Skip to content

Natuto ba tayo?

Dumadaan sa matinding pagsubok ngayon ang pamahalaang Aquino dahil sa trahedya na nangyari noong Lunes sa Rizal Park kung saan walong turistang galing Hongkong ang namatay sa palpak na operasyun ng pamahalaan sa panghu-hostage ng isang napatalsik na pulis.

Hindi lang ang mga pulis ang lumabas na palpak. Pumalpak rin ang Malacañang at Department of Foreign Affairs sa tawag ni Donald Tsang, chief Executive ng Hong Kong Special Administrative Region na sakop ng higanteng People’s Republic of China.

Hindi pinakausap kay Pangulong Aquino si Tsang nang tumawag ito ng hapon pa lang. Una sabi ang aide ni Aquino na nakatanggap ng tawag ay hindi kilala kung sino si Tsang. Umiba na ang linya ng Malacanang ngayon. Sabi kilala naman daw si Tsang kaya lang hindi raw sila sigurado kung si Tsang nga dahil sa trunkline tumawag at wala naman daw pasabi muna. Kaya itinuro sa Department fo Foreign Affairs.

Sa DFA naman, sabi nila ang instruction daw ng Malacañang ay hintayin ang tawag ni Tsang. Kaya naghintay sila.Hindi naman daw tumawag. Hindi nila inisip na sila ang tumawag dahil ang instruction daw ng Malacañang ay hintayin ang tawag.

Saka na lang nila naisip tumawag ng patay ng matapos na ang hostage-taking at patay na ang walong taga-Hongkong at galit nag alit na si Tsang at ang China.

Patong-patong na palpak.

Apat na oras bago humarap sa sambayanang Pilipino si Pangulong Aquino pagkatapos ng trahedya. Hindi rin siya nag-sorry doon. Binatikos siya sa kanyang porma doon na parang hindi seryoso.

Kinabukasan, pumunta si Aquino sa Rizal Park at nag-inspekyun sa lugar ng malagim na pangyayari. Nandun pa ang bus kung saan na hostage ang mga taga Hongkong. Hindi siya pumunta sa mga survivor ng trahedya na nandito.

Sina Bise-Presidente Jejomar Binay at ilang cabinet member ang dumalo sa Buddhist rites na isinagawa para sa mga namatay.

Ang pumunta sa ospital ay ang kapatid niyang si Kris Aquino. Hindi naman fans ni Kris ang mga taga-Hongkong kaya walang epek ang pagbisita ni Kris. Ang iba niyang kapatid na sina Ballsy, Pinky at Viel ay pumunta noong Biyernes sa Rizal Park at nag-alay ng bulaklak at kandila.

Saka na lang siya humingi ng paumanhin kay Tsang at sa China ng tumitindi na ang galit sa Hongkong at China.

Patong-patong na dagok sa Pilipinas dahil sa hostage-taking noong Lunes. Tinanggihan ng China at Hongkong ang delegasyon na pangungunahan ni Binay hanggang hindi makumpleto ang imbestigasyun sa malagim na insidente.

Kinansela na ang bisite ng Vice Premier ng China, ang pangalawang pinaka-mataas na opisyal na makapangyarihan g basnsa sa Asia. Hindi na rin daw dadalo ang dalawang Ramon Magsaysay awardee na Intsik.

Kahit naman anong bagyo sa buhay ay lilipas. Kaya lang sana naman may natutunan ang ating mga opisyal sa nangyari noong Lunes. Para naman may kabuluhan itong sakit at kahihiyan na naidulot nitong trahedya.

Published inBenigno Aquino IIIPeace and OrderPhilippine National Police

61 Comments

  1. Oh Lord! Pres Aquino, you must start acting and thinking bloody presidential! Power people today won’t save your bloody ass unless you take control of your men!

  2. It would only take one – just one bloody tragedy for these supposed to be change leaders to crumble in front of our eyes.

    A dear friend from the media hit it dead-on where she said on her email: “bottom line is that these officials are f_ckd up from top to bottom because they were stubbornly chosen despite all the warnings & cry and the same officials in the days after the tragedy behaved as usual, still spinning, still lying.”

    I think it’s not just a question of “Natuto ba tayo?” rather, it is also a question of – me natutunan ba ang current administration sa mga kapalpakan before? Or this is going to be an everyday learning curve for him? So the next question becomes, when can you effectively manage then? As Noynoy supporter, I hate I’m writing this. Hmpt!

  3. luzviminda luzviminda

    Sa kapalpakan pa lang sa pag-return call kay HK Chief Executive Donald Chang ay dapat na sibakin na ang DFA Secretary Alberto Romulo. Sa isang phone interview ni Winnie Monsod kay Romulo ay walang concretong sagot sa nangyari sa trahedya. Kanda-bulol siya sa pagsagot. Mayroon ba tayong maayos na programa at training din sa mga tourist guides? Nuong minsan na turista ako sa Hongkong ay mayroon common uniform at IDs ang mga tourist guides na pagkakakilanlan, na pwedeng lapitan ng mga turista kung kailangan ng assistance. May mga mapa ng Hongkong na libre mong makukuha sa airport pa lang. Maayos din ang mga accredited taxi services na hindi ka dadayain.

  4. Mike Mike

    Meron nanamang hostage taking incident sa may Brgy. Pagasa sa QC kanina. di ko lang kung tapos na.

  5. luzviminda luzviminda

    Only in time of crisis ay dyan lalabas ang mga kapalpakan o kagalingan ng mga opisyal ng ating gobyerno. Nandyan sila hindi para magpasarap, magpaporma at magpasasa sa pera ng bayan. Kung hindi nila nagampanan ang tama during the crisis ay dapat ng silang patalsikin. Dyan din lalabas kung gaano kasersoyo si P-Nyoy sa hinahangad niyang good governance at better Philippines. Ang tanong, kaya nya bang sibakin ang mga tinalaga niyang PALPAK o TATAMEME lang siya dahil may dapat siyang pagbayarang utang na loob?

