Skip to content

Pulutan

Breaking news: Makati RTC postpones promulgation of Magdalo coupd’etat case.

Sa mga nagpasabi sa may-akda na sana may tagalog na bersyun ang “Pulutan” na cookbook ng dalawang Magdalo na opisyal, wish granted na. Nagpalabas na ang Anvil Publishing ng “Pulutan-Mula sa kusina ng mga sundalo.”

Pwede nang bilhin sa lahat na sangay ng National Book Stores.

Tuwang-tuwa sina dating Ensign Elmer Cruz at Emerson Rosales sa pagtangkilik sa English na bersyon ng kanilang cookbook na inilabas noong Hulyo 2007 nang sila ay nakakulong pa sa Fort San Felipe sa Cavite.

Apat na taon ding nakulong sina Elmer at Emerson dahil sa kanilang partisipasyon sa tinatawag na Oakwood mutiny kung saan nanindigan sila laban sa korapsyun at panloloko ni Gloria Arroyo noong Hulyo 26, 2003.

Ang English bersyun na may 100 na resipe ay anim na buwang bestseller sa National Book Store at hanggang ngayon ay bumebenta, Sabi ni Elmer, na ngayon ay nagta-trabaho sa National Grid Corporation of the Philippines, “Maraming mga OFWs ang nagsabi sa aming mas gusto sana nila tagalog na cookbook. Sa abroad daw, ginagamit nila ang aming cookbook kapag silang mga Pilipino at nagtitipon-tipon.”

Si Emerson naman ay isa sa may-ari ng restaurant sa Davao. Sabi ni Elmer nang sinabi niya kay Emerson na magdadagdag pa sila ng resipe sa Tagalog bersyun na kanilang ipapalabas, kaagad nagpadala si Emerson ng limang resipe na ang pangunahing sangkap ay male organ at itlog ng tuna. “Madaling mabili itong male organ at itlog ng tuna sa Davao, General santos City at ilang restawran na Dampa sa Maynila,” sabi ng dalawa.

Tumulong ako at si Yvonne Chua, trustee at writer ng Vera Files sa pag-edit ng English na bersyun ng cookbook.
Kaya siguro patok ang libro dahil maliban sa resipe, may mga kuwento sila tungkol sa buhay-buhay nang sila ay naka-kulong. Ang isa nilang kuwento ay tungkol kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Kuwento ni Emerson: “May isang bagay na nagbibigay sa amin ng lakas ng loob sa apat na taon naming detention sa military camp – ito ay ang magiging buhay naming pagkaraang makalaya.”

Sa isa sa mga hearing na nila sa Camp Aguinaldo, nag-usap sila ni Trillanes ay nagkasundo silang magfu-foodtrip kapag lumaya na sila, “Kahit saan basta may seafood,” sabi ni Trillanes. Mahilig sa seafood ang senador at ang kanyang kontribusyon sa cookbook ay “Calamares ala Trillanes”

Malapit na makalabas si Trillanes, na siyang nagi-isang naiwang nakakulong sa Camp Crame, dahil sa amnesty proclamation ni Pangulong Aquino. Naghahanap na ng magandang restawran na seafood ang specialty sina Elmer at Emerson.

Published inAbanteMagdaloMilitary

16 Comments

  1. Tomorrow is the promulgation of the coup d’etat case against the Magdalo. Let’s pray for the enlightenment of Judge Pimentel.

    One comforting thought, whatever happens, President Aquino has declared amnesty for brave soldiers who dared stood up against Gloria Arroyo.

  2. Breaking news:

    MANILA, Philippines (UPDATED) – Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Oscar Pimentel has given due notice of the amnesty order issued by Malacañang for soldiers linked to the uprisings against the Arroyo administration.

    In a text message, lawyer Reynaldo Robles said “our office just received Judge Pimentel’s order. Our motion was granted. Promulgation is reset to December 16, 2010.”

    Robles is chief of staff of detained Senator Antonio Trillanes IV, who is also covered by the amnesty.

    In a separate interview with ANC, Robles said “the judge [also] extended judicial courtesy” to Congress.

    Pimentel, who is handling the coup d’etat case filed against the soldiers linked to the 2003 Oakwood Mutiny, was to release his decision on October 28 until Malacañang released Proclamation 50.

    http://www.abs-cbnnews.com/nation/10/27/10/makati-court-defers-decision-magdalo-case

  3. Thank God for this victory!

  4. Thank God, indeed.

  5. From Ephraim Rabago:

    Ako po ay si ephraim luna ravago na taga bataan at ngayon po ay kasalukuyang nagtuturo dito sa saudi arabia. matagal-tagal na rin po akong sumusubaybay sa inyong mga panulat na pawang kapupulutan ng mga mhahahalagang impormasyon hinggil sa lakad at galaw ng ating gobyerno. kaakibat po ng e-mail ( liham ) kong ito ay ang aking paghiling na sana po ay malathala sa inyong pagkasarap-sarap basahing kolum ang tungkol sa “ano ba ang tunay na kalagayan ng piso… nakatutulong ba sa ofw?

