Dapat bantayan ng Bureau of Internal review at ng tauhan ng Money Laundering Council ang mga Pilipino na dadagsa na naman sa Texas sa Nobyembre para sa laban ni Saranggani Congressman Manny Pacquiao at ang Mexicano na si Antonio Margarito.
Gambling lords have found “creative methods” of laundering billions of pesos generated by their illegal operations in the country, a lawyer of a late suspected jueteng operator said Sunday.
The methods range from auctioning off paintings in Singapore to moving funds through the underground “Binondo Central Bank,” Ferdinand Topacio said.
Click here:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100927-294494/Jueteng-lords-clean-money-in-Singapore and here :http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100927-294520/Money-laundering-through-artworks
Sinabi ni retired Archbishop Oscar Cruz sa hearing ng jueteng sa Senado na nilalabhan ng mga jueteng operators at ang mga nagpuprotekta sa kanila ang ilegal na pera sa pamamagitan ng pagpusta sa boksing. Kung manalo nga naman sila doon, di legal na ang pera nila.
Sino-sino ba ang mahilig magbuntot kay Pacquiao tuwing may laban siya? Kitang-kita naman.
Nakakalula ang mga numero ng pera na umiikot sa jueteng. Sabi ni Sen. Miriam Santiago, P30 bilyunes (bilyun yan,siyam na sero) ang kita ng mga operator na ilegal na sugal sa isang taon. Kaya naman chicken feed lang sa kanila ang P300 milyun na pyola sa bawat mataas na opisyal.
Dahil nga ilegal, hindi kumikita ang pamahalaan dito dahil hindi napapatungan ng buwis. At pera ito ng mga mahihirap na akala nila ay maka-jackpot sila at gaganda ang buhay. Maling akala dahil wala namang mahirap na yumayaman sa jueteng.
Ang trabaho ng money laundering council ay imbestigahan ang nakakaduda na pera. Sa laki ba naman ng pera na pinapaikot ng jueteng, wala silang nahalata. Ayan sa Nobyembre, aandar na naman ang washing machine sa Texas.
***
Kung marami man ang sumasali sa diskusyon tungkol sa jueteng at ibang isyu pa na hinaharap ng administrasyong Aquino, iyon ay dahil sa mataas ang kanilang pag-asa ng pagbabago dahil yun ang ipinangako ni Aquino noong eleksyun.
Ito dapat ay tingnan ng Malacañang na pagmamalasakit at hindi basta lang batikos.
Sabi ni Alberto Madrilejos: “Hindi kaya ang apuradong pagretire ni Versoza ay para manigurado sa kanyang retirement benefits? Gulat ako sa early retirement niya. Halatang may naaamoy na masamang balita at bago pa ma-hold ang retirement benefits niya, kailangang makaretire na agad.
“Si Lim naman, kahit pa ano gawin niya, talagang may pananagutan siya. In criminal law, one has to answer for the consequences of his acts or omissions, regardless of is perception. What a way to end his colorful political career. “
Ang pinupuntirya naman ni Greg Santos,miyembro ng ‘Architects & Engineers Society ‘ sa Riyadh, Saudi Arabia, ay ang pork barrel ng mga senador at kongresista: “ Kung sumahin natin,kung ang kaalyado ng namumuno ay 75% membro ng kongreso at senado, at bawat kongresista ay may nakalaan na 40 million peso, at mga senador ay 200 million peso tuwing taon na ‘pork barrel’ ay halos 12 billion peso ang mapupunta lang sa bulsa ng ganitong mga politiko. At sa 12 billion na pera ay sapat na matugunan ang mga kakulangan ng eskwelahan, pabahay sa mga mahihirap, at iba pa. At ang Pilipinas ay hindi dapat mangutang sa ibang bansa.”
Talaga, kung ginagamit lang para sa bayan ang pera ng bayan, hindi dapat mahirap ang Pilipino.
Ang pulitiko at opisyal ng gobirno ay pareho ng istilo,pag ang sangkot ay kamag-anak at mga BFF,dios me parang may super glue ang dila,pag gusto ng libreng publicity mileage mas mabilis pa sa bullet train ng Japok,at tayo kahit sa entablado na palabas ay nakakainis,dakdak dito,doon at akala mo may magagawa.
