Skip to content

Puno, Versoza named as jueteng payola recipients

President Aquino, you have the names. The ball is in your court.

From ABS-CBN online

Ibinunyag ng isang opisyal ng simbahan at isang mataaas na opisyal ng gobyerno na sina DILG Undersecretary Rico Puno at kareretirong PNP chief na si Jesus Versoza ang umanoy dalawang mataas na opisyal ng tumatanggap ng payola sa jueteng.

Dalawang mapagkakatiwalaang source ng ABS-CBN — isang opisyal ng simbahan at isang mataas ng opisyal ng gobyerno — ang nagbunyag na sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Rico Puno at retired Philippine National Police chief Jesus Verzosa ang umano’y mga opisyal na nadadawit sa jueteng payola.

Kuwento ng dalawa, P5 milyon umano ang ibinibigay sa dalawang opisyal kada buwan at P2 milyon lamang kung mahina ang kita.

Isang retired Colonel Cachuela ang tinuturong bagman umano o tagabigay ng pera.

Apat na beses umano ang bigayan, tuwing ika-8, 15, 22 at 29 kada buwan.

Sinabi ng pangalawang source, mga dati nangg jueteng lords na naimbestigahan na rin ng Kongreso noon ang pinanggagalingan ng payola.

Idinagdag naman ng unang source na may mga bagong jueteng operators, kabilang umano ang isang gobernador sa Region 3, isang gobernador sa Region 1, isang mayor sa Cordillera, 2 kareretirong police general at kapatid ng isang police general at ama ng isang taga-Ombudsman.

Kinumpirma naman ni DILG Secretary Jesse Robredo, iniimbestigahan na ang mga isinasangkot sa jueteng payola.

“Ang report po ay in-laws pero I think we need to verify it,” ani Robredo patungkol sa ugnayan nina Cachuela at Verzosa.

Itinanggi naman ni Puno ang alegasyon.

Posible aniyang ginagamit lamang siya para siraan ang Pangulong Aquino.

“Hindi ko nga ho kilala iyong dalawang ‘yun. Ni hindi ko pa sila nami-meet eh. So wala akong alam sa kanila. Hindi ko ho alam lahat iyan eh. Dadalawang buwan pa lang kami dito. Wala naman tayong natatanggap. Wala naman akong nakakausap tungkol diyan kaya nga ako nagtataka paano ko nare-receive iyong P5 to P8 million na iyon,” depensa ni Puno.

Sa isang pagtitipon naman sa Kampo Crame nitong Miyerkules, tumalikod at umalis si Versoza nang akmang tatanungin na ng media sa isyu ng jueteng.

Hindi rin sinasagot ni Versoza at maging ni Cachuela ang mga tawag at text ng ABS-CBN. – Anthony Taberna, Patrol ng Pilipino

Published inBenigno Aquino IIIPhilippine National Police

58 Comments

  1. Isagani Isagani

    Wala naman yatang ibidensya. Hearsay ang tawag diyan. Katulad ni Rev. Cruz, ingay lang.

    Ito namn si R. Puno, ke laki ng bunganga, sabi niya nilapitan siya at inalok ng payola, Sino yung lumapit sa kanya – pangalanan niya ang ito!

    Lumalabas niyan na it is most likely na tumangap siya dahil sa pag-amin niya na inalok siya. At, tingnan niyo ang itsura ni Rico Puno, mukhang ba siyang kurap?

  2. chi chi

    “..tingnan niyo ang itsura ni Rico Puno, mukhang ba siyang kurap?”

    OO naman, gani…tinanong mo pa. 🙂

  3. chi chi

    Umiiwas si Verzosa sa media. Guilty nga kahit walang ibidensya.

    Yun kayang kwarta na dala ni Mrs. Verzosa sa Moscow ay first takes ni General kasi bago pa sya nun as PNP chief? Just asking….

  4. chi chi

    Excitingly waiting PNoy’s action on this news…aakto kaya?
    And to think that PNoy was reported to make Verzosa his DILG chief nabantulot lang ng hostage fiasco! Para syang lumundag sa kumunoy kung nagkataon. Is PNoy clueless talaga?

