Skip to content

Kawawang hepe ng Pag-asa

Naawa ako kay Prisco Nilo, ang sinibak ni Pangulong Aquino na hepe ng Pagasa (Philippine Atmospheric and Astronomical Services Administration).

Sinibak ni Pangulong Aquino si Prisco Nilo, hepe ng Pagasa dahil naka strike two na daw na palpak sa weather forecast.

Maganda ang kampanya ni Aquino na pagwawalis ng mga korap sa pamahalaan. Kung isasama niya ang mga incompetent, yung mga hindi napapakinabangan ang serbisyo, maganda rin yun.

Ngunit mali ang kanyang sinibak. Hindi dapat si Nilo. Dapat inalam n Aquino muna ang rason bakit hindi makabasa ng eksakto ng mga taga-Pagasa ang mga bagyo. Hindi kasalanan lang yan ni Nilo.

Sinulat ni Jun Veneracion, reporter ng GMA-7, sa kanyang Facebook ito: “Alam nyo andun ako at nagko- cover sa office ng National Disaster Coordinating Council nung nasermonan ni P-Noy si Frisco Nilo ng Pagasa dahil late and inaccuate daw ang forecast nila sa bagyong Basyang.

“Naawa ako sa matanda.Kasi alam naman nating sobrang tanda na ng mga gamit nila. Hindi ko inakala na sa sibakan pala yun mapupunta.

“Maraming nang weather forecaster natin ang nagsipag abroad.Na pirate ng ibang gobyerno. May mga natitira pa na handang masilbi sa bayan kahit kakarampot ang sweldo. Eh kung ganyang pagtrato naman ang gagawin sa kanila, eh baka maubos ang mga yan.

“Manermon ka sige.Pero easy lang mahal naming Pangulo.”

Nagalit kasi si Aquino noong bagyong Basyang dahil sinabi ng Pagasa na typhoon no. 1 kaya kampante ang mga tao lalo na dito sa Metro Manila. Ay malakas pala. Ang lakas ng hangin.Mraming bubung ang linipad at kahoy na natumba. Sa amin lang sa Las Pinas apat na araw kaming walang kuryente. Inabot dawn g 100 ka tao ang namatay.

Noong isang linggo naman sinabi ng Pagasa na maghanda sa bagyo, wala namang dumating.

‘Yun ba sapat na dahilan na sibakin ang isang tao na matagal na ang serbisyo sa pamahalaan, walang abusong ginawa at wala namang ninakaw?

Sabihin nating pumalpak ang Pagasa ngunit kasalanan lang ba yan ni Nilo? Science ang weather forecasting at kailangan ng Pagasa ang maayos at modernong gamit.

Alam ni Aquino na ang gamit ng Pagasa ay lumang-luma na. Kailangan ng Pagasa ang suporta ng Malacanang.

May mga natatanggap kaming impormasyon na ang mga bagong opisyal na linagay ni Aquino sa Departmeng of Science and Technology ay hindi mga magagaling at respetado sa larangan ng siyensya. Mukhang hindi yatang tamang advice ang nakukuha ni Aquino. Siyempre siya umaasa sa impormasyon na binibigay ng kanyang mga department secretaries. Paano ba niya nakuha ang kanyang DOST secretary. Ang Pagasa kasi ay nasa ilalim ng DOST.

Ngunit kay Aquino pa rin ang desisyon. Masaya ba siya na napahiya at naparusahan niya si Nilo? Nakatulong ba yan sa taumbayan? Sigurado ba si Aquino na nasa magandang kamay ngayon ang Pagasa?

Kung ganito ang istilo ng pamamahala ni Aquino, mukhang kailangan natin ang taimtim na dasal para sa bayan.

Published inGovernanceScience

29 Comments

  1. Statement of AGHAM-Advocates of Science and Technology for the People

    Politicization of PAGASA will not solve its problems

    The removal of Dr. Prisco Nilo as director of the PAGASA due to “differences” with his “immediate superior” shows that the current government would rather fire the messsenger than upgrade the bureau’s capacity to prepare for typhoons and disasters.

