Sa Senate hearing noong Huwebes, tinanong ni dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines Angelo Reyes si dating military budget officer Lt. Col. George Rabusa,”During the time that I was chief of staff, if I became greedy?” (Noong panahon na ako ang chief of staff, naging gahaman ba ako?
Ang talagang tumbok nang tanong ni Reyes ay kung siya ay naging madamot at sinusulo lang ang pera.
Sinupalpal siya ni Sen. Jinggoy Estrada: “Hindi isyu kung ikaw ay gahaman. Ang isyu ay kung ikaw ay corrupt na hepe ng Armed Forces. Anong paki-alam namin kung ikaw ay galante?”
Shocked talaga si Reyes sa paglitaw ni Rabusa na iba na ang tuno ng kinakanta. Kasama na dito si Maj. Gen. Carlos Garcia, dating military comptroller na ang kanyang ma-eskandalong plea bargain agreement sa Ombudsman, ang ini-imbistiga ng Senado at House of Representatives. Pati na rin siguro si retired Lt. Gen. Jacinto Ligot, dating military comptroller din katulad ni Garcia at Rabusa ay inakusahan ng pandarambong sa pamagitan ng paggamit ng pera na para sa mga sundalo para sa kanilang pansariling kapakanan.
Binuko kasi ni Rabusa na tumanggap ng P50 milyon si Reyes nang siya ay nag-retire bilang AFP chief noong 2004. Pagkatapos daw nun, patuloy pang tumatanggap si Reyes ng P5 milyon buwan-buwan.
Pitong taon na nang mabulgar ang milyones na kinurakot ni Garcia nang mahuli ang kanyang mga anak na nagdadala ng $100,000 sa Amerika na hindi nai-deklara. Sa loob ng pitong taon na ito, matibay ang kuntsabahan nina Garcia, Ligot, at Rabusa. Walang pumipiyok. Kaya kampante sila an gang mga nasa itaas na malusutan nila itong kaso at hindi sila makukulong.
Hindi nila akalain na makunsyensiya si Rabusa. Naka-wheelchair si Rabusa nang siya ay sumipot sa Senado dahil na-stroke siya. Ang kanyang asawa daw ay may breast cancer. Marami sa kanyang ari-arian ay naka-freeze ngayon.
Ang usap-usapan sa military ay sumama ang loob ni Rabusa dahil pinabayaan siya. Siguro nang sunod-sunod na dagok sa kanyang buhay at pamilya, hindi na siya naala-gaan dahil abala na siguro ang bawat isa sa mga mandarambong na mag-secure ng kanilang mga ninakaw.
‘Yan ang sinasabi na wala talagang perpekto na krimen. At iba talaga mag-operasyon ang Panginoon.
Sabi ni Rabusa na naging maluwag ang kanyang pakiramdam nang maisabi niya sa Senado ang katotohanan. Marami pa raw siyang sasabihin at aabot daw kay Gloria Arroyo.
Binanggit ni Rabusa si dating AFP Chiefs Diomedio Villanueva at Roy Cimatu.
Sinabi ni Rabusa na ayaw sana ng kanyang asawa at mga anak ang kanyang desisyun na magsabi ng katotohanan dahil maglalagay sa peligro ng kanilang buhay. Ngunit sabi ni Rabusa, “Nawala na sa akin ang lahat. Walang nang mawawala sa akin.”
Malaki sigurong pera at iba pang materyal na bagay ang nawala kay Rabusa. Ngunit bago huli ang lahat, naisalba niya ang kanyang konsyensya at kaluluwa. Hindi pa huli lahat para kay Ligot at Garcia.
Tama si Rabusa sa kanyang motto sa Philippine Military Academy yearbook na ang buhay ay parang gulong lang. Kaya siguro hindi nagaatubili sina Estrada at Trillanes sa pagbulgar kay Reyes dahil malaki ang papel ni Reyes sa paghihirap na dinaanan nila.
Para kay Estrada, ang pagbaligtad ni Reyes noong Edsa Dos ang siyang nagpabagsak sa administrasyun ng tatay niya. (Sa akin naman,palpak din kasi ang administrasyun ni Estrada).
