Skip to content

Dapat ikondena ang pagpatay sa Samar 11

Peace Presidential Adviser visits one of the Samar 11 wakes
Tama ang punto ni Col. Antonio Parlade, Jr., hepe ng Public Affairs ng Philippine Army sa kanyang emosyunal na sulat kung bakit ang mga defenders ng human rights ay tahimik sa ginawang pagpatay ng New People’s Army ng 10 sundalo kasama ang isang bata sa Samar noong Disyembre 14, dalawang araw magsimula ang napagkasunduang ceasefire sa pamagitan ng pamahalaan at ng Communist Party party of the Philippines, National Democratic Front at NPA.

Nagawa ang pagpatay sa pamamagitan ng landmine sa Las Navas sa Northern Samar. Mga miyembro ng 803rd Brigade ang nasawi na pabalik na sa headquarters para umuwi sa pamilya sa Pasko at bagong taon.

Malalim ang sama ng loob ni Parlade. Sabi niya:

“ Ang tanong namin: nasaan ang mga human rights advocates? Nasaan ang mga nagpu-protekta ng karapatan ng mga bata?

“Walang naririnig ang sambayanan.

“Nasaan ang mga journalists na naniniwala na ang Armed Forces of the Philippines ang nagtanim ng e explosives bilang ebidensya para ipitin ang Morong 43? Itong mga explosives ang pumapatay sa ating kabataan.

“Saan ang mga ‘makatarungang’ tao na nagde-depensa sa Morong 43 na totoong ‘health workers?’

“Nakakabingi ang katahimikan. Saan ang mga taong naniwala sa panloloko ng mga kalaban sa pamamagitan ng pagpirma at pagbayag ng buong pahinang manifesto na nananawagan sa pagpalaya ng Morong 43 ng mga NPA na doctor?

“Walang simpatiya, no walang nanawagan ng hustisya para sa sampung sundalo at sa siyam na taong gulang na bata.

“Kailangan din ng Samar 11 ang hustisya.

“Nagtatanong kami bakit ang tahimik?”

Para sa akin, tama ang pagpalaya ng Morong 43 ngunit dapat ikondena rin ang nangyari sa Samar 11.

Natabunan ito ng selebrasyun ng Christmas at New Year at ng maraming malalaking balita bago mag Pasko katulad ng pagpalaya ng Morong 43, ang desisyun ng Supreme Court na labag sa Constitution ang Truth Commission na binuo ni Pangulong Aquino at ang pagpawalang-sala kay Hubert Webb at ang kanyang mga kasamahang akusado sa Vizconde masaker. Ngunit tama si Col. Parlade.

Inamin ng NPA na sila ang may kagagawan ng pagkasawi ng Samar 11 at pinanindigan nila ito na kasama daw ito sa giyerang kanilang pinaglalaban. Hindi naman ako sang-ayon dito. May element nga ng “bad-faith” dahil nagkasundo na ng ceasefire.

Pagkatapos ng limang taong walang pag-uusap, sa Pebrero, magsimula na ang pormal na usapan sa pamagitan ng pamahalaan at CCC-NDF para sa pangmatagalang kapayapaan.

Sana nga magkaroon na ng tunay na kapayapaan at mawala itong sitwasyun na tayong mga Pilipino, nag-aaway-away, nagpapatayan. Nakakalungkot.

Published inAbanteMilitaryPeace and Order

15 Comments

  1. Isagani Isagani

    Iisang paraan lamang ang makasisiguro ng katahimikan laban sa mga CCC-NDF, at ito ay lipulin silang lahat!

    Malabong dahilan yang ‘Natabunan, ng ano pangyayari ang kaso ng Samar 11. Ang katotohanan ay walang simpatiya sa panig ng AFP. Para bagang phenomenon ito, na walang mukha at damdamin ang militar.

    May mga aminadong komunista sa Morong 43, ngunit ginagawang bayani pa rin at pinagtangol ng ilan sa midya. Actually, hindi na factual reporting ito at biased na editorial. At pinalalabas ng mali pa rin ang militar, samantalang ginagawa lang nila trabaho niya at pinuprotektahan ang sambayanan.

    Itong duwag na si joma na nag retiro at nagpapasasa sa Europe habang patuloy ang pamamatay tao ng mga tauhan niya, dapat diyan bitayin.

  2. Mike Mike

    Di nakakapagtaka na ang mga so-called human rights advocates ay bulag at bingi kapag ang pumapatay at namiminsala ay ang mga rebeldeng makakaliwa. Di rin ako magtataka na ang mga human rights advocates (KUNO) na ito ay front lang ng mga rebeldeng NPA.

  3. Mike Mike

    Media reporters should try and get comments or reaction from these so-called human rights advocates regarding Samar 11. Let’s hear from them what they can say about this. Baka magka-utal-utal ang mga iyan.

