Skip to content

Ang misyun ni Grace Capistrano

Thanks to Inquirer for photo
Kapag hindi mo pa talaga panahon, kahit anong gawin sa iyo, sagasa-an ka man ng tren, itapon ka man sa mataas na gusali, mabubuhay ka pa rin. Samantalang kung oras mo na rin talaga, kahit gaanong pera ang gagastusin o kahit natutulog ka lang, mawawala ka na sa mundo.

Hindi tayo dito mananatili sa mundo kahit isang minuto na sobra o kulang sa itinakda sa atin.

Ganun ang nangyari kay Grace Capistrano, ang pulis-informer sa Laguna na binaril, sinaksak ng 24 beses, itinapon sa bangin, nabuhay pa rin!

Ayon sa report ng pulis noong Miyerkules, mga ika-pito ng gabi, kinuha ng dalawang pulis na sina PO2 Mario Natividad at PO1 Antenor Mariquit si Capistrano sa kanyang bahay sa Angono, Rizal. Itinulak siya sa loob ng sasakyan , tinalian ang mga kamay at linagyan ng duct tape ang bunganga.

Pagdating sa Pagsangjan, Laguna, hinulog siya sa bangin at binaril. Natamaan siya sa paa.

Ang malas nitong dalawang pulis, buhay si Capistrano. May narinig siyang kahol ng aso at gumapang siya sa direksyun ng aso. Nakarating siya sa bahay ni Mariano Pelayo, isang magsasaka, na sa oras na yun at naghihintay sa TV ng bola ng lotto.

Kung hindi ako nagkamali, hatinggabi yata binubola ang lotto. Kaya maraming oras na ang nakalipas mula ng kinuha siya. Mga isang oras pa raw bago siya nadala sa provincial ospital ng Laguna dahil sa naghanap pa ng masakyan. Apat na buwan na buntis pala si Capistrano. Ligtas na raw siya at ang kanyang sanggol.

Nakakulong na rin si Natividad at Mariquit. Noong Huwebes, pagkatapos naka-usap ng mga mataas na opisyal ng pulis si Natividad, pinatawag ang dalawang pulis.Kampante sila dahil akala nila patay na si Capistrano. Kaya yan, sila ang nasa loob ng rehas. Kakasuhan sila ng frustrated murder. Meron pa isang suspek na hinahanap.

Mga “hulidap” pala sina Natividad at Mariquit. Yung mga pulis na nangingikil. Huhulihin ka tapos hihingan ka ng lagay. Informer si Capistrano kaya sagabal sa sindikato.

Ang lakas talaga ng loob ni Capistrano. Kahanga-hanga siya.

May kakilala din ako, isang ovarian cancer survivor, si Maria Paz Weigand. Pagkatapos ng 10 taon, nagkaroon siya ng breast cancer.Panibagong chemo. Gumaling siya. Isang araw, nag-usap sila ng kanyang asawa na magkita sa Makati para magsimba. Tumatawid siya sa kanto ng EDSA at Pasay Road ng mabangga siya ng bus. Naputol ang kanyang isang paa, ngunit buhay pa rin siya. Himala talaga.

Ang ibig sabihin noon, hindi pa tapos ang misyun mo dito sa mundo. Ang aking kaibigan na cancer survivor ay kasama sa grupong tumutulong sa mga may sakit na cancer na mahihirap.

Siguro kapag gumaling na si Capistrano ay lalong magiging masigasig sa tuparin ang kanyang misyun sa pagsugpo ng krimen. Dapat sabitan siya ng medalya.

Published inAbanteJusticePeace and OrderPhilippine National Police

15 Comments

  1. Isagani Isagani

    Kung oras mo na, oras mo na! Naniniwala rin ako sa kasabihan ng iyan.

    Ang masamang damo ay mahaba ang buhay. Kasabihan rin yan. Totoo siguro yan at testimonya si Gloria Arroyo diyan.

    Ano sa tingin ninyo ang sapat na kasabihan kay PeNoy? Babagay kaya ito:

    It is better to keep silent and be thought of as dumb than to speak out and remove all doubts!

  2. chi chi

    Pulis-informer pala si Grace. First time I read the news there was no mention of her job but I got the hunch that she’s an informer because of the two policemen involved.

    Ang dapat kay PNoy ay bisitahin niya sa ospital si Grace para ipaalaam sa madlang kapulisan na ‘he cares’ about pulis informers. Aba, buhay ang kapalit sa trabahong yan na wala yatang sweldo (meron ba?), she should be protected at all cost and should be ordered by the president himself.

    Sa mga tarantadong pulis, isampol sila…hayaang reypin at saksakin rin ng maraming beses sa loob ng preso habambuhay!

