Skip to content

Sablay

Kahit na dalawang linggo na nakalipas ang trahedya sa Luneta, nakakapanghilakbot pa rin ang maririnig ang pinaka-kritikal na mga minuto kung saan nagwawala na ang hostage-taker na si dating Senior Inspector Rolando Mendoza.

Pinatugtug kahapon sa hearing ng committee na nagi-imbestiga ng trahedya noong Agosto 23 ang mga huling minute ng trahedya sa testimonya nina Jake Maderazo, manager ng Radio Mindanao Network at ng kanilang reporter na si Michael Rogas.

Sana hindi na mangyayari ito ulit. Ang bigat sa dibdib at sa pag-iisip. Mabigat sa ating bayan.

Kung sabagay, kailangan siguro natin ito para mayugyug tayo, lalo pa ang ating mga opisyal, lalo pa si Pangulong Aquino na ayusin nila ang pagpalakad ng bayan.

Paulit-ulit ko sinasabi na sana naman may nakuha tayong leksyun sa nangyari para naman may katuturan itong kahihiyan at pasakit sa bayan. Panawagan ni Pangulong Aquino at ng iba pang mamayang nagmamalasakit sa bayan na tayo ay umabante na. “Move on,” ang mantra ngayon.

Dapat lang.

Sa ganitong panahon ng krisis, dapat tayo ay magka-isa, itabi na ang personal na hidwaan. Sana ganun. Kaya lang hindi ganun ang nakikita ko.

Sisihan at turuan ang nangyayari. Kami sa media, kung ano-anong sulsul ang nakukuha naming laban sa magkabilang kampo sa pamahalang Aquino. Alam ng marami ang dalawang kampo na nag-aagawan ng control sa pamahalaang Aquino.

Ang isa ngayon na binibira ay si Interior secretary Jesse Robredo. Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na mahihirapan daw si Robredo sa Commission on Appointments dahil sa nangyaring palpak ng mga pulis noong Agosto 23.

Medyo may pulitika ang komento ni Escudero dahil nakasama siya sa grupong tinatawag na “Samar” sa pamahalaang Arroyo. Yun ang grupong ang headquarters noon sa isang bahay sa Samar Avenue. Kasama niya doon sina Executive Secretary Jojo Ochoa, ang mga kamag-anak ni Pangulong Aquino na sina dating Rep.Peping Cojuangco, iba pang supporters ni Noynoy Aquino na ang kandidato sa pagka-bise president ay si Jojo Binay.

Ang isang grupo naman ay ang tinatawag na “Balay” dahil doon sila nagmi-miting sa isang bahay sa Araneta-Roxas compound sa Cubao. Kasama doon ang Liberal Party kung saan kabilang si Robredo at ang Hyatt 10 na dating cabinet members ni Arroyo.

Kumakalat ngayon itong text na alam ko galing sa Facebook ni Dick Malaya: “Nagsama na pala ang nagaaway na grupong “Samar” at “Balay” para maayos na ang pagpatakbo ng pamahalaan ni PNoy.

Kaya ang tawag sa pinagsanib na grupo ay “Sablay.”

Walang pikon ha. Kailangan natin panatiliin ang ating sense of humor.

Published inAbanteNoynoy AquinoPeace and OrderPhilippine National Police

19 Comments

  1. chi chi

    Bakit ganyan ang komento ni Chiz? A galit na ako talaga sa kanya! Aba, meron kayong niluluto ha! Where’s the transparency that PNoy promised? Layo pa ng 2016, focus muna kayo sa problema ng Pinas!

  2. Destroyer Destroyer

    Ang grupong “Sablay” ay walang teamwork kaya palpak ang kanilang operasyun lalo na sa pamamalakad sa ating bansa. Lalong gugulo ang ating bansa sa kagagawan itong dalawang paksyon. Naloko na ang pinas naging comedian. Itong si kris na sister ni noynoy kasama rin kaya siya sa grupong “salisi” sa may mga asawa.

