Magandang ehemplo ang ginawa ng traffic aide ng Metro Manila Development Authority na nanghuli sa driver ni Kris Aquino na nag-park sa “No parking” na lugar sa tapat ng ABS-CBN sa Quezon city.
Hindi siyang nag-atubili na ipatupad ang batas at tinikitan ang driver ni Kris. Tumawag ang driver kay Kris at sinabi naman ni Kris na dapat ng tiketan ang kanyang driver.
Ang pangyayaring ito ay tugma sa patakaran na pinaiiral ni Pangulong Aquino na walang hindi saklaw ng batas. Lahat pantay-pantay sa batas.
Katulad ng ginawa niya sa wang-wang. Hindi hinahawi ang traffic para lang mapabilis siya sa pupuntahan niya.
Di ba nakakabilib?
Kaya lang dahil nga medyo maiinit na ang mga mata ng tao kay Kris, merong ibang nagsasabi na pa-epek lang niya yun.
Hindi naman siguro ganun si Kris. Over na nga siya sa publicity lalo pa na umaandar na ang annulment ng kanyang kasal.
Sigurado as susunod na mga araw, laman ng peryodiko ang tungko as annulment ng kasal ni Kris dahil nakakuha na ng abogado si James Yap.
Si Lorna Kapunan daw ang abogado ni James as kasong Ito. Maraming celebrity na kliyente si Kapunan at ang pinakakontrobersyal ay si Hayden Kho. Siguro naman híndi ko na kailangan sasabihin kung ano ang kaso ni Kho.
Ang isa pang sikat na kliyente ni Kapunan ay ang asawa ni Mark Jimenez na si Carol.
Balita ko lalabanan ni James ang sinasabi ng mga abogado ni Kris na invalido ang kanilang kasal.Yan kasi ang taktika ng mga abogado ni Kris. Sabi nila walang bisa ang kasal nina Kris at James dahil yata sa taong nagkasal sa kanila.
Ang mga abogado pala ni Kris ay ang law office ni Executive Secretary Jojo Ochoa. Partner ni Ochoa (nag-resign na siya doon) si Lisa Marcos, asawa ni Sen. Bongbong Marcos at Ed Serapio, ang abogado ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Medyo nakapagtataka na pumayag si Kris sa legal strategy ng kanyang mga abogado na sabihing walang bisa ang kasal sa simula. Ibig sabihin pala noon bastardo si Baby James.
Pera din yata ang rason sa ganitong legal strategy ng mga abogado ni Kris. Wala raw kasing pre-nuptial na kasunduan at kung talagang ipagpipilit ni James, may karapatan siya sa mga kinita ni Kris habang sila ay mag-asawa . Ang laki-laki pa naman ng kita ni Kris. Sabi ng mga taga-showbiz, mahina ang isang milyong piso isang araw para ka Kris.
Hindi naman pitpityugin ang kinikita ni James. Kaya lang siempre hindi pwedeng ikumpara sa income ni Kris.
Kahit daw nakakalula ang kita ni Kris, hindi naman niya palamunin si James.Tulad daw ng kanilang condominium unit sa One Roxas Triangle. Pera daw nilang mag-asawa ang ginamit doon ngunit ngayon, hindi maka-pasok doon si James. Ang nag-empake pa raw ng gamit niya mga PSG (Presidential Security Group) na naka-assign kay Kris.
May pagpiyestahan na naman ang Pilipino.
Marami pang kabanata ang matutunghayan at mapapanood sa telenobelang Kris-James.
Pangunahin host ngayon si Kris sa noontime show ng ABS=CBN bilang kapalit ni Willie Revillame sa natimbog na Wowowee. Dito pa lamang ay pinaguusapan kung bakit si Kris ang ipinalit kay Willie. May halong pulitika raw dahil si Kris ay kapatid ni PNoy at si Willie ay si Villar ang sinupurtahan.
Samantala, kung pinaguusapan sa Kris sa showbiz world, si James Yap naman ay nasa mga sports headlines. Siya ang itinanghal na MVP sa Philippine Basketball Association. Malaking media mileage din ang iniukol kay James dahil sa galing nitong maglaro. Napabalita ring may anak pala ito sa isang karelasyon bago ikinasal(?) kay Kris.
Muli pa kayang pagtagpuin ang kanilang landas? Abangan!
Again…Taklesa talaga itong si Kriteta, gusto laging STAR sa ka ek-ekan?
