Skip to content

Walang dapat ipagyabang si Arroyo

Dapat tumigil na itong si Elena Bautista-Horn sa pagyayabang na mas magaling ang pamahalaan ni Gloria Arroyo sa paghawak ng krisis kaysa sa kasulukuyang pamahalaan ni Noynoy Aquino.

Si Bautista-Horn ang spokesman ni Arroyo na ngayon ay kongresista ng pangalawang distrito.

Okay palpak si Aquino nangyaring hostage-taking noong Agosto 23. Ngunit hindi ibig sabihin noon, name-miss na ng taumbayan si Arroyo. Dahil kung contest ng palpak ang pag-usapan, walang mananalo kay Arroyo.

Nakalimutan yata ni Arroyo ang bagyong Ondoy kung saan libong Pilipino ang nasawi at nawalan ng bahay. Unang-una bakit ganun ka-grabe ang nangyari. Bakit nawala ang mga agusan ng tubig? Korapsyun. Hindi ba nya naala-ala na pribadong sector ang nanguna sa pagsalba at pagtulong sa mga nabaha?

Ang masama pa sa mga perwisyo ni Arroyo sa taumbayan, ay sadya at talagang pinlanuhan. Baka gusto ni Baustista-Horn ay isa-isahin natin ang krimen ni Arroyo sa taumbayan. Simulan natin sa kanyang pandaraya noong 2004 na eleksyun, ang ugat ng maraming pasakit ng sambayangang Pilipino.

Dahil sa tulong sa kanyang ng mga Ampatuan sa pandaraya, inalagaan niya ang pamilyang yun na siyang may kagagawan ng pinakamalagim na masaker kung saan 58 na tao ang pinatay, 31 sa mga yun ay journalists.

Nasaan na ba ang Truth Commission na itinatag ni Pangulong Aquino?

Published inGloria Arroyo and family

51 Comments

  1. Ang ikinatatakot ko, baka mahulog din si Noynoy sa mga patibong na itinanim ni Putot sa kanya. Alam mo naman ang istilo ni Pandak, pag may eskandalo, gagawa ng isa pang eskandalo at mababaon na hanggang makalimutan yung mga nauna. Hindi ko inaasahang gagawin yan ni Noynoy pero kung gusto siyang pabagsakin ay ganyang modus operandi ang walang paltos na epektibo dahil subok na galit ng taumbayan ang kapalit niyan.

    Kaya nga matigas ang panawagan ko na sibakin na lahat ng appointed ni Putot. Maaaring idismiss ang pangamba ng iba na may posibilidad na merong sabotaheng naganap diyan sa hostage taking pero maaari ring may katotohanan. Wala dapat puwang upang mangyari ang kinatatakutan ko at ng iba. Mapipigilan lang iyan kung wala silang pagkakataong gumawa niyan.

    Lagi sanang dilat ang kanilang mata, bukas ang mga tenga, bukas nag mga pagiisip. Tandaan lagi ang Murphy’s Law.

  2. Isagani Isagani

    Ang laking distraction nitong hostage snafu na ito sa programa ni Pnoy. Makikita natin kung gaano siya kagaling magkumpuni ng ganitong krisis. Hindi lang naman ito ang malaking bagay na dapat niyang talakayin. Sa katunayan ito ay panggulo lang.

    Kung si Gloria, gagamitan lang ng patay malisya o kaya isnabin ang buong pangyayari. Malamang sa kaso ng mga intsik, hahalikan niya puwet ng mga yun.

    Ano kaya istrok ni noynoy? Magpalunod kaya siya sa kasong ito o idelegate niya ang kaayusan nito at mag-move on to bigger and better things like the economic and moral welfare of the Pilipino people? Sa katunayan water under the bridge na itong hostage case na ito. Kung patuloy ang pagka-ipokrito ng mga intsik sa kasong ito, sehoda na lang sila.

    Pnoy, move on!

  3. Destroyer Destroyer

    mas lalong walang ipagmamalaki itong administrasyon aquino dahil 2 months palang kahiya-hiya na ang pinakita sa buong mundo. pinakita niya ang kawalan ng leadership niya. wala siyang decision making kasama na ang mga secretaries niya at cabinet members niya. kawawang administrasyon aquino ginawang robotic.

