Skip to content

Patuloy na kababalaghan ng Maguindanao masaker

Hindi na ako magtataka kung sa kahuli-hulihan, papalabasin ng mga abogado nina Ampatuan na ang 58 na namatay noong Nob. 23, 2009 sa Maguindanao ay nag-suicide.

At siyempre, kung nag mass suicide nga ang mga ito, walang kasalanan si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr. at ang kanyang ama na si Andal Sr., ang kanyang kapatid na si Zaldy, dating gubernador ng Autonomous Region for Muslim Mindanao. Hindi malayo na maabswelto na sila.

Matunog ngayon ang usap-usapan na tumataginting na P200 milyon ang pinakawalan na naman daw ng mga Ampatuan at mukhang makamtan na rin ni Zaldy ang kaniyang kalayaan na binigay ni dating Justice Secretary Alberto Agra at naudlot lamang dahil sa lakas ng galit ng publiko. Ngunit habang tumatagal, dumadami ang isyu na pinagka-abalahan ng mga tao, baka makuha na niya kasama na rin ng kanyang ama. Si Andal Jr siguro matagal-tagal pa ngunit doon na rin ang direksyun nun.

Noong isang linggo, sinabi ng isang abogado nina Ampatuan na si Andres Manuel na baka naman ang mga sugat na ikinamatay ng mga 58 na tao sa isang liblib na lugar ng maguindanao ay “self-inflicted” o kagagawan nila sa kanilang sarili. “Pwedeng atake sa puso. Asthma, appendicitis, o epilepsy,” sabi niya.

Tinanong niya ito kay Chief Inspector Dean Cabrera ng Philippine National Police na siyang nag autopsy ng mga biktima. Nanindigan si Cabrera na kahit kulang siya sa gamit sa autopsy na sugat galing sa bala ng baril ang pumatay sa mga biktima na kasama doon ang asawa at mga kamag-anak ng kalaban ng mga Ampatuan sa pulitika na si Esmail Mangudadatu. Sobra 30 sa 58 ay miyembro ng media.

Sobra isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang malagin na masaker ngunit parang hindi pa nakikita ng mga kamag-anak ng mga biktima ang hustisya. Nakakulong ngayon sina Ampatuan at iba pa nilang kasabwat ngunit makapangyarihan pa rin sila sa pamamagitan ng kanilang milyunes na hindi naman nakumpiska at sa kanilang ibang kamag-anak.

At ang mga taong tumulong sa kanila at nakakakuha ng pwesto sa pamahalaan ni Aquino. Una na dito si Sixto Brillantes na dating election lawyer nina Ampatuan at ngayon ay chairman ng Commission on Elections.

Ang isa naman ay Atty. Raul Creencia na ngayon ay chief lawyer ng government –owned and controlled corporations. Ang asawa ni Creencia na si Mylene ay law partner ni Sigrid Forun, lead lawyer ni Andal Jr.

Ang isa naman na kagulat-gulat ay ang dating abogado ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting na si Howie Calleja na ngayon ay abogado ni Zaldy.
Kailangan patuloy natin bantayan ang kasong ito kung ayaw natin mangyari ang masaker ng hustisya at demokrasya.

