Skip to content

Aquino’s 100th day message

At the La Consolacion College
Maraming salamat po, maupo po ho tayong lahat.

Vice President Jejomar Binay, members of the Cabinet, our host led by Sister Imelda, honored guests, fellow workers in government, mga minamahal ko pong kababayan, magandang umaga po sa inyong lahat.

Ang basehan po ng demokrasya ay mayroon po tayong mga politiko na naglalahad ng kanilang plataporma. Ang nanalo po ay obligadong ipatupad ang platapormang ipinangako.

Isandaang araw po ang nakalipas, nagpanata ako sa taumbayan: Hindi ko tatalikuran ang tiwalang kaloob ninyo sa akin. Ang nakalipas na isandaang araw ang magsisilbing tanda ng ating pong paninindigan.

Malalim at malawak po ang mga problemang minana natin. Nag-ugat ito sa isang gobyernong parang tatlong matsing na nagbingi-bingihan, nagbulag-bulagan, at gumawa ng sariling katotohanan.

Mali po ito. Ngayon, mayroon na po kayong gobyernong handang makipag-usap at magsabi ng totoo; handang makinig sa makabuluhang usapan; handang iangat ang antas ng pampublikong diskurso ukol sa mga isyung makaaapekto sa ating lahat, at maging sa mga darating na henerasyon.

Ang natamasa po natin ngayong unang isandaang araw ng ating panunungkulan: Mayroon na po kayong gobyernong hindi kayo binabalewala o inaapi.

Bumalik na po ang kumpyansa sa ating bansa. Tumatatag ang ating ekonomiya, at dahil dito, lumalago ang kaban ng ating bayan. Ang lahat ng inani at aanihin pa natin mula sa pinatibay na ekonomiya ng ating bansa, ibinabalik naman natin sa taumbayan upang tuluyan na tayong makaahon sa kahirapan. Binibigyan natin ng katuturan ang paggastos. Walang pisong dapat nasasayang.

Halimbawa po ang mga itinalagang opisyal sa mga GOCC. Naroon po dapat sila para pangalagaan ang interes ng taumbayan. Noon pong nakaupo sila doon, nilabag nila ang Memorandum Order 20, na pinirmahan noon pang Hunyo 2001. Inatupag po nila ang sariling interes na nagdulot ng pinsala sa interes ng taumbayan: nakakuha sila ng kung anu-anong mga bonus at allowance.

Ipinatutupad naman po natin ang Executive Order No. 7 na nagsususpinde sa lahat ng pribilehiyong iyon. Idiniin lamang po natin ang dapat naipatupad pa noong 2001. Sa isang kumpanya lang po tulad ng MWSS, ang napigil nating mahulog sa bulsa ng bawat opisyal ay umaabot na sa dalawa’t kalahating milyong piso kada taon. Siyam po ang miyembro ng Board nila, at sa MWSS lamang po iyan. At ilan po ang mga GOCCs, GFIs, at mga ahensyang sakop ng EO No. 7? Isandaan, dalawampu’t dalawa (122) mga ahensya at kumpanya.

Nariyan din po ang nangyayari sa mga kontrata tulad sa NAIA 3. Isipin lang po natin, tatlong administrasyon na ang dinaanan nito. Pang-apat na kami. Tumagal na po nang husto ang kasong ito, may mga pinaslang pa dahil dito. Kundi dahil sa mga tapat na nagmamahal sa bansa tulad nina Justice Florentino Feliciano at Justice Meilou Sereno, baka wala na ring pinatunguhan ang kasong ito. Sila po ang mga tunay na bida sa kaso, ngunit death threats pa po ang ibinayad sa kanila. Tila ba nagkulang sa aruga ang nakaraang gobyerno. Ngayon pong alam nilang suportado sila ng mga kapwa nila nasa tuwid na landas, naresolba na po nila ang kontrata. Kung natalo po ang gobyerno natin rito, 990 million dollars ang nalagas sa ating mga pondo. 43.5 bilyong piso ang perang nailigtas nila at natin. Higit pa rito, mapapakinabangan na natin ang airport sa lalong madaling panahon.

Kung naaalala po ninyo, pinahinto natin itong negotiated contracts ng DPWH; pinarebid natin ito. Ginawa lang po natin kung ano ang tama, napigil na po natin ang paglustay ng 934.1 million pesos, at lumalabas na kung susunod tayo sa tamang proseso ay nasa 600 million pesos lang ang dapat gastusin sa mga proyektong ito. Nabalik po ang pera sa kaban ng bayan na kung pinahintulutan natin ang maling sistema ay natapon na naman sanang muli. Hindi lang po sa mga kalsada: sa DOTC, pinigil natin ang pagwaldas ng isang bilyong piso. Sa Department of Agriculture, 30 million at least ang natipid sa isang proyekto lang na bibili tayo ng spectrometer na gusto sanang doblehin ang presyo.

Doon po sa Department of National Defense, ang dinefend po ang pag-purchase ng mga helicopter na tila overspecified para paburan ang isang kumpanya lang. Sinisiyat ito. Itinabi na muna natin. Ang gastos na 3.6 billion ay hindi pa po nangyari.

Lahat po iyan naibalik natin sa kaban ng bayan.

Mayroon pa po. May proyektong inaprubahan ang dating administrasyon, huhukayin daw nila ang Laguna de Bay para palalimin ito. Ang sabi raw dadami ang isda. Mas makakaiwas daw sa baha. Mas madali daw makakaikot ang mga bangka at mga ferry service. Tatanggalin din ang pollutants doon sa Laguna de Bay. Ang tanong ko, saan ililipat ang lupang hinukay? Ang tatanggalin sa Laguna de Bay ay itatambak lang din pala sa ibang bahagi ng Laguna de Bay. At magkano naman po ang uutangin ng gobyerno para sa prebilihiyong ito? Konti lang daw po : 18.5 billion pesos lang naman po. At pareho rin ang kuwento: Tila hindi na naman dumaan sa tamang proseso ang pag-aapruba sa kontrata. Hindi natin dadaanin sa madaliang hokus-pokus ang proyektong ito. Pag-aaralan natin ito nang husto at sisiguraduhing hindi masasayang ang pondong gagamitin para rito.