  6. Although its tempting to join the fray of flagellation, I’m more inclined to pray for strength, fortitude, and wisdom for our leaders…I’m sure nobody expected this to happen, the administration was more focused on where to get the necessary funds to keep the government going earlier…
    Only experience can really teach a person how to deal with crisis situations appropriately…I don’t believe we can do this vicariously…Pnoy has prior experience being involved in a firefight so naturally he tended to empathize with the police who were lambasted by the viewing public, he has yet to learn how to empathize with victims of hostage taking incidents gone bad and their families…
    …practically, Pnoy is very predictable, he goes by the book…he seeks first to understand…unfortunately there are times when you can’t wait for all the facts, all the details before you act, you might miss the window of opportunity that will spell success or failure. “Intuition” or the ability to size up the situation with only minor signs/patterns is very important in making decisions on the fly, but this is developed with experience and usually comes after so many mistakes have been made. Another problem with trying to get all the facts first is information overload…you get too much information that it makes the message unclear or worst, the wrong message gets sent…I don’t know if Pnoy did his first press conference spontanously, but it looked liked it…I heard a lot of information, which was okay, nothing wrong with it, but it took away the sincerity, the remorse, the sympathy, empathy, that the victims needed to hear…for me, before he met with the press, he should have decided who he was addressing, in this case, it should have been the victims, doing so, if done with empathy, the message will come out sincere and more sensitive…not defending the police against the media, as the message seemed to convey…
    …since his words and demeanor are magnified a thousand times, he cannot afford to be candid all the time, he has to know who he is addressing and how to do so…he has good people working for him, put them to work…I hope his team will really be a team in the months to come…

  7. luzviminda luzviminda

    Sa palagay ko ay MINALIIT ng mga authorities, meaning the police, Mayor Lim at pati na rin si P-Nyoy, ang insidenteng ito sa umpisa kaya parang walang concrete plan of action para ma-rescue ang mga hostages at pinabayaan lang nilang tumagal ang negotiations hoping na susuko din si Mendoza. Baka akala nila ay tulad nung case ni Ducat nuon na medyo gusto lang magpapansin. Ngayon na nauwi sa malagim na trahedya ay dapat na may matutunan ang lahat including media na may positibong mangyari para naman masabi nating the victims did not die in vain. Let us pray for them and also for us as a country.

  8. mayk mayk

    I’m wondering why no one is looking at this tragedy from a “SUICIDE BY COP” angle. I read this from one forum, and I believe that what Mendoza did was a suicide-by-cop. He was armed to the teeth and was not expecting his demands to be met. I think he was ready to die that day via the suicide-by-cop route.

  9. florry florry

    “Reminds me of former Peruvian President Alberto Fujimori who lead an assault team to rescue hostages being held for four months by leftist rebels inside the Japanese ambassador’s residence”. – Mike

    Paging tru blue,

    Mike has the answer to your question if ever there was a prime minister or president that led a an assault team to rescue hostages.

  10. Mike Mike

    Florry, didn’t know that Tru Blue is looking for one. Actually meron pa, there’s this president who actually rescued and saved his co-passengers in an aircraft/ being held up by international terrorist. The president is Harrison Ford (Air Force One). Hehehe joke lang po. Pampalamig lang ng ulo. 😛

  11. florry florry

    Thanks, Mike

    Siguro baby pa ako noon kaya di ko alam. Joke din!

  12. olan olan

    Natuto ba tayo?

    I hope so. Question is what will China and Hong Kong do if the final report is not satisfactory to what they hope for? Clarity and truthfulness is probably the key but may not be enough. It’s up to our government to assess when responding. China and Hong Kong had initiated travel ban to include cancellation of high level visits from both sides. Their people in Hong Kong are exercising vigilance with some asking for compensation. In the end of the day, the basis will be the report and I hope it’s just the report to include a working agreement to enhance security for their citizens. This may be a turning point of our country’s relations with China and Hong Kong, for better or worst, considering that we are not ready for this challenge. If only those we task to rule us are true to their word or at least place our countries interest first than themselves, we could have avoided this kind of reaction from them.

  13. martina martina

    Mga napakahina ng nasa gobyerno. Isang linggo na wala pang gumugulong na ulo. Ngayon mag imbistiga na sarili ang hongkong, ayaw payagan at kailangan pang ang authorization at i authenticate ang mga identity nila, diyos ko inday …kaya bagal lahat sa Pinas . Ang mga Pinoys mahilig sa palusot ay ayaw mapalusotan kaya marami pang authentication. Sabihin nila ayaw lang nilang masisi kung lalabas ang mga kapalpakan nila.

    So S, as in stupid naman yong si Magtibay, magiging illegal daw kung maireinstate si Mendoza, ibig sabihin mas importante pa iyon kaysa buhay ng mga hostages. Di hamak na mas maraming illegal na gawi diyan, tingnan na lang ang mga euro generals.

  14. rose rose

    matututo ba tayo? pagputi ng uwak! to hope that we will is a plain and simple exercise in futility! tragic as tragic could be!

  15. baycas2 baycas2

    Kalimutan panandali ang mga banyagang Tsino. Hindi ba’t ang mga sarili nating kalahi ay galit din sa mga pangyayari na sumambulat sa buong daigdig kamakailan?

    Batid nating sa haba ng panahong walang pinananagutan ang rehimeng arroyo ay unti-unting nagliliyab ang ating mga damdamin. ‘Di nga lamang sumiklab sa isang malagim na kaparaanan nguni’t sa pamamagitan ng halalan.

