Kumusta ang bagong taon ng isa’t isa sa atin? Sana walang daliring naputol o ano pang kapansanan dulot ng paputok.
Kausap ko ang aking kamag-anak kahapon at nagkamustahan kung paano sinalubong ang bagong taon. Sila ng kanyang dalawang anak na dalaga ay nagpunta sa Eastwood. Sa unang pagkakataon, sabi niya, sa labas ng bahay siya ng New Year. Ang dami-daming tao daw at punong –puno ang lahat na restawran.
Sabi nga niya, sa pag-iba ng panahon, naiiba na rin ang mga tradisyun.
Ako, lumaki sa tradisyun sa probinsya na kapag bagong taon, may sayawan sa plaza. Kapag malapit na ang bagong taon, may misa. Sabay-sabay ang buong baryo na magsalubong ng bagong taon. Kasama ang banda, umiikot sa buong baryo at nagsisigaw ng “Adios, (kung ano ang taong lilisanin) at “Viva (kung anong bagong taon).