakamataas ng opisyal ng AFP?

    Ang aking pananaw ay isang karuwagan ang kanyang ginawa? Sa
    nangyaring ito hindi niya nasolve ang issue na dapat sanay magkaroon ng ultimate solution na dapat malaman ng lahat at kung hindi naman reliable ung pinasabog ni Mr. Rabusa bakit hindi nila harapin at sabihing hearsay lang ang lahat?

    Kung hindi sana nagpakamatay si Sec.Reyes, baka nasabit pa sana si GMA sa kurakutan sa AFP? Nakita ko sa website ung buong sandatahang lakas ng pinas ng dahil sa malawakang
    kurakutang ito our airforce becomes weak in Asia. Dapat sana kung naging righteous lang mga ito sa pamumuno naging matatag sana ang ating Armed Forces.

  8. Di ba sinasabi palagi ng mga leaders natin na “no holy cow.”
    Trillanes didn’t treat Gloria as one, nor Reyes, I wonder if we ever had anyone in history who actually walked the talk?

  9. Al Al

    May pagkukulang siguro sa pananalita si Trillanes ngunit katiting lang yun kung ikumpara mo naman sa pagkukulang ni Reyes.
    Although a little diplomacy would make Trillanes more effective, his fault is nothing compared to the crime of Reyes. Pera ng taumbayan na para sa sundalo ang ibinulsa niya.

  10. Rudolfo Rudolfo

    Base sa mga araw-araw na mga balita, at ka-ugalian o kultura ng mga nag-tapos sa PMA, ” Pamantasan ng may Masasama-o-Maitim na Ambisyon “, na halos nasa,75%-80% ay sangkot sa mga anomaliya, ng kung ano-ano sa Pilipinas, at nasa 20%-25% lamang ang tunay na nagpapahalaga ki Juan de la Cruz, kasama na ang tropa ni Sen.Sonny Trillanes at ang mga “whistle blowers ” noon at ngayon,dapat yata pag-aralan ng husto ng Kamara-Senado na mag-karoon ng re-education-isara at baguhin ang imahin ng PMA-school na iyan.

    Nakikita sa mga Heneral na nagsasalita at gawain nila ang mga nilalaman ng kurso o subjects na pinag-aaralan doon, na malayo sa tunay na kabayanihan. Iba ang pananaw nila sa isang tunay na bayani.

    Ang kabayanihan sa kanila, ay kung papaano lulumpuhin si Juan de La Cruz at pag-nakawan ng hubad-na-hubad, nakaka-hiya sa buong mundo na nakaka-alam ng matitinong gawain, at may takot sa Diyos. Mabuti pa sina, Heidi Mendoza,Jun “ompong” Lozada at grupo niya,iba pa na isinalang sa Senado noon-ngayon, di naman nag-aral sa PMA, kitang-kita ang tunay na Kabayanihan. Ngunit itong mga naka estrilya-palamuti sa balikat, karamihan ay “alanganing bayani”.

    Sana pagtu-unan ng pansin ang re-innovation ng mga aralin sa PMA para sa ika-bubuti ng mga susunod na lahi sa Pilipians. Kudos sa tropa ng mga Tunay na bayani, kasama na ang mga bloggers dito, sa pamumuno ni mam Ellen.

  11. jawo jawo

    juggernaut – February 13, 2011 10:29 pm

    I wonder if we ever had anyone in history who actually walked the talk?
    Former Manila Mayor Arsenio Lacson did. Until his death at age 50. He was the first Manila mayor to be reelected to three terms. Nicknamed “Arsenic” and described as “a good man with a bad mouth (Wikipedia).

  12. Tedanz Tedanz

    Papano mo igagalang ang isang magnanakaw …. ang gumagalang dito ay kapwa rin niyang magnanakaw. Isa ka diyan Asperon …. namo!!!!!

  13. Tedanz Tedanz

    Naa-awa ako sa mga pribadong sundalo na nagbigay pugay dito kay Reyes …

  14. Tedanz Tedanz

    Maiba lang …. dapat palitan na ang pangalan ng Libingan ng mga Bayani … idagdag ang ….. “at mga Korap”. Kasi marami pang ililibing diyan na mga korap at sa palagay ko marami ng inilibing diyan na nangurakot sa kaban ng Bayan. At para mailibing na rin diyan si Marcos. 🙂 🙂 🙂

  15. Al Al

    Wala ng rason para hindi ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

  16. Ellen

    Can’t blame your friend. Me too, have been cursing and swearing.