  5. Destroyer Destroyer

    Epal talaga ang nasa admin ngayon gustong alisin ang jueting pero naisip ba ng inutil na admin abnoy na dito kumuha ng ikakain ang mga wetengero!
    Kung gusto nilang e stop itong jueteng mag create sila ng maraming trabaho. Kung aalisin ang walang damdamin ng admin lalong tataas ang crimes lalo na ang mga magnanakaw.
    Obvious naman na ang mga protektor di2 ay mga taong ma influence lalo na ang mga pulis patola… imagine PO1/2/3 Supt. magkakaron ng luxury car at nakakapag paaral ng mga medisina!
    Mag create kayo ng trabaho bago ninyo buwagin ang jueteng… magsipag resign na kayo mga LP hoy!

  6. martina martina

    Kanya siguro separate ang responsible sa PNP sa DILG dahil magpartner pala si Puno at Verzosa sa kotong ng jueteng. Ebidensya ba kamo Isagani, mayroon yan kung talagang gustong makita, eh problema ayaw nilang tingnan. Hayan, di raw gagastos si Penoy ng intel fund niya para sa jue na yan. Isa pa di ba pag may usok may sunog.

  7. perl perl

    destroyer,
    ano bang recommendation mo? please lang…yung matinong sagot ha…

  8. saxnviolins saxnviolins

    O. Ayaw mag-imbestiga, so abs-cbn ang nag-imbestiga.

    Si Rico E. Puno, mukha bang kurap, tanong mo Gani?

    Kita mo nga, walang kakurap-kurap kung magsinungaling.

  9. perl perl

    alam malamang ni versoza na puputok ng maaga ang ganitong balita kaya siguro nag retiro ng maaga… sinusubok talaga si PNoy…

    chi, may aksyon na:
    Kinumpirma naman ni DILG Secretary Jesse Robredo, iniimbestigahan na ang mga isinasangkot sa jueteng payola.

  10. martina martina

    I think they were so busy with the jueteng connections they did not give a damn about thinking intelligently during the hostage crisis. Nine lives lost because of their ‘kaabnoyan’.

  11. perl perl

    abs-cbn ba nagimbestiga o lumapit lang ang source sa kanila? sax naman… napakabilis mo namang husgahan si Usec Puno… hindi pa din natin alisin dito ang anggulo ng paninira…

  12. Destroyer Destroyer

    #7… Bigyan sila ng marangal na trabaho para sa kanilang pamilya. Pwede rin e legalize nalang nila ang jueteng kaysa naman mawalan ng hanapbuhay ang ating kababayan. Hirap kasi sa atin ang daming nagmamalinis kuno na hindi gawain ng isang kristyano ang manunugal… kalokohan yan! bigyan sila ng trabaho.

  13. parasabayan parasabayan

    When the high ranking PNP officials were caught with large sums of money in Moscow, I immediately thought that the monies were from the jueteng payola. Saan pa?

    Mahirap matanggal yang bisiong yan kasi lahat ng PNP eh nakikinabang. Instead of policing the jueteng operators, the PNP even protect them. Yan ang cash cow ng mga crooked officials and hungry policemen. Make the gambling legal! Yan lang naman ang libangan ng mga local folks. Hindi lang nila alam na wala pala silang chance na manalo dahil ang lahat ng pera ay napupunta sa mga politiko at police. If legalized, at least siguradong may panalo and the lottery can pay taxes too and earmark the excess money for local projects. Everyone wins!

  14. perl perl

    maganda naman pala recommendation mo… problema mali kinakahulan mo… ang pagbibigay ng trabaho dapat ginawa na yan noon pa ni unanang gloria.. at ang pag legalize ng jueteng problema ng mga mambabatas… hindi ng pangulo…
    ang trabaho ng executive branch… ipatupad ang batas… ilegal ang jueteng.. yan ang sinasabi ng kasalukuyang batas… kaya dapat ipagbawal…

  15. NFA rice NFA rice

    This is an interesting development, confirming my suspicions. Now let’s see our President’s reaction. This is yet another chance to prove himself to his growing number of critics. I hope he won’t fail this time, for the good of the country.

