Skip to content

Lotto

Hindi ko talagang swerteng yumaman. Ni isang numero sa aking inaa-lagan na kumbinasyun ay nakasama sa nanalo ng P741 milyon bola ng lotto noong Lunes.

Taga Luzon daw ang nanalo at siya lang mag-isa kaya buong-buo niya ang P741 milyon. Tax free pa yun. Sigurado hindi makatulog yun ngayon.

Side story: Inquirer reporter fears for his life over Tim Yap’s twit

Sigurado bigla dumami ang kamag-anak nun.

Siyempre maganda yung maraming pera at kaipokrituhan naman siguro sabihin na ayaw mo ng maraming pera. Pero naiisip ko talagang maiiba ang buhay nung nanalo na yun.

Noong isang linggo, nang hindi pa nakuha itong pinakamalaking jackpot yata sa kasaysayan ng lotto, nag-uusap kami ng taxi driver kung ano ang gagawin niya kapag siya ang mananalo. Sabi niya, hindi raw niya sasabihin sa mga kamag-anak niya at mga kapitbahay.

Ngunit sabi niya ang unang gagawin niya ay bayaran ang kanyang mga utang at aayusin ang bahay at bibili ng sasakayan. Siyempre hindi na siya magta-taxi driver.

Hindi daw mag-iiba ang buhay niya kasi delikado daw. Naala-ala niya ang nangyari sa isang lotto winner na pinatay ng isang istambay na humingi ng pera sa kanya at hindi niya pinagbigayan.

Sabi ko, kung itatago mo lang ang pera mo, paano mo naman ma-enjoy yun. Nag-isip siya. Sabi niya aalis daw siya sa kanyang tinitirhan ngayon at pupunta sa malayo kung saan wala siya masyadong kakilala.

Sabi ko, malungkot naman yatang buhay yun.Ibig sabihin nun lalayo ka na sa mga kaibigan at kamag-anak at sa mga mahal mo sa buhay. Paano mo naman ma-enjoy ang pera mo.

Sa kakaisip at kaka-isip namin,sabi niya, ay “Huwag na lang ako manalo. Magkaka-problema pa ako.”

Tumawa nalang kami. Sabi namin, basta wala lang sakit, para ka naring tumama ng lotto.

Pinag-aaralan ngayon ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang paglagay ng limit ng lotto jackpot. Hindi katulad ngayon na dahil walang limit habang hindi nakukuha ng jackpot, may posibilidad na aabot ng bilyun-bilyun. Sabi nga ng PCSO general manager na si Margie Juico, “Parang hindi naman tama na sa isang tao lang pupunta ang ganung kalaking pera samantalang ang hangarin naman talaga PCSO ay tumulong sa mga mahihirap.”

Kung mas marami ang makinabang sa may limit sa jackpot, mas maganda siguro yun.

Ngunit ang pinakamahalaga sa lotto ay mapanatili ang integridad nitong laro at nagagamit ang kita sa dapat makinaang. Sugal na ito kaya lang legal. Nakininabang ang pamahalaan at ang kita ay nagagamit para tulong sa mahihirap.

Published inAbante

41 Comments

  1. Here’s a side story:


    PDI reporter fears for life over Tim Yap tweet

    Apparently, it was celebrity host Tim Yap who branded me the winner in his tweet a few hours earlier.

    “Eto na, PCSO confirms one winner—his name is Miko Morelos. He gets to take home the P741.2M peso Grand Lotto 6/55 Jackpot! #magtagokana!” he said in his Twitter account (@iamtimyap Tim Yap)

    The first thing that crossed my mind was how clueless Yap was on the subject. The PCSO does not disclose the identity of any winner for obvious security reasons.

    What was appalling was the hundreds of people falling for the false information. They even set up a fan page on Facebook encouraging me to spend the money wisely, while not taking seriously the clarifications from the Inquirer Twitter account and “Mr. Bigshot socialite” (Yap) himself.

