Skip to content

Bawal sana ang utak pulbura sa bagong taon

Photo courtesy of http://www.solarnavigator.net from the website of Arnel Syjuco Oroceo
Tatlong araw na lang bago magbagong taon ngunit ang dami nang napuputulang ng daliri sa paputok. Hindi talaga tayo natututo.

Bakit ba ganun tayo mag-celebrate ng New Year, nakakasakit ng katawan?

Noong nagkaroon ako ng Marshall Mc Luhan grant sa Canada noon 1999, nagsalita ako sa isang grupo ng mga Pilipinong estudyante sa elementary grades sa Winnipeg. Tinanong ko sila kung ano ang name-miss nila sa Pilipinas. May ilang sumagot ng putukan kapag bagong taon.

Talagang mami-miss nila ang putukan sa New year dahil istrikto ang Canada sa paglinis ng kanilang kapaligiran.

Kung maari lang umaalis ako sa Manila kapag bagong taon dahil may asthma ko. Kapag New year, nagkukulong na lang ako sa kuwarto.

Dati okay sa probinsiya namin, may sayawan sa plasa. Pag dumating ng hating gabi, umiikot sa buong baryo at sumisigaw ng “Adios” sa patapos na taon at “Viva” sa bagong taon.

Ngunit ngayon, marami na ang nakakuha ng masamang ugali sa manila. Nagdadala na rin ng mga paputok. Payabangan na rin.

Ewan kung meron nang pag-aaral ang mga social scientists tungkol sa hilig natin sa delikadong selebrasyon ng New Year. Kasi bilang Asian, hindi tayo bayulenteng mga tao. Bakit pa kapag bagong taon, lumalabas ang ating pagka utak pulbura?

Sabi ni Efren Cordero Pimentel sa Facebook, ang mahilig lang sa putukan kapag New Year ay ang mga “utak pulbura”.

Ang mga yun, sabi niya, “Mga taong walang tunay na pagmamahal sa kapwa, bayan at kalikasan ang may hilig at gusto ang paputok. Ang paputok ay simbolo ng yabang at aksaya .Makasarili at puro ingay. Paimbabaw na kasayahan at pagkatapos dumi at salot sa kalusugan ang dulot.”

Mabuti nga pinagbabawal na sa mga sundalo at pulis ang magpaputok ng baril kapag New Year. Marami na ang namatay at naperwisyo dahil sa utak pulbura ng ating mga sundalo at kapulisan kapag bagong taon.

Hindi rin naniniwala si Vince Gonzales sa pamahiin na mas malakas ang putok, mas swerte ang papasok na taon. Sabi niya sa Facebook , “Kung talagang may swerteng hatid ito kuno, ano naman ang kapalit? Masama lahat ang epekto. “

Sabi pa niya maling pamana ng mga Intsik ang ating pinapanatili. Bakit daw ang India na tunay na naka- imbento ng paputok eh inalis nila sa kanilang kultura. “Tayo pa kaya,” hamon ni Vince.

Dagdag pa ni Vince,kaya natin yun. “Basta self-descipline, isipin natin yung kapwa natin saka ang Mother Earth.”

Paala-ala ni Mark Cohen, huwag na huwag magpaputok sa bandang South Super Highway malapit sa kanto ng EDSA kung saan nandun ang tagas ng gas at baka magkaroon tayo ng “biggest bang ever for Metro Manila.”

Maraming paraan para maging masaya ang ating pagsalubong ng bagong taon na hindi magbibigay ng panganib sa ating buhay. Ingat lang.

Masaganang Bagong Taon!

Published inAbanteHealthPeace and Order

20 Comments

  1. Mike Mike

    Tama ka Ms. Ellen. Payabangan nalang ang ang pagpapaputok ng mga firecrackers sa atin during New Year’s celebration. I used to enjoy doing that during my teen years. We were competing with our neighbors then, palakasan at paramihan ng paputok. That was years ago and I realized that it is only a waste of money and also very dangerous to be playing with it.
    According to my Tsinoy friend, the Chinese light firecrackers only on special occasions like weddings, house blessing and during Chinese New Year. He says it’s a way of driving bad spirits away. But they don’t over do it. They usually lit about two to three rounds only and thats it. Di tulad sa ginagawa ng iba sa atin na padamihan at palakasan ng paputok.

  2. Mike Mike

    Ang nakakatawang at nakakainis lang ay ang pag selyo ng mga baril ng pulis tuwing bagong taon para daw ma prevent ang indiscriminate firing. Di ba dapat alam ng mga pulis natin yan? It just shows kung anong klaseng pulis na meron tayo. Grabe talaga!!!

  3. martinsampaga martinsampaga

    may iba mga private owners ng mga na talagang nagpapaputok pa rin pataas ng mga baril…. Yung mga pulis naman, nanghihiram ng mga baril mula sa mga kamag-anak nila para sila’y makakapagpaputok sa bagon taon.

