Skip to content

Walang pagtataguan si Gloria Arroyo

Arroyo inspected
Tama naman pala na hindi dumalo si Gloria Arroyo sa unang state-of-the nation address ni Pangulong Noynoy Aquino noong Lunes.

Kasi kung dumalo di parang siyang sinampal-sampal. Sayang at hindi na-focus sa camera ang mukha ng anak niyang si Mikey Arroyo, ang nang-agaw ng puwesto ng mga security guards at tricyle drivers, habang isinawalat ni PNoy ang tungkol sa calamity fund sa Pampanga.
Si Mike ang dating kinatawan ng pangalawang distrito ng Pampanga na ngayon ay hawak na ng nanay niya.

Ito ang sinabi ni P-Noy tungkol sa Pampanga: “Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

“Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

“Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.”
Sinabi ni Ma. Elena Bautista-Horn, ang paboritong estudyante ni Arroyo na humawak ng maraming puwesto sa pamahalaa (ang pinakahuli ay Presidential Management Staff), na wala naman daw nawawalang pera. Nandiyan pa naman daw ang pera at hindi pa nagagastos.

Hindi yan ang punto. Maraming probinsya ang nanganga-ilangan ng ayuda, bakit itinambak lahat sa Pampanga. Parang sila lang ang anak ng Diyos.

Sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez na sila daw ang nagpayo kay Arroyo na huwag dumalo sa unang SONA ni P-Noy dahil sinabi na nga na bubulatlatin ang baho ng kanyang administrasyon. Dahil popular daw si Aquino, kapag pumalakpak daw ang mga tao, baka daw masaktan si Arroyo.

Mabuti naman kung matablan. Kulang yan sa kasiraan na idinulot niya sa bayan. Ang pagbastos ni Arroyo ng batas at ng mga institusyon natin katulad ng eleksyun, hustisya, military at burukrasya ay maraming taon bago maituwid.

Doon daw sa Hongkong, kung saan sinamahan niya ang kanyang asawa na magpa-medical check-up, may mga Pilipino dawn a nagrally sa harap ng Four Seasons Hotel kung saan sila nakatira.

Mabuti yan. Uusigian natin sila. Wala siyang pagtataguan.

Published inBenigno Aquino IIIGloria Arroyo and family

52 Comments

  1. Kung dumalo si GMA, bilang naging pangulo, kahilera siya ni FVR at Erap sa inilaang upuan upang makinig sa SONA ni PNoy.

    Para kong nakikita na ang paningin ng mga tao sa Batasan ay kay GMA nakatuun pati na ang kamera ng telebisyon. Para kong naririnig ang lalong masigabong palakpakan sa tuwinang babanggitin ni PNoy ang mga katiwalian sa panahon ni GMA. Lalong matinding kirot ito na lalatay sa katauhan ni GMA, mas hipit pa sa mag-asawang sampal.

  2. sychitpin sychitpin

    kung ano ang itinamin, siya rin ang aanihin, nagtanim si gma ng kabulukan, kayat mga bulok din ang aanihin niya

    SULYAP PA LAMANG ang nakita ni P.Noy, its just the tip of the iceberg………..

  3. luzviminda luzviminda

    Being in the office for barely a month eh, pasado na sa akin yung unang SONA ni P-Nyoy. Although hindi ako lahat agree dun sa mga posible projects na inihahain sa kanya. Like yung mga pagbebenta ng mga ari-arian ng gobyerno (NAVY Facilities)sa mga negosyante. Tama na yang Privatization na yan. Lalo lang naman nagpapahirap at kawalan sa mga mamamayan. Ano ba ang dinulot ng privatization ng mga Electric at Water supply na dapat ay gobyerno ang may hawak dahil basic service? Lalong pagtaas ng singil! Kung kayang maging PROFITABLE ng mga Private entities ang mga pag-aari ng gobyerno, bakit hindi ba kayang gawin yan ng mga nasa administrasyon yan? GOOD GOVERNANCE lang naman ang kailangan dyan para hindi malugi. Gusto nila ng MADALIANG Pera sa pamamgitan ng pagbebenta!… Ang daming naipundar nuon ni Marcos. Transportation Facilities-like LRT 1: Hospitals-like Heart Ctr., Lung Ctr, Kidney Ctr etc,; Roads & Bridges-like San Juanico Bridge, Industrial Zones like EPSAs; na karamihan ay pinagbebenta nuong panahon ni Cory at FVR para lang mapaganda ang statistics nila, na sa totoo lang eh mga ampaw naman. At maling -mali ang pagbebeta ni FVR ng PETRON! Hay P-Nyoy, Huwag nang ulitin ang mga mali! Hindi lahat ng ginawa ng Nanay mo at ni FVR ay tama.