Imagine, nasa kanilang pamilya na ang lahat…walang tulak-kabigin ang Pinoy.
E ka nga, si Ninoy e may rebulto na at itong si Tita Cory naman e gustong luhuran na ng mga diehard Yellow wannabees as Santita Cory…pumasok si PeNOY ang pangbubuska ng madla e bakit tuwing magsasalita e baka pasukan ng bangaw ang mounth laging naka SMILE…at inang nating lahat finally itong si Kristeta…ang laging isyu e barako sa kanyang lovelife?
Akala mo kung umasta e laging KOREK…may padrama pa na kesyo sawi siya sa tawag ng PAG-IBIG…ang dream ata e laging panganay ang kanyang magiging mga anak.
Kung matino yang Taklesa…before na magtataling-puso dapat legal ang pag-iisang dibdib nila ni James P., ang siste palalabasin pa ng mga atorni de kampanilya na PEKE ang marriage contract?
Ibig sabihin excempted sila sa PRE-CANA seminar na isang requirement ng Kaparian before maikasal sa Simbahan. Ipapublish ito sa Simbahan for 3x consecutive weeks ata yon kundi ko pa nalimot…whatever, so ngayon mag-aapply sila ng marriage contract bago ikasal.
Ngayon…palalabasin pa ng mga atorni de kampanilya na huwad ang naging kasalan…yaks, mahiya ka Kristeta ikaw ang pinag-tsitsismisan ng madlang People.
Matuto kang magdala ng problema ng isang mag-asawa…normal na nagkakaroon ng problems ang sinuman, ang punto e papaano mo ito dadalhin sa iyong hibol na wala ng media involvement.
Pakulo lang yun. Alam nilang labag sa batas ang double parking eh ginawa pa rin at ng mahuli o nag pahuli kahit kapatid ng presidente eh maganda ng ehemplo. Sumunod ka sa batas ayon sa ipinagsisigawan ng kuya mo…ngayon pati kasal mo iligal?
Kris, you are a digrace to human race. Pang imburnal.
Disgrace pala
masasabi ngang sa banat ng mga abogado ni kris ay lalabas tuloy na ilehitimo si james jr. pero di na ito gaanong kahihiyan o eskandalo sa lipunan. nagkalat ang mga kilalang tao na ang pinagmulan ay ilehitimong relasyon na walang kasalan. si presidente sergio osmeña, ramon mitra, juan ponce enrile, teodora alonzo, at imelda marcos ang mga nangungunang halimbawa.
Ano bang totoo, yong sumbong ng isang ordinaryong motorist na nakakita na hindi raw tinikitan ng MMDA si Kris o yong taga MMDA na sabi tinikitan daw siya? (Abante, Aug 14 “Bakit di ninyo tinikitan si Kris? – Palasyo)
Mas kapani-paniwala yong ordinaryong motorist kaysa taga MMDA at kaya lang siguro nag-issue ng ticket kasi may nagsumbong. Kung talagang may nag-issue ng ticket, “case closed” na, wala ng pag uusapan pa at hindi na kailangan pang ipatawag yong traffic enforcer na natakot mag-issue ng ticket. Hindi rin kasalanan ng driver dahil wala naman itong sariling decision kung saan mag-park at susunod lang doon sa sasabihin ng amo niyang si Kris.
Pero ang point ay kung natikitan siya o hindi. Ang dapat nating tingnan dito ay yong violation. Tulad ng sinabi ni Baguneta, bakit mag-park sa lugar na iyon kung alam ng bawal?
Null and void daw ang kasal nina Kris at James, kasi ang nag-officiate daw ay si Boy Abunda. Naring ko lang yan.
Seriously, bale-wala naman kay Kris kung bastardo ang mga anak niya, basta nasusunod ang gusto niya. Ang balita nga ay ang mga lalaki sa buhay niya ay nagdadaan sa “matuwid na daan” walang “meet the parents or future in-laws” basta deretso sa kaniya dahil siya mismo ang nanliligaw at “namamanhikan” sa kanila.
Katulad nga niyan may mga pasaring at parinig na kay Jun Binay, at game naman itong huli kasi may ganti parinig din siya. Magkakagatan kaya sila?
Bata pa siya pero nakaka ilan na ba siyang lalaki sa buhay? Baka pagdating niya sa edad ni Liz Taylor sa ngayon, mapapantayan o mahigitan na niya ito sa bilang ng lalaki.
