Skip to content

Ang tapang ng apog

Talagang magkaka-maganak sa tapang ng apog itong mga Arroyo at mga Ampatuan.

Kung sino pa ang malaking kasalanang sa taumbayan, sila pa ang malalakas ng loob magreklamo.

Noong Lunes nag-privilege speech ang anak ni Gloria Arroyo na si Camarines Rep. Diosdado “Dato” Arroyo at binatikos ang mga kongresista katulad ni Walden Bello ng Akbayan,. Teddy Casino ng Bayan at Rep. JV Ejercito ng San Juan na nagbitaw ng mga maa-anghang na salita laban sa kanyang ina.

Nananahimik daw ang kanyang ina mula ng bumaba sa Malacañang para daw libre na magmamahala si Aquino ng bayan. Masamang ehemplo daw ang ginawa ng mga anti-Arroyo na mga kongresista na binabatikos ang kanyang ina na marami daw ginawang mabuti sa bayan.

Aba,nagsalita ng masamang ehemplo ang anak ni Arroyo. Sabihin mo nga yan sa kapatid mong pekeng tricycle driver at security guard.
Ngunit tingnan mo ang pagkaduwag ng anak ni Arroyo. Pagkatapos ng privilege speech, ayaw magpa-interpellate or sumagot sa mga tanong.

Ngayon sabihin niya inaabuso daw ng mga kontra-Arroyo ang parliamentary procedure. Ngayon, pinapatanggal pa nila sa records ng Kongreso ang mga privilege speech na kontra sa kanila. Sino ngayon ang nambababoy ng parliamentary procedure.

Kaya uma-alma si JV Ejercito. Sabi niya “Ginamit ni Gloria Arroyo ang Executive Order 464 sa pagtago ng katotohanan at ang presidential immunity para hindi siya managot sa kanyang mga krimen. Ngayon, pati Kongreso gagawin ni Arroyo na inutil sa paghanap ng katotohanan sa mga anomalya na nangyari sa kanyang administrasyon.”

Sabi ni Ejercito, halata namang inutusan ni Arroyo ang kanyang mga kaalyado na magtakip para sa kanya. Ngunit sabi ni JV, siya hindi magpapabusal.

Ito namang anak ni Andal Ampatuan Sr., na si Ameria A. Mamalapat, kinasuhan ang abogadong si Harry Roque, tagapagtanggol ng mga reporter na kabilang sa 58 na minasaker ng mga Ampatuan noong isang taon, ng libel. Kagagawan daw ni Roque ang “universal revulsion” o pandaigdigang pagkamuhi na siyang kakabit sa kanilang pangalan.

Sabi ni Roque sa kanyang counter-affidavit ang pagkamuhi sa mga Ampatuan ay dahil sa masaker ng 58 katao na ngayon ay nasa world record na pinakamatinding atake sa mga reporter.

Kaya nagsampa ng libel laban kay Roque ang anak ni Ampatuan dahil sinabi ni Roque na ayon sa may kinalaman sina Ampatuan sa pagpatay kay Jessie, ang isa sa mga kaama sa masaker na sana ay gusto mag state witness.

Talagang masakit ang katotohanan.

Published inAbanteGloria Arroyo and family

30 Comments

  1. Lurker Lurker

    It really makes my skin crawl when these people go all out and posture as innocent victims. I wonder how they’re able to sleep…but then again maybe they don’t, being the blood-sucking vampires that they are.

  2. jawo jawo

    Nananahimik daw ang kanyang ina mula ng bumaba sa Malacañang para daw libre na magmamahala si Aquino ng bayan. Masamang ehemplo daw ang ginawa ng mga anti-Arroyo na mga kongresista na binabatikos ang kanyang ina na marami daw ginawang mabuti sa bayan.—>Ellen

    ___________________________________________________________

    Dato, kung hindi ka ba naman isang BOBO at kalahati, nakalimutan mo na ba na noong panahon na nakaupo sa inidoro ng Malacanang ang iyong (PUTANG) ina, halos lahat ng buong ka-Pilipinuhan ay nasakop ng EO 464 ? Lahat ng Pilipino ay binusalan ng iyong tarantadong ina huwag lang niyang marinig na ang kanyang dalawang boobs ay mga bayag talaga ng tatay mong inutil.

