Iba-iba ang opinyun sa nangyari kahapon sa panhu-hostage ngunit lahat naman sang-ayon na ang nagpaglala ng isang delikado na na sitwasyun ay ang pag-aresto ng mga pulis sa kapatid ng hostage-taker.
Ang nang hostage ay si dating Senior Inspector Rolando Mendoza. Ang kanyang kapatid naman na nasa Manila Police Department traffic bureau ay si SPO2 Gregorio Mendoza.
Ang sama kasi ng pagkahuli ng pulis na kuhang-kuha sa TV na pinapanoon naman ni Rolando sa bus. Hapon nang pumunta si Gregorio sa Luneta nang mabalitaan niya sa radio na nag-hostage ang kapatid niya. Noong una, pinayagan pang mga pulis si Gregorio na maka-usap si Rolando . Pinaki-usapan nga niya nga na palawigin ang deadline lampas sa alas-tres ng hapon na kanyang unang binigay na pumayag naman.
Nag-iba ang takbo ng sitwasyun nang inaresto ng mga pulis si Gregorio at sinabing kakasuhan daw ng pakikipagsabwatan kay Rolando. Siyempre natakot si Gregorio lalo pa nang dinadaan daw siya sa likuran ng presinto. Sa takot niya, tumakbo siya sa media na nagku-cover.
Nang pinapanood ko ang pag-aresto kay Gregorio, naala-ala ko ang eksena ng paghablot ng mga kamag-anak ng asawa ni Ted Failon habang sila ay nagbabantay sa kanilang naghiningalong kapatid sa hospital.
Bakit nga ba hinuhuli si Gregorio? Sabi ng mga pulis, nahilihan daw kasi ng baril. Sabi ni Gregorio, kaya siya may baril dahil traffic ppolcie nga siya. Nagmamadali siyang pumunta sa Luneta at pagdating doon dala-dala niya. At sa kaguluhan hindi daw niya naturn-over.
Sabi ng mga pulis, narinig daw nila nagsabi si Gregorio kay Rolando na isama ang pagbalik ng baril niya sa kanya sa mga kundisyun ng pagtapos ng hostage-taking na krisis.
Ito naman ang nasa akin. Kung inaakala ng pulis na dapat kasuhan si Gregorio, karapatan nila yun. Ngunit mabuting strategy ba yung ginawa nila na siya ang inaresto habang may nangyayaring hostage crisis?
Mismo si pangulong Aquino sinisisi ang media dahil kinuberan daw ang paghuli. Totoo yun na ang nakita sa TV ay talagang nakakakulo ng dugo. Ngunit hindi maaring hindi kuberan ng media dahil nandoon sa gitna nila nangyayari.
Ilagay nyo ang sarili niyo sa media. May katabi kang mama na kinakaladkad ng pulis. Tatayo ka lang, hindi ka iimik? Lalo pa kami na ang trabaho naming ay ipa-alam sa taumbayan ang nangyayari sa aming paligid.
Ang isa pang tanong. Dapat ba nandun ang media? Kung hindi pwede doon ang media, bakit pinayagan sila ng mga pulis na siya dapat ang may control sa lugar sa oras na yun?
Sa punto na yun, nagsimula na nawalan ng kontrol ang pulis sa sitwasyun. At yun ang pinapakita ng media.
Ang tanong, bakit nawalan ng control ang pulis ng sitwasyun?
Itong mga tanong ay hindi lang sisihan. Ito ay pagtumbok sa problema sa ating kapulisan, sa ating hustisya, at ating pamahalaan at sa ating lipunan.
Saka lang natin mahanap ang solusyun kung haharapin natin ang problema.
I still believe that the media will put the “story” out and try to outscoop each other. I still remember that ghastly showing of a dying soldier some time ago…its a matter of common sense, or maybe its just ratings or the all important “scoop?”