Kris is the real Aquino Legacy.
#5: “masasabi ngang sa banat ng mga abogado ni kris ay lalabas tuloy na ilehitimo si james jr. pero di na ito gaanong kahihiyan o eskandalo sa lipunan. nagkalat ang mga kilalang tao na ang pinagmulan ay ilehitimong relasyon na walang kasalan. si presidente sergio osmeña, ramon mitra, juan ponce enrile, teodora alonzo, at imelda marcos ang mga nangungunang halimbawa.”
tanga rin kasi itong si james bakit siya pumatol kay kris,alam ng sambayanan ang hilig nito sa lalaki,girlfriend lang ok lang pero babaeng papakasalan,hindi siya.
ang habol lang ni james ay pera ni Kris, ngayon naman gustong makipagbati kay kris kasi presidente na ang kapatid, sabi ng kapatid ni Kris umpisa pa lang ay ayaw na nila kay james yap
teka teka ano na kaya nag ginagawa ng Truth Commission, puro distraction sa main issue ang nangyayari yata
hay naku…ganyan talaga, maganda, makinis, ma appeal, mabango, maraming nagkakagusto – yung mga amoy lupa kasi dito naiinggit na lang…eat your hearts out fuglies! 🙂
Masyadong maliit na isyu ang ticket violation para gamitin ni Kris na gimmick. In fairness to her, hindi yan ang type na iskandalo na gusto niyang sangkutan. Besides, ang tingin ko naman sa magkakapatid ay hindi mapagsamantala.
hahaha, jug talaga!
Hindi lang tactica yan. Yan lang marahil ang maidudulog nilang basehan ng paghingi ng pagkawalang bisa. Limitado ang mga causes of action (basehan) ng paghingi ng declaraciong walang bisa ang kasal. Isa ay ang pyschological incapacity, na mahirap mapatunayan, dahil mukha namang nagmahalan sila noon, at malapit naman ata si James sa sanggol.
Ang ikalawa ay ang incapacity to consummate the marriage. Maaari yan, kung hindi nag-fla-flag ceremony ang bahagi ng katawan ng lalaki, for physical reasons, or psychological ones (wala siyang turn-on kay Misis dahil bading siya).
Ang ikatlo ay yang formal requirements – marriage license, authority of the solemnizing officer (pekeng judge, or pekeng pare or imam).
NGUNIT
Kahit walang autoridad ang nagkasal, kung isa o ang dalawang ikinasal ay naniwala sa autoridad, hindi na null ang void (walang bisa) ang kasal. Yan ang nakasaad sa Family Code, Article 35.
Yan maaari, ang magiging depensa ni Lorna Kapunan.
Annulment is a hypocritical bases for divorce, because, in truth and in fact, people do want to get married, and stay married for a while. Later, they get tired, and try to convince themselves, and the judge, that there was a “psychological” incapacity (the most used basis for annulment). I know one classmate, who before he became a politician, fiscally persuaded a judge to grant a divorce (for his client) for psychological reasons.
It would be better to have a divorce law. After all, all the Catholic countries already have them – Italy, France, Ireland, even Spain. In fact, Spain, which introduced Catholicism to us, has already allowed same-sex marriage.
When it comes to hot-button issues like divorce, sex education and same-sex marriage, I subscribe to the best formulation ever made regarding separation of Church and State. “Give unto Caesar what belongs to Caesar, and give unto God what belongs to God.” Perform your civic duties, and pray to God in the privacy of your heart. Governance should not be shackled by objections of priests, imams and rabbis. After all, we are not a theocracy.
Yes Snv, the lawyers of Kris said the rabii whom Boy Abunda got to perform the ceremony did not have the authority daw to perform a marriage ceremony.
My source said Lorna Kapunan told James, they have a strong case. But she said, if Kris claims of nullity is denied, are you still willing to go back to her?
James said, “No.” He just wants to share custody with the son and due share of the conjugal properties.
I think the lack of pre-nup agreement is giving Kris a headache.
t would be better to have a divorce law. After all, all the Catholic countries already have them – Italy, France, Ireland, even Spain. In fact, Spain, which introduced Catholicism to us, has already allowed same-sex marriage.
When it comes to hot-button issues like divorce, sex education and same-sex marriage, I subscribe to the best formulation ever made regarding separation of Church and State. “Give unto Caesar what belongs to Caesar, and give unto God what belongs to God.” Perform your civic duties, and pray to God in the privacy of your heart. Governance should not be shackled by objections of priests, imams and rabbis. After all, we are not a theocracy.