    If government continues to blame the scientists instead of providing funds to upgrade their measurements, the brain drain that has gone on for so long will be difficult to reverse.

    Patriotic scientists who have opted to stay on despite low wages, general lack of research and development funds and local opportunities will be driven off instead of being useful to national development.

    Nilo becomes President Benigno Aquino 3rd’s scapegoat for the National Disaster Coordinating Council (NDCC) and his government’s being unable to respond correctly to the recent typhoon.

    Dr. Nilo’s removal was some three weeks after Aquino publicly scolded the weather bureau for failing to predict that typhoon Basyang would pass over Metro Manila. Saying that Nilo “never really bothered to explain” why Typhoon Basyang moved in a different direction shows how the president and the NDCC understands typhoon preparedness.

    There are two sides to this coin. The first requires us to understand the nature of typhoons. Typhoons are really large masses of air that are spinning and moving over land and sea. Much like a spinning top will be affected by the surface it is moving on, typhoons can change course depending on the local conditions of its landfall and other nearby weather systems. The predicted course given by PAGASA is obtained from an initial prediction from mathematical models which is then updated to take into account possible changes. The bulletins are then corrected and reissued every six hours. The predicted course is thus useful within the accuracy and precision that their models and updates can give.

    One should only expect accuracy within the capability of the measuring device. To require more from PAGASA, the president should have asked what equipment and human resources is needed instead of putting blame on its department head.

    In preparing for a typhoon, especially one that is covering a large area and strong winds, it is therefore not just a matter of alerting one region but ramping up the disaster readiness for the adjoining regions and cities as well. If PAGASA has pointed out that Central Luzon will be along the main path of the typhoon earlier in the day, the NDCC could have been prudent enough to alert Metro Manila and adjoining areas as well.

    NDCC should have been more proactive in asking for updates instead of waiting for PAGASA to update their bulletin. PAGASA can tap the wealth of information that is available from nearby countries and websites to add to their models and predictions to generate more frequent bulletins.

    Government should fully tap the potential of local scientific community by providing more research and development funds, better opportunities and jobs as well as adequate compensation. One way to do this is to embark on a program to build local industries for domestic production where our scientists and engineers can fully realize their skills.

  2. Oblak Oblak

    “Ngunit kay Aquino pa rin ang desisyon. Masaya ba siya na napahiya at naparusahan niya si Nilo? Nakatulong ba yan sa taumbayan? Sigurado ba si Aquino na nasa magandang kamay ngayon ang Pagasa?”

    Medyo harsh naman yata Miss Ellen. Hindi naman siguro masaya at masokista si Noynoy at inalis si Prisco Nilo sa PAG ASA. Mula ng teen ager hindi maganda ang reputation ng PAG ASA. Ilang beses na sasabihin may bagyo sa Metro Manila pero tirik ang araw. Wala daw bagyo pero baha ang lahat ng dadaanan. Natyempo lang na si Nilo ang Head ng PAGASA ng unang bagyo ni Noynoy at pumalpak na naman ang PAG ASA.

    Nakatulong ba yan sa taumbayan? Kung ako nga si Noynoy, lahat dyan sa PAG ASA papalayasin ko dahil sa napakalaking pagkukulang nila noong September 26, 2009. Wala silang warning na may malakas na ulan pero lumubog ang Metro Manila at Rizal. Hindi sa pagyayabang, kung ako siguro ilagay dyan mas magsisipag akong tingnan lahat ng mga weather/typhoon forecasting agencies ng Japan, US at iba pang bansa at hindi aasa sa PAGASA MTSAT.

    Siguro naman Ms. Ellen naranasan mo na kung kailan may bagyo at dun naman down ang website ng PAGASA. Mas reliable pa nga ang Typhoon2000.ph na Naga City based. Kung may LPA pa lang, ang daming links tulad ng JTWA (US), NOAA, JWA (Japan) at iba pa. Hindi dahilan na luma ang mga gamit para maging inutil sa weather forecast ng PAG ASA at ang daming sources of information na pagbasehan ng PAGASA.