Idadagdag ko lang po: ito po ay ni-review natin last week. Isipin po ninyo: hanggang ngayon, mayroon pa rin humihirit.

Napansin n’yo po ba, pati ‘yung weather forecasting gumanda? Napansin n’yo po ba na hindi na paulit-ulit ang mga mensahe ng PAGASA? Ngayon po, nakatutok na at mas malaman ang mga weather bulletin natin. Ang dating intermittent rainshowers across the country, ngayon, sasabihin na uulan sa ganitong lugar nang mga ganitong oras, delikadong lumabas para sa mangingisda at iba pa.

Tama po na hindi pa kumpleto ang equipment natin. Pero ngayong nagsimula na po tayong magtrabaho, kakaunti na lang ang kulang na kagamitan. Maling sistema at maling palakad ang nanligaw sa pagtataya ng panahon. Ang mga update dati na dumarating kada anim na oras, kada oras na ngayon kung dumating. Marami po tayong binago sa PAGASA, at kasama na po rito ang bulok na sistema.

Nakita naman po natin ang katakut-takot na problemang minana natin, pero hindi po tayo natinag. Naisaayos at naisasaayos na natin sa loob ng isandaang araw ang hindi nagawa ng dating administrasyon sa loob ng tatlong libo, apat na raan, apatnapu’t walong (3,448) araw.

Hininto na po natin ang pagkatagal-tagal na sistema kung saan itinuloy nang itinuloy ang mga proyekto na walang sumisiyasat kung angkop ba o kung may katuwiran ba ang mga ito. Isinulong po natin ang zero-based budgeting. Ang sabi po namin, isa-isahin natin iyan. Kung hindi po mapatunayang may saysay ka pa, tigil na ang ginugugol ng bansa sa iyo.

Ang mga Agriculture Input Subsidies na lalo lamang nagpapayaman sa mayayaman na habang binalewala ang mga mahihirap; ang mga programa tulad ng Kalayaang Barangay at Kilos-Asenso na hindi naman inilatag nang malinaw kung ano ang prosesong dinaanan, at kung saan napunta ang pera—inilipat po natin ang kanilang mga pondo tungo sa mga programang napatunayan nang makakatulong sa taumbayan.

Humigit-kumulang na 11 bilyong piso pa po ito na magagamit at mapapakinabangan nating lahat.

Sa edukasyon, kalusugan, at pag-ahon sa kahirapan po natin itinutok ang pondong natipid natin. Mula 175 billion pesos, umangat ang budget ng DepEd sa 207.3 billion pesos. Gugugulin po ito upang makabuo ng 13,147 na bagong classroom, at ng sampung libong bagong teaching positions. Sa DoH, umangat mula sa 29.3 billion pesos ang budget papuntang 33.3 billion, upang mapatatag ang unang-una, ang National Health Insurance Program. Sa DSWD, lagpas doble na po ang budget, galing 15.4 billion pesos papuntang 34.3 billion pesos.

Ang punto po natin dito: Walang maiiwan. Hindi po tayo papayag na yayaman ang iilan habang nalulunod sa kahirapan ang karamihan.

Kaya nga po natin pinatatag ang Conditional Cash Transfer Program. Salbabida po ito para sa mga nalulunod nating kababayan upang makapunta na sila sa pampang ng pagkakataon at pag-unlad. Lampas doble po ang bilang ng mga pamilyang matutulungan ng conditional cash transfers, mula isang milyong pamilya sa ngayon, tungo sa kabuuang 2.3 million na pamilya sa 2011.

Patuloy po ang ating tema ng pagbibigay ng lakas sa taumbayan. Dahil na rin po sa panunumbalik ng tiwala sa gobyerno, nabiyayaan ang KALAHI-CIDSS program ng dagdag na 59.1 million dollars—halos tatlong bilyong piso—mula sa World Bank. Sa programa pong ito, dadami pa ang komunidad na magkakaroon ng kuryente, kalsada, at malinis na tubig—mga proyektong ang taumbayan mismo ang nagpaplano at nagpapalakas.

Paulit-ulit po nating ididiin: trabaho ang pangunahing agenda ng ating administrasyon. At marami pong magandang balita ukol dito.

Ang papasok na pera sa ating bansa mula sa mga foreign investors ay aabot sa 2.4 billion dollars, at iyon ay pang-umpisa pa lamang. Direkta po itong magbibigay ng 43,600 na trabaho sa mga Pilipino. Simula pa lamang po iyan: Kung hindi natin sila padadaanin sa butas ng karayom, makukumbinsi pa po silang magnegosyo rito, at madadagdagan pa ang mga trabahong nalikha.

At manganganak pa po ng manganganak ang mga trabahong ito. Halimbawa, sa call center, kailangang panggabi ang trabaho. Kailangang magbukas ng kapihan, ng fastfood, ng mga convenience store. Hindi bababa sa dalawandaang libong bagong trabaho ang malilikha pa—kahit hindi ka marunong mag-computer, may pagkakataon ka sa dagdag na mga trabahong ito.

Trabaho din po ang idudulot ng mga Public-Private Partnerships na patuloy nating isinusulong. Nagtayo na po tayo ng PPP Center, kung saan ang mga gustong makilahok sa pagbabago ay mapapasailalim sa tapat, malinaw, at mabilis na proseso. Mula sa pagpapahaba ng mga LRT Lines, hanggang sa pagpapatayo ng bagong paliparan na tutulong sa turismo, hanggang sa mga eskuwelahan na itatayo sa buong sambayanan, magsisimula na po ang bidding para sa mga ito sa loob ng mga susunod na buwan.