  4. Rudolfo Rudolfo

    Ang kulturang ito, nag-papahiwatig na talagang, matigas-mapusok-man-hid ang maraming Pinoy sa batas, ng Tao at Diyos. Sa Tao yuong maraming aksidenting nangyayari, putol na mga daliri, at pag-labag ng mga pulis at may-ari ng mga baril, para mag-paputok. Labag sa Diyos, ay yuong mga namamatay sa mga paga-waan o pabrika ng pa-putok. Gina-gawa ang mga pulbura, para lamang sa kukunting salapi o pera, kahit na delikado. Kung lilimiin o iisipin, maliit na ugali ngunit di ma-putol-putol o makontrol, ng sariling katawan at nag-papalakad ng batas, tungkol sa bawal na paputok. Dahil na din nga sa isang kulturang mali, ngunit malimit na gina-gawa, na katulad ng pag-nanakaw sa kaban ni Juan de la Cruz. Pwede naman yata ang pag-iingay sa ibang paraan, huwag lamang ang baril at pulbura.

  5. balweg balweg

    Bagong Taon…tayoý magbagong buhay! Ito ang wish ng bawat isang kinauukulan, but sad to say na tama ang tema ng ating paksa…Utak Pulbura sa Bagong Taon, kasi nga po ganito yan?

    Walang kadaladala ang marami nating kababayang Pinoy, walang unang pagsisisi kundi sa huli kaya po ang bukang-bibig e di na mauulit ang isang bangungot na habang buhay dadalhin ng bawat biktima ng paputok.

    Once and for all, dapat total ban ang gawin ng gobyerno sa pagproduce at paggamit nito para wala ng problema at tipid sa budget ito ng bawat pamilya at healthcare providers.

    Simple di ba, kung walang producers ng paputok e walang magiging biktima…if illegal naman ang sources nito e ipataw ang mabigat na parausa sa mahuhulihan o gagamit nito.

    Tapos ang isyu…Hapi 2011 to all!

  6. perl perl

    utak pulbura: ano bang ibig sabihin? trigger happy? war freak? mainitin ang ulo? mahilig magpaputok? well hindi nga mganda… pero kung ang pagamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon ang paguusapan… mahirap ng alisin… dahil nakagawian na… nakalakihan… nakasanayan… masasabi ngang kasama na kultura natin… mahirap talgang alisin… lalo pat wala pang batas na nagbabawal…
    ako, nagpaputok sa bagong taon… bakit nga ba? pagyayabang ba? hindi naman kasi mura at konti lang binibili ko eh… basta nakasanayan lang… naging parte na ng selebrasyon at parang hindi kumpleto bagong taon kapag hindi nagpaputok… at isama na natin ang kasabihan nagpapaalis ng malas…

    sa mga hindi naman pabor sa pagpapaputok… wag na lang pansinin… para maiwasan ang mainis… maghanap na lang ng paran kung pano ienjoy ang bagon taon…

    Happy New Year!!!

  7. bayong bayong

    ang kapulisan tinatalian ng masking tape ang dulo ng mga baril sa harap ng media para ipakita na hindi puedeng magpaputok ng baril ang pulis dahil kapag nabutas ang tape pinaputok ito kaya ang ginagawa ng pulis tatanggalin ang tape saka papaputukin ang baril tapos ibabalik ang tape. at least naipakita ng kapulisan na hindi sila ang nagpapapputok kasi may tali ng tape. dapat tanggalin na ang pakitang tao patali-tali pa pa papogi lang naman kung tatalgang gustong matanggal ang pagpapaputok ng baril sa hanay ng kapulisan dapat paraffin test ang gamitin.

  8. balweg balweg

    Mahirap talagang ispilengin ang mga Kababayan natin na ayaw makipagcooperate at ang laging katwiran e nakagisnan na daw ang magpaputok tuwing bagong taon?

    Pero sa oras na maging biktima ng paputok e lahat ata ng santo e tatawagin upang masolusyunan ang problemang kinakaharap sa buhay.

    Dapat maging responsable tayong mamamayan at yong ugali-asal e never ito na nasa ilalim ng talampakan para makapag-isip naman tayo ng bagay na simple at makakabuti sa ating lahat.

    Marami namang way to celebrate ang Bagong Taon so dapat doon tayo sa safe at masayang pagsalubong sa 2011 di ba.

    Kaya e promote natin ang, “NO Utak-Pulbura…YES stop Paputok!”

  9. balweg balweg

    #7, Bayong

    Hehehe…korek ka Igan, papogi point lang ang dramang yan…akala ng mga promotor niya e ngayon lang tayo isinilang sa mundong ibabaw?

