Skip to content

Ang kahalagahan ng ginagawa ni Professor Leonardo Co

Thanks to Arnoldi blogspot
Ang rafflesia ay ang pinakamalaking bulaklak sa mundo na naitala ngayon. Maaring merong mas malaki pa ngunit hindi pa nadidiskubre.

Ang rafflesia ay sobra isang metro ang laki kaya nasa lupa lang siya nakalatag. Parang red-orange ang kulay. Hindi maganda ang amoy dahil kumakain ng mga kung ano-anong mga insekto o mali-liit na hayop. Matatagpuan ito sa kabundukan ng Antique,ang aking probinsya, at Mindanao dito sa Pilipinas. Meron din daw sa Malaysia, sa gubat ng Sarawak.

Ang rafflesia ay isa sa ipinag-mamalaki ng Antique. Ngunit hindi pa ako nakakita ang aktuwal na rafflesia dahil sa gubat ng Sibalom at San Remigio yun matatagpuan. Sinabi sa akin na sa kabundukan yun at aabutin daw kalahating araw na paglalakad bago makarating doon. At medyo delikado daw pumunta doon basta-basta dahil may mga nakatira doon na mga kababayan nating No Permanent Address. Alam nyo na.

Ngayon ko lang nalaman na si Prof, Leonardo Co pala ang nakadiskubre ng rafflesia dito sa Pilipinas kaya nakapunta na sya doon sa kabundukan ng Antique. Ang pang-apat na Rafflesia na nadiskubre ay ipinangalan sa kanya: Rafflesia Leonensis.

Noong Lunes, Nobyembre 15, napatay si Co at ang kanyang dalawang kasama na sina Sofronio G. Cortez, forest guard day of ng EDC-Environmental Management Division a pag-aari ng pamilyang Lopez at Julius Borromeo, miyembro ng Tongonan Farmers Association (Tofa) sa Kananga, Leyte .Nakalibre ang isa nilang kasama na si Policarpio Balute.

Nandun sina Co sa kagubatan ng Leyte dahil nagre-research sila ng klase ng puno na maaring itanim sa programa ng EDC na magre-reforest o magtanim ulit ng mga kahoy sa 10,000 na ektarya sa susunod na 10 taon. Ang gusto raw itanim ng EDC ay ang mga kahoy na talagang dito sa Pilipinas, hindi imported, lalo pa ang namimiligro nang mawala sa mundo.

Si Co ay isang respetado na botanist, ang nag-aaral tungkol sa mga tanim at siya ay kunektado sa University of the Philippines sa Los Baños.

Ang unang report ay naipit daw sina Co sa enkwentro ng military at ng mga NPA. Ngunit lumalabas ngayon na walang engkwento. Mukhang napagkamalan silang NPA.

May nakuha naman akong impormasyun na napagkamalan sina Co na empleyado ng isang kumpanya (hindi EDC) ng geothermal sa lugar na yun na may dalang perang pambayad ng “tax” sa mga NPA.

Sinabi ng president at chief operating officer ng EDC na nagpaalam sila sa Philippine Army 19th Infrantry Division bago sila umakyat sa Kanangga. Sanay sila sa mga sitwasyun sa kabundukan kaya talagang gumagawa sila ng mga kinakailangang pag-iingat.

Mabuti naman at sinabi ng spokesperson ng military na si Brig. Gen Mabanta na bukas sila sa imbestigasyun at gusto naman talaga nilang malaman ang katotohanan. Sabi niya wala naman talagang masaya kapag may namamatay na mga inosenteng Pilipino.

At sana matapos na ang problema tungkol sa insurgency, NPA man o MILF.

Photo credit: Picture of Prof Co working with plants is from GMA-7 online.

Published inAbanteScience

22 Comments

  1. Al Al

    Prof Co is such a big loss.

    I understand that the military, had they known who was Prof Co and what he was doing, would not have wanted to kill him. But they should improve on their intelligence network.

    Sayang na sayang.

  2. isaganigatmaitan isaganigatmaitan

    yes, it is distressing to hear that a man of outstanding talent lost his life senselessly at his prime. the country is poorer and the field of philippine botany orphaned by the death of this man. requiescat en pace!

  3. this is very sad! condolences na langsa family ni Co. nakaka-init nang ulo ang nangyari sa kanya!

  4. parasabayan parasabayan

    Yun naman pala, nagpaalam sa Army. Eh bakit hindi sila pinasamahan ng mga military? Dahil ba sa hindi sila kasing sikat ni Pacman? This is one thing I can never understand, the double standard. Ang mga military assistance ba eh para lang sa mga may influence?

    Simply warning them was not enough, Prof Co and company should have been guarded, no ifs and buts!

  5. parasabayan parasabayan

    Ellen, when you come to Pasadena one of these days, go to the Huntington Library meron sila niyan. I went to see the plant when it started to bloom. I was awed, ang laki talaga! But ang baho! I was told that the scent was going to be worse when it fully bloomed. Parang patay na daga ang amoy! Yuck talaga!

  6. The smell probably is a defensive mechanism. Another of God’s genius.

  7. Al Al

    Ibang anggulo ito:

    May nakuha naman akong impormasyun na napagkamalan sina Co na empleyado ng isang kumpanya (hindi EDC) ng geothermal sa lugar na yun na may dalang perang pambayad ng “tax” sa mga NPA.

