Skip to content

Showbiz ang hearing ng jueteng

Tungkol sana sa report ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) ang aking kolum ngayong araw at sinimulan ko na habang ako ay nagmu-monitor sa TV ng hearing sa Senado ng imbestigasyon sa jueteng.

Aba, biglang narinig ko ang pangalan ni Gretchen Barretto . Mas interesante ito, sabi ko.

Actually, hindi sangkot si Gretchen sa jueteng. Lumabas ang pangalan niya kasi tinanong ni Sen. Jinggoy Estrada si retired Archbishop Oscar Cruz kung may kuma-usap sa kanya na maghinay-hinay sa pagtuligsa kay Interior Undersecretary Rico E. Puno.

Hindi primero naintindihan o narinig ng husto ni Cruz ang tanong. Sinabi niya “Wala.” Nang maintindihan niya, sinabi niya “Meron.” Nang tanungin niya kung sino, hindi niya kaagad maala-ala ang pangalan. Nagtanong siya sa kanyang kasama na nasa likuran niya. Ngunit dahil bukas ang mike, naririnig ang kanyang tanong, “yung partner ni Barretto?”

Sabi nga ni Sen. Jinggoy Estrada, showbiz na rin pala ito.

Nagpatulong siya sa mga senador para maala-ala ang kumausap sa kanya. Tinanong ni Estrada, sino sa mga Barretto dahil marami silang magkakapatid. Sabi niya yung pinakamatanda. Siyempre, si Gretchen yun. Dahil ang nakakabata ay sina Marjorie at Claudine.

Kapag partner ni Gretchen, ‘di si Tony Boy Cojuangco. Yun na nga. Sabi ni Cruz, “In substance”, ang pakiusap sa kanya ni Cojuangco ay “to be easy” on Puno.

Nakakatawa mag-kuwento si Archbishop Cruz tungkol sa kanilang pag-uusap ni Cojuangco. Sabi niya, “Siyempre, marami pa kaming pa-eng eng, eng-eng.” Ang ibig sabihin noong, bago nakarating sa tutoong sadya, marami munang kung ano-ano munang pinag-usapan.

Inamin naman ni Puno na kaibigan niya si Cojuangco, na kasulukuyan ay kasama ni Pangulong Aquino sa Amerika.

Kasama si Puno sa pinangalanan ni Cruz na sangkot sa jueteng. Ang isa pang mataas na opisyal ay ang kare-retire lang nilang PNP chief na si Jesus Versoza. Ang iba ay sina Pampanga Governor Lilia “Baby” Pineda; Pangasinan Governor Amado Espino; baguio City Mayor Mauricio Domogan;

Paul Dy sa Isabela; Retired general Eugene Martin; Danny Soriano sa Cagayan; retired General Padilla sa Pasay, Parañaque, Muntilupa at San Pedro; Boy Jalandoni sa Bacolod; Eddie Fontanilla; at Rey Cachuela.

Pinabulaanan ni Puno na tumatanggap siya ng jueteng payola . Sabi niya sa simula pa, alam niyang lalabas ang ganitong mga istorya dahil alam niyang babanatan siya ng dahil naghahanap siya ng alternatibo sa jueteng.

Sabi niya pinag-aaralan na nila ang jueteng.Ngunit nang tanungin siya ng mga alam niya sa operasyon ng jueteng at sa mga taong sangkot doon, wala siyang maala-ala. Ayaw niyang sabihin kung sino ang mga taong sinasabi niya dati na lumapit sa kanya para magninong para sa mga jueteng operators.

Sabi ni Sen. TG Guingona at Bongbong Marcos na dismayado siya kay Puno.

Published inPeace and OrderPhilippine National Police

29 Comments

  1. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    Matutulog na sana ako nang matunghayan ko itong topic. Kapag showbiz kasi ang usapan, magandang makisawsaw. Asahan nating hindi rin palalampasin ng mga showbiz columnists ang pagkakasangkot ng lover ni Gretchen B sa usaping jueteng.

    Meantime, hindi na bago ang revelation ni Bishop Cruz. Tiyak na deny to death ang lahat na sangkot ang pangalan. Angal nga ni Gov. Pineda, walang jueteng sa Pampanga. Pagmamalaki ni Mayor Domogan, Baguio City is jueteng free. Nagtataka naman ang isa kong friend from Pampanga na nagtxt kanina. Katataya lang daw niya sa jueteng, pompyang 10 ang kanyang numero, sino kaya ang may pabola nun?