  4. gusa77 gusa77

    Kung ating titignan natin ang salamin ng nakaraan,ang lahat ay parang ito’y resulta ng magaling na pamamahala ni REYNA Kutongera,di sana magiging mabangis na Halimaw ang nasawing nagbigay ng malaking kahihiyan sa bayan,dahil sa kutong naging kaugalian ng mga taong tagapagtangol.Nasupil at di namayagpag,ginawang ang pangungutong,ang dahilan ay siya ang ginawang taga hanapbuhay ng mga taong nabigay at ibasura ang kasalanan “RAPE,Extortion at Illegal dention,parang jaywalking lang sa kanilang paningin ang kaso ni HALIMAW Mendoza,ayos lang bata,basta monthly dehin kalilimutan,para sa extended family.Subalit nasilat naman si HALIMAW,ayun sa isang superkutong,150G ang katapat,para pakawalan na naman,DEHIN yata uubra kay YORME,ang magsout ng maruming damit ang lespiak,kaya tadyak ang kanyang inabot ng Halimaw.No CHOICE or option si UNGAS,may monthly fees para sa dismissal case ng NAPOLPOL,at eto naman 150 g para titignan,ang kasong EXTORTION,drug AT KIDNAPPING,aba malaking tong fee ang kanyang kakaharapin at maraming na naman ang magdudusa,naka-isip ng madaling paraan upang matapos ang pahirap sa kanya ng mga KUTONGERO ni goyang,HOSTAGE DRAMA para malinis daw kuno ang kanyang maruming pagkatao.Malaking katuwaan ng mga KUTONGERO,ng tigbakin ng kulang sa kagamitan na mga lespiak si HALIMAW at eto,malaking kahihiyan ng bagong bumabagon na bansa at sasabihin ng mga may UTAK LAMOK,mas magaling si REYNA NG KUTONG sa pagpatakbo he-he nakatawa ang ibig sabihin amoyin na lang ang BAHO ng basura ni goyang.

  5. Destroyer Destroyer

    Pano mo masasabi na “bagong bumabangon na bansa” kung ang mga kababayan natin nagpupursigi na umalis sa pinas para maka survive sa gutom!? UTAK IPIS lang ang nagsasabing bumabangon ang pinas… pano nangyari yun kung ang mga kababayan natin ang domestic helper maski pa nakapagtapos ng college!? UTAK BUWAYA lang ang nagsasabing si ABNOY lang ang susi ng pag unlad ng pinas… ang administrasyon ABNOY ang parang Taliban maraming grupo kaya naman si ABNOY na putang-benge hindi ma gets yung salita ng mga secretaries niya kasi yung ibang grupo samar… hay naku! pinas nagpauto kayo sa mga magagandang salita ang administrasyon.

  6. vic vic

    this miss Horn forgets too soon that the not so prepared police officers that were in the forefront of the rescue effort are part and parcel of GMA legacy to the country and some of the pressing issues the current Government of P-noy has to address. and there will be more of these to come. she left too many problems when she seen herself out of the door and it may take sometimes to even know some of them…just scratching the surface for now.

  7. rose rose

    tama ka destroyer..walang dapat ipagmamalaki ang administration ni Noynoy…on the other hand mas dapat walang ipagmamalaki ang administration ni arroyo kahit ano pang lakas ng hoot hoot ni Horn…is the 9 years of corruption something to be proud of? pray tell Ms. Horn! In 9 years na hoothotan ninyo ang kaban ng bayan…it took Marcos 20 years…what a gal indeed is Macapal gal! arroy-o
    anong sakit ang binigay mo sa bayan!

  8. gusa77 gusa77

    Paanong mong ibabagon ang isang bansa,ipagundutan sa mga dayuhan ang mga nagsunog ng kilay at tapos supermaid,ang labas my you might be genius on your thinking”only” but where do everything started,for almost decade,dahil sa mga super genius na tulad gaya ninyo, sa tulad namin walang kayang ang pagiisip ninyo papanong manipulahin at papanong makaiwas sa kabalbalan na pinagagawang matatalino at isisi sa mga taong gustong ituwid at ihahon ang bansa, dahil sa kahirapan ang binabangit marahil ay “UTAK IPIS”,sorry di ko natapos ang kursong tulad,na iyong natapos.

  9. chi chi

    Sibakin mo na kuya Noy lahat na tao ni pandakekak, tagal naman….

    Padapuan ko kaya ng mag-asawang sampal itong is Elena Horny Bautista. Ano ba gusto ng babaeng ito at nag-iingay? Kung hindi saksakan ng korap at plunderer si Gloria ay sana hindi naghanap ng messiah ang kapinuyan. Pagtitiyagaan ko ng bwisitin sa kakokomento si kuya Noy hanggang matuto kesa sa isiping isang katulad ni Gloria o si Gloria mismo ang magiging lider ule ng Pinas.

  10. jawo jawo

    Pagtitiyagaan ko ng bwisitin sa kakokomento si kuya Noy hanggang matuto kesa sa isiping isang katulad ni Gloria o si Gloria mismo ang magiging lider ule ng Pinas.——> chi
    ************************************************************
    I second that, mareng Chi.

    Gaya nang sinabi na ng iba sa atin dito sa Ellenville, let’s give the guy a chance to prove his worth. We all know na kagkamali siya. Siya mismo ang umamin sa kanyang pagkakamali. Kung hindi natin ito matanggap, then lahat nang bumoto kay PNoy ay nagkamali. Sang-katutak na tanga ang bumoto kay PNoy ! Can we live with the thought that we were not intelligent enough to have voted for him ?

    We pinned our hopes on the man and he has yet to prove he is worthy of our votes. Otherwise, he can always be impeached. And then what ? Let the person who never committed a mistake in his life lead the Philippines to the promise land——————or towards one of the first world countries in 20 years as fucking gloria arroyo would say while walking in her sleep.