    But a couple of suggestions to PNoy, can he restrain from now on those inane smirks? Also, will he speak coherently? If he can’t he has three excellent spookspeople to speak on his behalf.

  16. perl perl

    si versoza, inaasahan talgang tumatanggap ng jueteng payola… ang bagong appointed lang ni PNoy ang hindi… at hindi dapat…

    no choice si Pnoy kundi umaksyon… at dapat makipagtulungan ang abs-cbn at ang kanilang magiting na source na magbigay ng ibidinsya… kung hindi sila makipagtulungan… samapahan ng obstruction of justice… nagiingay tapos hindi naman tutulong!

  17. perl perl

    This is a real war! humanda ang bagong PNP Chief at DILG secretary. Tigasan nila mga buto nila… hindi pwde lalampa-lampa dito…
    PNoy, monitoring ka lang… no need to micromanage this problem… sibakin ang Chief PNP kapag hindi nameet expectation mo… tingin ko walang magiging problema kay Robredo…

  18. Tedanz Tedanz

    At, tingnan niyo ang itsura ni Rico Puno, mukhang ba siyang kurap?”— Isagani
    Di nga ba? Kamukha niya yong Jueteng Lord sa Pampanga na si Pineda.

  19. I would like to think, the hostage crisis deterred the possible entry of Versoza as DILG Secretary. We were told that Robredo was just appointed in acting capacity handling only the local government and Puno on police matters. Versoza was confident the unfolding hostage crisis will be settled peacefully so he went to Cagayan de Oro City and for sure, has the permission of maybe, Puno. Had we saw a happy ending of the hostage drama, it will be announced that Versoza is part of the crisis panel all along and will be among those credited for the good handling of the hostage taking and perhaps in a day or two, for a job will done, PNoy will announce him as the new DILG Secretary.

    With Versoza and Puno at the helm, their battle cry against the anti-gambling crusaders will be “What are we jueteng for?”.

    As to Robredo, plenty of vacancies he could be appointed to. There are many GOCCs which will be less stressful but the perks are wonderful. After 3 years, he could return to Naga City and run as Mayor where he was undefeated.

  20. vic vic

    This is very Serious allegations by one of the country`s biggest Media ouutlets and must not be ignored…at the amount of 5 millions (or 2 millions during slow business) no one is above temptations. But malicious allegations or not, President Aquino should not leave any doubts in the public mind…

  21. martina martina

    Before election: Erap – weder-weder lang yan!; si Villar – pera-pera lang yan! Si Noynoy- alang ganyan! (daang matuwid eh)

    After election: Si Noynoy – akin lahat yan!

    Kaya pala hindi niya pinalitan si Verzosa at balak pang gawing DILG chief – kitang kita ko na, kayo kita nyo na ba?

  22. gusa77 gusa77

    Huwag tanunigin ang mga may makitid sa pangunawa walang nakikita,kundi ang sin laki ng alabok ay nabibigyan ng pansin, at ang sinlaki ng bundok ay hindi matanaw.Ang mga taong nagpapasasa sa nakaraan pamamalakad ay ngayon nagngangawa dahil natigil na ang daloy ng biyaya,noon panahon na puno ang bunganga sa biyaya,ay hindi nag-ngangawa.Kasabihan nga “UTAK” ang gamitin upang mapuno ang bunganga,sa biyaya.

  23. martina martina

    Una pa, si Penoy nag acting DILG Sec. That explains why he was hesitant to give the post to Robredo. Then when it was given to Robredo, there was still a caveat for him not to meddle in PNP affairs. Naku, nag co -connect ang mga dots patungo kay Penoy.

  24. saxnviolins saxnviolins

    Sayang. Versoza was jueteng for his appointment.

    Yun pala, Noy was only jueteng Versoza’s appetite.

    Walang kakantang witness. They must be jueteng their pants already, dahil ayaw maging pataba ng lupa.