    Now the tides are changed. Kayo naman ngayon ang binabatikos. What you are hearing now (and be tuned for more) are the result of nine years of having had the Pinoys to see no evil, say no evil, and hear no evil.

    Now it is your time to be gagged. Just grin and bear it. Take everything in stride tutal, totoo naman lahat ang mga paratang sa inyo. Let the people have their fun at your expense because you deserve every bit of it.

    This is democracy at work. Being public servants, you should know that you are always on the scrutiny of your peers and the cross-hairs of those people you serve. Huwag kang mag balat-sibuyas. In case you still don’t get it, it comes with the territory, If you can’t stand the heat, then resign your position and go fuck yourself.

  3. gusa77 gusa77

    Di natin maalis sa isang anak,ipagtangol ang kanyang pinagmulang,ang ina,subalit nakalimutan niya na siya may sinumpaan tungkulin sa bayan,nasaan kaya siya nang kanyang ina binababoy,winawalang ang instution ng bansa.At ngayon humihingi ng pagalang at respeto,ano sila sinuswerte.Bakit di niya ginawa ang pagsasalita sa labas ng congress upang ipahayag niya ang pagtatangol sa kanyang mahal na ina,marahil maraming dadalo at magdadala ng mga bulok na kamatis at bugok na itlog upang ibato at talamakan ipahayag ang pagkamuhi sa boung at familya dorobo.Ang pagpahayag nina Bello,Casino at J.V. ay boses ng boung sambayanan,samantala kay Lagman at Dato, galing lamang sa pansariling damdamin upang bigyan ng pansin.

  4. I think florry, al, luzviminda, et al are too busy looking for loopholes in Pnoy’s administration that they have no time for Gloria and her minions anymore… 🙂

  5. xman xman

    Bakit kaya ayaw tanggalin ngayon ni illegitimate president Noynoy ang EO 464? Ano ang ikinatatakot ng presidente ninyong mga yellow liars?

  6. xman xman

    Si Arroyo at Noynoy ay twin evils. Parehong matapang ang mga apog nilang dalawa kaya huwag ninyong sabihing si Arroyo lang.

  7. Xman, I did not vote for Aquino but he won overwhelmingly in a credible election. He is a legitimate president unlike Arroyo.

  8. xman xman

    Ellen, that is laughable especially coming from you? A credible election of Noynoy? Hahahahhahhaaaa

    Ellen, where have you been?

  9. San Juan Rep. JV Ejercito is giving a privilege speech on Monday on Arroyo.

    I imagine that Gloria Arroyo forces would do all means to stop JV. Let’s see what happens on Monday.

  10. florry florry

    Jug,

    We’ve done with Gloria. She’s already a has been. Her once awesome power has been effectively clipped and there’s no chance for her to make a comeback. All that talk about her still maintaining great influence are just illusions. We know how Filipino politicians operate; they always want to be identified with the one who wields the power and to be on board the gravy train. Gloria has none of these anymore. Maybe she still has a handful of loyalist, but not a threat to the current government. There’s no need to worry about her. Noynoy is safe in his seat.

    As for Dado’s speech, it’s just but natural that member of families, defend and fight for their kins, even to the point of “kapalan ng apog”. If friends do that, then the more with families. To lift a line from a popular song, it’s what friends (and families) are for.

    What will make my day however is when the day comes that Noynoy put her in jail. I’m eagerly waiting to see how the opportunist, hilarious Davide deal with his erstwhile boss. I just hope that Noynoy’s Truth Commission was not designed to free Gloria just as the special court created that was designed to convict Erap.

