Skip to content

Ang anak ni Chavit

Tinanong si Chavit Singson, gubernador ng Ilocos Sur, kung dadalawin ni Gloria Arroyo ang kanyang anak na si Rep. Ronald Singson sa kulungan sa Hongkong at mariing niyang itinanggi.

At bakit hindi? Di ba magkakaibigan silang matalik? Di ba dapat ang magkakabibigan nagdadamayan? Lalo na kailangan ni Arroyo ang kakampi sa Kongreso. Kahit durugista ang kongresman ng unang distrito ng Ilocos Sur, kakampi pa rin niya yan.

Mahaba-haba yata ang bakasyon nina Arroyo sa Hongkong ngayon. Noong isang linggo pa silang umalis kasama ang kanyang asawang si Mike at ang isa nyang anak na congressman, si Dato.

May nagsabi sa akin na nandun din daw si Lilia Pineda, ang gubernador ngayon ng Pampanga at ibang opisyal ng Pampanga. Maraming kuwarto daw ang okupado nila sa isang mamahaling hotel.

Hindi babaliksi Arroyo sa Manila hanggang Martes. Umiiwas siya sa pagbukas ng Kongreso ngayong araw . Ayaw niya siguro marinig ang state-of-the nation address ni Pangulong Aquino.

Paano kasi, sinabi na ni Aquino na sasabihin niya ang nakakagulantang na katotohanan ng kalagayan natin ngayon.Siguro naman iba yun kaysa yung sinasabi ni Arroyo sa kanyang propaganda na binayaran nating mamamayan na gumanda ang ekonomiya sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Wala naman talagang naniwala sa kanyang pinagsasabi at ramdam na ramdam naman ng lahat ang kahirapan.
Ito namang anak ni Singson, nahulihan ng mga pulis sa Hongkong ng 26.1 gramo ng cocaine at dalawang tabletas ng diazepam sa Hongkong noong July 11. Siyempre kalabuso kaagad.

Hindi kaagad nalaman dito sa Pilipinas. Nalaman lang ito kasi merong isang Pilipino na reporter, si Jan Yumul, na nagtatrabaho sa diyaryo na The Sun sa Hongkong. Araw-araw daw kasi, tinitingnan niya ang listahan ng mga naaresto at nang makita niya ang pangalang “Singson” may suspetsa siyang Pilipino.

Pilipino nga. Si Singson ay negosyante. May-ari ng Channel V na TV station at concert promoter. Kanyang kumpanya ang nagdali sa Manila noong Hulyo 9 kay Usher, ang popular na American singer. Kasosyo niya ang artistang si Jomari Yllana.

Ayon sa Inquirer, nang unang tinawagan nila si Chavit at si Yllana, sinabing nasa Mongolia daw si Ronald. Hindi talaga maitago ang katotohanan. Kaya umamin na rin si Chavit na totoo nga na nahuli ang anak na may bawal na gamot. Sinabi niyang hindi niya kinukunsenti ang pagdu-droga ng anak niya.

Hindi ko alam kung oobra ang lakas at pera ni Chavit sa Hongkong. Ngunit kung sa Pilipinas yan, walang mangyari ang kaso, lalo na congressman siya.

Nakapagtataka nga bakit hindi napansin ang dala niyang gamot sa airport dito. Wala ba siya sa listahan ng PDEA?

Published inIllegal Drugs

34 Comments

  1. MPRivera MPRivera

    “………kailangan ni Arroyo ang kakampi sa Kongreso. Kahit durugista ang kongresman ng unang distrito ng Ilocos Sur, kakampi pa rin niya yan.” – Ellen.

    He he he heeh.

    Ka-jamming ‘ata ‘yan nu’ng anak ni nunal na isa ding adik na sugapa.

    Di ba ang mga uwak ay kauri din ng buwitre?