  2. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Ellen,

    Mabuti naman at nilabas na ni Cruz ang mga pangalan. Isang linggo din siyang kanyang strip tease bago niya ipinakita ang listahan.

    Tignan natin kung ano ang gagawin ng presiente pagbalik niya unang una doon sa de Lima report at ngayon sa listahan ni Cruz.

  3. Mike Mike

    Magandang mayroong mga taong katulad ni Bishop Cruz na nagsisiwalat ng mga katiwalian sa gobyerno. Ngunit ang pagsisiwalat ay dapat na may kaakibat na katibayan. Kaya ko nabanggit ito ay sa kadahilanang baka sa kanyang pagsiwalat ay maaring mayroong mga taong wala namang kasalanan ang madungisan ang kanilang mga pangalan.
    Sigurado ba si Bishop Cruz na ang mga impormasyong kanyang nakalap ay hindi galing sa mga taong may ibang motibo upang siraan lang ang ilang mga opisyal sa gobyerno? Ako’y nagtatanong lang po.

  4. Mike Mike

    Dapat lang sigurong suriin ng mabuti ang lahat ng mga impormasyon at mga pangalang kanyang isinangkot sa jueteng. Madaling magturo o magbintang subalit kailangang maingat dapat ang panghuhusga.

  5. chi chi

    “Siyempre, marami pa kaming pa-eng eng, eng-eng.” – Archbishop Cruz

    Ang haban ng eng-eng ng lover ni Gretchen, nag-zigzag kay Puno rin ang tuloy. 🙂

  6. chi chi

    Konek-konek, ‘kala ko pa naman hindi makikialam ang mga kamag-anak ni PNoy. Buhat kay Berto of the foreign office to Divide of the Tururut Komisyon to the Puno of jueteng, ayayay….!!!

  7. Tedanz Tedanz

    Kaya siguro inilagay ni Noynoy itong si Puno na DILG undersecretary para hawakan ang kapulisan at hindi si Robredo na mismong Secretary ay dahil ….. may balak itong mga magkakamag-anak na solohin ang jueteng. Ito’y aking haka-haka lamang ….. pero bakit hindi …. di ba mga Igan?

    Kung gusto naman talagang ipatigil itong sugal na ito …. isang utos lang naman ang Pangulo … tapos yan. Pero bakit dehins niya magawa? Dahil ba hindi ito ang priority niya? Dahil malapit ng mapasakanila ang kita sa jueteng?

  8. Tedanz Tedanz

    Isa lang ang ibig sabihin nito …. naniningil na ng kabayaran ang mga taong tumulong kay Noynoy noong nakaraang eleksiyon. Kung totoo ang sinabi ni Cruz.

  9. Tedanz Tedanz

    Sabi nga ni Ramos, Estrada, arroyo ….. weder weder lang yan.

  10. parasabayan parasabayan

    Source ng political funds ang jueteng. Kaya yang mga local officials, governors and Mayors in cahoots with the PNP will NEVER stop the lucrative CASH COW! Di wala ng euro generals. Bakit hindi nila tignan ang mga lifestyle ng retired PNP. Kaya nilang bumili ng mga mansions. Kaya pa ng mga families nila ang mag-cruise sa Europe at bumili ng mga mamahaling crystals na Murano Is.

  11. parasabayan parasabayan

    Pati yang mga governors and mayors. Kung makabili sila ng gamit sa US, tsinelas lang Louis Vuitton pa!

  12. Mike Mike

    PSB, di ko alam na may tsinelas na LV pala. Alam ko bags lang. 😛

  13. chi chi

    Hindi ko nga alam na may Loius Vuitton pala! Kasi ang mga gamit ko ay tunay(ntinayn). Maybe kung manalo ako sa lotto akin ng susulyapan si Louis. 🙂

  14. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Selective memory si Usec. Puno sa Senado at nakalimutan niya ang bf ni Gretchen.

  15. Anak ng jueteng. Nung hindi nagbabanggit ng pangalan si Bishop, witch hunt daw.

    Ngayong nagbanggit na, “Asan ang katibayan?” naman.

    Naalala ko yung kapitbahay kong pulis-Pasay, si Mang Tano Cedilla – hepe ng Investigation Division at OIC ng night shift – habang minumura yung mga pulis niya:

    “Tangna ninyo, ang bobobo ninyo, kaya nga kayo pinasusweldong imbestigador, para humanap ng ebidensiya. Kung pati iyan ay iaasa pa ninyo sa complainant, isurrender na ninyo yang tsapa ninyo at baril sa mesa ko. Huwag na kayong pumasok bukas.”