  11. chi chi

    p’reng jawo, madaling patawarin si PNoy dahil meron syang mga cabinet members na dapat ay sila ang nasa pronta. Ang mali lang ay ang inilagay nya sa mga pwesto ay kung hindi mga dating tauhan ni Gloria ay puro mga amateurs at personal friends na mahirap utos-utusan. Dyan ang tingin ko ay malaking bukol sa kanyang administrasyon.

    Si Obama nga hangga ngayon nag-aaral pa e. Slow learner nga raw sabi ng Las Vegas mayor, hehehe!

  12. dan dan

    Dapat tumigil na itong si Elena Bautista-Horn sa pagyayabang na mas magaling ang pamahalaan ni Gloria Arroyo sa paghawak ng krisis kaysa sa kasulukuyang pamahalaan ni Noynoy Aquino.

    Ang administrasyon ni Pnoy kumbaga sa sakit e pwede pang gamutin ang kay arroyo e last stage cancer na kya ikaw Elena Bautista-Horn tigilan mo na ang pagkukumpara sa amo mo kasi si Gloria e naknak at sukdulan ang kabulukan sa lahat ng aspeto ng korapsyon, human rights violations, perjury sa sambayanan at pagnanakaw ng kabang bayan, pag aalaga sa mga tiwaling heneral para hindi mawala sa pwesto,mandaraya sa halalaan etc. Kaya ikaw Horn tumigil ka kasi walang binatbat si Pnoy kumpara kay Gloria pagdating sa paggawa ng kabulastugan magsama kayo ni Edcel Lagman!!!!

  13. The media is not the only one that should do some soul searching here…also the president…in the midst of all these confusion and stress, he should take the initiative to get some quiet time and put things in perspective…whether he has true friends close to him who can help him thresh out the many cracks exposed by this incident, or if he does it alone…he must try to get back his bearings, do a root cause analysis, use the ishikawa fish diagram, and some potential problem analysis…if people int he private sector go through this at the departmental levels with lesser social, financial, heck national impact, what more the presidency?
    Does he really have a team? Is there really a faction within? What is his goal, personally and organizationally? nationally? internationally? What are his targets? What are his timetables? Bearing in mind the exposed weaknesses of his current organization, will he be able to make his goals?
    His “daang matuwid” is well and good, but where does this road take us? who will take us there? how do we get there? when are we going to get there? are there any means of monitoring and evaluating success areas?
    Unless he operationally defines his administration’s existence and lays down key performance indicators, he will not be able to manage this country…unless he minimizes extraneous variables, we will be seeing catastrophe after catastrophe and confusion…and if he keeps micromanaging essential control points/areas like “law enforcement” (the component of DILG) or whatever that is, there will come a time (if it hasn’t come already) that he will be overwhelmed by the deluge of issues that is the very nature of how the Philippines works…the country has a history of disaster and he must find his champion master of disaster soon if he is to meet the other demands of running the country…he must realize that it takes methodology to manage, not just good intentions, it takes an iron will to make a team work (as the components have differing mindsets)…and for god’s sake, would somebody in his communications group tell him to come out with “prepared statements” (carefully, logically, properly, prepared!) because he doesn’t do well in extemporaneous, spontaneous, question and answer portions (like Venus Raj)…never did during the campaign period, and there is no margin of error now…errors at this time from his end have disastrous consequences already…and find someone to replace Ochoa also…

  14. I hope that his group learns from this debacle about the imporance of “prepared statements, questions will not be entertained” pending a thorough investigation of the matter…

  15. Destroyer Destroyer

    na bansang demokrasya tayo kaya pwede i hayag ang ating damdamin, hindi pwedeng iisang kulay lang ang nasa administrasyon dahil kung nagkaganun communist tayo… maganda yung meron taong sutil sa isang banda. LAHAT ng naging presidente nagnakaw yan sa liit ng sahod nila tapos nakakabili sila ng luxury cars, isama na ang mga senador at sa congress hanggang sa maliit.

    balik tayo sa hostage taking, sabi ng malakanyang walang epekto sa tourism sa nangyari at lalo na ang relasyon ng HK at pinas… UTAK IPIS talaga ang administrayon, bakit after 2 days nagkaroon ng siling labuyo ang kanilang pwet lalo na itong si abnoy! iba ibang tabas kasi ng dila itong mga taong ito meron bisaya at taga central luzon kaya yun nagkaroon ng miscomm sila.

  16. Nobody is really prepared to be president, unless of course you’re a second termer, or have been preparing, willing-to-cheat-just-to-be-one, or plotting to oust a standing one like what Gloria did to Erap on the very first day of her stint as vice president…
    …but for heaven’s sake, shorten the learning curve, get some help…ask Ellen if you need to, just get some sound advise from disinterested people…

  17. oystermushroom oystermushroom

    Totally true – walang dapat ipagmalaki itong si Elena Bautista-Horn(y).

    This Bautista-Horn(y) is one of Gloria Arroyo’s henchmen that needs to be investigated by the Davide Truth Commission.