    Gusto nilang pumunta sa ibang bansa, sige lang. Ano yan blackmail.

    Yung lumang gamit, lumang tugtugin na yan. 1980’s ko pa yata naririnig yang excuse na yan kapag minumura ang PAGASA sa radyo ng mga magulang na halos malunod ang mga anak makauwi lang sa bahay dahil walang tamang warning ang PAGASA.

  3. PAGASA has been a joke eversince, its high time someone kicked some asses. Shape up or ship out!

  4. na-ispam ata comment ko 🙂

  5. On the contrary, the Pagasa people have been known to contribute to the global effort in Meteorology. The illustrious Dr. Roman Kintanar, a product of UP and the Univ. of Texas (Masters and Doctorate), headed Pagasa for 36 years starting at age 29 despite the lack of tools and equipment and a pittance for a salary compared to his colleagues abroad. He was president of the World Meteorological Org. for 8 years, under the UN’s Economic and Social Commission for Asia and the Pacific, besting other world-renowned meteorologists from East Asia, Australia and the Americas and dedicated studies on disaster preparedness and global warming. UNESCAP’s Typhoon Committe Award was even named after him – The Roman L. Kintanar Award.

    He brought us so much honor that the International Astronomical Union (IAU) renamed an asteroid, “minor planet 6636” as 6636 Kintanar.

    We keep blaming Pagasa and its lousy implements for miscalculations and missed predictions. Of the 30 or more typhoons visiting the country yearly, they miss about two or three, not at all a bad score when we consider that the wealthiest country in the world, with it highest-paid meteorologists and cutting-edge technology and equipment failing to detect the EXACT path of killer Cyclone Katrina.

  6. patria adorada patria adorada

    bakit sa ibang bansa,pagsibing uulan,umuulan talaga may oras pa at sukat ng dami ng ulan.ang update na ka flash pa sa tv.dapat seguro tingnan din natin kung papano sila magtrabaho dyan,alam din ng taga pagasa na kulang sila sa gamit kaya dapat lang maging resoureful sila.ano ba ang nangyari sa mga kagamitan na binili nila sa japan?
    ok lang sa akin kung sinibak siya dahil matagal na ring palpak sila sa pag predict ng bagyo.hindi sila dapat magkamali dyan kung ang katumbas ay mga buhay ng tao.

  7. olan olan

    My impression about government workers, in general, most wanted to keep their jobs without doing the work. Sorry to say, this includes PAGASA. Also, most in government kahit anong katiwalian ginagawa ng amo basta hindi sila nakalimutan sa tong pats ok na! Kaya ganito ang government service sa atin! Kung tutuusin dapat marami na dyan ang natanggal ewan ko lang kung bakit parang mahirap maglinis ang gobyerno!

  8. Tedanz Tedanz

    Dapat nga kusang nag-resign na. Kapit tuko din kasi .. hinintay pa na mismo ang Pangulo ang magsabi. Hindi lang naman dalawang beses nangyari … marami na. Kung luma man ang gamit nila … di ba dapat lang noon pa siya humingi ng kapalit .. kaya nga nandiyan siya. Kung ayaw bigyan ng hinihiling .. di noon pa dapat bumitaw na. Wala sa gamit ang problema … nasa tao yan.

  9. gusa77 gusa77

    Dapat naman tadyakan o sibakin ang mga namumuno ng ano man AHENSYA ng puro inutil o isa lamang palamuti sa pamamahalaan.Ilang dekada na bang problema ang mga gamit sa pagtalakay sa panahon.Hinihintay ba ang mga gamit na pinaglumaan ng ibang bansa,at pagkakawartahan.Nasaan ang mga magagaling na tongressmen at senador,magagaling maghain ng pundo para sa kaligtasan at kaunlaran ng bansa.Abay laging nasa lugawan ni goyang pandak upang maambunan ng kita sa TUBO ni Goyang sa lugaw.Ilang buhay pa ba kailangan ang ibuwis upang magising.

