Skip to content

Hindi tinatantanan si Arroyo

Sa unang araw ni Gloria Arroyo bilang kongresista, hindi pa raw uminit ang kanyang upuan, umalis na.

Paano kasi, itong si Akbayan Rep. Walden Bello ay nag-privilege speech na ang titutlo ay “Corruption was the signature of Gloria Macapagal-Arroyo.” Ang pirma ni Arroyo ay korapsyun.

Sabi ni Bello,”If the subordinates of the GMA administration behaved like pigs, kung ang mga galamay ng nakaraang administrasyon ay kumilos parang buwaya, ito ay dahil meron silang magandang halimbawa sa pangungurakot sa taas.”

Dagdag pa ni Bello,ang administrasyon daw ni Arroyo ay “not only in corruption and plunder but a model on how to behave with impunity and subvert democratic institutions.” Hindi lang modelo ng corruption kung di modelo kung paano mag-abuso at magsira ng mga istitutsyon pangdemokrasya.

Siyempre come to the rescue kaagad ang mga alalay kasama na rin ang mga congressman na kahit sa ibang partido ay nagisisimpatiya sa mga magnanakaw. Baka nakikita nila siguro ang sarili kay Arroyo.

Pinapahinto ni Siquijor Rep. Orlando Fua (Lakas-Kampi CMD) si Bello. Sinabi sa presiding officer na si Deputy speaker Raul Daza na dapat daw sampung minuto lang dapat magsasalita si Bello. Ngunit sinabi ni Daza na privilege speech ang ginagawa ni Bello kaya isang oras siya pwede magsalita.

Buti nga. Sa siyam na taon na pambabastos ni Arroyo, napaligiran siya ng mga kaalyado at guwardiya. Iilan lang talaga ang naglakas ng loob na magpamukha sa kanya ng kanilang galit katulad ni Teresa Pangilinan ng Cavite State University at mga estudyante sa University of the Philippines.

Iba na ngayon.

Ngunit hindi tayo dapat magkampante dahil buo pa rin ang makinarya ni Arroyo. Bago raw umalis si Arroyo sa Kongreso, nagpulong ang minority bloc at nagdesisyon sila na iku-kwestyon sa Supreme Court ang Truth Commission na binuo ni Aquino na siyang naatasang mag-imbistiga ng mga anomalya sa nakaraang siyam na taon.

Sigurado gawin ni Arroyo at ng kanyang mga kaalyado ang lahat para maharang ang katotohanan. Kaya mahalaga na maipasa ang Freedom of Information Bill.

Noong Lunes, ibinuhay ni Sen. Antonio Trillanes, na hanggang ngayon ay nakakulong pa, ang Freedom Information Bill na naunsyami noong 14th Congress, para maisulong ang karapatan ng sambayanan malaman ang nangyayari sa pamahalaan at sa kanyang kapaligiran.

Ang pagkakaroon ng taumbayan ng tamang impormasyon ay ayun sa policy ng bansa na dapat ang mga transaksyun sa pamahalaan ay alam ng taumbayan dahil pera nila ang ginagastos. Karapatan nila ang malaman at maki-alam.

Sabi ni Trillanes kailangan ang FOI dahil kahit na nakalgay sa Constitution na may karapatan ang taumbayan sa mga impormasyun tungkol sa mga nangyayari sa pamahalan, pahirapan pa rin ang pagkuha ng impormasyun.

Published inGloria Arroyo and family

25 Comments

  1. perl perl

    Huwag talagang tantanan si Arroyo… akala nya ay magiging madali para sa kanya ang maging kongresista… mabuti na lang at may ilang matatapang na kongresista na katulad ni Akbayan Rep Bello ang patuloy na bumabatikos sa kanya ng harapan… tignan natin kung hanggang kailan nya maiiwasan ang mga pamamahiyang pwdeng gawin ng kanyang kasamahan sa kongreso… kung sa bagay.. hindi nkakapagtakang matitiis nya ang mga kahihiyan haharapin… sa loob ng mahigit siyam na taon.. subok na natin kung gaanon Makapagal este makapal ang kanyang apog!

  2. jawo jawo

    Pambabastos kay Arroyo ? Talaga, ha !! Hindi yata applicable ang salitang ito kay gloria. Sa siyam na taon na binastos niya ang ‘sang ka-Pili-pinohan, one hour of privelege speech by Bello “in her honor” is a welcome treat.

    While it may sound like an INSULT to people other than Gloria and her merry band of thieves, as far as Gloria (et al) is concerned, I’d say what Bello had said was a COMPLEMENT.

  3. manuelbuencamino manuelbuencamino

    Paano nga ba nababastos ang bastos?