  2. Mike Mike

    Bleh buti nga! Karma yan kay Chavit dahil marami na siyang sinabit. Ngayon anak naman niya ang nachabit.
    Ibahin nila ang HK, di nila kukunsintihin ang sino man ang may sala, lalo na kung ang involved ay drugs. Pasalamat lang sila at walang bitay sa HK kahit pa sakop ito ng China na may parusang bitay. Ang isang problema pa ng mga Singson ay di nila kaalyado si PNoy kay huwag silang umasang tutulungan sila ng puspusan kung tutulong man.
    Uulitin ko, BLEH BUTI NGA!!!

  3. ken ken

    He’s known to use drugs even by PDEA. Nararapat lang na mahulihan siya sa labas kasi dito sa atin untouchables mga yan. Mismong Pulis di kayang hulihin mga katulad niya. And these Singsons are abusing their influence too much in GMA’s time kaya nararapat lang na makulong mga yan kasi ganid yan sa lipunan natin ngayon, lalo na yang si Chavit. Mga naturingang congressman pa naman yon pala mga law-breakers. nakakahiya na tayo sa ibang bansa. Mga congressmen eh mga drug-lord pala. May araw din yan kay Erap at sa mga inapi nila.

  4. Diego K. Guerrero Diego K. Guerrero

    Kalaboso ang abutin kapag napatunayang drug trafficker siya.
    Ewan ko kung ang 26.1 gramo ng cocaine kasali sa ordinansa. Por kilo ba ang usapan kapag isang drug trafficker?

    Under the Hongkong Dangerous Drugs Ordinance, drug trafficking is a serious offense with maximum penalty of life imprisonment and a fine of 5 million HK dollars.

  5. andres andres

    May karma talaga. Unti-unti ng nararamdaman ni Chavit Singson, hero ng Edsa Dos ang karma sa buhay niya. Masyado lang kasi talagang walang hiya! Pati mga batang 12, 13 , 14 anyos ay kanyang kinukuha at inaangkin. What a sick man!

  6. Tedanz Tedanz

    Sa dinami-dami ng Bansang pagpipilian nila … Mongolia pa. Nakakatuwa no!!!!
    May isa akong kilala diyan na nakangisi sa ngayon … mabait talaga ang Diyos.

  7. hazzelhope hazzelhope

    If Rep. Ronald Singson is found guilty as charged, dapat siguro tanggalin siya sa pag-congressman. Like what happen to the congressman na nakulong sa USA because of campaign contribution to Clinton. Hindi ba tinanggal siya sa congreso “I forgot his name”. Kaya dapat ganyan din ang gawin ng congreso kay Ronald Singson. Kahihiyan siya ng bansang Pilipinas. Congressman na ibinoto yun pala ay drug trafficker. I say drug trafficker dahil nahuli siya sa airport ng Hongkong. If he was caught on the street, that is drug possesion. Tiyak na makukulong itong anak ni Chavit. Iba talaga kapag ang nasa itaas na ang gumawa ng paraan. Pero ang tiyak ko tuwang-tuwa ang Estrada Family. Tama talaga si Erap. Weder-weder lang yan.

  8. Hazzelhope, you are referring to Mark Jimenez?

  9. parasabayan parasabayan

    I heard sabit saying na “konti” lang naman daw yung quantity ng nahuling droga sa anak niya kaya nananawagan siyang pawalang sala yung anak niya. Meron bang ganun? Sa Singapore nga magtapon ka lang ng upos ng sigarilyo sa kalye, kulong ka. This is why matitino ang mga tao.

    I was in Hongkong in the late 70s and early 80s. Super strict sila noon. I do not know now. Ni hindi nga ngumingiti ang mga police ng HK.

    Kahit na pagsamasamahin ang lahat ng assets ni sabit, kulang pa sa fine ng anak niya. HK dollars yan.

    Ang karma nga naman. Marami ng nanakawan at napaiyak ang pamilyang ito. Umpisa pa lang ito ng karma.

  10. Mike Mike

    Kung sa babayarang multa kahit pa HK$ yan ay kayang-kaya ni Sabit yan. Ang tanong lang eh, kaya ba niyang tanggapin na ang kanyang anak ay makakaloboso ng habang buhay sa ibang bansa? I don’t think that the HK authorities will just let him go that easily. Magdusa sila.