  4. olan olan

    Insensitive and very self serving unFilipino itong si Gloria Macaagal Arroyo!..really deserving of whatever punishment, if ever! Ito namang lap dog na si Elena Bautista-Horn ganadong-gando pagtakpan ang kanyang amo! another insensitive fellow! Itong mga taong ito..really needs to go far far away..away from us pinoys!

  5. J J

    Naku, sana lang hindi tumakas ang mag-asawang Ayoko. Dapat yan may hold departure order eh.

  6. luzviminda luzviminda

    Masaya at exciting itong 15th Congress. Marami tayong pagtutuunan ng ating pansin. NO LET UP ang pagbabantay dahil andyan pa rin ang galamay ng mga Arroyo-Pidal daig pa ang OCTOPUSSY.

  7. MPRivera MPRivera

    Baka hindi lang higit pa sa mag-asawang sampal ang pakiramdam ni goyang na dumadapo sa makapal niyang nunal habang isinisiwalat ni PeNoy ang mga kaaliwasawasan ng kanyang assministrasyon.

    Baka bawat salita ni PeNoy ay parang mga karayom na tumutusok sa kanyang nabubulok na laman.

    Umalis para daw ipa-check up ang putang amang asawa sa Hong Kong? Dumayo pa doon kung totoo ngang dapat ma-check up eh ‘kadaming veterinarian sa Pilipinas, ah? Mas eksperto ba sa baboy ang mga beterinaryong Intsik?

    Ang alam ko eh hanggang lamok la’ang ang alam nilang gamutin, eh.

  8. Sa mga nagsasabing hindi na dapat binulatlat ni PNoy ang mga anomalya noong nakaraan at plataporma de gobyerno na lang ang kanyang inilatag, alamin nating ang State of the Nation ay tungkol sa kalagayan ng bansa, ang sitwasyun ng pamahalaang iniwanan ng nakaraang administrasyon. Ito’y unang SONA pa lamang at isang buwan pa lamang na nakaupo si PNoy. Ang paglalahad ay hindi naman kailangang maging detalyado na parang isang audited report. Ang mahalaga ay tinuran ang mga kaganapan, lugar at halaga ng mga anomalya. Yan ang dapat susubaybayan natin. At sa ikalawang SONA, tayo ang magtatanong. May nangyari ba?

  9. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Gloria and Miguel can run but they cannot hide forever from the wrath of the Filipino people. The arm of justice will hunt them down like a rat. Hindi magandang ehemplo si Gloria bilang mambabatas. Unang session pa lang absent kaagad. Sayang ang kanyang sahod.

  10. MPRivera MPRivera

    Naghahanap kayo ng policies? Goals?

    Ano ba ibig sabihin ng state-of-the-nation na iniuulat ng isang presidente?

    Ano gusto ninyo, ‘yung katulad ng kay goyang na puro accomplishment at pangakong kahit sa pinakaliblib na bahagi ng pangarap ay hindi natin masusumpungan kundi sa kanyang enchanted kingdom lamang?

    Wala na. Malabo nga tayong makabangon kung gusto ninyo ay kuntodo kolorete pati ang mga ulat sa bayan.

    Pinaalis pa natin si gloria sa malakinanyang palasyo?

  11. MPRivera MPRivera

    “Speaking before members of both Houses of Congress, President Aquino vowed, “Sa administrasyon po natin, walang quota-quota, walang tongpats; ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.”