  8. Isagani Isagani

    “Eh bakit hindi sila pinasamahan ng mga military? Dahil ba sa hindi sila kasing sikat ni Pacman? This is one thing I can never understand, the double standard.” parasabayan

    Alam mo ba kung sop sa militar na dapat samahan ang mga gawain ng tulad ni Co? Mayroon kaba ng experience sa mga bagay na ganyan?

    Kung mayroon, ishare mo naman sa amin para malinawagan kami. Hindi naman fair kung mag-aakusa na lang ng wala namang batayan.

  9. Re #7.The information is quite reliable. We will see if the investigation will show or prove that.

  10. tru blue tru blue

    “Parang patay na daga ang amoy! Yuck talaga!” – psb

    Where on earth do you find these dead rats? Seem like you’re accustomed to their smell. You’re not the Pied Piper, are you? wink! wink!

  11. chi chi

    Wow, rafflesia na sana kahit mabantot pero nakakalungkot ang pagkamatay ni Professor Co, ang nakadiskubre nito.

    Nakita ba ng militar na may dalang baril ang grupo ng propesor? Wala bang teleskopyo ang militar para makita kung merong kanyon na dala ang grupo? Grabe ang kawalan o kakulangan ng intelligence ng militar, naku naman…. walang bago sa kanilang operasyon!

    Open sa imbestigasyon ang militar, mabuti naman pero pwede ba na pagbutihin ninyo ang pag-ayuda sa mga civilians? Kayo pa ang tumitira e!

  12. chi chi

    Ellen – November 21, 2010 9:08 am

    The smell probably is a defensive mechanism. Another of God’s genius.

    Oo nga, kasi kung mabango baka extinct na sya dahil sa tao…

  13. chi chi

    May nakuha naman akong impormasyun na napagkamalan sina Co na empleyado ng isang kumpanya (hindi EDC) ng geothermal sa lugar na yun na may dalang perang pambayad ng “tax” sa mga NPA. – Ellen

    Kung ang info ay mapapatunayan, hindi ang NPA ang bumaril sa kanila dahil meron palang hinihintay na pera.

    Kung may intel na may perang dala ang nagpagkamalang grupo para sa NPA “tax”, therefore civilian sila. Bakit binaril kaagad ng militar, bakit? Papunta na kung saan ang utak ko, makabalik na nga sa pamumulot ng dahon….

  14. Isagani Isagani

    Mahirap mag-speculate sa mga bagay na ganito. Halimbawa, kung may katotohanan na may perang dala na pambayad ng “NPA tax,” (extortion money), may implication ito sa batas, hindi ba? Tama bang gawain iyan ng grupo ni Co? Sa madaling salita, nawawalan ng halaga ang kanilang gawain kung sila pala ay kasangkapan na may ibang layunin. Hindi maganda at malaking insulto yan kay prof. co at mga kasamahan niya!

    Ang katunayan, kahit sa ano pang angulo tingnan, ang totoong problema ay ang NPA, MILF at ibang terrorist group diyan, at hindi ang militar.

    Don’t make a mistake about that!

  15. Isagani, please read the paragraph very carefully. It’s not the group of Co who would be bringing the NPA “tax” money. They were mistaken as that group.

    It was another group, representing a company engaged in geothermal. That’s why I said in the article, not EDC. Co’s group was doing work for EDC.

    Please read the article very well.

  16. Isagani Isagani

    Ok, Ellen, not EDC, my bad. Nevertheless, very sketchy pa rin kung ano ang tunay na nangyari and there are indeed organizations paying NPA extortion money. We have to see kung ano ang findings ng investigation. We cannot simply blame the military (and I am not saying that you imply this in any way) when things go terribly wrong. They have a hard and thankless job. The terrorists are to blame. People should understand that.

  17. parasabayan parasabayan

    Ikaw naman TB, kung lumaki ka sa metro o kahit na sa may mga farms, once in a while you smell a dead rat,bird or animal. Pareho lang ang amoy ng patay na hayop.

  18. “Makes me wonder”, sabi ni Robert Plant.

    Pero it really baffles the mind that in many instances of the exchange of hands of the “revolutionary tax”, how come the soldiers or cops never catch the actual handover? Have you read any news when rebels were caught red-handed even in a sting operation? Hmmm…

    My Monday LSS:

    “If there’s a bustle in your hedgerow,
    Don’t be alarmed now,
    Its just a spring clean for the May queen.
    Yes, there are two paths you can go by but in the long run
    Theres still time to change the road you’re on.

    And it makes me wonder.
    Ooooh, yes, sir…”

  19. parasabayan parasabayan

    Toungue baka may “cut”…

  20. This must be investigated… this crime cannot be justified. No stone must be left unturned. Those who committed this heinous crime must be brought to justice and hanged.

    If members of the military did this, all the more they must hang. There is absolutely no justification for behaving and stooping to the level of the outlaws, pretexting that they didn’t want the suspected funds to reach the NPAs… Absolutely not justified!

  21. There can be no excuse, no so-called extenuating circumstances, none whatsoever. Even if Prof Co were a membe…r of the NPA (which apparently he was not), there could be no excuse for the cold blooded murder.

Comments are closed.