Skip to content

Hinihintay ang paglaya ni Trillanes

Pinakita sa akin ng aking kaibigang si Pamsy Tioseco, public relations officer ni Sen. Loren Legarda, ang magandang Christmas decoration sa pintuan ng opisina ni Senator Antonio F. Trillanes IV sa Senado.

“Talagang excited na sila sa pagdating ng kanilang boss,”sabi ni Pamsy tungkol sa mga staff ni Trillanes.

Talaga naman. Sa paglabas ng panibagong amnesty proclamation (Proclamation no.75), kung saan isinama ang mga suhestyun galing sa mga senador at congressman, inaasahan na makalabas na si Trillanes sa kulungan bago mag-Pasko.

Sana nga bago Disyembre 15, bago mag-Christmas break ang Senado para makita naman niya ang kanyang opisina.
Pitong taon nang nakakulong si Trillanes as kanyang panindigan sa paglapastangan ni Gloria Arroyo ng batas at pagtiwala ng taumbayan. Unang nilang ginawa ng kanyang mga kasamahang opsiyalk at sundalo ang pagkondena sa korapsyun sa pamahalaang Arroyo sa Oakwood Hotel noong Hulyo 27, 2003.

Nanindigan sila ulit noong Nobyembre 29, 2007, tatlong taon na ngayong araw, nang sila ay nag-walkout sa hearing sa Makati Regional Trial Court at pumunta sa Manila Peninsula.

Kahit binoto siya ng taumbayan para senador noong 2007, na nagpapahayag lamang na hindi nila minamasama ang kanyang ginawa, hindi siya pinayagan ng korte na dumalo sa Senado.

Committee hearing at detention center
Ngunit ang pagkakulong at ang hindi pagdalo sa Senado ay hindi hadlang para kay Trillanes na gawin ang kanyang obligasyun sa bayan. Marami siyang batas na nai-file. Ang isa nga ay ang pagtaas ng combat pay duty ng mga sundalo.
Nagpasalamat si Trillanes sa pag-endorso ng Senate committee on national defense and security, lalo na kay Senator Chiz Escudero, chairman ng national defense and security committee at Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada ng kanyang proposal na kanyang itinutulak mula pa noong 2007.

Sina Trillanes at Estrada ang may-akda ng bill na itaas ang ng 25 porsiyento ang base combat pay ng mga sundalo na mula pang 1985 ay nakapako sa P240 sa isang buwan. “Ang baba ng tinatanggap ng ating mga sundalo na sweldo. Maliit ang kanilang allowances at kulang na kulang ang kanilang mga benepisyo. Isa sila sa mga pinakababa ang suweldo sa gobyerno,” sabi ng senador na dating opisyal ng Philippine Navy.

“Nakataya palagi ang buhay ng sundalo para pangalagaan ang kapayapaan ng ating bansa at ang ating demokrasya. Dapat din natin siyang alagaan,” sabi ni Trillanes.

Kapag nagiging batas na ang kanilang bill, kailanganin ang P2.5 billion para sa 88,075 soldiers na makikinabang dito.

Published inAbanteMagdaloMilitary

12 Comments

  1. chi chi

    Sana nga tuloy-tuloy na. I’m counting the days till his release. Tiwala ako na mas maraming substantial bills ang maipapasok at maipapasa ni Senador Sonny kung sya ay malaya at nakaka-attend ng hearing sessions. I know, hindi niya bibiguin ang kapinuyan, kahit ang mga galit sa kanya.

  2. thats why we should let joker arroyo et al know that we see through their bull shit! ed angara, mukhang pera ka rin pala tumahimik ka!
    …and why this bullshit about not reinstating these officers back into the afp? they fought for truth and justice?! mr president, please swing some balls around and to hell with what everyone will think – drop all the charges gloria’s admin made and just in-your-face insult gloria with giving back the magdalo officers et al back their careers! don’t give her the satisfaction! please… you are the most powerful man in the country, act like one!

  3. chi, yung galit sa kanya mga gloria boys lang…

  4. patria adorada patria adorada

    i agree with juggernaut,show some balls Mr, President!!!

