Dalawang insidente sa Muslim Mindanao ang nangyari noong Sabado na dagok na naman sa seguridad ng bansa at nagpaala-ala sa atin na marami sa atin ang hindi na aabot ng diwa ng Pasko.
Una ay ang pagbomba sa simbahan sa loob ng kampo ng Philippine National Police sa Jolo at ang pangalawa ay ang pagtakas ng apat na suspek ng pambubumba sa detention center ng PNP sa Zamboanga city.
Kung sino man ang may kagagawan ng pagbubomba sa simbahan, maitim ang kanyang kaluluwa.
Nakakabahala din ito dahil kung itong lugar na dapat protektado dahil nasa loob ng kampo ng pulis ay napasukan ng terorista, saan pa ang lugar na ligtas ang ordinaryong mamamayan?
Wala naman daw namatay ngunit sampo ang nasugatan.
Ayon sa balita, ang bomba daw ay nilagay sa bubong ng evangelical church ng Sacred Heart sa Asturias st at mukhang pinasabog ito sa pamagitan ng cell phone.
Nagbabasa raw ng gospel si Rev. Romeo Villanueva ng sumbog ang bomba. Bumagsak daw ang kahoy at yero na bubong ng simbahan.
Ang simbahan ay 15 metro ang layo sa provincial police headquarters. Guwardyado ang kampo hindi lamang ng regular na pulis kasama na rin ang Special Action Force. Malapit din ang kampo sa detachment ng Philippine Marines.
“Hindi ko alam kung paano na bomba ang chapel. Kailangan ito imbestigahan, “sabi ni Chief Supt. Bienmvenido Latag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Dapat talaga. Maliban sa nakakabahala, nakakahiya ang ating mga security forces. Kayang-kaya pala sila pasukan ng terorista.
Mabuti lang mukhang maliit na bomba ang ginamit. Maaring testing lang ito sa pwede nilang gawin balang araw. Ang number one na suspek ay ang Al Qaida dahil galit naman talaga sila sa sa mga Kristyano.
Ang mga tumakas naman sa detention center ng Criminal Investigation and Detective Group sa Zamboanag City ay mga suspek sa pambubomba sa Patikul, Sulu noong Mayo 13. Sa bubong daw sila dumaan. Parehong bubong itong dalawang operasyun.
Mga ika-lima ng umaga daw nadibkubre na nakatakas ang apat. Siyempre imbestigasyun na naman.
Mukhang malaki ang problema ng PNP. Pwedeng sabihin na kahit anong higpit mo, kung determinado ang kalaban talagang makakalusot.Ito ay nagpa-alala sa atin na wala talagang ligtas na lugar, kahit gaano ka guwardyado.
Itong mga pangyayari ay dapat rin maggising sa ating pamahalaan na tingnan ang malalim na problema ng kahirapan sa Muslim Mindanao. Hindi lang ito problema ng pulis at militar. Problema din ito ng pang-ekonomiya at hustisya.
Well, sorry to say sa ating mga Kaparian na ang kaaway ng KRUS e walang kinikilalang batas yan either from Heaven or sa Otoridad?
Malungkot mang damhin ang pangyayaring ito e dapat magising na sa Katotohanan ang Sambayanang Pilipino na kailangang magkaisa tayo upang sugpuin ang mga kaaway ng lipunan.
Balik-tanaw tayo noong 1998, kung natuto lamang ang Simbahan na igalang ang gobyernong Estrada e disin sanaý tapos na ang rebelyon sa Mindanao at posible sa buong Pinas kung nagpatuloy ang sinimulan ni Erap sa pagneutralize sa mga rebelde at kita naman tumino ang mga Kapulisan.
Ang hirap masyadong nagdunong-dunungan ang mga Poncio Pilato sa ating bansa na akala nila e kayang patinuin ng isang Gloria ang Pinas? Malaking insulto at pagkakamali ang ginawa ng mga EDSA DOS conspirators na mang-agaw ng poder ng kapangyarihan sa lehitimong Pangulo ng bansa.
Lesson ito na dapat never na maulit ang ganitong hungkag na pananaw sa buhay…at magfocus ang mga Kaparian and other religious personalities sa kanilang misyon to propagate the goodnews not evil conspiracy upang masunod ang kanilang gusto.
Yon lang! Hapi 2011…
heto pa, isang damyos na ngayon lang nakitaan ng presyo sa maguindanao…
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=642977&publicationSubCategoryId=63
Reading this made me think of John Lennon’s Imagine, especially the ff:
…
Imagine there’s no countries
It isn’t hard to do
Nothing to kill or die for
And no religion too
Imagine all the people
Living life in peace
You may say that I’m a dreamer
But I’m not the only one
I hope someday you’ll join us
And the world will be as one
http://www.youtube.com/watch?v=2xB4dbdNSXY
…
Yeah, that’s very inspirational, Guido. Sad to think that his own life was ended by one of his fans whose copy of his album he had just autographed.
If I may, a line in this song – “Above us only sky” – is the motto of the airport in Liverpool, hence named after him.
Another timeless Lennon song, which is very relevant to the season and carries basically the same message as Imagine: Happy Christmas (War is Over)
Inspirational indeed Mr TT. Hmmmm… the murderer fame-seeker, “whose name can’t be mentioned again”. I think his peition for parole has been denied for the nth time. What a terrible thing he did, Lennon could have penned more meaningful songs for the whole world to enjoy and get inspired with. McCartney (who was just honored by The Kennedy Foundation), is a good composer too, so with Harrison and Starr (okay, maybe not Starr) but I can identify better with Lennon’s compositions.
I agree Happy Christmas is another timeless one!
Merry New Year Mr.TT!
Re # 3 and 4. Thanks for the links that remind us of the genius of John Lennon.