    Yap continued with his tweets: “And guess what? Miko Morelos is on twitter! @mikomorelos I already sent a request. He protected his tweets already. #afraidforhislife,” @iamtimyap Tim Yap said.

    He tried to clarify the matter when he tweeted: “Okay, ladies& gents excited about the winner of the lotto jackpot—I received reports that Miko Morelos is the Inquirer reporter who reported about the lotto. Not necessarily the winner. #sorrynacarriedawaylahat.”

  2. Tim Yap should stick to high society chronicling. That way his harm to mankind would be confined to his ilk.

  3. Mike Mike

    Tim Yap = irresponsible!!!

  4. chi chi

    Sus, magpapapatay pa sya ng tao! Gago itong si Tim Yap, hindi ko kaano-ano yan ha!

  5. Mike Mike

    I must admit, nagtataya din ako ng lotto. But when the pot breached the 500M mark, I thought, paano kung manalo ako delikado buhay ko.. ngek. Hehehe
    So I stopped betting on the mega lotto. Baka manalo ako, delikado pa buhay ko. 😛

    Some FB friends were discussing about “what if” manalo ng 700M and some suggested:
    “Get out of the country and go to Singapore or Canada, safer with your millions intact”

    “Assume a new identity”

    “Hire bodyguards”

    “Give half to charity, goo karma”

  6. Mike Mike

    Miko Morelos must feel the same way as those people who were accused of a crime that they didn’t do. Take the case of Hubert Webb, some newspapers “sensationalized” the story and had it headlined with his picture on it. Just by it, people already made their conclusion without even reading or checking the details of the case.
    In other countries, the police would cover the face of the suspect with a hood of a suspect while being arrested and the media would withhold his identity. This is to protect the suspect since he is not yet proven guilty of the crime.

  7. Kakatira niya ng cocaine kasama ang mga socialites na ibinulgar ng Australyanong bading na si Bryan, sira na raw ang ulo niyang si Yap.

  8. Al Al

    Sabi namin, basta wala lang sakit, para ka naring tumama ng lotto.-Ellen

    I agree. Health is wealth.

    What will I do with those millions if can’t even enjoy it. Of course, you can avail of the most expensive medical treatment.

    I’d take good health any time.

  9. marz marz

    Question: Why did it take so long for the final Lotto result to come out? It almost reached P1B. Then, the winner’s name is not revealed and publicized. In other countries like the US and Canada, revealing the winner’s name is mandatory. Sigurado ba tayong legitimate and nanalo? O baka naman PCSO o gobyerno din ang nanalo? There’s no way to know if it’s a legitimate winner unless we know who he or she is.

  10. Mike Mike

    @marz, kung ako ang manalo ayaw kong malaman ng kahit sino, kahit sa kaibigan man o kamaganak. Gusto kong ma enjoy ang aking napanalunan. 🙂

  11. Tiga Candelaria,Zambales daw ang nanalo ng lotto.Lahat ng taga Candelaria ay nagpapakilala na na mga pinsan niya.

    Sabi ko nga sa kanila siya na lang ang gawing Mayor sa susunod at tiyak wala ng kurakot.

  12. chi chi

    Hahaha@Cocoy! Magpakilala na rin ako, taga Zambales naman ang aking mga ninuno e! 🙂

    Saka ko na iisipin kong ano ang gagawin ko sa panalo after na tamaan ko ang lotto, basta tumama lang ako, hahaha!

  13. Iba naman ang balita sa Subic. Taga-Maynila raw ang nanalo. Nag-excursion sa Subic dahil sa long weekend. Sa Royal Subic Mall ang outlet na tinayaan. Kahit ako diyan ang unang dapo pag pumupuntang Subic o Gapo. Wala pa yang lotto outlet na yan nung huli akong pumunta sa Royal nung May, this year. Lemonade stand lang yang pwestong yan.

    Okey lang kung taga-Zambales man o Maynila. Basta totoong nanalo, pwede na.