Published inAbanteMaguindanao massacre

19 Comments

  1. Talagang makapangyarihan ang mga ampatuan. Ultimo mga matataas ang propesyon ay napapaikot nila. Kung idadaan lang sa pag asunto ang hinahangad na hustisya ay hindi makakamit kasi madaming paraan ang mga abogado para ma delay ang kaso. Nariyan pa ang pagbabayad ng malaking pera para sa abogado. Dito sa pilipinas matagal bago madesisyunan ang kaso lalo na kung maimpluwensya ang nasasakdal. Ang dapat talaga para mabigyan ng hustisya ang mga pinatay ng mga ampatuan ay patayin din silang mga ampatuan. Lusubin ang kinalalagyan nila nila na kulungan. Kung pumalag ang mga pulis ay barilin din. Konti lang naman siguro ang mga pulis na nagbabantay sa kanila. Kapag nabaril na ang mga pulis o ma hostage ay doon igawad na ang karumal dumal na paraan para pagbabarilin ang mga ampatuan na nakakulong. Iyon lang talaga ang magandang paraan para makaganti. Puntahan ang kinalalagyan nila ng maraming tao na puro may baril o lusubin. Hindi na aabot ng isang oras ay tapos na ang mga ampatuan na iyan. Dapat nga lang malakas ang loob ng mga gagawa. Nakakahiya para sa isang abogado ang sinabi na baka atake sa puso o ashma ang ikinamatay ng mga biktima.

  2. Sa nangyayari sa kaso na iyan ng mga ampatuan ay matatapos na lang ang termino ng ating pangulo pero hindi pa makakamit ang hustisya. Iyon ay dahil sa dalawang rason. Una takot ang gagawad ng hustisya sa mga ampatuan baka sila ay patayin din. Pangalawa iyon ay dahil may pagka gahaman sa pera ang dapat sana ay hahatol sa mga ampatuan na iyan. Bigyan lang ng pera o kung anu ano pa ay hindi na paparusahan.

  3. chi chi

    Nag-mass suicide ang 58 ang pwedeng maging hatol sa karumal-dumal na pangyayaring ito, malamang kung lahat ng mga abogado ng Ampatuans ay nailagay na ng current leadership sa mahahalagang pwesto.

    Talaga bang walang alam si Noynoy sa mga personalidad na kanyang pinagaa-appoint?!

    Sanamagan!!!

  4. chi chi

    Walang posisyon pa dito sa Ampatuan case si de Lima?! Bakit kamay na marsmallow yata ang current dispensation sa kasong ito ng Ampatuans?!

    Kamukat-mukat natin and desisyon ay death sentence sa 58 katao na minarder!

    Putragis!!!

  5. rose rose

    ang sabi ng mga iba mahusay daw na abogado si Fortun(e)..at marami siyang na pa absulto na mga cliente (high profile clients). totoo obligation ng isang abogado to defend their clents to the max…pero sa nangyari ano ang maging lusot niya for the Ampatuans not to be a part of the crime if not the mastermind?…hindi ba ang turo sa atin “truth is justice”? and not just tiis? sana may katiting siyang pagunawa sa damdamin ng mga victims..at hindi lang ang tingin niya sa tao ay pera…Atty. Fortun, how much do you think is a life of an innocent person worth? ikaw lang ang makakasagot niyan…darating din ang araw at oras, minuto o segundo na maranasan mo din kung ano ang pakiramdam ng isang inapi, pinatay na walang kasalanan…just think about that…matalino ka..mahusay kang abogado…pero gaano ka kahusay na tao? oh well…your clients are worth more than a million, I guess…truth and justice is what many of us wish and pray you would do to serve your country..I hope your song is not “I owe my soul to the company store?” nakakalungkot kang tunay…

  6. Tedanz Tedanz

    Ang alam lang yata nitong bugok na ibinoto niyong Pangulo ay puro porma. Hanggang ngayon wala pang nangyayari sa kaso ni Glorya e di lalo na itong mga Ampatuan. Hay naku tiis na lang hanggang 2016.
    Ako’y naa-awa dito kay Pareng Henry na uma-asa pa hanggang ngayon dito sa bugok na Pangulo.
    Hindi ako mabibigla kung isang araw mabibigla na lang itong itong bugok … wala na ang hacienda nila. Ipinamudmud na ni Haring Corona …. wahahahahahaha.

  7. Mike Mike

    Baka naman mapatunayan ng hukom na humahawak ng kaso na ang ikinamatay ng mga biktima ay silang lahat ay na-tetano nung sila’y kinagat ng langgam. Hayysss!!! 🙁

  8. Isagani Isagani

    Sinira at binaboy talaga ni Gloria Macapagal Arroyo ang Pilipinas.