  4. rose rose

    “Peace on earth and goodwill to men” ang message ng Pasko..pero bakit napakailap makamtan ito sa ating bayan? a Christian country, a Catholic country? Bakit? ironical is it not? Pero it is not impossible…nasasaatin din ang katuparan nito..ano ang sabi natin? Ako ang Simula ng Pagbabago…we are now on a New Year…let peace begin with each one of us..”Let there be peace on earth and let it begin with me” hindi ba?

  5. humus humus

    Napakaselan bagay talakayin yan laban ng Pinoy sa kapwa Pinoy. Magkababayan sa helera ng mga mahirap ang nagpapatayan. Pareho sa panig gobierno o panig rebelde mga mahirap ang nadadale.

    Ang gobierno ang laging lumalabas na kontrabida. Hindi kasi magamit ang kamay na bakal. Kaya una pang huminhingi ng cease fire; gobierno pa ang mas interesadong makipag peace talks. Minsan ang kalambutan ay nagbubunga ng pangmatagalang kahinaan. Taga tugon lamang ang gobierno sa paglapastangan ng kaaway. Parang serbisyo civil, trabaho lang ang turing sa kanilang banal na mission.
    Si Ramon Magsaysay lamang ang tanging patriotikong lumansag sa mga matataas na kumunista. Biglang naging presidente siya. Wala na yatang makagagawa ng tulad ni Magsaysay sa pagiging marangal at makabayan at di matakaw sa marangyang buhay para sa pamilya. Maselan talaga kung ang inaasahang magtatanggol sa bayan ay siya palang kaaway ng bayan, kalimitan karamihan ng naiipit mga mahirap lamang.

  6. humus humus

    Kung ang batas ay pinaiiral, walang saysay at mawawalan ng trabaho yang mga human rights na yan.

    Yang mga tax collector na yan kung labag sa batas yan
    Bakit hindi hulihin. Matagal na yan. Bakit pati DAW mayor, gobernador, at congressman nagbabayad ng tax diyan sa mga yan. Minsan naiisip ng mga masunurin mamamayan walang bayag ang batas, walang tapang ang autoridad.

    Ang gumawa ng krimen ay kriminal. Pag ang mga kiriminal ay naglipana, gumgagalaw at tinitingala sa lipunan. Magtuturuan lang ang mga yan. Pagandahan lang ng bola at katwiran.

  7. bayong bayong

    kaya may mga npa dahil sa kawalang hustisya, ang masakit ang mga ordinaryong sundalo o yung mga nasa hanay ng rank ang file ang palaging biktima. yung mga nasa itaas na posisyon nasa aircon lang at marami pang bantay naghihintay lang ng intelihensya sa mga illegal na gawain gaya ng illegal logging, sugalan, drogahan at prostitusyon. nag-aagawan at nag-aaway ang mga opisyal para sa mataas na puwesto o posisyon para magkaroon ng malaking intelihensya. ito ang masakit na kalakaran pansariling interest ang nasa isip hindi ang serbisyo publiko.

  8. bayong bayong

    ako ang simula ng pagbabago – kapag may pera ka saka ka lang iintindihan ng karamihan sa mga media personnel. ang pinakamalaking may partisipastyon kung bakit ganito tayo ay ang media, kasi maraming puedeng tapalan ng pera.

  9. Tuloy pa rin ang laban ng human rights vs inhuman lefts?

  10. perl perl

    Peace talk sa NPA… naku, suntok sa buwan! hanggat may hawak na armas ang mga yan… pati na MILF… walang mangyayaring peace… tapos na giyera ng hapon at martial law ni Marcos… dapat mawala na din ang mga yan…

  11. problema talaga ang mga NPA………………..

  12. para sa akin kahit pa tumigil na ang NPA sa kanilang ginagawa ay may uusbong pa rin na bagong grupo na kontra sa pamahalaan……….sa halip na tutukan ang NPA ay bigyang atensyon ang mga pilipino na kailangan ng tulong……….

  13. Goddamn Communists! You can’t trust them… As I’ve said, there can be no parallel armies in the Republic… There can only be one army in the Republic! All those armed groups that want and go about doing everything to overthrow the Republic must be dealt with appropriately. Govt should entice those bandits to turn themselves in with good offers (of course, govt must honour promises) and if these bandits refuse to come back to the fold, then govt has all the right in the world to hunt them down to the very end of the earth.

    Reminiscent of General Templar’s “minds and hearts” strategy to beat the communists in then Malaya.

  14. Winning hearts and minds… (Gen Templar)

  15. perl perl

    talong-talo talaga ang bansa o gobyerno sa NPA… kapag pumasok ang bagong administrasyon… natural lang naman magkaron ng peace talk… tatagal ang negosasyon… at hindi kalaunan… babagsak negosasyon… giyera din ang punta… pero hindi din sila malilipol… at matatapos termino ng kasalukuyang presidente… peace-talk ulit sa pagpasok ng susunod na presidente… paikot-ikot… kaya forever na yang NPA… kaya mahirap talang umunlad ang pilipinas…

    ano na solusyon? cha-cha? martial law?

Comments are closed.