    Hanggang sa magretiro at mamatay sa katandaan si Mang Tano ay nagtrabaho pa rin siyang consultant ng Pasay Police. Sikat siyang imbestigador at ilang beses na-feature sa bomba komiks na para sa mga pulis.

  16. Sigurado ba si Bishop Cruz na ang mga impormasyong kanyang nakalap ay hindi galing sa mga taong may ibang motibo upang siraan lang ang ilang mga opisyal sa gobyerno? Ako’y nagtatanong lang po.
    ——————–

    true! jologs din to si Cruz…para sa akin, huwag nang patulan ang jueteng na yan, ipaubaya sa susunod na administrasyon…wala namang pwedeng ibigay na trabaho dun sa mga taong dito lang kumukuha ng ikabubuhay…
    mas marami pang mas importanteng bagay na pagkakaabalahan…
    hayaang mabuhay ang mga anak ng jueteng… 🙂

  17. parasabayan parasabayan

    Chi, punta ka sa LV website at makikita mo yung mga tsinelas nila. Pwede ka ng bumila ng isang daang tsinelas sa presyo ng isang LV tsinelas.

  18. Rudolfo Rudolfo

    Palagay ko. tama ang hinala ng # 7..malinaw ang “procedures” ng pag-hirang ki R. Puno bilang undersecretary ni Pangulong Pnoy. Ibinato sa kanya ang PNP ( kasanga si retiradong Versoza), para alagaan ang mga ” sekrito “, at ” ad interim Secretary si Pnoy, bago niya kinuha ( temporary si Mayor Jess Robredo, nag-usap yata, sa mga responsibilidad nila, na dapat harapin. Problema di natutulog ang Diyos, kaya sila na-Karma sa di mabuting intinsyon o laman ng kanilang mga “plano “). Kaya pati tuloy si Juan de la Cruz nadamay sa “ka-palpakan ” na ibinato ng mga intsik (chinese ) sa gobyerno ng Pilipinas. Saan ba talaga patutungo ang bansa. “Makakalbo” na ang lahat ng Pinoy, malabo pa din yatang makamtan ang pagbabago.

  19. Enrile says jueteng exposes are “hearsay” in other words “chismis.” All these p[oliticians ie Miriam Santiago et al who suddenly developed this righteous indignation now is just so surprising for me – why only now?
    Only fools will fall for this farce…

  20. eto namang se ex bishop cruz, senile na yata, nagpagamit pa…may nagbulong, may nagbigay ng listahan, wala namang first hand knowledge din sa mga ito, kaya – sabi ng tao ko, na sinabi ng kakilala niya, na sabi rin ng kapitbahay niyang barbero, na narinig niya sa ginugupitan niyan kochero…..

    itigil na ang kalokohanng yan, utang na loob…

  21. Tedanz Tedanz

    Di pa ba malinaw sa atin na gustong hawakan ang Jueteng ng mga Cojuangco’s. Totoo ang sinabi ni Bishop Cruz na lumapit o tumawag sa kanya ang boypren ni Gretchen.
    O inamin na ng boypren na isang Cojuangco pero iba ang rason niya kung bakit siya lumapit kay Bishop Cruz.
    Unang una …. bakit siya nakikialam ……. puweeee …. sinliwanag pa ng buwan.
    Kawawang Noynoy at ang kanyang mga kapatid …. alam ko o tayong lahat na gusto nila ang daang matuwid … pero palagay ko mahihirapan silang tumawid …. maraming sagabal.

  22. bayong bayong

    magaling na pulis si mang tano cedilla kasi makikita devoted sa trabaho. sa ngayon kasi marami sa mga tulis kapag hindi kikita ayaw kumilos. tungkol naman sa jueteng lahat naaambunan mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa ibaba.

  23. Text message: PNoy in dilemna by De Lima’s committee findings. Will he ignore it or follow it and charge Mayor Lim and axe Puno?

  24. florry florry

    May mga tao na ayaw pagusapan ang jueteng dahil and president ay si Noynoy. Tinitira din nila yong taong nagbubulgar dahil ang president ay si noynoy. Dapat ang mga taong tulad ng mga ito ay magkaroon ng crash course tungkol sa pangit na impluensiya ng jueteng.