  3. Destroyer Destroyer

    Kakayanin pa kaya ni noynoy hanggang 2016!? siya ang umako sa hostage taking kaya pagugulungin niya ang ulo niya sa quirino grandstand. Panis na rin si chiz mula nung nag backout nung eleksyon… ayaw na siya ng mga kabataan masyadong pa epek.

  4. baycas2 baycas2

    “Ooh, s’ya na’ng nag-sorry
    Ooh, sawa na sa sisi
    Pasensya ta na, mabilis lang s’yang mataranta

    Sino ang hari ng sablay, sino ang hari ng sablay?
    Hinding-hindi makasabay, sabay sa hangin ng ating buhay
    Hari ng sablay, sino ang hari ng sablay?
    Sino ang hari, Sino ang hari?”

    (The preceding was sung by a tambay near us to the tune of “Hari ng Sablay” by Sugarfree)

    Aruu…Kapampangan nga pin…
    (This is a response from a kabalen ala-“Glee”)

    ‘Ari ng sablay, si ‘Noy ang ‘ari ng sablay
    Si ‘Noy ang ‘ari, si ‘Noy ang ‘ari…

  5. Destroyer Destroyer

    Maganda ang nangyayari sa administrasyon noynoy para malaman lahat ng mundo na ang dugo nila noynoy ay mahina at walang ibubuga kundi dakdak lang… like father like son!

    Mabuhay ang mga “Sablay”.

  6. martinsampaga martinsampaga

    ang nakikilala nating mga team sablay,so far ay sina: COLOMA, CARANDANG at ROBREDO… Ikinalulungkot lang, eh ang pinakahead ay si Noy2x! ilan pa kaya and di nakikilala??????

  7. florry florry

    A re-post, dito pala dapat florry – September 7, 2010 4:31 am

    The teams of the “tug of war players” in the Noynoy camp agreed to unite and called themselves SABLAY which means:

    Suntok sa hangin, suntok sa buwan, mintis, palpak, dud, missed, off-marked, off….. and off…….

    Anyway, what’s in a name?

    Hope they will not live up to their name and unite for good as a show of respect to the boss.

  8. chi chi

    Baycas, ayos ang kanta ng tambay. 🙂

  9. Ellen, what do you mean by move on? –
    “Panawagan ni Pangulong Aquino at ng iba pang mamayang nagmamalasakit sa bayan na tayo ay umabante na. “Move on,” ang mantra ngayon.
    Dapat lang.”

    Although the hostage-taking is an isolated incident, government mismanagement, police negligence, the press’ lack of ethics, our leaders’ lack of integrity (delicadeza included), the filipino people’s fatalism are not. Only by focusing on the issues surrounding this isolated incident, can we can pinpoint all the wrong things (or people) and push for appropriate changes.

  10. oystermushroom oystermushroom

    The rivalry between factions within PNoy’s camp won’t end anywhere soon. It may even intensify as they attack each other. Until such time that one gives up or is overthrown then and only then PNoy’s camp may know peace. The political and financial spoils are still there to be grabbed. And when it comes to these matters there is no satisfaction.

    I see very few reform minded people in PNoy’s team. And some of these few reform-minded ones are already under attack.

  11. andres andres

    Nalulungkot ako sa nangyayari, nguni’t ang taumbayan din naman ang pumili at nagpadala sa media propaganda ng mga elitista.

    Ito ang aking pangamba noon, talagang hindi handa si P-Noy, at ipinilit isaksak ng mga yellow army.

  12. gusa77 gusa77

    SALAMIN,itoy gamit na nilikha,upang gamitin sa pag-aayos sa ating kaanyuan,kamaliaan at dapat iaalis ang mga bagay bagay na di nararapat sa isang panig sa ating kaanyuan.Ano man ang TRAHRDYA at mga pangyayari sa isang bansa ay ito ay salamin nagiging silbi upang isalarawan ang kabutihan o masamang man kaugalian ng mamayan.Sa simula sa ating paaralan ay itinuro na ang pamamahal sa inang bayan.ang pagmamahal sa dakilang limikha ay kapantay ng pagmamahal mo sa bayan,mga magulang at kapwa.Halos lahat ng mamayan ang namumutawi sa kanilang labi lamang”MAHAL KO ANG AKING LUPANG SINILANGANG”,pero nasaan kaya napunta ang galing sa isip at gawa,iyan ang iyong mamasdan sa pangyayaring mga nakaraan.