We already know our police, in fact, it was all too predictable…they acted exactly according to the previous patterns…
I’m pretty sure that even the Chinese authorities will haave the same observation, and I imagine they are appalled at the freedom and power of media over the country…pag nagkamali ka, patay ka, wala ka ng career…
There must be some code of ethics with media, the reason why most people lost respect for them is that there are so many instances that they abused this freedom of the press, became extortionists, paid black propagandists, partisan, biased, etc, etc…probably why they get killed nowadays as cheaply as chickens…because some behave as such…
kanyang kanyang kwento, kanyang kanyang dahilan…pero iisa lang ang katotohanan…kaya nag kakagulo…oh well..what can we do? manuod na lang! kailan pa kaya tayo magkaroon ng isang bayan? isang diwa? pagputi seguro ng uwak!
as much as the media is blamed in the carnage, it is mostly the fault of the Police for their lack of control of the situation. It is an sop of any police force to cordon off the area of police activities against any member of the public including the media while the investigation or the operation is ongoing and it is also the police and the local authorities to update the media and the public in an orderly news releases in the progress of the operation minding not to divulge details that may jeopardise the operation…and the Media should co-operate at all time also minding that although each must make a living, it is a matter of innocent lives that is the issue.
Pres. Pnoy malaki sana ang magagawa mo kung nakialam ka habang nagaganap ang hostage taking na kumitil ng pitong buhay maski pa sabihing dayuhan ang mga taong ito. Nasaan ka sa maghapong tensiyonado ang buong kamaynilaan at mahirap paniwalaang hindi mo alam ang nagaganap sa iyong paligid sa mga oras na yon. Palagay ko makikinig sa iyo si capt. Mendoza at hindi gagawa ng kapalpakan ang mga sablay na NPD. Napanood kita sa TV na parang nag ocular inspection sa bus e tapos na po ang madugong pangyayari. Nasaan ka mahal na Pnoy? Idol pa naman kita huwag mong pabayaang matuto kaming kamuhian ka sa mga susunod na panahon.
In regards to President Aquino “non-interference’ with the crisis, I dig the archives to see what other leader did during the crisis in their own time..and this one is for keep…the famous (6 minutes into the interview) Just Watch Me!!!
http://archives.cbc.ca/war_conflict/civil_unrest/topics/101-613/
Ms. Ellen, re: your #2 post. Have you verified if it’s authentic? I have my doubts kasi, there’s some inconsistencies and as if she wanted to portray Mendoza as the good guy while the policemen outside are the evil ones. But I may be wrong though.
ang style kasi ng kapulisan natin ay bulok, akala nila lalu na iy0ng sinasabi nilang commander on the ground ay pupuwede iyong style nila, na palit ulo. di ba ma kailang beses na nating naririnig sa kanila iyan, kaya nga maski si comelec comissioner virgilio garcillano na bida sa hello garci, ang gusto kidnapin iyong mga kamaganak nung teacher na head sa bilangan sa mindanao noong 2004 presdential election..bilang palit ulo..ganun din kay ted failon ng hulihin lahat ang kamag anank niya.. saan kaya rules of engagement nila na pag aralan iyong style na iyon, pag hinuli ka ng kapulisan natin, kung hindi ka ma torture. salvage ang pahinga mo,pina ka lusot mo tongpats..ayun din ang sigaw ni spo4 gregorio mendoza, kasi nga pulis siya at alam niya ang S.O.P. ng kapulisan natin..!! pulis din kasi siya..
Tumbukin Ang Problema
Hindi naman iisa lang ang problema na dapat tumbukin. May problema ang hostage-taker, may problema ang pulisya, may problema ang mga usisero at may problema ang media. Hindi porke may malaking kasalanan ang ibang paksyon ay hindi na dapat sisihin ang media.
Common sense lang ang hinihingi sa media pero wala naman sila nito ayon sa nangyari kahapon. Obvious naman na malalaman ng hostage-taker ang mga pangyayari sa labas dahil karamihan naman ng mga bus ngayon na may aircon ay may telebisyon. Gaano ba kahirap isipin na binibigyan nila ng impormasyon ang taong nasa loob ng bus na may hawak na armas?
Hindi porke may cellphone ang hostage-taker at may nagsasabi na sa kanya kung ano ang nangyayari ay okay na rin ang ginagawa ng media. Siyempre iba pa rin ang video at live pa ito.
Kung nakikita mo ang video at ikaw ang hostage-taker, siyempre alam mo kung nasa likod ang mga swat o nasa harap o nasa gilid. Alam mo kung ilan sila. Alam mo kung nakayuko sila o nagtatago. Alam mo kung dinidistract ka lang o papasok na ang mga ito.
Buti pa ang hostage-taker, kita ang lahat. Siya hindi kita kasi may kurtina yung bus.
Sino na naman ang susunod na sisisihin ng media, yung kumpanya na gumawa ng kurtina sa bus? 15-minute delay, simpleng-simple.