Kinikilala na ng pandaigdigang merkado ang pagtatag ng piso. All-time high po ang ating Gross International Reserves na umabot na sa 52.3 billion dollars noong ika-dalawampu ng Setyembre. Ang dati-rati ay parang imposibleng maabot ng Philippine Stock Exchange Index na 4,000, nalampasan na po. Kahapon lamang po, all-time high na naman ang inabot ng ating Philippine Stock Exchange Index na umabot sa 4,196.73 points. Ipinapakita nito ang kumpiyansa sa ating ekonomiya sa ating mamamayan at sa atin pong pamahalaan. Kabilang na po ang ating PSE sa mga best-performing stock market sa buong Asya. At habang lumalakas ang piso at lumalago ang ekonomiya, steady lang naman po ang mga presyo ng ating mga bilihin. Handang-handa na po tayo talaga sa pag-unlad.

Lahat po ito nagawa natin dahil nakasandal ang gobyerno sa inyong tiwala. At umaapaw na rin po ang tiwalang iyan sa buong daigdig.

Dalawang ulit na pong nag-apply ang Pilipinas para sa Millenium Challenge Corporation Grant. Sa unang tatlong buwan lang po ng administrasyon natin napaaprubahan ito. Ang sa kanila lamang po, aminado silang hindi natin maiwawasto agad ang lahat ng problema, pero naniniwala silang patungo na tayo roon. Sabi nila, gusto namin kayong matulungan para maabot ang inyong mga pinapangarap, heto ang 430 million dollars.

Ididiin ko lang po: dalawang beses nag-apply, ni-reject sa loob nang hindi bababa sa siyam na taon, tayo po sa tatlong buwan, inaprubahan.

Pati po ang mga international organization tulad ng OECD, tinanggal na tayo sa listahan ng mga bansang kumukupkop ng mga tax evader. Maaari na tayong makakuha ng impormasyon na makakatulong sa paghuhuli sa mga tax evader na isinasagawa ng BIR.

Dahil na rin po sa panibagong tiwalang nangingibabaw sa pamahalaan, dumadami ang mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tip tungkol sa katiwalian. Sumasaksi sila sa maling pangyayari, para makatulong sa ating paghahabol ng demanda. Halimbawa, sa bagong-tayo na Pera ng Bayan website, isa-isa nang lumilitaw ang mga taong makatutulong sa atin upang tugisin ang mga smuggler at tax evader.

Ibinabalik ng mga hakbang na ito ang kumpiyansa ng daigdig sa Pilipinas. Nagkakaisa nang muli ang ating lipunan, at ang nanatili na lang na parang sirang-plaka na paulit-ulit ang reklamo ay ang mga gustong manumbalik sa poder upang ituloy ang kanilang ligaya na nagmumula sa ating pagkakaapi.

Sila na nga ang nagdulot sa atin ng mga problemang pinapasan natin ngayon, sila pa ang may ganang bumanat nang bumanat sa atin. Papansinin ba ninyo sila? Magpapalinlang ba kayong muli?

Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.

Ito pong mga problemang pinangako nating solusyonan, tatlong buwan pa lang nakikita na ninyong nabubuo ang solusyon. At ang inyong tiwala po ang pundasyon ng lahat ng ating naabot sa loob lamang nitong tatlong buwan ng ating panunungkulan.

Mula pa noong kampanya, ibinato na po sa atin ang lahat ng puwedeng ibato sa loob at labas ng Revised Penal Code. Pati po ang buhok ko ginawa nilang isyu. Palagay ko ho dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon. Payag po si Sister Imelda diyan. Gusto talaga tayong gibain ng mga taong nais mapanatili ang lumang sistema, kung saan para silang mga dambuhalang buwayang nagpapakasasa sa kaban ng bayan.

Binabatikos lang naman po tayo dahil may iilan na naghahanap ng paraan para magpatuloy ang siklo ng mali. Alam din naman po nila ang tama, hindi pa nila maatim gawin. Mayroon po talagang mga nag-aambisyon na makabalik sa poder, nag-aambisyon na panatilihin ang sistemang sila lang ang nakikinabang, mga kapit-tuko sa puwesto na nakikinabang sa lumang sistema—mga taong gusto lamang ituloy ang kanilang ligaya, habang binabalewala naman ang sakripisyo ng taumbayan.

At tayo naman po: tuloy na tuloy ang laban. Hindi po tayo titigil.

Kung mayroon po tayong pagkukulang, ito marahil ay ang hindi nating naging kaugalian na ipamalita ang mga tagumpay na atin pong nakamit. Mas binigyan nating halaga ang paghahanap ng mga paraan na makatutulong sa ating mga kababayan. Kitang-kita naman po ng taumbayan ang resulta ng ating pagtatrabaho. Talagang nakagagalak ng puso itong satisfaction rating na seventy one percent. Natural po, sa inyo ang tagumpay na ito—sa bawat Pilipinong nagtitiwala at nakikilahok sa ating agenda ng pagbabago.

Ang patuloy ko pong panata: Hindi tayo titigil. Habang dumarami tayo sa tuwid na landas, dumadali naman po ang tungkulin nating itama ang mali.

Hinding-hindi po tayo titigil sa tuwid na landas. Unti-unti na pong natutupad ang ating mga pangarap.

Maraming salamat po. Magandang umaga sa lahat.

Published inBenigno Aquino III

45 Comments

  1. Isagani Isagani

    Daming pinadinigan ni noynoy. pati yata siya tinamaan. well, hari nawa… may investment ako diyan. inaasahan ko dividend ng boto ko.

  2. na gets to ng taxi driver na kausap ko kanina…pati ng security guard…ewan ko lang kung hindi maintindihan ng iba dyan kasi hindi ininglis? pastilan gyud, paita niana..

  3. Destroyer Destroyer

    ABNOYNOY sa loob ng 100 days sabihin mo at ihayag kung ano ang na accomplished mo… meron ba?

    Puro palpak ka!

    Ikaw ay isang di battery na hindi pwedeng mag isip na walang advicer.