    I also hope to see in my lifetime when Noynoy completely wipe out corruption so that there’s no more mahirap among the Filipinos. I’m still wondering how “kung walang corrupt, walang mahirap” works.

  11. mer1711 mer1711

    Is there any proof na illigitimate president si Arroyo?

    Naku, politics talaga.

    Sana nga may makita at may maparusahan sa Truth Commission. May paparusahan nga ngunit bibigyan naman ng pardon ng Presidente. Onli in da Pilipins!.

    Nung si Erap ang pinaalis sa pwesto, puring puri ang binigay kay GMA, ngunit ng di makuha ng mga makasariling pulitiko ang gusto kay GMA, binatikos ito. Ngayon, puro papuri ang ibinibigay kay PNoy. Kapag hindi ibinigay ang gusto ng mga ito, for sure, batikos din ang abot nia! 🙂

  12. Yes JV Ejercito! Now we’re talking! I hope he goes after the Arroyos the full mile. I don’t know but I am not as forgiving as his father or Noynoy. If somebody imprisoned my father like what they did to Ninoy and Erap I will move heaven and earth to get even! Now I know why Erap is proud of him, he has balls…we must see Gloria behind bars to show that there is justice and true “rule of law” in the Philippines…

  13. xman,
    As usual, you’re talking nonsense na naman, how in heaven’s name have you survived all this time not knowing fact from reality? Are you like this in real life or this is just your cyberspace persona?
    Pastilan kabadlungun gyud nimo, maayong duklon para makamata!

  14. Now thats what I call “doing something!”

  15. Off topic…

    Ellen, have you read the “Manifesto” from concerned officers in Dana Batnag’s facebook?

  16. florry: “also hope to see in my lifetime when Noynoy completely wipe out corruption so that there’s no more mahirap among the Filipinos. I’m still wondering how “kung walang corrupt, walang mahirap” works.”—

    You are right there, meron pa talagang maghihirap kahit wala ng corrupt…yung mga corrupt ay maghihirap na..LOL

    –One more thing, I bet my life Gloria will top the list of absentee in congress, the way this privilege speeches are coming…

  17. sychitpin sychitpin

    xman: huwag mong isama ang dimonyo sa anghel, mlaki ang pagkakaiba ng dalawa, bulag ka siguro o bingi pa

  18. sychitpin sychitpin

    Ethics committee should charge Dato arroyo of unethical behaviour and conflict of interest. Instead of working, dato think only about his self interest.

  19. sychitpin sychitpin

    “Talagang magkaka-maganak sa tapang ng apog itong mga Arroyo at mga Ampatuan.

    Kung sino pa ang malaking kasalanang sa taumbayan, sila pa ang malalakas ng loob magreklamo.”

  20. ken ken

    Ganyan naman talaga ang mga bastos na tao. Ang mga guilty hindi humaharap sa mga nagsasabi bagkos ay umiiwas pa. Tingnan niyo ang mga criminal pag nahuhuli e ayaw pang epakita mga mkha nila at todo pa denied sa mga tao.

    Yan ang mga taong guilty kagaya ni Evil Glorya. Takot sa katotohonan at puro kasinungalingan ang umiiral sa buhay ng mga Arroyots. Pati sariling anak tinuruan na rin mag-sinungaling imbis na harapin ang mga katotohanan. Natural e congress dapat merong pag-uusap at pag-tutuligsa. E ayaw nga mag-pa interpolate nitong si cong.(kuno) Dadut. Ay buhay talaga. Pero sabi nga ng mga kababayan natin “di naming kayo tatantanan” kayong mga Arroyot!

  21. norpil norpil

    i think it is ok for a son to defend his mother.what is not ok is the misuse of congress in family affairs.this is a consequence of having dynasties in politics.now it is mother and child. who knows maybe they will live long enough to have a grandchild in congress together.