    pasensya na po kayo kung ito po ay nahiling ko sa inyo sapagkat malaki lamang po ang tiwala ko sa inyong kakayahang palawakin ang paksang ito. sana po ay matugunan nyo ang paksang nabanggit ko sapagkat malaking kaliwanagan po ang maibibigay ninyo sa mga ordinaryong ofw dito sa saudi arabia.

    maraming salamat po at mabuhay po kayo at nawa ay mas lalo pang dumami ang sumusubabay sa inyong malaganap na kolum.

  6. I posted Ephraim’s letter here because there are some who might be able to address his concern. I”m not knowledgeable about peso exchange rates.

  7. From Raul Reyes:

    Bakit bulag ang mga kababayan natin para ipakulong ang mga nagmamalasakit sa bayan tulad nina trillanes, lim at iba pang miyembro ng magdalo? Samantalang pinagsisilbihan nila ang mga magnanakaw, makasarili at walang pakundangan sa sariling bansa tulad ng mga arroyo? Bakit nanatili ang mga masamang politico sa puwesto? Bakit pinaniniwalaan nila ang mga nababayarang journalists na sumusulat at kumukumbinsi ng publiko depende sa laki ng perang bigay ng masasamang politico?

    Sina trillanes at mga kasama ay mga bayani. Sila ang tunay na halimbawa sa awaiting pambansa – “ang mamatay ng dahil sa iyo!” sa panahon ni arroyo at bantal na pangungurakot niya, wala man lang nagtangkang kumurot man lang kay arroyo.

    Only in d pinas – persecute the patriotics (trillanes, lacson) and support the persecutors.

  8. balweg balweg

    Nice naman…He he he, inspiring ang mga Katipunero nating Pinoy…di yan mga sundalong-kanin ha!

    Paki-observe po ang mga Henerales and other AFP/PNP officers…may pruweba kasi naglalakihan ang mga tiyan?

    Buy ako niyan…para naman mafeel ang sarap ng kanilang mga putahe.

  9. balweg balweg

    RE: MANILA, Philippines (UPDATED) – Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Oscar Pimentel has given due notice of the amnesty order issued by Malacañang for soldiers linked to the uprisings against the Arroyo administration.

    After all nagkaisip din si Judge OCA…,CONGRATS sa ating mga Katipunero, mabuhay kayong lahat!

    Matatahimik lang ang Pinas, if maipakulong si Gloria and her asshole lingkod-bulsa…kasama diyan ang EDSA 2 and Hello Garci Generals etc. etc.

    Makabawi man lang ang Sambayanang Pilipino sa kanilang animalistic mentality.

  10. parasabayan parasabayan

    Mabuti naman at may pakiramdam din itong si Judge Oca na hindi niya pwedeng labanan ang 11 million na sumuporta kay Trillianes at ang still popular president na si Pnoy.

    Sana naman, ang mga Magdalo at Tanay Boys ay magkakaroon ng tunay na MALIGAYANG PASKO at tunay na may hinaharap na Bagong Taon!

  11. parasabayan parasabayan

    It would be patriotic to patronize the Magdalo restaurant/restaurants (kung sakali mang dadami). Bigyan naman natin ng pagpapahalaga sa mga sakripisyo nila sa ating bayan.

    Jollibee is expanding into China and the US. Bakit hindi mapalaki ang Magdalo Pulutan chain?

  12. baguneta baguneta

    Meron na bang restaurant na Magdalo?

  13. Magdalo Kitchen is on A. Luna st. in Pasay City. I’m not sure now if it’s 2175 A. Luna.

    From Buendia (coming from Roxas Blvd.) , it’s the street right before PAGCOR. It’s on the right. From the corner of Buendia and A. Luna, the sign of Magdalo can be seen.

    Magdalo Kitchen is owned by Jeanne Monteverde, sister-in-law of Lily Monteverde’s husband. Jeanne is a close friend and ardent supporter of the Magdalo.

    Here’s the link to the article I did on the restaurant two years ago: http://www.ellentordesillas.com/?p=3555

  14. chi chi

    I’m so happy for the postponement of the promulgation re Magdalo coup d’etat case. YEY!!!

    “The Pimentel decision will actually not change anything in the amnesty order.” Double YEY!!!

  15. Mahilig pala si AT4 sa seafood. Yayain nating kumain sa MIKEY’S GRILL sa MACAPAGAL BLVD. sa may Mall of Asia. Joke lang!

  16. Ha! Ha!Ha!

    Sa katabing Dampa na lang.

    That’s where the “boys” treated Yvonne and I when they were released from detention.

Comments are closed.