—————————
I totally agree snv! Though I’m not so keen same sex marriage…come to think of it, if you’re married its always the same sex…
Tao po,okey! dito.showbizz @ politika.usapan matagal tagal
nadin akong tagasubaybay.halos araw2 basa q issue ni ate
ang kabutihan dating usapan.si glue nawala na usapan sa
kania.sibak na sa puesto.pero makapal padin hindi na nga
lamang siya maka porma.kahit mga tuta nia. hehehe eto
naman ke Pnoy o penoy naman mas ok naman si Pnoy kahit
natulpit laway niya. totoo naman kaniang sinasabi
iyong dati puro kasinungalingan.sa bigas na lamang kita
na ntin. prueba.maging alerto lamang si Pnoy dahil madami
pang naka paikot sa kaniang Ataybia.ulopong ba.si tekla
naman hanap niya iba2 taste lagi paawa kala
mo inaapi.style niya.bugbog sarado na siya sa kaniang
pinag daanan.nadamay lamang si bugoy,sorry life iyan.
trip ni tekla puro panganay.kanino kayo kakampi. tekla o
bugoy.de sa gitna tayo. chismis sarap basahin. huhuhuhu!
nakakaalis araw2 problema.Pilipinas salamat po.
Mukha ngang tagilid ang kaso ni Kris of annulment. Many times on TV, she insisted that she was married to James that’s why she was asserting her duty and right as wife when she went to the house of that woman who was a fan of James.
Takutin na lang nila si James. Dami naman silang armed group. Para huwag na maghabol ng share sa income ni Kris.
Al:
The issue will definitely go to court. Umaatikabong motions and counter-mtions yan.
May mga abogado na. Sayang naman ang attorney’s fees.
Uhuh…walang pre-nup si Kris at James!
Krissy needs isang katutak na excedrin pills extra strength. Mukhang nabulag ng kabataan, kaguapuhan at #1 basketbolista ang ever-love- needy Kristeta at nalimutan na magpirmahan.
Dapat lang na sikapin na null and void ang kasal, kundi ay biglang milyunarya si Aling Annie ng walang kahirap-hirap, hehehe!
May ginawang interview ai PNoy tungkol sa kontrobersiyang Kris at James:
NOY: Kris, hindi na ‘ko magpapaliguy-ligoy pa. Noong Sunday, nagsalita ang ina ni James Yap sa kabilang himpilan.
KRIS: Really?!? Gosh. Hindi ko alam. Hindi ko napanood. In fact, kung ‘di mo sinabi Noy, hindi ko malalaman! Besides, she’s not the type of person na magsasalita sa TV. I swear, napakabait at napakatahimik pong tao ng mommy ni James. That’s so sad.
NOY: Isa-isahin natin ang kanyang mga sinabi. Hindi raw talaga siya boto sa ‘yo para kay James.
KRIS: Noy, kilala mo ako. Pinalaki tayo ng ating mga magulang na may respeto sa nakakatanda sa atin. Pero kung masasakit na salita na ang ibinabato nila, siguro naman, may karapatan tayong umilag…..
Basahin ang buong interview d2:
http://professionalheckler.wordpress.com/2010/08/10/exclusive-noynoy-interviews-kris
Isinulat ng isang blogger:
Si Kris ay kahihiyan sa pamilya aquino. Abangan natin kung sino ang susunod niyang lalaki sa buhay. United nation ang magiging anak niya. Umalis ka na sa pinas. Wag mong ipahiya si Pres Noy. Wag ka ng painterbyu ng painterbyu. No one belives you anymore. Maawa ka sa mga anak mo. Lumalaki na sila.
Nandito ang sandamakmak na komento tungkol sa pinagpipistahang telenobela na may pamagat na Kris-James: http://www.pep.ph/news/26485/Kris-Aquino-responds-to-her-mother-in-law's-statements
Baluktot na daan magwawakas na raw:
http://www.abante.com.ph/issue/aug1610/op_am.htm
florry, paano magwawakas ang baluktot na daan kung pati si Jhoanna Martir was appointed by PNoy as Director 1V of DND? Got the info from Ellen’s FB wall.