    That PMA-trained senior officers active & retired are on a public lynching mode vs former junior officer-turned senator Trillanes is just downright extraordinary.

    In a civilised military, senior officers are expected to calm down spirits, not gang up on a junior officer who, btw, has done nothing wrong except to point out the corruption in the armed forces. Term for that is COWARDICE!

    Alright, Trillanes could have smoothe the attacks with “Sir” for effect (so Angie’s hyper-sensitive ego didn’t suffer so much ;-)) but gotta hand it to Trillanes. We actually need someone who finally is prepared to stomach the counter-onslaught from those shitheahds in the AFP and Trillanes has the moral courage to do be the MAN to do it. He is doing an excellent job that these bemedalled generals or senior officers should have been doing from the time Trillanes was in diapers!

  17. And it’s taken this country one young officer half the age of these shitheads to show what moral courage should be. Sanamagan! The country should be grateful to Trillanes!

    Trillanes deserves our support!

  18. Unti-unti ng nawawala sa mundo ang mga tao na sumuporta para patalsikin si Erap. Ang mga tao na kaya sinuportahan para si Erap mapalayas sa Malakanyang ay upang sila ay makapangurakot. Mabuti pa si Former President Cory Aquino ay bago pumanaw nakahingi ng tawad kay Erap. Ewan ko lang kung si Cardinal Sin at Angelo Reyes ay nakahingi sila ng tawad kay Erap na ang sinuportahan pala nila ay pangulo na mahirap unawain ano tunay na layunin para sa bansa. Kasi madaming anomalya ang nangyari na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nababalita ang mga pinaggagawa niya habang nasa Malakanyang pa.

  19. Ellen,

    May pagkukulang siguro sa pananalita si Trillanes

    As far as I’m concerned, I completely agree with Trillanes on his line of questioning and his remarks as well to put Reyes in his place as a suspect. Remember, Reyes was being grilled and Trillanes’ words had to hit home; had he played and used baby talk as others suggested, he would’ve achieved nothing. Perhaps, the thing that he missed was the title “Sir!” which would have made a difference, everytime he delivered a somewhat harsh address to Reyes.

    But overall, Trillanes did well. He must soldier on.

  20. Bakit pa tinawag na libingan ng mga bayani gayong may mga nililibing naman na naging problema ng mga mamamayan. May nagawa ba para hindi tumaas ang presyo ng mga langis. Lalo lang nagmahal ang langis. Ang isang bayani ay namamatay na lumalaban dahil matapang. Pero bakit may nililibing sa libingan ng mga bayani na duwag. Hindi makayang harapin ang problema na kinakaharap.

  21. Dapat huwag ng ibitin pa ni Trillanes kung sino talaga ang mataas na tao na sumusuporta kay Garcia. Pangalanan na lang niya dahil baka may dumating na bagong issue at tiyak mababaling ang usapin sa panibagong issue.

  22. Lurker Lurker

    That’s why I skipped anything about him on TV. It was awful, the way he was lionized by his co-conspirators. Sen. Trillanes, you can count on my vote to the senate and beyond!

  23. I find these senior officers (especially that putangina Esperon and Maligalig) ganging up on a junior officer half their age way out of line. Their remarks are utterly unbecoming senior officers.

    It’s terribly below cadet mentality and to think they are supposed to be star ranking? Whoa! No wonder we cannot get rid of a rag-tag army of bandits in the South!

  24. And Esperon must remember that the junior officer that he’s insulting of mayabang is now a senator, much higher in political ranking than he can ever hope to achieve. He achieved nothing during his tenure except to corrupt the rank and file and that is the bottom line.

    The nation must remember that anything else that he (and by extension Reyes and all the gang uf crap in the AFP) may have done in terms of heroics (and I’m frigging extra-generous insinuating that he did heroic deeds) were neutralised by his being a useless piece of shit!

  25. gusa77 gusa77

    Marahil sa sampung tao,ang nagmuura sa yumao,at nagbibigay pugay,na itinuturing na bayani si Reyes ay ay labing-isa ang napapa-P I ninyo,mga ungas!,bakit labing isa ,dahil pati ang mga namayapang sundalo ay napapamura mula sa kanilang himlayan.Baligtad na yata pagkahulugan ng katagang “bayani “..marahil sa mata ng dekwat group ay bayani at pamilya pero sa sambayanan?

