Mga alas-dos ng hapon ng sumabog ang bomba sa isang bus ng Newman Goldliner sa EDSA noong Enero 25, alas –singko ng hapon, may statement na si Pangulong Aquino na nakikiramay sa mga nasawi at nasaktan at nangakong hindi titigil hanggang maparusahan ang gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Aba, malaking bagay yan. Tatlong oras lang ang nakalipas, nagsalita na siya. Kahit pa sabihin nating “motherhood statement” lang ang sinabi niya, kahit naman papaano nagsalita at bumisita pa ng gabing yun din sa mga dinala sa ospital.
Malayong-malayo sa nangyari noong Agosto 23 nang nanghostage ang isa maykasong pulis ng isang bus na puno ng turista galing Hongkong. Umaga nagsimula ang panghu-hostage, inabot na ng gabi ni isang sentence, walang sinasabi si Aquino. Hindi nga alam ng marami kung nasaan siya ng mga oras nay un at kung alam niya ang nangyayari.
Mga pasado alas- otso natapos ang hostage-taking ngunit wala pa ring narinig hanggang pasado na alas-dose (kaya Agosto 24 na) na. Nang lumabas siya sa TV, hindi malaman kung siya ba ay nalungkot, nabahala or wala lang. Ni hindi man lamang niya kinausap ang mga survivors hanggang naka-alis na pabalik sa Hongkong.
Mabuti naman kung natoto siya sa nakakadismaya niyang aksyon tungkol sa trahedya ng Agosto 23. At sana ay hindi lang sa agaran na pag-isyu ng statement at pang- media na aksyun.
Sinasabi ko ito kasi hanggang ngayun wala pang linaw kung sino ang may kagagawan. Nakakatawa nga ang press briefing ni Edwin Lacierda, presidential spokesman tungkol dyan. Puro lang “Pag-aralan” ang sagot.
Sabi nga ni Dennis Garcia sa blog na www.bahalanasibatman.com ay napaka “studious” naman itong gobyerno natin.
May mga pinapalabas ang Philippine National Police na “pinag-aaralan” daw nilang anggulo: kagagawan daw ng radikal na faction ng Moro Islamic Liberation Front na itinanggi naman ng MILF.
“Pinag-aaralan” din daw ang anggulo ng terorista ang may kagagawan nun. Abu Sayyaf daw. Ito raw ay galing sa isang dating police intelligence officer. Ang nakapagtataka sa angulong ito ay bakit hindi inaamin ng terrorist group.
Kapag gumawa ang kasi ang mga terrorist ng pasabog, ina-ako nila dahil yan talaga ang gusto nila na matakot ang pamahalaan sa kanila. Kaya medyo marami ang duda sa kanitong anggulo.
Tinitingnan din daw ang anggulo na kagagawan daw ito ang isang grupo na gusto lang kumita sa kanilang mga consultancy sa mga malalaking kumpanya dito sa Pilipinas.
Sa gitna na mga kaguluhan dito, marami ang nagtatanong, nasaan si Interior Undersecretary Rico Puno na siyang itinalaga ni Pangulong Aquino na in charge sa PNP na ngayon may krisis sa kredibilidad at tiwala ng taumbayan?
Sabi ng Malacañang “out on official business” daw.
Kung natoto na si Aquino sa kanyang mga palpak sa mga unang buwan ng kanyang administrasyon, kasama kaya ang pagpalit ng mga palpak rin na tauhan?
Tingnan natin.
Naku, naalala mo na naman Mam Ellen ang paborito ng lahat na si Puno. Mahaba-habang inuman na naman ito sa Ellenville. 🙂
A text from a friend who is in security business:
“When the investigators are not into forensics but more into the usual suspects, objectivity is questionable.
Now that they can’t prove it as the handiwork of Abu or MILF, the real bombers go free.
But the objective (of the brains behind the bombing) may have been accomplished:to boost funding and to stun the present administration.
Kung hindi maganda ang pamamalakad ng namumuno na tao para sa PNP ay tiyak hindi rin magiging maganda ang gawain ng mga PNP. Mas bagay talaga na humawak sa DILG ay si Mayor Alfredo Lim. Ewan ko bakit iba ang itinalaga ng ating pangulo. Puro lang espikulasyon kung sino ang may gawa. Hindi matukoy kung sino talaga. Siguro iba ang tinutumbok nila.
Sa mga nababasa ko sa diaryo ay madami na ang dapat palita sa gabinete ng ating pangulo. Pero hindi mapalitan dahil siguro sa utang na loob. Iyan ang hindi maganda sa tao na may utang na loob para sa isang tao kasi hindi masyado makatanggi. Lalo na sa politika. Ang isang politiko kahit pa may kasalanan talaga ay ipagtatanggol talaga ng mga kasamahan niya sa partido. Kapalan na ng mukha. Political persons not stand for the truth, but they stand for their party. Eh kasi kung ilaglag sila ng kanilang partido ay baka mawala ang ambisyon niya sa politika. Mawala ang pangarap na makapangurakot pa.
Arvin, wala na akong bilib kay Lim after how he acted on the hostage situation on the 23rd of August. Biruin mo, sa halip na tapusin muna niya yung problema, nag-fine dining na muna! Di na lang sana nagpa-cater sa opisina niya para alam niya para i-resolve yung problema muna. Then he has the audacity to hide his irresponsibility.