Lintek naman talaga, oo! May alam ba si Noynoy kung anong pahirap ang ginawa ni Martir sa Magdalo. Baka kailangan na halukayin natin dito sa Ellenville ang mga katarantaduhan ni Martir.
Kung ganyan ang mga appointments ni PNoy ay maaagaw ni Gloria sa kanya ang trono. 🙂 Aba, pinalalakas niya ng husto ang kapit ni Gloria sa administrasyon e! Letse!!!
Brotherhood sila-sila ule sa militar, tangna!
Ang alam kong reason sa inihahang annulment sa kasal ni Kris ay yung isyung hindi raw miyembro ng church organization na pinagkasalan ni isa man kina Kris at James, at therefore, wala daw bisa yung kasal. Pero dun nga sa tinuran ni Saxnviolin sa itaas nyang comment ay naniwala naman sila, especially si Kris na valid yung kasal, kaya hindi siya lalabas na Null & Void from the beginning. So sa korte na ang desisyon. Pero syempre, pera-pera na lang yan at impluwensiya.
Chi, yan na nga ang hirap kay P-Nyoy eh, appointments pa lang ng mga tauhan niya eh medyo dadapuan ka na ng pangamba. Umpisa pa lang pumapalpak na. Syempre yung mga nag-udyok na tumakbo si P-Nyoy ay may mga sariling agenda kaya naman todo suporta sila. NGayong nanalo na, andyan na ang impluwensyahan para makapwesto at magawa ang sarili nilang gusto. Etong si P-Nyoy ay walang malay na napapa-ikot na siya. Tingnan nyo nga at unang puntirya ay PRIVATIZATION! Tulad ng ginawa ni Cory at Ramos. Siguradong maraming magkakapera dyan sa mga deals na yan. Alam naman nating hirap sa mamamayan ang dulot ng pagbebenta ng mga ari ng gobyerno. Ang gobyerno natin gustong isalin ang tungkuling magbigay ng serbisyo sa tao!
Unfair to James that he is pictured as naghahabol ng pera ni Kris. He is one of the highest paid basketball stars in the country.
Tama ang sinabi ni Ellen. Malaki ang kita ni James kung ikumpara sa ordinaryong Pilipino. Something like P25 million for a five year contract. kaya lang if you compare to Kris’ income, of at least P1 million a day! talaga namang mukhang poor si James.
Maybe that’s one of the reasons for the break-up of that marriage.
Tingnan nyo nga at unang puntirya ay PRIVATIZATION! Tulad ng ginawa ni Cory at Ramos. Siguradong maraming magkakapera dyan sa mga deals na yan. Alam naman nating hirap sa mamamayan ang dulot ng pagbebenta ng mga ari ng gobyerno. Ang gobyerno natin gustong isalin ang tungkuling magbigay ng serbisyo sa tao!
—————————————
This is downright stupid. We cannot be a welfare state, we can’t afford it, we must learn to stand on our own two feet. By privatizing, we will learn to be more independent and not be paracites as what Luzviminda is advocating. These government operated corporations should be sold and forced to operate on business terms (not subsidized), as it is they are a draining our funds, a source of corruption, and we have a increasing debt to tackle.
We should learn to be independent financially and everyone must strive not be burdens of the people who pull their own weight – pay the right taxes, pay the right dues…we must stop being paracites…
florry, paano magwawakas ang baluktot na daan kung pati si Jhoanna Martir was appointed by PNoy as Director 1V of DND? Got the info from Ellen’s FB wall.
Lintek naman talaga, oo! May alam ba si Noynoy kung anong pahirap ang ginawa ni Martir sa Magdalo. Baka kailangan na halukayin natin dito sa Ellenville ang mga katarantaduhan ni Martir.
Kung ganyan ang mga appointments ni PNoy ay maaagaw ni Gloria sa kanya ang trono. Aba, pinalalakas niya ng husto ang kapit ni Gloria sa administrasyon e! Letse!!!