    Pagsamahin ang botong Aquino at Estrada ay magkakaroon na ng hinuha kung ilan sa atin ang may galit sa mapaniil na administrasyon.

    Ngayon, alangan ba’ng paiiralin na naman natin ang ganitong gawi? Ibig ba nating unti-unti, hinay-hinay, pautay-utay na kukurutin ang ating kalooban upang humantong sa sukdulan? Hindi ba ganyan ang sinasalamin ng isang Rolando Mendoza sa ating mga Pilipino? Sa simula’y mapagpasensiya…nguni’t lingid sa sarili’y may kimkim na galit…ng pagkamuhi…ng sukdulang poot.

    Galit sa mga awtoridad at iilang taga-media ay dapat tumbasan agad ng paniningil sa pananagutan. Sa loob ng nakalipas na linggo, naihahayag na ang mga may sala.

    Ang napakatigas na ombudsman, ang may pagkukulang na negosyador samahan pa ng iresponsableng kapatid ng salarin, at ang may pagmamalabis na dalawang brodkaster. Sila ang direktang nagpalala sa pangyayari na humantong sa masidhing galit. Saka paabutin sa sinumang may pananagutan din ayon naman sa “command responsibility.” (Nagpapaalala lang na ito’y dapat na ituring na “one-strike policy.”)

    Huwag na’ng mag-ipon ng kirot, huwag na’ng magtanim ng galit, huwag na’ng ipagwalang-bahala ang nararapat na gawin. Huhupa lang ang galit ng ating mga kababayan…lalo na ang mga nasa ibang bansa…kapag sa bandang huli nitong krisis na ito bawa’t isa sa ati’y makapagsasabing natuto na tayo at ‘di na mauulit pa’ng muli ang mga kamalian!

  16. chi chi

    Amen! Panagutin ang lahat ng may sala walang exception, bigyan ng hustisya ang mga nawalang inosenteng buhay. Kung ito ay maikakasatuparan ng bagong administrasyon ay masasabing patungo tayo sa tamang direksyon. Kung hindi, nasa kahapon pa rin ang sitwasyon ng kapinuyan.

  17. sychitpin sychitpin

    “‘The root cause of all this is the sense of injustice. He felt so aggrieved that he had to resort to hostage-taking,’ BY:Bayan Muna party-list Representative Neri Colmenares

    MERCEDITAS GUTIERREZ MUST BE SUMMONED TO SENATE HEARINGS!

  18. kapatid kapatid

    Marami tayong “nalaman”, hopefully, sa mga ito ay meron tayong “natutunan”.
    Noynoy should take a stand and fire the people responsible for this global fiasco, DFA Sec. Romulo should be the First to go.

    The Hong Kong Experience :
    7-11 declines service to an acquaintance, Mongkok shop ignores Filipino shopper (ready to pay for the shoes), acquaintance was in queue at Dimsum shop was informed and asked : “Hong Kong govt has taken good care of Filipinos living and visiting here, Why can’t your government do the same?” her reply : “Iam sorry and I am from Indonesia_24th August, the day after.” She was scared of being lynched-mob as this shop is quite popular and the queue is like 25people long, all staring at her, and passersby stopped to get a glimpse.
    Company meeting : Cold shoulder treatment from colleagues. Filipino staff broke the ice, and apologized for what has transpired and explained that we, as a nation are disgusted by the turn of events. HKG Staff began to ask questions and made known, how it could have soften the mindset of the Hong Kong people through :
    The government accepting the call or taking the initiative to call C.E. Donald Tsang to aprise on the situation and promise (not guarantee) that all steps are being addressed to end the crisis peacefully.
    The press conference of Noynoy made matters worse, because of his smirking-smiling attitude which has been misconstrued as a mockery of the event.
    Basically, the Hong Kong people felt that the government Dismissed the concern for the safety of the hostages, which ended in tragedy for 8 Hong Kong nationals.
    Through this Firsthand experience, and I know more are forthcoming, I have to inform the Philippine Government through Ellenville, that, the government should be straightforward and accept the responsibilty forthwith. Hindi kailangan ng Paliguy-ligoy.
    The hostage crisis was a bitter pill to swallow, there was absolutely no need to sugar coat the darn event, which led to more questions being asked, and the post-hostage event more confusing.
    Yesterday, there was a march, and I appreciate the organizers for informing the marchers and the Hong Kong people in general, Not To Vent Their Anger and Frustration To The Filipinos, Living and Working In Hong Kong.
    I Pray that this episode would be closed soon, however, I am expecting that as Noynoy himself has pronounced : “There will be No Reconcilliation Without Justice…” As for justive Noynoy, you can start by firing those directly involved in the mess.

  19. sychitpin sychitpin

    #16 baycas2: “Ang napakatigas na ombudsman, ang may pagkukulang na negosyador samahan pa ng iresponsableng kapatid ng salarin, at ang may pagmamalabis na dalawang brodkaster. Sila ang direktang nagpalala sa pangyayari na humantong sa masidhing galit.”

    very well said, baycas2, many people were barking on the wrong trees, while missing basic fact that capt mendoza’s complaint was about Merceditas gutierrez’s distorted sense of justice

  20. zenytj zenytj

    kahapon holiday namin talagang ang iba ay galit hindi nalang namin pinapansin ang ngalit sa kanilang dibdib dahil nakita naman sa tv na palpak,hindi natin alam kung yong hosetage taker ang nakapatay o mga pulis,upset lalaga ang hongkong sa ating gobyerno,sana si vice pres.binay ang inilagay sa DILG dahil mas malawak ang kaniyang karanasan peru hindi siya LP kaya inilagay si jesse robredo na walang gaanong kakayahan,ayan ang bunga palpak,natakot kayo komo lalaban siyang pres.hindi na maibalik dahil nangyari na,kami dito sa hongkong apektado sa nangyari,hindi natin sila masisi dahil walo ang namatay,kaya kami very petient dahil alam namin may lapses talaga.