10-minute delay, okay lang. 5-minute delay, okay lang. 2 minutes, pwede pa rin. 1 minute, pwede na ring pagtiyagaan.
Live? Saan ang utak ng media?
Read your article Ellen, about the staffer who did not know Donald Tsang.
Huwag naman sanang sinabing, “Who the heck are you?”
Humility? Kahit na yung yabang ni George W. Bush mapapahingi ng tawad diyan sa kapalpakang yan. Hindi humility ang hanap ng sitwasyon, kundi competence.
SnV, will post the article here in a while. I committed to my source to post it here past midnight.
You are right, SNV re “Hindi humility ang hanap ng sitwasyon, kundi competence.”
Mike, thanks for calling my attention to it. Someone checked the author’s name among the list of passengers in the bus. There’s no one there with that name. Mukhang fake nga yung site. I removed it. Sorry naloko ako.
Right! Dapat makialam ang presidente sa lahat ng hostage-taking na nangyayari sa Maynila kung saan malapit siya. Nice idea. Gagawin lahat ng mga sira-ulo yan. All they have to do is take hostage some foreigners and then demand that the President of the Republic negotiate with him. Ganoon? Kaya nga may mga local officials tayong ibinoto. A simple peace and order problem like that is staple pie to the Mayor of Manila! He has in his disposal thousands of policemen! You don’t need the President to do that kungdi ay patay na tayo niyan! Lahat na lang ng sira ulo ay kakausapin ang Pangulo.Saan na yung mga SWAT na kuntudo porma na pinagyayabang nina Boysie Rosales at Magtibay (PMA 78)? Magtibay botched the job big time! Pusang alaws! Sniper lang naman pala sa bubong ng Quirino grandstand ang kailangan e, nagmukhang tanga pa tuloy silang tanga na basag ng basag ng tempered-glass windshield ng bus. Lim should demand the resignation of Magtibay no less. Kung may hiya itong si Bilatibay, este, Magtibay, dapat magbitiw na siya as MPD Director.
After all is said and than, isa lang ang dapat sisihin. Si Mendoza lang. The die was cast when he took over that bus armed to the teeth. That things did not turn out positively as everybody hoped for is one of the dire consequences of what he did. Naging bayani pa siguro siya sa mata ng bansang Pilipinas kung si Merceditas Gutierez na mismo ang hinostage niya at tinigok! Eto naman talaga ang kalaban nya di ba? Why take with him innocent civilians?
Take it from me. Years of experience in military operations is not a guarantee that operations will always turn out as you have planned in mock assault scenarios. Situations can be very fluid and no amount of training can control the rush of adrenaline. Negotiations bog down. The emotions of the hostage taker is on a roller coaster and so many things can go wrong.In the heat of a firefight, things sometimes go out of hand. Remember the hostage taking incident by Chechen rebels in a train in Chechnya some years ago? With all their sophisticated weaponry and training, the Russian special forces were no match to the cunning of the suicidal rebels. How many died in that train when the rebels decided to blow up that train? Same situation with the tourist bus. When Mendoza took on that bus, bad things were bound to happen. Buti nga wala siyang dalang mga granada kungdi ubos silang lahat doon.
Dapat may masibak sa pangyayaring ito lalo na sa kapulisan. Kung yung head nga ng PAGASA na ang pagkakamali lang ay wrong weather update nasibak na, eh ang nangyari kahapon ay maraming namatay at nasugatan dahil sa mga kapalpakan.
Ang isa pang dapat masibak ay yung staffer na di kilala si C.E. Donald Tsang. Nakakahiya!!!
Ellen, I read your article, my God! Mistakes like these cause international incidents…honestly, i was really affected the whole time thinking why the president didn’t talk to Tsang…
Thank you…
http://www.malaya.com.ph/08252010/edtorde.html
Ewan ko nga ba, saan na kaya yung mga mayayabang na pulis na nagpasikat noon sa Manila Penn?
Ellen, how come you’re the only one reporting this, I didn’t see anything like this in the Inquirer?
“Ang nang hostage ay si dating Senior Inspector Rolando Mendoza.”
Before I hit the sack early this morning, Inspector si Mendoza; pag gising ko eh Colonel na. Napromote ba after he died?…lol.
Now that you asked Jug, the head of the SAF that led the assault at the Manila Pen, the one who ordered our handcuffing was Leocadio Santiago.