    Jueteng is one of the top sources of corruption. Nagsisimula ito sa mga barangay tanod, barangay captain, mayor, governor, pulis, military hanggang doon sa pintuan ng Malakanyang. Ganyan kalaki at kalawak ang naaabot ng galamay ng jueteng.

    Of course there’s a benefit of doubt in all exposes. But we can not eliminate doubt by ignoring it and without the benefit of investigation. A tip or an expose is enough to open up an investigation but not in the Philippines. The messenger becomes the target instead of looking into the meat of the message.

    If that’s how we do things, then the message of change and straight path of Noynoy, will not only be at a standstill and crooked, but lead us to nowhere.

  25. sometimes i believe that the INC, the born again christians, the mormons, etc, are more circumspect that the catholic church…
    …i find nothing wrong with fighting crime, but we must reserve judgment first before proper investigations, evidence, etc have been gathered…all this is doing is trying to get controversial headlines to sell more paper, more air and tv time…and politicians trying to outdo each other for sound bytes…
    …its not just noynoy, kahit sinong naging presidente (kahit pa siguro si villar) after the last election i personally will support until the end of his term…if i didn’t like it , i’ll vote for someone else’s agenda…
    …noynoy’s “daang matuwid” after thinking about it (and talking to friends) is an “ideal” – and ideals are like stars, we can’t reach them, but we chart our course by them…in life, there are no literal straight paths, we stumble, we lose our way for a while, we have to detour for some reason, but we get back right on course again…and we do the same things over and over again until we reach our destination…
    …oops, i may be wrong there, there may be a straight path (literally) leading to a place other than heaven…
    …jueteng is a really big blockade by the road right now that no administration in the past has ever overcome, we’re just recovering our bearings at the moment, the government is swamped by issues that are more urgent than this…we cannot win all our battles, there are some we should avoid and jueteng is one of them…we don’t want to get our hands tied this early in the game…lets work on things we can control first, fight the battles we can win…
    …as a businessman always in the midst of competition and challenges, its the only way i see how we can survive, adapt, and when strong enough, take on bigger challenges…
    …jueteng will have its time…all things come to an end…

  26. gusa77 gusa77

    Kung may anak o apo ng Huweteng,ay mayroon din mga anak at apo din ng walang kamatayan KORAPSYION,marahil mas marami ang pangalawa,dahil kahit sino ay “corrupted”na ,bawat saglit at sulok ng BANSA,ay KORAPSYION ang iyong masisilayan.basta korapsyion pinakamatinik ang mga pinoy,walang tatalo.Sabi nga “kailangan UTAK ang gamitin” upang mabuhay na maginhawa at kung ang iba ay maaring gawin ang ganoon bagay at nakakalusot.sino pa ang hindi susubok sa ganoon senario,di lahat na.Aminin man o hindi ng kalahatan,kahit paano ay tayo may bahagi at tinatangkilik ang KORAPSYION.Mula sa pagkabata hanggang kamatayan dadala ng isang nilalang ang korapasyion.Dahil sa kanilang paniwalang ang ” kanilang karapatan at kalayaan”.

  27. gusa77 gusa77

    Ang isang manggagamot ay nahihirapan hanapan tunay na mapapagaling na gamot sa isang maysakit,kung ang mismo ang may sakit ay ayaw magpagaling at dahil nakikinabang.Tulad ng HUWETENG,maraming gustong ipatigil,palitan ng STL O legalized,dahil maraming magugutom at mawalan ng kita.Sino ba ang mawawalang ng “KITA”?,ang kolektor,kabo at malilit na tao o mga kinauukulan na mga “Tao”na ang tanging hangad ay maging kabahagi sa maliit na kinikita ng pobreng mangagawa.

  28. bayong,

    wala yata akong kakilalang pulis na biniliban kundi kay Mang Tano lang. Maging yung traysikel na naghahatid sundo sa kanya hindi tumatanggap ng bayad kaya bago bumaba, inaabutan ng isang kahang Champion yung driver. Di tulad nitong mga bagong pulis ngayon dito, naka-condo ang mga kabit, modelo ang kotse, maya-maya ang inuman.

    Nikwento ko na pala yan noon dito sa http://www.ellentordesillas.com/?p=1345 pero magandang balikan yung mga diskarte niya nung patrolman pa lang siya dito: http://www.lawphil.net/judjuris/juri1981/mar1981/gr_27046_27047_1981.html

  29. hazzelhope hazzelhope

    Now I know why VP Binay is dying to be the DILG boss.

    Kaya pala sa Makati bawat building ay alam nyo naaaaaa………….

Comments are closed.