Iba-ibang klaseng torture ang nakita natin nitong nakaraang linggo.
Una yung kahindik-hindik na video ng turture sa isang hinahalaang holdupper sa Asuncion precinct station sa Tondo, Manila.
Ang pangalawa naman ay ang pagwawala ni Commissioner Coco Quisumbing ng Commission on Human Rights sa media.
Makikita sa video ang isang payat na lalaki ang namimilipit sa sakit na nasa sementong sahig. Tinalian ng kanyang mga torturer ang kanyang ari at tuwing may tinatanong at hindi nagugustuhan ang sagot, hinilia ang tali kaya namimilipit sa sakit.
Hindi ko kaya tingnan ang video. Sabi sa report makikita raw na ang mga torturer ay matipuno ang mga katawan.
Ini-imbistigahan si Senior Inspector Joselito Binayug at ang kanyuang mga kasamahan sa presinto ng Asuncion. Marami raw medalyang natanggap si Binayug at todong deny siya na may kinalaman sa pagtorture.
Natagpuang patay na raw pala ang biktima sa iba namang enkwentro daw ng holdup.
Magpasailalim daw sina Binayug at ang kanyang mga kasamahan sa panibagong training tungkol sa pagrespeto ng karapatang pantao. Ito ang kulang sa ating kapulisan at mga sundalo -ang respeto ng batas. Lalo pa sila na naatasan magpatupad ng batas. Dapat sila ang mangunguna sa pagpapairal ng batas.
Masyado ng maraming krimen sa atin na kahit ang mga ordinaryong mamamayan, para tumitigas na ang ating damdamin. Delikado ito dahil, hindi natin namamalayan, parang nabawasan na ang ating pagka-makatao.
Medyo rin ako nababahala sa sobrang pauli-ulit na palabas ng ABS-CBN ng video. Siguro gusto nila magalit ang taumbayan para magtutulak sa mga awtoridad para kumilos. Ngunit parang sobra na. Hindi ko kaya tingnan.
Ito namang si Quisumbing, nangha-harass naman ng media na nagku-cover ng Commission on Human Rights. Tingnan nyo itong video ng ABS-CBN: http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/08/20/10/chr-commissioner-coco-goes-loco#ooid=ZwdnZuMTr9BqVNywApk_PWoISyqPS95D
Aba, siya ang nag-uutos kung saan anggulo siya kunan, kung saan pwedeng umupo ang reporter. Kung hindi ka niya kilala, hindi ka pwedeng magtanong. Kung hindi niya magugustuhan ang tanong mo, babastusin ka nya.
Swerte siya mabait ang mga CHR reporters. Walang lugar dapat sa administrasyong ito ang mga aroganteng opisyal na katulad ni Quisumbing.
Dapat siya ang torturin ni Binayug para matauhan. Ang yabang sobra. Sarap sampalin!!! Grrrr!!!!
sabi nila, latak daw ng GMA administration, hindi kaya eto ay ang tunay na kulay ng pilipino?? kasi ang pilipino sabi nila mabait daw at masipag, lalu na pag nasa ibang bansa, bakit pag nsa bayn natin, ang mga pilipino ay galit sa kapwa nila pilipino, parang ang tingin nila, ayaw nilang masa pawan nag kapwa nila pilipino, anu ba talaga ang lahi natin? walang tigil ang bangayan natin.. lahat ang gusto tama sila, walng gustong mag pakumbaba..!!
ocayvalle,
Cool ka lang. Konti lang ang mga Pilipino na abusado, ma implywensiya nga lang, kung hindi naman, maingay. Sigurado ako na marami pa rin ang matitino, sumusunod sa batas, nagmamahal sa bayan…tahimik nga lang…
well, well, its just the wheel turning, nothing surprising, don’t expect changes for a little while unless discipline like a very strong reprimand and or showing the commissioner the door will initiate the change…oh my the arrogance of power whoever it falls, just the same.
22 August 2010
Geezzzz… did anyone of you worked with her before? I am. and i can tell you, she is a “BITCH”!!!!!…. If anyone of you knows what I’m saying.
The mother and father maybe honorable, but the daughter, c’mon guys….as I said if anyone have worked with her before, you know what I’m talking about.
I suggest, she be removed from the CHR, becuase what she’s doing at the CHR is very UNhuman right.
pranning
mukhang napakaraming sensational na balita lately, hindi kaya nawawala ang focus sa Kampanya laban sa katiwalain. ano na nangyayari sa Truth Commission? kinasuhan na ba si gma tungkol sa plunder? ano na rin nangyari sa C5 scam ni villar, hindi ba pinababalik ng senado kay villar ang 6 billions para sa gobyerno? may nakasuhan na bang big fish sa gobyerno? hindi ba ieexpel ng congreso si ronald singson na nakulong sa HK at si Ecleo na isa ring kriminal?
On second thought, she’s also tough on the bad guys. Well, the media is very powerful nowadays that you have to be careful in dealing with them… 🙂
…I wonder why rich, successful countries like Singapore, Malaysia, China, etc… don’t have media with the same zeal as what we have maybe they’ll be successful as we are if they did? Maybe they envy our press freedom? …. 🙂
Is Dennis Datu male or female? 🙂
ocayvalle,
Cool ka lang. Konti lang ang mga Pilipino na abusado, ma implywensiya nga lang, kung hindi naman, maingay. Sigurado ako na marami pa rin ang matitino, sumusunod sa batas, nagmamahal sa bayan…tahimik nga lang… ~Juggernaut
Agree…e ka nga, sa isang pugarang itlog sure di maiiwasan na mayroong kasamang bugok? Try to open yong bugok na itlog…ewan lang natin, grabe nakakasulukasok ang amoy nito.