  4. chi chi

    Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.-PNoy

    Parang is pareng Barry a! 🙂
    __

    Binabatikos lang naman po tayo dahil may iilan na naghahanap ng paraan para magpatuloy ang siklo ng mali. Alam din naman po nila ang tama, hindi pa nila maatim gawin. Mayroon po talagang mga nag-aambisyon na makabalik sa poder, nag-aambisyon na panatilihin ang sistemang sila lang ang nakikinabang, mga kapit-tuko sa puwesto na nakikinabang sa lumang sistema—mga taong gusto lamang ituloy ang kanilang ligaya, habang binabalewala naman ang sakripisyo ng taumbayan. -PNoy

    Whewwww!!!! ‘kala ko kasama ako, faction pala ni putot ang pitatamaan! 🙂

    Hala Noynoy bira dahil malaki ang investment nina Gani at ate ko sa iyo! hehehe!

  5. xman xman

    ————–THE RIGHT PATH TO HELL—————–
    “Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.”

    Ito ang obserbasyon ni Ninez Camacho sa frontline section ng Tribune, 100 days of nothingness, Oct. 8, 2010:

    “All of you involved in bad governance, I guarantee that your days are numbered,” he said in Filipino.

    “Is he saying that it will be he, and his party and yellow allies who will be in power and position forever? But it isn’t he who has that say. It is electorate that will have a say on who should be in power and out of it.”

    XXXX

    Ninez, ang talas ng pakiramdam mo. Bilib ako at nakuha mo agad pero walang kang idea kong paano mangyayari yon. Ito ang mga opinion ko kung bakit tama ang pakiramdam mo:

    Kailangang balikan yong sinulat ni Herman Tiu Laurel:

    “The cat is now out of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)’s bag: New pesos are being printed without the knowledge of the Filipino people. And these will be circulated by December, according to the best information we got. Worse, the BSP is not duty-bound to inform anyone as to when, how or why this decision was made!”

    “A complete change of a currency normally occurs in the wake of a revolutionary change of the existing political order, as when Marcos tried with the Bagong Lipunan notes, as well as, after Edsa I when Cory Aquino took over. This always results in the flushing out of savings, demonetization of hidden wealth, and the establishment of total financial control.”

    http://www.tribuneonline.org/commentary/20100820com5.html

    Noong nakaraang araw ay inamin ni helicopter Bernanke na ang US ay in the “Brink of Financial Disaster.”

    >>>>>http://www.economicpolicyjournal.com/2010/10/bernanke-tells-truth-united-states-is.html?spref=fb

    So, ano ibig sabihin non? Sa nalalapit na financial collapse ng US ay apektado ang buong mundo.

    Marami akong links pero e summarize ko na lang kung ano yong mga nasa links dahil matagal kung hahanapin ko pa ng isa isa.

    Malaking disaster ang mangyayari kaya expected na mag dedeklara ng Martial Law si Obama. Kahit yong mga aksyon ngayon ni Obama ay wala na syang paki kaya nga ang sabi nila ay para ng post administration na ang mga aksyon nya ngayon. Ngayon sasamantalahin ni Noynoy dahil sa kaguluhang mangyayari sa financial at shortage ng food supply ay mag dedeklara ng Martial Law si Noynoy. Ala Marcos ang labas nya o revolutionary government ng nanay nya. Nagkaroon na ng lesson ang mga yellow kay gloria kaya sisiguradohin nila na habang buhay na sila sa pekeng trono nila.

    Kung may martial law na e di isasarado na ang Tribune o kontrolado na ng military. Kaya may taning na ang buhay ng Tribune at iba pang nagbubunyag ng katotohanan. Yong mga yellow newspapers na toilet paper newspapers e di nila isasarado yon dahil amoy imburnal na ang mga utak, kakampi na nila.

    Goodnight

  6. Isagani Isagani

    “Hala Noynoy bira dahil malaki ang investment nina Gani at ate ko sa iyo! hehehe!”

    Hoy, hoy, hoy, bukod sa boto ko may pinachibug pa ko para bumoto kay ninoy. sabi kasi niya manepostismo si noynoy. yun, nakuha sa lechon at beer – binoto din daw niya.

    So, pag nag-appoint itong si noynoy ng kamaganak, makakantsawan ako. 🙂

  7. florry florry

    Akala ko yong tatlong matsing ay sina Lacierda, Coloma at Carandang.

  8. chi chi

    Hahaha @Gani! Pero sa totoo lang, I’d like to wait for PNoy’s report after a year in office. Nangangantyaw lang muna ako kasi bwisit ako sa ilang kaibigan nya at bata ni Gloria na kanyang appointed.

    Wala akong expectation na malaki sa 100 days nya lalo at grabeng kapalpakan ng kanyang sinundan na putot. Sana lang ay mabiiis syang matuto at isakripisyo kung kailangan ang mga buddy-buddy at ankul-ankolans para sa progress ng Pinas at ni pinoy.

  9. VLo VLo

    Hindi ako nag-expect sa kanyang first 100 days. Malaki pa ang haharapin niyang pag-subok para linisin ang nine years ni Gloria Arroyo at iba pa. But for me… so far so good. I’m voting for PNoy all over again. Good luck and more power to you, Mr. President!

  10. florry florry

    May itinatagong husay si Noynoy. Just like Gloria na Economist magaling siya sa stats and economic forecasts. Na forecast at nakuwenta na niya ang mga foreign investors na PAPASOK pa lang at kung ilang trabaho ang ibibigay nito. Pati mga patuloy na pangangank at panganganak pa ng mga ito ay nakuwenta na rin, kaya lang hindi pa naisama sa kuwenta yong mga magiging apo.

    The only downside of forecasting is it’s a case of hit or miss affair. It’s like counting the chicks even before being hatched, ang masama nito baka mas marami sa itlog ay mga bugok, mabuti sana kung maging mga P-noy ang labas ng mga ito, pwede pang pakinabangan.