————————–
This is a sad development…but we may have to look at the logic behind the thing, Martir has no record of rebellion, sedition, insubordination, etc., in the eyes of the law (constitution), his record remains clean, except for the awol issue, which is something that is cleared up by the organization, everything else can be labeled hearsay…if we have to look at this objectively…
…and the Magdalo, by aligning with Villar in the last elections, have lost substantial political capital, I doubt they will get much support from people in the future…
In this life, we are judged by our actions, if we violate the law, even with the best intentions, we are still lawbreakers…especially if its on record…
luz,
Please look up assets and liabilities and what to do with them…
…and before clamoring for “serbisyo sa tao” why not ” ask not what your country can do for you but what you can do for your country?”
joint custody is like hell for innocent children caught in the crossfire, they will suffer conflicting opinions, trauma caused by criticisms hurled by his father to his mother, etc… its best for child to be in sole custody of the mother ……
Nice Jug! 🙂
Sabi nga ni Mang Tomas: Kris, nasa headline ka na naman!(Whats’ new?) 🙂
jug, why can’t Martir explain one issue against his confirmation that he went AWOL for one (or more than) a year yet getting full salary? Iwas sya ng iwas sa isyu na yan. It’s AWOL from the service…not only the issue of Magdalo is at question here. Please search for the past discussions here.
Jug,
I do my best for my country by paying correct taxes, following the laws, and be a good citizen to my fellow countrymen. I try to do charities that government are suppose to be doing, like donating electric fans and some school supplies to poor public schools. Produkto ako ng public school kaya alam ko ang hirap ng mga kawawang mahihirap na estudyante. The government should focus their services for the people. Yung BASIC nga lang di na nila maibigay sa taong bayan eh at ipinapasa sa mga private institutions. Anong klaseng gobyerno meron tayo. Hindi na ba pwedeng maging SELF-SUFFICIENT ang ating bayan?
At hindi mo niloloko ang mga tao, Luz. Hindi gaya ni Martir na kumuha ng full salary e AWOL naman at nagpasasa sa America.
In fact, being vigilant against appointments to PNoy’s new admin of people like Martir is the best help we can give to Noynoy. Start providing him with the true picture after many years like pinoys did to Gloria? Magiging huling-huli na naman ang vigilance, baka wasak na si Noynoy nun dahil sa kanyang appointees na ibrinaso lang sa kanya.
Ito lang ang masasabi ko, kapag ako ay nasa sapatos este sa situation ni James…
Judge: Payag ka bang hiwalayan si Kris at di ka na hahabol pa sa kaso?
Me (as James): YESSSS!!!!!! I want to be free from HELL!!!
Judge: Ok, granted. Null and void ang kasal niyo.
Me (as James ulit): YIPEEEEE!!!!! Praise the Lord!!!! Halleluya!!!! I’M FREE!!!!! Ahhhhhhh.. hahahahahaa!!!!
Sori, hindi ko lang mapalagpas ang isyu ni Martir kahit nasa bakasyon si ako.
Privatization na naman? One should look for the logic of the privatization, not rely on mere slogans.
Slogans are more insidious than lies, because they have the veneer of truth. They seduce you into dropping your logic for the presumed validity of the slogan.
What is the implied slogan here? Privatization is good, because it will attract competition. Competition will make producers more efficient, increasing quality of goods, and bringing down prices.
Palakpakan mga kapatid.
OOPS. Look at the facts and the logic.
In the case of the MWSS, can there really be competition? How many Pantabangan Dams are there to supply water? You mean to tell me that if you do not like MWSS, you will unhook your gripo and connect to another water supplier? So what happened? Because it is a natural monopoly, you just handed the monopoly to profit seeking private firms. Were it still in the hands of government, then the government would only go for recovery of costs.
Is it more efficient? Do you have tastier water? Is there less water outage? Is there less chlorine?
Same with NAPOCOR. You really think you can foment competition in a natural monopoly like power generation? You think there will be ten power generators supplying Manila or some other city? Or will they look for other territories to supply exclusively? What happened to the electricity prices? Di ba’t tumaas?
At least with NAPOCOR, the profit markup was fixed at eight percent of the asset base (plants actually generating power to be supplied).
Ask California if deregulation fomented competition. Ask them if they were not, in fact, price gouged by Enron.
Chinese Proverb:
If you want happiness for an hour-take a nap.
If you want happiness for a day-go fishing.
If you want happiness for a month-get married.
If you want happiness for a year-inherit a fortune.
If you want happiness for a lifetime-help others.
Sinabi ni James sa press conference which was shown on GMA 7 24 oras, that they were married twice. Sabi nga ng Atty. Kapunan pwede mong sabihin nagkamali ka sa una, mahirap yata paniwalaan na napeke ka ng dalawang beses.
James also said he won’t agree to the plan of Kris to change the name of their son to just James Aquino. He said that’s reason why he is contesting the nullification of their marriage.