  25. clearpasig clearpasig

    give Jesse the full control of DILG, provide the PNP’s decent salaries, and beef up the judicial funding so the clerks office can afford to buy cabinets for filing. if Pnoy do that, he’ll get a good run for the next two years.

  26. Destroyer Destroyer

    #14… ang jueteng hindi nagsimula kay unanang gloria matagal na yan… ipinanganak ako nung 1975 meron ng jueteng kaya hindi lang dapat kay unanang gloria. mga mambabatas natin antipatiko, nagmamalinis pero lahat ang mga yan magnanakaw. Kaya ang batas natin kalokohan at wala ng sumusunod niyan kaya dapat e-ribista lahat.

    Sabagay ang pangulo natin robot lang naman at isa siyang tagapagsalita ng mga advisers niya.

  27. Isagani Isagani

    ‘langya, baga pilay na pato labas ni Pnoy sa mga pangyayaring di niya makontrol?

    Linulunod ang simula niya ng mga intrigang malamang na pakulo ng tiyanak.

    Kailangan magpakitang gilas si Pnoy at sakaling lumabas na kurap nga si R.Puno(stereotype pa naman ang itsura na kurap,) sipain niya.

    Dapat lang.

  28. Tedanz Tedanz

    Kaya siguro pilit iniipit si Robredo sa hosteyds isyu para may rason para tanggalin ang tinga sa mga anak ng jueteng.
    Nakapagtataka … isang utos lang ni Noynoy kung gugustuhin niya na tapusin na ang jueteng …. di tapos ang isyu. Kaso ayaw nila dahil ginagawa nilang gatasan.

  29. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Buti pa ang ABS-CBN may clue sa jueteng payola. Pero ang mga PNoy’s Cabinet men at loyal supporters ay pawang clueless. Name names ang kanilang pakulo.

  30. gusa77 gusa77

    Bakit gustong i-legalized ang tinamaan ng lintik ang isang JUETENG,dahil ba sa maraming magugutom?at mawawalang ng pagkakakitaan ang “Trabahador”ng nimbers game,isang mababaw na katwiran o maraming mawawalang ng “SAHOD”,kung isang mamayan ay hindi nagbabayad ng tamang buwis,iyon pa kayang ang isang sinasabing mga pinatatakbong Puhanan ng may malaking interes sa pinagpawisan ng mamayan.Parang ibig sabihin nito ay i-Legalized na rin ang korapsyon, pa Ngungutong at kumaha ng buwis sa kinikita ng Kutongero, fixer,at iba pa extrang kita ng mga taong gobyieno,Dahil kung aalisin ng kita ang isang mangagawa sa maling paraan at maraming bibig ang maalisan ng karapatang kumain at mabuhay na maginhawa,papano naman ang mamayan na kumakain at nabubuhay ng tahimik,sa mabuting paraan at kahit na isusubo na lang ay ibinabahagi pa sa pamahalaan,upang mabigyan ng pagkain sa hapag kainan at ikabubuhay ang mga taong na bigyan ng Hiram at Pangsamantalang kapangyarihan. Kung sabi-sabi ang lahat ay makikinabang sa LEGALIZING ANG HUWETENG,iyon na iniutang sa ibang bansa ay ano ang naging resulta,di ba napunta lang sa mga taong binigyan ng Hiram na kapangyarihan.

  31. big deal…so let abs file charges…let them submit their evidence if its really worth looking into…anybody can cry wolf…

  32. let the poor enjoy their numbers game, besides, without it some parishes.churches will die – whos going to give donations?
    legalize the silly numbers game and be done with it…hmmmmmm, saan ba pwedeng pumunta para tumaya?

  33. let the rich have their casinos, the middle class their lotto, to each his own poison…what pary tell can the you who oppose the numbers game can do? nothing, so i guessed…
    you can probably blog them to death? 🙂

  34. martina martina

    Okay lang magsugal, spice of life yan, at baka swerte manalo ng jackpot mas maganda, huwag lang maging compulsive gambler, problema na yan.

    Ang masama sa sugal na jueteng ay nakaka corrupt ng mga taong gobyerno. Tingnan nyo si Penoy, napapayatan sa 2 million, gayong 37 billion daw ang jueteng industry. Gayon pala kalaki ang industriya na yan eh bakit hindi niya mapursige na gawing legal at ng magkaroon ng pondo ang gobyerno? May misteryo.