    Sayang yung plano kong Xmas party ng Ellenville, roundtrip tickets at accommodations para kina Cocoy, Magno, chi, Anna, Yuko, etc. at lahat ng tropang local siyempre kasama si Ellen. Canceled na rin yung reservation sa Grand Ballroom ng Makati Shang. (Sarap managinip!)

  14. Pag ganun pala kalaki ang premyo, nakakatakot alamin kung nanalo ka. Baka mamatay ka sa atake sa puso, hehehe.

  15. Tongue, Matunog ang balita doon sa amin na siya raw ang nanalo.Pinsan ko pa yata eh.Hahahaha!

    Sabi ko nga sa mga taga doon, siya na lang ang ilalabang Mayor sa susunod na election para marami siyang matulungan,una mawala na ang Tongpats.

  16. Katumbas ng $18m ang tinalo niya sa exchange rate. Mas malaki pala dito kung minsan pumapalo ng $300M.

    Ayun sa balita dalaga pa raw ang nanalo at nagtatrabaho sa SBMA.Hahatiin niya sa pamilya niya, house and Lot at isang Land Cruiser kay ate, kuya,mga pamangkin. mahina ang dalawang daan.Iyung mga Hayna na bundok syempre bababa iyan at makibalato, baka manghingi ng isand daang milyon.Iyung mga pari pa na magpapagawa ng bubong ng simbahan. Iyung public school na kailangan ang bagong kubeta, iyung mga pulis pa na gustong makibalato, liban pa sa mga tulisan. Kaya mahirap din pala ang naging katayuan ng nanalo.Kung hindi naman niya mapagbigyan nag naghihingi sa kanya baka ibitin pa siya ng patiwarik sa lampost ng Napocor.

  17. Kung mag mayor siya mayroon na siyang tatlong bodyguard na pulis.Medyo pa siya magiging safe.

  18. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    #9 marz: “In other countries like the US and Canada, revealing the winner’s name is mandatory.”

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    where did you get this information? the lottery agency would have more sense than jeopardize a winner’s privacy and security. the winner’s identity can be disclosed publicly only with his consent.

  19. marz marz

    Paano mo nalaman na dalaga ang nanalo? Suerte ang nobyo niya.
    The usual and common question being asked is what to do with the money. To those who don’t know how to handle money and finance, I’m sure vultures are around to help. P1B is actually not big. That’s only about $20M. Yes, it’s a lot more in the US but with huge tax too. Better in Canada ’cause the winner gets the money as is without tax.

  20. @ marz,–RAW–DAW–Sana totoo na para naman makapag share siya ng blessings sa mga kababayan namin na less fortunate. Makatulong siya sa mga kababayan ko..Happy na ako kahit wala na akong balato.

  21. bayong bayong

    moro moro lang yan lotto sila sila rin yan. pagtaya mo alam na agad ng pcso ang number na tinayaan mo bago ang bolahan. paano ka mananalo ng parehas. madali naman palabasin na may nanalo na kahit fictitious lang. sabi ni mike enriquez sabi daw ng malakanyang para mawala ang jueteng tumaya na lang sa lotto.

  22. MrG MrG

    Nothing has changed! Lotto results are still questionable for the simple reason that PCSO is unable to announce IMMEDIATELY after the draw that the winning ticket was sold. Please refer to: http://manilamail.com/archive/jan2006/06jan17.htm

  23. rose rose

    Tax free??????kaya ba tinatawag na Pilippine CHARITY sweepstakes? dito pag over $500 may tax na. Once, my late husband won $600 sa Meadowlands racetracks…nakatanggap siya ng tawag ng IRS and our tax returns were examined. ako naman daw ang gumastos ng pinalunan niya kaya ako ang nag appear sa IRS…namulot ako ng losing tickets na more than $600 and presented them. Ang sabi sa akin….”I can’t believe that out of these tickets you only won once…ang sagot ko “you want me to bring bags of losing tickets? it is ok na lang ang sabi niya..