He also said Kris decides when he can see his son. Atty. Kapunan said they will insist that James will be with his son at least twice a week at pwedeng matulog sa kanya. He wants to bring his son to Negros to know his parents.
Si Kris at ang kaklase nya nung highschool na si GB mahilig sa basketbolero.
“In fact, being vigilant against appointments to PNoy’s new admin of people like Martir is the best help we can give to Noynoy.”- chi
Chi,
Tama ka, maski hindi kumilos ang isang mamamayan kung isa naman siya sa nagbabantay at naghahayag ng sa tingin niya ay mali at taliwas, ay tulong na rin na mituturing kesa naman sa oo-na-lang-ng-oo at sobrang bilib na parang na-hypnotismo. Hindi mai-aalis na maraming nakapaligid na may sariling interest sa sinumang nakaupong pangulo. Umpisahan na lang sa kung sino-sino ang mga tumulong nuong kampanya para mai-luklok si P-Nyoy sa pwesto. Dahil sa hilaw sa experience si P-Nyoy sa politika eh pwedeng madali siyang MAPA-IKOT! At pag nangyari yan ang mamamayang Pinoy ang TALO! Maloloko na naman tayo!
“Privatization na naman? One should look for the logic of the privatization, not rely on mere slogans.”-Sax
I agree Sax, Profit motive naman talaga yan eh. Isama na rin yang road constructions & improvements, na ipinasa ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya, like NLEX, SLEX. Even the government cannot control raising the fees! Tulad din sa electric at water services. Samantalang sila dapat ang nagpagawa niya at nagbibigay ng serbisyo. Mahirap bang gampanan yan? Hindi naman masamang umutang ang gobyerno para sa mga proyekto dagdag sa mga taxes like VAT, Tutal ganun din naman ang ginagawa at ini-uutang din naman ng mga private companies na yan ang ipinupuhunan dyan. Kaya pag oras na ng bayaran sa pinag-utangan bangko o financial institutions ay sasamantalahing MAGTAAS ng singil. Malimit nga pati yung mga repairs and improvements ay ang mga consumers ang lumalabas na namumuhunan! Kawawang Pinoy!
chi – August 17, 2010 12:23 am
In fact, being vigilant against appointments to PNoy’s new admin of people like Martir is the best help we can give to Noynoy.
tama ka dyan chi, Makakatulong ang kritisismo kung ang layunin nito ay itama ang maling pamamalakad ng gobyerno… pero may mga kritisismo ding sadyang ang motibo ay mapanira, mapanlinlang at nagpapalakalat lamang ng maling impormasyon na ang layunin ay pabagsakin upang hindi magtagumpay ang magandang adhikain ng mga namumuno sa gobyerno… ang ganyang kritisismo ang dapat nating bantayan at labanan… nagawa na nila yan kung paano nila napagtagumpayan patalsikin si Erap Estrada… hinding hindi na dapat maulit ito..
teka.. anu-ano ba ang gustong isapribado ni PNOY? Ang naririnig ko lang PAGCOR, IBC-13 and RPN-9… hindi naman yan mga kompanya na nagbibigay ng pangunahing serbisyo at tingin ko nararapat lang na isa-pribado… at ang NLEX/SLEX/LRT/MRT, dagdag singil ang pinaguusapan dito hindi privatization…
is there a civil annulment of a civil marriage?..she should then ask for annulment of her civil marriage…if there was a churh wedding (catholic church that is, she being a catholic) then she should file for a church annulment..pero wala naman siyang church wedding so, what is the catholic church going to annul? the church can not void a civil marriage…
Suportado ko privatization move ng PAGCOR, IBC-13 and RPN. Tagal ko nang gusto yang mangyari. The government has already PIA, channel 4, Radyo ng Bayan, etc. nakakagulo lang ang mga kompanyang yan. Basta legal at transparent ang bilihan, ayos. The government has no business dealing with PAGCOR or any sugalan, ibigay yan sa pribado at ng hindi nangangatog ang kalamnan ng mga korap dyan. Ilagay sa tamang proyekto na pakikinabangan ng mga tao at bansa ang pera.
Kaya nga perl, tingnan mabuti si Martir. Lahat naman ng personalidad na binabanggit dito sa Ellenville ay kasipat-sipat, positive o negative na sipat. 🙂
From Inquirer:
One week after Kris filed a petition in the Makati Family Court to annul their rocky five-year marriage, James vehemently protested one aspect of the suit: Dropping “Yap” from Baby James’ name.
