Bakas sa mukha ng mag-asawang Fernando at Corazon Fortuna ang sakit at hinagpis ng magulang na naghahanap ng anak. Ganoon din ang mag-amang Pitarico Garcia at Pops Cabaltica.
Hinahanap nina Fernando at Corazon ang kanilang anak na babeng si Daryl, 23 taong gulang at estudyante sa Polytechnic University of the Philippines, na nawawala mula pa noong Marso 26 habang nagre-research tungkol sa kanyang thesis sa Zambales.
Kasama ni Daryl nawawala rin ang anak ni Pitarico na si Jinky, 18 taong gulang. May isa pa silang kasama na nawawala rin: si Nimrod Landingin.
Nakilala ko ang mag-asawang Fernando at Corazon at ang mang-amang Pitarico at Pops sa forum sa University of the Philippines noong isang linggo tungkol sa mga nawawala. Kinausap nila si Major Henry Libay ng Philippine National Police na nangakong tulungan sila.
Ang forum ay para mapaigting ang kaalaman ng taumbayan tungkol itong krimen na wala sa listahan ng ating batas: ang mga nawawala. May abogada galing sa Italy, si Atty. Gabriella Citroni, na nagbigay ng report sa ginagawa ng United Nations para maisulong ang kasunduan ng lahat na bansa sa mundo na ikondena at ihindi ang gawaing binubura sa mundo ang isang tao.
Maliban sa Panginoon, walang sinuman ang may karapatan magbura ng tao dito sa mundo. Ngunit sa record ng mga Asean Federation Against Involuntary Disappearances at The Familes of Victims of Involuntary Disappearances mga 1,450 na katao ang nawawala. Kasama na doon sina Jonas Burgos at ang mga estudyanteng sina Karen Empeno at Sheryl Cadapan.
Sabi ko nga sa forum ang hirap yung hindi mo alam kung nasaan na miyembro ng iyong pamilya. Kung patay man siya, saan ka magsisindi ng kandila? Saang puntod ka magdadala ng bulaklak?
Doon sa forum pinakita ang film documentary na “Unsilenced” tungkol sa Picop 6, ang anim na manggagawa sa PICOP na nawawala mula pa noong 2000. Sila ay sina Joseph Belar, Jovencio Lagare, Romualdo Orcullo, Diosdado Oliver, Artemio Ayala, at Arnold Dangkiasan.
Mabuti naman at nag-file si Sen. Miriam Defensor Santiago ng bill no. 1455 na magiging krimen ang gawing nawawala ang isang tao. Kailangan ang bill ni Santiago dahil mahirap kasuhan ang isang suspek kung walang katawan na pinaslang.
Sa Senate Bill No. 1455 binibigyan ng ibang kahulugan ang “involuntary disappearances” sa kidnapping, murder at serious illegal detention. “Ito ang pinakamasakit na paglabag ng karapatang pantao at dapat kilalanin ito n gating batas,” sabi ni Santiago.
Kaya lang 20 hanggang 40 taong pagkakakulong lang ang parusa na linagay niya sa kanyang bill. Unang hakbang pa lang ito. Ang mahalaga magkaroon ng batas at mapirmahan ng pamahalaang Aquino ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearances.
human is capable of reason thats why they worth of respect.
F**k the NPA!
Ang babata ng mga nawawala! Dapat ang ating gobyerno may policy against summary dissapearances para magsilding gabay na di ito ang patakaran ng gobyerno lalo na sa ating militar at kapulisan. Sana pati na rin ang ating mga kapatid na rebolusyonaryo na may ibang paniniwala. Murang isipan para burahin sa mundo. Di dapat!
sa hearing ng doj ay may nabanggit si spo2 mendoza na matagal na siya sa serbisyo at ang ganun salita ay masama. ewan ko kung alam ni sec delima ang ibig sabihin ni spo2 mendoza. extra judicial killing ang tinutukoy ni spo2 mendoza palibhasa hindi pulis si sec delima kaya hindi niya abot kaya wala ng follow up na katanungan. pangkaraniwan sa pulis ang gumawa ng salvaging. kanino ka hihingi ng tulong di ba sa pulis din kapag nawawala ang kaanak mo, papaikutin ka na lang.
sadly, in our country laws are not enough. we have all the laws we need to deter and punish crime. we just need a government to implement them.
if aquino can set up a Truth Commission and an Investigation Incident Review Committee, why not set up another group to investigate extrajudicial killings?
we will not get justice just by hoping and praying for change which we filipinos invariably end up doing when injustice occurs.
Nawala sa Zambales si Daryl. Si Hello Garci Ebdane ang governor dyan a! Just saying…..
Maraming pulis at sundalo ang sangkot sa salvaging. Mahirap kapag nakursunadahan ka ng mga berdugong yan. Malimit mangyari yan sa probinsiya. Pero sa siyudad ay nangyayari rin yan tulad ng Maynila. Nakakatakot na yung mga awtoridad na dapat ay magbigay proteksyon ay sila pa ang gumagawa ng krimen. Hindi kasi nila kayang hulihin at puksain yung mga tunay na rebelde kaya kung sino-sino na lang ang pinagkukursanadahan. Kailangan ang malakas at tuwid na liderato ni P-Nyoy as Commander-in-Chief. At tama nga na magkaroon ng batas sa ganitong kaso ng disapperances.
Sa probinsiya namin ay minsan nang “na-suspetsahan” at “na-imbitahan” ang isang tiyuhin ko dahil lang sa siya ay may CB Radio, eh hindi naman sikreto yung frequency na gamit niya. Gamit niya kasi yun dahil miyembro siya ng isang Rescue Group na affiliated sa NGO. Buti na lang at hindi siya sinaktan. Pero natakot din kami na kung ano ang gawin sa kanya dahil walang nakaksisiguro kung ano ang balak at pwedeng gawin ng mga sundalong yon. Ano na ba ang silbi ng mga Intelligence gathering kung mga palpak naman ang mga impormasyon, at mga inosenteng tao ang nabibiktima ng mga berdugong sundalo at pulis?
It is really heart-rendering for a mother looking for a missing son or daughter after being picked-up by police or military authority. I can say this firsthand. For two straight weeks my mother went from one military camp to another, police stations, hospitals, friends and neighbors looking for me. I was picked-up by the military intelligence group in our province on suspicion of being a leftist rebel. I underwent the regular military torture and later was turned over to the custody of the PC then and detained for another 6 months. My mother was a pitiful sight when I saw here next. The worry, the fear and the tortuous thoughts running through her mind has taken its toll on her. It was only upon my subsequent release that later restored her health but not her peace of mind. Whenever I venture out during those times she would always remind me to be very careful and avoid the police, military and anyone with leftist tendencies. Lucky for me, I still was able to come home. An uncle of mine who had some friends in the Phil. Constabulary (PC) intervened and caused my temporary liberty. I had to report then every Saturday and account for my whereabouts, but that has ended too.
It is a horrendous experience for a family to undergo. Not knowing the whereabouts of loved-ones or whether they are still alive or dead. Really no one should be placed in such a dire situation. Specially if those causing such as situation are those sworn to protect and keep you safe.
I am in support of any law being enacted to put a stop to this evil practice.
Thanks Ellen for bringing this up. Though it opens sad memories something should be done to put a stop to this evil practice.
oystermushroom, I don’t know what to say. It must have been a harrowing experience.
My uncle was kidnapped and killed by the NPA. Fuck the NPA!