    This was uttered right before Congressman Peping Cojuangco suffered severe chest pains which caused him to be rushed to the hospital for appropriate treatment.

    http://professionalheckler.wordpress.com/2010/07/27/the-nation-according-to-noynoy/#comments

  12. Oblak Oblak

    Pwedeng mag disagree Ms. Ellen. Kahit siguro mala jackhammer or oil drill ang tiradang gawin, sa kapal ng mga mukha ng Arroyo, hindi tatablan ang mga walang hiyang iyan!!

    Kahit nga wala sa batasan, andun naman ang mga kampon nya.

    Si Ms. Horn, akala ko ba tapos na ang papel ng impaktang ito after the transition kuno.

    Si Dato, with his “ok lang. kebs!” imbis na mawindang sa paratang, nabading yata!

    Si Suarez na over protective kay Mam. Dapat hukayin ang mga concessions na binigay sa kanya. Ang congressman ng pinakamhirap ng distrito ng Quezon na kayang maglibre ng P750,000 sa isang chibugan sa US.

    Si Lagman na ayaw pang gumising sa katotohanan.

    Ni isa sa kanila walang nag refute sa sinabi sa SONA na may mga taong gusto pa ring bumalik sa pwesto para waldasin uli ang kaban ng bayan.

  13. sychitpin sychitpin

    Tama ang ginawa ni P.Noy na ipaalam ang tunay na State of The Nation, upang itigil na ang mahabang panahong panloloko sa mamamayan. dapat na alam ang problema at ang tunay na kalagayan upang mabigyan ng nararapat na lunas. Hindi gaya dati na tinatago ang tutoo dahil punong puno ng katiwalian.

    Mabuhay si P.Noy!

  14. MPRivera MPRivera

    Isa pang kumokontra lalo sa peace talk sa mga pulahan ay itong si Satur Ocampo.

    Ano na ba nangyari sa taong ito? Naging idol niya si Villarryo?

    May papel pa ba ang tipaklong na ‘yan?

  15. MPRivera MPRivera

    Hindi makaharap si goyang sa nag-iinspeksiyon sa kanya.

    Pagkaraan ng siyam na taon, naranasan niya ngayon ang lamasin ang katawan sa pagririkisa sa departure ng paliparan.

    Missss! Psssst! Dahan dahan lang. Baka mapisa ‘yung dede eh tumalsik ang silicon.

  16. Becky Becky

    Missss! Psssst! Dahan dahan lang. Baka mapisa ‘yung dede eh tumalsik ang silicon.-MPRivera

    LOL!

    Magkano kaya kinita ni Lagman. mahirap yung ginawa niya ha. Defending the illegal president point by point of P-Noy’s SONA.

  17. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Heto ang point by point na sampal kay Lagman.

  18. Kaya mataas ang antas sa pagpapahalaga ng mga tao sa SONA (Speech of Ninoy Aquino) ay sa dahilang binigkas niya ito sa wikang Pilipino at nauunawaan ng nakararami. Ang malaking pagpapahalaga ni PNoy sa ating sariling wika ay ngayon lang natin nasaksihan sa mga umupong pangulo at ramdam natin ang kagalakan nila lalo na sa hanay ng masa. Ito’y maliwanag na pagbabadya na sadyang may pagbabagong gagawin si PNoy sa kanyang pamamahala sapagkat nauunawaan ang mga ginagamit na pangungusap.

    Panahon na rin sigurong iwaglit na ang SONA sapagkat ingles ito. Tuwing magbubukas ang Kongreso, ang pagharap at pagsasalita ng Pangulo na sa dahilang ito’y aabangan ng balana, naisip ko lang, pwedeng tawaging ABANG (Ang Bansa Ngayon).

  19. ken ken

    Ang daming mga naghihirap at di makakain ng sapat na lugar sa bansa eh doon pa sa distrito niya pinaglaanan ang calamity fund. Sana sa susunod na baha sa Pampanga e yong bahay ni Evil Glorya ang tabunan ng lahar para yong lahat na pera niya e mabaon. Sabagay nasa ibang bansa nga pala mga pera ng bubwit na yan. Sana sa susunod ipa-hold-departure na yan si Bubwit para di na makalabas ng bansa. Kahit labas-pasok ka ng bansa Bubwit Glorya di ka namin tatantanan! Hanggan ang silicone mo sa dibdib lumabas at mapisa!.