In a press conference called by his lawyer, Lorna Kapunan, the basketball star also accused his wife of denying him enough time with the child.
Kapunan said James was set to file a petition in the Makati Regional Trial Court seeking visitation rights to assert his “clear and unmistakable right to exercise parental authority.” The boy is both Kris’ and James’ second child; they each have one from previous relationships.
Click here for the complete report:http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20100817-287210/To-remove-Yap–thats-not-right
Re PAGCOR: Do the math.
The offer is $10 Billion. The income currently, is 30 Billion pesos annually, or 2.5 billion pesos monthly.
Assuming an interest rate of 6% per annum, compute the future value of that money. On Excel, at a1, type 2.5 (Billion pesos per month). On a2, type 10 (ten years). On a3, type .06 (six percent interest rate). Now on a4, click insert function, and click FV (future value of money).
When the box appears, on “Rate”, type a3/12 (six percent annual interest rate divided by twelve months)
On “Nper” (number of periods) type a2*12 [10 years, found at a2, multiplied by 12(months)].
On PMT (payment), type a1 (2.5 billion a month average income of PAGCOR). Click OK, and you get 409 billion pesos – the income for ten years. Divided by 45, gives you 9 Billion dollars. Now without changing the formula, just change 10 (at a2) to 20. You get 1,155 billion pesos, or 25.67 billion dollars. Now change that to 25, and you get 38.5 billion dollars.
In other words, kung nagtakaw si Cory, and sold PAGCOR in 1986, she would have gotten then, the income for the next ten years. From 1996 to present, wala na sana tayong pakinabang sa PAGCOR.
So you get an advance on your ten years income, and derive no more income after that. Is that what the people want?
Now with respect to vital services, true, PAGCOR does not deliver water, collect garbage, or whatever. But its income (at least as far as the original PD was concerned) is for important government projects.
Diyan daig ng Chinoy ang Pinoy. Ang Pinoy, gusto, biglang yaman, or biglang kita. Ang Chinoy, handang maghintay at magpundar.
The offer is $10 Billion. The income currently, is 30 Billion pesos annually, or 2.5 billion pesos monthly.
Sax, tumanggi PAGCOR sa $10Billion na offer di ba? Maliit nga daw kasi..
Php2.5Billion monthly = Php83.3Million daily
Wow! Kaya pala may sariling bills counting machine ang opisina ng PAGCOR chairman
So you get an advance on your ten years income, and derive no more income after that.
Ganito ba lahat ang kontrata ng privatization sa pilipinas? Siguro naman pwde baguhin ang kontrata para tuloy-tuloy pa din ang income na mapupunta sa bayan..
“Now with respect to vital services, true, PAGCOR does not deliver water, collect garbage, or whatever. But its income (at least as far as the original PD was concerned) is for important government projects.”
Completely agree Sax. The income is supposed to used for government projects especially the basic ones. Pero ang tanong nagagamit ba talaga lahat ng income dyan. At tamang gawin ay pigilan ang corruption na nangyayari sa PAGCOR. Maraming undeclared ecpenses at cash outflows na dapat ma-check at ma-account. Even other countries derived their funds from gaming, like Euromillion Lotto of European countries. Ang pagkakaiba lang sa mga bansa sa Europe nagagmit ng tama ang income nila pero dito sa ating bansa eh ginagawang palabigasan ng mga nasa poder para s kanilang sarili.
kung sakali manalo si Kris at ma annul ang marriage niya…annulment is being null and void from inception ang kasal…what will that make Baby James? illegitimate? bastardo? Kris magisipisip ka! mahal mo ba ang anak mo? would you let him grow to be a bastard?
1. havent heard that word “bastardo” in a long time. di na uso yan. funny to hear it in this day and age.
2. kung “bastardo” man si baby james, e ano naman ang kaibahan non sa anak niya kay philip? the argument na nakakataka ang ginagawa ni kris ito on this ground is not sound.
3. kahit declaration of nullity and makuha ni kris sa pagkakaalam ko the law (fc) does not punish the children and the effects of legitimacy is bestowed on the issue of such a marriage.
4. pera lang talaga ang issue dito and kris and james are using their son as pawn in their tug of war. from all accounts james may look meek but is really nasty himself so i expect nothing less than him making a bid for kris’ millions.
Team james ako.dehadista ako eh