He is now the PNP NCR Chief. The same Santiago that who oversaw the hostage crisis yesterday.
Walang kasalanan ang media, ang handler ng affair ang responsible ng lahat. Nagkalat ang pulis sa paligid ng QG na di alam ang role nila sa situation. Tama si Ellen ang focus ay sa bus di sa kapatid ni Mendoza. Malinaw na may cooperation ang taker, wala lang proper procedures na sinusunod ang pulis dahil kaya maraming casualty. Dir Versosa get the film and show it sa buong kapulisan at pagusapan ang mga bagay na dapat ginawa at di ginawa. It may not be perfected next time but Im sure its a lot easier this time.
It would be interestng to look at the cause of Medoza’s distress…does anyone know the facts of his case? whats Mercedita’s involvement in this? was he a victim of injustice?
Btw Mam Ellen, ang tamang ranggo ni Mendoza ay Ex- Senior Inspector(Captain in the infantry equivalent). Ex kasi dismissed na siya sa police service. Thanks.
Now that you asked Jug, the head of the SAF that led the assault at the Manila Pen, the one who ordered our handcuffing, was Leocadio Santiago.
He is now the PNP NCR Chief. The same Santiago that who oversaw the hostage crisis yesterday.
——————————-
There you go! Tongue, are you aware of this?
Jug:Ellen, how come you’re the only one reporting this, I didn’t see anything like this in the Inquirer?
I can’t answer for them. But I’m sure of my info. My source is A-1.
I take back everything I ever said about the media…as long as Ellen is there, she will always be my benchmark… 🙂
Ganoon pala. Si Leocadio Santiago, who was truly gung-ho in manhandling the media, and arresting senior citizens Dodong Nemenzo and Tito Guingona.
Ngayong kabaro ang katunggali, wa-porma din pala.
Now tell me. Had Trillanes, Faeldon et al really been intent on a rebellion/coup, you think makakaporma yang mga patolang yan? Baka ginawang miswa soup yan ni Faeldon.
Now about the media.
They should have called Coco Quiquisumbing. Napatahimik sana ang media. Question of deployment of proper talent/resources lang yan.
Nagkita sana yung kulang sa dilig, at yung sobra sa testosterone.
I had wanted to avoid the Manila Pen incident to be dragged into the discussion of this Luneta hostage crisis. But since Jug mentioned it, I had to say it.
Last na lang ito about Mla Pen. SNV, I was beside Dodong Nemenzo when Santiago came with the plastic handcuffs. He introduced himself to Dr. Nemenzo. He was respectful, in fairness to him. He said,”Sir, I was your student in UP. I’m sorry but I have to do this.”
Dodong just kept quiet and extended his hands to be handcuffed.
They should have called Coco Quiquisumbing. Napatahimik sana ang media. Question of deployment of proper talent/resources lang yan.-SnV
Ha!Ha!Ha!
There you go! Tongue, are you aware of this? – jug
I am sure it was a Santiago in Manila Pen, the Leocadio part was cryptic. I was listening to him being interviewed simultaneously with the brother’s acting up at the police detachment by GMA7’s Mel Tiangco and again later by CNN. Didn’t make the connection until Ellen said it. 3 TV ang sabay-sabay naming pinapanood, hehehe
Pwede bang itanong sa kapatid ni Mendoza kung binayagan siya? Baka kasi nandoon din si Geary Barias.
“He introduced himself to Dr. Nemenzo. He was respectful, in fairness to him. He said,”Sir, I was your student in UP. I’m sorry but I have to do this.”
Maganda sana kung there’s no love lost between the two. I’m positive this will be Santiago’s smirking quote “Sir, I was your student in UP. Makakaganti na rin ako sir”…lol.
It would be interestng to look at the cause of Medoza’s distress…does anyone know the facts of his case? whats Mercedita’s involvement in this? was he a victim of injustice? – jug
I’ve assembled some of the info I gathered from memory I’m still looking for the email but since I joined Facebook, I’m now receiving 300-400 emails daily.
You can check out my latest post in the preceding thread.
Coco Quisumbing to silence the media. I like! bwahahahaha
I thought we would be watching a topnotch rescue op last night.
Siyempre, Manila’s Finest yata yun.
Namfootah, e Manila’s Funniest pala and ipinadala.
re#21, Thanks Henry. Hilong-hilo na ako. Matulog na nga.