    Hindi raw “shocking” sabi ng mga alagad ni Evil Glorya. Palibhasa million lang kasi ang pinaguusapan sa SONA ni P.Noy, kasi sila bilyon na mga pera nila kaya’t ang milyones ay barya na lang sa kanila kung lustayin at nakawin. Dapat kay Bubwit Glorya wag ng bigyan ng Pork kasi marami na siyang Pork, Mikey Pork, Mike Pork, Datu Pork at kung ano-ano pang kaswapangan sa Pork na yan! Ang sinasabi ni P.Noy ay 2010 lang. e napaano na yong mga previous years na allocation sa kanyang distrito? Susmaryosep naman Evil Glorya. Mas masahol pa sa lahat ng mga kasalanan ang pinag-gagawa mo. Madami kang pinatay sa gutom, sa baha, sa calamidad, mga ligaw na bala at armas na tumama sa mga nasawing sundalo. Diyos ko naman po!

    Dapat sayo Evil Glorya at sa mga kawatan pag-nahatulan e firing squad sa Afghanistan.

  20. May nag-text. Hindi dapat SONA (Speech of Noynoy Aquino) ang ginawa sa Kongreso ni PNoy. Mas tumpak daw ang SANA:

    S-ankaterbang
    A-nomalya
    N-i Gloria Macapagal
    A-rroyo

  21. Galing kay TP:

    Hindi po maganda na nilalahat nyo mga kapampanga dahil kami rin ay biktima ng makaraang administrasyon, madami din po ang naghihirapan dito sa amin probinsya kung tutuusin hindi po sya tagalang taga pampanga ang mga gulang po nya ang taga pampanga.

    Saan po ba sya lumaki di po ba sa forbes park? saan po ba ang forbes park di ba sa Makati? at ngayon sa Quezon city na po sya nakatira, kami pong mga kapampanga ang biktima at ginagamit nya kaya sana po walang idamay ang pagiging kapampangan namin dahil marami po sa amin ang namumuhay ng marangal at may dignidad.

    Kung may punto de vista kayo na gustong palabasin sana sya nalang kami po sampu ng aming samahang ng mga maginoo ang kagalangalang na pampanguenos, ay nasasaktan sa sinasabing sya ay kapampangan dahil wala syang nagawang maganda sa pampanga dahil binaboy nya ang magandang himahen ng mga kapampangan. sana po ay maunawaan nyo po kami kagaya po ng sinabi ko kami rin ay biktima.

  22. boyner boyner

    Sana nailagay din sa mga pahayagan at ikalat sa internet iyong kuha sa paliparan ng Hongkong kung saan makikitang kinakapkapan ang mandarambong at walanghiyang Gloria Arroyo.

  23. jawo jawo

    Doon daw sa Hongkong, kung saan sinamahan niya ang kanyang asawa na magpa-medical check-up——->Ellen
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
    Hanep talaga itong mag-asawang aswang na ito !! Magpapa-check-up lang (DAW) si porky, sa Hong Kong pa !! Nagagamot naman ang swine flu sa Pinas ah !! Ka-daming beterinaryo dito sa PInas, pupunta ka pa ng Hong Kong na hinayupak ka!! What is so special about you, you fucking ass ? Nagmamalinis ka pa, samantalang pirmi namang putikan ang apat mong mga paa !! Ayaw na kayo sa St. Luke’s ? Bakit? Pagba-bayarin na kayo ano !!

    At ikaw naman, goyang, dati gusto mo ng full attendance sa mga SONA mo samantalang puro boladas at kasinungalingan ang mga pinagsasasabi mo. Ngayon, ayaw mong makinig sa SONA ni Noynoy. Bakit ?? Simple lang. You were never an advocate of true hard facts. Para sa iyo ang lahat ay puro fuck. Nala-laglag tuloy sa lupa ang boobs mo sa tuwing makakarinig ka ng katotohanan. Na-aagnas kang parang kandila sa tuwing maririnig mong isa kang pusakal na magnanakaw.