  11. From Abante’s column of Jojo Gabinete:

    Drug trafficking ang kaso na isinampa laban kay Congressman Singson. Ironically, nag-file siya sa Kongreso ng bill tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot noong November 14, 2007 at naka-post ang impormasyon sa kanyang official website:

    “A young solon from the Ilocos region filed a bill which seeks the immediate disposal and destruction of confiscated, seized, or surrendered dangerous drugs and paraphernalia to safeguard the well-being of the citizenry particularly the youth, from the harmful effect of dangerous drugs.

    “In his bill, Congressman Ronald V. Singson of the first district of Ilocos Sur cited that “dangerous drugs are one of today’s most serious social ills. The illegal drug menace is now considered public enemy number one and poses a grave threat to the nation’s survi­val and security.”

    “The young lawmaker added that “illegal drugs has alarmingly penetrated almost all sectors of society including government offices, businesses, and even law enforcement agencies and fears that it would only take a little time before the dilemma would be out of control.”

    “Singson pointed out that in many instances, confiscated drugs are recycled to the market by erring lawmen, which his House Bill 2696 aims to correct.

    “Singson explained that “one way to strengthen the government’s program to prevent the spread of drugs is to immediately destroy them lest they be recycled back into the wrong hands.”

  12. jojovelas2005 jojovelas2005

    PNOY should investigate this…paano nakalabas ng pinas ng may droga? Calling on PDEA lagi ko na lang napapanood sa Imbestigador ni Mike Enriquez ang mga squatter na may droga. Can PDEA raid Ilocos Sur?

  13. GMA NEWS Tv reports:

    Chavit says son admitted bringing drugs to HK
    JERRIE M. ABELLA, GMANews.TV 07/25/2010 | 11:15 PM

    Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson on Sunday said his son, Ilocos Sur Rep. Ronald Singson (1st District), has admitted that he was in possession of illegal drugs when he was arrested in Hong Kong early this month

    ———————-

    Pitong taon sa kalaboso. Karma.

  14. Akala ko, simple lang daw ang SONA ni Persi-Noynoy at walang gimikan.

    Eh, eto… ang kaniyang gimmick, so si GulloorrrYYYYaaaa.

    Natakot siguro si GMA na baka akalain ng ibang tao na vigilante-action ay inaprub na ni Noynoy kaya lipad muna sa Hongkong.

  15. BOB BOB

    Sa tema ng salita nitong si Chavit..parang may kasalanan pa ay si Lovi Poe kung bakit nagda-drugs ang anak niya,,,HOY ! Magtigil ka nga ! ikaw talaga ang original na Drug Lord bukod sa Huweteng Lord diyan sa Ilocos…Mabuti nga sa iyo sana mabulok na sa kulungan ang anak mong bobo na matapang lang dahil laging may dalang Baril at body guard..

  16. rose rose

    paano nailabas ang mga drugs? iba na nga naman ang mga makapangyarihan…

  17. florry florry

    Tutulog-tulog yata ang PDEA at ang mga nagbabantay sa mga “check-point” sa airport kaya nakalusot o baka naman natakot sila sa isang congressman singson, o baka may palakasan pa rin.

    May mga corrupt din sa Hong Kong kaya maaring maayos ang kaso. Kasabihan nga, lahat ay may katapat, baka ang milyones ni chavit ay makahanap ng katapat doon. At saka nandoon naman ang mga best friends niyang si gloria at mike at nandoon din ang “companera” niya sa jueteng na pineda at nakahandang umalalay sa kaniya kung kailangan.

    Huwag naman sana para makaranas naman itong mga singson na maparusahan at makatikim ng kulungan. Kung diyan sa Pilipinas nangyari, ni ang building ng kulungan ay hindi malalaman nito kung nasaan.

    marami ng kaso at kasalanan si chavit, pagpatay kay prov. auditor chan at iba pa at saka marami ng ninakaw na pera ng bayan, dapat ang admin ni Noynoy ay pa-imbestigahan ito at pagbayarin sa mga kasalanan niya.

    May gagawin kaya ang bagong admin sa mga kaso ni chavit?