    Bago kumandidato si Noynoy ay alam na niya ang mga problema na iiwan ni Gloria. Hindi na siya dapat magreklamo, in the first place, alam niya yong pinasukan niya, unless na isa siyang tatanga tanga, at walang kaalam alam sa palakad at pinaggagawa ni Gloria. So continuous complaining can be understood as an alibi for own failure to deliver.

    It’s about time to stop harping about previous governments. Gloria is no longer the captain of this ship. Noynoy asked for it and he got it. It’s now his responsibility to steer it into peaceful and calm waters. Past is past and nobody
    can rewind, re-set and undo it.

    The only references you can get are lessons learned however hard and cruel those might be. That’s reality.

  11. balweg balweg

    Relax Folks, huwag tayong masyadong apurado sa gusto nating mangyari sa Pinas…9-years na sinalaula ni Gloria and her goons asshole ang bansa natin.

    We all knows that many of Gloria’s remnant…ngayon e mga tutang ulol na nakabuntot na kay PeNOY? Magbabangong-puri at anyong anghel ng kaliwanagan upang muli tayong utuin at igisa sa sariling mantika.

    Ang 1oo days niya sa Malacanang e pamantayan lamang ito ng mga Kulang sa Pansin? Kahit na si Poncio Pilato ang iupo natin sa Malacanang…mahirap mangyari ang iniisip nating pagbabago kung di tayo matututong umunawa sa isang katerbang problema na kinakaharap ng Pinas at Sambayanang Pilipino.

    Umabot na sa Stage 4 ang kanser na isang damakmak na problema ang ating bansa at napakarami pa ang mga bystanders na ang iniisip lamang e kanilang personal na kapakinabangan sa buhay.

    Kung kailan pa dumami ang mga lingkod-bulsa aba e lalong namulubi ang Pinas at heto sila ngayon ang nagbabangayan kung papaano reresolbahin ang mga katrayduran na kanilang pinaggagawa.

    Ang kailangan ngayon ng Pinas e magka-isa ang Pilipino, ibartolina ang lahat ng mga kawatan at isama si Gloria upang matahimik na ang bayan.

    Ibalik ang silya elektrika upang masugpo ang mga manyakis at rapist…at isama na din ang mga sinungaling at traydor na lumapastangan sa ating Saligang Batas upang huwag na silang pamarisan pa ng mga susunod na lahing Pilipino.

  12. patria adorada patria adorada

    harinawa Pnoy,umasenso ang Filipinas,para naman kaming nasa ibang bansa,makauwi na for good.gusto pa rin naming mamatay sa sariling bayan.

  13. henry90 henry90

    If u look at very closely at what PNoy is saying, he is warning those in the past administration that they have no right to pontificate. They are reminding them that it was THEIR TEAM that messed up this country in the first place. I don’t think that’s passing the blame. That’s making sure the right people are being held accountable for past sins. It’s just reminding the people that the cross-hairs of the rifle should be continuously trained on GMA and her minions for leaving us financially and morally bankrupt. I’m very sure GMA and her allies are spending a fortune in media ops trying to divert the spotlight away from them. Kitam? Limot na agad ang kasalanan nila di ba? How lucky can she get? 😛

  14. Observer Observer

    On Herman Tiu Laurel article:

    “The new pesos are being printed abroad in foreign money printing facilities instead of our own Security Printing Complex (built by Marcos in 1978 to ensure that the Philippines would have currency sovereignty). The excuse for this is that the new currency will have the most modern security features that would make it impossible to counterfeit. But have we had any reports of major counterfeiting problems with the peso to date? Unlike the dollar which is widely accepted across almost all borders, there is very little advantage to counterfeiting the Philippine peso because of its limited acceptability.”

    It seems to me that the new currency was printed outside of Philipines because the pictures on the new currency will tell us a lot on what form of government we have whether it is like a Marcos martial rule or regional type of currency like Euro which will be easier for the bankster (International bankers) to control the region. Will it shows on the pictures on the currency with the map of the Philippines without Mindanao on it?

  15. Kung hihimayin at intindihing mabuti itong SONA ni Penoy,mayroong tamang landas na tatahakin.Sana ito ay hindi boladas lamang.Sa loob ng 100 days ay mayroon siyang ibinando sa madlang pipol na ginagawa. Una ang kurapsyon,marami raw na naharang na projecto na kung hindi naagapan lugi ang gobyerno at mapunta sa kurakutan.

    Pero ang sumablay sa aking palagay ano ang kanyang gagawin sa mga taong ito na nangurakot sa kaban ng bayan. Sila bay’y kanyang kakasuhan o froget and forgive na lamang? Iyan ang katanungan na hinihintay ng mga bumoto sa kanya. Hayaan na natin iyung mga minority na hindi bumuto sa kanya at natural lang na puputaktihin siya ng batikos.

    Magiging 86.99% ang ratings ni Pnoy bago siya aalis sa trono kung makasuhan niya si Aling Gloria at mga alipores niyang kawatan.Iyung 10% na maka Gloria kasama na ang mga Pidalista at kawatan ay magagalit kay Penoy. Iyung 4% na hindi niya mabigyan ng lupa ay magagalit kay Pnoy. Teka nga muna, saan naman kukuha ng lupa si Pnoy para ibigay sa kanila? Iyun bang hacienda Luisita?

    Katulad noong nangyari sa demolition kamakailan lang,–Sabi nila hindi raw sila aalis dahil 30 years na silang nakatira doon. Bakit? Sa kanila ba ang lupang iyun? Iyan kasi ang mali sa atin,lupa ng iba ay gustong ariin porke’t doon na sila nagtirik ng bahay. Umuwi na lang sila sa mga probinsya at magtanim ng mais at kamote makakatulong pa sila sa paglago ng ekonomya. Masyado ng masikip ang kamaynilaan para sa mga professional settlers. Ano nga kaya ang pinagkakakitaan nila diyan sa Maynila? Aber! Una diyan sa lugar nila ang problema ay sanitation. Inirerelocate na nga ay ayaw pa dahil wala raw silang pagkakakitaan doon. Buhay nga naman binibigyan na sila ng tulong at pagkakataon ay umaayaw pa.