Para kay Trillanes, ang lumalabas ngayon ay vindication o nagpatotoo ng kanilang ibinulgar nang sila ay nanindigan sa Oakwood noong Hulyo 2003 na siyang rason na ikinulong sila ng sobra pitong taon. Sila na nagbulgar ang ikinulong, ang kanilang inakusahaan ay namayagpag. Ginawa pa ni Arroyo si Reyes na defense secretary, DILG secretary, at energy secretary.
Si Cimatu ang naging negosyador ni Arroyo sa Oakwood na tumnalikod sa usapan. Sinabi ni Cimatu na aprub sa Mlacanang na core leaders lang kakasuhan at sa military court lang. Nang bumalik na sa kampo ang mga Magdalo, tumalikod sa usapan ang Malacañang at kinasuhan ang sobra 300 na kasama, hindi lang sa military court. Kinasuhan sila sa civilan court.
Wala lang kay Cimatu. Ginawa siya ni Arroyo na special envoy sa Middle East countries na ipinagpatuloy naman ni Pangulong Aquino.
And if not for the U.S. customs intercepting that smuggled cash..these corruption in the AFP would had been forever burried among the dark secrets of the Corrupt Military Officers and their conspirators…
Sabi ni Rabusa na naging maluwag ang kanyang pakiramdam nang maisabi niya sa Senado ang katotohanan. Marami pa raw siyang sasabihin at aabot daw kay Gloria Arroyo. -Ellen
Dalian lang nya, baka ma-stroke sya ule e madiskarel ang bunyagan sa parte ng walanghiyang si Gloria!
Sinabi ni Rabusa na ayaw sana ng kanyang asawa at mga anak ang kanyang desisyun na magsabi ng katotohanan dahil maglalagay sa peligro ng kanilang buhay. Ngunit sabi ni Rabusa, “Nawala na sa akin ang lahat. Walang nang mawawala sa akin.”
Korek, may sakit na sya at dapat ay make peace with himself and his Creator na while his brain still functions.
Hindi pa huli ang lahat, ngayon pa lang nabubuhay talaga si Rabusa! Yey to you Col. GR!
“Binuko kasi ni Rabusa na tumanggap ng P50 milyon si Reyes nang siya ay nag-retire bilang AFP chief noong 2004. Pagkatapos daw nun, patuloy pang tumatanggap si Reyes ng P5 milyon buwan-buwan.”
The P5M Angie collects till lately? Ang tangna nya talaga!
Ngayon lumalabas ito na nagpapatotoo sa ating mga hinala noon pa re Gloria and pets!
Isalang na si Gloria and start peeling off that black shitmole on her evil face!
# 3
Ang puwedeng gawin ng mga abogado ni Jinggoy at Trillanes ay mag-petition sa RTC for a perpetuation of testimony under Rule 134. Sa gayong paraan, kahit ma-disable si Rabusa, o gawan ng aksidente, puwedeng gamitin ang perpetuated testimony sa hukuman.
Can’t wait for this one:
“Marami pa raw siyang sasabihin at aabot daw kay Gloria Arroyo. “
Efren Abu???
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20110130-317399/Ex-chief-of-staff-confirms-payola
#6. Thanks, attySnV, may solusyon pala ang problema ko, 🙂
Na TRO ng SC ang Truth commission pero di nila na TRO si Rabusa.
kita niyo na! sa mga taong panay reklamo kung bakit surplus lang ang binibigay ng America na mga equipments para sa AFP, eh yung luma nga eh pinagkakakitaan pa! ngayon, kita na ninyo “may pera naman talaga ang AFP” pero di lang pinapalabas para combat operation, kundi pinapalabas lamang sa mga personal liefestyle operation sa mga tao sa loob ng Camp Aguinaldo! Ang 50 milyon pesos ay nakakabili na ng maraming armas, pero anong ginawa? pinabaon lamang sa isang tao! nagpapadala pa pala ng pera ang United nations para e contribute para sa operations ng mga filipino peacekeepers, pero ayun, saan napunta? pinabaon lang ulit!
#6
I think Rule 24 of civil procedure is a more appropriate remedy for perpetuated testimony.