  21. zenytj zenytj

    kawawa ang mga naterminate,dahil sa nangyari,masuwerti kami na ang amo namin ay mabait,paano ang mga iba nawalan ng trabaho ng dahil sa palpak ng ating bansa,paano ang kanilang pamilya na umaasa sa kanila,ang mga anak na nag-aaral,sama maasip ito ng ating gobyerno.kami na mga ofws na buhay na bayani dapat maiisip din ila ang aming sakripisyo.

  22. florry florry

    It’s hard not to inject politics in this case, but the rate it’s going, it’s harder to avoid it. It seems the authorities are forever taking their own sweet time in doing what they have to do. A week has passed and responsibility has not been established. Lim, a Noynoy supporter has already been cleared and as if they want everybody involved in the operation to be cleared of any liability.

    OK, so if they are having a hard time looking for someone to blame, a escapegoat or a fall guy, they might as well put the blame on those Chinese tourists, why the heck are they in the Philippines.

    At least they have somebody to blame even if it’s some kind of insane.

  23. Jake Las Pinas Jake Las Pinas

    Heads should roll. No less than the chief of police must resign right now, the manila chief also. Romulo and Gutierrez must do the same.

  24. I thought aquino said all the right things during that midnight press conference just 4 hours after the incident. he even wore a black shirt to the occassion.

    The only thing that ruined it was his pa-smile smile all throughout the Q and A. inappropriate.

    but really the blame should be put on:

    A) Mendoza the hostage taker
    b) the inept police

  25. baycas2 baycas2

    Nagdurugo ang aking damdamin nang minsang mapanood ang kuwento ng isang Pilipina na nasa ibang bansa. Pilit daw siyang kinukutya, inaaglahi, inaalipusta dahil lang sa siya’y isang Pilipina. Sukat ba nama’ng maitatwa niya ang sariling lahi na’ng kaniyang biglang maturang, “I’m not a Filipino, I’m Indonesian!”

    Biruin mo ang pait na kaniyang naranasan…marahil ay ‘di pa siya napalunok ng maigi sa kaniyang nasambit. Marahil ibig na lang niyang agarang makauwi noong mga sandaling ‘yon. Marahil nabibilaukan at gustong masuka sa kahihiyang naidulot ng trahedya. Marahil ninais na magmukmok na lamang sa ligtas na apat na sulok ng kaniyang silid.

    Kalunos-lunos ang sinapit ng mga pinatay, nguni’t paano naman ang mga buhay na nasa ibang bansa…partikular na ang mga Pilipinong nasa Hong Kong? Kailangan ba nilang magpalit ng anyo o magbalatkayo man lang para maitago ang kanilang pinagmulan? Kailangan ba nilang pagdusahan ang kagagawan ng iilan gayong simula’t sapul ay aba na ang kanilang kalagayan bilang mga kasambahay sa dayuhang lupa?

    Hindi lang ‘yan…marami na naman ang magiging dayuhan sa lupang tinubuan. Mga “coconut” sa ibang bansa na magpupumilit na makisalamuha sa mga di-kauri para lamang tanggapin ng dayuhang lipunan…magpupumilit na maging kauri para lang ‘di mapinsala ng pagkamuhi at “racial discrimination.”

    http://filipinovoices.com/manny-pacquiao-and-the-coconut-racists/comment-page-1#comment-58431

    http://filipinovoices.com/manny-pacquiao-and-the-coconut-racists/comment-page-1#comment-58608

    Sadyang lumuluha ang aking pagka-Pilipino…lubhang nasasaktan…

    Lalo pa’t wala pa ring nangyayari para maibsan ang galit…mapawi ang muhi…mapuksa ang poot…isang linggo na ang nakararaan

  26. baycas2 baycas2

    Nagdurugo ang aking damdamin nang minsang mapanood ang kuwento ng isang Pilipina na nasa ibang bansa. Pilit daw siyang kinukutya, inaaglahi, inaalipusta dahil lang sa siya’y isang Pilipina. Sukat ba nama’ng maitatwa niya ang sariling lahi na’ng kaniyang biglang maturang, “I’m not a Filipino, I’m Indonesian!”

    Biruin mo ang pait na kaniyang naranasan…marahil ay ‘di pa siya napalunok ng maigi sa kaniyang nasambit. Marahil ibig na lang niyang agarang makauwi noong mga sandaling ‘yon. Marahil nabibilaukan at gustong masuka sa kahihiyang naidulot ng trahedya. Marahil ninais na magmukmok na lamang sa ligtas na apat na sulok ng kaniyang silid.

    Kalunos-lunos ang sinapit ng mga pinatay, nguni’t paano naman ang mga buhay na nasa ibang bansa…partikular na ang mga Pilipinong nasa Hong Kong? Kailangan ba nilang magpalit ng anyo o magbalatkayo man lang para maitago ang kanilang pinagmulan? Kailangan ba nilang pagdusahan ang kagagawan ng iilan gayong simula’t sapul ay aba na ang kanilang kalagayan bilang mga kasambahay sa dayuhang lupa?

    Hindi lang ‘yan…marami na naman ang magiging dayuhan sa lupang tinubuan. Mga “coconut” sa ibang bansa na magpupumilit na makisalamuha sa mga di-kauri para lamang tanggapin ng dayuhang lipunan…magpupumilit na maging kauri para lang ‘di mapinsala ng pagkamuhi at “racial discrimination.”