    Yes I agree with those who say that transparency in this current government is alive and with growing pains to boot. At least here the public has that rare chance to see and hear the investigative proceedings going on unvarnished. Unlike during Gloria Arroyo’s time where investigation have to be kept under wraps or shielded by Presidential prerogatives or Supreme Court imprimatur.

    However, under PNoy, it hurts a lot to laugh at the bumbling blunders being pressed on us. As said in previous threads, this “comedy of errors” hurts more that elicit laughter. Kung sinasabi na ang pag-kampanya para kay Noynoy and tunay na nakakapagod, ngayong tapos na ang elekyon, mas kapagod-pagod at nakakapanglumo ang komedyang nagaganap.

    On the other hand, we should not lose hope. It is still early in the day (67days)to lose hope. Frustrating as it is to see those inept and incompetent PNoy functionaries strutting around like peacocks and leaving PNoy to take the blame for that bloody Monday, we still hope and pray that they learn their lessons fast. Still I find it very hard to shake-off this feeling of frustration and helplessness.

    Truly depressing.

  18. gusa77 gusa77

    Ang kurso na pilit na pinatatapos ng aking mga namayapang magulang na mahigit na anim dekadang tag-araw at tag-ulan na ngayo’y aking pilit na tinapos ay ang pagsunod sa sampung utos ng ating lumikha,ang pag-paunlad at ikabubuti ng aking kapwa at kapaligiran.Mahirap palang tapusin ang isang kurso na ang bansa sa pagiisip na ang sobra sa kalayaan,magiging sanhi ng pakalugmok sa kahihiyan ng iyon pagkatao.At kung ating uunawain lamang isang kamalian o kabutihan na nangyayari ay iyon ay ITINALAGA at AYON sa DIREKTOR,ng isang malaking umiinog na entablado na ang bawat isa ay may bahaging dapat gampanan.

  19. The results of the investigation speak for itself, the MPD is not equipped and trained enough to handle situations such as what occurred…
    …so what were they doing all these years? nagkakamot ng yagbols?
    …come to think of it, even during typhoon Ondoy the government was caught off guard with Gibo looking like a confused clown then…so what were these people doing all that time? no training, no requisitions for equipment and training? what is is Horn(y) be – atch talking about?

  20. I pray that Noynoy and his team will reaquaint themselves with an old friend Peter Drucker…

    “The one certainty about the times ahead, the times in which managers will have to work and perform, is that they will be turbulent times. And in turbulent times, the first task of management is to make sure of the institution’s capacity for survival, to make sure of its structural strength and soundness, of its capacity to survive a blow, to adapt to sudden change, and to avail itself of new opportunities.”

    “Don’t be clever, be conscientious.”

    Predicting the future can only get you into trouble. The task is to manage what there is and to work to create what could and should be. The controlling word is “must.” Executives are not in control of the universe any more than other mortals are. But executives are accountable for the survival of the organization in their keeping, for its ability to perform, for its results.

    Managing in Turbulent Times
    http://www.fictionwise.com/ebooks/eBook7955.htm

  21. oystermushroom,

    Disasters such as these are bound to happen again because the police are not prepared to handle them in the first place, unless there is an overnight miracle and they suddenly become superheroes…these were not highlighted before because we didn’t have “blow-by-blow” coverage then…if we didn’t see the incident from start to finish, we could’ve just been shocked and the impact not as serious as the impact lets say the Ampatuan massacre…
    If given the same coverage and shown all over the world, the Ampatuan incident would trump this one hands down an would draw more drama…
    Considering that everything will be made open to the whole world now, the powers that be should shape up fast as they are living under a microscope linked up to the whole world… in other words, nakabulatlat na lahat, wala nang puwede itago…so don’t beat yourself up too much, we just inherited all these, we didn’t cause them…

  22. xonix xonix

    Kay tongue twister, paalala ko lang. Karamihan sa tao ni putot gaya ni berroya nasa mrt pa rin. Si manda na tao na ni putot tao pa ni tambok nasa llda pa rin. Maraming marami pang iba. Tiyak pag tiningnan maigi ni pnoy magugulat siya. Hindi ko lang malaman bakit hanggang ngayon hindi niya kaya palitan. Ano ba hinihintay niya, mabigyan pa ng pamasko ang lahat ng tao ni putot para mag thank you sa kanya.

    Baka nakakalimot siya may nalalapit na barangay election at bawal na naman siya magappoint ng tao.

    Ma’am ellen, paki gising naman malakanyang, nakakalimut sila.

  23. Xonix, You don’t have to capitalize to stress your point. As I always tell everybody, readers here are intelligent, they can get the message even if they are in lower case.

    If I allow one. I would have to allow others. All caps dont look good. Parang sumisigaw.

    The present situation of Arroyo’s people still controlling the bureaucracy, I still put the responsibility on President Aquino.

    In the first place, is he concerned about the situation? I think he needs to change his working habits. Wake up early so he can accomplish more.