Sino ba ang editor-in-chief ng Inquirer? Itong header ng latest report nila Leila Salaverria, at Cynthia Balana ay palpak at walang kinalaman sa istorya.
Yan ang header pero ang pinatutungkulan ng text ay si Gloria Arroyo. At kahit pa palitan ng “Arroyo” ang “Aquino” nonsense pa rin maliban kung gagawing “Probe Arroyo as…” ‘Sensya na, grammar Nazi na naman ako uli.
“Marami pa raw siyang sasabihin at aabot daw kay Gloria Arroyo. “ – Isagani
Tungkol yata yan sa $2M arms deal na nakialam mismo si Putot. Payat. Ang bigtime e yung ipamimigay ang Mindanao sa rebelde pero sa Malaysia kokolektahin ang bayad. Bilyunang umaatikabo yan.
heto, sana panoorin ninyo ito.. mga videos ni Ed Lingao tungkol sa mga resulta ng corruption sa loob ng AFP! malaking tulong na sana para sa atin mga sundalo ang halagang 50 million pesos,pero pinapabaon lang pala para sa mga CSAFP!
http://www.youtube.com/user/edlingao#p/u/31/4oOyX8oUTWg
http://www.youtube.com/user/edlingao#p/u/37/hPG3fs7WH44
http://www.youtube.com/user/edlingao#p/u/36/TGZCvskYyIs
http://www.youtube.com/user/edlingao#p/u/42/2wi_Vs9bpwU
RE: #14. Ayos, Tongue. Kung ano ang gagawain ng senado ang mainam na makita – kung iimbitahan humarap si Gloria at kung sakaling humarap siya, kung papaano siya hahawakan ni Trillanes.
# 12
Looks like the first six sections of both Rules 24 and 134 have identical provisions/text.
Either way, it would preserve Rabusa’s testimony.
“Malaki sigurong pera at iba pang materyal na bagay ang nawala kay Rabusa. Ngunit bago huli ang lahat, naisalba niya ang kanyang konsyensya at kaluluwa…”
Depende kung ano ang motibo ni Rabusa sa kanyang pagsisiwalat ng mga baho ng AFP. Kung ang motibo ay upang maisalba ang kanyang sarili, paghihiganti o may kapalit na biyaya malabo sigurong maisalba ang kanyang kaluluwa. Ngunit kung ang kanyang motibo ay upang malinis mula sa katiwalian, korapsyon at sa lahat ng maling gawain sa AFP at humingi ng taawad sa Panginoon, malaki ang pagasa niyang maisalba ang kanyang kaluluwa.
Dapat lahat ng mga opisyal ng AFP (past & present) na sangkot sa katiwalian ay ipadala sa Egypt para gawing panangga ng mga Egyptian police laban sa mga nagproprotesta. 🙂
“Para kay Estrada, ang pagbaligtad ni Reyes noong Edsa Dos ang siyang nagpabagsak sa administrasyun ng tatay niya.”
Diba dahil anak siya ni Erap kaya bumagsak ang tatay niya mula sa pwesto? 😛
kawawang AFP
http://www.youtube.com/watch?v=4oOyX8oUTWg
heto pa, mga eroplano ng PAF…video mula ky Ed Lingao.
http://www.youtube.com/watch?v=2wi_Vs9bpwU
martin @ #21, thanks for sharing the video links.
Grabe talaga. Kawawa talaga ang mga sundalo natin.
#23 Mike
tingnan mo pa yang nasa #22, di ko akalain ganyan din ka walang-wala ang mga airman sa Philippine Airforce….ginawang paraan nalang ang kanilang pag-aayos sa makina ng mga choppers, iba ginamitan ng manicure,mga sight bulb binili na lang sa Quiapo(which yung original na bulb sight is $800,at sa quiapo 20 pesos lang) sa 50 milyon na mga pabaon at mga 5 milyon na mga monthly allowances, eh sana matagal na, maski nung 2001 pa, nagkaroon na ng maraming mga helicopter at mga cargo planes ang Philippine Airforce! sobra talaga ang kahayopan ng mga buwaya….