    Sadyang lumuluha ang aking pagka-Pilipino…lubhang nasasaktan…

    Lalo pa’t wala pa ring nangyayari para maibsan ang galit…mapawi ang muhi…mapuksa ang poot…isang linggo na ang nakararaan

  27. kapatid kapatid

    Hi Ellen, in Mr. De Quiros’ article “Choices”_There’s The Rub at Inquirer, 30 August, I have a replied to him. May I request for your permission to post my reply here as well? Thank you.

  28. xman xman

    Natatawa ako sa mga spin ng mga Noynoy cultist wala silang nakikitang kapalpakan na ginawa ni clueless Noynoy.

    Blame anyone and everything but never Noynoy. Ang kakapal naman ng mukha ninyo.

  29. gusa77 gusa77

    Huwag na natin tanong natuto ba tayo,kapag ang mamayan ng isang bansa ay walang disiplina ay mahirap umunlad,ikalat mo lahat ang mga papel nakasulat na batas simula ng tayo nagkaroon ng kalayaan, sa lupain ng buong bansa ,marahil sobra pa upang takpan ang boung isla la pilipina.Samantala dalawa lamang tableta ng bato isinulat ang sampung utos,para tupdin at maging isang mabuting mamayan.Bakit kailangan pa ang matatalino mambabatas pang isulat at ipagutos sa boung sambayanan upang sundin.Ang lahat ay walang disiplina kahit saan lugar gawain na ng mga mamayan ang palusot,maging palaging makaisa sa kapwa,dahil sa masidhing pagnanais ay gagawa ng wala sa ayon ng ipinaguutos ng batas,marami pang masamang kaugaliaan ang mga pinoy upang dahilan di na natuto.

  30. tru blue tru blue

    “Paging tru blue,

    Mike has the answer to your question if ever there was a prime minister or president that led a an assault team to rescue hostages.” – florry

    Kiliting kiliti si flory sa nahalungkat ng Chameleon Faction like it’s a breaking news, a gigantic scoop so to speak. That’s old news.

    Tupac Amaru is a revolutionary movement and their acts on a scale of 1 to 10, was 10. Over 100 high ranking local/military officials plus the many Japanese dignitaries/diplomats held hostages constituted Fujimori’s involvement. A delusional peruvian cop holding hostages will not involve Fujimori, looking back that is.

    Think indepently and prudently…don’t get drawn into someone’s deceitful web. Am sure you too wasn’t born yesterday.

  31. xmanm

    ewan ko nga ba, kahit bali baliktarin talaga, kahit anong pilit, hindi pa rin makuha namin na magustuhan an idol Gloria mo…. 🙂

  32. May bagong gimik and kapulisan, profiling daw ng hostage-taker. Nahukay din daw nila na meron pang lumang kasong rape with extortion itong si Mendoza involving isang magsyotang nahuling nagtsutsuktsukan sa Luneta, ginahasa pa daw yung babae.

    Hayup talaga kayo sa kabobohan, subukan ninyong ireport yan sa Hong Kong at lalo lang tayong magiging katawa-tawa. Kung totoo sana yang paratang na iyan, e ano’t hindi nila sinibak yan noon pa? Lalo nilang ibinabaon ang sarili nila sa kumunoy na sila mismo ang nagpatibong. Wala rin naman palang maitutulong, hindi na lang manahimik. Mga bopol!

    Kaya nga ang byline ko sa blog kong binura ng mga walanghiya, “If you nothing good to say, put tongue in, anew!

  33. Slip[ of The Tongue: “If you have nothing…”

  34. Jac Jac

    Opinyon lang po tungkol sa nangyaring hostage crisis sa Maynila…
    1. Ang pagtawag ni Tsang kay PNOY: Walang dapat na ikasama ng loob si Tsang dahil mali ang taong kanyang nais na makausap tungkol sa krisis. Ang dapat niyang hiningan ng impormasyon at patuloy na update ay ang embahada o konsulada ng Pilipinas sa Hongkong. Ang Presidente ng Pilipinas ay HINDI DAPAT na tinatanong tungkol dito dahil hindi siya ang humahawak ng ganitong klase ng problema kundi ang kapulisan.
    2. Ang “porma” ni PNOY sa pagbibigay ng pahayag: HINDI and porma ni PNOY ang mali dito kundi ang PAGBIBIGAY niya ng pahayag tungkol sa krisis. Kung pagbabasehan ang kalakaran sa BUONG MUNDO tungkol sa ganitong lokal na insidente, ang MAYOR ng MAYNILA at ang PNP head ng WPD ang level na dapat magbigay ng pahayag tungkol dito, HINDI and Presidente, HINDI ang miyembro ng Kongreso at hindi ang miyembro ng Supreme Court.
    3. Ang pagiging involved ng VP ng Pilipinas at ng kamag-anak ni PNOY: Hindi ito ginagawa sa ibang bansa dahil walang dapat na ipagpakumbaba ang Pilipinas sa nangyari. Dapat na nating ITIGIL ang ganitong kaugalian sapagkat patuloy lamang tayong titingnan nang mababa ng ibang bansa sa palagian nating pagpapakumbaba kahit na wala naman tayong kasalanan. Ang bansang Hapon nga na malaki ang naging atraso nuong WWII ay patuloy na hindi nagpapakumbaba eh tayo pang mga Pilipino na wala namang kasalanan sa nangyari.
    Tayong mga Pilipino ay dapat na magkaisa at maging iisa ang prinsipyo lalo na sa ganitong “attitude ng KAYABANGAN” na ipinapakita sa atin ng mga Tsino. TAMA NA yung ugali at kaisipan na “Baka magalit ang TSINA, o USA, o JAPAN, etc.” The Philippines is a Sovereign Nation, dapat lang na igalang ng lahat ng bansa ang soberenya nito at lahat ng kanyang mamamayan.
    Sa mga laging bumabatikos sa PNP tungkol sa “palpak” na paghawak ng krisis at ang “palpak” na rescue operation nito sa bus ay obvious naman na may kakulangan ang PNP. Ang corruption sa pamahalaan at ang mga opisyal ng PNP at AFP ang dahilan ng kapalpakan nito. Mahabang panahon ng pagbabago ang kailangan upang maitama ito.
    Balikan natin ang kasaysayan tungkol sa Egypt Air hijacking noong 1985 at ang “palpak” na rescue operation ng Egyptian commandos sa paliparan ng Malta na ikinasawi ng maraming hostages. Take note na ang mga commandos na ito ay sinanay pa ng US Delta Force.