  24. Cocoy, ssshhhhh! (Huwag mong ilagay sa peligro ang pinsan mo.)

  25. Balita lang iyan Tongue, hindi pa confirmed kung siya nga. Sana siya na…

  26. Huwag naman tayong bitter dahil merong ibang nanalo. Isipin ninyo na lang, sixty per cent ng itinaya ninyo, merong mga taong maysakit ang natulungan. P4.1B ang kinita ng PCSO diyan sa 6/55 simula nang hindi pa tinatamaan. Halos P2.5B ang napunta para sa charity. Makukuha ba yang tulong na yan sa jueteng?

    Kwento muna ako.

    Aaminin ko, nakinabang kami ng direkta sa PCSO. Ito ay nung labas-masok sa ICU ang Daddy ko at naubos halos ang kabuhayan namin. Ilang linggo sa ICU, ilang linggo sa bahay, balik na naman sa ospital. Paulit-ulit. Lahat ng savings namin, simot. Wala namang makakatulong na iba kaya sinubukan kong sumulat kay Honeygirl Singson na dating PCSO Admin.

    Binola-bola ko lang na kesyo kababayan siya ni Daddy sa Vigan, at kung anong paawa epek, pinadiretso agad ako (hindi ako pumila) nung assistant niya sa social worker for interview kahit madilim na. Walang problema, binigyan ako ng ticket at ipi-present ko lang daw sa ospital ay puwede ko nang ilabas ang erpat ko.

    Laking ginhawa sa amin kaya naman di ako nagsasawang tumaya diyan sa PCSO. Parang pang-thank you na lang. Pag sinuwerte ka ay yayaman ka pa. Habang lumalaki ang kita ng PCSO mababawasan yung kalunos-lunos na paghihirap mga taong nakapila araw-araw para sa panggastos sa dialysis, chemotherapy, caesarian, palibing, etc. na nanggaling pa kung saan-saang lugar.

    Nakawan man nila ang pondo ay marami pa ring matutulungan yan. At least ito sa TV binobola, hindi sa kubeta lang gaya ng jueteng.

  27. Rose, tax-free din dito ang horse-racing winnings. Or so it seems. Kasi, from the total bets, tinatanggal na agad yung tax at administrative fees na mga 35% at yung matitirang 65% ang mapupunta sa prize pool. Mas maganda ito kesa sa individual na hunting ng winners ng IRS diyan sa Tate.

  28. chi chi

    Tongue, ako dito regular ang lotto dahil sa public education and kita ng porsiento. Kesa sa kung saan-saan ko ilagay ang $10 kada linggo dun na lang baka makatsamba pa. Last week, tatlong numero tinamaan, ng tingnan ko Mega lotto pala while ang hawak ko e Super lotto. Mailap pa…. 🙂

  29. parasabayan parasabayan

    I won $10,000 in 1986 sa scratchers. The lottery took $2000 outright tax. And for that particular year, this winning was added on top of my income that year. Talk about double taxation!

  30. parasabayan parasabayan

    If I ever win any lotto ticket, no one will know I won. I will put all my winnings in a foundation, not to be registered in the Philippines but in a country with strict privacy laws. This foundation will put up schools and hospitals for the poor. I will just oversee the implimentation of the programs from a distance. This is my way of helping other people. Siyempre kung malaki ang winning, I will buy three pieces of property in the three prime cities I love, again maybe in a form of LLC and the incorporators will be in complete “incognito”. I hope the winner of the lottery reads this blog. Whoever the winner is, she/he can protect the winnings by putting these with an able financial planner and lawyers without anyone ever knowing he/she won. Kaya nga lang alam mo na sa Pilipinas, sa sobrang excitement and lack of legal know how, alam ng ka-pamilya ang winnings. Mamaya maya ang lifestyle changes. Bonga kaagad. Mamaya maya, nadulas si sister, si mother. Before one knows it may nag-plot na ng hindi kanais nais.

    I can not blame whoever won to want to conceal his/her identity. Mag-plano na muna ng mabuti.