  16. Naibigay na ni Pang Ramon Magsaysay Sr. ang mga lupain sa Palawan,Mindoro,Kabisayaan at Mindanao sa mga dating HUKBALAHAP na nagbalik loob sa goyerno noong panahon niya.Wala ng maibibigay na lupain si Pnoy sa mga landless na magsasaka.Tinayuan na ng mga bahay at medyo yata tinirhan ng mga multo iyung Globe Asiatic.

  17. chi chi

    Tameme daw si report ni PNoy sa Hacienda Luisita. Hindi ko alam ang kwento dyan, mahirap magkomento. Sa jueteng naman, na-remember na ni Puno ang isang episode na asawa ni Lilia Pineda ang nagpadala ng sugo sa kanya pero ayaw pakialaman ni PNoy kasi nag-iisip pa araw si gun buddy ng pinaka-magandang solusyon, sabi na kasing gawin ng legal e…naghahanap pa yata ng mas malaki ang ipapabulsa sa kanila.

    A…yung recommendations sa IIRC, hindi rin kinanti ni PNOy, sa Lunes na raw kasi naunahan ng media dahil meron nag-leak sa faction nya.

    Siguro after one year meron na syang madaming-madaming konkretong iirereport. Until then….medyo mabait muna ako huwag lang magkakamali ng matindi ang sinoman sa buddies nya. (:

  18. Chi,
    Ano sa palagay mo na gawin na ng 12th grade bago magtapos ng high School.Para sa akin magandang panukala iyan kasi mahasa na ang mga studyante pagdating ng college.Sa America ay 12th grade bago magtapos ng high school. Sa high school naman may mga AP(Advance Program) subject,AP history, Biology,Chemist,Algebra,Physics at kung ano pa. Kung maipasa ng studyante hindi na nila kukunin iyun sa college.Kung hindi sila makapasa kukunin uli nila sa college iyun. Kaya ang mga studyante dito pag graduate ng high school siguradong maipasa nila ang Course na kukunin nila sa University.

  19. parasabayan parasabayan

    I stopped reading the Tribune. Nahalata ko na si Erap lang ang gusto nilang presidente. Halos lahat ng articles ay kontra sa lahat ng pangulo bukod kay Erap. I still read some of their news but if I sense that the article makes Erap look good, I simply do not read the rest of the article anymore.

  20. parasabayan parasabayan

    Kung baga sa report card, first grading period pa lang ang narating ni Pnoy. I give him barely passing on some issues. I give him a higher rating on his anti-corruption stand. Even a higher grade on his population control stand. But I give him an F or 70% on his support for his erring buddies who are positioned in higher public positions. He still can get higher grades. He has to work harder.

  21. Itong mga militantng grupo, wala ng ginawa kundi puro protesta na lang. Kahit na sino yatang Presidente ang iluklok natin ay magpoprotesta at mapoprotesta ang mga ito. Bakit hindi na lang sila tumulong para maiayaos ang gobyerno. Ang mahirap kasi kapag hindi satisfied dadalhin sa rally.Panahon pa ni Marcos iyan hangang sa manundok, Kung ang ipinaglalaban ninyo ay wala kayong mga lupa,galit kayo sa mga amerkano at mga banyagang namumuhanan sa ating bansa ay pabalik ang sulong ng lakad ninyo. Iyang mga foriegn investors ang nagbibigay ng trabaho sa mga kababayan natin. Iyang Foriegn Investors ang bumubuhay sa ekonomya natin. Kahit na nga isang lagare at martilyo wala pa tayong nagawa.Kung kaya na ng bansa natin na gumawa nag sariling sasakyan for global sales ay sipain na natin ang mga foreign investors na iyan.Kaso kahit nga Toyota ay hindi tayo makagawa,panay Tulac ka lang.

  22. O kayay mag kumunista na lang kaya tayo….Para matigil na itong mga militanting ito.Wala akong bilib sa ipinaglalaban ng mga militanting ito.Panahon na para magkaisa tayo.Panahon na para bumaba na kayo sa kabundukan at tumulong sa Gobyerno.Alam niyo ba maraming mga senior citizen dito na gusto ng bumalik sa atin at manirahan kaso natatakot sila kasi raw hinihingan sila ng revolutionary tax. Mayroon doon sa amin umuwi at doon na lang mag retire pinadalhan ng sulat at nanghihingi ng kuta buwanan kaya bumalik na lang dito.Pano tayo susulong niyan?

  23. 100 days lang ni Pnoy, huwag kayong atat at huwag niyo siyang pwersahin baka mabali agad ang “Magic Wand” niya. Si Barak nga ilang taon na, naghihintay pa rin ang Amercano sa kumpas ng baston niya patungo sa pagbabago.Pudpud na ang sapatos ng mga unemployed dito sa paghahanap ng trabaho at marami na silang utang para lang makabili ng gasolina para makasipot sa kanilang Job interview. Karamihang sagot sa kanila. “We’ll call you!” Nareposses na ng banko ang mga bahay nila at sasakyan umaasa pa rin.Ang malakas lang kumita ngayon dito ay ang “Bankcruptcy” Lawyer.

  24. andres andres

    Si Arroyo ang lagi nating sinisisi dito sa blog, pero sino nga ba ang may kagagawan kung bakit naupo si Arroyo?