“After all is said and than”. . done. . .antok na rin. . .hehe
After Coco Quisumbing, they should have called the Congressman-Sikyu to cordon off the area.
Isa lang ang could-have-been ko dito sa pangyayaring ito. It could have been done at the Office of the Ombudsman. Tinodas mo sana yang Merceditas na yan, at hindi yung mga turista.
As Tongue mentioned in the other thread, mukhang corruption na naman ang pinagmulan. Mendoza was framed, by some hijo de gran cabra, who concocted the story that Mendoza was trying to extort money from him (the kid – kaya nga cabra yung magulang).
http://globalnation.inquirer.net/news/breakingnews/view/20100823-288385/Who-is-this-hostage-taking-cop
The police internal affairs service recommended dismissal, but the Ombudsman brushed off the recommendation. Sounds familiar? Para bang General Miranda, Danny Lim and Colonel Querubin? Decorated officer na naman?
The Manila Prosecutor’s Office also dismissed the case. Of course, may lusot si Merceditas, because the quantum of evidence in a criminal case is less than in an administrative case.
BUT,
that refers to a criminal prosecution, leading to a criminal conviction. At the prosecutor’s level, the only determination is probable cause. which is defined as:
Reasonable ground of suspicion lang ang kailangan sa prosecutor’s level. Even this, was found wanting, kaya dismissed.
“Administrative proceedings are governed by the substantial evidence rule.” http://www.lawphil.net/judjuris/juri2008/dec2008/am_p_08_2587_2008.html
If there was no ground for suspicion, it is difficult to see how there was “substantial evidence.”
Joc-Joc was cleared, the fat slob was cleared, but decorated officers are fried. And you wonder why people lose their cool.
Kaya nga, next time may magwala, todasin yung dapat todasin. You will balance the budget, you will reduce carbon emissions, and you will receive a standing ovation from a grateful nation.
Naging magulo ang sitwasyon dahil mukhang wala yatang tumatayong pinaka-lead negotiator that is in coordination with the police. Kung meron man ay di niya nagawa ang kanyang dapat gawin. At bakit hindi binigay ang hinihinging interview sa media. Dahil ang sinasabi ni Rolando Mendoza hostage-taker ay gusto niyang marinig ang side niya. Sana ay baka nakaisip ang mga pulis ng panlansi sa hostage-taker habang iniinterview o pagkatapos na maihinga ang sama ng loob ay maari siyang kumalama.
Sa akin naman, hindi porke media ay dapat nilang ilahad lahat ng nangyayari. Dapat alam nilang i-practice ang kanilang tamang discretion depende sa sitwasyon kung ano lang ang dapat nilang ilabas sa TV. Lalo na sa sensitibong sitwasyon na ganito. Pwede naman nilang i-record thru video ang mga pangyayari pero hindi na dapat ini-ere sa TV. Narinig naman natin sa bibig mismo ng mga reporter ng ABS-CBN at GMA7 na pwedeng magwala si Mendoza pero tuloy pa rin sila sa pag-ere. Kaya ayun nagwala na nga! Dapat maging RESPONSABLE sila sa pag-rereport. Paano ba maging RESPONSABLE?..At yung kapatid na Gregorio naman, kaya napag-isipan na kasapakat, bukod sa may dalang baril, ay dahil sa TV mismo ay sinabi niya habang kausap si Rolando sa celfone, ‘pabayaan muna daw siyang(Greg) kausapin ang media at tsaka na lang ITULOY ang balak kung hindi mapagbibigyan’. TAMA BA YUN?!
The TV media should learn fron CNN & BBC in reporting delicate & sensitive cases. Like the 911 tragedy. Hindi lahat ay ini-eere in public during that moment dahil pwedeng makaapekto sa investigation or in the police conduct. Not much video airing pero tuloy-tuloy ang update. Dito sa atin, bawat TV station eh gusto laging nakaka-scoop sila. Masyado nang Sensationalized. Wala na ang Sensibility & Responsibility.