    Pero tama lang na wala ka sona ni Noy. HIndi ka puwedeng itabi at i-acknowledge ni NOy as “ex-presidents” kasi si TABAKO at si ERAP ay parehong ibinoto at nagkaroon ng mandate para maging presidente. Ikaw, Gloria, were the “odd-woman” out. Saling-pusa ka lang kung baga. Dapat ni litrato wala ka rin sa Malacanang. Nakakahiya naman sa aming mga Pinoy kung nandoon ka pa !!

    Sa tutuo lang, you were not even missed. Think about it.

  24. Rudolfo Rudolfo

    Sa security check na naka letrato, “tinitingnan yata ” kung may ano an dib-dib ni Goyang ( Silicone,baka napisa ,o baka
    may ” euro-general ” naka-tago, etc..maraming bilib sa kapala-(muks)-ran nitong mag-asawa, nasa kanila na ang lahat-lahat..subalit, may-hangganan din ang kalukuhan.Nagsisimula na yata ang” KALBARYO” ng pamilya ng naging ( fake ) president, at pinag-tiyagaan ng 9-na taon, Ipinag-tatangol naman ng mga “bayarang-Makapili”, itong huli nga ay si M.Horn,at mukha ding “pig-pork-barrel” na si lgman.Nasa pay-roll pa yata sila ni mikey pidal ( from:pork barrels ng 4- na arroyos ). Kung wala itong “hello-Garci” at Edsa-2, wala din sanang mga “Magdalo” at “Trillanes Case”, dapat silipin ng Judge Pemintel, ang ” Cause and Effect” ng ” Fake President, at pag-bastos ni Davide sa Saligang Batas, and Company ( Reyes-Assperon-Arroyo-Davide conspiracy ). Ito namang si dating DA Secretary, nabubulol sa mga katwiran, bakit maraming “bulok ” na bigas sa NFA, samantalang ” command responsibility” niya, iyon, at sabit na sabit ang nag-utos sa kanya, para bumili ng bigas sa Vietnam..

    The almost 10-na Taong “bango-ngot” or nightmare, sa Pilipinas ang mga pangyayaring “too-much greed and corruptions, Human right violations, at Genocide, etc..”..Sana, si Pangulong P-Noy nga ang kasagutan sa “9-na-taong-nightmare na ito”. Pati, tuloy mabubuting, mamamayang kapampangan nadamay sa pamilyang Arroyo ( Visaya ). Gumasing naman po ang mga nasasakupan ng ” congresswomen elect “, at bantayan ng mabuti kung anong taliwas na batas na gagawin, baka, pati kayo, mahulog din sa bangin ng corruption, at makisayaw sa “cha-cha ” na gusto niyang patug-tugin sa House of Tongress. “Ang Pampanga ay di Pilipinas, at di lamang sa Pampanga matatagpuan ang Pilipinas”. Ito’y nasa 7,107 na kapuluan, at almost 96-milyon na Pilipino, naghahangad ng pag-asa ( Hope )para sa kinabukasan ng mga susunod na lahi.

  25. bobong bobong

    Tama ka Ma’am Ellen.

    Hindi natin tatantanan ang pag-usig sa pamilyang mandaraya at kurakot sa kayamanan ng bayan. Hindi tayo dapat titigil hanggang sa ang pamilyang ito, kasama ng lahat ng kanyang mga alipores na nakikinabang sa kahayopan ng pamilyang ito -dapat papanagutin din.

    Sa ganitong paraan lang magkakaroon ng hustisya ang mga inaping mamamayan.

    HINDI NATIN TITIGILIN SA PAG-USIG ANG PAMILYANG ITO KAHIT SAAN SILA MAGPUNTA – UUSIGIN NATIN SILA!

  26. parasabayan parasabayan

    Sige, magpuntahan silang lahat sa HK para magsamasama sila sa kulungan ng anak ni Sabit…heh,heh,heh.