  24. xonix xonix

    sorry ellen. naiinis lang ako talaga. imagine what will happen to our country now that we are seeing a super relax president.

    hindi nga corrupt, papatay patay naman. paano na tayo.

    at least si bansot, kahit na super corrupt may ginagawa, itong bago ayaw kumilos.

    you are right, it is the fault of Pnoy kasi ayaw niyang kumilos.

    sana lang may mangyaring maganda para matauhan siya at magkaroon naman tayo ng pinuno na magbabangon sa ating bansa.

    thanks and sorry uli

  25. chi chi

    and find someone to replace Ochoa also… -jug

    Oh yeah, the drunken lover boy who happens to be the little president…tiny na pala! Shame on this guy!

  26. Isagani Isagani

    Di bale na yang mga sipsip-buto. Lahat naman ng nasa kapangyarihan, kesyo sa sariling tahanan o palasyo ay may sipsip. Ito ngang “boy” ng nanay ko e sipsip, pero talagang ganyan. Kay di kailangang bigyan ng importansya. Ang mahalaga ay ang makapagbigay tayo ng constructive criticsm na hopefully makarating sa kinauukulan.

    Sa katunayan lang, walang mapapala si Pnoy sa mga appointees niyang walang experience and or training sa opisinang pinamumubuan nila. Ang hirap nito ay mukhang kulang sa problem solving skills pa.

    Sa ilang nagco-comment dito na may management experience, alam ninyo na malaking pagkukulang ang mga pinuno na naatasan ni pnoy na mangasiwa ng nakaraan na krisis at patuloy pa sa pag-paso o pagpigil sa pagkalat ng liyab nito.

    Dapat nating suportahin si pnoy. Ipakita na nasa likod niya tayo at handang umunawa at tumulong. Tigilan na natin ang pagala-ala kung ano ang nasa isip ng mga intsik o sino pa man diyan.

  27. From Eleasar Diesta:

    Hindi naman ako alipores ni Gloria, pero, hanggang ngayon ba naman na wala na nga sa puesto yung tao, sobra pa rin ang batikos mo sa kanya?

    Tama na! Awat na! Hindi rin maganda ang manunulat na obvious na mayroong pinapaburan.

    Paano mo masasabi na patas kang mag-sulat gayong masyado ka nang nadadala ng imosyon mo? Kung totoo ang lahat ng sinusulat mo na para sa bayan o kapakanan ng nakararami ang pinahahalagahan mo, huwag kang maging sobrang bias. Obvious na gusto mong ipagtanggol si Aquino!

    Take note, wala pa nga siyang 100 days sa puesto palpak nang lahat ang ginawa niya, makaya niya kaya ang six years? E si Gloria nakaya ang nine year plus! E hindi lang ikaw ang bumabatikos sa kanya sa mga paratang na puro pamumulitika lang. Pamumuliktika na naging bihikulo ng mga oposisyong gaya ninyo at Noy na gustong pumuesto. Ngayong nasa puesto na kayo, anot’ atat pa rin kayong patalskin si Gloria e wala na nga!

    Besides, wala pang napapatunayan sa mga aligasyon ninyo kay Gloria! Puede patalsikin mo iyang nasa puesto ngayon, na walang nagawa kundi ang puro palpak na ngawa! Gumawa ng tama, ganyan ang sabihin mo kay Penoy, PNOY ba?

    At sabihin mo kailangan sumunod siya sa sinasabi namin/ko, dahil sabi niya, ‘kayo ang boss ko’ ??? ano yan display pampapogi sa mga palpak niyang gawa?

  28. ken ken

    Walang dapat ipag-yabang si Arroyo dahil mismong mga budget ng PNP napunta na sa mga corrupt Euro Generals. This new administration are just on the footsteps of a ladder. PNoy are just starting to swipe the dust under this ladder left by the Arroyos. So why blame on the ineptness of this new administration.

    Look at the Swat, the Police. Yes its true that there were mis-management of this crisis committee down to the “Ombudsnail” but how can you deal with this gunman if the police even has no enough equipment to neutralize this gunman? Even a superman cannot handle this lunatic. I agree that PNoy should replace some heads at DILG.

    http://www.gmanews.tv/story/200276/swat-men-blame-lack-of-gear-for-botched-hostage-rescue

  29. chi chi

    Hindi daw alipores ni putot si Eleasar pero nanggagalaiti sa pangtatanggol kay korap Goyang. har!har!har!

  30. yari ka ellen, napapansin ka na naman ng mga tauhan ni luli… 🙂

  31. Isagani Isagani

    Eleasar Diesta, hindi ka kamo alipores ni Gloria Arroyo? E, ano ka?

  32. balweg balweg

    Kamuntik na akong nalaglag sa aking silya sa tinuran ni Mr. Eleasar na ganito pagkasabi niya, ” Besides, wala pang napapatunayan sa mga aligasyon ninyo kay Gloria!”

    NO COMMENT…dapat maging SANTITA GLORIA si Madam Labandera? Buntong-hininga muna…e matanong nga kita Eleasar, nasaan ka ba sa 9 years ni Gloria sa enchanted kingdom?

    Namamayabas o baka naman nag-eenjoy sa pera ng Bayan like Mother like sons!