I don’t think it’s the media or the police, however embarrassing it may seem. Media paunahan yan and police more likely incompetence. Our system sucks, especially the office of the Ombudsman. For whatever its worth, Mendoza is dead to include the many guest tourist of our country. The office of the Ombudsman will never change, as always they will sit on it while shamelessly collect their pay or lagay to delay many cases? Remember during the time of Arroyo. One thing, since Merceditas Gutierez says it herself on TV, that she will still look into the case of Mendoza, while at it, for whatever its worth, might as well look into his pension benefits. Is it really JUST to take someone retirement, regardless of guilt, pension benefit is one’s time and service. Why not return it to his wife instead na paghatian lang yan ng mga mandarambung sa gobyerno.
para di na gayahin. kung may kaso, apply the rule of law in equitable way! Wag upuan, ikulong kaagad kung malinaw ang ebidensiya, walang palakasan o impluwensiya. kaya nga idependent kayo! Problem is Ombudsman apply the rules sa maliliit na kaso palpak pa, kulang ang due process tapos pag malalaking tao, di tumatakbo ang kaso. ano ba talaga?
Ellen,kung hindi ako nagkakamali, yung insidente na kasangkot si Mendoza sa hulidap ay na feature sa column ni Lito Banayo sa Malaya. Yung pilit pinakain ng shabu yung chef at hinihingan ng Php200,000.
I agree with Olan. Now that we know the background of Mendoza’s case, tumbok na kaagad. It all started in the Ombudsman’s office…this couldn’t have happened if Mercedita’s was doing her job…nagkaletseletse na – utang na loob paalisin nyo na yan…
…I hope someone will look into this and media will at least do the right thing in putting things in perspective and let the truth be known to all…Mendoza started out as a decorated cop but his life ended in tragedy, prior to that he probably lived it in misery…this is not a good incentive to our policemen who are now choosing between the straight and narrow or the get rich quick road via corruption…
I hope the president will also task someone to look into this character “Leocadio Santiago” if someone’s head needs to roll, its his…
the root cause of this was injustice in the office of Ombudsman Gutierrez, Merceditas Gutierrez must resign
I am smelling a conspiracy here, the hostage taker was just a fall guy. He hijacked a tourist bus and taken Hongkong nationals as hostages. Of all the thousands of bus plying around Manila he selected this specific bus with Hongkong nationals, coincidental? I think not…it’s pre-planned. Here’s my conspiracy theory comes in…we know that the son of sabit singson was facing a drug trafficking case in Hongkong. They planned this tragedy to intimidate the Hongkong government and put a black eye to PNoy’s government.
PNoy needs to drag ombudsama guiterrez out of her office, she’s a disgrace just like what Erap did to Gordon as a SBMA chair.
Hustisya ang problema.
Palagay ko hindi gagawin nitong si Mendoza ang ganito kung nabigyan lang siya ng tamang prosesso sa kanyang kaso.
RE: Hustisya ang problema. ~Tedanz
Tama ka Igan Tedanz…at dagdagan ko pa tulad ng masyadong marami ang nagmamarunong pero ano ang resulta ng kanilang kabobohan?
Hostage drama…ngayon ang magmamando ng rescue operation e mga cabiskawtz pala, e ano yong naka-imprenta sa kanilang uniporme “SWAT” pala.
Ang siste nito…e pulpol battlegear pala ang mga damuho, ang dala e maso, tirgas at lubid? See, PMAer ang ground commander…ibig sabihin e de kalibre ang dating…ng ANO pala?
Ito ang masaklap…pinaabot ng 11 hours e tirgas lang pala ang katapat ni Kapitan Mendoza, napanood ito ng buong mundo at di sila pwedeng mangatwiran kasi live ang coverage.
Ngayon…todo tira ngayon sa media na kesyo pakialamero daw at kung anu-ano nang reasoning para makahulagpos sa kanilang kapalpakan.
Nakita mo ba yong mga kabiskawtz na akalo mo makikipagkurikit kay Kapitang Mendoza…aba naman e nakapaikot nga sa bus pero ang pwesto e akala mo nakikipaglaro eat bulaga.
Pasalamat sila at mayroon pang natitirang kabaitan si Kapatin kundi marami ang dedo sa mga kabiskawtz kung niratrat niya ang mga ito.
Nasa rescue operation…ang suot sumbrero di ba dapat helmet…at wala man lang gas mask na dala kahit na yong nabibili lamang sa pharmacies.
Hay naku…sa halip na magagalit ka e may pakakomedyante ang hostage drama na ito…bakit ka mo, ganito ya…talian ba naman ng lubid yong pintuan ng bus at ipahatak sa service nilang tsogtsog.
Narito pa…kung di ba naman row 4 ang kukote e wala man lang firetruck kasi kung nagkataon na may granada o bomba na dala…paano na ang istorya.