  35. Isagani Isagani

    Nothing can stop Jueteng. Just like alcohol, it should be legalized to be controlled.

    Sino ba ang Al Capone ng Jueteng?

  36. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    It can be stopped. The problem is, it was allowed to flourish and influence every part of society including media. It can also be legalized but then where will you get unaudited income? The police is not interested because thats where they get some supplementary money. They also want to live comfortably like the politicians. Hire the kubradors, the people that do the legwork. They would rather have a steady income from the govt than from the syndicates.

  37. Think, think, think people…

    If you legalize jueteng, there’s no need to pay payola to the police, what for? legal na nga, sinong huhuli sa kanila?

    Without the excitement and mystery of being illegal or “bawal” people will see the absence of control measures, that the game is rigged, and will realize the foolishness of it all…it will die a natural death…

    The police, mayors, governors, tanods, whether we like it or not are direcly and indirectly tainted by it, even Robredo is not as clean as he says he is (secret)…

    Even the church is not spared, bishops accept jueteng money, nuns, etc…in the innocent form of donations (do they ask where donation money comes from?)

    Jueteng has flourished because so many people have benefited because of it being illegal, if there is no reason for these jueteng people to fear being arrested “bakit pa sila magbibigay?” or if they don’t have to feel guilty, why should they give to the church as “indulgence” (you know, getting a reprieve of your sins because you give a big offering to god – bribing god)?

    So who are main opposers of jueteng being made legal, the police, the mayors, the governors, the dilg lords, the catholic church…

    …it took a president that so many people branded as stupid, out of school youth, womanizer, drunkard, gambler, etc…and subsequently the first one booted out of office…to point out the obvious to us -but we still don’t see it…maybe erap is a lot smarter than all of us combined?

  38. perl perl

    Destroyer – September 16, 2010 7:22 am

    #14… ang jueteng hindi nagsimula kay unanang gloria matagal na yan… ipinanganak ako nung 1975 meron ng jueteng kaya hindi lang dapat kay unanang gloria. mga mambabatas natin antipatiko, nagmamalinis pero lahat ang mga yan magnanakaw. Kaya ang batas natin kalokohan at wala ng sumusunod niyan kaya dapat e-ribista lahat.

    Sabagay ang pangulo natin robot lang naman at isa siyang tagapagsalita ng mga advisers niya.

    noong panahon pa pala ni Macoy ang jueteng eh.. tapos yung bagong presidenteng wala pang 3 buwan ang kinakahulan mo…
    meron bang robot at sunod-sunuran lang sa adviser ang panay ang pa-interview sa media…

  39. tru blue tru blue

    “noong panahon pa pala ni Macoy ang jueteng eh” – perl

    Before Macoy’s time most likely; 1963 meron ng kubrador sa amin. Maybe Diosdado invented this darn cheating numbers game…lol.

  40. NFA rice NFA rice

    @perl #38,

    Kinakahulan natin si PNoy dahil yung may koneksyon sa jueteng ay hindi lang parte ng kanyang adiministrasyon, close na padrino rin niya.

  41. sleeplessinmontreal sleeplessinmontreal

    May nag comment sa itaas, panahon pa raw ni Macoy ang jueteng. Panahon pa po ng kastila, may jueteng na! Naging topic na itong jueteng dito sa ET noon pa at hayaan ninyong ibabalik ko ang isang comment noon:

    The Saga of the Lopez Family unfolds the story in the Iloilo in the central Philippines in 1929 when Chinese Luis Sane, popularly known as Sualoy, was recognized as the “king of jueteng” in that province.

    He operated with gusto and impunity, amassing great wealth by bribing politicians and police for his safe conduct of business. There had been no raids nor reprimands whatsoever despite the government ban on jueteng.