Si Puno, ang basa ko dyan, pinaalis muna ni Pnoy yan kasi is is too HOT to handle. Ayaw naman ni Pnoy na pahiyain si Puno sa madlang pipol kaya pinabakasyon muna niya ito. Baka pina-around the world muna siya ni Pnoy, all expenses paid for by the people and to boot, tumatanggap pa ng sueldo na walang ginagawa. Yan ang pay back system sa Pinas.
I understand the hesitance of Pnoy not to name a specific group. Kung sa akin, sino ba ang may balak na bumalik sa POWER? Yan ang nag-destabilize ng gobierno ni Pnoy. Tanungin ninyo si Enrile at si Gonzalez ni putot at si Puno ni putot, Ermita atbp. They know how to create chaos. Kaya magingat si Pnoy. The terrorist groups easily own up to the bombing. They always say, “ginawa namin ito”.
Marami pa ring mababayarang terrorist, mga tauhan ni Ampatuan na kayang kayang gumawa ng bomba basta tama lang ang bayad. Di ba ito ang main income ng mga terrorista sa Mindanao, kidnapping, murder for hire, bomb making etc for big SUMS of money. Sino ba ang may bilyones na nakatago sa ibang bansa. Yan ang dapat na pagtuunan ng pansin ni Pnoy. He should be very cautious and not put his guards down.
Lalo na ngayon at may mga revelations tungkol sa mga generals ni putot. Asahan natin ang maraming distractions para mawala ang attention ng mga tao sa tunay na issues. Di ba may doctorate degree holder sa mga ganyang bagay?
At least tumama yung mga advisers ni Pnoy ngayon sa instant act of compassion. I believe that he is compassionate naman talaga. If he was not a performing senator, at least naman siguro he can do better as a president. He has the pedigree, anak ng presidente at anak ng aktibista na nakulong, one on the right and one on the left so siguro naman si Pnoy ay nasa CENTER. Let’s hope.
Hindi pa ngayon magpapalit si Pnoy ng cabinet positions. Aantayin muna niya yung one year ban sa mga talunan sa election noong 2010. Definitely Mar Roxas will be in his top cabinet post at yung mga iba pang mga naka-ticket niya at mga iba pang mga nagkandidato na sa palagay niya ay makakatulong sa kanya. Busing busy siguro si Balsy sa pag-i-screen sa mga ito ngayon…heh,heh,heh. Mga sisters, you screen the next cabinet men very well para hindi naman mapahiya si brother Pnoy!
This was sent to me by a friend which shows the mess that is the DFA under Foreign Secretary Alberto Romulo:
1. current status of the new proposed ambassadors
– amb. domingo lucenario, current aep to nigeria, kenya still being proposed for berlin PE., which contradicts to the “austerity measures” of PNOY.
– other political aeps like puyat-reyes and benedicto are being extended by romulo through his recommendations to PNOY
– according to WTO mission, amb. manuel teehankee still make his representations as ph permrep.
2. usec. rafael seguis, office for administration, still handles affairs which usec. jose brillantes, office for special and ocean concerns, should be dealing with.
– cases such as peace process, security and maritime issues.
– usec. brillantes becomes a puppet usec.
3. mr. michael macaraig, a regular dfa employee, drastically RESISTS major dfa rules e.g. wearing proper uniform, attending flag ceremony and many others, which Sec. Romulo ignored since 2004.
– according to some dfa employees, mr. macaraig manages to make his office in the dfa a free apartment without the knowledge of usec. seguis and sec. romulo.
4. dfa employees working in sec. romulo’s house.
– aside from mr. and mrs. adra, other dfa employees are working in romulo’s residence namely, diosdado carado and arnold tapucol.
5. leap frogging issues in the promotion
– the cases of messrs. ricky bolanos, and alfredo labrador v.
– mr. bolanos, was recently promoted by BFSA from contract of service to FSSO IV, while mr. labrador jumped from fsse III to fsso IV, which are obviously contradicts the rule of promotion.
Matuto rin sana si PNoy na sipain si Berto Romulo!
Mr. michael macaraig, a regular dfa employee (#3). What’s his hold over Berto that he can get away doing things of his own at his pleasure at DFA?! Another rotten egg serving incompetent Berto Romulo!
Macaraig was president of the DFA personnel association. That gave him the clout which Romulo needed.
I guess from there you can guess the nature of the relationship.
Noong mangyari itong pagsabog sa loob ng bus sa EDSA Makati, bigla kong naalala si Norberto Gonzalez.
Buhay pa ba ito at kumakain pa rin ng saging?
Maalala natin noon, bago pa maiproklamang Presidente si PNoy, may sinabai na siyang “Shadow Government.”
Pakiwari ko, malaki ang kinalaman niya dito.
Kung ito nga ay destabilization, siguradong alam niya iyan.
Mayroon daw siyang bubuuing shadow government. Isang paraan din kasi iyan para maiwaglit yung isip ng maraming tao tungkol sa mgaa opisyal ng AFP na mga halimaw na buwaya. Para pati maiwaglit yung galit ng mga tao sa ina at ama ng mga halimaw na buwaya.
Para sa ganon, mas madaling gapangin ang pagbabago ng sistema ng gobyerno kung saan, ang ina ng mga halimaw na buwaya ay hindi talaga makakasuhan. Ngayon nga di pwedeng kasuhan kasi nasa session ang tongress.
President Noynoy has never proven himself as a leader. He did not do well in Congress and Senate. But let’s give him some time to improve. Siguro naman mas marunong siya sa kanyang yumaong ina.