    At sa takbo ng kasalukuyan at mga nakaraang pangyayari, halimbawa ang pagkunsinti ni penoy kay puno, versoza, mga amnesty na sampal sa batas, pakawala ng mga kumunista, at iba-iba pang pansariling pasikat at bokyang gawa sa mga pangakong limot, patuloy ang pambababoy sa bayan at lipunan.

  9. kapatid kapatid

    Mass suicide? They probably shot each other, and while they were dead, they operated the backhoe and dug a hole, huge enough to bury themselves_meticulously arranging the displaced soil so as it would lead to landslide and cover them and some vehicles.

    They probably died of illness and not due to bullet holes which they bodies were found to have been riddled with. Apendicitis, Asthma, Ubo, Sipon, Lagnat. Lahat ng sakit isama na.

    WTF! If this Warlords_Ampatuans are set free, the Flipinos are fuc..ng idiots, naive, laid back and freakin’ hopeless! Yeah that would include me, unfortunately.

    Richard should demand for marathon hearings and be ready to confront this fckng lawyers of ampatuans for expected delaying tactics.

    Disaapointing and frustrated on this bullshit and continued BS from Fortun, Marquez et.al. If the government is not interested in pursuing this case, they should just say so and accept the bribes from the suspects. Then, perhaps the relatives and colleagues of the victims can explore other avenues to exact justice for those who were massacred. Dang!

  10. dapat talaga bantayan. Para walang makalusot.

  11. duane duane

    Bugok na kung bugok ang pangulo ngayon, wala nang magagawa diyan. At least hindi na sasakit ang ulo nang ilan dito sa susunod pang limang taon, at makakapag-isip ng maganda para sa sarili at sa bansa.

    Kawawa yung iba na aabot sa labing limang taon ang sakit nang ulo, baka bumigay na nang husto ang katinuan nila.

  12. tru blue tru blue

    “Hay naku tiis na lang hanggang 2016.” – tedanz

    Pipol tiis during Macoy for 20 years; tiis ke Cory; tiis ng kunti ke Tabako; nakahinga ang madla ng kunti ke Erap, masarap maghueteng hapi si juan at marya; naidlip si bigote; pasok si Goyang….tiis na naman ng syam na taon. 40 plus na tiis during five presidents; tiis muna ng kunti..2016 is just around the corner which is another bout of tiis ulit. Ibang mangungurakot will come out from the quicksand.

  13. From Peter Chanco:

    Dahil sa sunod-sunod na malalaking mga krimen at kaso, natatabunan tuloy ang mga nakaraan na mga kaso. Halimbawa na lang itong kaso ng mga Ampatuan. Hindi na masyadong pinag-uusapan ng mga tao at media. Habang abala ang mga tao sa pagsubaybay sa kaso ni Garcia at itong karumal-dumal na pagpatay kina Lozano at Evangelista, patuloy naman ang paggapang ng mga Ampatuan sa kanilang kaso. Sinusuhulan, tinatakot, sinasaktan at pinapatay ang mga testigo. Baka isang araw na lang magugulat na lang tayo maraming testigo at biktima ang babaligtad at ituturo ang Dominguez brothers sa pagpaslang doon sa mahigit na 50 na bikitma. Kung tutuusin, sisiw itong pagpatay kina Lozano at Evangelista kahit na sila’y sinunog kumpara sa mga biktima ng mga Ampatuan.

    Etong si Gen. Garcia naman, isang tingin lang sa pagmumukha na ay mukhang mandurugas talaga. Dapat mag-ingat tayo dahil baka isang araw nakaalis na siya ng bansa. Di ba Green Card holder siya sa US?