  35. henry90 henry90

    No less than Versoza should go. It was a ‘police operation’ so dapat lang na akuin nya ang responsibilidad. Wala talaga akong bilib dito. Malamya masyado. Nag Pastor na lang dapat ito eh. Magmula nang sumabit ang asawa nio sa Euro Generals scandal, nagkahitot-hitot na ang pamamalakad. Di puede ang mabait na hepe sa police. Bawal dapat ang teka-teka. Di ba nag announce na to na mag early retirement at di na paaabutin sa compulsory retirement nya sa Pasko. Dios mio! Magbitiw ka na! Now na! Please? 😛

  36. Henry,

    No less than Versoza should go.

    Tell Volt to whisper it to Aquino.

  37. bayong bayong

    paano tayo matututo mali ang kinakamot, kung ano ang makate yung ang dapat kamutin. ano ba ang dahilan bakit nagawa ni mendoza ang ganun. kaapihan at kawalang hustisya sa ombudsman ang ugat ng lahat. ang solusyon ng gobyerno composite elite force mula afp at pnp. kahit anong galing ng elite force kapag desidido ang hostage taker kayang patayin lahat ng hostage, na solve ba ang problema madadagdagan lang ang patay ganun din ang suma.

  38. chi chi

    tongue, mas gusto ko talaga yung binura mong byline, si fartsee lang naman ang nagrereklamo dun a! pwede bang ibalik? 🙂

  39. chi chi

    bayong, i like that…”mali ang kinakamot”. Nagkakamutan din kasi e!

  40. bayong bayong

    hanggat ang mga batas natin ay pabor lang sa mga may pera at impluwensya walang mababago at hindi tayo mahahango sa bulok na sistema. kapag ang pulis ay nagkakaso at walang panlagay dadaan ito sa mahaba at magastos na proseso ng batas, saan naman kukunin ng pulis ang panggastos (pulis na parehas) pero kapag may panlagay hindi na aakyat ang kaso. mga kaso ko nga 2003 at 2004 pa hanggang ngayon pending pa rin pero naparusahan na ako ng 2 beses na tig-isang taon na suspension sa iisang kaso (walang suspension sa pnp ng isang taon, ayon sa sec. 52, title 6 ng ra 8551). 6 months na suspension na hindi ko alam kung paano nangyari. sa pnp isang order lang lalabas hinto na ang suweldo para mabalik ang suweldo kapagtapos na ang suspension sangkaterbang papel ang hihingiin ng pnp (ayon kay retired supt asil talagang dinadamihan ang papel na hinihingi kahit hindi kailangan para kapag naipon malaki ang ipatitimbang sa junkshop pera din)

  41. bayong bayong

    isang napaka importanteng provision ng batas ang hindi nasusunod sa gobyerno natin. all appointments in the civil serive must be base on merit and fitness.