Sana huwag munang maatake ulit si Rabusa. Kailangan pa natin siya para mabigyan ng hustisya (which I doubt while Maldita Chedeng is the Ombudsman and the SC are almost all her appointees) ang kawalanghiyaan ni bansot. Kahit na walang Truth commission, kaya natin ito. All we have to do is to look for more Rabusas.
When the bansot is locked up in jail and all her looted assets are taken away from her, I would salute Pnoy for a job well done!
Wasn’t the you tube video maker of the C130 slapped with a case too in bansot’s time?
It would be even better if the “Ex-Chief of Staff” mentioned in the Inquirer will come out to confirm the “pabaon” system and all the other perks. Baka itong general na ito ay hindi nabigyan ng malaking pabaon…heh,heh,heh.
The teleserye of the AFP is getting more interesting. Abangan natin ang susunod na kabanata.
Now everybody knows why we could never solve the various rebel and crime waves of this country. The money doesn’t go where it is supposed to go.
And the more these situations can’t be quelled, the better it is for the generals and their cohorts. They get to go to Congress and ask for more and more budget for conversions. What a racket.
The question now is.. is Noynoy and his team capable of stopping all these and prosecute and jail all those sonnamaguns… fast…before we Ellenville bloggers depart from this world?
#28
“The money doesn’t go where it is supposed to go.”
mula nung 2001, ang gobyerno ng estados unidos ay nagpapalabas taon-taon ng military aid sa loob ng katagalan ng pamumuno ni George W. Bush….Naa-lala ko pa, matapos bumisita si Pidal sa white house at nabigyan ng red carpet status,sa taon na yun 2003, tumanggap ang gobyerno ng pilipinas ng $1 Billion bilang military assistance package for war in terror….tapos may mga blogger pa nagsasabi ng kulang2x, bakit daw mga surplus lang ng mga equipments ang mga natatanggap ng AFP mula sa Estados Unidos???? ang tanong na yan, ay dapat pala ang AFP chief of staff ang sumagot! siguro dahil gusto nila ng CASH keysa hardware!
Benjie Defensor? http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20110130-317399/Ex-chief-of-staff-confirms-payola
you’re right, vic. the whole system didn’t allow such palpable exposure of the truth despite Trillanes et al revelations…despite some leakages of the truth from within the system.
the exposure needed something foreign to the actual system to deviate from what is usually happening…there has to be an outside pressure to shake the whole system because change from within isn’t working…
and most likely will not work.
it is because, sad to say, still the corrupt system beats the outside help…from U.S. customs intercept to garcia’s arrest to garcia’s plea bargain and bail out.
now, it’s highly probable that a form of external pressure is again in the works–could be considered divine intervention to some–with all the adversities that fell down on rabusa (the good life down the drain, wife’s cancer, his brain attack, etc?), he is now belatedly singing the truth at the top of his voice…
but i wouldn’t want to count the chickens this early because rabusa has his personal motives…
number one of which is that
his change from within
is just prompted by his want
of saving his own skin!
let’s hope the truth (formerly a “gossip”) will all be revealed in order to beat the system. let’s just hope rabusa’s belated heroism will snowball among his peers…
…especially his peers in the
Philippine Millionaire’s Association!
may kasalanan din ang US dito kasi sa hangad nilang may mga sundalo sila sa MIndanao, panay ang bigay nila ng pera. Sa dami ba naman ng perang ibinibigay eh di nalula ang mga generals. They did not know what to do with the cash. Yan tuloy ninanakaw na lang. Bakit walang audit ng mga perang ibinibigay.
Noong nakaraang halalan ng pagka-presidente, ang paniniwala ng mga botante ay si Gibo ang bata ni Gloria. Ang sabi naman ng iba, si Manny Villar daw. Si Noynoy(Penoy ngayon) ang sabi ng marami ang diretso.
Ngunit sa mga galaw at appointments ni Penoy, sa pananatili ng mga tao ni Gloria sa puwesto sa pamahalaan, nagmumukhang si Penoy ang tunay na bata ni Gloria Arroyo.
Isa na diyan si Cimatu. Pusta, sa pamahalaan ni Penoy, puputi muna uwak bago mahustisya si Gloria Arroyo.