  10. dapat pa bang kuwestyunin kung bakit pinalitan? hindi lang naman ngayon pumalpak ang pagasa. mas gugustuhin ba ni pnoy na maghintay hanggang tsumamba ang pagasa?

    hayaan na natin ang pagsibak na ito. ang mamamayan ang kawawa sa mga mali ng pagasa. kailangan talaga maghanap ng taong makakagamit ng mga instrumento at iba pang impormasyon mula sa ibang bansa para makabigay ng tamang prediksyon.

  11. florry florry

    Even if you bring in the best of the best, ay walang magagawa kung ang gagawin nila ay titingala sa langit at tumingin sa ulap at araw pagkatapos ay huhulaan kung may ulan o bagyo na darating,

    What I am saying is PAGASA is one of the most neglected public service offices by all previous governments. Its forecasting equipments are old and antiquated so much so that forecasting the unpredictable weather is just a hit or miss, and most of the time is a miss; which earned them a not so good reputation, and being a butt of jokes.

    Weather forecasting is a necessity in a country like the Philippines, a battering favorite of typhoons and storms. It is a tool and it’s invaluable in saving lives and in economic and business planning and decisions. So it makes one wonder why the government doesn’t make a serious effort to provide a big budget enough to upgrade and procure the best and modern forecasting equipments.

    The government provides a budget for the yearly pork barrel for congress in the amount of 70million for each member and 200million for every senator. That’s a very big amount of money which are not accountable and mostly go into their pockets, yet it can’t allocate something for PAGASA, which we know will be of good use to the country.

    The current government should set straight its priorities to include the needs of PAGASA, or better, suspend all the pork barrel of both houses of congress and use the money to finance the acquisition of the best and modern forecasting equipment.

    In that way there’s no more reason for a “palpak” forecast, unless the men and women in the staff of PAGASA are incompetents and deserve to be fired.

  12. rose rose

    hindi ba experience is the best teacher? matagal na siya sa kanyang trabaho more less malalaman na niya ang mangyayari based on the previous events…kaya lang …oh well dapat alert sila sa laht ng oras…

  13. vic vic

    Nilo may not be entirely to be blamed for the weather misforecast, but just like in any organization (professional sport, business org.etc) it is just impossible to fire the whole staff and usually the coach or the top boss takes the ax. as a matter of principle, most should not wait for the ax to fall, but would have gone as soon as the sign of failure to meet expectations is evident.

  14. Galing kay Ariel Alde:

    Hindi po tama ang ginawa ni Pnoy na pag tanggal kay ginoong Prisco Nilo bilang pinuno ng PAGASA.

    Una, hindi pwedeng isisi lang kay ginoong Nilo ang mga pag kakamali ng ahensya dahil alam naman ng buong bansa na likas ng luma ang kagamitan ng PAGASA kaya kung may dapat sisihin sa mga pagkakamali ay ang DOST na dapat ay umaagapay sa pangangailangan ng PAGASA.

    Ang dapat sanang gawin ni Pnoy ang tulungan nya ang PAGASA na ma upgrade ang mga kagamitan nila sa weather forecasting hindi yong mag aalis sya ng tao na may tamang karanasan sa kanyang trabaho.

  15. sychitpin sychitpin

    Nilo was not fired but transferred as DOST under secretary, however media reports focused on his being sacked.
    i remember PAG ASA warned that Noynoy’s inauguration day would be rainy, and it turned out to be a fine day. Same with typhoon Basyang and other forecasting blunders.

  16. phil phil

    I agree with Oblak. I think the title of Ms. Ellen’s column is not only a bit harsh but misleading also. Yes, Nilo was sacked from PAGASA but, as sychitpin mentioned, he was merely reassigned to another post. Kawawang hepe, pero paano naman yung mga kawawang milyones na kababayang ilang taon nang nagdurusa dahil sa mga maling weather bulletins ng PAGASA?

