Skip to content

Padalang nawawala

Nakatanggap ako ng sulat mula kina Vincent T. Gonzales at Johanna Nuguid Gonzales na nagtatrabaho sa a Dubai, U.A.E. at sabi nila ay kasalalukuyang nandito sa “ Pilipinas Kay Ganda.” May problema sila sa LBC Express cargo.
Ito ang sulat ng mag-asawang Gonzales:

“ Ito po ay sa problema namin ng asawa ko sa palpak na serbisyo ng LBC Express Cargo dahil nawala daw po yung box na ipinadala namin mula Dubai, para po sa pamilya namin dito at nakapangalan bilang tatanggap ang mother-in-law ko na si Emma V. Nuguid.

“Ang jumbo box (22 x 22 x 30 inches) po na ito na may tracking number na 421001166188 ay na-pick-up sa bahay namin sa Dubai noon pang December 4, 2010 at inaasahan naming mai-deliver sa amin dito sa Tarlac pagkatapos ng isang buwan.

“Nakakatawa na nakakagalit nga lang po dahil noong January 9, 2011, alas-dos ng hapon dumating sila dito sa amin para mag-deliver pero nung ibaba na ang box eh nawawala daw po, baka daw po nalaglag sa byahe eh closed-van naman ang sasakyan nila, at naka padlock pa. Pinapirma pa nila ang Nanay ko dun sa papel, pero ng malaman namin na wala ang box eh pinabura namin.

“Nag-report po kami sa LBC-Tarlac pero sabi di daw po nila hawak iyon at Cabanatuan branch ang namamahala dun. Kaya tumawag na lang kami sa hotline number ng LBC na 8585-999, kahit napaka-hirap makipag-usap sa mga call center agent nila at bababaan ka pa ng phone.

“Last January 13 nag-follow-up po kami ulit pero ayon po sa kanila negative daw po yung report na nawala yung box at pina-verify pa nila sa Cabanatuan at nandun naman daw yung box.

“Noong January 16, po bandang 7:45 ng gabi nagpunta ulit ang LBC sa bahay para magdeliver ulit ng isa pang box na pinadala namin at sinabi nila na nawala daw talaga yung box. Ayon kay Mr. Aurelio Gonzales driver ng LBC, kami pa daw po ang dapat mag-rereport sa office nila na nawawala nga daw yung box sa halip na sila ang makipag-usap sa amin dahil sila naman ang may kasalanan.

“Nakakapagtaka po na nawala yung box dahil sa condition ng truck, (totally closed, at de-padlock pa) ay napaka-imposible at pa-iba-iba din ang kanyang mga statement. Maging ang report ng call center nila eh iba sa sinsabi ng mga taga delivery truck.

“Masakit lang po para sa amin na mawalan ng mga gamit at pinaghirapan namin na mag-ipon ng pera para ipambili ng laman ng box na yun, tapos yun pala pag-iinterisan ng iba. Dahil na rin po sa kamahalan ng presyo ng mga bilihin dito sa atin, bumili kami ng mga pangunahing pangangailangan sa bahay.

“Hindi naman po namin basta napulot o hiningi ang lahat ng laman ng box na yun para mawawala lang pala dahil sa kapabayaan nila kung totoo man na nawala. Isa pa pong nakakagalit, pinagmamalaki pa nung pahenante ng truck na babayaran naman daw po kami dun sa nawala na yun. Ang sabi ko di namin kailangan ang bayad ng LBC, at ang kailangan namin eh mabalik samin yung box na yun.”

Published inAbante

13 Comments

  1. chi chi

    Naipamasko na ang laman ng box. Hindi na ako mauulit na magpadala sa LBC. Minsan ginawa ko nung nakaraang taon, I made a follow up pa from LBC headquarters sa VA hanggang sa Escolta ni walang sumagot sa akin sa telepono. Binugbog ko ng email, wala ni isang response. Dumating din naman, siguro isip nila ay hindi nila ako mapapalusutan.

  2. vic vic

    all my years, only had a bad experience with two door to door services, the ones whose operators abandoned the company and left the boxes to be claimed by the recipients at the customs…most did not even bothered…
    every year we send several boxes to mindanao and manila and each of them arrive in good condition and in time..so most of these services deserve a good commendation for their services and for the value, and the smiles they bring to many relatives who always anticipate the goodies, especially the Children..