  26. Isagani Isagani

    Puro ingay lang naman yan dahil kung tuwid ang isip mo, mainis ka man di ka talaga maapekto.

    Ito na ang tamang panahon para lumabas ang mga editorial ukol sa nangyayaring kabaliktarang isip ng mga trapo. Mainam kung lunurin ang maling kuro ng mga kurap. Ang sense of value ng pag-iisip ng pinoy ay mahirap maunawaan. Kaya mahirap sabihin na reliable ang iniisip mong kasapi. Ngayon ok, bukas iba na naman ang istorya. Kaya kailangan ulit-ulitin sa kanilang isip na mali ang sinasabi ng mga kurap, yung mga bata ni Gloria na hanggan ngayon ay nasa kapangyarihan.

    Maraming sinasabi na ang taong bayan ay may tiwala kay Penoy, na siya ay trustworthy. Kung totoo yan, dapat magsalita si Penoy, sabihin niya kung sino at ano ang tama!

    Pero sa palagay ko di mangyayari yan at kung magsalita man siya, tiyak na nakalilito at mahirap na naman maunawaan ng pangkaraniwan mamamayan.

  27. Becky Becky

    Re #27, mukhang tama ang pakiramdam mo, Jug.

  28. korean express korean express

    nakakadismaya tlaga ang mga pangyayai dyan satin sa pinas….itinuturo na ngang nagkamal ng sangkatututak na pera ng taumbayan, ayan at binigyan pa ng full military honor….pinupuri sa kanyang kagitingan at kabayanihan daw…tsk tsk tsk….paano sya naging bayani? anong kabutihan ang nagawa nya para sa bayan? kabaynihan bang maituturing na iyong perang dapat sanay pambili ng mga gamit ng mga kasundaluhan na nkikipaglaban para sa bayan eh sa bulsa lang pla nila mapupunta? na ang mga sundalong nasa field NA halos kapos sa pagkain, sira ang mga sapatos at dispalinghado pa ang mga baril, samantalang sila (gen.angie reyes , gen.garcia.etc) ay mga naktira sa mansyon paroot parito sa kung saan saang bansa ang kanilang mga asawa na gamit ang pera na dapat sanay pambili ng mga kagamitan ng maliliit na sundalo natin.. eto lang po ang masasabi ko sa mga magnanakaw sa gobyerno…KUNG ALA KAYONG MAITUTULONG SA IKA UUNLAD NG BAYAN NATIN , MAGING KABAWASAN SANA KAYO SA NAGPAPAHIRAP SA BANSA NATIN….SUMUNOD NA KAYO KAY SEC. REYES……

  29. tagaisip tagaisip

    Kahit pa ilang beses nila ilibing si Reyes sa Libingan ng mga Bayani,kahit pa tawaging “Gen. Angelo Tomas Reyes Libingan ng mga Bayani”, bayani lang sya sa paningin ng mga kapwa nya korap na generals at mga opisyal ng gobyerno at ng pamilya nya. Sa mata ng Diyos na Syang pinakamataas na hukom,ano sya?

  30. From former PC-INP Chief Ramon Montaño (PMA Class ’58).

    Are cavaliers now condemning Trillianes who just followed the PMA Code of Honor by reporting an honor violator? What was drummed into our heads, in our hearts and in our consciousness long time ago during beast barracks was the central theme of the PMA Code of Honor: a cadet does not lie, cheat and steal or tolerate those who do.

    Our generation of Cavaliers are proud of Trillianes and his Magdalo who lived by this Code at great personal risks and sacrificing their careers and the welfare of their families to awake the nation of the massive corruption of the AFP High Command depriving the soldiers of their basic needs in the fight against the purveyors of violence against our people.

    Most of the Oakwood mutineers were of the late 90’s and early 2000 generation who are still idealistic and some had personal knowledge of how the Comptroller family and the senior comdrs manipulated all to steal these funds.

  31. Another one from Gen. Montaño:

    To Sen. Trillanes, we salute you. Carry on.

  32. chi chi

    “Sobra ang yabang ng batang yan.” – Asspweron

    Inggit ka lang!

