May sumulat sa akin na taga-Marinduque na alalang-alala siya sa dumadaming kaso ng dengue sa kanila ngunit parang hindi alam ng kanyang mga kababayan kung ano ang dapat gawin.
Sabi niya walo na raw ang namatay sa kanila nitong mga nakaraang linggo kasama ang siyam na taong gulang na si Lovely Gail Ramos ng Brgy. Santol, Boac at ang isang grade three na estudyante ng Don Luis Hidalgo Elementary School na namatay sa Damian Reyes Hospital isang oras lang na dinala doon.
Nang unang dinala daw kasi ang biktima sa isang private clinic, sinabi tonsillitis ang sanhi ng lagnat. Huli na ng matumbok na dengue.
Pagkatapos nun, binisita daw ni Dr. Honesto Marquez of PHO-Marinduque ang Brgy. Santol noong Biyernes ay sinabihan ang mga tao na mag-ingat sa dengue na dala ng lamok.
Ngunit sinabi ng sumulat sa akin na ayaw banggitin ang pangalan, na hindi alam ng marami ang peligro ng dengue at hindi rin daw masyado pinag-uusapan sa radyp na siyang pangunahing kinukunan ng balita doon sa probinsiya.
Ngayong tag-ulan, talagang uso ang dengue dahil nga sa mga tubig na naiipon sa sulok-sulok na siyang binabahayan ng lamok.
Noong isang linggo may nasa balita rin na dumadami rin daw ang kaso ng dengue sa North Cotabato at Davao. Karamihan sa mga biktima ay bata. Ngunit hindi libre ang mga matatanda sa dengue. Mas mahina lang siguro ang resistenysa ng mga bata o mas pumupunta sila sa mga lugar na malamok.
Ang lamok daw na may dalang dengue ay sa umaga nangangagat. At mahilig nga daw tumira sa malinis na tubig.
Ang simptomas ng dengue ay mataas na lagnat na hindi humuhupa. Dahilan sa karaniwan naman ang lagnat, maari ring trangkaso, kadalasan ginagamot lang natin ang sarili hindi natin alam kumakalat na ang lason na dala ng lamok.
Ang pangunahing paraan na mabawasan ang dengue ay alisin ang binabahayan ng lamok. Yung mga lata at tubig na may tubig. O kaya mga kanal na barado.
Kaya mahalagang malinis ang paligid. Gusto kasi ng lamok ang madilim at basang lugar.
Problema din nga namin sa probinsiya kasi marami kaming tanim kaya talagang basa ang aming paligid.
Sinabi ng mga doctor na ang mga tanim na may mahahabang dahon katulad ng fortune plant ang gusto ng lamok tigilan. Kadalasan pa naman nilalagay sa loob ng bahay ang fortune plant para swerte daw.
Para hindi maging malas ang aabutin, dapat pagpagin ang mga dahon para matuyo at hindi pamahayan ng lamok. Ingat palagi.
Panawagan kay Sec Ona, information sa Dengue ay kailangan sa mga liblib na lugar lalo na sa Health Center na nagdadiagnose ng sakit. This is become a chronic problem dahil sa ating environment at panahon dapat bigyan ng pansin kaysa ng kidney issue.
Ang mga halamang pamilya ng bromeliads, kung saan galing ang pinya ay may natural na water trap kung saan naiipon ang tubig ng ilang araw kahit ibilad ay dapat itinataob pagkatapos ng ulan.
Ang mga ponds o kahit kanal na stagnant matapos ang ilang araw na walang ulan ay pamumugaran din ng lamok. Mabuting lagyan ito ng mga isdang kumakain ng kiti-kiti gaya ng gourami o guppies. Wala pang involved na harmful chemicals.
Ang enclosed sewers, paminsan-minan ay pinapuputukan ko ng malakas na firecrackers upang mamatay kahit yung mga bagong sibol na lamok (pati ipis)gawa ng kulob ang sound waves. Ang ginagawa kasi ng barangay na fumigation ay walang silbi, itinataboy lang ang lamok kung saan walang usok. Sa paputok, lamok ay tepok!
Thanks for the tip, Tongue. And dami ko pa namang bromeliads sa probinsya. That plant kasi is easy to maintain. Those are what I put in shady part of my garden.
Kaya siya nag-iipon ng tubig sa bottom, para i-absorb yung nutrients ng dead insects. Kaya talagang lamukin siya. Pag nasa shade siya, kahit one week hindi matutuyo yung tubig. Mas maganda sa araw ibilad para mawalan ng tubig yung kiti-kiti bago mag-evolve into mosquito.
Mura lang bumili ng puting guppy (o mosquito fish). Dito sa Cartimar, dati P50 lang ang 100 pcs. Konti lang ang kailangan, magre-reproduce naman ng kusa yan basta may tubig. Kaya lang nauubos ang guppy kasi ginagawang feed para sa mga predator fish.
Dati, kahit saang kanal merong guppies, kaso hinuhuli ng mga bata para ibenta sa mga aquarium shops. Ayun, nadisturb yung equilibrium kaya dumami ang mga lamok lalo na yung may dengue virus.
Di ko alam kung bakit ang solusyon ng pamahalaan ay maglinis, fumigation, OFF lotion – na hindi naman pumapatay ng lamok. Nagtataboy lang. Bakit hindi sila mag-breed ng mosquito fish saka ipamigay sa mga nakatira sa estero, ilog, kung saaan maraming lamok. Diyan sa mga lugar na iyan maraming nade-dengue.
Nakakain ba naman ang mosquito fish, Tongue? Kung oo, e wala ring kwenta kasi uulamin sama ng pagpag, o kaya ay huhulihin ule ng mga bata at pagkakaperahan.
Di ka matitinga sa mosquito fish, chi. Ni walang one inch ang haba, puro pa bituka ang malaking tiyan. Kunsabagay, yung sinarapan nga na mata lang makikita mo, inuulam din, hahaha.