May ambulances nga na dumating para help yong mga biktima e kanya-kanya pala ng biyahe para mga FX na walang ruta o prangkisa…sino matutuwa na naghahanapan kung saan dinala ang mga biktima.
Ano ibig sabihin nito…ang mga EuroGenerals at iba pa e kung saan-saan nakakalakwatsa e bakit ganito ang outcome ng performance ng SWAT team or kabiskawtz…wala bang expert sa PNP para sa ganitong senaryo?
Nagtatanong po lamang!
“May ambulances nga na dumating para help yong mga biktima e kanya-kanya pala ng biyahe para mga FX na walang ruta o prangkisa…sino matutuwa na naghahanapan kung saan dinala ang mga biktima.” — Balweg.
🙂 🙂 🙂 …. hahahahahaah … hihihihihi …. hohohoho
Para palang mga funeral parlor na nag-uunahan para makakuha lang ng bangkay ….. 🙂
Sa madaling salita eh BUGOK ang ating Kapulisan. Puro pasarap lang ang mga nasa mataas na ranggo samantalang yung mga tauhan sa bawat units ay dapat bigyan ng modern equipments at training. Lalo nang nasira ang reputasyon ng Philippine Police. Dati tayo lang mga Pinoy ang walang tiwala , ngayon buong mundo. Hayan P-Nyoy pagtuunan mo ng pansin ang pagbangon ng image ng ating mga awtoridad. Yung tunay na professionalism.
may sama ng loob si Mendoza sa Ombudsman…sana si Maldita na lang ang tinodas niya…marami bang natuwa at hero of the moment siya…
In the end of the day…hustisya, hustisya, hustisya..lalo na ang ombudsman, ombudsman…sila ang nag-papalala o nagbibigay ng problema sa bayan. they are not proactive enough to respond to issues of concern tapos masyado pang mabagal kumilos. marami na nag sabi nuon..justice delayed is justice denied and yet they never wake-up or live-up to their solemn oath!
Sorry, but partly to blame sa nangyari ay Media. Channel 7 (mike enriquez) announced on Tv complete position ng mga Swat front , back, side angle ng truck. Ngayon parang nagmamalinis pa sila pointing fingers to others. Mel Tiangco sinabi pa na tinatalian ang pinto , and openning the back door..
Dapat lang mag resign yung mga leader ng assault team.
ang dapat alamin hindi yung pag handle sa hostage situation kundi bakit nagawa ni kapitan orlando mendoza ang gayun bagay. kawalang hustisya ang sagot, inupuan ng ombudsman ang kaso kaya ganun ang nangyari. ngayon ang focus ng usapin kung paano papatayin ang hostage taker. dapat kada decision ng ombudsman ay makumbinsi ang respondent na talagang may kasalanan siya at dapat matanggal sa serbisyo dahil yun ang nasa batas. sa ombudsman ang may pera at may kapangyarihan ang nananalo kaya ganun ang nangyari. kawalang hustisya ang ugat ng lahat. walang kasalanan ang media tama ang ang ginawa talaga namang kakatayin si spo2 gregorio mendoza kapag masama ang nangyari sa hostage situation kaya nga gustong ikubli at sa likod idinaan. ang pulis iisa ang linguwahe nagkakaintindihan kami alam namin ang susunod na mangyayari. ang hostage taker uutuin lang ang pangangakuan pag tapos na ang palabas kinalimutan na lahat ang usapan kung puwedeng katayin katay na.
Re: may sama ng loob si Mendoza sa Ombudsman…sana si Maldita na lang ang tinodas niya…marami bang natuwa at hero of the moment siya… ~Rose
Taka ka Igan Rose, ang OMBUDSAMA e pinamumugaran yan ng mga TONTO…bakit ka mo, di ba lesson na sa ating Pinoy ang ginawa ng kangaroo court ng Ombudsama sa ginawang paglilitis sa kaso ni Pangulong Erap?
Ano ginawa ila sa pobre…ipinahiya sa buong mundo ng dahil sa listahan ni Sabit at ang dami dapat kasuhan ang Ombudsama na mga tirador at kawatan na asshole ni gloria pero ANO….may naipakulong ba sila?