  3. Mike Mike

    Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang dapat tagapagtanggol ng mamamayan ay sila pa ang gumagawa ng mga krimen laban sa mga walang kalabanlaban. Isang pangitaing na may mali sa ating sistema, hindi lang sa kapulisan kundi sa lahat ng sangay ng gobyerno.

  4. parasabayan parasabayan

    Dapat bantayan siya ng mabuti at baka tuluyan siya ng isa pang pulis na nakatakas.

    What a will to live!

  5. vic vic

    now if one can not trust the police to help and protect, who do you trust?

    here is a very interesting case…a house invasion, 3 masked men invaded the home shot and killed the mother and wounded the father and the tied up the the 22 years old daughter (vietnamese descent)but was able to free herself and called police..the 21 years old brother was attending university…the cops said it was random, but already suspected something fishy…one week after, (three days ago) charged the daughter of first degree murder and is looking for the 3 others unidentified men…the daughter who had no marketable skills (first thing the cops noticed)is staying home and the parents had just been laid off from work but had accumulated substantial assets, a paid off house and a top of the line Lexus. we can only thanks the cops for their unending dedication to solve the crime, even it hurts on the parts of the family..the father is now fully recovered and is under police protection in undisclosed location’

  6. Al Al

    May misyun ka pa, Grace.

  7. balweg balweg

    Pagpalain ka ng Lord…Ms. Grace, hulug ka ng langit upang tuldukan na ang kasamaan ng 2 pulis-patola na yan?

    Dapat sa mga bad eggs sa hanay ng Kapulisan isabak sa mga abusayyaf ng matauhan…ugali-asal.

    Nakakainit ng ulo…dapat sa mga ugok na pulis na yan e bigyan ng leksyon ng di na pamarisan pa.

    Ano ang dapat sa mga kriminal na Pulis-Patola? Kung ikukulong yan e ang sarap ng buhay nila sa rehas na bakal…may guwardiya na e may libreng tsibog pa.

  8. balweg balweg

    RE: now if one can not trust the police to help and protect, who do you trust? ~ vic

    Hehehe…di ako mapalagay! Naku ang daming bad eggs sa hanay ng Kapulisan, wala akong tulak-kabigin…yaong iniisip mo Igan, yon na!

  9. rose rose

    ang sabi nga..noong araw kung kailangan natin ng tulong…we would shout and call..help Mr. Pulis…ngayon ang sigaw ay…Help! the pulis are coming…..

  10. balweg balweg

    #10, Rose

    Hehehe…ang sharp ng memory mo Igan Rose, korek…noong araw yon bata pa si Sabel. Ngayong, tigulang na si lola Sabel…ang kinatatakutan ngayon ng lipunan e mga bad eggs na Pulis-Patola?

    Ang nangyari ka Ms. Grace e patunay lamang na may nakahalong hoodlum sa hanay ng Kapulisan, tutal IN ngayon ang isyung ito e balik-tanaw tayo sa nangari sa wife ng kamag-anak ko sa father side.

    Yong wife niya and her 2 amigas e nakipamiyesta lang somewhere sa Pangasinan yon at headline ito sa lahat ng newstand…natagpuang silang walang ng buhay sa ibaba ng bangin at nirape pa.

    Lumabas sa imbistigasyon kasi isa sa kanila e pinalad na makaligtas sa kamatayan…ang berdugo o salarin e mga pulis sa naturang probinsya.

    Ngayon, ang masaklap nito…ang mga kriminal e Pulis-Patola din tulad ng mga suspek sa paglikida ka Ms. Grace.

    My last vacation, nagkita kami ng cousin ko last March during the campaigned period at heto nakakaawa siya since na pumanaw ang kanyang kabyak sa buhay.

    Before e maysinasabing pamilya ito sa aming bayan…pero ngayon dala ng nangyari sa kanyang pamilya e malaking kawalan ito sa kanilang buhay.

    Kaya dapat firing squad ang dapat sa mga manyak at berdugong mga Pulis-Patola upang di na sila pamarisan pa.

    Salot sila sa lipunan!

  11. Nakakalungkot, akala natin milagro talaga. Namatay na rin yung beybi sa tiyan.

    Hayaan mo beybi, swerte mo na rin sigurong hini ka mailuwal dito sa malupit na mundong ito. Mas masaya sigurong maging anghel.

  12. tru blue tru blue

    @#13: Stop correcting your mistakes…..hindi ka papansinin ni Fartsee, lab na lab ka ng lintik, hehe…

  13. Anung hindi? Ayun napabalik ako dito dahil nagsisimula na naman yung mga lecture tungkol sa mga intsik, sa Canada, pati mga apelyido at username sinisita na naman. Taga-planetang Marz ba talaga yan?

Comments are closed.