    Ening Lopez, publisher of El Tiempo, began a campaign against jueteng in Iloilo, seeing that it has caused corruption in the local government. He charged that Iloilo Governor Mariano Arroyo, city police chief Marcelo Buenaflor and his brother Congressman Tomas Buenaflor had been bribed by Sualoy to turn a blind eye on jueteng. Governor Arroyo was the brother of the late Jose Arroyo, a Nacionalista senator and good friend of Senate President Manuel Luis Quezon.

  42. perl perl

    NFA,
    okay lang kumahol… pero sa tamang tao, lugar at oras… huwag natin itulad sarili natin sa mga aso na basta-basta na lang kung kumahol…

  43. NFA rice NFA rice

    @perl,
    hindi basta-basta lang ang pagkahol sa kasong ito. The dogs are barking because of the overpowering stench.

  44. chi chi

    sleepless, thanks for the jueteng archive. I recall that pero mahina ako sa halungkatan. 🙂

  45. hindi basta-basta lang ang pagkahol sa kasong ito. The dogs are barking because of the overpowering stench.
    ————————————

    hindi ka naman pala tao, bakit ba seriosohin pa? ang mga aso tinatratong aso…

  46. bayong bayong

    galing ni puno 2 months pa lang nakapatong na, sobra talas.

  47. bayong bayong

    di na bago ang ganitong sistema pati nga ilang opisyal ng napolcom dumidikit o pumapatong jan eh. si erap lang naman ang minalas sa jueteng. yung medyo nasa mababang posisyon task force pakilala ang diskarte pero yung nasa taas di pa umuupo meron ng hatag sa mga lords.

  48. NFA rice NFA rice

    @juggernut #45,

    Dogs are beautiful creatures. They are faithful to their masters and their BS detection skills are almost unmatched.

  49. Libra Libra

    Malinaw na itong si Rico Puno ang tinutukoy ni Archbishop Cruz na taga-DILG na tumatanggap ng jueteng payola. But as usual, he denies it. Meroon bang magnanakaw na umaamin? Anong pagkaiba ng bagong gobyerno ni Noynoy sa panahon ni Gloria Arroyo na kahit isa man lang niyang tauhan ay walang umamin sa kasalanan? And we hear the same thing over and over again: If there’s evidence, bring it to court.

  50. NFA rice NFA rice

    @baycas2 #49,

    Di ba yung uncle ni Pnoy na si Peping Cojuangco ay isa ring jueteng lord?

  51. gusa77 gusa77

    Ang pagtaya sa game of chance,number games ay isang maling paniniwala,katulad na sisikat ang buwan sa katanghalian tapat sa mga dararing na araw.Di natin dapat sundan ang yapak at paniwala ng ating mga ninuno,iwaksi natin ang mga maling paniniwala.THE ODDS of jueteng 1:1368,means your chance of winning is very slim.kung ang mananaya ay 30 pesos,ang taya para sa tatlong numero isang bolahan, pero tatlong bola isang araw.ngayon kung makikita mo ang buwan sa tanghaling tapat ikaw may 800 peso ang kapalit sa paghihintay mo ng pagsikat ng buwan,ngayon sabihin natin 3 beses sumikat ang buwan isang taon.Mayroon na 2400 ang tama sa tatlong beses isang taon,magkano naman ang naitaya kung susumahin,isang taon 90pesos x 364days=32760 pesos {-2400}=30360x 10yrs=3003600 pesos kung ikaw ay squatter ay may nabili ka ng maliit na lupa.at di na nagbabakasaking isang araw ay demolisyon ang iyon tatayaan.

  52. baycas2 baycas2

    @NFA,

    siyanga! walang iba kungdi si BABALU!

  53. chi chi

    O sige, tatlo na tayo..NFA at baycas sa pagsasabing “siyanga” Mga kubrador sa amin, pinapangalanan pa si BABALU nun pang araw!

  54. NFA rice NFA rice

    Huwag naman nating insultuhin ang tunay na Babalu. Mabuting tao yun.

    Pwede naman nating tawagin si Cojuangco na Mr. Lovesong .

    In Cebuano, “labaw suwang” = “long mandible”

  55. chi chi

    Basa ko sa Arab News, tongue. Tenkyu sa link.

Leave a Reply