I remember when I first joined this blog. I bitched about the so called “aid” from the US in the form of equipments, planes etc, that were already in a “to be thrown out” condition. These were already rotting and outdated na pinipinturahan na lang and then passed on to us. Then we are stuck with the high costs of maintenance and since these equipments, gadgets etc are too old, parts are so rare to find so they are instead abandoned or part replacement were ordered overseas with padded costs. But these too are sources of GOOD kupit for the AFP.
We are barely scratching the surface of corruption in the AFP.
mabuti naman at si De lima will investigate the AFP corruption and Gazmin in the DND will also do his own investigations. Sige, i-by pass ninyo si Maldita ng Ombudsman. Palabasin na lang ninyo ang findings ninyo kapag wala na si Chedeng para hindi na niya ma-protektahan ang mga ASONG ulol at mga buwaya ni putot!
Mukhang walang ng makapipigil pa kay Rabusa upang ibunyag ang buong katotohanan. Kaya ang natitirang solusyon na lang para mapigilan sya ay patayin sya. Sana ay gumawa na sya ng mga dukomento at video recordings tungkol sa mga nalalaman nya bago sya todasin.
Hindi papayag si gloria na masabit sya jan kaya sasabihin nya kay Pnoy, “Hoy Pnoy kailangang gumawa ka ng paraan na hindi ako masabit jan dahil oras na masabit ako ay ipabubunyag ko sa mga tauhan ko kung paano namin dinaya ang botohan para manalo ka at ang pinagkasunduan natin sa pamamagitan ng mga sisters mo.” Ano ngayon ang gagawin ni Pnoy? Paiimbistiga nya kay De Lima at Gazmin at ang resulta ng imbistigasyon ay hindi totoo ang sinasabi ni Rabusa?
Itong si Gazmin e pa iimbistiga daw nya yong mga sinasabi ni Rabusa at hindi nya alam ang tungkol sa korapsyon sa AFP. Ang sarap batukan ni Gazmin, ano ang tingin nya sa mga kapinuyan mga tanga? Si De Lima ay wala ring mangyayari jan, politician si De Lima, tingnan nyo na lang yong mga ginagawa nya tungkol sa kaso ni Webb.
Hindi mangyayari iyun na iligpit nila si Rabusa dahil sila agad ang maiturong suspect. Ipanalangin nila na hindi siya masagasaan ng sasakyan dahil sila rin ang suspect for criminal intent.Nasa perception na ng tao iyan na oras may mangyaring masama kay Rabusa nakaturo sa kanila ang daliri ng tao.Naibunyag na niya sa senado kaya huli na. Sana noon pa nila siya pinatahimik ng hindi pa siya naka pag Obladi-Oblada sa Senado.
kung minsan iyung mga pinasabog na bomba sa senado ay nagiging lusis.Marami na silang inimbistigahan may nakasuhan ba? May naipakulong ba? Sana they can walk the talk at may action.Nililibang lang nila ang madlang pipol sa mga telesery nila.
Abanga natin sa martes kung sisipot si Merceditas sa Tongress inquiry.Ipaaresto kaya siya kung di niya siputin? Pag nangyari iyun baka may nasisilip na pag-asa.
Si Gloria malabong makaladkad sa Senado dahil mayroon silang tinatawag na “Legislative Courtesy” dahil Tongresswoman siya. Iyun nga lang hindi niya ma counter kung ano man ang sasabihin ni Rabusa tungkol sa participation niya kung wala siya doon.Dehado na siya..
Ito ang buwelta ng abugado ni Reyes,kakasuhan daw nila si Jingoy at rabusa sa Ombudmsman.–For What? Crimes na ba ang nagsasabi ng totoo sa Pinas?
Maari namang palabasin na heart attack ang pagkamatay ni Rabusa. Doon sa Warren Commission tungkol sa imbestigasyon kay JFK ay tinalakay nila ang tungkol sa chemical o lason na ginagamit ng CIA para patayin ang tao pero kapag gumawa ng autopsy ang labas ng resulta ay heart attack. Mayroon akong link noon sa youtube pero ayaw kong maghanap dahil matagal.
Bukas makalawa sina Garcia, Ligot at Reyes ay may hawak na ng Bibliya.Sasabihin nila na nagbalik loob na sila sa Panginoon.