Tutal si Santita Cory ang nagcreate ng Ombudsama sa panahon ng kanyang rehime…e dapat lang na tamaan na yang ng earthquake kasi nga kita naman ang nangyari ngayon, buong mundo ang nakasaksi sa isang naghurimentandong decorated isa sa 10th most outstanding policemen of the year?
Ano ibig sabihin nito…kung sino ang dedicated sa trabaho at matino e siya ang winawasak na dapat sila ang magprotekta dito.
Kabayaran ito ng Ombudsama sa kanilang walang kwentang paghawak ng kaso…mga atorni de kampanilya.
RE: ang dapat alamin hindi yung pag handle sa hostage situation kundi bakit nagawa ni kapitan orlando mendoza ang gayun bagay.~Bayong
Korek Igan Bayong, WALANG KWENTA ang HUSTISYA sa PINAS…pumapabor lamang ito kung sino ang nakapwesto sa Enchanted Kingdom?
Dapat ang Pinoy ang kailangang sumunod sa lahat ng batas na umiiral sa ating bansa…pero ano? Kundi ang batas ang siyang sumusunod sa mga tiwali at kriminal na mga lingkod-bulsa…lahatin na natin sila di ba yan ang TOTOO.
E ka nga, YOU WILL KNOW THE TRUTH, at ang KATOTOHAN ang magpapalaya sa atin sa lahat ng kasamaan na pinaggagagawa ng mga lingkod-bulsa.
Binuo ang Ombudsma at pinagkalooban ng kapangyarihan ng kongreso sa mababa at mataas na kapulungan…so dapat maging effective ito sa paghawak ng anumang kaso.
Ano ang pinaggagagawa ng mga natalaga dito…ginawang protektor ng mga sinungaling at magnanakaw sa lahat ng sangay ng gobyerno?
Sino ang naipakulong nila sa mga kawatan na asshole ni gloria…WALA and till now heto pinadidibatihan pa kung may substance ba ang kaso na isinampa sa mga magnanakaw ng pera ng bayan.
Pero itong si Kapitan Mendoza ang pinagdiskitahan na isang decorated na parak…bakit di nila ipakulong or firing squad ang mga general problems na naging kunsintidor sa paghihirap nating mga Pinoy…yong mga traydor ng EDSA 2 and Hello Garci plus yong mga kawatan.
nasayang ang isang pulis na katulad ni mendoza dahil sa kagaguhan ng ombudsman. ayon sa pamilya nito ay maayos din itong padre de pamilya may anak pa nga na scholar at napa-aral din ang lahat ng anak. ang katulad na mendoza na malapit ng mag retiro ay hindi gagawa ng kalokohan sa halagang 20,000.00 todo ingat na kapag malapit na ang retirement. ang naiisip na solusyon gobyerno dagdagan ang pondo ng pnp para sa modernization. madadagdagan lang ang ibubulsa ng ilang mataas na opisyal ng pnp tagumpay na naman sila. gasolina nga kinukulang modernization pa. hindi palusot ng pulis ang walang gasolina ang mobil, totoong nangyayari ito ng madalas kaya kailangan mang orbit sa mga sugalan para may pang gasolina ng mobil, siyempre kasama na rin don ang pambulsa nagpagod din ata sila.
Magresign,sibakin ang naghuhumiyaw na tinig ng mga PULITIKONG,nasaan ba sila magnakaw,mandaya at magsinungaling ang kanilang pinuno,sila ba ay natutulog,maytakip ang mata,sabahin pa natin tulog o nabulag subalit ang kanilang bungabunga ay walang busal upang magsabi ng mag magresigned at tanggalin ang naging dahilan bakit nagkaroon ng trahedya sa mga turista di dapat masangkot,di ba sistema ng kawalanghiyang ng nakaraan ang dahilan ang maraming buhay nasayang dahil sa mga pulitkong hanggang ngyayon na sila ang sumisigaw magresign at sibakin.
TUMBUKIN ANG PROBLEMA – title of Ellen’s blog post.
Aba e tumbukin na yang mga pulis. Malinaw naman pala na meron silang dapat gawin, di nila ginawa tapos sisisihin nila ang media nasa kanila naman pala ang pagkukulang. Para saan pa itong manual na ibinigay sa inyo nung 2006?
Wag nyong sabihing co-terminus din kay Putot! Di lang pala gross incompetence, gross negligence pa!
Paano yan Gen. Versoza?
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20100825-288742/PNP-failed-to-use-manual-on-dealing-with-press-in-emergencies