    Buhay nga naman, ang babaw ng kanilang kaligayahan sa buhay…mapag-usapan lang at maging IN e gusto naka frontpage ang mga Kapulisan natin….bwahaha.

    SOP na dapat yan tuwing darating ang Bagong Taon…ang hirap e marami pa din ang Utak-Tingga, e ka nga trigger happy basta makapagpaputok e di nila alintana ang delubyo na ihahasik nito sa magiging biktima.

    Sang-ayon sa latest news, ” There is an estimated 1,110,372 loose firearms all over the country with the biggest concentration in National Capital Region (NCR), according to the Philippine National Police (PNP).

    http://www.mb.com.ph/articles/294724/11-million-estimated-loose-firearms-ph

    Imagine, 1.1M loose firearms ang nasa kamay ngayon ng kung sinu-sino Pinoy…di ba alarming, so ano pa ang inaantay ni PeNOY…ang Torotot Commission upang kumpiskahin ang mga armas na ito.

  10. rose rose

    bawal ang magpaputok..a couple of years ago here in Jersey City, nagaway ang isang police at ang kapitbahay na Filipino dahil sa pagpaputok..which resulted in the death of the policeman and the imprisonment of theFilipino.bakit pa ba kailangan ang paputok? noong araw sa amin sa Antique mahal ang rebentador kaya walang nagpaputok ..was this not introduced by the Chinese? basta pagkuartahan ok.. business nga naman..

  11. Kalboro at Kanyon kawayan na lang at saksakan ng lata ng darigold ang dulo,tipid pa.

  12. From Tessy Ang Sy:

    Totoo and sinabing utak pulbura ang mga taong napapaputok sa bagong taon, sumisira ng kalikasan, ng kalusugan ng tao at lalo na ng mga ari-arian.

    Hindi totoong nagpapalayas ng malas ang pagpapaputok. Dapat sabihin sa fengshui masters ito. How can you bring in luck for the New Year when you do so much harm to others at the parting of the year.

  13. More from Tessy Ang Sy:

    Ang mga Tsino ang nagdala ng paputok noong panahon ng kastila. In fact, they had to ask for special permit to explode firecrackers during the Chinese New year.

    Hindi pampaalis ng malas kungdi tanda ng selebrasyon, pagdiriwang na natapos nila ang isang buong taon na buhay pa sila at malakas pa.

    Sobrang hirap ng buhay noong panahon na yun kaya kailangan ipagdiwang ang survival at pagpapaputok ang naisip nila.

    Ang malas kapag nandiyan, hindi maalis sa pagpaputok. Lalo pa ngang maka-attract ng malas.

  14. Hindi naman puro masama ang kemikal ng paputok. In fact, yung pulbos na naiiwan sa lupa matapos itong bumaba mula sa hangin ay rich source ng Potassium, Nitrogen, at Phosporous – sangkap ng lahat na fertilizer.

    Pansinin ninyo, matapos ang ilang araw ng putukan, ang mga halaman ay mataba, lalo na yung mga namumulaklak. Kailangan lang na diligan ang lupa upang ma-absorb nito ang mga mineral na mabuti sa halaman. Hindi rin maganda na direktang nasa mga dahon ang mga kemikal dahil nasusunog nito ang leaf covering.

    Ang sari-saring mga kulay ng iba’t-ibang pailaw o fireworks ay nagagawa karaniwan sa pamamagitan ng paghalo ng pulbura at ng mga pinulbos na metal. Mahalagang ibalik ang mga pulbos na metal sa lupa kesa masinghot ng mga tao kaya dapat talagang magdilig ng paligid.

    Iwasan lang na basain ang mga hindi pumutok o umilaw dahil oras na matuyo ito at mabilad ay kusang sasabog kahit na hindi sinisindihan.

  15. Nahukay ko sa baul ko ang mga composition ng chemicals para makagawa ng iba’t-ibang kulay. Ginagamit namin ito noon sa paggawa ng stage effects nung mauso ang mga pasabog at pailaw sa concerts:

    Bright White = Aluminum or Magnesium + Barium Oxide (derive from Barium Chloride)

    Bright Blue = Powdered Copper + Chlorine compounds

    Red = strontium carbonate or lithium carbonate

    Yellow = Sodium Nitrate or cryolite

    Orange = Calcium Sulfate/Chlorides

    Green = Barium + chlorine

    Violet = strontium + blue (copper+chlorine)

    Silver = aluminum/magnesium/titanium powder and flakes

    Gold = carbon in powdered iron + charcoal

    Dati, kahit sa Mercury Drug ay makakabili nitong mga chemicals na ito, kaya lang hinigpitan ito matapos mauso ang mga homemade bombs. Ngayon ay kailangan pa ng special permit to import.