  33. From Florencio Pacis:

    Nasaan na nga ba ang Truth Commission? Ang di ko maintindihan, bakit kaya si Davide pa ang inilagay na mamuno nito. Isang tuta ni Arroyo. Kaya malamang kung iimbestigahan niya ang kanyang dating amo, walang kahihinatnan ang proceso. The most that he will do is bark at her and that will be the end of it.

  34. jawo jawo

    >>>>> Palace officials’ pronouncements that Aquino “is not resigning because he received a clear mandate” made matters worse.—————->JOKER ARROYO
    ******************************************************

    Umandar na naman ang isa pang KSP at senile na matandang inutil. Hoy, JOKER, which is worse, PNOy who bungled his first trial of fire and not resigninig because he has yet to prove his worth and has a clear mandate, or…… your fucking ex-patroness, gloria, who never resigned inspite of bungling the job for more than nine years and knowing fully well she never had any mandate? But you and your cabal of thieves tolerated her, didn’t you ?

    Word of advise, Joker Arroyo. Since you are not making any sense, why not try your hand in stand up comedy ? But I doubt if people would even laugh at your jokes. ASSHOLE !!!

  35. balweg balweg

    Naku…nagpapansin na naman ang matandang-hukluban na Joker Arroyo na ito? Tumanda ng walang pinagkatandaan…isang pirma na lang yan e graduate na yan sa mundong ibabaw kaya manhimik ka, kulili na ang aming tenga sa iyong mga patutsada.

    Isa ka ngang Arroyo na mahirap ibaon sa limot. SHUT UP…….!

  36. From Jonathan Maralli:

    tama ka ellen. nasaan na nga ba yung truth commission? i would like to think that what made Ninoy won was his plans to make the former leader and her cohorts accountable for their sins by way of improving the government…dahilan nga sa ang gobyerno talaga naman ang tanging may kakayahang mamuno para sa ikabubuti ng bansa. how i wish that there would be a way that the people could monitor what’s going on in the truth commission (tc)…say a tc newspaper, a regular radio slot or any means for that matter.

  37. oystermushroom oystermushroom

    Thanks Jugg.

    Try As I can not to, as you said “…beat myself too much” that sinking feeling stays with you every time you open the pages of the newspaper or listen to the news on radio and TV.

    We love and care for our country that we try our best to contribute to its growth and development by obeying the laws, following the rules and paying our taxes and here we are confronted by these ongoing intramural between and among our government leaders and functionaries. These intramural being corrosive and destructive to the moral fiber of our society. On Tribuneonline.org PNoy has been given a new label – that of being the biggest “porker” ever. Allegedly the proposed national budget prepared by Butch Abad has given so much pork to PNoy. Gloria Arroyo did that and it seems its being repeated here (I’m still of the mind that this may not be true though.).

    I’m retired now and still do some work with the agri sector,again to learn that it seems NFA was not allocated any budget. Whew! What is going on? Maybe they have some incredible plan at hand that hopefully would be good for the public. Is the NFA being punished for past sins? If they plan to privatize NFA, first straighten its affairs to increase its value, not destroying it by removing its budgetary allotment.

    I’ve read too some of P. Drucker’s books and articles and boy, what disaster awaits government.

  38. tagaisip tagaisip

    Eleasar Diesta: ebidensya ba ikamo,eto o, “I AM SORI…”

    joker arroyo,sige samantalahin mo natitira mong araw sa senado,dahil sa 2013 hindi ka na namin makikita. di ba ikamo pag bad ka lagot ka? kaya lagot ka sa yo!

  39. gusa77 gusa77

    E.DIESTA,ang tagal mo naman matulog,marahil malayo ang iyong kinalalagyan,mayroon bang news blockout,wala bang freedom of press sa iyong kinalalagyan at di mo natatamo sa mahigit 9 na taon,upang mabatid ang kaawaawa abang kalagayan ng mahal mong bayan.Dapat sa iyo ay magpatingin sa EENT,dahil ngayon ka lang nagkaroon panahon at mapuna ang pagkakamali ng mga taong itutuwid ang mga kabalbalan na iyong idolo,natatakip ka ba ng mata at tenga upang di masaksihin ang mga nakakaraan.O marahil masyadong kang abalang tamasahin ang biyaya ng kawalanghiyaan ni GLORIA,dahil maraming tulad mo, walang pang napapatunayan,dahil lahat ay tinaktakpan ang mga pangyayari.Kaya nga ang lahat ay nagpapakadalubhasa ng talino ay para makapaglamang sa kapwa.

  40. jawo jawo

    Take note, wala pa nga siyang 100 days sa puesto palpak nang lahat ang ginawa niya, makaya niya kaya ang six years? E si Gloria nakaya ang nine year plus!———->Eleasar Diesta
    ************************************************************
    Oo nga naman. Tama ka diyan, pareng Eleasar. Biro mo, wala pang 100 days palpak na agad si PNoy, samantalang sa “unang segundo” pa lang ni gloria sa palacio ay pumalpak siya sa agad ! HIndi lang iyan !! Na-kaya ni gloria ang puro kapalpakan sa buong siyam na taon sapagkat maraming mga taong kagaya mo ang sumuporta sa kanyang kapalpakan at ka-walanghiyaan. Not to worry. Ipagdadasal namin na huwag sanang kayahin ni PNoy na pumalpak nang anim na taon.