  17. luzviminda luzviminda

    Naaawa ako kay Mr. Prisco Cruz. Alam naman natin na talagang hindi upgraded ang mga kagamitan ng PAGASA. Maraming Newscaster at reporters ang nakasaksi sa hirap at tiyaga ng mga taong nasa opisinang ito. Iba ang trabaho dito kumpara sa ibang sangay ng gobyerno. kailangan ang tutok hindi lamang 8 hours tulad ng ibang opisina kaya hindi pwedeng ikumpara sa iba. KIta naman natin pag nanonood tayo sa internatinal weather channels kung gaano ka-Hi-Tech ang mga gamit nila. Dapat sigurong inaalam muna ni P-Nyoy ng personal ang sitwasyon kesa nagkikinig sa sulsol ng mga taong nakapaligid sa kanya na may ibang ‘vested interest’.

  18. luzviminda luzviminda

    Baka may halong politika (o pera)itong move na ito ni P-Nyoy. Alam naman natin na matagal nang humihingi ng Upgrading ng instruments ang PAGASA pero nung narinig ko sa news ang hinihinging mahigit bilyong pisong pondo para sa COMMUNICATIONS upgrade dahil daw hindi naire-report ng mga tauhan ng mabilis, ay naalala ko ang NBN-ZTE Deal na pansamantalang natigil. Nagduda tuloy ako na panibagong ZTE-NBN ito na maaaring ibang tawag naman. Haaay P-Nyoy, ingat ka baka di mo alam na masama ka sa kumunoy!

  19. chi chi

    Naala-ala ko na naman ang aking presidente FPJ na tinawanan ng sabihin na ang kanyang priority project ay modernization ng PAG-ASA. Ang “tanga” na kanilang nilalait was brilliant than most of them leaders after all. :))))

    Hi Ellen and friends, I’m still on vacation grande…nakasilip lang ng konti. ciao, ciao!

  20. luzviminda luzviminda

    “…bakit sa ibang bansa,pagsibing uulan,umuulan talaga may oras pa at sukat ng dami ng ulan”.-Patria adorada

    Yun na nga ang isa sa kagamitan na hinihingi ng PAGASA. Yung masusukat ang precipitation ng isang low pressure o bagyo, para alam kung gaano kalakas ang ulan na dala, hindi lamang yung lakas ng hangin. Sa mga international weather forecasts makikita mo ang color-codes sa kanilang mga computer monitors na nagdi-distinguish yung iba-ibang sukat. Paano ka magsusukat kung walang tamang panukat. Sa ibang bansa digital na, tayo eh mano-mano na may hawak na elisi! Tapos isisisi kay mang Nilo!

  21. luzviminda luzviminda

    Pwede tayong mangopya na lang sa Weather Update ng ibang bansa, tutal every hour eh may newscast sila. Pero iba pa rin yung talagang personal na namo-monitor ang talagang lagay ng panahon at sitwasyon sa bansa. Kailangan sa atin mismo ay namo-monitor ito ng mas accurate as possible. Even sa ibang hi-Tech na bansa tulad ng America eh wala naman talagang 100% accurate Forecasting.

  22. luzviminda luzviminda

    Tama ka Chi! Idol ko rin yang si FPJ. Maybe the Best President we would ever had!

  23. balweg balweg

    RE: bakit sa ibang bansa,pagsibing uulan,umuulan talaga may oras pa at sukat ng dami ng ulan.~Patria Adorada

    Sa ibang bansa yong Igan Patria A., but sa Pinas ibang klase…sa kagustuhang umulan e kailangan pa ng MADE in CHINA na asin?

    Kapal-muks talaga ng mga Lingkod-bulsa…e bakit galing pa ng China ang mga asin na gagamitin pang cloud seeding, WALA BA NITO SA PINAS?

    Pati ba naman asin e pagkakakitaan pa ng mga kurap…hayon sa halip na umulan e belat nila. Ngayong dumating na ang tag-ulan syiempre rich ang Pinas sa tubig-ulan…but ang malaking problema marami na namang mapipinsalang kabuhayan, ariarian at buhay.

    Kaya SORI na lang sa mga taga-PAGASA dapat palitan nýo na lang ang inyong identity kasi di bagay o angkop sa inyong kartada…lagi na lang kayong nasisisi sa mga kalamidad na dumarating sa ating bansa.