  22. gusa77 gusa77

    norpil,kung ikaw ay isa sa mga APO ni goyang at back off fatman,matatanngap mo bang sabihin ikaw ay apo ng mga LADRONES,kawawang mga mga bata,kahit sila ay walang pagkakasala at walang kinaalaman sa ginawang kawalanghiyaan ng kanilang ninuno,damay pa rin,at kung gagamitin nila ang kapal ng APOG para tumakbo sa pulitika,di na nakakapagtaka,dahil it runs on the blood.

  23. luzviminda luzviminda

    “think florry, al, luzviminda, et al are too busy looking for loopholes in Pnoy’s administration that they have no time for Gloria and her minions anymore”-jug

    Jug,

    Matagal na nating bistado ang mga kawalanghiyaan ni Gloria Engkantada & her evil minions. Ang hinihintay natin kay Gloria ay ang pagsasampa ng mga kaso at kung paano ito aandar. Dapat bantayan ang Truth Commission ng isang kaduda-dudang dating naging tuta ni Gloria na si Hilario-us Davide na may kasalanan din ng pangwawaldas ng pera ng bayan nuong nakaupo siyang Supreme Court Justi-is. Hindi dapat maalis ang tuon kay P-Nyoy dahil maraming galamay na kumikilos na maaring iba ang mga motibo. Huwag tayong magpalansi o magpauto tulad nuong nag-uumpisa pa si Gloria, sa mga nakikita natin sa ibabaw. Alamin natin ang kabuuan.

  24. clearpasig clearpasig

    Hanggat walang nakukulong sa mga salarin, di sila mawawalan ng reason to get away the crime. Tila inutil parin ang justice or hanggang wang wang na lang tayo.

  25. Is there any proof na illigitimate president si Arroyo?

    WALA! WALA! WALA! Susmaryopes, kamusta na kayo diyan sa Pluto?

  26. xman,

    I disagree with TT, you’re not from Pluto, you’re from Uranus.

  27. norpil norpil

    in algebra, x is always the unknown, so the planet is not yet known.

  28. morningrain morningrain

    Hi, Xman,

    Where are you? In Pluto? In Uranus? In Unknown Planet? It must be exciting to be there…far from the troubled Earth. I’ll join you later after this piece. hehehehe

    Folks, ang sa akin lang ay itama ang tama sa una pa lang. Otherwise, our nation will go wayward just like the way past administrations had steered the country. Kung si PeNoy nga ang nanalo, fine, then he is not illigitimate, este, illegitimate President. Pero, marami pa rin ang kume-question sa nakaraang halalan. Para talagang “minadali” ang pag-upo ni PeNoy. Minsan naman ay pakinggan din natin ang mga “fools” because there could be truth in what they’re saying. Hahayaan na lang ba nating sabihin na, eh, nakaupo na, eh, nandiyan na yan. Papaano na naman ang ating bayan? Sasabihin ng iba – the voice of the people is the voice of God. Papaano nga kung na-Hocus Pcos ang bilangan? Papaano kung totoo (at kung hindi naman, what are we to lose?) ang ugnayang Arroyo-Aquino at si Arroyo pa rin ang master of cheaters noong nakaraang halalan?(Check rpcheatersinc.webs.com and http://cheatinginc.host-ed.net) Is it far from the truth?

    Xman, I should get a grand reception for this…hehehe…cheers!

  29. xman xman

    Morningrain, nahihiya ata yong mga yellow liars na mag komento sayo?….lol

    Ang mga yellow liars ay wala silang paki kahit pa mapatunayan ng 1000% na dinaya lang ang eleksyon kaya nanalo si Noynoy.

    Kapag si Gloria ang nandaya o gumawa ng kurapsyon ay galit na galit ang mga yellow liars pero kapag si Noynoy ang gumawa noon ay okey lang sa kanila.

    Parang may cult followers tong si Noynoy (Corrupt Aquino Clan).

  30. morningrain morningrain

    Hi, Xman,

    Hahaha You must be enjoying from where(ever) you are! hahaha Same here from nowhere! hehehe

    All my best

Comments are closed.