    Alam mo, OK sana ang mga sinasabi mo kaya lang, ini-post mo sa lungga naming mga galit kay gloria. Word of advise pare ko. Huwag mo nang uulitin ito, hane ! Kakainin ka dito nang buhay, believe me. Take your garbage out elsewhere and stay the hell out !! Scram and get lost, you bloody gook !!

  41. Besides, wala pang napapatunayan sa mga aligasyon ninyo kay Gloria!

    – Eleasar Diesta

    May malignong naligaw. Sino’ng gago ang nagbukas ng kanyang banga?

    Ganyan talaga takbo ng utak niya, baluktot. Kasing baluktot ng seksuwalidad niya. Daan-daan ang kaibigan sa Facebook, kundi kapwa-bading, kolboy.

    Asa pa kayo ng katinuan.

  42. Rudolfo Rudolfo

    Mga Dapat malaman, na may-ugnay sa Aura ng GMA’s “palipad hangin”, pagyayabang:

    1. Bautista-Horn..( apliyido horny na, HORN..Susuwag kapag may lagay-na-lagay )…
    2. Lagman..( apliyido, may-aura ng Lag-lagan, he is the Lag,man [lag-man] in front of GMA’s defense )..busog-din-sa lagay-na-lagay…
    3. Arroyo…( dada-anin sa biro-kalkulasyon [calculated risk]
    bago a-Aray-YO,…o papana-in ka ng kanilang ” arrows” the GGG’s ( gold-gun-goons arrows ).
    4. Puno ( puno ng maraming ipinag-bubunga, Puno noon, puno din ngayon sa DILG na ikina-sabog ng di magandang imahin ng Pilipinas…kaya dapat careful si Pnoy s pag-aapoint ng mga PUNO, punong-puno na po yato…
    5. Davide…( careful tayo, sa kanya nag-simula ang pinaka-summit ng division sa 9-na taon. making a law, by making non-elected GMA to run-ruin the country, snapping from Erap-eruption of unexpected event making him out of the
    Office of being more number of votes as dully elected president )…year,1998-2000…
    6. Neri..( lagi ng nag NERI-ripaso, mga kasong NBN-ZTE, SSS at iba pa )…
    7. Bolante..( maraming bolate sa DA, mga budgets naging mga
    bolate..etc..
    8. Ampatuan..( mahirap ma-ampat ang ka-walang pagmamahal sa kapwa )…
    8. MAgtibay..( di matibay, pang-sapatos lang yata, di pang PNP )….
    9. Lim…( nahg-limlim or nag-luksa ang gabi, noong Aug.23,2010 ang QG sa harap ni Dr. Jose Rizal,sa Luneta )..
    10. Robredo..( marob-rob ang damdaming magsilbi sa DILG-bansa ng may katapatan, ngunit, na rob-OUT ni puno ang kanyang katungkulan, marob-rob ( heartfelt ) na nag-paumanhin naman si PnOY…hanggang mag-tila-ukan,a ng mga Horny, Lagman, Joker, etc….” sabi nila,..It is in what we eat-and in the aura-karma of names, WHAT we ARE “…

    Sometimes, lets find out the “auras” of people’s name, it affirms to their personalities ( isusunod ko pa ang ibang, aura’s name,bilang taga-pangalaga ng bansang Pilipinas, sa Pnoy’s admin )…Just a penny worth of food for thoughts..pang-aliw na may-kahulugan (?), yata…

  43. eleazar,
    wala na talagang hihigit pa sa galing ng amo Gloria mo, biro mo, kauupo pa lang bise presidente nagpaplano na kung paano palitan ang boss niya? at atat na atat pa?

  44. NFA was not allocated any budget. Whew! What is going on? Maybe they have some incredible plan at hand that hopefully would be good for the public. Is the NFA being punished for past sins? If they plan to privatize NFA, first straighten its affairs to increase its value, not destroying it by removing its budgetary allotment.
    ——————————-
    This looks serious…I jope they hav a plan for food self sufficiency…if the quirino hostage crisis was disastrous – try a food crisis…
    …as Peter Drucker said, these leaders don’t have to be smart, just conscientious…do your homework, burn the midnight oil…plan, plan, plan…

  45. dan dan

    Bakit di pa sibakin si Berroya sa MRT e nagpasarap din yan sa pleasure in PGMA at Sec. Tolentino bakit kailangan mo pang kunin serbisyo ni Esquivel sa MMDA e napakalupit nyan sa pakikipag engage sa mga kawawang vendors. Ang tunay na pagbabago e pagwalis sa mga tiwaling naiwan ng dating administrasyon.