    Yung mga gawaan natin sa Bulacan, noong araw ay gumagamit lamang ng mga natural na substances, gaya ng ebak ng kalabaw, para sa kulay berde, ebak ng ibang hayop para sa ibang kulay, tisa o dinurog na balat ng shellfish para sa dilaw, etc. Kaya naman pag nasabugan ka ng lokal na paputok, malamang na ma-tetanus ka.

  16. Yung mga nagpapaputok ng baril, dapat naman ay maging responsable. Naiintinihan ko na maraming gun owners ang hindi man lamang napapautok ang kanilang baril sa loob ng isang taon, kaya mahirap ding hindi nila alam ang “feel” kung sakaling darating ang panahong gagamitin nila ito sa pagtatanggol ng sarili at pamilya. Isinasabay nila ito sa ingay ng putukan ng bagong taon.

    Kung kailangang magpaputok ng armas, dapat ay sa puddle of mud o tambak ng putik (hindi yung mabato o matigas na lupa dahil baka bumalik sa yo ang bala mo). Dalawa o tatlong putok ay tama na. Higit sa lahat, huwag itututok paitaas. Kung kaya mo rin lang ay mag-firing range ka na lang.

    Sa Pasay kasi ay maraming nadidisgrasya ng ligaw na bala tuwing bagong taon. Itinututok ng iba papuntang Manila Bay yung baril nila sa pagaakalang ligtas iyon. Sa laki ng na-reclaim na lupa, di malayong meron taong tamaan sa parteng iyon. Madalas pa lalo’t lasing diretsong pataas ang tutok, di bale kung eksaktong sa kanya ang bagsak noon.

    Maging yung mga taga-Makati sa Manila Bay din ang tutok, akala nila ay aabot doon ang bala nila, kadalasan sa Pasay lang bumabagsak. Kung ginamit sana nila ang pinag-aralan nila kahit sa high school Physics lang, alam nila ang lugar na tatamaan kung ang anggulo ng tutok at velocity ng bala ay alam nila.

  17. Guido Guido

    Kalboro at Kanyon kawayan na lang at saksakan ng lata ng darigold ang dulo,tipid pa. – Cocoy

    Mabuti ka pa pare ko at may pambili ng kalboro, sa amin mahal iyan , kaya doon na lamang kami sa Marka Manok na kerosene. Lata ng Darigold? Nakow, ala kaming pambili niyan, hanggang gatas kalabaw lang kami. Lata ng CK Bagoong na kinakalawang ang ibinabala namin sa aming kanyong kawayan.

    Mayroon din kaming “fire”, di nga lang firecrackers kundi bonfire. Doon dala dala namin yong takip ng kaldero at lumang kutsara o tinidor, make noise na kami pag tunog ng 12 midnight, sabay kain nong kamote na niluto doon sa bonfire. Tapos palakasan na ng tunog ng ….alam mo na pag lumalabas ang masamang hangin sa katawan. ;8))

    Masaganang Bagong Taon sa Inyong Lahat!!!

  18. perl perl

    balweg – December 30, 2010 12:29 am

    Mahirap talagang ispilengin ang mga Kababayan natin na ayaw makipagcooperate at ang laging katwiran e nakagisnan na daw ang magpaputok tuwing bagong taon?

    igan balweg,
    subakan kong inspelengin at isa-isahin… ang pagpapaputok bilang selebrasyon sa pagsapit ng bagong taon ay mahahalintulad ng paninigarilyo… alam nang masama sa kalusugan.. naninigariuloy pa din… ang gobyerno… gumagawa ng paraan para hikayatin o takutin ang mga mamamayan para huwag manigailyo… pero hindi naman sila gumagawa ng batas para ipagbawal… hindi bat ganon din sa paputok?

    ako hindi naninigarilyo… pero hindi ako galit sa mga naninigarilyo.. ganon talga eh.. wala na kong magagawa dyan… kesa mainis… umiwas na lang… pero kung may maninigariloy naman sa bawal na lugar… dyan ako aalma… ibang usapan na…

    sa pagpapaputok naman… kahit may ayaw… may magagawa ba? bagong taon eh.. hindi mapipigilan yan.. kesa mainis yung mga ayaw… gumawa na lang ng paraan para hindi masyado maapektuhan… pero kung may magpapaputok naman ng hindi bagong taon o walang okasyon… iba ding usapan yan…

    wala naman gustong mainis sa bagong taon di ba? kaya dapat enjoy-enjoy na lang…

    utak pulbura ba? well, depende sa utak yan hehe…

    Happy New Year!!!

  19. Al Al

    Sa TV kagabi, ang isang bata, nagbabakasyon lang sila ng Nanay niya sa Manila, nanood lang sa nakakatanda na nagpa-putok, natalsikan ang kanyang mata ng parte ng paputok.

    Hindi na yata magandang pagsasaya yan.

Comments are closed.