Alam niyang ang batas,People vs so &so ang kaso ng isang nilalang di kailangan ang walang saysay na imbestigasyion gas na gas na litanya iyan.Meron ebidensya at witness tapos marami pang ka-ek-ekan,kung mali balikan at kasuhan ang nagakusa,para patas ang laban.
Ikulong at bigtihin para sampol sa mga hinayupak.No more extended courteousy to equal branches,let the axes fall to whom it will fall to see whose head would be rolling. Let us aside emotion from the betterment the lives of citizens.No more head of the state or religious sector causing the problem let us put them in frying pan,parang crime buster na puro ngawa wala naman ginawa.
Duda ako sa paglalaba ng maruming pera sa boxing. Masyadong malaki ang mawawala lalo’t liyamado lagi si Pacquiao.
Kwentahin natin sa bout betting:
(Sa estilong fractional odds)
Ang odds ngayon dito sa Pacquiao vs. Margarito ay kasalukuyang 1/8 home – 9/2 away. Ibig sabihin niyan, kada pusta mong $8 para kay Pacquiao, kakabig ka ng $1 pag nanalo si Pacquiao. Pag kay Margarito ka nakapusta, kada $2 mo, kakabig ng $9 pag nanalo si Margarito.
Ngayon, kung ang itataya mo kay Pacquiao ay $100 at siya ay nanalo, babayaran ka ng $112.50 lang.
Kung kay Margarito mo ilagay ang $100 mo’t siya ang nanalo, $550 ang kukubrahin mo. Kasama na diyan yung $100 mong taya.
——————–
(Sa estilong American odds)
Pacquiao : -800
Margarito: +450
Ibig sabihin, para ka kumabig ng $100, kailangan mong tumaya kay Pacquiao ng $800 o $900 total ang babayaran sa iyo pag nanalo si Pacquiao. Kung ang taya mo ay $100, mag-uuwi ka ng $112.50 (kagaya ng kwenta sa itaas)
Kung pustang Margarito naman, $100 mo ay may dagdag na $450 pag nanalo siya.
Kung draw ang laban, talo pareho ang pusta para kay Pacquiao o Margarito, ang mananalo ay yung tumaya sa DRAW na kasalukyang may dibidendong $3,400 sa bawat $100.
——
Gusto ko lang ipakita na ang pagtaya sa boksing, di gaya ng sabi ni Bishop Cruz, ay malayong paraan ng money laundering dahil napakalaki ng exposure (o fee) na maaari pang maburang lahat kung matalo yung tinayaan mo.
Hindi naman mahirap kumontak ng mga private bankers na handang linisin ang kwarta mo sa 2.5% hanggang 5% na fee. Andyan din and Standard Chartered at Hong Kong Shanghai Bank na pwede kang “i-service”. Kung kaya mong bitbitin ay dalhin mo ang pera mong labahin sa Hong Kong mismo. Pero kung malakas naman ang loob mo, maraming mga puti na nakatambay diyan sa mga coffee shops at hotel lobby sa Makati Ave. na naghihintay ng kliyente. 5% ang “processing fee”, libre na ang private jet kung malaking pera ang pinag-uusapan.
Kung marami man ang sumasali sa diskusyon tungkol sa jueteng at ibang isyu pa na hinaharap ng administrasyong Aquino, iyon ay dahil sa mataas ang kanilang pag-asa ng pagbabago dahil yun ang ipinangako ni Aquino noong eleksyun.-Ellen
Mismo! Pagbabago ang tukoy na isyu kaya nanalo! May karapatan ang tao na maningil at tutukan hanggang sa maisatuparan ang pangako.
Tama ka, chi. Ang packaging noon ay hindi trapo, diba? Kung ang pangakong pagbabago ay di naman pala balak tuparin, ano’ng pinagkaiba nila sa trapo?
BTW, sorry po Bishop Cruz kung tinuturuan ko kayong tumaya sa boksing. Sa jueteng na lang ho kayo, hehehe.
Tama ka, chi. Ang packaging noon ay hindi trapo, diba? Kung ang pangakong pagbabago ay di naman pala balak tuparin, ano’ng pinagkaiba nila sa trapo?