  25. wala talaga akong tiwala sa mga militanteng grupo na yan, mga patraydor pa kung tumira…batikos nang batikos sa gobyerno eh yung paghingi ng revolutionary tax na sapilitan at mga “purges” (summary killings) hindi nila napupuna. si satur nagpakita na ng kulay minsan yan, sumama kay villar – mukhang pera din pala…
    …kung makapagsalita parang wala din silang pinatay…mga salot sila sa lipunan…

  26. tama lang na ulit ulitin ni noynoy ang mga kasalanan ni arroyo, medyo nakalimutan na rin kasi…
    ganyan din ang gagawin ko kung nasa lugar niya ako, si merciditas g, kukulitin ko hanggang umalis na lang kusa pati na yung mga nasa sc…kung sa batas walang magawa si noynoy para maalis tong mga to, asarin na lang niya nang asarin hanggang magkusa…

  27. “The new pesos are being printed abroad in foreign money printing facilities instead of our own Security Printing Complex (built by Marcos in 1978 to ensure that the Philippines would have currency sovereignty). The excuse for this is that the new currency will have the most modern security features that would make it impossible to counterfeit. But have we had any reports of major counterfeiting problems with the peso to date? Unlike the dollar which is widely accepted across almost all borders, there is very little advantage to counterfeiting the Philippine peso because of its limited acceptability.”
    ———————-

    susmayasantisima! halatang walang alam sa “printing” technology pati na yata sa papel ang nagsulat nito – 1978?
    dapat manahimik na lang siya para hindi mapahiya!
    observer, bata, ang dami nang pagbabago sa “printing” industry, itong mga makinang ito “junk” na dapat to…at mas maigi pang i outsource ang mga ganitong trabaho kaysa bumili tayo nang mga bagong makina para dito!
    tingin ko nga ang final print ng mga makinang ito ay duling na ala 3d (misregistered sa printing linggo), ano kaya speed ng mga ito, baka single color pa nga?
    observer, sabihin mo sa nagsulat nyan, lokohin niya yung mga walang alam…
    susmaryusep!

  28. sychitpin sychitpin

    #26 ; juggernaut

    i agree with “tama lang na ulit ulitin ni noynoy ang mga kasalanan ni arroyo, medyo nakalimutan na rin kasi…
    ganyan din ang gagawin ko kung nasa lugar niya ako, si merciditas g, kukulitin ko hanggang umalis na lang kusa pati na yung mga nasa sc…kung sa batas walang magawa si noynoy para maalis tong mga to, asarin na lang niya nang asarin hanggang magkusa…”

  29. NFA rice NFA rice

    Noynoy has the power to fire Puno, yet he did not do it. Pot-kettle-black.

  30. NFA rice NFA rice

    So many blatant inconsistencies and lies in this administration. Wake up people.

  31. chi chi

    cocoy – October 8, 2010 1:04 pm

    Chi,
    Ano sa palagay mo na gawin na ng 12th grade bago magtapos ng high School.

    Cocoy, maganda sana kung sasabayan nila ng mahuhusay na teachers at librong walang mali. Pero kung status quo lang ang dalawang items tapos dagdag lang na 2 more years ang panukala nila, kawawa naman ang mga magulang sa gastos ganun din ang resulta. Okay yan kung ang mga guro ay hahasain/trained bago ipatupad ang programa.

  32. Mike Mike

    Ok lang na ipagtanggol si PNoy ng kanyang mga loyalist dahil karapatan nila yon, at lalong pwedeng batikusin ng mga taong hindi natutuwa sa kanyang mga ginagawa bilang isang lider ng bansa. Kanya-kanyang opinyon at bawat mamamayan ay may karapatan mamuri o magbatikos sa kanilang ihinalal sa pwesto sa gobyerno.

    Bawat kilos at galaw ng isang pinuno ay nakaka-apekto sa bawat isa sa atin, maaring maganda ang epekto sa nakakarami, ngunit mayroong ding iilan na hindi nasisiyahan. Hindi ibig sabihin na komo marami ang naniniwala at sumosuporta kay PNoy ay dapat nalang manahimik ang minorya. Hindi pwedeng piliting busalan ang minorya para ilahad ang kanilang saloobin dahil tayo’y isang demokrasya at wala tayo sa kamay ng diktadorya.

  33. Mike Mike

    Naniniwala akong sinsero si Pinoy sa kanyang hanagaring mapaunlad ang bayan, ngunit hindi ibig sabihin na siya’y perpektong tao at hindi rin siya isang diyos na di nagkakamali. Katulad natin, siya’y isang taong paminsan-minsan ay nagkakamali din. May mga pagkakataon na ang kanyang mga desisyon ay sa palagay ng iba ay mali at di tuwid ang pamamalakad.

  34. Oh! ayan, tumama ang bolang crystal ko, numero lang sa lotto ang hindi tumatama.–http://www.gmanews.tv/story/203000/iirc-review-mendoza-bro-deputy-ombudsman-also-culpable

  35. Destroyer Destroyer

    Dapat isama si noynoy sa 12th grade… para naman gumaling at makapag isip ng magandang solution kung pano mapaganda ang ating economy at hindi puro KABULUSTAGAN ang mga sinasabi niya.

  36. balweg balweg

    RE: Si Arroyo ang lagi nating sinisisi dito sa blog, pero sino nga ba ang may kagagawan kung bakit naupo si Arroyo? ~ Andres

    Nice question Ka Andres? Alam mo mayroon na akong positive na answer sa katanungan mo…ang mga sinungaling at naghudas sa ating Saligang Batas at umagaw sa pangarap ng 11M botanteng Pinoy, walang iba kundi si Kardinal Makasalanan, Tabako and his lapdogs, Yellow wannabees con evil socialites, some identified Business groups, corrupt generals, tradpols lingkod-bulsa, leftist, rightist military opportunist, some media bayaran entities and bystanders who depended their lives sa gobyerno.

    Ngayon…sino ba ngayon ang maingay di ba sila-sila din na nag-Onsehan na kabilang sa remnant ng EDSA DOS at Hello Garci.

    But ang tunay na Masa na kakampi ng Pangulong Erap e tahimik lamang at tanggap ang pagkatalo ng kanilang Ama ng Masang Pilipino.

    Ang nagbabangayan ngayon e walang iba kundi ang PRO and CON ng EDSA DOS traitors.