  42. baycas2 baycas2

    ANG BUOD
    Sariling pananaw

    1. Mahinahon pa si Rolando. Umaasa sa magandang balita mula kay Isko (Vice-Mayor Moreno). Kasalukuyang kausap sa cellphone si Michael.
    2. Dumating si Orlando at inabot ang sulat mula sa Ombudsman. Kasama si Gregorio.
    3. Binasa ni Rolando (“On air” sa radyo). Nagalit siya (Strike 1). Basura daw ang liham.
    4. Ang “offer” ni Orlando ay kakausapin niya ang Ombudsman para sa hinihiling na desisyon kumalma lamang muli si Rolando.
    5. Kumontra si Gregorio. Huwag daw pumayag ang kuya niya hangga’t di ibinabalik ang kaniyang baril.
    6. Nagalit lalo si Rolando (Strike 2). Dahil sa pagsisinungaling ni Orlando nagbanta nang sasampulan ang hostage sa may pintuan ng bus. Pinaalis ang negosyador at ang kapatid at nagpaputok ng walang direksiyon (“warning shot”).
    7. Naputol na ang negosasyon.
    8. Patuloy pa rin ang panayam ni Michael sa radyo, pilit inaalam ang nasa isip ni Rolando. Nagbanta si Rolando na lalala ang sitwasyon. Naibulalas din niya na sila’y nakamonitor sa TV. Sa katunayan alam niya na may “sniper.”
    9. Pinahuhupa ni Michael ang tensiyon. Naibaling ang negosasyon sa kaniya. Ito’y dahil na rin sa alok ni Michael. Inalok pa mismo ni Michael ang serbisyo ni Erwin bilang tagapamagitan.
    10. Naipabatid ni Alberto (ang drayber) sa panayam na nanonood sila sa Channel 7. Napansin ni Rolando ang pagdami ng SWAT sa palibot. Patuloy ang banta ng pagpatay.
    11. Batid ni Michael na ‘di nila hawak ni Erwin ang negosasyon dahil di makalapit si Erwin sa bus. Ayaw ng mga pulis at TV-5.
    12. Buong akala ni Rolando na nakararating sa pulis ang kaniyang sunud-sunod na hiling. Walang epektibong komunikasyon mula kay Rolando patungo sa pulis.
    13. Lalo siyang tumutok sa TV nang mapanood ang nanlalabang si Gregorio ay binitbit na animo’y baboy ng mga pulis. Lubhang ikinagalit ito ni Rolando (Strike 3). ‘Di kayang mapigilan ni Michael (at kahit ni Erwin) ang mistulang “pagmamalupit” ng mga pulis sa mga kaanak ni Rolando.
    14. Dalawang putok mula sa bus. Hindi na naawat si Rolando at binaril ang dalawang hostage sa may harapan ng bus. Patuloy ang pagkalma ni Michael kay Rolando.
    15. “Uubusin ko ito ’pag ’di sila tumigil kakatakbo d’yan sa gilid… Uubusin ko ’to,” ang mga sumunod na kataga mula kay Rolando. Humiling din siya na pakawalan ang kapatid. Patuloy si Michael sa pagsabing kinakausap nila ang mga pulis.
    16. Naputol ang komunikasyon ni Rolando at Michael.
    17. May narinig na namang dalawang putok. (Mahina. Galing sa loob ng bus.)
    18. Umandar nang bahagyang paabante ang bus.
    19. Umalingawngaw ang putok na siyang nagpasabog sa kanang gulong sa harapan ng bus. (Napakalakas dahil nagmula sa grandstand. Aalingawngaw siya gawa ng parang kuweba ang disenyo ng grandstand.)
    20. Sunud-sunod na mga putok. (May isa pang malakas. Sumunod ang maraming mahihina, galing malamang sa loob ng bus. Sinundan ng tatlong malalakas. Tapos mahihina na naman.)
    21. Nakatakas ang drayber ng bus.
    22. Nagsilapit na ang mga pulis sa bus. Mga karagdagang kapalpakan ng mga pulis…katakut-takot!

  43. baycas2 baycas2

    BIGO

    1. Si Rolando na makabalik bilang pulis at matanggap ang “back wages”
    2. Ang Ombudsman na mapahinahon si Rolando
    3. Si Orlando na makuha ang kumpiyansa ni Rolando
    4. Si Gregorio na matulungan ang kapatid
    5. Si Michael na epektibong maiparating sa pulis ang mga huling hiling ni Rolando
    6. Si Erwin na maging tagapamagitan (at maaaring tanghaling bayani)
    7. Ang SWAT Team sa kanilang mabilis at matagumpay na paglusob
    8. Sina Magtibay at Lim na pamunuan ang buong sitwasyon
    9. Si Robredo at Aquino na dagliang tukuyin ang may sala ayon sa “command responsibility”
    10. Higit sa lahat, silang lahat na mailigtas ang mga hostages

  44. chi chi

    Sino kaya ang unang matututo sa mga bigo?

    Salamat Baycas, pwede ko nang ikwento dito kung ano ang series of incidents that lead to the killing of tourists in Manila.

  45. xman xman

    Nasaan ba si know nothing Noynoy?

    http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/08/30/10/where-was-pnoy-height-hostage-crisis

    Ayon kay Ellen si Noynoy ay dumating sa Emerald Restaurant past 9pm na. Yong may ari ng restaurant ay sinabi rin na tapos na ang barilan sa hijacked bus ng dumating si clueless Noynoy pero nag alinlangan sya ng nakabulagang nagulat ang reporter ng malamang dumating si Noynoy na tapos na pala ang crisis.

  46. baycas2 baycas2

    Dagdag ko pa…

    6b. Ang pamunuan o ang mga nasa “behind the scenes” ni Michael sa himpilan ng RMN na makipag-“coordinate” sa mga pulis
    (para agarang maiparating ang hiling ni Rolando at lalo na para ipaalala sa mga pulis na nakamonitor sa TV si Rolando; “remember” inako ni Michael at ni Erwin ang negosasyon na inakala ni Rolando na siya na ngang nangyayari…maraming hiling, hindi sa pulis nakarating!)

    —–

    May naulinigan ako sa balita na may ibang linya ng komunikasyon daw si Rolando at si Gregorio. May mga nai-“reveal” ba si Gregorio sa kaniyang kapatid? Totoo kaya ito?

  47. parasabayan parasabayan

    Too many inconsistencies in everyone’s story. Why don’t these leaders admit that they made mistakes and just make amends for it! The more cover ups they make, the more negative effects these would have!

  48. parasabayan parasabayan

    Masarap ang pagkain dyan sa Emerald Restaurant kaya baka nabusog lang silang lahat kaya hindi nakapagisip.

  49. baycas2 baycas2

    Mag-“rewind” tayo nang bahagya…

    1) Alas-3:00 ng hapon ang “deadline” ni Rolando.
    2) Napalawig ng 30 minuto ni Gregorio.
    3) Napalawig pa ng ilang oras dahil sa ihahatid na “magandang balita” mula sa Ombudsman na dala-dala ni Isko.

    MENDOZA: Eh totoo me magandang balita na yung aming demand ay dala ni vice mayor, meron tumawag sa kin na dala ni vice mayor at any time eh iaabot na sa kin ay malalaman natin ano yung kanyang dala
    (panayam ni Michael kay Rolando “on air”)

    Samakatuwid, kalmado si Rolando. Mahinahong umaasam sa katuparan ng kaniyang hinihingi sa Ombudsman. Napaasa siya ng kumausap sa kaniya.