    Ellen sa dami ng ninakaw nilang pera sa Pilipinas, they can very well buy any house anywhere in the world. Yun nga lang pwede pa rin silang hulihin kung may mutual agreement ang Pilipinas at ng bansang pinuntahan nila na pwede silang hulihin kung may kasalanan sila sa ating bansa. I am waiting for this anytime soon. Sana makulong ang mga hoodlum na ito!

  27. zenytj zenytj

    wow hanip sa four season hotel naka check imamahaling hotel ito kasi central ito katabi ng ifc aiport express,pag may magrally dito maluwag ha.ha.ha,ayan kahit saan ka magpunta maraming ofw talagang ipahihiya siya sa dami ng kasalanan mo sa taong bayan,pati kami na mga ofws ginawa mong gatasang baka,mabuti nalang matatag ang mga ofws dito lumalaban at nahaharang dito maayos ang rally walang nasasaktan protektado ng mga police,hindi tulad sa atin binabatuta ang mga nagrarally.

  28. rose rose

    residecy lang naman ang kailangan at kung saan siya bumobuto para maging representative ng isang district, hindi ba? kaya kapangpangan siya..si Dato naman ata ay taga Cantanduanes, etc. si Imelda ba taga Ilocos o taga Leyte? she claims to be from Pampanga kaya Kapangpangan siya and I suppose she was born in Pampanga? kung hindi siya Kapangpangan ay bakit naging Congresswoman siya of Pampanga…unfair nga sa ibang Kapangpangan pero she represents a distric of Pampanga! sad reality in life Mr. Permites!

  29. rose rose

    ayaw ni Gloria maitanong kung kailan sila babalik? Dapat bantayan silang tunay at baka hindi na nga babalik…Gloria babakalik ka rin upang ikaw ay pasagutin..naghubad ng sapatos si tabbaboy?..I hope walang butas ang medias niya! at bakit hanghang Hongkong lang…three is a crowd hindi ba?..how could tabbaboy enyoy the view on top of Victoria Peak?..how could love be a splendor thing?…kj talagang itong si putot…

  30. Oblak Oblak

    Bwahahaha!!Ngayon ko lang nakita yung picture. Kaya pala panay ang comments sa frisking sa boobs.

    Asar na asar ang Donya!!!

  31. bayonic bayonic

    Hindi ba ang medical tourism ay ipinagmalaki ng dating administrasyon sa kanilang huling SONA? Eh bakit ngayon kailangan pang pumunta sa hongkong para magpacheckup?
    Mabigat nga seguro ang pasanin ng mamuno sa bansa – at mukhang biglang tumangkad si GMA sa picture. Pero kahit kailan hindi marunong sumunod sa regulasyun ang mag-asawa. Iba dapat ang pila ng lalake sa babae dyan sa security check.

  32. MPRivera MPRivera

    Pansinin ninyo ang kodak ng bruha. Mukhang gigil na gigil dahil kinakapkapan siya at tinanggal ang sapatos. Delikado na naman ang laman ng utak ng walanghiyang ‘yan.

    Dahil sa kahiya hiyang ginawa sa kanya katulad ng ordinaryong pasaherong dumadaan sa frisking procedure sa departure ay magbabalak na naman ng agawin niyan ang Malakanyang. Hindi niya matatanggap na tuwing aalis siya ng bansa upang magtago ay kakapkapan siyang ganyan. Sanay kasing meron siyang mga alalay, diretso sa tarmac at VIP ang pagsaludar. Ngayon, ang labas niya ay caretaker ng bulugang baboy.

  33. MPRivera MPRivera

    Kasabihan nga:

    Hindi na baleng hindi pag-usapan ang isang tao kapag wala na siya sapagkat walang maalalang ginawa niya kaysa sa bawat kibot ay punang puro sama bunga ng kasibaan at kasuwapangang pinagdusahan ng iba.

    Tayong Pilipino ay likas na mapagpatawad. Hindi tayo mapagtanim ng sama ng loob. Subalit mahirap paghilumin ang sugat na tagos hanggang buto at ang pagyurak sa ating karapatan ay mahirap ibaon sa limot.

    Paanong tatanggapin ang kanyang pagkamatay kasama kung sa hukay ay labas ang kanyang tuhod?