  18. We have money laundering police generals,a drug traficking congressman, a military gives arms to Ampatuans, what else do we need?

  19. jawo jawo

    We have money laundering police generals,a drug traficking congressman, a military gives arms to Ampatuans, what else do we need?————>juggernaut – July 26, 2010 11:11 am
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    What else do we need ? Are you serious ? NOTHING MORE, PLEASE !!! We have them all !!!Corrupt public officials called, “honorable”, spineless (and plagiarist) men in black robes called, magistrates, conniving men of the cloth, called bishops, un-touchable men the likes of Sabit Singson, (some) corrupt military men with questionable ranks, called, generals, and an ex-presumptuous and mandate-less criminal-coddler who called herself as “her excellency, the president”.

    What else do we need ? Hang them all….twice……thrice (at baka hindi ma-dale sa unang bagsak). And then shoot them while they hang to make sure they leave for the after-life ….in peace. That’s what we need.

  20. ken ken

    Inappoint pa ni Evil Glorya na maging Deputy Security Adviser noon eh yon pala ang sini-secure lang niya e ang kanilang mga illegal na transactions nila ni Evil Glorya at Peggy Mike, mga illegal drugs, jueting, gambling, money laundering at prostitution pa!

    Ganid talaga sa lipunan mga Singson na yan. Lalo lang lumala mga droga sa atin sa 9 years reign ni Evil Glorya. Sige ipag-depensa niyo sa HK mga kamalian ninyo, tingnan lang namin kung ano mapapala niyo mga Sabit! Dapat sa inyo mabulok na dyan o di kaya e firing squad ng mga authorities dyan.

  21. MPRivera MPRivera

    “The maximum penalty for major drug offences such as trafficking and manufacturing of dangerous drugs is life imprisonment and a fine of $5 million.

    Under Section (8) of the The Dangerous Drugs Ordinance, any person has in his possession; or smoke, inhale, ingest or inject a dangerous drug shall be guilty of an offence and shall be liable on conviction upon indictment to a fine of $1 million and, subject to section 54A, to imprisonment for 7 years; or on summary conviction to a fine of $100,000 and, subject to section 54A, to imprisonment for 3 years.

    http://www.abante.com.ph/issue/july2610/ent_jg.htm

    Drug trafficking ang kasong isinampa laban kay Ronald Singson. Ang nakakatawa, siya ang nag-file sa Kongreso ng bill tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot at naka-post pa ang impormasyon sa kanyang official website, ‘yun pala siya rin ang unang unang lumalabag sa panukala niyang ito.

    Patunay lamang na ang balat ng santol ay hindi magiging balat ng mangga kahit pareho sila ng lasa.

    Magpahinog siya ngayon sa loob ng kalaboso!

    Ganti ganti katwiran, magbayad ang kawatan.

  22. MPRivera MPRivera

    “…..and an ex-presumptuous and mandate-less criminal-coddler who called herself as “her excellency, the president”. – jawo.

    Pareng Jawo, I disagree!

    The never elected woman who called herself president WAS and IS a criminal herself, not just a coddler. Even the most decent member of her mandateless cabinet became corrupt being greatly influenced by her greed and lies. Showed only how the goyang damaged the decency of public office.

  23. Becky Becky

    In the initial reports, Chavit said they were in Mongolia. Akala nila makalusot.

    Now, they are asking HK authorities to deport Singson back to Manila. Because here, madaling ayusin.

    Chavit said kunti lang naman daw yun. Problema, he was caught at the airport. That’s why the charge is trafficking.Unlike if he was caught in HK using it, he would be considered just a drug user.

    Karma nga talaga.

  24. zenytj zenytj

    dito sa hongkong pag nagkasala ka kulong lalo nat drugs,dito walang mahirap o mayaman kulong ka,mayron kaming free newspaper the sun,hongkong news.alam niyang mahigpit dito sa hongkong,mabuti yon sa kaniya para malaman niya hindi ito pilipinas.dito makapulot ka ng kahit ano pag na trace kulong ka,kaya pag may makita ka huwag kunin for your safety.