————————————–
“Non traditional politician” parang hindi tama, parang “military intelligence” din…
…lets face it guys, if we have too high expectations from people we ask for disappointment…especially from government…i find nothing immensely wrong with opposing views..before you get stressed out some more please be comforted in the fact that we have mechanisms that are in place already and the authorities are at work…nga lang, it looks like a “cat and mouse” game from where i stand, very much like the “Tom and Jerry” cartoons, where the mouse always beats the cat…. 🙂
Dahilan sa malaking pera ang kailangan para pumusta sa boksing, talagang ang mga tao ay sa jueteng na tataya dahil kahit barya-barya lang pwede na. Actually, sa araw-araw na badyet ng isang pamilya na masasabing marginalized, ang pinaglalaanan nila ay 4 na basic daily expenses: bigas, ulam, celphone load at pantaya sa jueteng.
Galing kay Gilbert:
Nais ko lang i-share ang aking pananaw sa usapin ng jueteng. Para sa akin dapat na at panahon nang gawing legal ang jueteng, actually dapat naman talaga legal ang jueteng para mas marami or lahat ay makinabang hindi lang ung iilang malakas at mga protector ng jueteng.
Hindi naman masama ang jueteng. Actually dito sa ibang bansa, legal ang jueteng. At isa pa kung legal ang jueteng mababawasan ang mga kalokohan sa gobyerno, isa kasi yan sa nagpapagulo ng ating gobyerno ngayon, malaki ang maitutulong ng jueteng sa ating mga kababayan kung ito ay magiging legal.
Yung kesyo ayaw ng gobyerno sa illegal na sugal, isang malaking hypocrisy!
Akala ba ninyo jueteng lang ang tinatayaan ngayon sa bookies? Jai Alai bumalik na! Tignan ninyo ang resulta sa mga tabloids araw-araw, merong dibidendo sa tumamang numero sa Special Llave. Pati yata sa Daily Double, naka publish na rin. Purbahan ninyo, bumili kayo ng diyaryong tabloid saka sabihin ninyong mali ako.
Namputa, maglolokohan pa ba tayo? Saan ba ipinapalabas yan ng live sa TV? Sa government channel diba? Tuwing alas dose ng gabi.
Ano’ng palusot naman nila diyan? Na tulog na si Coloma kaya di niya alam dahil di niya napapanood yang jai-alai? Sino’ng lolokohin nila?
Mga ipokrito! Sipain na rin yan! Noynoy, wag kang tutulog-tulog! Yan ba nag mga “close friends” mo?
With these guys around, who needs enemies?
Dalawa pala ang Grand Special Llave – yung pang-alas dos ng hapon, Matinee Grand Special Llave ang tawag. Event #2 yon. Ang finale ay yung Event #9, Grand Special Llave. 9-8-3 ang lumabas kahapon (Sept 27).
Sorry, yung “Daily Double”, sa karera (isa pang sugal na ibinu-bookies ng illegal) nga pala yon. “Doble Llave” yata ang tawag sa Jai-alai.
Ang jueteng at iba pang uri ng sugal ay lalong lumaki sa ilalim ni Gloria Arroyo at nagpapatuloy ngayon sa ilalim ni Noynoy.
Pinatalsik si Erap dahil sa jueteng pero hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang jueteng sa ilalim nina Chavit, Atong at Bong Pineda.
Bakit hindi nag ingay ang mga nasa evil society ng gaya noon?
Maniniwala pa ako sa money laundering through artworks. Si Imelda maraming originals ng old masters na sina Picasso, Rubens, Canaletto, Pissarro, Bonnard, Botticelli, Miro, Grandma Moses, Frigonard, and Pinoys Hidalgo and Luna. Siya nga raw ang tanging Asian na merong Michaelangelo.
Exposé after exposé after exposé, the jueteng controversy has set both the executive and legislature ablaze, and all because – according to insiders – warring factions from within President Noynoy Aquino’s “kingdom divided” have allegedly tried to set each other on fire.
The problem, they say, is nobody was really able to predict how warning shots meant to intimidate could set off napalm blasts that now indiscriminately scorch. Both camps were pulling at the President’s strings, now they’re all in a tangled mess of yarns and spins – bound to sustain casualties whoever wins the battle, the victor only to be decided in 2016.