  34. MPRivera MPRivera

    Paanong tatanggapin ang kanyang pagkamatay, kung sa hukay ay labas ang kanyang tuhod?

  35. Oblak Oblak

    Pareng MPR, akala ko sa correction mo papalitan mo yung tuhod nakalitaw sa hukay.

    Siguro nga sa haba ng panahon mababawasan ang muhi kay Arroyo lalo na kung hindi na sila nakikita ng tao. Pero sa ngayon malayong mangyari at buong pamilya nila lutang na lutang pa rin.

  36. MPRivera MPRivera

    Pareng Oblak,

    Mapapatawad ko ‘yung kanyang mga kasalanan pero hindi ko makakalimutan ang lahat ng kanyang kasinungalingan.

    Kumbaga, hindi ako mapagtanim pero ako’y matandain.

  37. rose rose

    I saw a picture of Congresswoman Imelda Marcos who seemed to be seriously listening to the SONA pero mas mukhang natutulog siya….pero at least she was there unlike putot na tumakas…

  38. jawo jawo

    I saw a picture of Congresswoman Imelda Marcos who seemed to be seriously listening to the SONA pero mas mukhang natutulog siya….pero at least she was there unlike putot na tumakas…————–>rose

    +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Rose, gloria did not have to be there. Gloria was NEVER an ex-president. In fact, she was never a president of the pHilippines at all. Gawa-gawa niya lang iyon. She was never elected as one, she never had a mandate, nothing !! As far as I am concerned, there was a lull in the presidency when gloria usurped power. The buck, as they say, stopped at Erap. Everything else after that was pure fantasy and hallucination. As far as she is concerned however, she is a legend in her own mind.

  39. rose rose

    jawo: May I just clarify what my opinion is…I did not say that gloria as ex-president should have been there…but for me gloria as a duly elected representative of the second district of Pampanga should have been there…isn’t she a congresswoman? was that not congress in session? hindi ko napansin if Erap or FVR were there. I questioned her presence as a congresswoman..not as an expresident (duly elected or not) because she served as such. Imelda was there because she is a duly elected congresswoman of Ilocos…hindi ba?

  40. Sinabi ni Quezon Rep. Danilo Suarez na sila daw ang nagpayo kay Arroyo na huwag dumalo sa unang SONA ni P-Noy dahil sinabi na nga na bubulatlatin ang baho ng kanyang administrasyon. Dahil popular daw si Aquino, kapag pumalakpak daw ang mga tao, baka daw masaktan si Arroyo. – Ellen

    Masasaktan talaga siya pag pumalakpak ang tao. Lalo na kung yung palakpak ay sa batok niya dumadapo.

  41. Hindi naman talaga dapat kakapkapan si Putot, kaso tumunog yung metal detector.

    Ang unang ginawa e pinahubad yung sinturon, pero tumunog pa rin. Kaya ginamitan ng x-ray machine. Nakita sa x-ray yung nawawalang Golden Orinola ng Malakanyang pero hindi naman visible. Mali nga lang ng kinakapkapan dahil wala sa kilikili yung orinola, idinaan at itinago sa butas ng….

  42. jawo jawo

    May I just clarify what my opinion is…I did not say that gloria as ex-president should have been there…but for me gloria as a duly elected representative of the second district of Pampanga should have been there…isn’t she a congresswoman?——->Rose
    #########################################################

    You’re right, Rose. It was, indeed the opening of the joint session of congress when PNoy delivered the SONA. What I do not know however are the rules they follow with each representatives’ attendance. So, BOKYA ako diyan.

    But if gloria herself chose not to be in attendance, does it really matter ? She and Piggy may be stoned to death in Hong Kong for all we care.

    Gloria served as president at her own behest and NOT of the peoples’ collective will. It would have been a tough dilemma for PNoy to have acknowledged her presence and say, Former President goya macapal arroyo…………along side the names of Fidel Ramos and Joseph Estrada because for all of Fidel’s and Erap’s own improprieties, both were elected president. Gloria never was.