  25. zenytj zenytj

    medyo matagal na rin ako dito sa hongkong kaya alam ko ang patakaran dito,going 19years nadin,gusto niya segurong subukan ang makulong dito sa hongkong kasi ibang bansa ha.ha.ha.nagsawa na sa pilipinas dito magkalat,nilalait na nga tayo na bansa ng mga katulong dinagdagan pa lalot opesiyal siya sa pilipinas.

  26. zenytj zenytj

    andaming nakulong na mga kasama namin dito nakakaawa sila lalo nat may pamilya na umaasa sa kanila,kung walang kamag anak walang dadalaw sa kanila sa kulungan.

  27. zenytj zenytj

    dapat pagpunta mo dito kaylangan,masipag,mapagkatiwalaan,patient,para magustuhan ka ng amo,hindi ka pakakawalan,hindi yong pupunta ka dito gagawa ka ng masama hindi kana makabalik dito.siguro may pinag aralan siya bakit niya ginawa yon,

  28. Ayaw talaga tayong tigilan. Kelan nyo kami pagpapahingahin sa kahihiyan?

    Drug Trafficker is a Philippine Congresman.

    Napakapangit na headline.

  29. Sinabi ko na nga ba, anak ni Chavit yung Ronald Singson na magaling mag-poker sa Metro Card Club. Hayup mag-concentrate sa laro, kaya pala, e naka-cocaine. Kundi ako nagkakamali kasosyo siya sa club kasi barkada niya lahat ng kilalang may-ari.

    Pero yung 26.1 grams debatable kung “trafficking quantity” maituturing yon dahil yung mga sugapa (na may kwarta), kayang ubusin yan in a few days, pero I doubt kung kaya niyang ubusin yan ng solo. Kilalang galante ang mga Singson, hindi malayong libre ang lahat niyang tropa pag “gumamit”.

    Saka bakit dalawang Valium lang ang baon niya? Kung matagal na siyang gumagamit ay bitin at wala ng epekto ang dalawang Valium lang. Karamihan ng mga speed (uppers) users gumagamit ng Valium o Trazepam (downers) pag ayaw na nila nung tama o yung hangover. Two possibilities: A) Kaya niyang ubusin yung 26.1 grams in one night at kasya na yung 2 Valium for the next day. B) Konti lang siya gumamit at yung matitira niya ay merong ibang pagbibigyan o pagbebentahan.

  30. I was not impressed the first time I read that Ronald Singson filed a bill for immediate disposal of confiscated drugs. In fact mas nagduda ako. Di ko kasi makalimutan yung sinabi ni Atong Ang sa Senado na merong mini-submarine si Chavit. Anong mahalagang bagay ang maisasakay mo dun sa liit non, na kayang ipambawi ng pambili ng submarine? Walang iba kundi drugs!

    Isisingit lang sa final version ng batas na kailangan personal witness siya sa disposal pero ang totoong dahilan ay makakuha ng libreng supply ng walang gastos, wala pang huli.

    Alam mo naman yung mga nasa gobyerno, basta iutos ni Congressman, wala nang magawa. Sabihin lang na “iwan na ninyo kami, kami na ang magsusunog”. E anak pa ni Chavit yan, gusto ba nilang maging fertilizer ng tabako?

    Habambuhay ka na diyan Ronald. Masahol pa sa minaltratong DH ang inabot mo.

  31. jawo jawo

    The never elected woman who called herself president WAS and IS a criminal herself, not just a coddler. Even the most decent member of her mandateless cabinet became corrupt being greatly influenced by her greed and lies. Showed only how the goyang damaged the decency of public office.—————->MPRivera
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++=
    Ooooops, I thought I had already made it obviously implied. Nagkulang yata ako doon ah (lapse in judgement—–parang si goyang—he-he-he-he).

    But we share the same burning thought that goyang was (and still is) the alter-ego of EVIL herself.

  32. tru blue tru blue

    This drugster is on drugs…he thinks he was in Manila airport. Yeah…he needs to taste prison life, paglabas nyan, born-again sigurado.

Comments are closed.