  46. dan dan

    mam ellen may pwesto pa ba ngayon sa gobyerno si sergio apostol? Kalawang din eto e……

  47. dan dan

    #27 From Eleasar Diesta: Take note, wala pa nga siyang 100 days sa puesto palpak nang lahat ang ginawa niya, makaya niya kaya ang six years? E si Gloria nakaya ang nine year plus

    Mr.Diesta ito’ng syo…. yong first 3 years ni pandak e ninakaw nyang pwesto kay pres. Erap sa illegal na EDSA 2 at itong last 6 years nya e ang greatest dayaan na nangyari sa history ng Pilipinas (I AM SORRY! ni bansot) na ikinamatay ni legitimate pres. FPJ. Yan ang istorya ng sinasabi mong 9 years ni Gloria na walang iniwang legacy sa Bayan.

  48. Jug, NFA, hmmm…isn’t Lito Banayo the new NFA Administrator? Lito got lots of credit for the “Villarroyo” thingamajig while replacing Abad as Noynoy’s campaign strategist when Noynoy was fast losing almost all his lead before finally recovering at the polls courtesy of Banayo.

    Lito deserves some recognition so he got the NFA post. But what do you know, Abad becomes Budget boss and like a kid who had just been outplayed, exacts his revenge on his playmate by denying him his slice of the prize pie.

    A BAD playmate, I say. Or is it just my imagination?

  49. If it[‘s true NFA got zero budget, it is as good as ABOLISHED.

    Few questions:

    -Who will buy the farmers produce at a fair price, balancing the interest of both producers and consumers?

    -Will it be a field day for all middlemen who will maximize returns by buying cheap and selling high at the expense of both farmers and consumers without NFA to interfere?

    -Will we be at the mercy AGAIN of importers/traders, foreign suppliers and well-connected SMUGGLERS who conspired in manipulating local stocks that resulted in steep hikes in world rice prices? From P14 to today’s P32 per kilo, no wonder hunger is getting worse. And several thousands of metric tons are rotting in warehouses while more are still on the way.

    -Is this “murder” of NFA the correct solution?

  50. boyner boyner

    Iyang diesta at destroyer ay iisa lang ang nagpapagalaw ngunit meron pa rin na mga iilang bulag at tangang kababayan natin na nagtatanggol pa rin sa sociopath na evil bitch.
    Sabi ni Pangasinan Rep. Bataoil na dating hepe mg NCRPO ng PNP, iyong mga gamit para sa SWAT ay nasa wish list niya at hanggang mag retire siya wish list pa rin. Panahon ito ni sociopath. Ang sabi naman ni Police Insp Yerna, na siyang nakipag negotiate kay Mendoza, noong 2007 pa niya ni resommend na bumuo na negotiating team at manual ang PNP pero wla ring nangyari. Tapos iyong mga bullet proof vest ay expired na pala. Sana katiting man lang ng bilyon na ginastos ni sociopath sa mga foreign trips ay ipinangbili sa mga makabagong gamit ng PNP.
    Iyong nangyari sa NAIA Tower ay isa sa mga katibayan na walang halaga kay evil bitch ang buhay ng tao ng iniutos niya sa DOTC sec. niya na si Leandro Mendoza na sugurin ang tower dahil noon ay ibinubunyag na ng retired commercial pilot at dating hepe ng Air Transportation Office ang mga katiwalian at korupsyon sa rehimeng Arroyo.
    Wala ni isa mang hostage at kaya namang tapusin ng mapayapa sa pamamagitan ng tear gas at iba pang gamit pero pinili nilang wasakin ang mukha ni Capt Villaruel at isang kasama. Di ba inutos din ni EV kay garci na dukutin ang pamilya ng election registrar ng TawiTawi na ayaw sundin ang utos niyang dayain ang 2004 election?
    Sabi ng dating Gov. ng North Cot na nang umatend siya ng meeting ng ARMM kung saan nandoon ang sociopath, pabirong sabi niya kay Zaldy Ampatuan na baka takot ma liquidate niya ang mga auditors na tumitingin sa fund releases ng ARMM…na sa aking pananaw ay alam ni evil bitch ang modus operandi ng mga Ampatuan. Sabi nga birds of same feather flock together and you will know the person by the company she keeps. Mga halimaw!

  51. RJ RJ

    Tumpak!!! akala naman ni Horn ay nakalimutan na ng mga tao ang ginawa ng amo nya, hay naku nakakatawa lang sya nung sabihin nya na kung yung amo nya ang nandun blah blah blah…Madam Horn buksan mo yang mga mata mo dahil ang dami daming basura ang iniwan nyang amo mo na nililinis ngayon nila President Noy. Simulan mo dyan sa mga inappoint ng amo mo hanggang sa ibat ibang kontrata na hinaharang ng mga tauhan ni PNOY at sya nga pala yung mga bigas na nabulok at patuloy na nagkakanda bulok kanino bang bulok na administrasyon nagmula yon huh huh!!NBN ZTE, Garci Tape,Ampatuan Massacre,mga taong nawawala hanggang ngayon,mga di nakontrol na pang aabuso sa MWSS, ano gusto mo pa? maraming marami pa…

Comments are closed.