  4. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Truth really hurts. The corrupt Arroyo regime was manned and surrounded by crocks, pigs and vultures. Kahit araw-araw na batikos sa Kamara o media hindi na yata tinatablaan si Gloria. Kapalmuks kasi. Sa kulungan ang kanyang katapat

  5. parasabayan parasabayan

    Ang dapat nating bantayan ay ang motibo nitong midget na ito at bakit nandyan pa siya sa tongreso. Nagaantay lang yan ng panahon para makakuha ng boto sa kanyang cha-cha. Mapagmatiyag sana ang mga congressmen at bantayan yang mga tongressmen na kikilos kung may ipamumudmod na milyones si midget. I do not trust this midget at all! For as long as her fat pig hubby and her piglets are around, they will devour anything and everything along the way.

    Mukhang natahimik na ang mga sekyuriti guards and tricycle drivers sa kaso ng isang piglet ni midget. Pinapakilos nila palagi ang pera nila.

    Kung may hiya si midget, nung first day niya sa tongress eh halos isolated daw siya. NO ONE even wanted to sit next to her dahil kahihiyan lang ang dulot niya!

  6. kejotee kejotee

    Akala ko ba ay gagawin siyang prime minister – yon pala prime pinata ang labas … ‘wawa naman siya

  7. florry florry

    Kahit na hindi tantanan si Gloria, hindi pa rin siya makakatikim ng kulungan.

    Truth is hard to accept expecially if we set the bar of expectation too high, but not too far from the truth is Gloria will be as free as a blowing wind na nagdadala at nagkakalat ng masamang alingasaw na siyang magpapaalala ng marami niyang kasalanan sa sambayanang Pilipino.

    That surely leaves us cursing and hurting while she enjoys and celebrates her freedom.

    Now that really hurts.

  8. Oblak Oblak

    Yung privilege speech ni Paquio na walang sense, palakpakan ang mga congressman. Heto ang privielege speech na may laman, pilit pinatitigil. May motion pa to strike any reference to Arroyo!!! Bakit?

    Nag closed door meeting pa ang mga kaalyado para gawan ng paraan na harangin ang truth commission. Sa totoo lang napakapangit ng pagmumukha ng Arroyo.

    Delikado ang truth commission kapag dinala sa Supreme Court. Gagana ang mga Arroyo justices at baka mangopya na naman para huwag matuloy ang truth com.

  9. Rudolfo Rudolfo

    May-kabutihan din kung minsan ang “party-list” katulad nitong si Walden Bello ( tunay na Gregorio del Pilar, JPRizal at A, Bonifacio, MATAPANG ). Dapat marami sa House of Senatong at House of Tongress, ang katulad niya, ipinag-lalaban or nag-rerepresent ng boses ng masang pilipino, at hinaing ni Juan de la Cruz. Kung may naka-wan at corruption, matapang siyang nagsasabi, at nagbubulgar sa mga “ugat” at mga mag-nanakaw ( kitang-kita naman ang ibedinsya, NFA, MWSS,Public Wotrks,ARMM,marami pang iba ). Ngunit, ano kaya ang kabutihan ki Mikey Arroyo, party-list ng mga 3-cycle drivers, at mga security guards ( salapi ang “isinisigaw “o gina-gamit, makuha lamang at maipanalo ang pwesto, para masiguro ang milyones na ” Pork-pig-Barrel “).tsktsktsktsk…grabeeeee!!!

  10. sychitpin sychitpin

    #10 :Rudolfo, i agree completely with your comment. Walden Bello is the saving grace of party list and congress. Walden Bello is qualified to be member of the Truth Commission. He has nation’s interest at heart. Mabuhay si Walden Bello, may his tribe increase! Down with the baboys and buwayas in congress headed by gma. Her climate of impunity must be stopped. Even Tita Cory who experienced countless persecutions and tragedies in her life was shocked with the wickedness of gma.
    Genuine reforms will happen only with the imprisonment of gma. If Erap was jailed for jueteng scandal, what more gma who stole presidency and plundered the nation.

  11. sychitpin sychitpin

    kung ano ang itinamin, siya rin ang aanihin. that’s an absolute Law of Nature na hindi maaaring harangin o iwasan ninuman, paliit na ng paliit ang mundo ni gma, kalaban niya ang presidente ng bansa ,ang sambayanan at Katotohanan, wala na siyang ligtas ngayon

  12. rose rose

    sabi ni Congressman Pacquiao respectuhin daw si Gloria! Mr. Congressman, respect has to be earned! did she do anything to earn this respect? I agree we have to respect the office of the president..but she is no longer the president not counting the fact that she was not elected.. respect the office of a congressman or congresswoman? yes pero kung hindi naman tama ang ginagawa niya in performance of her duty as a congresswoman of her district is she to be respected? hindi ba duty niya to attend the sessions particularly this one was the opening? sinamahan niya ang asawa niya…I agree duty ng isang asawa ang magdamay sa kabiyak niya…pero was it a matter of life or death? aywan ko Mr. Pacquiao pero hindi ata “Kosher” ang panawagan mo…we should respect one another..kaya inaasahan ko rin siya na magbigay respect sa kapwa niya…binali wala niya ang bayan noong siya ay pangulo…what respect would you expect for her? dapat siya ang example of showing respect..after all she is a product of a very exclusive school for the rich..Assumption Convent! I am sure naturo din sa kanila ang respect and love for one another…pero how come?