    (Sa katunayan ay may ulat pa na dapat pala ay pagtutulung-tulungan na si Rolando ng mga hostages para magapi at makuha ang kaniyang baril. Subali’t takot ang nangibabaw at nagkasya ang mga hostages sa paniwala at pag-asang hindi sila tutuluyan ni Rolando.)

    Sa huling pag-aanalisa, napalitan ng galit ang hinahon ng isang indibidual na may tangkang pumatay. Isang alituntuning kardinal ang siyang nalabag. Nakalulungkot. Dagdagan pa ng mga kapalpakan…

  50. xman xman

    Note: Pagdating ni Lim sa Emerald ay sumunod na dumating yong ilang generals at si press secretary Carandang.

    Sa tingin ko, si Noynoy ay umalis na ng nursery room baby crib nya sa Malakanyang ng tinawagan sya ni Carandang na tapos na ang crisis at kailangang pumunta na sya sa Quirino Grand Stand para sa photo op kaya dumaan muna si Noynoy sa Emerald Restaurant para sunduin yong mga incompetent execs na samahan sya doon.

  51. xman xman

    Sa US kapag may crisis ang press secretary ay laging nasa White House katulad noong Katrina Hurricane crisis sa Louisiana at iba pa.

    Pero si Carandang ay nandoon sa Emerald ng mga isang oras bago matapos ang crisis.

  52. pilipinaskongmahal pilipinaskongmahal

    i am very very disappointed with how the president is handling those who are responsible for the botched operation. i thought mr. president that you are a Lee-Kuan-Yew-in-the-making but it seems that you don’t have the balls to shape up our shameful organizations. why can’t you fire versoza? why can’t you fire robredo? what about dirty harry? why can’t you fire inutile and dysfunctional heads of agencies responsible? show some teeth!!! we have been subject to all forms of ridicule as a nation since time immemorial! when can we savor and finally experience the collective respect we deserve as a nation??

  53. norpil norpil

    ang alam ko sa bigo ay opposite ng tagumpay. sa madalit sabi hindi nabigo si pnoy kaya siya ay nagtagumpay. ang motto ni pnoy, para hindi magkamali sa anumang ginagawa huwag ng gumawa at tulugan ng lang ang tarabaho. xman kahit nasaan ka ok ka pa rin.

  54. baycas2 baycas2

    Tongue,

    It’s good to doubt…for doubting leads to scrutiny. Forensics will take a large part in the scrutiny. I’ll leave this to the experts.

    My summary above reconciles (a) the accounts of Orlando and 24 Oras’ Mel and Mike, etc., (b) the footages of 24 Oras and TV-5, and, a big chunk, (c) the radio interview of Rolando by “Radyo Mo Nationwide” anchors Michael and Erwin.

    It’s really hard to get an exact chronology of events as I don’t know the time stamp of the RMN interview (except maybe from Michael’s mention of “quarter to 7”) but I believe I made a close reconstruction of the ensuing events leading to the shooting of the hostages.

    As I leave out the forensics* part in my analysis, I came to an understanding of the whole event culminating into a very tragic incident.

    What led to the shooting of the hostages? The three strikes.

    Who were responsible for the “rage killing?” I enumerated above the ones who are directly responsible and those who are indirectly involved.

    Anger for the most part led to the deaths…but unfathomable incompetence and sheer irresponsibility contributed well to the now-pervading feeling of anger. Unless those I enumerated will answer for their “sins,” this anger will not subside.

    It’s even more tragic to see, feel and live in a State run the same way as before. Leaders change but how they lead is identical. No lessons learned…no lessons learned!

    —–
    *Except for the observation of how the shots were heard: (1) loud, echoing, single shot coming from the grandstand and (2) muffled, short burst of shots most likely coming from inside the bus

  55. chi chi

    It’s even more tragic to see, feel and live in a State run the same way as before. Leaders change but how they lead is identical. No lessons learned…no lessons learned!- Baycas

    Sobrang aga pa, nakita na!

    Thanks again, Baycas. I like the way you laid out the events and your own takes…

  56. baycas2 baycas2

    Chi,

    You are most welcome,
    my friend.

    It’s just that my heart bleeds…
    to the dead…but most of all, to the living…

    And I vent my anger into play of words…
    soothes well my feeling.

    Poetic justice I want?
    Not in the literary sense, of course…

    This poet seeks justice,
    that’s all…

  57. sychitpin sychitpin

    nice and poetic comment baycas2

  58. sychitpin sychitpin

    hindi pa natututo ang pilipino

    salamat sa diyos may bago nang pangulo,
    subalit sa senado at Kongreso,
    nariyan pa rin mga tiwaling pulitiko
    binuksan ni P.Noy landas tungo sa pagbabago
    pagasa ng mamamayan muling sumilakbo
    mahusay pagtalaga ni P.Noy kay De Lima At Robredo
    gayundin kay Alcala, Rogelio Singson at Banayo
    subalit bakit si davide ang itinalaga sa Truth Commission?
    at si Rico Puno ang inatasang mamahala sa hostage crisis
    sa halip na si DILG secretary jesse Robredo?
    sa kabila ng malaking unos at bagyo
    mas mabuting mag kaisa ang mga pilipino
    sa ikabubuti ng bansa sa mata ng mundo
    sana huwag nang maulit pa aug 23 hostage taking
    tulad ng maguindanao massacre na nagdulot ng kasiraan
    maraming katiwalian dapat mailahad ang katotohanan
    upang makamit ang tunay na hustisya para sa tao at sa bayan
    ang mga tao ba ni P.Noy ay hindi tiwali gaya niya?
    huwag silang magkamaling maging corrupt din
    dapat matuto na mga pilipino
    tandaan ninyo ito, KUNG ANO ITINANIM, SIYA RING AANIHIN…..

Comments are closed.