President Aquino’s trust and admiration of recently retired Philippine National Police Chief Jesus Versoza have remained unshaken despite the Aug. 23 tragedy and the jueteng exposé of retired Archbishop Oscar Cruz.
In his speech during the PNP change of command ceremony last Tuesday, Aquino heaped praises on Versoza.
He said: “At tiyak po akong aabutin tayo ng gabi dito kung iisa-isahin pa natin ang mga tagumpay ni General Versoza. Kaya naman po kasama ko ang sambayanang Pilipino sa paghahayag ng taos-pusong pasasalamat sa tapat at mahusay na pamumuno niya sa PNP.
“Sa loob ng halos apat na dekada, isinabuhay niya ang tapang, disiplina at propesyonalismo. Sa kabila ng kislap ng maraming medalyang iginawad sa kanya, namayani pa rin ang kanyang sinseridad at prinsipyo, dahil batid niyang ang pinakamalaking gawad na maibibigay ninuman ay ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.
“ Sa likod ng sangkatutak na batikos at pamumulitikang kanyang pinagdaanan, hinarap niya ang mga ito nang may integridad at walang kinikilingan upang maitama ang anumang pagkakamali, at patuloy na mapaigting ang interes ng sambayan.”