    Buti nga hindi sila nagsasalita sa mga kahayupan mong ginawa sa mga ipinakulong mong sundalo, Magdalo and Tanay boys (at iba pa). Kung ibuko ka nila wala kang magagawa, baka magpatiwarik ka rin!

  33. chi chi

    Talagang magmumura ka. Assperon can feel the heat. He knows that sooner or later, he will have to face Trillanes in the Senate. Now, that will be interesting to watch. Grilling your mentor and tormentor.- henry

    Sana ngayon na mangyari, susugod ako sa Senado para manuod. :). That would be the day of reckoning!

  34. Isaac H Isaac H

    Ayon naman pala may PMA Code of Honor: a cadet does not lie, cheat and steal or tolerate those who do. Ano ngayon ang masabi ninyo sa kay former PC-INP Chief Ramon Montano. Paki tuloy mo Senator Trillanes.

  35. tru blue tru blue

    “Talagang magmumura ka. Assperon can feel the heat. He knows that sooner or later, he will have to face Trillanes in the Senate. Now, that will be interesting to watch.” – henry90

    It once again shows the lack of civility in our political discourse. There is too much personalan when someone so junior to you is now the one investigating your ass. Happens all the time.

    Major General Taguba (retired US Army), certainly didn’t took it personal how the dimwit Senator Lindsey Graham’s (formerly JAG Colonel AirForce) out of line questioning when he asked Taguba “how many years do you have now in the army?” To me, it was a stupid question coming from a lawyer and military. MG Taguba is a very decent person.

  36. A nice piece from William Esposo, but you need to read the whole article in the link to get a better perspective.

    “Soldiers are trained or perhaps in some cases, are compelled by circumstances to develop extraordinary fellowship as a matter of life and death. In the foxholes, soldiers only have each other and God to help them.

    The PMAer’s culture of “Right or wrong – right” was meant to strengthen and reinforce brotherhood and teamwork so essential in fighting battles and winning wars. In the right context, the PMA officer’s take on the concept of “Right or wrong – right” is supposed to serve as an unequivocal reaction against tactical obstacles and challenges that stand in the way of the strategic objective. If a PMAer makes a miscalculation and ends up straying in enemy territory ready to be butchered, the others must stay by him, even it means certain death. After all, it is this sense of uncompromising selflessness and sacrifice that makes our soldiers the true heroes of our time.”

    http://www.chairwrecker.com/column.php?col=111

  37. “O ano, ngayun kung mayabang. Hindi naman nagnakaw. Hindi nakipag-kuntsabahan sa panloloko ng taumbayan..”
    Natumbok mo Mam Ellen. Ganyan din sinabi ko sa ilang mga upperclass ko bago ako magretiro
    – henry90

    Saludo ako sa yo, SIR!

  38. JaySy1979 JaySy1979

    “I joined EDSA II at great risk. Jumped into a void. Coming from a place that was high and comfortable. Without any regard for compensation or recognition or reward. I thought what I did – being loyal to the Flag and putting the national interest above all else – a right, but I was faulted for not being loyal to the commander-in-chief, that I should have stuck with him to the end, however that end might be. I stuck it out with the GMA administration for 9 years, not under the banner of loyalty; I could have deserted GMA, but I did not want to be branded as someone who abandoned his superiors…”…. (Reyes’s Statement)…

  39. JaySy1979 JaySy1979

    hay nako parang wlang siyang reward mula kay putot… mali ang sinandalan mo,. sa bisaya pa GABA na.

  40. greenstallion greenstallion

    @ #19. i completely agree with you. Sen. Trillanes, Sen. Jinggoy,etc. should not apologize to what they did to the late Angelo Reyes. The people expect Angie to square off the accussations but we know what happened…

  41. greenstallion greenstallion

    Re # 30. Yeah why is it that late Angeleo Reyes was buried in Libingan ng mga Bayani? With due respect to the family of the late but pardon me but it’s not a good example we want to portray to our next generations & to the world. Its really confusing. Where’s our filipino values? Let’s call a spade, spade. Pres. Noynoy why we allow this one?

  42. “Sobra ang yabang ng batang yan.” – Asspweron

    Note, chi, the use of the word “bata”. It was not without purpose. It is demeaning and disrespectful to an elected senator. Para na niyang sinabing, “Totoy ka pa Trillanes, marami ka pang kakaining bigas.”

Leave a Reply