Iyan tuloy ang napala nila sa kaayos sa Plea Bargaining ni Garcia..Sumabog..Buti nga sa inyo..
#33 – panahon pa ni Macoy yan…kaya lang mas marami ke Apo.
“I bitched about the so called “aid” from the US in the form of equipments, planes etc, that were already in a “to be thrown out” condition.” – psb
Didn’t know psb, bitcher ka pala, hehe….
That’s one reason America didn’t leave the diesel submarine Grayback sa Pinas…baka ipagbili sa alkida, wink!
Pareng Trueblue,
Iyung iniwanan nila Mc arthur na willys owner type Jeep ginawang pampasaherong jeepney ni Sarao.Ano kaya kung iniwanan nila ang submarine sa Pinas?Aquatic Jeepney..
“kung minsan iyung mga pinasabog na bomba sa senado ay nagiging lusis.Marami na silang inimbistigahan may nakasuhan ba? May naipakulong ba? Sana they can walk the talk at may action.Nililibang lang nila ang madlang pipol sa mga telesery nila.” – cocoy
I watched the ZTE scam investigation in the same manner as I watched intensely the OJ spectacle..thinking, aba! may maprepreso na rin. Yun pala sideshow ng mga senators, almost same senadores doing this freakshow right now.
“Ipanalangin nila na hindi siya masagasaan ng sasakyan dahil sila rin ang suspect for criminal intent” – cocoy
That’s what the Insurance Company do to big lotto winners. They hire drunks or anyone out-of-his-mind, put them behind a wheel and hunt the winner on the highways/freeways and sideroads and whack you with their vehicles…crazy one will be charged for dui/manslaughter. With a good lawyer provided by the secret company, plea bargain here and there.
Maybe probation is in the air or one, two years in the slammer. Crazy one comes out…he’s got lots of mula in his account, or maybe little or none at…attorney Agaton pocketed it all, hehe….
Kaya Pareng Cocoy, pag manalo ka ng lotto, disguise na kunti.
Pareng Cocoy: Ikaw bang gumupit ke eltikol Rabusa? Pag ako ang nagupitan ng ganyan…patay na yung barbero ko, lol…
May tama ka, trublue. Maganda na sana kung naisakripisyo nila si Garcia. Kaso, puro swapang sila, isinalba nila si Garcia habang kinangkong si Rabusa, gumanti si eltikol. Ngayon mapipilitan silang ilaglag si Garcia, baka pati na si Reyes wag lang madamay yung Donya.
Hindi pa tapos si Rabusa, at meron pa raw ibang tetestigong taga-AFP rin. Naloko na.
Ilang bus pa ang pasasabugin?
#33
“may kasalanan din ang US dito kasi sa hangad nilang may mga sundalo sila sa MIndanao, panay ang bigay nila ng pera.”
OO,mali din yan ng dating Bush Administration..pero nabanggit naman kasi ni dating national security adviser ni Pidal at ngayon ay Congressman ulit ng Paranaque na si Rep. Roilo Golez,yung military aid sana ay pwede din ma convert na hardware(helicopters,c-130s,weaponries and armaments), pero pinili nila ang “cash” at pinayagan na magkaroon ng “Operation Enduring: Mindanao”…
I just hope the Aquino administration will not drop the ball on this military corruption issue. In all honestly, I do not care if he (Pres. Aquino) is touching too many toes when it comes to the issue of corruption. I thought that even though he does, there are many who sacrifices themselves to do the right thing and suffered, not only from the hands of the many whom wronged the people but also our government. Those affected do not deserved to be in government anyways because they are nothing more but a bunch of thieves, no more any less. In addition, this is your promise and this is right to do for the country.
After all these revelations, many more in the past, do you think the people this time deserve a government deserving of the support of its people? Do you think it is also time for our government to take care of our fighting soldiers in the field instead of providing them mere handouts?
“Ilang bus pa ang pasasabugin?” Palagay ko hindi maka-graduate sa “study” nila ang president’s men. 🙂
Tongue, hindi lang bus ang pasasabugin. Those who want Pnoy to fail will endlessly think of destabilization. Marami silang nanakaw na pera para bayaran ang mga “FOR HIRE” villains. Kailangang mapagmanman si Pnoy at pagaralan niya ang lahat ng anggulo ng mga ito.