  31. parasabayan parasabayan

    Hindi rin nawawala ang duda ko na “luto” ang panalo. Bansagan ba naman tayong the most corrupt country in Asia! Marami rami ding mabibiling boto ang 700 milyon kung pang local political positions. Malaki laki ding paghahatian yan kung sakaling mga empleado din ang nagluto. I-lifstyle check lang ang mga ito.

  32. I also subscribe to parasabayan’s recommendations. There are several tax havens in the West that are losing a lot of their clients due to the global meltdown which has affected Asia the least so are looking to augment their bottomlines by serving the Asian Market. Switzerland for example has succumbed to Merkel’s strongarm tactics German tax cheats are moving their money elsewhere. Other European countries are following suit and rather than facing harsh sanctions, Switzerland has softened its banking secrecy rules.

    While their dirty money may find relatively safer refuge in Pinas, crooks just won’t trust other crooks.

    Like psb says, foundations, add to that layers of corporations, each one having different sets of officers, will do the trick as it has been doing for so long.

    The downside is institutional bankers would only manage your funds from US$25M and up. PHP741M is much less than that.

    Well the winner can contact me and I will do it for a mere 5% fee.

  33. parasabayan parasabayan

    Sige Tongue pag nanalo ako ng less than $25 M, hahanapin kita. Meron ba akong discount dahil magkaklase tayo sa Ellenville University? Heh,heh,heh…Dito sa US, hindi ako bumibili ng lotto kung hindi over $50 M ang pot, so after taxes etc…malamang $ 25 M na lang ang maiiwan. I really do not play the lotto regularly. Walang katulad yung sarili mong sikap ang pera mo rather than betting to win.

  34. tru blue tru blue

    “I won $10,000 in 1986 sa scratchers.” – psb

    Huh! Scratchers! People I know who played these games are enrolled in GA…..wink! wink!

  35. tru blue tru blue

    “The lottery took $2000 outright tax.” – psb

    When it comes to taxes, Uncle Sam doesn’t sleep…..if he does; he sleeps with one eye open, hehe…..

  36. Siyempre kung taga-EllenU, may discount. Ano’ng gusto mo, may personal appearance para ma-witness mo first-hand? Chartered jet? Ayoko ng electronic, baka ma-hack, ma-identity theft pa.

  37. marz marz

    I got a question: Which is better…for the Lotto winner to be publicized and advertised or not? Sa US at Canada kasi, kalat sa TV at newspaper ang mga nanalo. May interview pa. Puwede kayang pakiusapan na huwag magpakilala at walang publicity kahit na ito’y nasa contract? If I win $10M, can I tell them I’m going to donate or deduct 100K in exchange for not revealing my identity? Maybe those based abroad could answer.

  38. sa akin, dapat not to be publicized.

  39. tru blue tru blue

    The most harrowing story of a 30+million dollar winner was that of lady who won that amount on a progressive jackpot in the state of Nevada several years ago. After her win, she gave her bf two million buckaroos and she bought herself a brand new camaro (trying to be lowkey maybe or she just loved that brand). Several months later, she and her sister were driving in Boulder City Nevada and stopped on a four intersection…..in a split second came Mr Drunk Driver and hit the camaro real hard. The lottery winner was paralyzed from the neck down, and I do believe at this moment she is somewhere in Colorado rehabilitating using her winnings for medical expenses; and unfortunately; her sister died during the accident.

    I’ll buy a Big Rig if ever I win BUT there’s no lotto in the state of Nevada….I’ll just wait on Mani’s next fight to make a couple hundred bucks.

    Goodluck to all you gamblers, wink!

  40. marz marz

    Sabi nila may kapalit daw na hindi maganda ang mga nananalo ng malaki sa sugal. We have heard of cases when winners died of heart attacks as soon as they knew they won. Okay ang winner kung medyo bata pa. Paano kung may edad na tulad na 70 years old? Mapupunta lang sa iba ang mga pera.

    Thanks a lot Ellen. I also agree that the winner should not be publicized. But the organizer wants to let people know that it’s not a scam. Without revealing the winner’s identity, people would doubt if indeed someone has won.

Comments are closed.