  13. Arroyo’s allies said they are filing a complaint against Walden Bello before the Ethics Committee. naku po.

    The chair of the Ethics committee is Fua, who wanted Bello stopped when the latter was delivering his privilege speech.

  14. rose rose

    alam rin pala nila ang Ethics..anong ethics?..itik itik sa Manila Zoo?

  15. Rudolfo Rudolfo

    Mahirap at Masakit tangapin ang ” KATUTUHANAN” ( totoo kasi ang pinag-sasabi ni Rep. Walden Bello, kaya siya ngayon ang binibweltahan ng ” MGA WALANG Ethics ” mula-mula pa noon. Edsa-2, Hello-Garci, NBN-ZTE, at iba pa ay mga bunga ng walang etikita, ngunit walang nangyari sa House of Tongress, dahil, halos lahat sa kanila ay “wala ding mga mukhang iharap ki Juan de la Cruz or sa bayan. Alam lang nila yong ” bayong-bayong” na regalo,ni GMA ). Nasasaktan yata sina Cong. Pacman, at Fua, dahil noong panahon ni GMA, kapanalig sila, kumita pa yata si FG sa mga pusta sa labanan sa Las Vegas noon.

    Ang House of “tongress” katulad ng bahay o pamilya, kapag, may nagkamaling ( anak ), natural lang na bigyan ng Ama o Ina na mangaral kahit na masakit, pakingan sa tainga at damdamin, para na din sa PAGBABAGO, at kinabukasan.

    Dapat 100+++ isuporta natin ang admin ni P-Noy sa pagbabago, para mag-karoon tayo ng malinis at “TUNAY” na “ITIKITA” dyan sa House of Tongress saka House of Senatong.
    Tularan natin si P-Noy, sweldo ipinakikta sa Taong bayan, kung mag-kano, buwan-buwan, pati mga perma sa mga transaksyon sa gobyerno.Magandang simulain na binansagang
    ” tu…K” ngunit isa palang “tagapagligtas” o “Misaya” ( redeemer ).

  16. perl perl

    Arroyo’s allies said they are filing a complaint against Walden Bello before the Ethics Committee. naku po. Bakit, masama ba magsabi ng katotohanan? Pataasan na lang ng trust rating… mas mataas naman mataas yang kay Bello..

  17. perl perl

    Akala ko ba 90K plus na sweldo ng Presidente ng Pilipinas.. bakit 60K+ pa din… bawas na ba yung kaltas like GSIS, Pagibig, Philhealth, etc?

  18. sychitpin sychitpin

    in a decent congress, Walden Bello will surely receive commendations and appreciations for telling the truth and voicing out the sentiments of 90 million filipinos.
    Rep Fua and Pacquiao’s should be censured for trying to curtail congressional priviledge and cover up the truth. They are deaf and blinded by 9 years of lies.

  19. rose rose

    let us just understand where Pacquiao is from and what he is..he tried though to learn English at mahusay na siya kay sa noon..pero si Fua? sino ba siya? saan ba siyang planeta galing?

  20. dan dan

    basahin nyo na lang yong professional heckler:”GMA breaks her silence”d siguro nagbabasa ng blog ni mam ellen c GMA dahil allergic na yan sa batikos (or immune) but one thing more is for sure that’s only the beginning of her calvary caused by her foolishness

  21. dan dan

    saludo ako kay sen. trillanes cya lang ang may bayag na ibulgar lahat ng kabulukan ng gobyerno lalong lalo na sa AFP at dahil sa paninindigang yan hayan siya’t nasa loob ng rehas. Tanong ko lang ganyan din ba ang paninindigan ni sen. Honasan na minsan ko ding hinangaan? Nagkamali yata ako.

  22. sychitpin sychitpin

    Walden Bello is a giant among pygmies in Congress!

  23. andres andres

    Tuwing tinitira si GMA, agad na binabara ng mga galamay nito na mga Lakas congressmen. Kakadiri! Kakapal ng mukha!

    Di dapat makalusot si Gloria!!!

  24. rose rose

    nasa Pilipinas na ba si putot? uuwi pa ba siya?

Comments are closed.