  43. gusa77 gusa77

    re#43,kahit saan magtungo si PUTOT at si king of swine,at dadaan sa metal detector kahit balatan mo ng ng todo ay talagang tutunog ang detector,dahil sa kapal at tigas ng mga pagmumukha ay walang tatalo,di lang alam ng nagmomonitor ng detector ay the whole personalities ng nagdadaan sa detector maluluma ang metal na ginagamit sa mga spaceship ng NASA,di kayang tunawin ng milyon degrees of heat,subok na iyan basta sa kapal ng apog nobody could beat ARROYO and thier company sa pakapalan ng mukha.

  44. mer1711 mer1711

    Parang ako lang po ang sasalungat sa mga batikos dito. HINDI ako Maka Gloria at Hindi rin maka Gloria.

    Nararamdaman ko ang mga hirap na nararanasan ng bawat Filipino lalo na sa panunungkulan ni GMA. Pero tama po ba na batikusin natin siya ng ganito? Sa panahon ng kanyang panunungkulan, nagkaroon ng maraming trabaho ang tulad ko na hindi nakatapos. Dahil sa mga BPO, napakain ng mga tulad ko ang aming mga pamilya. Nabili ang halos lahat ng pangangailangan pero di pa rin sapat ang kinikita upang matugunan lahat. May mga tao akong nakikita, nagrereklamo sa hirap ng buhay, ngunit kung sila’y tatanungin kung ano ang ginagawa para sa sarili, sasabihin, wala. Wala silang trabaho, di nakapag aral, at bakit? Sila ay tatawa na lamang.

    Sa SONA ni PNoy, ako ay napabilib dahil naramdaman ko ang pagnanais talaga niyang tumulong. Ang SONA na kanyang ibinahagi ay galing sa puso, ngunit, may mga lapses din naman ito. Katulad na lamang ng isyu sa MRT. Gustong alisin ng pamahalaan ang pagbibigay subsidy sa pamasahe dito. Kung ganun ang magiging policy, parang sinabi na ding ibenta sa halang P30 ang bawat kilo ng NFA Rice. Gusto nilang ilagay ang pondong nakalaan dito sa ibang proyekto. Wala nga namang dagdag buwis, dagdag gastos lang.

  45. dan dan

    tignan mo nga naman ang buhay weather weather lang talaga siguro kung nsa pwesto pa si Gloria di lang sibak aabutin nung kumakapkap sa kanya baka ipakulong pa nya kasama ang photograper. Wala siyang magawa pinaghubad pa ng sapatos na nakadipa at kasunod na ring hihimasin si jose pidal na nakapila rin

  46. jawo jawo

    tignan mo nga naman ang buhay weather weather lang talaga siguro kung nsa pwesto pa si Gloria di lang sibak aabutin nung kumakapkap sa kanya baka ipakulong pa nya kasama ang photograper. Wala siyang magawa pinaghubad pa ng sapatos na nakadipa at kasunod na ring hihimasin si jose pidal na nakapila rin———->Dan

    ^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

    This scenario is a preview of “shape of things to come” It is actually a dress rehearsal for both of them when they enter BILIBID Prison.

  47. tru blue tru blue

    There are laws “exempting specified” VIP’s from security checks, BUT this is not one of them; she is probably now well-known as a hoax and a thief.

    She is now an ordinary citizen and powerless….but she must be cooking something down in the dungeons.

  48. rose rose

    ang ibig sabihin nito ay..wherever they go by air…kakapkapan sila..mag bus na lang sila at walang ganyanan…magingat lang siya sa Arizona..baka pagkamalan ba siyang UFO…(unidentifed foreign object)..

  49. mer1711,

    Kung meron kang dapat pasalamatan tungkol sa BPO, si Erap at Mar Roxas ang nagsimula nun, hindi si Gloria. Ang mga outbound call centers na noo’y tinatawag na telemarketing ay late nineties nagsimula, sa panunungkulan ni Erap at ang kanyang DTI Sec. si Mar Roxas.

    Klaro?

  50. dan dan

    the bottomline is; there’s no such thing as permanent in this world, everything is temporary so DO GOOD!

Comments are closed.