  13. bayong bayong

    kasalanan ng mga pinoy yan, namatay lang ang ina ginawa ng presidente ang anak, susunod na presidente si kristeta na. kawawang pinas. kung erap ang nanalo mas maganda ang istorya maraming mawawala.

  14. rose rose

    hindi ba ang ibig sabihin ng sablay ay “mali”?..mali ba ang pag elect kay Noynoy? hindi ba mali din ang pag elect kay puntot? ano ang tama? dito sa US marami ang nagsasabi mali ang pag elect kay Obama..but until mabalitan siya by whatever means..he is still the president…many may not like him but he is still the president..hindi ba dapat ganito din sa Phil.? let us grow up and move on…

  15. perl perl

    hirap stin mga pinoy eh… kapalpakan ng mga pulis.. isisisi sa presidente.. malinaw din naman na kapabayaan ng nakaraang administrasyon ang punot dulo ng problema… kasalanan talga ng mga pinoy… ng mga utak talangkang pinoy!

  16. Mike Mike

    Perl, kaya naman na sisi si P-Noy ay sa kadahilanang ang mga napatay ay mga dayuhan. Si P-Noy ang naglulok sa mga opisyales na nangasiwa sa hostage taking incident at ng galing na rin sa kanyang kampo na ang presidente ay nakatutok at nagmamasid sa insidente. Sa kanya nagrereport at naga-update ng mga detalye hinggil sa sitwasyon ang kanyang mga opisyales. Di ba di nga niya tinanggap ang tawag ni CE Donald Tsang dahil busy daw siya sa pagasikaso yung mga panahon na yon?
    Inako din niya ang responsibilidad sa trahedyang ito, na ayaw namang akuin ng kanyang mga tuhan sa gabinete.

  17. luzviminda luzviminda

    Medyo magulo yata ang set-up ng administrasyon ni P-Nyoy ah, kaya nagkakagulo sila sa kanilang mga specific na functions Hindi yata nila alam ang eksaktong trabaho nila. Masaya ang mga nai-pwesto dahil marami silang pagkakataon na magka-impluwensiya. Si P-Nyoy naman inaako ang mga dapat ay responsibilidad ng mga tauhan. Ano ba yan, maaga yatang ‘napapa-ikot’ si P-Nyoy!

  18. perl perl

    Mike,
    Walang problema kung sisihin ng mga dayuhan si PNoy… ganon talga… pero kung ang maninisi ay ang kapwa pinoy na nakakaalam kung gaano kabulok ang sistema ng pulisya at hudikatura na minana lang sa nakaraaang administrasyon… yan ang problema… alam natin ang mga pinagdaanan ng bansa natin…

    Kahit na sya ang nagluklok sa mga taong namahala sa hostage crisis.. hindi pa din sya dapat sisihin. Tumingin ka sa isang pribadong kompanya.. kapag pumalpak ba ang isang manager… sinisisi ba ng mga empleyado o ng ibang manager ang kanilang presidente? Ang dapat tignan natin dito ay kung ano ang magiging aksyon ng presidente pagkatapos ng insidente…

    mganda ang takbo ng imbestigasyon… bakit kamo? dahil nalalaman ng publiko ang bawat detalye ng pangyayari.. isa itong malaking halimbawa na nagtatrabaho ng maayos ang kasalukuyang gobyerno…

    tungkol sa pag-ako ng presidente sa responsibilidad… nagpapakita to ng pagkakaroon ng magandang kalooban ni PNoy… dapat tayong magpasalamat dahil bibihira ang may ganyang katangian…
    nagpapaliwanag ang mga naging involved sa trahedya… pero sinasabi ng iba na nagpapalusot lang… inako ng presidente ang responsibilidad para makapag “move-on” na, matigil na ang turuan at makabangon mulia… para yan sa ikabubuti ng bansa hindi para pagtakpan ang sinuman…

    bantayan natin at hintayin ang resulta ng imbestigasyon…

Comments are closed.