    Bakit naman itong si Raymond Dominguez ay doon sa Bulacan PNP nagpa-custody? Dahil ba ang protektor niya ay taga-Bulacan? Dapat ay dalhin siya sa Metro Manila o Camp Crame. Sa ibang bansa, kapag may bail ka ay kailangan madalas kang mag-report at hindi lalayo sa husgado. Iba sa atin. Kapag nag-bail ay parang nakalaya na. Mali.

    Ano na ang nangyari sa iskandalo ng Pag-ibig loan na ang utak ay si Delfin Lee? Sangkot din si Kabayan Noli at Bro. Mike Velarde? Burado na naman ba? Iyon sa C-5 Road Extension naman? Tapos na ba ang kaso at walang kasalanan si Sen. Villar at Bro. Mike?

  14. Para yatang sinasadya ang mga ganun na pangyayari para hindi na pag usapan pa ang isang malaking isyu. Kagaya na lang noong sa isyu sa jose pidal account. Halos laman lagi ng pahayagan ang isyu pati sa mga news tapos bigla siningitan ng sa bigas yata iyon o kaya iyong kay kris aquino at joey marquez tapos ayun nawala na ang usapin sa jose pidal. Ang media ay iba na uli ang tinutukan. At ito pa ang isyu rin tungkol sa Quirino grandstand na may mga tourist na napatay dahil sa panghohostage ni rolando mendoza. Ang isyu na iyon ay bigla na lang nawala ng singitan ni retired archibishop oscar cruz ng tungkol sa jueteng. Ang media iba na naman ang tinutukan. Minsan naiisip ko tuloy may kasalanan din ang media kung bakit ang isang anomalya ay hindi nahuhusgahan kasi ang media wala silang permamenteng tinututukan. Kung saan may malaki ang scoop ay doon sila.

  15. kapatid – January 23, 2011 8:46 am

    Mass suicide? They probably shot each other, and while they were dead, they operated the backhoe and dug a hole, huge enough to bury themselves_meticulously arranging the displaced soil so as it would lead to landslide and cover them and some vehicles.

    Seems like the only plausible explanation. If we are lucky, that’s going to be the official reason from our incredibly competent prosecutors and police authorities.

    Expect the saintly the Ampatuan clan to demand an apology from the government for the wrong done to them.

  16. tru blue tru blue

    At #13:

    Naku! Si Pedro Sako..nag email pa ke Ellen, di daw alam pumasok sa ellenville, eh nagkakalat ang mga galamay. Did you go to the moon? Hinabol ni Pareng Cocoy yan ng itak sa Politically Incorrect..lol….

  17. Golberg Golberg

    Ito ang problema sa democrazy!
    Marami ang gumagago at tumatarantado dito. Palibhasa mga crazy din.
    Sabi ng tatay ko sa akin, violent daw ang katulad ng pelikula ni Stallone na Judge Dredd. Yun bang babasahan ng sakdal ng isang street judge yung kriminal. Depende sa krimen na ginawa. Kung ang krimen na ginawa ay may capital punishment, on the spot binabaril. Dumaan naman sa process kaya lang shortened. Kasi caught in the act.
    Pwede naman gawin iyan kaya lang marami ang sumusuporta sa democrazy. Immoral din daw ang death penalty. Pero, paano naman yung mga biktima ng mga halang ang kaluluwa gaya nito?
    Buti kung halang ang kaluluwa. E kung walang kaluluwa?

  18. Golberg Golberg

    Maltakin nyo, yung hustisya binabraso. At gusto pang palabasin ng mga abugago na ang nangyari ay isang mass suicide. Self inflicted yung mga sugat na nakita sa mga katawan ng mga biktima. Gagawin pang tanga ang mga nakakaalam. Pati pulis na humawak ng autopsy gagawin ding tanga.
    Iyan ang democrazy, binabalahura ng mga may kapangyarihan. Pera lang ang ilalabas at ang prinsipyo ay pwede nang ibasura o ibaon sa lupa na parang tae.

Comments are closed.