Ang mga utak-pulbura e kapatid yan ng mga utak-lamok at kamag-anakan ng mga utak-talangka? Sila ang mga Kababayan nating Pinoy na walang inisip na mabuti para kanilang kapwa-tao.
Malas lang ni Chief Inspector…nagkumpiyansa siya e high tech na ngayon at karamihan ng Pinoy e may cellphone.
Masyadong ginagawang sensationalize ng massmedia ang isyung pagtorture…para naman bago ng bago sa isyu e ilang libo bang Kapinuyan ang biktima ng extrajudicial killings?
Till now…biglang naglaho sa mundong ibabaw ang mga biktima ng extrajudicial killings, karamihan 10ft. below the ground ang binagsakan.
WALANG MGA TAKOT SA DIOS?
sychitpin – August 22, 2010 1:33 pm
re: mukhang napakaraming sensational na balita lately, hindi kaya nawawala ang focus sa Kampanya laban sa katiwalain. ~sychitpin
Tama ka, kung saan IN ang balita…dito naka-tunganga ang Pinoy at ang daming kesyo sa buhay…bakit, bakit, bakit?
Kaawa-awa daw yong natorture…naawa ba sila sa kanilang nabiktima o bibiktimahing mga enosenteng Pinoy? Gaano kadaming buhay ang naging biktima ng mga pasaway sa ating lipunan?
Kapagnahuli e ikukulong lang…ang sarap ng buhay nila diguwardiya pa, libre ang tirahan at pagkain. Pero ano ang nangyari sa kanilang nabiktima nagluluksa sa kawalan.
Bakit wala bang taga media na abusado? Pagpasensiyahan na lang sana itong si Quisumbing dahil kahit sino na bigla na lang ini-interbiyo ng sankaterbang taga media na dati naman hindi. Naninibago lang siguro. Binigyang isyu ka-agad …. bakit wala na bang maibalitang iba?
Halos kalahating taon na si Noynoy wala pang linaw yong trot komisyon niya …. yong Mindanao masaker …. ang dami pang dapat ibalita … hindi yong si ano at si ganyan ay cho-chi-chang ……
Tignan na lang natin yong kaso ni Singson sa Hongkong … ilang linggo lang tapos na ang kaso … mayroon na silang desisyon ….. pero sa atin wala!!!! wala!!!! wala talagang pagbabago. Kahit sino pa ang naka-upo … puro daldal lang.
torture ganda pandinig pag inglisie.pag tagalog pangit pakingan.labis na pag papahirap o pag paparusa sa isang tao upang umamin ng kasalanan o dahil sa paghihiganti.hehehe iyan ang teknik ni j.binayug. si duwendeng itim naman dating presidentita ito ang kaniya torturer-ang taong labis na nagpapahirap o nagpahirap sa kapwa.ganyan si duwendeng itim dati kasama na ang kaniyang mga alipores na nakinabang ng husto. tanong saan kaya binaon ni duwendeng itim ang mga billiones US$ ngaun naman bagong Pnoy yipeee!! saan kaya tayo makakarating umahon kaya tayo sa loob ng 6 yrs.mabago kaya ang takbo ng buhay pinoy.maiiwasan na kaya ang mga pinoy na katulad ng mga DH at caregiver na nag huhugas nang wetpu!! ng mga ibang laheng oldies. na minsan may almuranas pa hayyy buhay pinoy dibaleng alipin $$$ wawa talaga mabago kaya ni PNoy ang buhay Pinoy.subaybayan!! mabuti pa ibang lahi wa english hindi naman alipin nang ibang lahi like insik!!dami nila work sa bansa nila tayo tao ang negosyo OFw kuno HEROO! baka yeroo pang takip ng utang sa mga inutang na billion billion dolaar..nanay ko wa nako say.
Pareng Tedanz:
Diyata’t advanced masyado ang kalendaryong gamit mo? Nanumpa si Aquino June 30. Nag umpisa siya ng July 1. Di pa tapos ang ika-dalawang buwan nya. 😛 lol
From Miguel Valbuena:
Ang torture talaga ay walang puwang sa civilisadong sosyedad, ngunit, hindi sa kinukonsente ko ang ginawa nang kapulisan sa pag-torture o pahirap sa mga nahuli-huling snatcher o mga perenyal na lumulabag sa ating mga batas.
Napadali nating naawa sa biktima, pero na-isip na ba natin kong tayo ang nabiktima nong taong “tinotorture”? Bakit ang taong nahu-huli at kinoyug nang “taong bayan” ay mistulang wala naman tayong imik.
torture, pangkaraniwan yan sa mga pulis kung tawagin ay scientepok hinango sa scientific na salita. wala namang dapat ipagtaka kasi sa mga academy ito ang specialty sinong cadete ang hindi nakaranas ng hazing. ang hazing ay pareho din ng torture sa pnpa (class 2000 o 2001) nga mga cadete inutusan din nga upper class na maghalikan lips to lips pa. kaya walang dapat pagtakahan. kapag ang tao ay tinurture ibig sabihin ang kasunod nun kakatayin na at iwawala para walang corpus delicti. tanggapin na natin ito hanggang may mga academy sa ating bansa.