  3. rose rose

    Noong buhay pa ang kapatid ko madalas ako nagpapadala ng balikbayan boxes at minsan hindi nakarating ang box..so ang ginawa ko sumulat ako sa Dept. that handles these things sa Washington DC…nagsumbong ako sa Consulate dito sa NY at pinadiaryo ko sa Filipino Ecpress at Filipno Reporter at mabilis pa sa alas cuatro na sabihan ang kapatid ko..but when he claimed it, he was charged for the fee…pero ang sabi ng kapatid ko hindi ako nagpapadala ng utang ko..kaya binigay din…ngayon hindi na ako nagpapadala via balikbayan
    box…kahit mahal ng kaunti postal mail na lang…kahit matagal segurado naman…kanyang kanyang paraan nga naman for the love of a “buck”…

  4. dinah-pinoy dinah-pinoy

    sabi nga nila, ‘shit happens’. kahit sa reputable airlines nangyayari ito. Ang masama ay kung madalas mangyari. balanse sana ang pagsusulat. kinuha sana ang panig ng LBC. nag research sana kung ano ang ‘record’ ng LBC.

  5. dinah-pinoy, okay lang sa akin kung hindi ka agree sa akin. Pero huwag mo akong laitin dito. Kaya I edited your comment

    Kung gusto mo akong laitin, karapatan mo yun pero huwag dito sa blog ko. Maghanap ka ng ibang venue.

  6. Naka-link itong articulo sa LBC Express cargo. Kung gusto nila magbigay ng paliwanag,ilathala ko.

  7. Mike Mike

    It happens everywhere, but that’s no excuse. Pag talagang nawala at di na maisoli, dapat pagbayarin ng LBC ang halaga ng nawala plus damages kung meron.

  8. duane duane

    Hello? Imbestigador ba si Ellen para kunin ang panig nang LBC bago i-publish ang sulat? At blog niya ito, kung ano man ang mangyari, haharapin niya yun!

  9. perl perl

    normal lang ang ganyang pangyayari… kung talgang nawala, pagbayarin ang nakawala… hindi madili ang proseso nyan kaya yung nagrereklamo.. kailangan ng tyaga at pasensya lalo’t nasa pinas na yung box bago mawala.. asahan na dadaan ka talga sa butas ng karayom…
    ayon sa kwento mukhang inaayos naman ng LBC yung complaint nung customer.. hindi nga lang siguro maganda ang naging paliwanag nung call center agent sa nagrereklamo… kung iba-iba paliwanag ng call center agent… thats normal kung iba-iba ang agents na kausap dahil posibleng hindi pa maayos ang sistema nila sa endorsement ng info…

    ano na ngyari after jan 16… nag report ba sila ulit? 8 days pa lang nakakalipas… kung talagang nawala yung box… siguradong matagal pa yan bago mabayaran…

    patunayan sana ng LBC na hari sila ng padala… huwag sanang maging “LBC: yari ang Padala”!

  10. Farcical… it’s like a game, a kind of gambling when one sends a parcel to the Philippines, you don’t know if your parcel will turn up or not particularly if you send something through the post office.

    Complained about this in person to Nick Rodriguez (former CGPAF and VCSAFP) who became postal chief after he retired; he was only half interested because he was more focused on trying to sell his BMW to me… 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀 😀

  11. dinah-pinoy dinah-pinoy

    sa tingin ko, hindi panlalait ang pagpuna sa kamalian. isa sa katungkulan ng isang mamamahayag ay ang pagbibigay ng pantay na pagtingin sa magkabilang panig. Nasaan ang panig ng LBC?

  12. dinah-pinoy dinah-pinoy

    Kung gusto mo akong laitin, karapatan mo yun pero huwag dito sa blog ko. Maghanap ka ng ibang venue. – Ellen

    Ellen,
    Ang Blog mo ay nakakabit sa mga pahayagan. Saang ‘Venue’ ba nararapat ang pagpuna? Sinubukan ko na i-click ang link ng Abante pero pabalik-balik dito sa Blog mo.

  13. LBC – Lost Balikbayan Cargo, yari ang padala!

Comments are closed.