    Ito ang katotohanan na dapat nating lahat maunawaan at pagtuunan ng pansin upang tuldukan na ang kahibangan ng mga naghaharing-uri sa ating lipunan kundi ang mga Elitista na gustong maghari-harian sa ating bansa.

    Pera ang ugat ng kanilang pagbabangayan…hindi ang tunay na paglilingkod sa bayan? Ang maprotektahan nila ang kanilang business interest either ito ay legal or illegal.

    Kung nasa poder ang sinuman sa kapangyarihan e kaya nilang gawin ang gusto nilang mangyari…madaling pagkakitaan ang maging lingkod-bulsa.

    Di kaila sa lahat na karamihan sa kanila e biglang yaman, sa kabila ng magkano lamang ang take-home pay ng bawat isa sa kanila except ang mga GOCC na milyones ang naibubulsang kita.

    Di pwedeng maging katwiran na marami sa kanila ang milyonaryo…but ang tanong, saan ba nanggaling ang kayamanang ito? Di ba sa kanilang mga magulang o ninuno na naging pulitiko din naman.

    Plus extension ng Gloria regime thru Hello Garci.

  37. florry florry

    Noynoy: “Hindi po kami nagbibiro sa pagtahak sa tuwid na landas. Kayong mga mali ang palakad at pinipinsala ang mga kababayan natin, ginagarantiya ko sa inyo: may taning kayong lahat.”

    Translation (by Obama): “To those who cling to power through corruption and deceit and the silencing of dissent, know that you are on the wrong side of history”

    Noynoy:” Ididiin ko lang po…”

    Translation (Obama): “Now let me be clear once more…”

  38. florry florry

    Noynoy: “Hindi po kami nagbibiro….”

    Obama’s other favorite: “Make no mistake about it…”

  39. sychitpin sychitpin

    Mr President, you were elected because you have people’s trust and confidence, and because people were so sick and tired with corruption and lying with impunity of previous administration. You brought great hope to a much abused nation, and your first 100 days showed your sincerity,honesty and determination to straighten the crooked path our country is taking for many decades now.

    We know that 100 days is not enough to fix the damages caused by 9 years of GMA’s misrule and bad governance. And we welcome the expose of anomalies and abuses in different agencies like NFA, MWSS, SSS, PNCC, GSIS, TESDA,DPWH, etc..

    It seems no gov’t agency is spared from the culture of corruption.Your great speeches bring back memories of your great father Ninoy, while your simplicity and humility reminds us of your great mother Cory.You said nobody is perfect, and we fully agree with you. There are things which could be tolerated and things which should not be left unresolved.

    This brings us to the issue of your buddy Usec Rico Puno, who was exposed by no less than Bishop Oscar Cruz to be involved in Jueteng. Whether guilty or not, delicadeza dictates that Rico Puno should be fired from his post or at least take a leave while the process of investigation is proceeding.This issue involves Trust and confidence, which is the very core of your election victory. Other mistakes could be forgiven, but im afraid this issue could not be left unresolved in favor of delicadeza of honor.

    Mr President, the ball is now in your hands. May God guides you always in making the right decision for the sake of country and your parent’s great legacy.

  40. I agree with you, sychitpin, up to 90%. What I want to see now is how the Truth Commission, if it still exists, will put Gloria and her cabal behind bars.

    If I may add, it does not help that Gloria was given the highest congressional pork barrel by Abad. At P2.2B, there are far more important expenses that need to be prioritized than entrusting more moolah to this kleptomaniac.

    At 30% SOP tongpats, P660M is more than enough to ensure she will get the best defense team anyone could ever assemble.

    So, what the fuck?

  41. sychitpin sychitpin

    #40: Im also shocked and could not comprehend why 2.2B was given to a kleptomaniac! That’s like P.Noy giving his enemy 2.2B ammunition to attack him. Why?

  42. florry florry

    #41 You asked: Why?

    Because she was the secret weapon of Noynoy during the last election. Gloria floated, gave all clues hints that she was a partner of the Villaroyo team because she knew that it’s a kiss of death to anyone supported or partnered with her. The truth and the fact of the matter, she was teamed up with Aquino. They were a secret team during the campaign; that was the Aquiroyo team.

    The snail pace run of the Truth Commission is not surprising. It’s all for show and being design to fail in cases against Gloria. It’s no wonder then that Noynoy chose Davide, a very close associate of the Glue to head the commission to make sure that in will be in the bag for Gloria.

    To the fan-Noy-tics and believers, pasensiya na lang kayo kung nabola o nauto kayo ng Aquiroyo team. Anyway kahit naman anong action o gawin niya, kahit palpak, OK pa rin sainyo.

    And to those who still believe that Gloria will meet her due as promised by Noynoy, dream on.

    Anyway it’s free.

  43. 2b1ask1 2b1ask1

    There could be a strong unseen hand protecting Gloria Arroyo. An influential religious group might have a hand in the selection of Davide to head the Truth Commission. This group could also be behind hiring a prominent retired SC Justice to defend Merceditas Gutierrez is her case pending at SC.

    Another popular religious group is apparently very quiet these days right after the last election. This businessman turned Preacher was directly involved in that C-5 Road exemption scam and now his name is again being implicated in the Pag-ibig Housing scandal.

  44. tru blue tru blue

    “Pati po ang buhok ko ginawa nilang isyu. Palagay ko ho dahil siguro binata pa tayo, hindi na tayo binigyan ng honeymoon” – PNoy

    There was no disrespect in my part if I ever called PNoy Prez Panot; it was done in jest. As of now, I’m one of your supporter and your defender for as long as I can take it, so that should compensate for my runaway remark, wink2x.

  45. 2b1ask1 2b1ask1

    Let’s call a spade a spade. Kung panot eh di panot…tulad ng pagtawag natin kay Gloria na isang Pandak.

    But let’s not look at a person’s look and physical appearance.
    Maaaring kulang ang buhok niya pero baka makapal sa ibang parte.

Comments are closed.