The putot is very wickedly smart. Nagaantay lang yan ng tiempo sa pagsayaw ulit ng Cha-cha. She is not in tongress for NOTHING! She engineered the ouster of Estrada in a year. How much more to oust Pnoy? Ngayon pa na marami pa rin siyang mga galamay sa gobierno ni Pnoy at maraming perang nakatago sa lahat ng mga bangko sa ibat ibang bansa. The putot is the biggest threat to Pnoy if you ask me. Hanggang nandyan sa labas yang bubuwit na yan, I do not see a peaceful Philippines. Ikulong yan at ang mga cronies niya at mananahimik ang bayan natin.
Useful background materials on Rabusa and Ligot:
http://groups.yahoo.com/group/PhilippineArmyScoutRangers/message/5909
http://www.newsbreak.ph/2004/12/19/a-comptrollers-hidden-wealth/
Natalo ni putot si Ivan the Terrible…she is “terribler”
indeed “small but TERRIBLE…mas matalino siya sa matsing…mas mabilis siyang lumusot at tumakbo..mas mabilis pa sa “rabbit”..even though this is is the year of the Rabbit…matatalo rin niya si Luci…siya ang reyna down under”…pero I still believe that truth will set the Philippines free..and she will go down to her “kingdom” at malitson sila very well done (cremated)..kasama si tabbaboy…and with all our prayers the Philippines will be one ..mahal ng Panginoon ang Pilipinas…
Ellen, those are very good background materials on Rabusa and Ligot.
It’s mind-boggling how these people can rob us of our taxpayer’s money with such impunity and such open display of their wealth and lifestyle.
With all that info, these people still manage to pass through the Commission on Appointments. So the Commission members are useless or in cahoots or just don’t give a damn.
All part of “tradition and culture”? My blood boils over.
It is hard to imagine how a once idealistic and incorruptible graduate of the “erstwhile-prestigious” institution as the PMA would someday “cheat, lie, and steal” later on in his professional career as a soldier. Come to think of it, what have they really accomplished to have even risen to the rank of a general,….let alone, a brigadier general ? Worse, what have they done to even become ambassadors, cabinet men, etc. if not to lick the ass of an equally corrupt commander-in-cheat ?
Philippine Military Academy,………….your days of grandeur and prestige are over. If this institution should produce more of the likes of Garcia, Esperon, Reyes, Ligot, Cimatu, Villanueva, Bangit, (to name a few of these idiots), it better close shop. The Philippines has enough of these incompetent fools everywhere. We do not need to sponsor and subsidize the likes of these assholes anymore who would later renege on the idealisms of the their alma mater and join the hordes of marauding thieves in Philippine politics.
pagkakataon na ni Trillanes na mangalap ng lahat ng ebidensya at ilabas sa publiko ang mga korapsyon sa AFP… 7 taon silang nakulong, magbubunga din ang kanilang mga sinakripisyo.. kaya pala ginawa lahat ng mga tuta ni Gloria ang lahat pra hindi sya makalaya… dahil siguradong lalabas ang kabulukan sa AFP!
tinanong ni dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines Angelo Reyes si dating military budget officer Lt. Col. George Rabusa,”During the time that I was chief of staff, if I became greedy?” (Noong panahon na ako ang chief of staff, naging gahaman ba ako
nanumbat!kapal ng mukha… sa sobrang kabiglaan… hindi nya alam nasa senate hearing sya…
mukhang ang “idealism” ng ilan sa graduates ng PMA ay sa papel lamang but actions speak louder than words..ang lungkot!
Right or wrong, mistah:
http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20110202-317916/Cavaliers-rally-behind-their-besieged-classmates
Rabusa’s first assignment after graduating was at AFP Comptroller’s office. Usually, new PMA gradutes as 2nd Lt. are assigned in combat or in the field. One needs to have padrino or connection to be assigned as aide to the General or at GHQ. Paano napunta sa Comptroller office si Rabusa, that’s the question.