    Gustuhin nýo mang magtrabaho ng maayos e wala namang kayong tulong-suporta sa mga bopol nating lingkod-bulsa…sa halip na ayusin at pagtuunan ang pangangailangan ng iyong departamento e puro drawing lang ang bukang-bibig at wala namang maitulong sa upgrade ng iyong mga instrumento.

    Buti pa e-padlock na yang PAGASA kasi walang kapagapagasa talaga sa mga utak-pulbura nating mga lingkod-bulsa.

  24. balweg balweg

    Pwede tayong mangopya na lang sa Weather Update ng ibang bansa, tutal every hour eh may newscast sila.~Luzviminda

    Buti pa Igan Luzvi…kasi nga natapos ang termino ni Gloria e walang nangyari sa PAGASA, heto laging nagsisisihan kapagka may bagyong nakapaminsala.

    Siyan na taon ang nagdaan e bakit ngayon lang…sa ka ek-ekan may pera o budget ang mga utak-pulbura pero itong napakahalagang departamento na dapat pagtuunan ng pansin at paglingap e ang laging katwiran wala daw pondo para ipangbili ng bagong mga kagamitan o pagupgrade ng mga obsolete nilang instrumento.

    Kahit na si poncio pilato e maghuhugas kamay na lamang pagka mayroong muling bagyong makapaminsala sa buhay at kabuhayan ng Pinoy.

    Ang gagaling kasi…puro dakdak wala namang makitang pagbabago, pero sa kayabangan gaya ng inagurasyon ni PeNOY gumastos sila ng milyones para maipakita sa buong mundo na iba ang Pinoy sa kahabugan…pero ang daming dapat pagtuunan ng pansin at yong bonggang paggastos sa kabang-yaman ng Pinas e dapat gamitin sa wasto.

    Purdoy na nga ang Pinas…e kung magsiasta pa akala mo rich ang Pinas, baon naman sa utang at sisinghap-singhap na ang Pinoy sa hirap’t dusa.

  25. rose rose

    kawawa ang hepe ng Pag-asa? mas kawawa ang Pag-asa at tunay
    na sa atin mukhang marami ay wala ng tunay na Pag-asa..

  26. Isaac H Isaac H

    May alam akong puede mag head ng PAGASA. He is a consistent scholar, took his Master Degree in the UK and Phd in Meteorolgy from the University of Pennsylvania and currently a professor of Ateneo. He is James Simpas the son of former UP Vice president Santiago Simpas. Ang problema lang baka ayaw ni James magtrabaho sa Philippine Government.

  27. RikBee RikBee

    akala ko ba? tuwid ang gusto ni Pnoy? Bakit may pulitika pa rin ang desisyon niya? Sana ‘yung mga corrupt talaga ang sibakin niya, hindi ‘yung sinsero at hindi nagpayaman sa trabaho ang pag-iinitan niya. Ang mga malalaking bansa ay nagkakamali din sila sa weather forecast nila. Huwag niyang maliitin ang karanasan ng mga seniors!

  28. norpil norpil

    ayon dito sa mga weather forecasters na kakilala ko ay talagang mahirap na subject ito. maaari daw magbago ang ihip ng hangin sa loob ng ilang minuto. kailangang pumili ng isang possibility sa mahigit isang libong possibilities kahit may models din sila ng pag rank sa mga possibles.kaya di rin ako ayon sa ginawa ni pnoy.

  29. i_speak i_speak

    Sacking subordinates in the executive branch is the prerogative of the President. That should be respected. But this prerogative must also be used sparingly and judiciously. Aquino said that he sacked Dr. Nilo because he never bothered to explain the reason why there was a mis-forecast for the two recent typhoons. But Dr. Nilo said the memo he got specifically points to his lack of number of hours of training (16 hrs) for his CESO qualification. This is mental dishonesty on the part of people in DOST. (Hinanapan ng butas). And now it has been revealed that the PAGASA OIC Montejo is the brother in law of Exec. Sec. Ochoa. This is first class corruption.

Comments are closed.