  5. parasabayan parasabayan

    Lahat naman ng issues na ipinaglaban ni Tirillianes at ng kanyang mga kasamahan ay totoo. Di ba nga at ang Ampatuan case eh isa sa mga pinakamalaking prueba?

    Trillianes will be a big asset to the Senate when he is able to sit in the hearings. Ngayon ngang nakakulong, mas marami pang nagagawa kesa sa mga papogi poging “MAMBUBUTAS”!

  6. parasabayan parasabayan

    Gee,itong si matandang Arroyo eh mas leftist pa yata kesa kay Sison na nagpapasarap sa Netherlands. Tunay pa rin na mga TUTA ni midget Arroyo itong tukayo niya pati na rin si Angara. Gee, what money and power can do. Nagiging bulag bulagan ang mga tuta.

  7. parasabayan parasabayan

    Kung nandyan lang ako Ellen paglaya ni Trillianes, I will one of his well wishers and will be there to greet him personally. Baka makalabas na siya bago ako makarating dyan.

  8. rose rose

    Kung si McArthur nagsabi ng “I shall return”…ang kay Trillanes naman ay “just you and see…I will be with you soon”…

  9. Rudolfo Rudolfo

    Sa mga susunod na mangyayari, Paglaya ni Sen. Sonny Trillanes, ay patotoo na lahat ay may hangganan, at lunas. Panahon lang ang kailangan, mahinahon, at pakumbaba..Dito malalaman natin kung sini-sino ang gumatong ki GMA, para makulong ng pa-traidor ang grupo ni Trillanes, at sino din ang mga abogado, ng nakaraang admin…Napakaliwanag pa sa sikat ng araw, kahit sa huling sandali, kumakahol pa din sila ?..ang naka-panlulumo, isang kabaro ni Sonny, mga kapwa Bicolanos…sana, tumahimik na sila para umusad na ang hustisya ng amNESTY, AT maka-pag-trabaho na ang Senador, at maka-paglingkod ng mainam, lalo na sa mga nag-boto sa kanyang mga halos 12-milyong mamamayang Pilipino. Sayang si Joker, sumakay kay Pangulong Cory para magkaroon ng pangalan, at maging senador. Dapat, tumahimik na siya ki Pnoy na anak ng kanyang pinag-mulan ng puhunan para maging congressman at sendaor ( siguro nag-kulang lang sa pera, at mas ma-datong si GMA. Isang haka-haka lamang, ngunit baka totoo ). A food for thoughts…MABUHAY SI Sen. Sonny Trillanes, at mabuhay ang batas-kapangyarihan ng AMnesty !!.

  10. OT:

    While the Magdalo restaurant is in Luna St., I just noticed the other day along Taft Ave., just before reaching Libertad from the south in the Pasay Palengke Area that there is another establishment with one big outdoor sign (about 4ft x 4ft)the Samahang Magdalo logo on its firewall and the words “Magdalo” on top of the adjacent roof. It apparently is a rice dealer among other things.

    Kanino yun?

  11. martinsampaga martinsampaga

    Buti pa si Senator Trillanes,nag rebelde at nakipaglaban laban sa administrasyon ni PIDAL at nakulong… Pero yung isa, nakipaglaban pero ngayon NAGTATAGO!!

  12. Rudolfo Rudolfo

    Gusto ko ang commentary mo # 11, naghahamon sa “nagtatago” para lumabas, at ipag-tangol ang katutuhanan ( black and white ). Kaninong anino ( shadow ) ang malakas-matimbang- si Pidal ?..o si Dacer-Corbeto ??…( isang buhay na higanting guma-gala sa pag-inpluwensya ng kanilang mga galamay, “”o isang-mga-Kaluluwang””humihingi ng hustisya sa mata ng Diyos at Tao…baka hihingi din ng amestiya o pardon na galing ki Pnoy….abangan natin ang mga susunod na kabanata ng buhay,…Pidal ?…Ping ?…lahat naman ng kasaysayan ay may mga “aral” na mapupulot, para sa susunod na lahi ng bansang Pilipinas…

Comments are closed.